Nagtataka ako paggising ko. Nakakumot ako at may dalawang unan din sa magkabilang gilid ko. Wala namang ibang gagawa nito sa bahay na 'to kung hindi ang aking asawa. Mapait akong ngumiti. Alam kong ginagawa lang niya ito para sa baby namin at hindi na para sa akin na asawa niya. Mabigat ang katawan ko na bumangon. Bago ako nakalabas ng bahay para pumasok ng trabaho ay nagsuka pa ako. Hilong-hilo ako at nakaramdam na din ako ng labis na pagkagutom. Wala na akong stock na pagkain. Mamaya kapag hindi kami mag-overtime, bibili ako ng pagkain para may makain ako kapag gutumin ng alanganing oras. Alas-otso na. Pumasok na siguro ang asawa ko. Sa iisang bahay pa din kami umuuwi pero masakit lang na para na kaming mga estranghero. I sighed and think of happy thoughts. Puwede namang maging positibo pa din sa kabila ng mga nangyayari. Pagsubok lang 'to, magiging maayos din ang lahat. Nag-taxi ako hanggang sa trabaho. Mabuti na lang at may pagkain na in-order si Pepper para sa aming lahat, ka
Hindi ako sumagot dahil may dumating na customer. Nagpaalam na din na aalis si Raiden, dahil may meeting daw siya. "Hihintayin kita sa bahay," sabi niya bago umalis. Hinalikan din niya ako sa pisngi pero hindi na ako sumagot pa. Panay naman ang sermon ni Pepper sa akin. "Hoy, babae! Huwag mong sabihing uuwi ka nga sa mansyon na iyon!" "Hindi nga. Kaya kumalma ka na." Kaso hindi siya naniniwala. Hanggang sa matapos ang shift namin, pinagsasabihan pa din niya ako. Nang sumakay ako sa kaniyang kotse, napangiti siya. "Mabuti naman at nakikinig ka sa payo ko," aniya sabay irap. Malapit lang naman ang condo niya pero dahil tinatamad kaming magluto at nag-crave ako ng fries at icecream nag-take out na muna kami. Pagdating namin sa basement, may tumabi sa amin na isang itim na sports car. Si Raiden! Pumalatak si Pepper. Naiinis siyang tumingin sa akin kahit wala naman akong ginagawa. Malay ko ba na susunod dito si Raiden. Bumaba ako upang kausapin ang asawa ko. "Hayaan mo na lang mu
Nahihirapan daw magsalita ang aking byenan kaya sumesenyas na lang siya, kaysa mapagod siyang magsalita. Tikom ang aking bibig. Kahit fake concern ay hindi ako nagpakita. Bakit pa, di ba? Hindi naman niya ako gusto. At saka hindi talaga ako kombinsido na may sakit siya. "Magpapahinga na ako," paalam ko sa aking asawa. Gusto ko ng mahiga. Mabigat din ang pakiramdam ng aking balakang at puson. Tumayo na din si Raiden pero pinigilan siya ng kaniyang ina. Naku! Hindi ko na lang sila inintindi pa. Nag-half bath ako at nahiga na sa kama naming mag-asawa. Maya-maya pa ay pumasok na din ng kuwarto si Raiden. Akala ko tatabi na siya sa pagtulog sa mommy at daddy niya. Nakita niya na hinahaplos ko ang aking likod. "You okay, honey?""Yes, hon. Pagod lang.""Baka nakakasama sa'yo ang pagtatrabaho mo." Heto na naman kami. "Maligo lang ako. Ima-massage kita," aniya. Matapos maligo, hinaplos-haplos niya ang aking likod. "Dadagdagan ko na lang ang allowance mo monthly, huwag ka lang magtrabah
Umuwi ang aking asawa bandang alas-dose. Hindi talaga planong manahimik ng byenan ko. Gusto niya ng gulo. Nakasimangot ako habang kumakain ng apple. Alam kong dumating na ang asawa ko pero hindi ako bumaba upang salubungin siya. "Honey..." tawag niya sa akin pagbukas ng pintuan ng aming kuwarto. Nakasunod sa kaniya ang mommy niya na naka-wheel chair. Kasama nito ang byenan kong lalake at ang personal nurse. Bumuntong hininga ako. Tinatamad na akong mag-explain. Nasabi naman na siguro ng magaling niyang ina ang nangyari. Kung paniniwalaan na naman niya ito, bahala na siya. Hindi ko naman hawak ang isip niya. Nagsimulang magsalita ang matanda. Hinihingal pa siya. Gigil na gigil pero dahil umaarte na may sakit, hindi niya mabilisan at malakasan ang pagsasalita. Tamad ko siyang pinagmasdan habang ngumunguya ng apple. Nang matapos siyang magsalita hindi pa din ako sumagot. Kaso mukhang hinihintay nila ang sasabihin ko. "Ang taong gumawa ng kasalanan, hindi iyan aamin," sabi ko. "Mas
Kanina pa ako nag-ra-rant kay Pepper. Panay lang naman ang tango ng kaibigan ko habang kumakain. "Oh, tapos?" tanong niya habang puno ng pagkain ang kaniyang bunganga. "Ayun nga, umalis na ako ng bahay...""'Tapos?" ulit niya kaya asar na akong tumingin sa kaniya. "Ewan ko sa'yo, Pepper!" "Same here. Ewan ko din sa'yo, Penelope."Parehas kaming umirap. "Paulit-ulit na nga lang ang nangyayari. Paulit-ulit ulit din ang sasabihin ko sa'yo at alam kong memorize mo na."Bumuntong hininga ako. Wala bang ibang advice? Hindi iyong aalis. Hindi ako aalis. "Umuwi ka na lang sa inyo, Penelope... Matutuwa pa ang mga kapatid mo.""Pepper, may asawa na ako. Buntis din ako.""So? I support break up!" aniya sabay taas ng kamay kaya natahimik na lang ako."Maayos naman ang pagsasama namin ni Raiden. Mahal niya ako.""Okay." Tumango siya. "Define maayos. Kung maayos kayo, dapat nakabukod kayo. Maiintindihan iyon ng lolo niya. At saka mag-asawa kayo, e. Buntis ka din. Dapat ikaw na ang priority ni
Dismayadong-dismayado si Raiden sa kaniyang ina. Lumapit siya sa akin kaya agad naman na akong tumayo. Marahan niya akong hinila papasok ng mansyon. Sumunod naman ang kaniyang ina na hindi na tumatalab ang drama kaya dinaan na sa paghagulgol. "She killed your sister! And I heard her! She's just after your money! Kaya siya nagpabuntis sa'yo!"Hindi sumagot si Raiden. Tahimik ito at mukhang nagtitimpi sa kaniyang ina. "What's happening?" tanong ng byenan kong lalake na kararating lang. Si lolo ay napalabas din ng kaniyang silid dahil sa pagsigaw ng aking byenan. Napakalakas din ng hagulgol. Sobrang OA na. "Ano na naman ang nangyayari dito?" medyo aburidong tanong ni Lolo. Hindi ako nagsalita kahit nakatuon sa akin ang mga mata niya. "Si Rosario! Niloloko niya lang—"Naputol ang sinasabi ni Mommy nang sabay na magtanong si Daddy at Lolo sa kaniya. "Nakakalakad ka?" Nagkaroon ng katahimikan. Tuluyan na din kaming nakaakyat sa kuwarto ni Raiden. Doon lang din niya binitawan ang akin
"P-Paano'ng..." Umiling ako. "If this is a prank, hindi ako natutuwa, ha..." Pinilit kong tumawa. "Kapapanganak ko lang. Huwag mo akong biruin. Huwag niyo akong biruin."Umiling si Pepper. Tiningala ko naman ang asawa ko parehas sila ng expressions sa mukha ng kaibigan ko. "Honey," garalgal ang boses na tawag sa akin ng aking asawa. "Hon, ang anak natin. N-Nasaan siya? Nasa nursery room ba?""Nasa morgue..." Pumiyok ang kaniyang boses. Ang masaganang luha mula sa kaniyang mga mata ay nagsimula ding bumuhos. "Nasa morgue ang baby natin...""H-Hindi. Hindi magandang biro 'to. Huwag ka ng magsalita." Pinilit kong bumangon at bumaba mula sa kama, kahit pinipigilan nila ako ni Pepper. "Pupuntahan ko ang anak ko sa nursery room!""Mahiga ka lang muna. Baka mapaano ka." "Hindi! Gusto kong makita ang baby ko!"Niyakap ako ni Raiden. Nang marinig ko ang paghagulgol niya, para akong binuhusan ng malamig na tubig. He's telling the t-truth. Nagsasabi sila ng totoo. "H-Hindi... Hindi totoo!
"Si Raiden?" tanong ko sa maid. Maaga akong gumising para sana makausap ang aking asawa pero wala na siya sa aming silid. And I didn't know if he slept beside me last night. Hindi pa kami nakapag-usap pagkatapos ng nangyari. Pagkatapos ng dinner, may tumawag sa kaniya. May problema na naman sa kompanya. "Maaga pong pumasok sa trabaho, Ma'am," sagot naman ng maid para lang bumagsak ang balikat ko. I wanted to talk to him. Sana naman hindi siya maniwala sa kaniyang ina. Wala na bang katapusan itong mga pagsubok sa pagsasama namin? Mahal naman namin ang isa't isa pero hindi na natahimik ang relasyon naming dalawa. Nakatulala ako habang nagtitimpla ng aking hot choco. Hindi gaanong gumagana ang isip ko kaya mag-aalmusal na muna ako. Hindi pa ako nakaka-recover sa panganganak ko. Hanggang ngayon umiinom pa din ako ng gamot. Nanghihina ako. Hindi lang ang aking katawan ang nanghihina at pagod. Maging ang aking mental ay tila ayaw na ding mag-function ng normal. Gusto ko lang namang magi
Isang linggong preparasyon lang ang ginawa para sa kasal namin dito sa Spain. Pero kahit ilang araw lang iyon, hindi siya simpleng kasal lang. It was a grand wedding.Lahat ng kakilala na sikat na wedding supplier ay kinuha nina Daddy at Lolo. Sila lahat ang gumastos. Hindi nila hinayaang maglabas ng pera si Raiden kahit na may badget naman siya para rito. Syempre, sina Daddy at Lolo pa ba? Sobrang excited na ako. Masaya naman ako nang unang beses kaming kinasal ni Raiden pero iba ang level ng kasiyahan namin ngayon. Lahat ng malalapit sa amin ay kasama namin ngayon. Hindi gaya nang una naming kasal na si Pepper lang ang present. Looking back, I was getting emotional. Iyong masaya ka na pero may mas isasaya ka pa pala. Kahit hindi ko personal choice ang aking gown ay nagustuhan ko naman 'to. I love the design, it fit perfectly to me. Para bang ginawa talaga ito para sa akin kahit na ready made na ito. Tapos na akong ayusan ng hair and make up team. Kumukuha na lang kami ng ilang
Hindi pa kami bumalik ng work. Siguro naman ay maiintindihan ni Lolo, kung hindi muna namin magampanan ang mga tungkulin namin sa pinamana niyang kompanya. Mag-t-travel kami abroad. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng asawa ko, dahil bigla na lang siyang nag-aya na mag-abroad. Akala ko babalik na muna kami sa work dahil tiyak na tambak na ngayon ang trabaho sa aming working table. Tapos na akong mag-empake. Binababa na ng mga tauhan ang aming mga maleta. Ang mga bata ay tumatalon-talon naman sa kama dahil sa excitement. Nakabihis na pero kailangan ulit palitan ng damit dahil pawisan na sila. Napatingin ako sa kanilang ama na isa-isa silang pinupunasan. "Gusto niyo ba'ng maiwan dito? Kami na lang ni Mommy niyo ang pupunta ng abroad? Parang ayaw niyong umalis, e..." Mahinahon pa din naman ang boses niya. "We don't want to stay here, daddy. We want to travel too.""Okay. I want you to sit there and wait.""Okay, Daddy," sabay-sabay na sagot ng mga bata. Napatingin ako sa
"Ba't ka galit?" Binibiro ko si Raiden. Hindi maganda ang timpla ng mukha niya ngayong umaga. Nakatulog kasi ako kagabi, kaya walang ganap. Puwede naman niya akong gisingin sana, kung talagang gusto niya pero hindi niya ginawa. Tapos ngayon nakasimangot. "Hindi, ah," tanggi naman niya. Pinilit pa nga niyang ngumiti upang ipakita na ayos lang siya. Nauna ng mag-breakfast ang mga kasama namin sa bahay. Late kaming nagising na dalawa kaya kami na lang dalawa ang nagsalo ng breakfast. "Ano ang gusto mong ulam mamaya, hija?" tanong ng aking byenan. "Kahit ano po, ayos lang," sagot ko naman. Hindi naman ako mapili sa ulam na ihahain sa akin. "Mga paborito mong ulam ang ipapaluto ko." Napangiti ako. Totoo ba 'to? Mukhang bumabawi ang byenan ko sa akin, ah. Magpapamisa talaga ako kapag nagtuloy-tuloy siyang mabait sa akin. "Gusto ko po ng beef steak at saka kare-kare."Tumango-tango siya. Hindi mabura-bura ang ngiti sa kaniyang mga labi. Wala din akong nakikitang iba rito. Hindi siya na
Todo asikaso ang lolo at lola ng mga bata sa kanila. Napapailing na lang ako dahil halos hindi na makakain ang dalawa. Nagpapasubo kasi sina Dos at Tres sa mga ito. "Mga anak, alam niyo namang kumain mag-isa, e..." sabi ko sa mga ito. "It's okay, hija. Sabik sila sa lolo at lola kaya ganito," sabi naman ng aking mother in law. Mukhang wiling-wili naman ang mga ito kaya hinayaan ko na lang. Kumain na lang ako habang pinapanood ang mga inlaws ko at mga bata. "Sinusulit nila ang lolo at lola nila kasi ilang taon din nilang hindi nakasama." Napangiti na lang ako. Tingin ko ay bumait na ng kaunti ang byenan ko. Mabuti naman kung nagbago na sila. Mahirap kapag kinalakihan ng mga bata ang magulong pamilya lalo na at hindi magkasundo ang ina nila at kanilang lola. Pagkatapos kumain ng lunch ay sila na din ang nagpatulog sa mga ito. Ang mga nanny ng mga bata ay pinag-siesta na muna. Mamayang hapon pa naman kami mag-s-swimming. Kapag hindi na mainit sa labas. Kami ng asawa ko ay nagduyan
Sumunod sa akin si Raiden. Mukhang hindi niya napansin ang tatlong lalake na nagduduyan, dahil niyakap niya ako mula sa aking likuran. Nagsipag-tikhim naman ang tatlo kaya mabilis siyang lumayo sa akin. Dinig ko ang mahinang pag-usal niya ng mura. "Ano? Parang hindi kayo masaya na nandito kami, ah." Umirap ako. Akala ko talaga hindi sila sasama dito. Nagpahuli pa talaga sila ng alis. Hindi na lang sila sumabay sa amin kanina. "Baka kasi buntisin mo na naman ang kapatid namin. Hindi mo alam kung gaano siya nahirapan noon sa pagbubuntis niya sa kambal." At mukhang nandito lang sila para manira ng bakasyon. Sumimangot ako. "Nakahiga lang siya noon sa kama. Nakaratay. Sumabay pa iyong deppression niya. Can you imagine that?"Naging seryoso ang mukha ni Raiden. Hanggang sa nabahiran na ng pag-aalala at pagsisisi ang kaniyang ekspresyon. Padabog akong pumasok sa loob. Pasaway talaga ang mga kapatid ko. Sumunod naman agad sa akin si Raiden. Kung kanina ay masayang-masaya siya. Ngayon
"Lindol!" Naalimpungatan ako dahil sa natatarantang boses ni Raiden. Pagtingin ko sa kaniya, nakahiga pa din pala siya dito sa kama. Mukhang naalimpungatan siya sa pag-alog ng kama, dahil sa mga batang maaga pa lang ay tumatalon na. Nagtalukbong ako at pinilit bumalik sa pagtulog. Masakit ang ulo ko at nakaramdam din ako ng pagkahilo dahil sa pag-alog ng kama. "Good moyning, Daddy!" "Good morning, Tres. Stop jumping, please," pakiusap ng kaniyang ama. Antok na antok pa ang boses nito. Tumigil naman ang mga ito, pero pinipilit na siyang bumangon, dahil mamamasyal daw kami. "Mommy, it's already morning. You promised us that we're going on a vacation today.""Inaantok pa ako," sabi ko naman. "Nahihilo ako. Ang likot-likot niyo kasi.""What is she shaying?" "Lumabas na muna kayo. Gising na ang yaya niyo," utos ko sa mga ito. Hindi ko pa kayang bumangon. "Okay!""Come on, Dos! Let's go play outside.""I wanna play hide and sheek!""Okay, Uno and I will hide and you'll gonna find us
Naliligo na sa pawis ang mga bata. Kanina pa sila talon nang talon at tila wala silang kapaguran. Sanay na kami sa kanila, pero si Raiden ay manghang-mangha pa din. Inaawat niya ang mga ito pero wala namang pinakikinggan ang mga ito. "Daddy, look at me!" Nagyayabang pa sila. Aakyat sila sa tuktok ng sofa tapos tatalon. "Tingin ko hindi sila dapat nanonood ng spider man at mga anime?" tanong niya habang nakangiwi. "Hindi sila nanonood ng ganoon. Sadyang malikot lang talaga sila." Ngumiwi siya. "Ganito talaga sila?"Tumango-tango ako. "Masasanay ka din." "Yeah." Maya-maya ay nakangiti na siya. Umiling at mahinang tumawa. "Thank you for raising a two healthy babies." Natawa din ako. "I did it better!""No! I did it betey!" Heto na naman 'tong dalawa. Nagtatalo na naman. "Dos, Tres," tawag ko sa dalawa habang nakatingin ng mariin sa dalawa. "Time for bed.""Okay, Mommy.""Daddy, it's time for bed! Let's go!" aya ni Dos sa kaniyang ama. Nag-iwas ako ng tingin nang tumingin sa a
Nakaupo na sa sahig si Raiden, habang ang kambal naman ay nakaupo sa kaniyang magkabilang hita. Si Uno naman ay nakayakap sa kaniya mula sa likuran. Sobrang sarap nilang pagmasdan. Kanina pa ako umiiyak, dahil masaya ako na makitang masaya ang mga anak ko. Na-meet na nila ang kanilang ama. Hindi na sila mag-iisip ng kung ano-ano na kesyo hindi sila mahal. Kinuwento ni Dos sa kaniya kung saan sila pinanganak at lumaki. Pati address namin sa America ay detalyado niyang kinuwento. "And then Lolo found us...your lolo, Daddy. And then we moved to another house." Napangiwi ako nang mapatingin sa akin si Raiden. "And then we went here in the Philippines because mommy needs to do business.""Lolo passed away, that's why Mommy decided to go back in the Philippines," pagtatama ni Raiden. "Oh, ish that sho, Daddy?"Tumango si Raiden. "Yes, sweetheart." Ngumiti siya at pagkatapos ay bumuntong hininga. Tumikhim ako. "Hindi ka tumuloy sa lakad mo?""No. Dalawang beses kang tumawag, e. Hindi
Nang makarating ako sa bahay, nadatnan kong naglalaro ang dalawang bata sa living room. Mukhang masaya naman sila maghapon. Pawisan sila sa paglilikot. "Mommy!" Nag-unahan silang tumakbo palapit sa akin. "Hello, my babies!" Niyakap ko sila at hinalikan. Tumingin sila sa may pintuan. May hinahanap. Hinahanap nila si Uno! "Whey's Uno?" tanong ni Tres. "Where is he, Mommy?""Ahm..." Napatingin ako sa mga kapatid kong nakataas ang mga kilay sa akin."Whey is Uno, Mommy?" Ngumuso ako. Hindi makasagot. "Mommy, whey ish Uno?!" pasigaw na ang pagtatanong ni Tres. "He went home to his daddy?" tanong ni Dos. Nagsimula nang mamula ang kaniyang mga pisngi. Kumibot-kibot ang kaniyang labi at gumalaw-galaw din ang butas ng kaniyang ilong. Nagsimula nang umiyak si Tres. "Why? Why?!" Nahiga pa siya sa sahig at doon na nagwala. Si Dos naman ay nagpapadyak na ng paa. "We want to see our daddy!" "I want to have a daddy!" "We want Uno's Daddy!" Pumikit ako at bumuntong hininga. I tried to t