Share

The Obscure Truth
The Obscure Truth
Author: AtengKadiwa

Prolouge

Author: AtengKadiwa
last update Huling Na-update: 2022-07-07 09:47:50

PROLOUGE

GABI, Abala ang Pamilya Lorenzo na pinagsasaluhan ang isang simpleng hapunan sa hapag-kainan na sina Cryzel na nakaupo sa kaliwang bahagi ng mesa, si Honeyzel, na kaniyang kapatid na nasa kaniyang tabi, ang kaniyang ama at ina na sina Valeno at Ricaella Lorenzo na nakaupo sa kanilang harapan. 

Simple lang ang buhay na mayroon sila. Hindi mahirap, hindi mayaman sakto lang. Nakararaos sa pang-araw-araw na pamumuhay. Pero sa lipunang kanilang ginagalawan, mahirap pa rin ang lagay nila.

Dahil sa katahimikang namamagitan sa kanila, nagpasya si Cryzel na magbukas ng isang paksa para kahit papaano mawala ang katahimikan na lumulukob sa kanila. Tiningnan niya ang kaniyang ama, ina at kapatid na maganang kumakain.

"Nay, Tay. Dahil may ipon na ako kahit papaano. Binabalak ko po na iparenovate itong bahay kahit iyong salas lang po sana. Sang-ayon po ba kayo sa binabalak ko?" tanong niya. 

Ayaw gumawa ng hakbang si Cryzel ng wala ang pahintulot ng kaniyang ina, dahil tiyak na katakot-takot na sermon ang aabutin niya kapag nagkataon. Kaya hangga't maaari, isinasangguni muna niya sa ina ang kaniyang desisyon.

Kung ang kaniyang ama naman na si Valeno ang tatanungin, hindi siya humahadlang sa desisyon ni Cryzel. Mula sa ginagawang paghiwa ng karne na nasa plato si Valeno nag-angat siya ng tingin at tiningnan si Cryzel at ginawaran ng isang ngiti ang anak.

"Oo naman, bakit hindi— naputol ang sasabihin ni Valeno dahil biglang sumingit si Ricaella. 

Hindi na bago iyon kay Valeno, kahit minsan nararamdaman niya ang pagkikielam ni Ricaella sa mga desisyon niya bilang ama ng tahanan, wala siyang magawa kundi hayaan nalang ang asawa dahil ayaw niya rin na pagmulan iyon ng pagtatalo nilang mag-asawa at maging sanhi pa na mas lalong mag-init ang ulo ni Ricaella kay Cryzel. Binalingan ni Ricaella si Valeno.

Kitang-kita ni Cryzel ang pagtalim ng mata ng kaniyang ina ng balingan nito ang kaniyang ama. Hindi maiwasang itanong ni Cryzel sa sarili kung bakit ganun makatingin ang kaniyang ina pero mas minabuti nalang niyang manahimik kahit na nasasaktan siya, dahil alam naman na niya ang kung bakit. Ang kaniyang kapatid na si Honeyzel ay nakikinig lamang sa kanila. 

"Hindi ako pumapayag! Ipunin mo nalang iyan, kung sakali man magkaroon ng di inaasahang pangyayari. Kahit papaano may maidudukot tayo. Ayos pa naman ang salas, hindi mo kailangang gastusin ang pera para sa walang kwentang bagay! Hindi mo ba alam kung gaano kahirap ang buhay ngayon?" ani Ricaella na makikita ang pagtalim ng mata na nakatingin kay Cryzel.

Hindi napigilan ni Cryzel ang manginig sa mgacsalitang binitawan ng kaniyang ina. Pero hindi niya hinayaang matinag siya. Sinalubong niya ang titig nito.

"Pero, nakahiwalay po ang savings ko para sa bahay at para sa emergency, inay. Kaya ayos lang po iyon. Para narin— pinutol na naman ng kaniyang ina ang mga sasabihin niya.

"Bakit ba ang kulit mo, Cryzel?! Hindi ka ba nakikinig at ipipilit mo ang gusto mo?!" bulyaw ng kaniyang ina na may kasamang panlalaki ng mga mata. 

Hindi naiwasan ni Cryzel ang makaramdam ng takot at sakit sa ginawang pagbulyaw ng kaniyang ina. Ano ba ang nagawa niya para magalit sa kaniya ng ganoon ang kaniyang ina? Nagmamagandang-loob lang naman siya? Gagawin niya iyon bilang pagtanaw ng utang na loob sa ina, mali ba iyon? Hindi niya mapihilang itanong sa kaniyang isipan.

Noon pa man, hindi talaga maganda ang pakikitungo sa kaniya ng kaniyang ina. Lagi itong nagagalit sa mga sinasabi niya, kahit sa maliit na bagay at dagli itong nagagalit na labis niyang ipinagtataka. 

Pero, ni minsan hindi niya magawang magalit rito dahil ito ang nagpalaki sa kaniya at utang na loob niya ang buhay rito. Wala siya sa mundong ito, kung hindi dahil sa kaniyang ina na nagluwal sa kaniya.

Pero, labis na nasasaktan si Cryzel sa mga masasakit na sinasabi ng kaniyang ina at malamig na pakikitungo sa kaniya. Pakiramdam niya hindi siya tunay na anak dahil maayos naman ang pakikitungo nito sa kaniyang kapatid. Pero, hindi niya hinayaan ang sarili na lukubin siya ng paninibugho at pananaghili. 

Subalit, dagli din niya iyong iwinawaglit kapag pumapasok iyon sa kaniyang isipan. Mali ang mag-isip siya ng ganoon, marahil may problema lang ang kaniyang ina lalo at nagtratrabaho ito.

"Pasensya na po, inay. Hindi ko po sinasadya." nagpapakumbaba niyang sabi. Biglang tumayo ang kaniyang ina na nagdulot ng  malakas na tunog na nagmula sa upuan. 

"Sa susunod, huwag mo na uulitin! Nawalan na ako ng gana! Hindi mo man lang tyenetyempo ng maayos ang pagtatanong mo!" galit na saad ng kaniyang ina at naglakad palabas ng bahay. 

Pinagdikit niya ang mga labi para pigilin ang sarili sa paghikbi. Pero kahit anong pigil niya, hindi pa rin nakatakas sa kaniyang kaliwang mata ang luha na namalisbis doon. Lumapit si Honeyzel sa kaniya at hinagod ang kaniyang likod para kahit papaano maibsan ang sakit na nararamdaman.

"Pagpasensiyahan mo na si inay, baka wala lang siya mood o baka pagod lang." ani Honeyzel habang hinahagod pa rin ang kaniyang likod. Tumango si Cryzel at sinulyapan ang kaniyang ama na kababakasan ng lungkot ang mga matang nakatitig kay Cryzel.

"Humihingi rin ako ng pasensiya anak sa inasal ng iyong ina. Habaan mo nalang ang iyong pasensiya. Ayaw ko na rin makipag-argumemto pa sa kaniya at baka yun pa ang maging dahilan para pag-initan ka pa niya lalo." ani ni Valeno na punong-puno ng pagsisisi ang mukha.

"Ayos lang po, itay. Naiintindihan ko po. Hindi pa rin ako nawawalan ng loob na darating ang araw na magiging maayos din ang pakikitungo sakin ni Inay." ani Cryzel at ngumiti sa kaniyang ama. 

Oo, nasasaktan siya sa ipinakita sa kaniyang ng kaniyang inay pero hindi siya nawawalan ng pag-asa na darating ang panahon na magbabago ang kaniyang ina at magiging maayos ang pakikitungo sa kaniya at itratrato siya ng maayos.

"Salamat, anak. Ikinagagalak ko na naging anak kita, dahil napakabuti ng iyong loob." anang kaniyang ama na punong-puno ng paghanga ang kislap ng mga mata.

"Wala pong anuman, itay. Nagpapasalamat din po ako dahil kayo ang aking ama, kayong dalawa ni Honey ang dahilan kung bakit di ako sumusuko sa hamon ng buhay. Kayo ang nagsilbing lakas ko." ani Cryzel at sinulyapan ang kapatid na may malamlam na titig at matamis na ngiti. Niyakap siya ni Honey.

"Maraming salamat, ate." ani Honey.

Hindi siya pwedeng mawalan ng loob. Hindi makabubuti sa kaniya ang magpaapekto sa mga problema at pagsubok na dumarating sa kaniyang buhay. May negosyo siyang inaalagaan na kung saan may mga empleyado siya na sa kaniya umaasa ng ikinabubuhay at dapat siyang maging matatag at di kakikitaan ng panghihina. At higit sa lahat, narito ang kaniyang ama at kapatid na nagsilbing ilaw niya kapag dumating ang dilim sa kaniyang buhay. 

"INAY." tawag ni Cryzel sa Ina na palabas na ng bahay. Pababa na siya ng hagdan ng mga sandaling iyon at patungo na sa pag-aaring Restaurant. Lumingon si Ricaella kay Cryzel at may pagtataka sa kaniyang mukha.

"Bakit Cryzel?" tanong ni Ricaella. 

Dagli namang lumapit si Cryzel sa ina at iniabot rito ang limang libo. 1/4 iyon ng kinita niya sa Restaurant nitong nakaraang linggo. Gusto ni Cryzel na mabigyang kaluguran ang kaniyang ina. Tinitigan lamang ni Ricaella ang pera nasa kaniyang harapan. Nakataas ang kilay na tiningnan si Cryzel. Pero hindi nagpatinag si Cryzel sa inasal ng ina.

"Kinita ko po sa Restaurant, nay. Gusto ko lang po sana ibigay sa inyo." ani Cryzel, pero sa loob-loob kinakabahan na siya na baka tanggihan iyon ng kaniyang ina gaya noong mga nakaraang linggo kung saan tinanggi rin ng ina ang inaabot niyang pera. Isenenyas ni Ricaella ang kamay na patang itinataboy ang pera.

"Hindi ko kailangan iyan, ibili mo nalang ng mga kailangan dito sa bahay Cryzel. May trabaho ako, at kaya kong kumita ng pera." ani Ricaella at tumalikod na tsaka naglakad patungo sa labas ng bahay para maghintay ng sasakyan.

Naiwan si Cryzel sa labas ng bahay habang nakatingin sa ina na ngayon ay papasakay na ng tricycle patungo sa pinagtratrabahuhan. Sobrang nasaktan si Cryzel sa pagtanggi ulit ng ina sa iniaabot niyang biyaya rito. Isinawalang-bahala nalang ni Cryzel ang ginawa ng ina. Lumapit siya sa kaniyang Mio at sumakay roon patungo sa pag-aaring Restaurant.

NANG makarating si Cryzel sa Cry's Restaurant. Ipinark niya ang Mio sa tabi ng Restaurant kung saan hindi naiinitan. Bumaba siya at naglakad patungo sa Entrance ng Restaurant. At nang tuluyang makapasok, nakaramdam siya ng kasiyahan ng makitang madaming costumer sa loob ng Restaurant, iba pa ang mga nagpapadeliver sa kanila.

Hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa tulong ng kaniyang mga empleyado na naging parte na ng kaniyang buhay. Tinutulungan si Cyzel ng kaniyang mga kasama para mas makilala pa ang kaniyang Restaurant. Nariyan na nagbibigay sila ng flyers at nagpopost sa social media at iba pang paraan para mas makilala ang Restaurant.

Nagtungo siya sa counter, naroon si Mhelerie Angeles na abala sa pagkuha ng sukli ng ibinayad ng costumer. Kapatid ni Mhelerie ang isang empleyado na si Priah na ngayon ay nagseserve sa mesa. Matalino at masigasig si Mhelerie. Tumingin si Mhelarie sa gawi ni Cryzel ng mapansin na papalapit ang Ate Boss nila.

"Good Morning, Ate!" bati ni Mhelarie kay Cryzel.

"Good Morning din, Mhelarie. Kayo muna ang bahala rito, pupunta ako sa Grocery at sa pamilihang bayan para mamili ng mga kakailanganin natin. Tumawag sakin kagabi si Ate Aryana na baka sa susunod na linggo pa daw sila makakapagdeliver dahil sa matatagalan ang stock nila." ani Cryzel at umupo sa mesa na nasa sulok. Iyon ang nagsilbing mesa niya sa Restaurant.

"Okay, Ate. Para on the way na rin si Karl." ani Mhelarie at nagpunta sa table #8 para ibigay ang sukli ng costumer, dalawang costumer iyon na lalaki at babae. Marahil ay magkasintahan. Ang ginagamit ni Karl ay tricycle na talagang binili niya para sa pagdedeliver nito.

NANG marating nila Cryzel at Karl ang Supermarket sa kanilang bayan. Bumaba na siya ng tricycle at nagpasalamat kay Karl sa paghatid sa kaniya.

"Salamat, Karl. Tawagan nalang kita mamaya kapag magpapasundo na ako." ani Cryzel na may matamis na ngiti sa mga labi. 

Ngumiti rin pabalik si Karl sa Boss niya. Sa katunayan, may Crush siya sa kaniyang Boss pero inililihim niya lang iyon dahil tiyak na walang patutunguhan kong aamin siya kay Cryzel ng nararamdaman dahil empleyado lang ang tingin nito sa kaniya. Sapat na kay Karl na hinahangaan niya ito ng palihim.

"Sige, Boss." ani Karl at pinasibad na ang tricycle pabalik sa Restaurant.

Si Cryzel naman ay naglakad na patungong entrance ng Supermarket. Kumuha siya ng push cart sa isang tabi at itinulak iyon patungo sa meat section. Nang matapos siya ay nagtungo siya sa mga canned goods. Inabot rin si Cryzel ng halong kalahating minuto sa pamimili. 

Pagkatapos mamili ng mga kakailanganin sa Restaurant, binalak na rin niyang mamili ng gatas. Subalit, sa minamalas nga naman. Natyempuhang niyang nasa pinkamataas na bahagi ang gatas. Sa taas na 5'2 ay di niya maaabot iyon. Iginala ni Cryzel ang paningin para magpatulong. Subalit, laking gulat niya ng may tumabi sa kaniya at kinausap siya.

"Ito ba ang kailangan mo?" anang baritonong sa kaniya. 

Tiningala ni Cryzel ang lalaking nagsalita sa kaniyang tabi. Nagtama ang kanilang mga mata, hindi niya maiwasang humanga sa kagwapuhang taglay ng lalaking kaharap, matangkad ito at maganda ang hubog ng katawan. Hindi nakaligtas sa paningin ni Cryzel ang pagtaas ng sulok ng labi ng lalaki. Mukhang napansin nito ang ginawa niyang pagsuyod ng tingin rito. Nag-iwas siya ng tingin para itago ang hiyang nararamdaman.

"Oo, yan nga po." aniya. Nang mailagay ng lalaki ang isang Box ng gatas sa kaniyang pushcart, tumalikod na ito at naglakad palayo kay Cryzel. Napabuga siya ng marahas na hininga.

"Hindi ko man lang nagawang magpasalamat sa kaniya." ani Cryzel sa sarili at itinulak na ang pushcart patungo sa counter para bayaran ang mga pinamili. Hindi siya pwedeng magtagal rito sa Supermarket, may Restaurant siyang naghihintay ng tulong niya. Para kay Cryzel, importante ang bawat oras, minuto at segundo.

Pumila si Cryzel sa pilahan sa Counter 3. Nang patapos na ang nasa kaniyang unahan, sumunod na siya. Nang malapit nang matapos ang pagpunch nang cashier sa kaniyang pinamili, binuksan na niya ang pitakang hawak. Subalit, may problema. Tumingin siya sa Cashier.

"Magkano lahat?" tanong niya.

"8,504, Ma'am." anang Cashier. 

Tiningnan niya ang bawat sulok ng kaniyang pitaka, subalit walang makita si Cryzel na pera. Napapikit siya ng mariin ng maalala na nasa hand bag niyang dala kanina ang pera. Bakit ba ngayon pa ito nangyari? Ani Cryzel sa sarili.

"Ma'am?" tanong sa kaniya ng Cashier nang makitang wala siyang maibigay na cash rito.

"Kasi yung pera ko— naputol ang iba pang sasabihin ni Cryzel ng may magsalita sa likuran niya.

"Here." kasama niya ako, ako na ang magbabayad ng pinamili niya. Paki-punch narin itong pinamili ko para minsanan na." anang baritonong tinig at may iniabot na lilibuhin sa Cashier tsaka iniabot rin ang mga pinamili sa Cashier na agad namang tinanggap.

Nanlalaki ang mga mata ni Cryzel ng mapagsino ang nagsalita. Kilala niya ang boses na iyon! Yun ang lalaking tumulong sa kaniya kanina sa pag-abot ng gatas. Nilingon niya ito at tama nga ang hinala niya. Tumingin ito sa gawi niya at ngumiti. Litaw na litaw ang biloy nito sa kanang pisngi na mas lalong dumagdag sa kagwapuhan niyang taglay.

"Salamat." ani Cryzel rito.

"Walang anuman." tugon ng lalaki.

"Sir ito na po ang sukli niyo." anang Cashier sa lalaki. Iniabot iyon ng lalaki. Maging ang mga pinamili ni Cryzel ay kinuha na rin niya. Sinundan ni Cryzel ang lalaki.

"Salamat sa pagbayad. Kung wala ka siguro kanina, baka napahiya na ako." ani Cryzel ng magpantay ang lakad nila. Nilingon siya ng lalaki.

"Ayos lang iyon. Kung kaya ko namang tumulong, bakit hindi diba?" tanong nito ng nakangiti. Napangiti na rin si Cryzel dito.

"Sabagay." sagot niya. Nang makalabas sila ng Supermarket at makarating sa parking area. Akmang kukunin niya ang mga pinamili sa lalaki, subalit tumanggi ito.

"Akin na. Tatawagan ko nalang ang sundo ko. Salamat sa pagdadala." ani Cryzel at akmang kukunin ulit ang pinamili ng ipasok iyon ng lalaki sa backseat. Nang maisara ang backseat, nilingon siya nito.

"Ihahatid na kita. Saan ka ba nakatira?" tanong nito. 

Nag-aalangan si Cryzel kung sasama ba siya sa lalaki lalo at ngayon lang niya ito nakilala. Huminga ng malalim ang lalaki at may  hinugot sa bulsa, ang pitaka nito. May inilabas ito roon. Isang ID.

"I am Zacarius Galvañez, 29 years old. Vice President of Galvañez Telecommunication Company. I am a lawyer also. Wala akong gagawing masama sa iyo, kung iyon ang inaalala mo." ani Zacarius kay Cryzel. Ah, so Zacarius pala ang pangalan niya. Ani Cryzel sa sarili. Mukhang mapagkakatiwalaan naman ni Cryzel si Zacarius kaya sumang-ayon.

"Okay. Sa Cry's Restaurant ako." ani Cryzel sa lalaki. 

Ngumiti si Zac, at pinagbuksan siya ng pintuan sa passenger's seat ng kulay abo nitong Fortuner. Nang makapasok si Cryzel, isinara ni Zacarius ang pinto at umikot patungo sa driver's seat. Nang makapasok ito, pinausad na nito ang sasakyan palabas ng parking lot ng Supermarket at tinahak ang daan pabalik sa Cry's Restaurant.

"Anong trabaho mo sa Cry's Restaurant?" basag ni Zacarius sa katahimikang namamayani sa kanila sa loob ng sasakyan. Lumingon siya rito. Nakatutok ang atensiyon nito sa daan.

"Ahm, ako ang may-ari ng Restaurant. Bumili ako ng mga kailangan namin dahil maubusan ng stock ang nagdedeliver samin." sagot ni Cryzel. Sa sulok ng mga mata niya, nakita niyang sumulyap sa gawi niya si Zacarius.

"Nice, negosyante ka pala." ani Zac.

"Oo, dapat ipinaalam mo sa asawa mo na hinatid mo ako. Ayaw ko kasangkot sa gulo, Zacarius." ani Cryzel. 

Mas maganda na yung sigurado. Baka may makakita sa kanila na magkasama, isipin nilang kabit siya nito. Biglang huminto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Mabuti nalang at hindi biglaan iyon, baka napasubsob siya kung sakali. Tiningnan siya nito ng masama na para bang nakagawa si Cryzel ng ikasasakdal niya sa hukuman.

"Wala pa akong asawa, Ms. Kung may asawa ako. Hindi ako magpapasakay ng ibang babae sa sasakyan ko bukod sa kaniya, sa ina niya at sa mga kamag-anak namin." ani Zacarius. Nagbaba si Cryzel ng tingin.

"Sorry, naniniguro lang." ani Cryzel. Bumuntong-hininga si Zacarius.

"Ayos lang Naiintindihan ko. Safe ka sakin. Bukod sa wala akong asawa, wala rin akong kasintahan kaya walang magagalit sayo." ani Zacarius na naging dahilan para magtaas ng tingin si Cryzel rito.

Hindi akalain ni Cryzel na ang ganitong kagwapong binata ay walang kasintahan. Nginitian siya ni Zacarius at kinindatan. Hindi naiwasan ni Cryzel ang pamumula ng kaniyang pisngi dahil sa ginawa nito. Itinuon nalang niya ang paningin sa harapan. 

NANG marating ni Zacarius ang Cry's Restaurant. Ipinark niya ang sasakyan sa gilid ng Restaurant. Lumabas siya ng sasakyan at pinagbuksan ang dalaga ng pintuan. F*ck! Hindi pa pala niya alam ang pangalan nito. 

May naisip na siyang paraan kung paano malalaman ang pangalan ng dalaga. Nang makalabas ang dalaga, binuksan niya ang backseat at kinuha roon ang mga pinamili nito. Nang umikot siya paharap, laking gulat niya ng makitang naroon pa rin ang dalaga.

"Ako na ang magdadala nito sa loob." aniya. 

Tumango ito at nauna nang naglakad na patungo sa glass door ng Restaurant. So, ito pala ang Restaurant na pag-aari niya. Nagagawi na rito si Zacarius, pero hindi pa siya nakakakain rito. Hindi maiwasang mapatingin si Zac sa bilugang puwet ng dalaga. Sh*t! Ano ba itong ginagawa niya? 

Kanina habang nasa Supermarket sila, hindi niya maiiwas ang paningin rito dahil sa angkin niyong kagandahan. At nang sabihin ni Zacarius sa dalaga na Single siya, kitang-kita sa mukha ng dalaga na hindi ito naniniwala. Hindi rin akalain ni Zac na itatanong sa kaniya ng dalaga kung may asawa na siya. Sabagay, hindi talaga maiiwasan iyon.

Nang makapasok sila sa loob ng Restaurant, lahat ng mga mata ay natuon kay Zac, sabagay sino ba naman ang hindi nakakakilala sa kaniya? Si Zacarius Galvañez lang naman ang tanging tagapagmana ng Galvañez Telecommunication Company o GTC. Pero hindi na iyon pinansin ni Zac, sinundan niya ang dalaga hanggang sa counter at inilapag sa isang mesa ang mga dala.

"Ate, ako na ang bahala rito." anang isang babae na nasa counter naay kulay brownish na buhok. Tumingin sakin ang babae at ngumiti. "Salamat po sa paghatid sa Ate Boss namin." aniya. 

"Walang anuman, Binibini." tugon ni Zacarius. Nabaling ang tingin ni Zacarius sa dalaga ng magsalita ito.

"Ito na pala yung bayad ko." anito at may iniaabot na lilibuhin. 

"Tsaka mo nalang ako bayaran. Keep it. Dahil into business ka. May iaalok ako sayo para mas makilala pa ang Restaurant mo. Give me your full name, contact # at address ng Restaurant mo. Itetext kita o tatawagan para pag-usapan natin kung paano mo ako mababayaran." ani Zacarius habang titig na titig sa mugandang mukha ng kaharap. Tumango-tango ang dalaga at may inilabas sa pitaka nito. It's a calling card.

"Nandiyan ang impormasyong kailangan mo, Zacarius." aniya.

"Salamat. Mauna na ako, see you again." ani Zacarius at naglakad na palabas ng Cry's Restaurant. Nang makarating sa Fortuner, tiningnan niya ang calling card.

"Cryzel Lorenzo, 25 years old, 0909xxxxxx2, —

 basa ni Zacarius sa calling card na ibinigay ni Cryzel. Kaya pala Cry's Restaurant ang pangalan ng Restaurant, Hinango iyon sa pangalan ni Cryzel. Pinausad na ni Zacarius ang Fortuner pabalik sa mansiyon niya na may ngiti sa mga labi.

Kaugnay na kabanata

  • The Obscure Truth   Chapter 1

    ABALA si Cryzel sa pagkuha ng sukli ng ibinayad sa kaniya ng isang masugid nilang Costumer nang tumunog ang ring tone ng cellphone niya. Nang matapos ibigay ang sukli, bumalik siya sa counter at napakislot nang biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. Kinuha niya ang cellphone sa ilalim ng counter at tiningnan kung sino ang caller. Nang makitang ang kaniyang kapatid na si Honey ang tumatawag agad niyang sinagot iyon. Madalang lang kung tumawag si Honey sa kaniya. Minsan tumatawag si Honey kapag kinakailangan o may emergency. Hiniling ni Cryzel na sana may kailangan ang kapatid at hindi emergency lalo kapag ibang emergency na ang pinag-uusapan. Inilagay niya sa taenga ang cellphone. Magsasalita pa lang sana siya para batiin ang kapatid ng isang magandang tanghali ng magsalita ito."Ate! Si itay, naaksidente sa construction site! Kailangan ka namin dito sa FGH ate. Hintayin ka namin ate, papunta na rin dito si inay." naghihisteryang ani Honey. Nilukob si Cryzel ng nerbiyos at pangamba

    Huling Na-update : 2022-07-07
  • The Obscure Truth   Chapter 3

    Ilang sandali pa ay may dalawang crew na lumapit sa kanila. Inilapag nila ang pagkain sa mesa. Mukhang masarap ang pagkaing nihain nila. Natigilan si Zac ng lagyan ni Cryzel ng pagkain ang plato niya. Napatanga siya at napatitig sa dalaga. Mukhang napansin nito na nakatingin siya dito, kaya naman nag-angat ito ng mukha at nagtama ang kanilang mga mata. Tumikhim si Zac para mawala kahit papaano ang hiyang nararamdaman niya dahil nahuli siya ni Cryzel na nakatingin dito. Bago pa man siya makapagsalita para humingi ng paumanhin ay naunahan na siya nito."May dumi ba sa mukha ko?" tanong nito sa kaniya at napakagat-labi. Hindi niya tuloy maiwasan na mapatingin sa labi nito na kaypupula at kaysarap halikan. F*ck! Mura niya, ano ba itong iniisip niya? Hindi dapat siya nag-iisip ng kung ano-ano sa dalaga. Napaka-inosenti nito, tapos heto siya at pinagnanasahan ito. Nakakahiya ka Zac! Pagalit niyang ani sa sarili. "Zac?" tanong sa kaniya ni Cryzel na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Na

    Huling Na-update : 2022-07-28
  • The Obscure Truth   Chapter 4

    Hindi mapakali si Cryzel sa pag-aayos sa sarili. Naeexcite siya na kinakabahan para sa date nilang dalawa ni Zac. Hindi niya mawari kung ano itong sumisibol na damdamin na lumulukob sa kaniyang pagkatao. Mukhang nagugustuhan na niya ang binata. Huminga ng malalim at kinalma ang sarili.Sunod-sunod na busina ang kaniyang narinig na nagmula sa labas ng bahay. Dahil sa ang bintana ng kaniyang kwarto ay nakaharap sa gate, dumungaw siya roon at nakita ang itim nitong ducati. Hindi niya maiwasang humanga sa taglay nitong kakisigan at kagwapuhan lalo at nakasuot ito ng jacket at maong pants na hapit na hapit tsaka tenernuhan ng rubber shoes. Nagkasya nalang sila kanina sa palitan ng mensahe dahil baka magalit ang kaniyang ina kapag nagtelebabad na naman siya. Gusto nito na sunduin siya sa pamamagitan ng sports car pero nagpumilit siya na kung maaari ay magmotor nalang sila. Pumayag ito basta aangkas siya sa Ducati nito dahil ayaw nito na bumiyahe siya. Hindi nga niya maiwasang kiligin kani

    Huling Na-update : 2022-07-30

Pinakabagong kabanata

  • The Obscure Truth   Chapter 4

    Hindi mapakali si Cryzel sa pag-aayos sa sarili. Naeexcite siya na kinakabahan para sa date nilang dalawa ni Zac. Hindi niya mawari kung ano itong sumisibol na damdamin na lumulukob sa kaniyang pagkatao. Mukhang nagugustuhan na niya ang binata. Huminga ng malalim at kinalma ang sarili.Sunod-sunod na busina ang kaniyang narinig na nagmula sa labas ng bahay. Dahil sa ang bintana ng kaniyang kwarto ay nakaharap sa gate, dumungaw siya roon at nakita ang itim nitong ducati. Hindi niya maiwasang humanga sa taglay nitong kakisigan at kagwapuhan lalo at nakasuot ito ng jacket at maong pants na hapit na hapit tsaka tenernuhan ng rubber shoes. Nagkasya nalang sila kanina sa palitan ng mensahe dahil baka magalit ang kaniyang ina kapag nagtelebabad na naman siya. Gusto nito na sunduin siya sa pamamagitan ng sports car pero nagpumilit siya na kung maaari ay magmotor nalang sila. Pumayag ito basta aangkas siya sa Ducati nito dahil ayaw nito na bumiyahe siya. Hindi nga niya maiwasang kiligin kani

  • The Obscure Truth   Chapter 3

    Ilang sandali pa ay may dalawang crew na lumapit sa kanila. Inilapag nila ang pagkain sa mesa. Mukhang masarap ang pagkaing nihain nila. Natigilan si Zac ng lagyan ni Cryzel ng pagkain ang plato niya. Napatanga siya at napatitig sa dalaga. Mukhang napansin nito na nakatingin siya dito, kaya naman nag-angat ito ng mukha at nagtama ang kanilang mga mata. Tumikhim si Zac para mawala kahit papaano ang hiyang nararamdaman niya dahil nahuli siya ni Cryzel na nakatingin dito. Bago pa man siya makapagsalita para humingi ng paumanhin ay naunahan na siya nito."May dumi ba sa mukha ko?" tanong nito sa kaniya at napakagat-labi. Hindi niya tuloy maiwasan na mapatingin sa labi nito na kaypupula at kaysarap halikan. F*ck! Mura niya, ano ba itong iniisip niya? Hindi dapat siya nag-iisip ng kung ano-ano sa dalaga. Napaka-inosenti nito, tapos heto siya at pinagnanasahan ito. Nakakahiya ka Zac! Pagalit niyang ani sa sarili. "Zac?" tanong sa kaniya ni Cryzel na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Na

  • The Obscure Truth   Chapter 1

    ABALA si Cryzel sa pagkuha ng sukli ng ibinayad sa kaniya ng isang masugid nilang Costumer nang tumunog ang ring tone ng cellphone niya. Nang matapos ibigay ang sukli, bumalik siya sa counter at napakislot nang biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. Kinuha niya ang cellphone sa ilalim ng counter at tiningnan kung sino ang caller. Nang makitang ang kaniyang kapatid na si Honey ang tumatawag agad niyang sinagot iyon. Madalang lang kung tumawag si Honey sa kaniya. Minsan tumatawag si Honey kapag kinakailangan o may emergency. Hiniling ni Cryzel na sana may kailangan ang kapatid at hindi emergency lalo kapag ibang emergency na ang pinag-uusapan. Inilagay niya sa taenga ang cellphone. Magsasalita pa lang sana siya para batiin ang kapatid ng isang magandang tanghali ng magsalita ito."Ate! Si itay, naaksidente sa construction site! Kailangan ka namin dito sa FGH ate. Hintayin ka namin ate, papunta na rin dito si inay." naghihisteryang ani Honey. Nilukob si Cryzel ng nerbiyos at pangamba

  • The Obscure Truth   Prolouge

    PROLOUGEGABI, Abala ang Pamilya Lorenzo na pinagsasaluhan ang isang simpleng hapunan sa hapag-kainan na sina Cryzel na nakaupo sa kaliwang bahagi ng mesa, si Honeyzel, na kaniyang kapatid na nasa kaniyang tabi, ang kaniyang ama at ina na sina Valeno at Ricaella Lorenzo na nakaupo sa kanilang harapan. Simple lang ang buhay na mayroon sila. Hindi mahirap, hindi mayaman sakto lang. Nakararaos sa pang-araw-araw na pamumuhay. Pero sa lipunang kanilang ginagalawan, mahirap pa rin ang lagay nila.Dahil sa katahimikang namamagitan sa kanila, nagpasya si Cryzel na magbukas ng isang paksa para kahit papaano mawala ang katahimikan na lumulukob sa kanila. Tiningnan niya ang kaniyang ama, ina at kapatid na maganang kumakain."Nay, Tay. Dahil may ipon na ako kahit papaano. Binabalak ko po na iparenovate itong bahay kahit iyong salas lang po sana. Sang-ayon po ba kayo sa binabalak ko?" tanong niya. Ayaw gumawa ng hakbang si Cryzel ng wala ang pahintulot ng kaniyang ina, dahil tiyak na katakot-tak

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status