Hindi na muli pang nakita ni Kelly si Ryker pagkatapos magpaalam ng binata na bumalik ito sa syudad. Kung bibilangin niya ang araw na hindi ito bigla sumusulpot sa library ay halos isang linggo na ang nakalipas. At aminin niya na may oras na napapasulyap siya sa pinto upang tignan kung naroon ang binata at pinagmamasdan siya. Kung ma-re-realize niya ang kinikilos ay agarang kinakastigo niya ang kaniyang sarili. Ilang beses pa nga siyang ginulat ni Samuel dahil nakatulala raw siya sa pinto na animo naghihintay ng pasko.Ang kaibigan niyang si Arthur ay minsan na ring naabutan siya sa ganoong momentum at nakakatanggap siya ng batok dito. Pasimple na lamang siyang kikilos ng kaswal at magdadahilan na may iniisip siya. Subalit hindi nito tinanggap ang rason niya. Mataman itong mapapatitig sa kaniya na parang inaarok ang iniisip niya. At kapag susubukan niyang mag-iwas ng tingin ay paniningkitan siya nito ng mata. Ngunit magkaganun pa man ay hindi niya ibubuka ang bibig upang magpaliwanag
Pagkarating nila ng hospital ay nagmamadali na siyang pumasok at tinanong ang isang nurse na nakatuka sa information desk kung nasaan ang kan'yang Lolo Manuel. Nang sinabi nito ang operating room ay lakad takbong binaybay niya ang pasilyo hanggang sa makita niya ang magulang na naroon at naghihintay sa labas ng OR. Napahinto siya at kumuyom ang kan'yang kamao habang namamalisbis ang luha sa mata niya. Pakiramdam niya ay may nagtatakbuhang kabayo sa dibdib niya dahil sa kirot nang makita ang namumugtong mata ng magulang at kamag-anak niya.Biglang naparalisa ang buong katawan niya at hindi siya makakilos. Humihigpit na rin ang dibdib niya at hindi makahinga sa labis na takot at pag-aalala. Ang huling beses na tumapak siya rito sa hospital ay noong nagkasakit ang kaniyang lola sa mother's side. Na-diagnosed ito ng cancer at nasa last stage na. Ganito rin ang naging reaksyon niya noon na halos ayaw niyang makita ang abuela. Nakatayo lamang siya sa labas ng private room ng halos kalahari
Naging successful ang operasyon ng kaniyang lolo ngunit kailangang manatili ito sa ICU upang obserbahan ang vitals nito. Labis ang kaligayahang naramdaman ni Kelly sa balitang ito. Ang takot na mawala ang lolo niya agad nabura at napalitang tuwa ang buong pagkatao niya. Ang guilt na naramdaman niya pagkatapos niyang 'di bisitahin ang Lola niya ay unti-unting nawawala. Ang discomfort sa puso niya ay tuluyan na ring nabura. Kaya na niyang tumayo sa labas ng ICU at panoorin ang Lolo niya na nakahiga sa sickbed.Eleven o'clock na ng gabi at umuwi ang magulang niya. Ang kuya naman niya ay nasa canteen ng hospital para kumain. Aakyat din ito mamaya para samahan siya rito na magbantay.Nagpresenta siya na babantayan niya ang lolo niya hanggang sa ma-discharge ito. Kanina lamang ay tinawagan niya ang boss niya at sinabing kailangan niya ng indefinite leave para bantayan ang kan'yang Lolo. Agad pumayag ang boss niya dahil on process na rin naman ang resignation letter niya. Labis naman ang pas
Naramdaman niyang sinusubukan nitong buksan ang nakapinid niyang labi gamit ang dila nito. Nanginig siya at hinawakan ang damit nito upang maghanap ng suporta. Naramdaman nito ang naging reaksyon niya kaya pumaikot ang kamay nito sa baywang niya.May kumawalang daing sa lalamunan niya nang sipsipin nito ang dila niya pagkatapos ay kagatin. Nilunok niya ang kanilang laway na naghalo. Nagsimulang siniyasat ng dila nito gilagid niya, ninanamnam ang bawat sulok nito.Ngunit nang maramdaman niya ang mainit nitong palad sa kanyang balat ay nagising siya at tinulak ito ng malakas. Tinitigan niya ito ng nanlalaki ang mga mata at mabilis ang tibok ng kaniyang puso. Mabilis ang kan'yang paghinga habang nakamasid dito. Napaatras pa siya at bago ito makakilos para pigilan siya ay nakatakbo na siya palabas. Ngunit hindi pa rin niya nakaligtaang hilahin ang pinto para isara iyon.Dumeretso siya sa kuwarto niya at sumandal sa likod ng pinto. Inilagay niya ang palad sa may bandang dibdib niya habang
Ramdam ni Kelly ang takot at humiliation habang yakap yakap siya ni Ryker. Hindi niya lubos maisip na gagawin ng binata ang nakakahiyang bagay na 'to sa mismong harapan ng natutulog na abuelo niya. Kahit pa hindi aware ang matanda ay nakaramdam siya ng pagkasura. Nasaan ang dignidad at respeto niya sa sarili kung hahayaan niyang gawin ito ng binata sa kaniya.Hindi rin niya naiwasang makaramdam ng takot sa binata. Nakaya nitong gawin ito sa kan'ya ngayon nang hindi man lang inaalala ang kahihinatnan. Paano 'pag biglang dumating ang pamilya niya, ang kaibigan niya? Anong mukha ang ihaharap niya sa kanila?"Umalis ka na!" may katigasan ang tonong wika niya. "Please!"Bumuntong hininga ito at binitawan siya. "I'm really sorry! Sana hindi ito maging dahilan para bawiin mo ang pagpayag mong magtrabaho sa akin."Hindi niya pinansin ang sinabi nito o humarap man lang. Saka lamang siya nanghihinang naupo sa silya nang umalis na ang binata. Sumubsob siya sa kan'yang mga palad at prinoseso sa u
Sa araw na na-discharge ang Lolo Manuel niya ay animo nabilog ang utak niya nang marinig ang sinabi ng cashier sa kaniya. Siya kasi ang inutusan na magbayad ng bill ng kan'yang Lolo. Ngunit nang sabihin niya ang pangalan ay lumuwa yata ang mata niya nang sabihin nilang bayad na lahat. Tinanong niya kung sino ang nagbayad at parang nabingi siya sa sagot ng cashier. Isang matangkad at guwapong binata ang nagbayad daw ng bill. Sa description pa lang ay nahulaan na niya kung sino.Ano ang iniisip ni Ryker at binayaran nito ang bill ng Lolo niya? Alam niya na napalapit na ang binata simula nang binisita nito ang Lolo niya. Ang mga kamag-anak din niya ay halatang hanga sa binata. Maliban lang sa kuya niya kahit ayaw nito sa lalaki ay pormal at civil pa rin ang pakikitungo nito sa una. Pero hindi ito valid reason para bayaran nito ang bill. Barya man dito ang perang pinambayad nito pero sa kanila ay malaki na iyon.Tulalang naglakad siya pabalik sa ward kung saan naghihintay ang kamag-anak a
Agad lumipas ang mga araw nang hindi niya namamalayan. Naaprubahan na ang resignation ni Kelly ng kaniyang Boss at pupunta na siya sa syudad. Lahat ng mga dadalhin niyang gamit ay maayos na nailagay na niya sa kaniyang maleta. Ang pamilya niya at ang kaibigang si Arthur ay nasa ibaba na at hinihintay siyang pumanog.Sa kaibuturan ng puso niya ay may bumubulong na huwag siyang tumuloy pero mas malakas ang sigaw ng utak niya na kailangan niyang tumuloy para magbayad ng utang. Hindi naman masasabing utang dahil siya ang gumiit na bayaran niya si Ryker. At tungkol sa bagay na 'to ay hindi niya binanggit sa pamilya niya. Gusto niyang sarilinin na lang para hindi na lumaki. Kilala niya ang relatives niya at baka hindi sila titigil hangga't 'di nila binabayaran ang ginastos ng binata.Hinila na niya ang maleta at pumanaog. Hindi pa man siya nakakababa ay nakita na niya ang pamilya niya sa sala na napatingala sa kaniya. Ngunit ang unang nakuha ng atensiyon niya ay ang binata na nakaupo at kau
Ang dormitory building na binanggit ng binata ay limang palapag lamang. Ayon sa binata, karamihan sa nagdisisyon na tumira rito at umupa ay mga binata at dalaga. Ang mga may pamilya naman na empleyado nito ay hindi raw dito nakatira at siguro ay may sarili na silang bahay.May fifteen rooms bawat floor. Sa pang-apat na palapag siya dinala ng binata. Ito pa mismo ang nagbukas ng pinto at sumunod siyang pumasok nang mahila na nito ang maleta niya sa loob. Agad na inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng flat. May sofa sa maliit na living room at maliit na center table. May dalawang sariling kuwarto, banyo at kusina ito.Nilinga siya ni Ryker at ngumiti. "Tignan mo kung magugustuhan mo. Kung hindi ay may mas magandang lugar na puwede mong tirhan. I can assure you that everything in that place is perfect," biro nito.Bumungisngis siya at tinaasan ito ng kilay. "Ang tinutukoy mo ba na 'yan ay may mga maids na maghahanda lahat ng kailanganin ko? Magluluto ng pagkain ko at maglalaba at mamalan
Sa buhay ng isang tao, ang sabi ng iba kapag ikinasal ka na ay iyon na ang kaligayahan na mararanasan mo sa buhay mo. Ito na ang pinaka importanteng parte sa buhay mo na hindi mo dapat na laktawan. A part of your life that you will cherish until you're old. Lalo na 'pag ang taong pakakasalan mo ay ang taong matagal mo nang inaasam. Ang taong pinili mong makasama at makapiling hanggang sa iyong pagtanda.Siya iyong taong makakasama mong haharapin lahat ng unos at bagyong darating sa buhay ninyo. Hindi ka tatalikuran at handang tanggapin ang ano mang flows na meron ka. Kung may mood swings at tantrums ka ay hindi ito magsasawang intindihin ka. At sasamahan ka rin sa hirap at sa ginhawa.Lahat ng 'to ay haharapin nilang dalawa nang may respeto at pagmamahal sa isa't isa. Kung may away man at hindi pagkakaintindihan ay hindi sa hiwalayan ang bagsak kundi pag-usapan ninyong dalawa. Iyong magkakaroon talaga kayo ng heart to heart talk. Sabihin kung may tampo ang isa sa inyo at aayusin ninyo
Nakahiga si Kelly sa hammock, sa paborito niyang puwesto sa kanilang bahay habang si Ryker ay nakaupo sa wicker chair at mahinang tinutulak iyon. Nakapikit siya ngunit hindi naman siya tulog. Ninanamnam niya ang malamig na simoy ng hangin habang nag-eenjoy na pinagsisilbihan siya ng binata. Katatapos lang ng lunch nila kanina at dito nila naisipang mag-siesta.Ang plano nila ay bukas na ang photoshoot nila para sa kanilang kasal. At dito rin mismo sa kanila gagawin. Paparito ang photographer na kakilala ng ina nito mamayang hapon. Kanina lamang sinabi ni Ryker sa kaniya na ipinaayos na pala nito iyon kay Rhian habang nasa hospital ito. Ang gusto kasi ni Ryker ay pagkatapos na mag-propose ito ay isusunod agad nila ang kasal habang hindi pa lumalaki ang tiyan niya. Hindi sa ikinakahiya nito na buntis siya bago pa man sila ikasal. Ang punto ni Ryker ay para hindi raw siya mahirapan. Lalo na ang isusuot niyang wedding gown.Naikuwento na rin nito ang tungkol sa paghuli nila kay Morello at
Kelly sullenly look at herself in the mirror pagkatapos niyang magpalit ng damit at isuot ang gown. Hindi niya magawang ngumiti at makaramdam ng tuwa kahit nagsisimula na ang selebrasyon sa bakuran ng kanilang bahay. Paano niya magawang pekehen ang tawa niya kung nag-aalala siya sa kaniyang katipan. Kung hindi lang niya iniisip na pinaghirapang ng pamilya niyang ihanda ang okasyon ngayon ay hindi siya lalabas para harapin ang mga bisita.Muli niyang sinulyapan ang repleksyon niya sa salamin at pilit na nagplaster ng ngiti sa kaniyang labi pero naging tabingi ang labas 'nun. She took another deep breath and turned to her hills. Nalingunan niya ang ama na inilahad agad ang kamay sa kaniya. Walang imik na tinanggap niya iyon at lumabas na sila ng kaniyang kuwarto. Naririnig na niya ang boses ng kumakantang banda na inupahan din ng magulang niya na tutogtog ngayong gabi.Habang pumapanaog sila ay sobrang sama talaga ng loob niya. Pinipilit lang talaga niyang kalmahin ang sarili niya."Mag
"K-Kuya!!" tabingi ang ngiting bulalas ni Rhian at mabilis na itinago ang cellphone sa kaniyang likod. Animo tumalon pa ang puso niya sa ribcage niya dahil sa gulat nang malingunan ito.When she saw his piercing gaze, she almost crumpled in fright. Humigpit ang hawak niya sa cellphone na itinatago niya sa kaniyang likod. Hindi niya sigurado kung narinig nito ang sinabi niya kaya kinakabahan siya."What?" Galing si Ryker sa banyo para magpalit ng damit at ngayon lang nila ito pinayagan na ma-discharge rito sa hospital. Katunayan ay pinayagan na ng doctor na puwede na itong umuwi noong isang araw pa pero silang pamilya nito ang nagpumilit na dumito muna ito sa hospital para makapagpahinga ng maigi. Kahit na iginiit niyang kaya na niya ay overreacting ang tatlong babae sa pamilya niya. At kung nandito lang din si Kelly ay baka mas malala pa ang gagawin nitong pagbantay sa kaniya.Sinadya talaga niyang hindi tawagan at kontakin si Kelly dahil nate-tempt siya na sabihin dito ang nangyari s
"Birthday mo sa sabado, hindi ba?" tanong ni Arthur kay Kelly. Nasa likod ng bahay nila silang dalawa at nakaupo sa wicker chair na binili ng kaniyang ina. Malamig kasi dito sa bandang 'to lalo 'pag hapon na kaya dito sila tumambay na magkaibigan. Nakaka-relax din siya rito 'pag nilalanghap niya ang malinis na simoy ng hangin at dinadala pa 'nun ang bango ng mga bulaklak na tanim ng kaniyang ina. Nagpasadya pa siya sa kaniyang ama ng hammock dito at kapag inaantok siya ay dito siya matutulog maghapon. Kung hindi siya gigisingin ng magulang at kuya niya ay baka hindi pa siya magigising at papasok sa loob."Oo, ang sabi ni mama ay maliit na salu-salo silang ihahanda kaya kailangan ay dumalo ka," tugon niya. Sinabi na niya na huwag na silang mag-abala pang mag-celebrate pero iginiit iyon ng kaniyang magulang kaya hindi na siya komontra pa."Aba! Siyempre, dadalo ako!" bulalas nito kaya natawa siya. Ang boses kasi na ginamit nito ay animo isang teenager na excited na pupunta sa isang prom
Hindi maipinta ang mukha ni Kelly habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Tatlong araw nang hindi niya makontak si Ryker at hindi rin ito sumubok na tumawag sa kaniya. Sinubukan din niyang tawagan si Rhian at ang Tita Lana pero walang sumasagot sa dalawa. Ni hindi sila nagbalita sa kaniya kung ano na ang nangyari sa kaso ni Morello. Hindi niya alam kung nahuli na ba ang lalaki o hindi pa.Ang huling tawagan lang nila ay nung gabing inaantok na talaga siya. Sa una ay sinabi niya sa sariling baka abala ito. Pero nang lumipas na ang tatlong araw na wala itong paramdam ay nakaramdam na siya ng panibugho. Hindi lang 'yun, binabaha na rin siya ng pag-aalala para sa binata at kay Sydney. Paano kung may masamang nangyari na sa kanila? At kaya hindi sinasagot ni Ryker ang tawag niya ay dahil ayaw nitong malaman niya ang nangyari sa kanila.Kanina ay nagpumilit siyang lumuwas pero tinutulan at pinigilan siya ng magulang niya lalo na ang kuya niya na mas matindi pa ang reaksyon sa sinabi niya.
Tumaas ang sulok ng labi ni Ryker nang makita niya ang isang anino sa walang ilaw na parte ng parking lot ng hospital. Nasa loob siya ng kaniyang sasakyan na nakaparada sa parking lot sa likod hospital. Dito niya piniling maghintay. Ang sasakyan na gamit niya ay isang rental car. Kailangan niyang gumamit kasi ng ibang sasakyan dahil alam niyang makikilala agad siya kung ang sasakyan niya ang gamitin niya.Hindi sana siya dapat na payagan ng uncle niya na tumulong ngayong gabi subalit nagpumilit siya. Gusto niyang siya mismo ang makahuli kay Dino o kahit na sino sa binayaran ni Morello para patayin siya.Ang mga kasama niyang Police na naghihintay na mahuli nila si Morello o kahit si Dino ay nagtatago rin sa ibang sulok at parte ng hospital. Paano niya nalaman na ngayong gabi kikilos si Morello? Simple lang, pagkatapos ng board meeting nila kanina ay lumapit si Morello at binantaan siya. He said he will never let him get away from trampling his face and would not admit defeat. Sinabi p
Mariing kinagat ni Kelly ang kaniyang labi para pigilan ang sariling umiyak nang makitang nasa himpapawid ang chopper ni Ryker. Maagang gumising ang binata dahil babalik na ito sa syudad. Ang plano sana nito ay hindi na siya gisingin pero pagbaba pa lang nito ng kama ay bumangon na siya at mahigpit na niyakap patalikod ang binata. At kahit na anong pilit nitong bitiwan niya ito para makapaghanda na ito ay umiling siya at sinubsob ang mukha sa likod nito. Halos mag-iisang oras na masuyong kinausap siya nito bago siya pumayag na bumitaw dito at hinayaan na maligo at makapalit ng damit.In fact, she's suppressing herself to stop him from going back. Gusto niyang makiusap na bukas na lang ito babalik o kaya ay sa susunod na araw pero alam niyang hindi puwede.Namumula ang matang nagyuko siya nang tuluyang lumiit na ang chopper at 'di na niya iyon matanaw. Kahit anong pilit na pigilan niya ang luha ay nalaglag pa rin iyon at napahikbi siya. Pinunasan niya ang mukha niya pero nabasa lang mul
Katatapos lamang nilang kumain ng hapunan at nasa may sala sila habang nagpapababa ng kanilang kinain. Nandito rin ang kaibigan niyang si Arthur na todo iwas sa kaniya dahil ginigisa talaga niya ito ng tingin. Kung hindi lang dahil kay Ryker na palaging nakahawak sa kamay niya ay kanina pa niya hinila ang kaibigan para piliting magkuwento ito.Nang makita niyang nagtago na naman si Arthur kay William ay naningkit ang kaniyang mata at aktong tatayo na pero ginagap ni Ryker ang palad niya. Akmang babawiin niya ang kamay pero humigpit ang pagkakahawak doon ni Ryker. Nang balingan niya ito ay ngumiti ito at bumulong."You're making your friend uncomfortable," he whispered."But it's his fault for hiding his relationship with my kuya," She wrinkled her nose as she blamed Arthur. Tinatawagan naman niya ito pero hindi nito binabanggit iyon. Balak talaga nitong itago ang tungkol doon. "Hmp!! Humanda siya dahil marami na akong chance para iprito siya sa kumukulong mantika. Kukurutin ko ang sin