Home / Romance / Stained Love / Overthinking

Share

Overthinking

Author: Shynnbee
last update Last Updated: 2024-05-02 22:10:16

Maaga pa lang ay ginising na ako ng aking byenan na babae para tumulong daw sa paghahanda ng almusal.

"May mga bisita ako mamaya kaya kailangan mong tumulong sa pagluluto," sabi nito pagkatapos nilang mag-almusal. Hindi niya ako pinasabay sa pagkain sa kanila, kaya nang umakyat na siya sa kaniyang kuwarto, pinuntahan ko si Lolo upang doon na lang ako kumain.

Nagbabasa ng libro si Lolo kaya hindi din kami makapag-usap. Hinayaan lang din niya ako dito sa kaniyang silid dahil naiintindihan niya ang aking sitwasyon.

Inabot din yata ako ng isang oras dito. Pinahanap lang ako ng byenan ko kaya kailangan kong bumaba at sumunod sa inuutos niya.

Nakasalubong ko pa si Stacey.

"Pupunta ang mga friends ko ngayon, kaya mag-prepare ka ng food and drinks para sa amin. Doon kami sa may pool."

"May inuutos ang Mommy mo, ka—"

Masama niy akong tiningnan. "Hindi ka señorita sa pamamahay na ito. Wala kang karapatang magreklamo kapag inutusan kita."

I sighed and just nod my head.

"Okay." Bumaba na ako. Tumulong ako sa paghihiwa ng mga rekado. Sobrang daming lulutuin kaya madami din akong kailangang hiwain at tadtarin.

"Rosario! Iyong pagkain namin!"

At heto na nga si Stacey. Nakasigaw na. Bakit ba kasi sumabay pa siya sa Mommy niya. Alam naman niya na madaming ginagawa dito. Puwede naman silang mag-order na lang.

"Puntahan mo na muna," nakangiting sabi sa akin ni Tilde.

Bumuntong hininga ako bago binitawan ang hawak kong kutsilyo.

Mahilig sa prutas si Stacey kaya nag-slice ako ng fruits. Ito ang una kong dinala sa kanila sa labas.

"Bakit iyan lang?" agad na tanong ng aking hipag pagkalapag ko ng babasaging bowl.

"Gagawa pa ako sa loob. Gusto niyo ba ng salad?"

"Gusto namin," sabi ng kaniyang mga kaibigan, kaya ngumiti ako at tumango.

"Who is she?"

"Your new maid?" Napaawang ang labi ko.

"She's pretty, huh." Mabuti na lang at bumawi.

"Oo, maid lang namin siya," nakasimangot naman na sagot ng aking hipag na hindi ko na lang kinontra pa. Medyo pagod na din kasi ako.

Pumasok na ako sa loob upang gawin naman ang salad para sa kanila. Gumawa din ako ng sweets, para walang masabi ang babaeng iyon.

Magkaibang-magkaiba sila ng asawa ko. Kung ano'ng bait at kakalmado nito, kabaliktaran nito ang kapatid niyang pinaglihi yata sa sama ng loob.

Habang inaayos ko ang bowl na dadalhin ko sa labas, sumulpot naman ang byenan ko.

"What are you doing? Why are you not helping?"

"Ah... Inutusan po ako ni Stacey na ipaghanda sila ng pagkain."

"Pagkatapos mo diyan, tumulong ka na doon."

"Opo."

Dinala ko sa labas ang salad, saka ako nagmamadalimg bumalik sa kusina upang tumulong para sa handa ng aking byenan.

Tanghali na at pagod na pagod na din ako. Heto nga si Stacey at sumisigaw na naman kaya dali-dali kong kinuha iyong mga pinalamig na drinks sa fridge.

"Mag-order ka ng pizza para sa amin."

"Okay."

Bumalik ulit ako sa loob. Nag-order ako ng pizza at habang hinihintay, tumulong ulit ako sa pagluluto.

Kaso nang dumating ang pizza ni Stacey, ako pa ang pinagbayad niya kaya umakyat ulit ako sa aking silid.

Pagod na pagod ako. Natuyuan na din ako ng pawis. At nang dumating ang mga bisita ng aking byenan, pinaakyat niya ako sa aking kuwarto ng hindi man lang pinapakain.

Alas-siete na ng gabi. Hindi pa ako kumakain ng lunch. Gutom na gutom na ako at sobrang sakit na din ng aking katawan.

Naligo ako at hinintay na tumawag ang aking asawa. Nasa hotel na siya ngayon. Katatapos lang din niyang maligo.

"Hi, honey..."

"I miss you," masuyo at halos bulong niyang sambit habang titig na titig sa screen ng kaniyang phone.

"Miss na din kita."

Humikab ako. "Inaantok ka na?"

"Oo." Hindi ko naman maaring sabihin na napagod ako. Ayaw kong sabihin na ginagawa akong katulong ng kaniyang kapatid at ina.

Nag-usap pa kami ng ilang minuto bago siya nagpaalam. Ilang oras na akong nakatulog nang magising ako dahil sa katok mula sa pintuan.

Alas-dos na ng madaling araw.

"Bakit, Tilde?"

"Eh, sabi ni Ma'am, tumulong ka daw sa paglilinis at pagliligpit."

Huminga ako nang malalim. Bigyan niyo po ako ng mahabang pasensya. Hindi pa man din ako matiyagang tao, natuto lang ako mula nang lumuwas ako dito sa Manila.

"Sige po." Sobrang daming hugasin. Ang dami ding dapat linisin. Sumabay pa ang pool na puno ng kalat. Nag-party daw sina Stacey kanina.

Alas-singko na ako nakaakyat sa silid naming mag-asawa. At alas-siete ginigising na naman nila ako, dahil may utos daw ang byenan ko.

"Ano po iyon?"

"Dalhin mo ito sa condo ng kumare ko," utos niya sa akin.

"Sige po." Nagbihis na muna ako. Sumakay ako sa taxi dahil may pupuntahan daw sila kaya hindi ako mahahatid ng driver.

Nagpunta ako sa address na sinabi niya sa akin. Nagulat pa ako nang isang lalake ang magbukas ng pintuan para sa akin.

"Pasok ka," sabi ng lalake. Ayaw ko man kaso hinila niya ako. May kukunin din kasi ako sa kaniya kaya pumasok na lang din ako kahit hindi ako komportable.

Inalok niya ako ng juice pero tumanggi ako.

"Huwag na. Asan na iyong pinapakuha ng byenan ko?"

Iba na talaga kasi ang pakiramdam ko.

Nakatitig lang sa akin ang lalake. Napapadila din siya sa kaniyang labi kaya pinili ko na lang na umalis.

Pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko si Stacey sa living room. Kararating ko lang pero may utos na agad siya.

"Kuhanan mo ako ng juice at cake."

Dumiretso naman ako sa kusina upang kunin ang inuutos niya. Pagbalik ko ay may ka-videocall na siya. Naka-loudspeaker kaya naririnig ko ang usapan nila.

"Hi, sissy! How are you? I miss you na. Nandiyan si Kuya ngayon, ah."

"Talaga? Saan siya nag-stay?"

"Sa Vermont hotel. Puntahan mo siya." Humagikgik ito. Sumama ang pakiramdaman ko sa naririnig ko na usapan ng dalawa.

"Baka ipagtabuyan ako ng Kuya mo." Tumatawa naman ang babae.

"Hindi iyon. Saka first love ka n'on, di ba? Magagawa ba niya iyon sa'yo?"

"Well, tingnan ko. Pero try kong puntahan mamayang gabi."

Nagtawanan sila. Para akong nalulunod sa kanilang tawanan. Sumisikip ang dibdib ko. May hinala ako na ito iyong ex ni Raiden.

Diyos ko po. Ilayo mo po sa tukso ang aking asawa. Huwag mo pong hayaang manaig ang demonyo. Mahal na mahal ko po siya. Huwag mo po sanang hayaan na masira kami.

"Okay, sissy! Bye na!"

Nakangising tumingin sa akin si Stacey.

"Alam mo kung sino iyon?"

"Ex ni Kuya. Pupuntahan daw niya si Kuya sa hotel niya. I want you to overthink. Ma-stress ka at mabaliw sa kaiisip. Isipin mo na lang na pagbalik ni Kuya, makikipaghiwalay na siya sa'yo."

Malakas siyang humalakhak. Sobrang bigat naman ng aking dibdib. Kaya bago pa ako makagawa at makapagsalita ng hindi maganda, tinalikuran ko na si Stacey.

Related chapters

  • Stained Love    Away-away

    Nakapag-usap naman kami ni Raiden kagabi, pero hindi pa din ako mapakali. Napuyat ako at kung kailan patulog na sana ako, alas-singko na pala at heto nga ginigising na ako ng aking byenan. Kahit inaantok, bumangon na lang ako upang hindi siya magalit. Pero kahit sumunod naman ako sa utos niya, heto siya at galit pa din. Ang aga pa pero masama na agad ang tingin sa akin. Mukhang mag-z-zumba sila ng kaniyang mga kumare. "Maghanda ka ng breakfast for twenty persons." "Okay po." Mag-z-zumba sila pero kakain sila ng madami pagkatapos, kaya wala ding silbi ang kanilang pagpapapawis. Sinimulan ko ng maghanda ng breakfast kasama ang dalawang maid. Wala iyong iba, dahil inutusan daw na mamalengke. Hindi pa nakakalahati ang ginagawa ko pero dumating naman si Stacey. Mukhang galing siya sa pag-jogging dahil pawisan siya. May kausap siya sa kaniyang celphone. Humahagikgik siya at iisipin mo talagang lalake, pero nang marinig ko ang pangalan ng kaniyang kapatid, natigilan ako. "Ano, nagkau

    Last Updated : 2024-05-04
  • Stained Love    Death

    "Honey..." Ang malambing na pagtawag sa akin ni Raiden ang nagpagising sa akin. Tinanghali na naman ako ng gising. Ilang araw ng ganito. Ilang araw na ding masama ang aking pakiramdam. "Are you not feeling well?" Tumango-tango ako. Inabot ko ang kamay ko sa kaniya at agad naman niya akong niyakap. Nakabihis na siya. Papasok na siya sa trabaho. "Nag-breakfast ka na ba? Sorry, honey, kung lagi akong late nagigising.""It's okay, honey. Maaga pa naman. May breakfast meeting ako ngayon. Kumain ka na din mamaya, okay?""Yes, honey. Mag-ingat ka."Pag-alis niya, muli akong nakatulog. At nagising ulit ako dahil sa matinding kirot ng aking ulo. Nahihilo din ako at para bang hinahalukay ang aking sikmura. Naglalaway din ako. Nagmamadali akong tumakbo sa banyo upang sumuka. Ano'ng nangyayari sa akin?Naligo ako kahit nanghihina ako, para gumaan ang aking pakiramdam. My body was trembling. Nagugutom ako na hindi ko maintindihan. Wala akong lakas na bumaba kaya tumawag ako sa maid's quarter

    Last Updated : 2024-05-06
  • Stained Love    Cold husband

    Hindi nila ako nagawang palayasin dahil hindi pumayag si Lolo. Nag-request din siya na i-check ang cctv footage pero nataon naman na sira ang cctv, kaya hindi din matukoy kung kanino galing iyong lason. Nagpapunta na din sila ng mga pulis at lahat ng gamit namin ay hinalughog pero wala silang nakuhang ebidensya. Kaya maging ako at nagtataka din kung sino ang salarin. Naiwan ako sa mansyon dahil ayaw nila akong pasamahin sa burol ni Stacey. Para hindi na magkagulo, hindi ko na lang pinilit pa. Ayaw ko din namang ma-stress lalo at buntis ako. Ang asawa ko. Malungkot ako dahil pakiramdam ko naniniwala siya sa paratang nina Tilde at kaniyang mommy. Paano niya naisip na magagawa ko ang bagay na iyon? At sa araw pa mismo na masaya ako dahil nalaman ko na buntis ako? Ano'ng klaseng tao ako? Dapat alam niya iyon. Kanina pa ako iyak nang iyak. Sumasabay pa ang hilo na nararamdaman ko kaya sobrang sama ng pakiramdam ko. Umuwi si Raiden kinaumagahan pero hindi din siya nagtagal. Naligo la

    Last Updated : 2024-05-07
  • Stained Love    Bigat

    Nalaman ko lang sa isang maid na sa study room daw natulog si Raiden. Mahimbing na din ang tulog ko nang pumasok siya sa kuwarto kinaumagahan upang maligo at magbihis. Pumasok na siya sa trabaho nang hindi man lang nagpapaalam sa akin. Masama ang pakiramdam ko pero lumabas ako upang makapagpaaraw sandali. Sobrang bigat ng ulo ko at ang puson ko ay sumasakit na naman. "Hija..."Pinilit kong ngumiti kay Lolo na lumapit sa akin. Inaalalayan siya ng dalawang nurse niya. Ayaw daw niya akong mapagod sa pag-aalaga sa kaniya kaya kumuha na lang siya ng isa pang nurse. "Kumain ka na ba?" "Wala po akong gana, lolo," sagot ko naman sabay haplos sa impis kong tiyan."Hindi ka puwedeng magpagutom. Ano ba ang gusto mo para maipaluto ko?""Hindi ko po alam..." Wala talaga akong gana. Hindi din naman ako nagugutom. Ang totoo niyan sinisikmura ako tapos sumasabay pa ang paminsan-minsan na paghilab ng aking tiyan, kaya mas lalong hindi ako makakain. "Kuhanan mo ng gatas si Rosario. Magbalat na din

    Last Updated : 2024-05-08
  • Stained Love    Back to work

    Natulog ako na masama ang loob at gumising ako na masama ang pakiramdaman. Nagugutom na ako kaya bumaba na muna ako. Mamaya na ako mag-iisip ng gagawin ko ngayong araw, pagkatapos kong kumain. Naluha na lang ako nang sabihan ako ng mga maid na bawal akong kumuha ng pagkain sa fridge at sa pantry. How am I going to survive if I don't eat? Nalaman ko din na naospital si Lolo pero bawal ko din itong dalawin. Ginigipit ako ng aking byenan. Iyon ang nakikita kong dahilan kung bakit niya ito ginagawa. Sinasamantala niya na hindi kami okay ni Raiden. Gusto niya akong paalisin, pero hindi ko iyon gagawin. Magkakaroon ng buong pamilya ang aking anak. Alas-nuebe na at nagugutom na ako. Bumalik ako sa kuwarto upang bilangin ang natitirang coins ko. Makakabili pa naman ako ng pagkain, pero bukas wala na. Hindi naman puwedeng hindi ako kumain. Hindi ko na makita ang halaga ko sa mansyon na 'to, kaya naisip ko na maghanap na lang ng trabaho lalo at kinuha ng aking mother in law ang aking wal

    Last Updated : 2024-05-09
  • Stained Love    Umuwi ka na

    Nagtataka ako paggising ko. Nakakumot ako at may dalawang unan din sa magkabilang gilid ko. Wala namang ibang gagawa nito sa bahay na 'to kung hindi ang aking asawa. Mapait akong ngumiti. Alam kong ginagawa lang niya ito para sa baby namin at hindi na para sa akin na asawa niya. Mabigat ang katawan ko na bumangon. Bago ako nakalabas ng bahay para pumasok ng trabaho ay nagsuka pa ako. Hilong-hilo ako at nakaramdam na din ako ng labis na pagkagutom. Wala na akong stock na pagkain. Mamaya kapag hindi kami mag-overtime, bibili ako ng pagkain para may makain ako kapag gutumin ng alanganing oras. Alas-otso na. Pumasok na siguro ang asawa ko. Sa iisang bahay pa din kami umuuwi pero masakit lang na para na kaming mga estranghero. I sighed and think of happy thoughts. Puwede namang maging positibo pa din sa kabila ng mga nangyayari. Pagsubok lang 'to, magiging maayos din ang lahat. Nag-taxi ako hanggang sa trabaho. Mabuti na lang at may pagkain na in-order si Pepper para sa aming lahat, ka

    Last Updated : 2024-05-11
  • Stained Love    Okay—not okay

    Hindi ako sumagot dahil may dumating na customer. Nagpaalam na din na aalis si Raiden, dahil may meeting daw siya. "Hihintayin kita sa bahay," sabi niya bago umalis. Hinalikan din niya ako sa pisngi pero hindi na ako sumagot pa. Panay naman ang sermon ni Pepper sa akin. "Hoy, babae! Huwag mong sabihing uuwi ka nga sa mansyon na iyon!" "Hindi nga. Kaya kumalma ka na." Kaso hindi siya naniniwala. Hanggang sa matapos ang shift namin, pinagsasabihan pa din niya ako. Nang sumakay ako sa kaniyang kotse, napangiti siya. "Mabuti naman at nakikinig ka sa payo ko," aniya sabay irap. Malapit lang naman ang condo niya pero dahil tinatamad kaming magluto at nag-crave ako ng fries at icecream nag-take out na muna kami. Pagdating namin sa basement, may tumabi sa amin na isang itim na sports car. Si Raiden! Pumalatak si Pepper. Naiinis siyang tumingin sa akin kahit wala naman akong ginagawa. Malay ko ba na susunod dito si Raiden. Bumaba ako upang kausapin ang asawa ko. "Hayaan mo na lang mu

    Last Updated : 2024-05-12
  • Stained Love    Bintang

    Nahihirapan daw magsalita ang aking byenan kaya sumesenyas na lang siya, kaysa mapagod siyang magsalita. Tikom ang aking bibig. Kahit fake concern ay hindi ako nagpakita. Bakit pa, di ba? Hindi naman niya ako gusto. At saka hindi talaga ako kombinsido na may sakit siya. "Magpapahinga na ako," paalam ko sa aking asawa. Gusto ko ng mahiga. Mabigat din ang pakiramdam ng aking balakang at puson. Tumayo na din si Raiden pero pinigilan siya ng kaniyang ina. Naku! Hindi ko na lang sila inintindi pa. Nag-half bath ako at nahiga na sa kama naming mag-asawa. Maya-maya pa ay pumasok na din ng kuwarto si Raiden. Akala ko tatabi na siya sa pagtulog sa mommy at daddy niya. Nakita niya na hinahaplos ko ang aking likod. "You okay, honey?""Yes, hon. Pagod lang.""Baka nakakasama sa'yo ang pagtatrabaho mo." Heto na naman kami. "Maligo lang ako. Ima-massage kita," aniya. Matapos maligo, hinaplos-haplos niya ang aking likod. "Dadagdagan ko na lang ang allowance mo monthly, huwag ka lang magtrabah

    Last Updated : 2024-05-13

Latest chapter

  • Stained Love    EPILOGUE

    Isang linggong preparasyon lang ang ginawa para sa kasal namin dito sa Spain. Pero kahit ilang araw lang iyon, hindi siya simpleng kasal lang. It was a grand wedding.Lahat ng kakilala na sikat na wedding supplier ay kinuha nina Daddy at Lolo. Sila lahat ang gumastos. Hindi nila hinayaang maglabas ng pera si Raiden kahit na may badget naman siya para rito. Syempre, sina Daddy at Lolo pa ba? Sobrang excited na ako. Masaya naman ako nang unang beses kaming kinasal ni Raiden pero iba ang level ng kasiyahan namin ngayon. Lahat ng malalapit sa amin ay kasama namin ngayon. Hindi gaya nang una naming kasal na si Pepper lang ang present. Looking back, I was getting emotional. Iyong masaya ka na pero may mas isasaya ka pa pala. Kahit hindi ko personal choice ang aking gown ay nagustuhan ko naman 'to. I love the design, it fit perfectly to me. Para bang ginawa talaga ito para sa akin kahit na ready made na ito. Tapos na akong ayusan ng hair and make up team. Kumukuha na lang kami ng ilang

  • Stained Love    THE NEVILLE'S

    Hindi pa kami bumalik ng work. Siguro naman ay maiintindihan ni Lolo, kung hindi muna namin magampanan ang mga tungkulin namin sa pinamana niyang kompanya. Mag-t-travel kami abroad. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng asawa ko, dahil bigla na lang siyang nag-aya na mag-abroad. Akala ko babalik na muna kami sa work dahil tiyak na tambak na ngayon ang trabaho sa aming working table. Tapos na akong mag-empake. Binababa na ng mga tauhan ang aming mga maleta. Ang mga bata ay tumatalon-talon naman sa kama dahil sa excitement. Nakabihis na pero kailangan ulit palitan ng damit dahil pawisan na sila. Napatingin ako sa kanilang ama na isa-isa silang pinupunasan. "Gusto niyo ba'ng maiwan dito? Kami na lang ni Mommy niyo ang pupunta ng abroad? Parang ayaw niyong umalis, e..." Mahinahon pa din naman ang boses niya. "We don't want to stay here, daddy. We want to travel too.""Okay. I want you to sit there and wait.""Okay, Daddy," sabay-sabay na sagot ng mga bata. Napatingin ako sa

  • Stained Love    FORGIVE AND FORGET

    "Ba't ka galit?" Binibiro ko si Raiden. Hindi maganda ang timpla ng mukha niya ngayong umaga. Nakatulog kasi ako kagabi, kaya walang ganap. Puwede naman niya akong gisingin sana, kung talagang gusto niya pero hindi niya ginawa. Tapos ngayon nakasimangot. "Hindi, ah," tanggi naman niya. Pinilit pa nga niyang ngumiti upang ipakita na ayos lang siya. Nauna ng mag-breakfast ang mga kasama namin sa bahay. Late kaming nagising na dalawa kaya kami na lang dalawa ang nagsalo ng breakfast. "Ano ang gusto mong ulam mamaya, hija?" tanong ng aking byenan. "Kahit ano po, ayos lang," sagot ko naman. Hindi naman ako mapili sa ulam na ihahain sa akin. "Mga paborito mong ulam ang ipapaluto ko." Napangiti ako. Totoo ba 'to? Mukhang bumabawi ang byenan ko sa akin, ah. Magpapamisa talaga ako kapag nagtuloy-tuloy siyang mabait sa akin. "Gusto ko po ng beef steak at saka kare-kare."Tumango-tango siya. Hindi mabura-bura ang ngiti sa kaniyang mga labi. Wala din akong nakikitang iba rito. Hindi siya na

  • Stained Love    STARTING AGAIN

    Todo asikaso ang lolo at lola ng mga bata sa kanila. Napapailing na lang ako dahil halos hindi na makakain ang dalawa. Nagpapasubo kasi sina Dos at Tres sa mga ito. "Mga anak, alam niyo namang kumain mag-isa, e..." sabi ko sa mga ito. "It's okay, hija. Sabik sila sa lolo at lola kaya ganito," sabi naman ng aking mother in law. Mukhang wiling-wili naman ang mga ito kaya hinayaan ko na lang. Kumain na lang ako habang pinapanood ang mga inlaws ko at mga bata. "Sinusulit nila ang lolo at lola nila kasi ilang taon din nilang hindi nakasama." Napangiti na lang ako. Tingin ko ay bumait na ng kaunti ang byenan ko. Mabuti naman kung nagbago na sila. Mahirap kapag kinalakihan ng mga bata ang magulong pamilya lalo na at hindi magkasundo ang ina nila at kanilang lola. Pagkatapos kumain ng lunch ay sila na din ang nagpatulog sa mga ito. Ang mga nanny ng mga bata ay pinag-siesta na muna. Mamayang hapon pa naman kami mag-s-swimming. Kapag hindi na mainit sa labas. Kami ng asawa ko ay nagduyan

  • Stained Love    EVIL QUEEN

    Sumunod sa akin si Raiden. Mukhang hindi niya napansin ang tatlong lalake na nagduduyan, dahil niyakap niya ako mula sa aking likuran. Nagsipag-tikhim naman ang tatlo kaya mabilis siyang lumayo sa akin. Dinig ko ang mahinang pag-usal niya ng mura. "Ano? Parang hindi kayo masaya na nandito kami, ah." Umirap ako. Akala ko talaga hindi sila sasama dito. Nagpahuli pa talaga sila ng alis. Hindi na lang sila sumabay sa amin kanina. "Baka kasi buntisin mo na naman ang kapatid namin. Hindi mo alam kung gaano siya nahirapan noon sa pagbubuntis niya sa kambal." At mukhang nandito lang sila para manira ng bakasyon. Sumimangot ako. "Nakahiga lang siya noon sa kama. Nakaratay. Sumabay pa iyong deppression niya. Can you imagine that?"Naging seryoso ang mukha ni Raiden. Hanggang sa nabahiran na ng pag-aalala at pagsisisi ang kaniyang ekspresyon. Padabog akong pumasok sa loob. Pasaway talaga ang mga kapatid ko. Sumunod naman agad sa akin si Raiden. Kung kanina ay masayang-masaya siya. Ngayon

  • Stained Love    BAKASYON

    "Lindol!" Naalimpungatan ako dahil sa natatarantang boses ni Raiden. Pagtingin ko sa kaniya, nakahiga pa din pala siya dito sa kama. Mukhang naalimpungatan siya sa pag-alog ng kama, dahil sa mga batang maaga pa lang ay tumatalon na. Nagtalukbong ako at pinilit bumalik sa pagtulog. Masakit ang ulo ko at nakaramdam din ako ng pagkahilo dahil sa pag-alog ng kama. "Good moyning, Daddy!" "Good morning, Tres. Stop jumping, please," pakiusap ng kaniyang ama. Antok na antok pa ang boses nito. Tumigil naman ang mga ito, pero pinipilit na siyang bumangon, dahil mamamasyal daw kami. "Mommy, it's already morning. You promised us that we're going on a vacation today.""Inaantok pa ako," sabi ko naman. "Nahihilo ako. Ang likot-likot niyo kasi.""What is she shaying?" "Lumabas na muna kayo. Gising na ang yaya niyo," utos ko sa mga ito. Hindi ko pa kayang bumangon. "Okay!""Come on, Dos! Let's go play outside.""I wanna play hide and sheek!""Okay, Uno and I will hide and you'll gonna find us

  • Stained Love    BEDTIME

    Naliligo na sa pawis ang mga bata. Kanina pa sila talon nang talon at tila wala silang kapaguran. Sanay na kami sa kanila, pero si Raiden ay manghang-mangha pa din. Inaawat niya ang mga ito pero wala namang pinakikinggan ang mga ito. "Daddy, look at me!" Nagyayabang pa sila. Aakyat sila sa tuktok ng sofa tapos tatalon. "Tingin ko hindi sila dapat nanonood ng spider man at mga anime?" tanong niya habang nakangiwi. "Hindi sila nanonood ng ganoon. Sadyang malikot lang talaga sila." Ngumiwi siya. "Ganito talaga sila?"Tumango-tango ako. "Masasanay ka din." "Yeah." Maya-maya ay nakangiti na siya. Umiling at mahinang tumawa. "Thank you for raising a two healthy babies." Natawa din ako. "I did it better!""No! I did it betey!" Heto na naman 'tong dalawa. Nagtatalo na naman. "Dos, Tres," tawag ko sa dalawa habang nakatingin ng mariin sa dalawa. "Time for bed.""Okay, Mommy.""Daddy, it's time for bed! Let's go!" aya ni Dos sa kaniyang ama. Nag-iwas ako ng tingin nang tumingin sa a

  • Stained Love    BASBAS

    Nakaupo na sa sahig si Raiden, habang ang kambal naman ay nakaupo sa kaniyang magkabilang hita. Si Uno naman ay nakayakap sa kaniya mula sa likuran. Sobrang sarap nilang pagmasdan. Kanina pa ako umiiyak, dahil masaya ako na makitang masaya ang mga anak ko. Na-meet na nila ang kanilang ama. Hindi na sila mag-iisip ng kung ano-ano na kesyo hindi sila mahal. Kinuwento ni Dos sa kaniya kung saan sila pinanganak at lumaki. Pati address namin sa America ay detalyado niyang kinuwento. "And then Lolo found us...your lolo, Daddy. And then we moved to another house." Napangiwi ako nang mapatingin sa akin si Raiden. "And then we went here in the Philippines because mommy needs to do business.""Lolo passed away, that's why Mommy decided to go back in the Philippines," pagtatama ni Raiden. "Oh, ish that sho, Daddy?"Tumango si Raiden. "Yes, sweetheart." Ngumiti siya at pagkatapos ay bumuntong hininga. Tumikhim ako. "Hindi ka tumuloy sa lakad mo?""No. Dalawang beses kang tumawag, e. Hindi

  • Stained Love    NAGWAWALA

    Nang makarating ako sa bahay, nadatnan kong naglalaro ang dalawang bata sa living room. Mukhang masaya naman sila maghapon. Pawisan sila sa paglilikot. "Mommy!" Nag-unahan silang tumakbo palapit sa akin. "Hello, my babies!" Niyakap ko sila at hinalikan. Tumingin sila sa may pintuan. May hinahanap. Hinahanap nila si Uno! "Whey's Uno?" tanong ni Tres. "Where is he, Mommy?""Ahm..." Napatingin ako sa mga kapatid kong nakataas ang mga kilay sa akin."Whey is Uno, Mommy?" Ngumuso ako. Hindi makasagot. "Mommy, whey ish Uno?!" pasigaw na ang pagtatanong ni Tres. "He went home to his daddy?" tanong ni Dos. Nagsimula nang mamula ang kaniyang mga pisngi. Kumibot-kibot ang kaniyang labi at gumalaw-galaw din ang butas ng kaniyang ilong. Nagsimula nang umiyak si Tres. "Why? Why?!" Nahiga pa siya sa sahig at doon na nagwala. Si Dos naman ay nagpapadyak na ng paa. "We want to see our daddy!" "I want to have a daddy!" "We want Uno's Daddy!" Pumikit ako at bumuntong hininga. I tried to t

DMCA.com Protection Status