Are you really sure about it, hon?" tanong ni Raiden kay Rosario habang nag-iimpake.
Ngumiti naman si Rosario sa asawa. "Oo naman, hon."Napabuntong hininga ang asawa niya. "Baka mamaya ay mahirapan ka." Naupo sa kama ang asawa niya at hinawakan ang kamay niya. "Ayaw kong mahirapan ka and besides, iniwan mo ang trabaho mo para lang alagaan si lolo."Pinisil niya ang kamay ng asawa. "Hon, hindi na naiiba sa akin si Lolo Felipe. Remember, nang ipakilala mo ako sa pamilya mo ay siya kaagad ang tumanggap sa akin kaya mahal na mahal ko na din siya."Nang ipakilala ni Raiden si Rosario sa pamilya ng lalaki ay kahit nakangiti ang mga magulang ng asawa niya ay alam niyang hindi kaagad siya gusto ng mga ito. Ramdan niya. Si Stacey, ang nag-iisang kapatid ni Raiden ay hindi itinago ang pagkaayaw sa kanya.Pero ang Lolo Felipe ni Raiden ay agad siyang tinanggap. Hindi lang pinakita ng matanda sa kanya kung 'di pinaramdam din. Dahil sa wala na nga siyang pamilya ay nang ikasal sila ng asawa ay si Lolo Felipe ang naghatid sa kanya sa altar."Isa pa, hon, alam naman natin na ayaw niya ng private nurse at pumayag siya na ako ang mag-alaga sa kanya. Don't worry, hon. Hindi ako napipilitan. Gusto ko talagang alagaan si Lolo Felipe at alam kong makakampanti ka din kung ako ang mag-alaga sa kanya."Inilagay ni Raiden ang kamay niya sa noo nito. "Thank you so much, hon. Hindi ko na alam kung papaano ka pa pasasalamatan sa lahat ng sakripisyo mo para sa akin."Pumantay siya sa asawa at hinawakan ang pisngi nito. "Hon, mag-asawa tayo kaya kailangan natin magtulungan at sinasabi ko sa 'yo tutulungan kita sa abot ng aking makakaya. Lahat gagawin ko para sa 'yo. Gano'n kita kamahal."Hinawakan ni Raiden ang kamay niya na nasa pisngi nito at hinalikan. "I don't know what will I do without you, hon."Napangiti na lang si Rosario sa isiping kailangan siya ng asawa niya. Nagpatuloy na sila sa pag-iimpake. Sa mansyon sila ngayon titira para alagaan ang lolo ni Raiden.Kinakabahan si Rosario dahil makakasama niya ang mga magulang ni Raiden lalo na ang kapatid nito. Mabuti na lang at nasa out of town pa ang mga magulang ni Raiden. Pero si Stacey ay nasa mansyon. Noon pa talaga ay hindi na siya gusto ni Stacey. Mas boto kasi ito sa ex-girlfriend ni Raiden, na si Britney, na naging best friend na nga ni Stacey.Ilang taon din nagkaroon ng relasyon sina Raiden at Britney. Naghiwalay lang naman ang dalawa dahil tinupad ni Britney ang pangarap nitong maging isang fashion designer sa Paris. Nasa ibang bansa na ang ex-girlfriend ni Raiden at wala na silang balita sa babae. Kampante din naman si Rosario na mahal siya ng asawa at hindi lang basta isang panakip butas."KUMUSTA na ang pakiramdam mo, lolo?" tanong ni Rosario nang matapos na niyang pakainin at painumin ng gamot si Lolo Felipe.Ngumiti naman ang matanda sa kanya. "Ayos na ang pakiramdam ko lalo na't magaling ang nurse ko."Napailing at natawa na lang siya. "Hay naku! Napakabolero mo talaga, lolo."Napatingin siya sa matanda ng hawakan nito ang kamay niya. "Hindi ako nagbibiro, Rosario. Alam mo? Napakaswerte ng apo ko sa 'yo kasi ikaw ang napangasawa niya. Maliban sa maganda ka na ay mabait pa. Hindi katulad ng ex-girlfriend niya."Lingid sa kaalaman niya na hindi gusto ng matanda ang ex-girlfriend ni Raiden habang gustong-gusto naman ito ng mga magulang ng asawa."Anyway, huwag na natin pag-usapan ang babaeng 'yon. Pag-usapan naman natin ang tungkol sa inyo ng apo ko." Mas lalong ngumiti ang matanda. "Kailan niyo ba ako bibigyan ng apo. Meron na ba?"Nahiya naman siya. "Wala pa po, lolo, at hindi ko pa alam kung kailan, pero sana soon." Tatlong buwan pa lang ang nakakalipas simula ng ikasal sila ng asawa. Hindi naman sa nagmamadali sila pero gusto na din kasi ng asawa niya na magkaanak na sila."Sana naman ay bigyan niyo kaagad ako. Baka mamaya ay hindi ko na maabutan ang apo ko sa inyo."Hinawakan niya ang kamay ng matanda at mahinang pinisil ito. "Lolo, aabot pa kayo. Ang lakas niyo pa kaya. Kaya alam kong aabot pa kayo at makakapaglaro pa kayo sa apo niyo sa tuhod.""Pero traydor ang sakit ko, hija. Hindi natin alam kung kailan ulit aatake."Bigla naman siyang natahimik dahil tama ang sinabi ng matanda. Napabuntong hininga na lang siya at ngumiti. "Kaya nga po nandito ako para alagaan kayo at para mabantayan kayo. Gusto kong makita niyo pa ang magiging apo niyo sa amin ni Raiden."Hindi napigilan ni Rosario na yakapin ang matanda. Kagaya ni Raiden ay hindi niya din kaya na mawala ang matanda dahil maliban sa asawa ay ito na lang ang nagmamahal sa kanya ng totoo. Kapag nawala ang matanda ay wala na siyang magiging kakampi maliban sa asawa.NANG makatulog na ang matanda ay lumabas na din si Rosario sa silid. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto para hindi magising ang matanda. Nagulat siya ng sa paglingon niya ay nakita niya si Stacey na nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya habang naka-cross arm pa."Ang kapal din talaga ng mukha mo, no?" Napakunot noo siya sa sinabi ni Stacey. "Hindi mo lang pinakasalan ang kapatid ko, tumira ka pa dito sa mansyon." Napatawa ng mapakla si Stacey. "At talagang ikaw pa ang nag-request na maging tagaalaga ni lolo kahit pwede naman kaming kumuha ng private nurse."Napabuntong hininga na lang siya. "Hindi ko pinilit, okay? First of all, ayaw talaga ng lolo mo ng isang private nurse kaya nag-volunteer na lang ako."Ngumisi ang babae. "Liar." Hindi siya umimik. "As I know, plinano mo ang lahat." Napakunot noo na lang siya sa pinagsasabi nito. "Ano bang gusto mo? Wait, let me rephrase that question. Ano bang mapapala mo kung aalagaan mo ang lolo ko? Dahil sa pera niya? In case na mawala siya ay may makukuha kang mana?"Napabuntong hininga na lang ulit siya. Kaya nga hangga't makakaya niya ay ayaw niyang magkasalubong sila ni Stacey dahil sa tuwing nagkikita sila ay nag-aaway lang sila. Well, si Stacey lang naman ang naghahanap palagi ng gulo."Hindi pera ang habol ko kaya inaalagaan ko si lolo. Hindi ba nilinaw ko na sa 'yo noong hindi pa kami kinasal ng kuya mo na hindi pera ang habol ko kaya ko siya pinakasalan. Mahal ko ang kapatid mo at mahal ko din si Lolo Felipe kaya ko ginagawa ito.""Gold digger." Yon ang sinagot ni Stacey sa mga sinabi niya.Muli siyang napabuntong hininga. "Wala na akong magagawa kung ayaw mong maniwala. Isipin mo na ang gusto mong isipin basta malinis ang konsensya ko."Tumalikod na siya para sana umalis pero biglang hinila ni Stacey ang buhok niya. Muntik na siyang mapasigaw, mabuti na lang at napigilan niya dahil kung hindi ay baka nagising na ang matanda."Ano ba, Stacey? Bitawan mo nga ang buhok ko," sabi ni Rosario pero hindi nakinig sa kanya si Stacey."Hindi pa ako tapos makipag-usap sa 'yo, Rosario. Wala akong pakialam kung asawa ka ng kapatid ko basta ito ang tatandaan mo. Nasa teritoryo kita kaya dapat kang sumunod sa akin. Kaya huwag na huwag mo akong tatalikuran habang kinakausap kita, naiintindihan mo?"Hindi siya sumagot at nakahawak lang siya sa buhok niya. Ngumisi si Stacey at malakas siyang itinulak dahilan para bumagsak siya sa sahig."Subukan mo lang din na magsumbong kay Kuya Raiden dahil hindi lang 'yan ang matitikman mo."Napasigaw siya ng sa pagdaan ni Stacey ay tinapakan pa nito ang paa niya. Napapikit na lang siya ng mariin at sinabi sa sarili na kailangan niyang tiisin ang pang-aapi sa kanya ni Stacey para sa asawa niya at kay Lolo Felipe."I'M home," sabi ni Raiden nang makapasok ito ng mansyon."Hi, hon." Agad na lumapit si Rosario sa asawa at mabilis na hinalikan sa labi ang asawa. "How's your day?"Ngumiti naman ang asawa niya. "Okay lang. Nakakapagod pero nang makita kita ay nawala na ang pagod ko." Napangiti siya at kinilig sa banat ng asawa niya."Tss! Ang baduy mo, kuya." singit ni Stacey na kakapasok lang ng sala."Bitter ka lang." Umikot lang ang mga mata ni Stacey sa sinabi ni Raiden. "Kapag nag-asawa ka na din ay magiging baduy ka talaga, right, hon?" Kumindat ang asawa niya sa kanya dahilan para mapailing siya at mapangiti.Kahit noong nanliligaw pa sa kanya ang asawa ay may mga banat na talaga ito na kahit baduy man sa pandinig ng ibang tao ay napapakilig naman siya."Halika na at magbihis para makakain na tayo ng hapunan," sabi na lang niya.Naglakad na sila at napatigil ng mapansin ni Raiden ang paika-ika niyang paglalakad. "Wait, what happen?" Nagtaka naman siyang tiningnan ang asawa. Bahagya siyang napaatras ng lumuhod ang asawa niya at hawakan ang paa niya. "Anong nangyari sa paa mo at paika-ika kang naglalakad?"Magsasalita na sana siya ng sumingit si Stacey. "Oo nga naman, Ate Rosario. Anong nangyari sa paa mo?"Napatingin siya kay Stacey na masama ang tingin sa kanya. Alam niya ang tinging 'yon. Pinagbabantaan siya. Hindi 'yon nakikita ni Raiden dahil nakatalikod ang asawa niya sa babae.Bumaling na lang siya sa asawa at ngumiti. "Wala ito, hon. Natapilok lang ako sa may hagdan kanina."Narinig niya ang pag-ismid ni Stacey. "Ang tanga mo naman.""Stacey!" sabi ni Raiden na may pagbabanta.Napatingin naman ang babae sa kapatid niya. "What? Totoo naman ang sinasabi ko, ah. Kung hindi din naman siya tatanga-tanga ay hindi siya matatapilok. Easy.""Kahit na. Hindi pa din maganda na magsalita ka ng ganyan sa nakakatanda sa 'yo, lalo na sa asawa ko."Napanganga si Stacey at hindi makapaniwalang nakatingin sa kapatid. "Really, Kuya? Mas kakampihan mo pa ang babaeng 'yan kaysa sa akin na kapatid mo?"Napabuntong hininga na lang si Raiden. "Wala akong kinakampihan, okay? Ang gusto ko lang ay respitohin mo ang Ate Rosario mo lalo na't asawa ko siya."Umikot lang ang mga mata ni Stacey. "Whatever." Umalis na din ito.Hinawakan ni Rosario ang balikat ng asawa dahilan para mapatingin ito sa kanya. "Hayaan mo na, hon. Bata pa din naman si Stacey. Maiintindihan niya din ang mga sinabi mo.""Bata? Hindi na bata si Stacey, hon. She's twenty three right now. Dapat alam niya kung paano gumalang. Kahit nga siguro grade one ay alam kung paano gumalang, eh." Napabuntong hininga ang asawa niya. "Masyado kasing na-spoiled nina mom and dad kaya gano'n ang ugali." Tiningnan siya nito ng humihingi ng paumanhin. "Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko na 'yon, hon."Ngumiti naman siya. "It's okay, hon. Ako na lang ang magpapakumbaba dahil sa aming dalawa ay ako ang mas nakatatanda."Hinalikan siya ng asawa sa noo. "Thank you, hon." Bigla siyang napasigaw nang buhatin siya ng asawa. Napatakip na lang siya ng bibig at hinampas sa balikat ang asawa. "Huwag mo nga akong basta-basta na lang buhatin, hon. Ibaba mo nga ako at baka may makakita sa atin."Umiling si Raiden. "Eh, ano naman kung makita nila tayo? Mag-asawa naman tayo and besides, you are injured, hon."Umikot ang mga mata niya. "Masakit lang ang paa ko pero nakakalakad pa naman ako at hindi pa ako baldado."Nagsimula ng maglakad ang asawa niya. "It's okay. Mas mabuti ng huwag mo na munang igalaw ang paa mo at baka lumala. Sige ka. Kapag lumala 'yan ay baka hindi ka makalakad. At kapag hindi ka nakalakad ay malaya ko ng magagawa ang lahat ng gusto ko ng hindi ka nakakapalag. Hindi ka makakatakbo at makakatakas sa akin."Sinamaan niya ng tingin ang asawa at mahinang pinisil ang pisngi nito. "You are such a naughty husband."Ngumisi naman si Raiden. "I can be naughty if it's you and I can be wild if you want."Napailing na lang si Rosario sa kapilyohan ng asawa. Kahit saan ilagay ang asawa niya ay naisisingit nito ang pagiging pilyo. Kaya mahal niya, eh.Lumipas ang ilang mga araw at unti-unti nang naging maayos ang kalagayan ni Lolo Felipe. Muling nanumbalik ang lakas ng matanda at normal na din ang blood pressure nito. Maayos kasing mag-alaga si Rosario. At nakikinig din naman sa kaniya ang matanda. Maayos naman ang lahat maliban na lang sa tuwing nagkukrus ang landas nila ni Stacey. Kahit anong pakumbaba at pag-e-explain sa paulit-ulit na bintang sa kanya ni Stacey ay hindi pa din ito nakikinig. Minsan ay napapatanong na lang siya kung ano ba ang trip ng kaniyang hipag. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi na lang itong galit sa kaniya. "Hoy, Rosario!" Napabuntong hininga na lang siya ng makita si Stacey na papalapit sa kanya. "Huwag ngayon, Stacey. Medyo pagod ako at wala akong oras at lakas para makipag-away sa 'yo." Tumalikod na siya at maglalakad na sana ng biglang hablutin ni Stacey ang buhok niya. "Stacey, ano ba? Ano na naman bang problema mo?""Anong problema ko?" tanong ni Stacey. "Hindi pa ba obvious? Ikaw," may diing
ROSARIO'S POV Bumukas ang pintuan ng silid namin ng aking asawa. Nilingon ko si Raiden na mayroong pag-aalala sa mukha. "Are you okay, honey?" Pinilit kong ngumiti para hindi na siya mag-alala pa. Ayaw kong magkagulo sila ng kaniyang pamilya sa akin. Gusto kong makuha ang loob ng kaniyang mga magulang pati na din ni Stacey na nag-iisa niyang kapatid. Hindi ko naman sila masisi kung ayaw nila sa akin, lalo pa at ang gusto nila para sa asawa ko ay ang ex niya. Wala na sila nang magkakilala kami, kaya hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit nila para sa akin. Pero kahit na ganoon, susubukan ko pa din na magustuhan nila ako. Para naman magkaroon ako ng peace of mind. Pero kung hindi pa din nila ako matanggap. Wala na akong magagawa pa. Atleast I tried. At sapat na din sa akin na may nag-iisang tao sa pamilyang ito na tanggap ako. At iyon ay ang lolo ni Raiden. Ang mahalaga ay mahal din ako ng aking asawa. Napatunayan ko kung gaano niya ako kamahal ng ipaglaban niya ako at pa
Maaga pa lang ay ginising na ako ng aking byenan na babae para tumulong daw sa paghahanda ng almusal. "May mga bisita ako mamaya kaya kailangan mong tumulong sa pagluluto," sabi nito pagkatapos nilang mag-almusal. Hindi niya ako pinasabay sa pagkain sa kanila, kaya nang umakyat na siya sa kaniyang kuwarto, pinuntahan ko si Lolo upang doon na lang ako kumain. Nagbabasa ng libro si Lolo kaya hindi din kami makapag-usap. Hinayaan lang din niya ako dito sa kaniyang silid dahil naiintindihan niya ang aking sitwasyon. Inabot din yata ako ng isang oras dito. Pinahanap lang ako ng byenan ko kaya kailangan kong bumaba at sumunod sa inuutos niya. Nakasalubong ko pa si Stacey. "Pupunta ang mga friends ko ngayon, kaya mag-prepare ka ng food and drinks para sa amin. Doon kami sa may pool.""May inuutos ang Mommy mo, ka—"Masama niy akong tiningnan. "Hindi ka señorita sa pamamahay na ito. Wala kang karapatang magreklamo kapag inutusan kita."I sighed and just nod my head. "Okay." Bumaba na ak
Nakapag-usap naman kami ni Raiden kagabi, pero hindi pa din ako mapakali. Napuyat ako at kung kailan patulog na sana ako, alas-singko na pala at heto nga ginigising na ako ng aking byenan. Kahit inaantok, bumangon na lang ako upang hindi siya magalit. Pero kahit sumunod naman ako sa utos niya, heto siya at galit pa din. Ang aga pa pero masama na agad ang tingin sa akin. Mukhang mag-z-zumba sila ng kaniyang mga kumare. "Maghanda ka ng breakfast for twenty persons." "Okay po." Mag-z-zumba sila pero kakain sila ng madami pagkatapos, kaya wala ding silbi ang kanilang pagpapapawis. Sinimulan ko ng maghanda ng breakfast kasama ang dalawang maid. Wala iyong iba, dahil inutusan daw na mamalengke. Hindi pa nakakalahati ang ginagawa ko pero dumating naman si Stacey. Mukhang galing siya sa pag-jogging dahil pawisan siya. May kausap siya sa kaniyang celphone. Humahagikgik siya at iisipin mo talagang lalake, pero nang marinig ko ang pangalan ng kaniyang kapatid, natigilan ako. "Ano, nagkau
"Honey..." Ang malambing na pagtawag sa akin ni Raiden ang nagpagising sa akin. Tinanghali na naman ako ng gising. Ilang araw ng ganito. Ilang araw na ding masama ang aking pakiramdam. "Are you not feeling well?" Tumango-tango ako. Inabot ko ang kamay ko sa kaniya at agad naman niya akong niyakap. Nakabihis na siya. Papasok na siya sa trabaho. "Nag-breakfast ka na ba? Sorry, honey, kung lagi akong late nagigising.""It's okay, honey. Maaga pa naman. May breakfast meeting ako ngayon. Kumain ka na din mamaya, okay?""Yes, honey. Mag-ingat ka."Pag-alis niya, muli akong nakatulog. At nagising ulit ako dahil sa matinding kirot ng aking ulo. Nahihilo din ako at para bang hinahalukay ang aking sikmura. Naglalaway din ako. Nagmamadali akong tumakbo sa banyo upang sumuka. Ano'ng nangyayari sa akin?Naligo ako kahit nanghihina ako, para gumaan ang aking pakiramdam. My body was trembling. Nagugutom ako na hindi ko maintindihan. Wala akong lakas na bumaba kaya tumawag ako sa maid's quarter
Hindi nila ako nagawang palayasin dahil hindi pumayag si Lolo. Nag-request din siya na i-check ang cctv footage pero nataon naman na sira ang cctv, kaya hindi din matukoy kung kanino galing iyong lason. Nagpapunta na din sila ng mga pulis at lahat ng gamit namin ay hinalughog pero wala silang nakuhang ebidensya. Kaya maging ako at nagtataka din kung sino ang salarin. Naiwan ako sa mansyon dahil ayaw nila akong pasamahin sa burol ni Stacey. Para hindi na magkagulo, hindi ko na lang pinilit pa. Ayaw ko din namang ma-stress lalo at buntis ako. Ang asawa ko. Malungkot ako dahil pakiramdam ko naniniwala siya sa paratang nina Tilde at kaniyang mommy. Paano niya naisip na magagawa ko ang bagay na iyon? At sa araw pa mismo na masaya ako dahil nalaman ko na buntis ako? Ano'ng klaseng tao ako? Dapat alam niya iyon. Kanina pa ako iyak nang iyak. Sumasabay pa ang hilo na nararamdaman ko kaya sobrang sama ng pakiramdam ko. Umuwi si Raiden kinaumagahan pero hindi din siya nagtagal. Naligo la
Nalaman ko lang sa isang maid na sa study room daw natulog si Raiden. Mahimbing na din ang tulog ko nang pumasok siya sa kuwarto kinaumagahan upang maligo at magbihis. Pumasok na siya sa trabaho nang hindi man lang nagpapaalam sa akin. Masama ang pakiramdam ko pero lumabas ako upang makapagpaaraw sandali. Sobrang bigat ng ulo ko at ang puson ko ay sumasakit na naman. "Hija..."Pinilit kong ngumiti kay Lolo na lumapit sa akin. Inaalalayan siya ng dalawang nurse niya. Ayaw daw niya akong mapagod sa pag-aalaga sa kaniya kaya kumuha na lang siya ng isa pang nurse. "Kumain ka na ba?" "Wala po akong gana, lolo," sagot ko naman sabay haplos sa impis kong tiyan."Hindi ka puwedeng magpagutom. Ano ba ang gusto mo para maipaluto ko?""Hindi ko po alam..." Wala talaga akong gana. Hindi din naman ako nagugutom. Ang totoo niyan sinisikmura ako tapos sumasabay pa ang paminsan-minsan na paghilab ng aking tiyan, kaya mas lalong hindi ako makakain. "Kuhanan mo ng gatas si Rosario. Magbalat na din
Natulog ako na masama ang loob at gumising ako na masama ang pakiramdaman. Nagugutom na ako kaya bumaba na muna ako. Mamaya na ako mag-iisip ng gagawin ko ngayong araw, pagkatapos kong kumain. Naluha na lang ako nang sabihan ako ng mga maid na bawal akong kumuha ng pagkain sa fridge at sa pantry. How am I going to survive if I don't eat? Nalaman ko din na naospital si Lolo pero bawal ko din itong dalawin. Ginigipit ako ng aking byenan. Iyon ang nakikita kong dahilan kung bakit niya ito ginagawa. Sinasamantala niya na hindi kami okay ni Raiden. Gusto niya akong paalisin, pero hindi ko iyon gagawin. Magkakaroon ng buong pamilya ang aking anak. Alas-nuebe na at nagugutom na ako. Bumalik ako sa kuwarto upang bilangin ang natitirang coins ko. Makakabili pa naman ako ng pagkain, pero bukas wala na. Hindi naman puwedeng hindi ako kumain. Hindi ko na makita ang halaga ko sa mansyon na 'to, kaya naisip ko na maghanap na lang ng trabaho lalo at kinuha ng aking mother in law ang aking wal
Isang linggong preparasyon lang ang ginawa para sa kasal namin dito sa Spain. Pero kahit ilang araw lang iyon, hindi siya simpleng kasal lang. It was a grand wedding.Lahat ng kakilala na sikat na wedding supplier ay kinuha nina Daddy at Lolo. Sila lahat ang gumastos. Hindi nila hinayaang maglabas ng pera si Raiden kahit na may badget naman siya para rito. Syempre, sina Daddy at Lolo pa ba? Sobrang excited na ako. Masaya naman ako nang unang beses kaming kinasal ni Raiden pero iba ang level ng kasiyahan namin ngayon. Lahat ng malalapit sa amin ay kasama namin ngayon. Hindi gaya nang una naming kasal na si Pepper lang ang present. Looking back, I was getting emotional. Iyong masaya ka na pero may mas isasaya ka pa pala. Kahit hindi ko personal choice ang aking gown ay nagustuhan ko naman 'to. I love the design, it fit perfectly to me. Para bang ginawa talaga ito para sa akin kahit na ready made na ito. Tapos na akong ayusan ng hair and make up team. Kumukuha na lang kami ng ilang
Hindi pa kami bumalik ng work. Siguro naman ay maiintindihan ni Lolo, kung hindi muna namin magampanan ang mga tungkulin namin sa pinamana niyang kompanya. Mag-t-travel kami abroad. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng asawa ko, dahil bigla na lang siyang nag-aya na mag-abroad. Akala ko babalik na muna kami sa work dahil tiyak na tambak na ngayon ang trabaho sa aming working table. Tapos na akong mag-empake. Binababa na ng mga tauhan ang aming mga maleta. Ang mga bata ay tumatalon-talon naman sa kama dahil sa excitement. Nakabihis na pero kailangan ulit palitan ng damit dahil pawisan na sila. Napatingin ako sa kanilang ama na isa-isa silang pinupunasan. "Gusto niyo ba'ng maiwan dito? Kami na lang ni Mommy niyo ang pupunta ng abroad? Parang ayaw niyong umalis, e..." Mahinahon pa din naman ang boses niya. "We don't want to stay here, daddy. We want to travel too.""Okay. I want you to sit there and wait.""Okay, Daddy," sabay-sabay na sagot ng mga bata. Napatingin ako sa
"Ba't ka galit?" Binibiro ko si Raiden. Hindi maganda ang timpla ng mukha niya ngayong umaga. Nakatulog kasi ako kagabi, kaya walang ganap. Puwede naman niya akong gisingin sana, kung talagang gusto niya pero hindi niya ginawa. Tapos ngayon nakasimangot. "Hindi, ah," tanggi naman niya. Pinilit pa nga niyang ngumiti upang ipakita na ayos lang siya. Nauna ng mag-breakfast ang mga kasama namin sa bahay. Late kaming nagising na dalawa kaya kami na lang dalawa ang nagsalo ng breakfast. "Ano ang gusto mong ulam mamaya, hija?" tanong ng aking byenan. "Kahit ano po, ayos lang," sagot ko naman. Hindi naman ako mapili sa ulam na ihahain sa akin. "Mga paborito mong ulam ang ipapaluto ko." Napangiti ako. Totoo ba 'to? Mukhang bumabawi ang byenan ko sa akin, ah. Magpapamisa talaga ako kapag nagtuloy-tuloy siyang mabait sa akin. "Gusto ko po ng beef steak at saka kare-kare."Tumango-tango siya. Hindi mabura-bura ang ngiti sa kaniyang mga labi. Wala din akong nakikitang iba rito. Hindi siya na
Todo asikaso ang lolo at lola ng mga bata sa kanila. Napapailing na lang ako dahil halos hindi na makakain ang dalawa. Nagpapasubo kasi sina Dos at Tres sa mga ito. "Mga anak, alam niyo namang kumain mag-isa, e..." sabi ko sa mga ito. "It's okay, hija. Sabik sila sa lolo at lola kaya ganito," sabi naman ng aking mother in law. Mukhang wiling-wili naman ang mga ito kaya hinayaan ko na lang. Kumain na lang ako habang pinapanood ang mga inlaws ko at mga bata. "Sinusulit nila ang lolo at lola nila kasi ilang taon din nilang hindi nakasama." Napangiti na lang ako. Tingin ko ay bumait na ng kaunti ang byenan ko. Mabuti naman kung nagbago na sila. Mahirap kapag kinalakihan ng mga bata ang magulong pamilya lalo na at hindi magkasundo ang ina nila at kanilang lola. Pagkatapos kumain ng lunch ay sila na din ang nagpatulog sa mga ito. Ang mga nanny ng mga bata ay pinag-siesta na muna. Mamayang hapon pa naman kami mag-s-swimming. Kapag hindi na mainit sa labas. Kami ng asawa ko ay nagduyan
Sumunod sa akin si Raiden. Mukhang hindi niya napansin ang tatlong lalake na nagduduyan, dahil niyakap niya ako mula sa aking likuran. Nagsipag-tikhim naman ang tatlo kaya mabilis siyang lumayo sa akin. Dinig ko ang mahinang pag-usal niya ng mura. "Ano? Parang hindi kayo masaya na nandito kami, ah." Umirap ako. Akala ko talaga hindi sila sasama dito. Nagpahuli pa talaga sila ng alis. Hindi na lang sila sumabay sa amin kanina. "Baka kasi buntisin mo na naman ang kapatid namin. Hindi mo alam kung gaano siya nahirapan noon sa pagbubuntis niya sa kambal." At mukhang nandito lang sila para manira ng bakasyon. Sumimangot ako. "Nakahiga lang siya noon sa kama. Nakaratay. Sumabay pa iyong deppression niya. Can you imagine that?"Naging seryoso ang mukha ni Raiden. Hanggang sa nabahiran na ng pag-aalala at pagsisisi ang kaniyang ekspresyon. Padabog akong pumasok sa loob. Pasaway talaga ang mga kapatid ko. Sumunod naman agad sa akin si Raiden. Kung kanina ay masayang-masaya siya. Ngayon
"Lindol!" Naalimpungatan ako dahil sa natatarantang boses ni Raiden. Pagtingin ko sa kaniya, nakahiga pa din pala siya dito sa kama. Mukhang naalimpungatan siya sa pag-alog ng kama, dahil sa mga batang maaga pa lang ay tumatalon na. Nagtalukbong ako at pinilit bumalik sa pagtulog. Masakit ang ulo ko at nakaramdam din ako ng pagkahilo dahil sa pag-alog ng kama. "Good moyning, Daddy!" "Good morning, Tres. Stop jumping, please," pakiusap ng kaniyang ama. Antok na antok pa ang boses nito. Tumigil naman ang mga ito, pero pinipilit na siyang bumangon, dahil mamamasyal daw kami. "Mommy, it's already morning. You promised us that we're going on a vacation today.""Inaantok pa ako," sabi ko naman. "Nahihilo ako. Ang likot-likot niyo kasi.""What is she shaying?" "Lumabas na muna kayo. Gising na ang yaya niyo," utos ko sa mga ito. Hindi ko pa kayang bumangon. "Okay!""Come on, Dos! Let's go play outside.""I wanna play hide and sheek!""Okay, Uno and I will hide and you'll gonna find us
Naliligo na sa pawis ang mga bata. Kanina pa sila talon nang talon at tila wala silang kapaguran. Sanay na kami sa kanila, pero si Raiden ay manghang-mangha pa din. Inaawat niya ang mga ito pero wala namang pinakikinggan ang mga ito. "Daddy, look at me!" Nagyayabang pa sila. Aakyat sila sa tuktok ng sofa tapos tatalon. "Tingin ko hindi sila dapat nanonood ng spider man at mga anime?" tanong niya habang nakangiwi. "Hindi sila nanonood ng ganoon. Sadyang malikot lang talaga sila." Ngumiwi siya. "Ganito talaga sila?"Tumango-tango ako. "Masasanay ka din." "Yeah." Maya-maya ay nakangiti na siya. Umiling at mahinang tumawa. "Thank you for raising a two healthy babies." Natawa din ako. "I did it better!""No! I did it betey!" Heto na naman 'tong dalawa. Nagtatalo na naman. "Dos, Tres," tawag ko sa dalawa habang nakatingin ng mariin sa dalawa. "Time for bed.""Okay, Mommy.""Daddy, it's time for bed! Let's go!" aya ni Dos sa kaniyang ama. Nag-iwas ako ng tingin nang tumingin sa a
Nakaupo na sa sahig si Raiden, habang ang kambal naman ay nakaupo sa kaniyang magkabilang hita. Si Uno naman ay nakayakap sa kaniya mula sa likuran. Sobrang sarap nilang pagmasdan. Kanina pa ako umiiyak, dahil masaya ako na makitang masaya ang mga anak ko. Na-meet na nila ang kanilang ama. Hindi na sila mag-iisip ng kung ano-ano na kesyo hindi sila mahal. Kinuwento ni Dos sa kaniya kung saan sila pinanganak at lumaki. Pati address namin sa America ay detalyado niyang kinuwento. "And then Lolo found us...your lolo, Daddy. And then we moved to another house." Napangiwi ako nang mapatingin sa akin si Raiden. "And then we went here in the Philippines because mommy needs to do business.""Lolo passed away, that's why Mommy decided to go back in the Philippines," pagtatama ni Raiden. "Oh, ish that sho, Daddy?"Tumango si Raiden. "Yes, sweetheart." Ngumiti siya at pagkatapos ay bumuntong hininga. Tumikhim ako. "Hindi ka tumuloy sa lakad mo?""No. Dalawang beses kang tumawag, e. Hindi
Nang makarating ako sa bahay, nadatnan kong naglalaro ang dalawang bata sa living room. Mukhang masaya naman sila maghapon. Pawisan sila sa paglilikot. "Mommy!" Nag-unahan silang tumakbo palapit sa akin. "Hello, my babies!" Niyakap ko sila at hinalikan. Tumingin sila sa may pintuan. May hinahanap. Hinahanap nila si Uno! "Whey's Uno?" tanong ni Tres. "Where is he, Mommy?""Ahm..." Napatingin ako sa mga kapatid kong nakataas ang mga kilay sa akin."Whey is Uno, Mommy?" Ngumuso ako. Hindi makasagot. "Mommy, whey ish Uno?!" pasigaw na ang pagtatanong ni Tres. "He went home to his daddy?" tanong ni Dos. Nagsimula nang mamula ang kaniyang mga pisngi. Kumibot-kibot ang kaniyang labi at gumalaw-galaw din ang butas ng kaniyang ilong. Nagsimula nang umiyak si Tres. "Why? Why?!" Nahiga pa siya sa sahig at doon na nagwala. Si Dos naman ay nagpapadyak na ng paa. "We want to see our daddy!" "I want to have a daddy!" "We want Uno's Daddy!" Pumikit ako at bumuntong hininga. I tried to t