Home / Romance / Stained Love / Hindi gusto

Share

Hindi gusto

Author: Shynnbee
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Lumipas ang ilang mga araw at unti-unti nang naging maayos ang kalagayan ni Lolo Felipe. Muling nanumbalik ang lakas ng matanda at normal na din ang blood pressure nito. Maayos kasing mag-alaga si Rosario. At nakikinig din naman sa kaniya ang matanda.

Maayos naman ang lahat maliban na lang sa tuwing nagkukrus ang landas nila ni Stacey. Kahit anong pakumbaba at pag-e-explain sa paulit-ulit na bintang sa kanya ni Stacey ay hindi pa din ito nakikinig. Minsan ay napapatanong na lang siya kung ano ba ang trip ng kaniyang hipag. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi na lang itong galit sa kaniya.

"Hoy, Rosario!"

Napabuntong hininga na lang siya ng makita si Stacey na papalapit sa kanya. "Huwag ngayon, Stacey. Medyo pagod ako at wala akong oras at lakas para makipag-away sa 'yo." Tumalikod na siya at maglalakad na sana ng biglang hablutin ni Stacey ang buhok niya. "Stacey, ano ba? Ano na naman bang problema mo?"

"Anong problema ko?" tanong ni Stacey. "Hindi pa ba obvious? Ikaw," may diing sabi ni Stacey at mas hinigpitan pa ang pagsabunot sa buhok niya. "Ikaw ang problema ko. Ikaw at ang pagiging pakialamera mo!"

Napapikit na lang siya dahil sa sakit ng ulo niya. "Ano bang ginawa ko? Wala naman akong ginawa sa 'yo, ah. Hindi ako nakikialam sa 'yo."

Natawa naman ng mapakla si Stacey. "Hindi nakialam pero isinumbong mo ako kay Lolo Felipe." Napakunot noo si Rosario. "Sinabi mo sa kanya na madaling araw na akong nakauwi kanina at lasing pa. Kaya pinagalitan tuloy ako ni lolo."

Napatiim bagang si Rosario at inalis ang kamay ni Stacey sa buhok niya at malakas na itinulak siya. Hindi makapaniwalang napatingin sa kanya ang babae.

"How dare you! Lumalaban ka na?" naghahamong tanong nito.

"Hindi ako lumalaban at hindi kita isinumbong, okay?"

Sinamaan siya ng tingin ni Stacey. "Sinungaling!"

"Totoo ang sinasabi ko. Sa katunayan ay ang Kuya Raiden mo ang nagsabi sa lolo mo."

Umiling si Stacey. "Hindi ako naniniwala sa 'yo. Hindi ako magagawang ilaglag ng kuya ko. Siguro ikaw ang nagsabi kay kuya na isumbong ako para mapagalitan ako, no? Umamin ka na!"

Napakunot noo na lang siya. "Bakit ba palagi mo na lang akong ginagawan ng kwento at kasalanan na hindi ko naman ginawa, Stacey? Wala naman akong ginagawa sa 'yo pero bakit ang init ng dugo mo sa akin?"

"Dahil nilandi mo ang kuya ko!" Idinuro siya ni Stacey. "Dahil sa pagiging malandi mo ay pinakasalan ka niya kaya wala na tuloy silang pag-asa na magkabalikan ni Britney. Si Britney lang naman ang gusto kong maging sister-in-law at hindi ang isang katulad mo na hampas lupa!"

Medyo nasaktan si Rosario sa sinabi ni Stacey. Alam naman niya na kaya hindi siya tanggap ng pamilya ni Raiden ay dahil sa isang jewelry shop lang siya nagtatrabaho nang magkakilala sila ng asawa. Habang si Britney ay isang mayaman at isang fashion designer sa Paris. Ano nga namang laban niya sa pambato nila?

Napatitig siya sa babae. "Hindi ko nilandi ang kuya mo, Stacey. Siya ang unang lumapit sa akin, nanligaw. Isa pa, matagal ng hiwalay ang kuya mo at si Britney bago pa kami nagkakilala."

Umiling si Stacey. "Hindi ako naniniwala. Nilandi mo ang kuya ko at 'yon ang totoo. Malandi ka!"

Bigla na lang siyang sinulong ni Stacey at sinampal at sinabunutan. Sinubukan niyang awatin ang babae pero mas malakas ito sa kanya. Ramdam niya ang galit ni Stacey sa bawat pagsabunot sa kanya. Hindi naman niya kasalanan kung siya ang pinakasalan ng kapatid nito.

"Stacey, tama na!" pakiusap niya pero hindi nakinig sa kanya si Stacey.

"What the hell is happening here?" Doon lamang napatigil si Stacey sa pagsabunot sa kanya at bahagyang lumayo. Inayos ni Stacey ang sarili habang buhaghag naman ang buhok ni Rosario. "What is the meaning of this, Stacey?" tanong ni Estacia, ang ina nina Raiden at Stacey, ang kanyang hipag na babae. "Bakit nag-aaway kayo?"

"Kasi 'yan, mom!" Galit na tinuro siya ni Stacey. "Nagsumbong ba naman kay lolo na madaling araw na akong umuwi. Napagalitan tuloy ako."

"Hindi po 'yan totoo," depensa kaagad ni Rosario.

Tiningnan siya ni Estacia dahilan para kabahan siya. Noon pa man ay hindi na siya komportable na kasama ang byenan niya. May awra kasi ito na maawtoridad at pinaparamdam sa kanya na ayaw siya nito.

Mabuti na nga lang nang ikasal sila ng asawa ay bumukod kaagad sila pero tatlong buwan lang pala magiging peaceful ang marriage life niya. Kung hindi lang talaga dahil kay Lolo Felipe ay hindi siya mananatili sa mansyong ito.

Sinubukan naman niya noon na mapalapit sa byenan pero talaga aloof ito sa kanya. Hindi naman siya sinisigawan pero ramdam niya ang pinapahiwatig nito sa boses nito.

"If it's not true then why are you so defenssive, my dear?" elegante at dahan-dahan nitong tanong. Kahit na gano'n ang boses ng byenan na parang mahinahon ay hindi niya maiwasan na kabahan.

Napayuko na lang siya. "Hindi naman po. Sinasabi ko lang ang totoo, mom."

Narinig niya ang pagtawa ng byenan. "Mom?" tanong nito. "Kailan kita pinayagan na tawagin akong mom?" Napalabi na lang si Rosario at hindi nakasagot. Lumapit sa kanya si Estacia at hinawakan ang mukha niya. "You should call me, ma'am, not mom." Ngumisi si Estacia sa kanya. "Dahil kahit ikinasal na kayo ng anak ko ay hindi ibig sabihin ay tanggap na kita sa pamilya namin, okay?"

Napaigik na lang siya ng mahigpit na hinawakan nito ang mukha niya. "Huwag kang umasta na kung sino sa mansyon na ito, Rosario, dahil in the first place ay hindi ka welcome dito at sampid ka lang. Nandito ka lang din dahil inaalagaan mo ang papa ko. Naiintindihan mo?" Tumango-tango na lang siya bilang sagot. Ngumisi si Estacia. "Good."

Malakas na binitawan ni Estacia ang mukha niya dahilan para mapahawak siya sa mukha niya. Sumakit bigla ang panga niya dahil sa higpit na pagkakahawak nito at pakiramdam niya ay bumaon sa balat niya ang mahahaba nitong kuko.

"Mom?" Napatingin silang lahat kay Raiden na mukhang kararating lang.

"Oh my son, Raiden." Lumapit si Estacia sa anak at hinalikan ito sa pisngi.

"Kailan pa kayo bumalik?" tanong ni Raiden sa ina.

"Ngayon lang."

Napatingin si Raiden kay Rosario na medyo magulo ang buhok. Inaayos na niya ang buhok pero nahuli pa din siya ng asawa. "Hon, what happen to you?" nag-aalalang tanong ni Raiden sa kanya.

Sasagot na sana siya ng magsalita si Estacia, "Hay naku, anak! Nag-away lang naman sila ni Stacey."

Napanganga si Stacey sa sinabi ng ina. "Mom!" Hindi na natuloy ni Stacey ang sasabihin ng itaas ng ina ang kamay nito.

"Mabuti na lang at naabutan ko sila kaya napaghiwalay ko kaagad." Papagalitan na sana ni Raiden ang kapatid ng sumingit ulit si Estacia. "Huwag mo ng pagalitan ang kapatid mo dahil napagsabihan ko na siya." Lumapit si Estacia sa anak at hinawakan ito sa braso. "Come on, son. Samahan mo naman akong magmeryenda dahil nagutom ako sa byahe namin ng daddy mo."

Hinila ni Estacia si Raiden dahilan para maiwan sa kinatatayuan si Rosario. Magpoprotesta na sana ang asawa niya ng ngumiti lang siya at sinasabing ayos lang ng lumingon sa kanya si Raiden.

Ngumiti naman ang asawa niya at nag-thank you. Tuluyan na ngang umalis ang dalawa. Umikot naman ang mga mata ni Stacey bago umalis at naiwan siyang mag-isa sa hallway.

Napahawak na lang sa braso si Rosario. Mukhang ito na ang simula ng kalbaryo ng buhay niya sa kamay ng hipag at byenan niya.

Related chapters

  • Stained Love    Maiiwan

    ROSARIO'S POV Bumukas ang pintuan ng silid namin ng aking asawa. Nilingon ko si Raiden na mayroong pag-aalala sa mukha. "Are you okay, honey?" Pinilit kong ngumiti para hindi na siya mag-alala pa. Ayaw kong magkagulo sila ng kaniyang pamilya sa akin. Gusto kong makuha ang loob ng kaniyang mga magulang pati na din ni Stacey na nag-iisa niyang kapatid. Hindi ko naman sila masisi kung ayaw nila sa akin, lalo pa at ang gusto nila para sa asawa ko ay ang ex niya. Wala na sila nang magkakilala kami, kaya hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit nila para sa akin. Pero kahit na ganoon, susubukan ko pa din na magustuhan nila ako. Para naman magkaroon ako ng peace of mind. Pero kung hindi pa din nila ako matanggap. Wala na akong magagawa pa. Atleast I tried. At sapat na din sa akin na may nag-iisang tao sa pamilyang ito na tanggap ako. At iyon ay ang lolo ni Raiden. Ang mahalaga ay mahal din ako ng aking asawa. Napatunayan ko kung gaano niya ako kamahal ng ipaglaban niya ako at pa

  • Stained Love    Overthinking

    Maaga pa lang ay ginising na ako ng aking byenan na babae para tumulong daw sa paghahanda ng almusal. "May mga bisita ako mamaya kaya kailangan mong tumulong sa pagluluto," sabi nito pagkatapos nilang mag-almusal. Hindi niya ako pinasabay sa pagkain sa kanila, kaya nang umakyat na siya sa kaniyang kuwarto, pinuntahan ko si Lolo upang doon na lang ako kumain. Nagbabasa ng libro si Lolo kaya hindi din kami makapag-usap. Hinayaan lang din niya ako dito sa kaniyang silid dahil naiintindihan niya ang aking sitwasyon. Inabot din yata ako ng isang oras dito. Pinahanap lang ako ng byenan ko kaya kailangan kong bumaba at sumunod sa inuutos niya. Nakasalubong ko pa si Stacey. "Pupunta ang mga friends ko ngayon, kaya mag-prepare ka ng food and drinks para sa amin. Doon kami sa may pool.""May inuutos ang Mommy mo, ka—"Masama niy akong tiningnan. "Hindi ka señorita sa pamamahay na ito. Wala kang karapatang magreklamo kapag inutusan kita."I sighed and just nod my head. "Okay." Bumaba na ak

  • Stained Love    Away-away

    Nakapag-usap naman kami ni Raiden kagabi, pero hindi pa din ako mapakali. Napuyat ako at kung kailan patulog na sana ako, alas-singko na pala at heto nga ginigising na ako ng aking byenan. Kahit inaantok, bumangon na lang ako upang hindi siya magalit. Pero kahit sumunod naman ako sa utos niya, heto siya at galit pa din. Ang aga pa pero masama na agad ang tingin sa akin. Mukhang mag-z-zumba sila ng kaniyang mga kumare. "Maghanda ka ng breakfast for twenty persons." "Okay po." Mag-z-zumba sila pero kakain sila ng madami pagkatapos, kaya wala ding silbi ang kanilang pagpapapawis. Sinimulan ko ng maghanda ng breakfast kasama ang dalawang maid. Wala iyong iba, dahil inutusan daw na mamalengke. Hindi pa nakakalahati ang ginagawa ko pero dumating naman si Stacey. Mukhang galing siya sa pag-jogging dahil pawisan siya. May kausap siya sa kaniyang celphone. Humahagikgik siya at iisipin mo talagang lalake, pero nang marinig ko ang pangalan ng kaniyang kapatid, natigilan ako. "Ano, nagkau

  • Stained Love    Death

    "Honey..." Ang malambing na pagtawag sa akin ni Raiden ang nagpagising sa akin. Tinanghali na naman ako ng gising. Ilang araw ng ganito. Ilang araw na ding masama ang aking pakiramdam. "Are you not feeling well?" Tumango-tango ako. Inabot ko ang kamay ko sa kaniya at agad naman niya akong niyakap. Nakabihis na siya. Papasok na siya sa trabaho. "Nag-breakfast ka na ba? Sorry, honey, kung lagi akong late nagigising.""It's okay, honey. Maaga pa naman. May breakfast meeting ako ngayon. Kumain ka na din mamaya, okay?""Yes, honey. Mag-ingat ka."Pag-alis niya, muli akong nakatulog. At nagising ulit ako dahil sa matinding kirot ng aking ulo. Nahihilo din ako at para bang hinahalukay ang aking sikmura. Naglalaway din ako. Nagmamadali akong tumakbo sa banyo upang sumuka. Ano'ng nangyayari sa akin?Naligo ako kahit nanghihina ako, para gumaan ang aking pakiramdam. My body was trembling. Nagugutom ako na hindi ko maintindihan. Wala akong lakas na bumaba kaya tumawag ako sa maid's quarter

  • Stained Love    Cold husband

    Hindi nila ako nagawang palayasin dahil hindi pumayag si Lolo. Nag-request din siya na i-check ang cctv footage pero nataon naman na sira ang cctv, kaya hindi din matukoy kung kanino galing iyong lason. Nagpapunta na din sila ng mga pulis at lahat ng gamit namin ay hinalughog pero wala silang nakuhang ebidensya. Kaya maging ako at nagtataka din kung sino ang salarin. Naiwan ako sa mansyon dahil ayaw nila akong pasamahin sa burol ni Stacey. Para hindi na magkagulo, hindi ko na lang pinilit pa. Ayaw ko din namang ma-stress lalo at buntis ako. Ang asawa ko. Malungkot ako dahil pakiramdam ko naniniwala siya sa paratang nina Tilde at kaniyang mommy. Paano niya naisip na magagawa ko ang bagay na iyon? At sa araw pa mismo na masaya ako dahil nalaman ko na buntis ako? Ano'ng klaseng tao ako? Dapat alam niya iyon. Kanina pa ako iyak nang iyak. Sumasabay pa ang hilo na nararamdaman ko kaya sobrang sama ng pakiramdam ko. Umuwi si Raiden kinaumagahan pero hindi din siya nagtagal. Naligo la

  • Stained Love    Bigat

    Nalaman ko lang sa isang maid na sa study room daw natulog si Raiden. Mahimbing na din ang tulog ko nang pumasok siya sa kuwarto kinaumagahan upang maligo at magbihis. Pumasok na siya sa trabaho nang hindi man lang nagpapaalam sa akin. Masama ang pakiramdam ko pero lumabas ako upang makapagpaaraw sandali. Sobrang bigat ng ulo ko at ang puson ko ay sumasakit na naman. "Hija..."Pinilit kong ngumiti kay Lolo na lumapit sa akin. Inaalalayan siya ng dalawang nurse niya. Ayaw daw niya akong mapagod sa pag-aalaga sa kaniya kaya kumuha na lang siya ng isa pang nurse. "Kumain ka na ba?" "Wala po akong gana, lolo," sagot ko naman sabay haplos sa impis kong tiyan."Hindi ka puwedeng magpagutom. Ano ba ang gusto mo para maipaluto ko?""Hindi ko po alam..." Wala talaga akong gana. Hindi din naman ako nagugutom. Ang totoo niyan sinisikmura ako tapos sumasabay pa ang paminsan-minsan na paghilab ng aking tiyan, kaya mas lalong hindi ako makakain. "Kuhanan mo ng gatas si Rosario. Magbalat na din

  • Stained Love    Back to work

    Natulog ako na masama ang loob at gumising ako na masama ang pakiramdaman. Nagugutom na ako kaya bumaba na muna ako. Mamaya na ako mag-iisip ng gagawin ko ngayong araw, pagkatapos kong kumain. Naluha na lang ako nang sabihan ako ng mga maid na bawal akong kumuha ng pagkain sa fridge at sa pantry. How am I going to survive if I don't eat? Nalaman ko din na naospital si Lolo pero bawal ko din itong dalawin. Ginigipit ako ng aking byenan. Iyon ang nakikita kong dahilan kung bakit niya ito ginagawa. Sinasamantala niya na hindi kami okay ni Raiden. Gusto niya akong paalisin, pero hindi ko iyon gagawin. Magkakaroon ng buong pamilya ang aking anak. Alas-nuebe na at nagugutom na ako. Bumalik ako sa kuwarto upang bilangin ang natitirang coins ko. Makakabili pa naman ako ng pagkain, pero bukas wala na. Hindi naman puwedeng hindi ako kumain. Hindi ko na makita ang halaga ko sa mansyon na 'to, kaya naisip ko na maghanap na lang ng trabaho lalo at kinuha ng aking mother in law ang aking wal

  • Stained Love    Umuwi ka na

    Nagtataka ako paggising ko. Nakakumot ako at may dalawang unan din sa magkabilang gilid ko. Wala namang ibang gagawa nito sa bahay na 'to kung hindi ang aking asawa. Mapait akong ngumiti. Alam kong ginagawa lang niya ito para sa baby namin at hindi na para sa akin na asawa niya. Mabigat ang katawan ko na bumangon. Bago ako nakalabas ng bahay para pumasok ng trabaho ay nagsuka pa ako. Hilong-hilo ako at nakaramdam na din ako ng labis na pagkagutom. Wala na akong stock na pagkain. Mamaya kapag hindi kami mag-overtime, bibili ako ng pagkain para may makain ako kapag gutumin ng alanganing oras. Alas-otso na. Pumasok na siguro ang asawa ko. Sa iisang bahay pa din kami umuuwi pero masakit lang na para na kaming mga estranghero. I sighed and think of happy thoughts. Puwede namang maging positibo pa din sa kabila ng mga nangyayari. Pagsubok lang 'to, magiging maayos din ang lahat. Nag-taxi ako hanggang sa trabaho. Mabuti na lang at may pagkain na in-order si Pepper para sa aming lahat, ka

Latest chapter

  • Stained Love    EPILOGUE

    Isang linggong preparasyon lang ang ginawa para sa kasal namin dito sa Spain. Pero kahit ilang araw lang iyon, hindi siya simpleng kasal lang. It was a grand wedding.Lahat ng kakilala na sikat na wedding supplier ay kinuha nina Daddy at Lolo. Sila lahat ang gumastos. Hindi nila hinayaang maglabas ng pera si Raiden kahit na may badget naman siya para rito. Syempre, sina Daddy at Lolo pa ba? Sobrang excited na ako. Masaya naman ako nang unang beses kaming kinasal ni Raiden pero iba ang level ng kasiyahan namin ngayon. Lahat ng malalapit sa amin ay kasama namin ngayon. Hindi gaya nang una naming kasal na si Pepper lang ang present. Looking back, I was getting emotional. Iyong masaya ka na pero may mas isasaya ka pa pala. Kahit hindi ko personal choice ang aking gown ay nagustuhan ko naman 'to. I love the design, it fit perfectly to me. Para bang ginawa talaga ito para sa akin kahit na ready made na ito. Tapos na akong ayusan ng hair and make up team. Kumukuha na lang kami ng ilang

  • Stained Love    THE NEVILLE'S

    Hindi pa kami bumalik ng work. Siguro naman ay maiintindihan ni Lolo, kung hindi muna namin magampanan ang mga tungkulin namin sa pinamana niyang kompanya. Mag-t-travel kami abroad. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng asawa ko, dahil bigla na lang siyang nag-aya na mag-abroad. Akala ko babalik na muna kami sa work dahil tiyak na tambak na ngayon ang trabaho sa aming working table. Tapos na akong mag-empake. Binababa na ng mga tauhan ang aming mga maleta. Ang mga bata ay tumatalon-talon naman sa kama dahil sa excitement. Nakabihis na pero kailangan ulit palitan ng damit dahil pawisan na sila. Napatingin ako sa kanilang ama na isa-isa silang pinupunasan. "Gusto niyo ba'ng maiwan dito? Kami na lang ni Mommy niyo ang pupunta ng abroad? Parang ayaw niyong umalis, e..." Mahinahon pa din naman ang boses niya. "We don't want to stay here, daddy. We want to travel too.""Okay. I want you to sit there and wait.""Okay, Daddy," sabay-sabay na sagot ng mga bata. Napatingin ako sa

  • Stained Love    FORGIVE AND FORGET

    "Ba't ka galit?" Binibiro ko si Raiden. Hindi maganda ang timpla ng mukha niya ngayong umaga. Nakatulog kasi ako kagabi, kaya walang ganap. Puwede naman niya akong gisingin sana, kung talagang gusto niya pero hindi niya ginawa. Tapos ngayon nakasimangot. "Hindi, ah," tanggi naman niya. Pinilit pa nga niyang ngumiti upang ipakita na ayos lang siya. Nauna ng mag-breakfast ang mga kasama namin sa bahay. Late kaming nagising na dalawa kaya kami na lang dalawa ang nagsalo ng breakfast. "Ano ang gusto mong ulam mamaya, hija?" tanong ng aking byenan. "Kahit ano po, ayos lang," sagot ko naman. Hindi naman ako mapili sa ulam na ihahain sa akin. "Mga paborito mong ulam ang ipapaluto ko." Napangiti ako. Totoo ba 'to? Mukhang bumabawi ang byenan ko sa akin, ah. Magpapamisa talaga ako kapag nagtuloy-tuloy siyang mabait sa akin. "Gusto ko po ng beef steak at saka kare-kare."Tumango-tango siya. Hindi mabura-bura ang ngiti sa kaniyang mga labi. Wala din akong nakikitang iba rito. Hindi siya na

  • Stained Love    STARTING AGAIN

    Todo asikaso ang lolo at lola ng mga bata sa kanila. Napapailing na lang ako dahil halos hindi na makakain ang dalawa. Nagpapasubo kasi sina Dos at Tres sa mga ito. "Mga anak, alam niyo namang kumain mag-isa, e..." sabi ko sa mga ito. "It's okay, hija. Sabik sila sa lolo at lola kaya ganito," sabi naman ng aking mother in law. Mukhang wiling-wili naman ang mga ito kaya hinayaan ko na lang. Kumain na lang ako habang pinapanood ang mga inlaws ko at mga bata. "Sinusulit nila ang lolo at lola nila kasi ilang taon din nilang hindi nakasama." Napangiti na lang ako. Tingin ko ay bumait na ng kaunti ang byenan ko. Mabuti naman kung nagbago na sila. Mahirap kapag kinalakihan ng mga bata ang magulong pamilya lalo na at hindi magkasundo ang ina nila at kanilang lola. Pagkatapos kumain ng lunch ay sila na din ang nagpatulog sa mga ito. Ang mga nanny ng mga bata ay pinag-siesta na muna. Mamayang hapon pa naman kami mag-s-swimming. Kapag hindi na mainit sa labas. Kami ng asawa ko ay nagduyan

  • Stained Love    EVIL QUEEN

    Sumunod sa akin si Raiden. Mukhang hindi niya napansin ang tatlong lalake na nagduduyan, dahil niyakap niya ako mula sa aking likuran. Nagsipag-tikhim naman ang tatlo kaya mabilis siyang lumayo sa akin. Dinig ko ang mahinang pag-usal niya ng mura. "Ano? Parang hindi kayo masaya na nandito kami, ah." Umirap ako. Akala ko talaga hindi sila sasama dito. Nagpahuli pa talaga sila ng alis. Hindi na lang sila sumabay sa amin kanina. "Baka kasi buntisin mo na naman ang kapatid namin. Hindi mo alam kung gaano siya nahirapan noon sa pagbubuntis niya sa kambal." At mukhang nandito lang sila para manira ng bakasyon. Sumimangot ako. "Nakahiga lang siya noon sa kama. Nakaratay. Sumabay pa iyong deppression niya. Can you imagine that?"Naging seryoso ang mukha ni Raiden. Hanggang sa nabahiran na ng pag-aalala at pagsisisi ang kaniyang ekspresyon. Padabog akong pumasok sa loob. Pasaway talaga ang mga kapatid ko. Sumunod naman agad sa akin si Raiden. Kung kanina ay masayang-masaya siya. Ngayon

  • Stained Love    BAKASYON

    "Lindol!" Naalimpungatan ako dahil sa natatarantang boses ni Raiden. Pagtingin ko sa kaniya, nakahiga pa din pala siya dito sa kama. Mukhang naalimpungatan siya sa pag-alog ng kama, dahil sa mga batang maaga pa lang ay tumatalon na. Nagtalukbong ako at pinilit bumalik sa pagtulog. Masakit ang ulo ko at nakaramdam din ako ng pagkahilo dahil sa pag-alog ng kama. "Good moyning, Daddy!" "Good morning, Tres. Stop jumping, please," pakiusap ng kaniyang ama. Antok na antok pa ang boses nito. Tumigil naman ang mga ito, pero pinipilit na siyang bumangon, dahil mamamasyal daw kami. "Mommy, it's already morning. You promised us that we're going on a vacation today.""Inaantok pa ako," sabi ko naman. "Nahihilo ako. Ang likot-likot niyo kasi.""What is she shaying?" "Lumabas na muna kayo. Gising na ang yaya niyo," utos ko sa mga ito. Hindi ko pa kayang bumangon. "Okay!""Come on, Dos! Let's go play outside.""I wanna play hide and sheek!""Okay, Uno and I will hide and you'll gonna find us

  • Stained Love    BEDTIME

    Naliligo na sa pawis ang mga bata. Kanina pa sila talon nang talon at tila wala silang kapaguran. Sanay na kami sa kanila, pero si Raiden ay manghang-mangha pa din. Inaawat niya ang mga ito pero wala namang pinakikinggan ang mga ito. "Daddy, look at me!" Nagyayabang pa sila. Aakyat sila sa tuktok ng sofa tapos tatalon. "Tingin ko hindi sila dapat nanonood ng spider man at mga anime?" tanong niya habang nakangiwi. "Hindi sila nanonood ng ganoon. Sadyang malikot lang talaga sila." Ngumiwi siya. "Ganito talaga sila?"Tumango-tango ako. "Masasanay ka din." "Yeah." Maya-maya ay nakangiti na siya. Umiling at mahinang tumawa. "Thank you for raising a two healthy babies." Natawa din ako. "I did it better!""No! I did it betey!" Heto na naman 'tong dalawa. Nagtatalo na naman. "Dos, Tres," tawag ko sa dalawa habang nakatingin ng mariin sa dalawa. "Time for bed.""Okay, Mommy.""Daddy, it's time for bed! Let's go!" aya ni Dos sa kaniyang ama. Nag-iwas ako ng tingin nang tumingin sa a

  • Stained Love    BASBAS

    Nakaupo na sa sahig si Raiden, habang ang kambal naman ay nakaupo sa kaniyang magkabilang hita. Si Uno naman ay nakayakap sa kaniya mula sa likuran. Sobrang sarap nilang pagmasdan. Kanina pa ako umiiyak, dahil masaya ako na makitang masaya ang mga anak ko. Na-meet na nila ang kanilang ama. Hindi na sila mag-iisip ng kung ano-ano na kesyo hindi sila mahal. Kinuwento ni Dos sa kaniya kung saan sila pinanganak at lumaki. Pati address namin sa America ay detalyado niyang kinuwento. "And then Lolo found us...your lolo, Daddy. And then we moved to another house." Napangiwi ako nang mapatingin sa akin si Raiden. "And then we went here in the Philippines because mommy needs to do business.""Lolo passed away, that's why Mommy decided to go back in the Philippines," pagtatama ni Raiden. "Oh, ish that sho, Daddy?"Tumango si Raiden. "Yes, sweetheart." Ngumiti siya at pagkatapos ay bumuntong hininga. Tumikhim ako. "Hindi ka tumuloy sa lakad mo?""No. Dalawang beses kang tumawag, e. Hindi

  • Stained Love    NAGWAWALA

    Nang makarating ako sa bahay, nadatnan kong naglalaro ang dalawang bata sa living room. Mukhang masaya naman sila maghapon. Pawisan sila sa paglilikot. "Mommy!" Nag-unahan silang tumakbo palapit sa akin. "Hello, my babies!" Niyakap ko sila at hinalikan. Tumingin sila sa may pintuan. May hinahanap. Hinahanap nila si Uno! "Whey's Uno?" tanong ni Tres. "Where is he, Mommy?""Ahm..." Napatingin ako sa mga kapatid kong nakataas ang mga kilay sa akin."Whey is Uno, Mommy?" Ngumuso ako. Hindi makasagot. "Mommy, whey ish Uno?!" pasigaw na ang pagtatanong ni Tres. "He went home to his daddy?" tanong ni Dos. Nagsimula nang mamula ang kaniyang mga pisngi. Kumibot-kibot ang kaniyang labi at gumalaw-galaw din ang butas ng kaniyang ilong. Nagsimula nang umiyak si Tres. "Why? Why?!" Nahiga pa siya sa sahig at doon na nagwala. Si Dos naman ay nagpapadyak na ng paa. "We want to see our daddy!" "I want to have a daddy!" "We want Uno's Daddy!" Pumikit ako at bumuntong hininga. I tried to t

DMCA.com Protection Status