Kumusta si Stacey? Hon..." Hindi pa man natatapos ni Rosario ang sinasabi at nakakalapit sa asawa ay sinalubong siya ng byenan at malakas na sinampal siya. Napahawak siya sa pisngi at gulat na napatingin sa byenan. "Mom?"Galit na dinuro ni Estacia si Rosario. "Don't you dare call me, mom, you murderer!"Napakurap-kurap si Rosario at napakunot ng noo. Hindi niya maintindihan kung bakit tinatawag siyang mamamatay tao ng byenan."Mom, please, stop. Hindi pa nga natin napapatunayan at bakit ba ang asawa ko kaagad ang pinagbibintangan niyo?" pagtatanggol ni Raiden sa asawa."Hon, ano bang sinasabi ng mommy mo?" tanong ni Rosario habang nalilitong nakatingin sa asawa."Hindi mo alam?" Napabaling si Rosario kay Estacia. "Stacey is dead because of you!" sigaw ng byenan niya at tinuro siya. Hindi makapaniwala na nakatingin si Rosario sa kanya. Hindi siya makapaniwala na patay na si Stacey. "Sinabi ng Doctor na nalason siya. Na may lason ang kinain niya! Doon pa lang ay alam kong ikaw na ang m
Just bend over, hon," sabi ni Raiden na agad naman sinunod ni Rosario.She bent over the wall. Raiden spread her legs. Napasinghanap siya ng ipinaglandas ni Raiden ang kamay mula sa batok niya, pababa sa likod niya hanggang sa may puwet niya. Nasa shower sila ngayon. Ang plano lang naman ni Rosario ay maligo dahil malagkit ang kanyang pakiramdam.Pero hindi niya inaasahan ang biglang pagpasok ng asawa niya sa banyo. Ang sabi ay sasabay lang ito sa pagligo sa kanya pero nauwi sila sa mainit na p********k. Imbes lamig ng tubig ang maramdaman nila ay ang init ng mga katawan nila ang naramdaman nila.Rosario bite her lips when Raiden bend over to her. "Damn, wife. You are so hot and sexy. You are really seducing me," Raiden said with a seductive voice then lick her ear. "Kahit kailan ay hinding-hindi ako magsasawa sa katawan mo. I can make love to you all night long."Napasinghap at napaungol so Rosario ng biglang ipasok ng asawa niya ang pagkalalaki nito sa kanyang basang-basang bukana."
Are you really sure about it, hon?" tanong ni Raiden kay Rosario habang nag-iimpake.Ngumiti naman si Rosario sa asawa. "Oo naman, hon."Napabuntong hininga ang asawa niya. "Baka mamaya ay mahirapan ka." Naupo sa kama ang asawa niya at hinawakan ang kamay niya. "Ayaw kong mahirapan ka and besides, iniwan mo ang trabaho mo para lang alagaan si lolo."Pinisil niya ang kamay ng asawa. "Hon, hindi na naiiba sa akin si Lolo Felipe. Remember, nang ipakilala mo ako sa pamilya mo ay siya kaagad ang tumanggap sa akin kaya mahal na mahal ko na din siya."Nang ipakilala ni Raiden si Rosario sa pamilya ng lalaki ay kahit nakangiti ang mga magulang ng asawa niya ay alam niyang hindi kaagad siya gusto ng mga ito. Ramdan niya. Si Stacey, ang nag-iisang kapatid ni Raiden ay hindi itinago ang pagkaayaw sa kanya.Pero ang Lolo Felipe ni Raiden ay agad siyang tinanggap. Hindi lang pinakita ng matanda sa kanya kung 'di pinaramdam din. Dahil sa wala na nga siyang pamilya ay nang ikasal sila ng asawa ay si
Lumipas ang ilang mga araw at unti-unti nang naging maayos ang kalagayan ni Lolo Felipe. Muling nanumbalik ang lakas ng matanda at normal na din ang blood pressure nito. Maayos kasing mag-alaga si Rosario. At nakikinig din naman sa kaniya ang matanda. Maayos naman ang lahat maliban na lang sa tuwing nagkukrus ang landas nila ni Stacey. Kahit anong pakumbaba at pag-e-explain sa paulit-ulit na bintang sa kanya ni Stacey ay hindi pa din ito nakikinig. Minsan ay napapatanong na lang siya kung ano ba ang trip ng kaniyang hipag. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi na lang itong galit sa kaniya. "Hoy, Rosario!" Napabuntong hininga na lang siya ng makita si Stacey na papalapit sa kanya. "Huwag ngayon, Stacey. Medyo pagod ako at wala akong oras at lakas para makipag-away sa 'yo." Tumalikod na siya at maglalakad na sana ng biglang hablutin ni Stacey ang buhok niya. "Stacey, ano ba? Ano na naman bang problema mo?""Anong problema ko?" tanong ni Stacey. "Hindi pa ba obvious? Ikaw," may diing
ROSARIO'S POV Bumukas ang pintuan ng silid namin ng aking asawa. Nilingon ko si Raiden na mayroong pag-aalala sa mukha. "Are you okay, honey?" Pinilit kong ngumiti para hindi na siya mag-alala pa. Ayaw kong magkagulo sila ng kaniyang pamilya sa akin. Gusto kong makuha ang loob ng kaniyang mga magulang pati na din ni Stacey na nag-iisa niyang kapatid. Hindi ko naman sila masisi kung ayaw nila sa akin, lalo pa at ang gusto nila para sa asawa ko ay ang ex niya. Wala na sila nang magkakilala kami, kaya hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit nila para sa akin. Pero kahit na ganoon, susubukan ko pa din na magustuhan nila ako. Para naman magkaroon ako ng peace of mind. Pero kung hindi pa din nila ako matanggap. Wala na akong magagawa pa. Atleast I tried. At sapat na din sa akin na may nag-iisang tao sa pamilyang ito na tanggap ako. At iyon ay ang lolo ni Raiden. Ang mahalaga ay mahal din ako ng aking asawa. Napatunayan ko kung gaano niya ako kamahal ng ipaglaban niya ako at pa
Maaga pa lang ay ginising na ako ng aking byenan na babae para tumulong daw sa paghahanda ng almusal. "May mga bisita ako mamaya kaya kailangan mong tumulong sa pagluluto," sabi nito pagkatapos nilang mag-almusal. Hindi niya ako pinasabay sa pagkain sa kanila, kaya nang umakyat na siya sa kaniyang kuwarto, pinuntahan ko si Lolo upang doon na lang ako kumain. Nagbabasa ng libro si Lolo kaya hindi din kami makapag-usap. Hinayaan lang din niya ako dito sa kaniyang silid dahil naiintindihan niya ang aking sitwasyon. Inabot din yata ako ng isang oras dito. Pinahanap lang ako ng byenan ko kaya kailangan kong bumaba at sumunod sa inuutos niya. Nakasalubong ko pa si Stacey. "Pupunta ang mga friends ko ngayon, kaya mag-prepare ka ng food and drinks para sa amin. Doon kami sa may pool.""May inuutos ang Mommy mo, ka—"Masama niy akong tiningnan. "Hindi ka señorita sa pamamahay na ito. Wala kang karapatang magreklamo kapag inutusan kita."I sighed and just nod my head. "Okay." Bumaba na ak
Nakapag-usap naman kami ni Raiden kagabi, pero hindi pa din ako mapakali. Napuyat ako at kung kailan patulog na sana ako, alas-singko na pala at heto nga ginigising na ako ng aking byenan. Kahit inaantok, bumangon na lang ako upang hindi siya magalit. Pero kahit sumunod naman ako sa utos niya, heto siya at galit pa din. Ang aga pa pero masama na agad ang tingin sa akin. Mukhang mag-z-zumba sila ng kaniyang mga kumare. "Maghanda ka ng breakfast for twenty persons." "Okay po." Mag-z-zumba sila pero kakain sila ng madami pagkatapos, kaya wala ding silbi ang kanilang pagpapapawis. Sinimulan ko ng maghanda ng breakfast kasama ang dalawang maid. Wala iyong iba, dahil inutusan daw na mamalengke. Hindi pa nakakalahati ang ginagawa ko pero dumating naman si Stacey. Mukhang galing siya sa pag-jogging dahil pawisan siya. May kausap siya sa kaniyang celphone. Humahagikgik siya at iisipin mo talagang lalake, pero nang marinig ko ang pangalan ng kaniyang kapatid, natigilan ako. "Ano, nagkau
"Honey..." Ang malambing na pagtawag sa akin ni Raiden ang nagpagising sa akin. Tinanghali na naman ako ng gising. Ilang araw ng ganito. Ilang araw na ding masama ang aking pakiramdam. "Are you not feeling well?" Tumango-tango ako. Inabot ko ang kamay ko sa kaniya at agad naman niya akong niyakap. Nakabihis na siya. Papasok na siya sa trabaho. "Nag-breakfast ka na ba? Sorry, honey, kung lagi akong late nagigising.""It's okay, honey. Maaga pa naman. May breakfast meeting ako ngayon. Kumain ka na din mamaya, okay?""Yes, honey. Mag-ingat ka."Pag-alis niya, muli akong nakatulog. At nagising ulit ako dahil sa matinding kirot ng aking ulo. Nahihilo din ako at para bang hinahalukay ang aking sikmura. Naglalaway din ako. Nagmamadali akong tumakbo sa banyo upang sumuka. Ano'ng nangyayari sa akin?Naligo ako kahit nanghihina ako, para gumaan ang aking pakiramdam. My body was trembling. Nagugutom ako na hindi ko maintindihan. Wala akong lakas na bumaba kaya tumawag ako sa maid's quarter
Isang linggong preparasyon lang ang ginawa para sa kasal namin dito sa Spain. Pero kahit ilang araw lang iyon, hindi siya simpleng kasal lang. It was a grand wedding.Lahat ng kakilala na sikat na wedding supplier ay kinuha nina Daddy at Lolo. Sila lahat ang gumastos. Hindi nila hinayaang maglabas ng pera si Raiden kahit na may badget naman siya para rito. Syempre, sina Daddy at Lolo pa ba? Sobrang excited na ako. Masaya naman ako nang unang beses kaming kinasal ni Raiden pero iba ang level ng kasiyahan namin ngayon. Lahat ng malalapit sa amin ay kasama namin ngayon. Hindi gaya nang una naming kasal na si Pepper lang ang present. Looking back, I was getting emotional. Iyong masaya ka na pero may mas isasaya ka pa pala. Kahit hindi ko personal choice ang aking gown ay nagustuhan ko naman 'to. I love the design, it fit perfectly to me. Para bang ginawa talaga ito para sa akin kahit na ready made na ito. Tapos na akong ayusan ng hair and make up team. Kumukuha na lang kami ng ilang
Hindi pa kami bumalik ng work. Siguro naman ay maiintindihan ni Lolo, kung hindi muna namin magampanan ang mga tungkulin namin sa pinamana niyang kompanya. Mag-t-travel kami abroad. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng asawa ko, dahil bigla na lang siyang nag-aya na mag-abroad. Akala ko babalik na muna kami sa work dahil tiyak na tambak na ngayon ang trabaho sa aming working table. Tapos na akong mag-empake. Binababa na ng mga tauhan ang aming mga maleta. Ang mga bata ay tumatalon-talon naman sa kama dahil sa excitement. Nakabihis na pero kailangan ulit palitan ng damit dahil pawisan na sila. Napatingin ako sa kanilang ama na isa-isa silang pinupunasan. "Gusto niyo ba'ng maiwan dito? Kami na lang ni Mommy niyo ang pupunta ng abroad? Parang ayaw niyong umalis, e..." Mahinahon pa din naman ang boses niya. "We don't want to stay here, daddy. We want to travel too.""Okay. I want you to sit there and wait.""Okay, Daddy," sabay-sabay na sagot ng mga bata. Napatingin ako sa
"Ba't ka galit?" Binibiro ko si Raiden. Hindi maganda ang timpla ng mukha niya ngayong umaga. Nakatulog kasi ako kagabi, kaya walang ganap. Puwede naman niya akong gisingin sana, kung talagang gusto niya pero hindi niya ginawa. Tapos ngayon nakasimangot. "Hindi, ah," tanggi naman niya. Pinilit pa nga niyang ngumiti upang ipakita na ayos lang siya. Nauna ng mag-breakfast ang mga kasama namin sa bahay. Late kaming nagising na dalawa kaya kami na lang dalawa ang nagsalo ng breakfast. "Ano ang gusto mong ulam mamaya, hija?" tanong ng aking byenan. "Kahit ano po, ayos lang," sagot ko naman. Hindi naman ako mapili sa ulam na ihahain sa akin. "Mga paborito mong ulam ang ipapaluto ko." Napangiti ako. Totoo ba 'to? Mukhang bumabawi ang byenan ko sa akin, ah. Magpapamisa talaga ako kapag nagtuloy-tuloy siyang mabait sa akin. "Gusto ko po ng beef steak at saka kare-kare."Tumango-tango siya. Hindi mabura-bura ang ngiti sa kaniyang mga labi. Wala din akong nakikitang iba rito. Hindi siya na
Todo asikaso ang lolo at lola ng mga bata sa kanila. Napapailing na lang ako dahil halos hindi na makakain ang dalawa. Nagpapasubo kasi sina Dos at Tres sa mga ito. "Mga anak, alam niyo namang kumain mag-isa, e..." sabi ko sa mga ito. "It's okay, hija. Sabik sila sa lolo at lola kaya ganito," sabi naman ng aking mother in law. Mukhang wiling-wili naman ang mga ito kaya hinayaan ko na lang. Kumain na lang ako habang pinapanood ang mga inlaws ko at mga bata. "Sinusulit nila ang lolo at lola nila kasi ilang taon din nilang hindi nakasama." Napangiti na lang ako. Tingin ko ay bumait na ng kaunti ang byenan ko. Mabuti naman kung nagbago na sila. Mahirap kapag kinalakihan ng mga bata ang magulong pamilya lalo na at hindi magkasundo ang ina nila at kanilang lola. Pagkatapos kumain ng lunch ay sila na din ang nagpatulog sa mga ito. Ang mga nanny ng mga bata ay pinag-siesta na muna. Mamayang hapon pa naman kami mag-s-swimming. Kapag hindi na mainit sa labas. Kami ng asawa ko ay nagduyan
Sumunod sa akin si Raiden. Mukhang hindi niya napansin ang tatlong lalake na nagduduyan, dahil niyakap niya ako mula sa aking likuran. Nagsipag-tikhim naman ang tatlo kaya mabilis siyang lumayo sa akin. Dinig ko ang mahinang pag-usal niya ng mura. "Ano? Parang hindi kayo masaya na nandito kami, ah." Umirap ako. Akala ko talaga hindi sila sasama dito. Nagpahuli pa talaga sila ng alis. Hindi na lang sila sumabay sa amin kanina. "Baka kasi buntisin mo na naman ang kapatid namin. Hindi mo alam kung gaano siya nahirapan noon sa pagbubuntis niya sa kambal." At mukhang nandito lang sila para manira ng bakasyon. Sumimangot ako. "Nakahiga lang siya noon sa kama. Nakaratay. Sumabay pa iyong deppression niya. Can you imagine that?"Naging seryoso ang mukha ni Raiden. Hanggang sa nabahiran na ng pag-aalala at pagsisisi ang kaniyang ekspresyon. Padabog akong pumasok sa loob. Pasaway talaga ang mga kapatid ko. Sumunod naman agad sa akin si Raiden. Kung kanina ay masayang-masaya siya. Ngayon
"Lindol!" Naalimpungatan ako dahil sa natatarantang boses ni Raiden. Pagtingin ko sa kaniya, nakahiga pa din pala siya dito sa kama. Mukhang naalimpungatan siya sa pag-alog ng kama, dahil sa mga batang maaga pa lang ay tumatalon na. Nagtalukbong ako at pinilit bumalik sa pagtulog. Masakit ang ulo ko at nakaramdam din ako ng pagkahilo dahil sa pag-alog ng kama. "Good moyning, Daddy!" "Good morning, Tres. Stop jumping, please," pakiusap ng kaniyang ama. Antok na antok pa ang boses nito. Tumigil naman ang mga ito, pero pinipilit na siyang bumangon, dahil mamamasyal daw kami. "Mommy, it's already morning. You promised us that we're going on a vacation today.""Inaantok pa ako," sabi ko naman. "Nahihilo ako. Ang likot-likot niyo kasi.""What is she shaying?" "Lumabas na muna kayo. Gising na ang yaya niyo," utos ko sa mga ito. Hindi ko pa kayang bumangon. "Okay!""Come on, Dos! Let's go play outside.""I wanna play hide and sheek!""Okay, Uno and I will hide and you'll gonna find us
Naliligo na sa pawis ang mga bata. Kanina pa sila talon nang talon at tila wala silang kapaguran. Sanay na kami sa kanila, pero si Raiden ay manghang-mangha pa din. Inaawat niya ang mga ito pero wala namang pinakikinggan ang mga ito. "Daddy, look at me!" Nagyayabang pa sila. Aakyat sila sa tuktok ng sofa tapos tatalon. "Tingin ko hindi sila dapat nanonood ng spider man at mga anime?" tanong niya habang nakangiwi. "Hindi sila nanonood ng ganoon. Sadyang malikot lang talaga sila." Ngumiwi siya. "Ganito talaga sila?"Tumango-tango ako. "Masasanay ka din." "Yeah." Maya-maya ay nakangiti na siya. Umiling at mahinang tumawa. "Thank you for raising a two healthy babies." Natawa din ako. "I did it better!""No! I did it betey!" Heto na naman 'tong dalawa. Nagtatalo na naman. "Dos, Tres," tawag ko sa dalawa habang nakatingin ng mariin sa dalawa. "Time for bed.""Okay, Mommy.""Daddy, it's time for bed! Let's go!" aya ni Dos sa kaniyang ama. Nag-iwas ako ng tingin nang tumingin sa a
Nakaupo na sa sahig si Raiden, habang ang kambal naman ay nakaupo sa kaniyang magkabilang hita. Si Uno naman ay nakayakap sa kaniya mula sa likuran. Sobrang sarap nilang pagmasdan. Kanina pa ako umiiyak, dahil masaya ako na makitang masaya ang mga anak ko. Na-meet na nila ang kanilang ama. Hindi na sila mag-iisip ng kung ano-ano na kesyo hindi sila mahal. Kinuwento ni Dos sa kaniya kung saan sila pinanganak at lumaki. Pati address namin sa America ay detalyado niyang kinuwento. "And then Lolo found us...your lolo, Daddy. And then we moved to another house." Napangiwi ako nang mapatingin sa akin si Raiden. "And then we went here in the Philippines because mommy needs to do business.""Lolo passed away, that's why Mommy decided to go back in the Philippines," pagtatama ni Raiden. "Oh, ish that sho, Daddy?"Tumango si Raiden. "Yes, sweetheart." Ngumiti siya at pagkatapos ay bumuntong hininga. Tumikhim ako. "Hindi ka tumuloy sa lakad mo?""No. Dalawang beses kang tumawag, e. Hindi
Nang makarating ako sa bahay, nadatnan kong naglalaro ang dalawang bata sa living room. Mukhang masaya naman sila maghapon. Pawisan sila sa paglilikot. "Mommy!" Nag-unahan silang tumakbo palapit sa akin. "Hello, my babies!" Niyakap ko sila at hinalikan. Tumingin sila sa may pintuan. May hinahanap. Hinahanap nila si Uno! "Whey's Uno?" tanong ni Tres. "Where is he, Mommy?""Ahm..." Napatingin ako sa mga kapatid kong nakataas ang mga kilay sa akin."Whey is Uno, Mommy?" Ngumuso ako. Hindi makasagot. "Mommy, whey ish Uno?!" pasigaw na ang pagtatanong ni Tres. "He went home to his daddy?" tanong ni Dos. Nagsimula nang mamula ang kaniyang mga pisngi. Kumibot-kibot ang kaniyang labi at gumalaw-galaw din ang butas ng kaniyang ilong. Nagsimula nang umiyak si Tres. "Why? Why?!" Nahiga pa siya sa sahig at doon na nagwala. Si Dos naman ay nagpapadyak na ng paa. "We want to see our daddy!" "I want to have a daddy!" "We want Uno's Daddy!" Pumikit ako at bumuntong hininga. I tried to t