Perpekto, ito ang paglalarawan ni Rosario sa kaniyang nobyo na si Raiden, na sa kabila ng kaniyang estado at sa kabila ng mga hadlang at problema na kinaharap ng kanilang relasyon ay nagawa siya nitong ipaglaban. Kaya naman nang alukin siya nito ng kasal ay mabilis siyang pumayag. Ngunit paano kung ang perpektong buhay may asawa ay malayong-malayo sa pinangarap niya?
View MoreIsang linggong preparasyon lang ang ginawa para sa kasal namin dito sa Spain. Pero kahit ilang araw lang iyon, hindi siya simpleng kasal lang. It was a grand wedding.Lahat ng kakilala na sikat na wedding supplier ay kinuha nina Daddy at Lolo. Sila lahat ang gumastos. Hindi nila hinayaang maglabas ng pera si Raiden kahit na may badget naman siya para rito. Syempre, sina Daddy at Lolo pa ba? Sobrang excited na ako. Masaya naman ako nang unang beses kaming kinasal ni Raiden pero iba ang level ng kasiyahan namin ngayon. Lahat ng malalapit sa amin ay kasama namin ngayon. Hindi gaya nang una naming kasal na si Pepper lang ang present. Looking back, I was getting emotional. Iyong masaya ka na pero may mas isasaya ka pa pala. Kahit hindi ko personal choice ang aking gown ay nagustuhan ko naman 'to. I love the design, it fit perfectly to me. Para bang ginawa talaga ito para sa akin kahit na ready made na ito. Tapos na akong ayusan ng hair and make up team. Kumukuha na lang kami ng ilang
Hindi pa kami bumalik ng work. Siguro naman ay maiintindihan ni Lolo, kung hindi muna namin magampanan ang mga tungkulin namin sa pinamana niyang kompanya. Mag-t-travel kami abroad. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng asawa ko, dahil bigla na lang siyang nag-aya na mag-abroad. Akala ko babalik na muna kami sa work dahil tiyak na tambak na ngayon ang trabaho sa aming working table. Tapos na akong mag-empake. Binababa na ng mga tauhan ang aming mga maleta. Ang mga bata ay tumatalon-talon naman sa kama dahil sa excitement. Nakabihis na pero kailangan ulit palitan ng damit dahil pawisan na sila. Napatingin ako sa kanilang ama na isa-isa silang pinupunasan. "Gusto niyo ba'ng maiwan dito? Kami na lang ni Mommy niyo ang pupunta ng abroad? Parang ayaw niyong umalis, e..." Mahinahon pa din naman ang boses niya. "We don't want to stay here, daddy. We want to travel too.""Okay. I want you to sit there and wait.""Okay, Daddy," sabay-sabay na sagot ng mga bata. Napatingin ako sa
"Ba't ka galit?" Binibiro ko si Raiden. Hindi maganda ang timpla ng mukha niya ngayong umaga. Nakatulog kasi ako kagabi, kaya walang ganap. Puwede naman niya akong gisingin sana, kung talagang gusto niya pero hindi niya ginawa. Tapos ngayon nakasimangot. "Hindi, ah," tanggi naman niya. Pinilit pa nga niyang ngumiti upang ipakita na ayos lang siya. Nauna ng mag-breakfast ang mga kasama namin sa bahay. Late kaming nagising na dalawa kaya kami na lang dalawa ang nagsalo ng breakfast. "Ano ang gusto mong ulam mamaya, hija?" tanong ng aking byenan. "Kahit ano po, ayos lang," sagot ko naman. Hindi naman ako mapili sa ulam na ihahain sa akin. "Mga paborito mong ulam ang ipapaluto ko." Napangiti ako. Totoo ba 'to? Mukhang bumabawi ang byenan ko sa akin, ah. Magpapamisa talaga ako kapag nagtuloy-tuloy siyang mabait sa akin. "Gusto ko po ng beef steak at saka kare-kare."Tumango-tango siya. Hindi mabura-bura ang ngiti sa kaniyang mga labi. Wala din akong nakikitang iba rito. Hindi siya na
Todo asikaso ang lolo at lola ng mga bata sa kanila. Napapailing na lang ako dahil halos hindi na makakain ang dalawa. Nagpapasubo kasi sina Dos at Tres sa mga ito. "Mga anak, alam niyo namang kumain mag-isa, e..." sabi ko sa mga ito. "It's okay, hija. Sabik sila sa lolo at lola kaya ganito," sabi naman ng aking mother in law. Mukhang wiling-wili naman ang mga ito kaya hinayaan ko na lang. Kumain na lang ako habang pinapanood ang mga inlaws ko at mga bata. "Sinusulit nila ang lolo at lola nila kasi ilang taon din nilang hindi nakasama." Napangiti na lang ako. Tingin ko ay bumait na ng kaunti ang byenan ko. Mabuti naman kung nagbago na sila. Mahirap kapag kinalakihan ng mga bata ang magulong pamilya lalo na at hindi magkasundo ang ina nila at kanilang lola. Pagkatapos kumain ng lunch ay sila na din ang nagpatulog sa mga ito. Ang mga nanny ng mga bata ay pinag-siesta na muna. Mamayang hapon pa naman kami mag-s-swimming. Kapag hindi na mainit sa labas. Kami ng asawa ko ay nagduyan
Sumunod sa akin si Raiden. Mukhang hindi niya napansin ang tatlong lalake na nagduduyan, dahil niyakap niya ako mula sa aking likuran. Nagsipag-tikhim naman ang tatlo kaya mabilis siyang lumayo sa akin. Dinig ko ang mahinang pag-usal niya ng mura. "Ano? Parang hindi kayo masaya na nandito kami, ah." Umirap ako. Akala ko talaga hindi sila sasama dito. Nagpahuli pa talaga sila ng alis. Hindi na lang sila sumabay sa amin kanina. "Baka kasi buntisin mo na naman ang kapatid namin. Hindi mo alam kung gaano siya nahirapan noon sa pagbubuntis niya sa kambal." At mukhang nandito lang sila para manira ng bakasyon. Sumimangot ako. "Nakahiga lang siya noon sa kama. Nakaratay. Sumabay pa iyong deppression niya. Can you imagine that?"Naging seryoso ang mukha ni Raiden. Hanggang sa nabahiran na ng pag-aalala at pagsisisi ang kaniyang ekspresyon. Padabog akong pumasok sa loob. Pasaway talaga ang mga kapatid ko. Sumunod naman agad sa akin si Raiden. Kung kanina ay masayang-masaya siya. Ngayon
"Lindol!" Naalimpungatan ako dahil sa natatarantang boses ni Raiden. Pagtingin ko sa kaniya, nakahiga pa din pala siya dito sa kama. Mukhang naalimpungatan siya sa pag-alog ng kama, dahil sa mga batang maaga pa lang ay tumatalon na. Nagtalukbong ako at pinilit bumalik sa pagtulog. Masakit ang ulo ko at nakaramdam din ako ng pagkahilo dahil sa pag-alog ng kama. "Good moyning, Daddy!" "Good morning, Tres. Stop jumping, please," pakiusap ng kaniyang ama. Antok na antok pa ang boses nito. Tumigil naman ang mga ito, pero pinipilit na siyang bumangon, dahil mamamasyal daw kami. "Mommy, it's already morning. You promised us that we're going on a vacation today.""Inaantok pa ako," sabi ko naman. "Nahihilo ako. Ang likot-likot niyo kasi.""What is she shaying?" "Lumabas na muna kayo. Gising na ang yaya niyo," utos ko sa mga ito. Hindi ko pa kayang bumangon. "Okay!""Come on, Dos! Let's go play outside.""I wanna play hide and sheek!""Okay, Uno and I will hide and you'll gonna find us
Naliligo na sa pawis ang mga bata. Kanina pa sila talon nang talon at tila wala silang kapaguran. Sanay na kami sa kanila, pero si Raiden ay manghang-mangha pa din. Inaawat niya ang mga ito pero wala namang pinakikinggan ang mga ito. "Daddy, look at me!" Nagyayabang pa sila. Aakyat sila sa tuktok ng sofa tapos tatalon. "Tingin ko hindi sila dapat nanonood ng spider man at mga anime?" tanong niya habang nakangiwi. "Hindi sila nanonood ng ganoon. Sadyang malikot lang talaga sila." Ngumiwi siya. "Ganito talaga sila?"Tumango-tango ako. "Masasanay ka din." "Yeah." Maya-maya ay nakangiti na siya. Umiling at mahinang tumawa. "Thank you for raising a two healthy babies." Natawa din ako. "I did it better!""No! I did it betey!" Heto na naman 'tong dalawa. Nagtatalo na naman. "Dos, Tres," tawag ko sa dalawa habang nakatingin ng mariin sa dalawa. "Time for bed.""Okay, Mommy.""Daddy, it's time for bed! Let's go!" aya ni Dos sa kaniyang ama. Nag-iwas ako ng tingin nang tumingin sa a
Nakaupo na sa sahig si Raiden, habang ang kambal naman ay nakaupo sa kaniyang magkabilang hita. Si Uno naman ay nakayakap sa kaniya mula sa likuran. Sobrang sarap nilang pagmasdan. Kanina pa ako umiiyak, dahil masaya ako na makitang masaya ang mga anak ko. Na-meet na nila ang kanilang ama. Hindi na sila mag-iisip ng kung ano-ano na kesyo hindi sila mahal. Kinuwento ni Dos sa kaniya kung saan sila pinanganak at lumaki. Pati address namin sa America ay detalyado niyang kinuwento. "And then Lolo found us...your lolo, Daddy. And then we moved to another house." Napangiwi ako nang mapatingin sa akin si Raiden. "And then we went here in the Philippines because mommy needs to do business.""Lolo passed away, that's why Mommy decided to go back in the Philippines," pagtatama ni Raiden. "Oh, ish that sho, Daddy?"Tumango si Raiden. "Yes, sweetheart." Ngumiti siya at pagkatapos ay bumuntong hininga. Tumikhim ako. "Hindi ka tumuloy sa lakad mo?""No. Dalawang beses kang tumawag, e. Hindi
Nang makarating ako sa bahay, nadatnan kong naglalaro ang dalawang bata sa living room. Mukhang masaya naman sila maghapon. Pawisan sila sa paglilikot. "Mommy!" Nag-unahan silang tumakbo palapit sa akin. "Hello, my babies!" Niyakap ko sila at hinalikan. Tumingin sila sa may pintuan. May hinahanap. Hinahanap nila si Uno! "Whey's Uno?" tanong ni Tres. "Where is he, Mommy?""Ahm..." Napatingin ako sa mga kapatid kong nakataas ang mga kilay sa akin."Whey is Uno, Mommy?" Ngumuso ako. Hindi makasagot. "Mommy, whey ish Uno?!" pasigaw na ang pagtatanong ni Tres. "He went home to his daddy?" tanong ni Dos. Nagsimula nang mamula ang kaniyang mga pisngi. Kumibot-kibot ang kaniyang labi at gumalaw-galaw din ang butas ng kaniyang ilong. Nagsimula nang umiyak si Tres. "Why? Why?!" Nahiga pa siya sa sahig at doon na nagwala. Si Dos naman ay nagpapadyak na ng paa. "We want to see our daddy!" "I want to have a daddy!" "We want Uno's Daddy!" Pumikit ako at bumuntong hininga. I tried to t
Kumusta si Stacey? Hon..." Hindi pa man natatapos ni Rosario ang sinasabi at nakakalapit sa asawa ay sinalubong siya ng byenan at malakas na sinampal siya. Napahawak siya sa pisngi at gulat na napatingin sa byenan. "Mom?"Galit na dinuro ni Estacia si Rosario. "Don't you dare call me, mom, you murderer!"Napakurap-kurap si Rosario at napakunot ng noo. Hindi niya maintindihan kung bakit tinatawag siyang mamamatay tao ng byenan."Mom, please, stop. Hindi pa nga natin napapatunayan at bakit ba ang asawa ko kaagad ang pinagbibintangan niyo?" pagtatanggol ni Raiden sa asawa."Hon, ano bang sinasabi ng mommy mo?" tanong ni Rosario habang nalilitong nakatingin sa asawa."Hindi mo alam?" Napabaling si Rosario kay Estacia. "Stacey is dead because of you!" sigaw ng byenan niya at tinuro siya. Hindi makapaniwala na nakatingin si Rosario sa kanya. Hindi siya makapaniwala na patay na si Stacey. "Sinabi ng Doctor na nalason siya. Na may lason ang kinain niya! Doon pa lang ay alam kong ikaw na ang m
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments