Share

Chapter THREE

Author: MissThick
last update Huling Na-update: 2023-10-08 17:47:35

Dumaan pa ang ilang oras at gabing-gabi na. Nagugutom na rin ako. Nagsimula nang magtago ang buwan sa makapal na ulap na lalong nagpadilim sa gabing tahimik. Kanina pa ako pinapapak ng mga lamok. Noon ko lang naranasang umupo ai silong ng kahoy at inabot ng ganito kagabi. Natatakot ako sa tinaguan ko ngunit natatakot pa rin naman akong umuwi. Wala akong maisip pang ibang mapuntahan. Nagigimbal din ako dahil bigla kong naalala ang mga kuwento ng mga kalaro ko tungkol sa puno ng balite na tanaw lang sa kinauupuan kong puno ng akasya. Tumatayo ang mga balahibo ko sa nililikha ng utak kong mga haka-hakang may dambuhalang babae raw doon na may karga karagang bata na parehong namumula ang mga mata at lumilipad sa ere,  kabaong na humahabol sa gabi, may paring walang ulo at dahil hindi ko na makayanan pa ang takot na nilikha ng aking isipan ay bigla akong kumaripas ng takbo palayo roon. Ang tanging alam kong tanging mapupuntahan ay ang aming munting kubo. Huminto ako sa katatakbo ko nang malapit na ako sa aming kubo. Hindi ko magawang lumapit at umuwi. Nauuhaw na ako, nagugutom at pinapapak ng lamok ngunit natatakot pa rin akong umuwi o pwede rin dahil sa aking pride. Alam kong malalim na ang gabi. Matagal na kasi ang paglatag ng dilim at halos lahat ng mga ilaw ng mga kapit-bahay namin ay nakapatay na rin. Ngunit bukas pa ang gasera sa aming bahay. Narinig kong parang may lumabas sa bahay. Nanginginig akong sumilip mula sa pinagtataguan ko. Nakita ko si Tatang. Kasabay ng pagsilip ko ang kayang paglabas sa aming sira-sirang pinto. Panaog paakyat si Tatang habang nasa loob lang si Nanang at nakaupo. Halatang para ring hindi mapakali si Nanang dahil panay ang pagsilip-silip nito sa bintana. Patayo-tayo at paikot-ikot sa aming kubo. Si Tatang naman ay umupo sa unang baitang ng aming hagdanan. Malayo ang kanyang mga tingin. Nang alam kong ako ang kanilang hinihintay ay lumabas na rin lang ako sa pinagtataguan ko.

“Tang…” garalgal ang boses kong tumawag sa kanya. Hanggang sa tuluyan na akong naiyak ngunit nangangatog din ako sa takot sa kanya.

“Nadine anak!” mabilis itong lumapit sa akin. “Ano bang pumasok sa isip mong bata ka! Saan ka ba nagpunta?” mabigat ngunit may lambing ang pagkakabigkas niya doon.

“Pumasok ka nga rito? Nag-alala kami sa’yo. Hindi ka mahanap ng tatang mo? Anak, ano bang nangyayari sa’yo? Bakit mo ginawa ito?”

“Sorry po.” Walang tigil ang pagdaloy ng mga luha ko.

“Pinag-aalala mo kami. Hindi maganda ang ginagawa mong ‘yan. Babae ka. Dalagita na. Paano kung may nangyari sa’yo? Sa tingin mo ba, hindi ka mapapahamak sa ginawa mong ‘yan?” mataas ang boses ni Tatang nang sinabi niya iyon ngunit ramdam kong dala lang iyon ng pag-aalala at pagmamahal sa akin.

“Kumain ka na ba?” tanong ni Nanang.

“Anong tanong naman ‘yan, Nelly. Saan naman kakain ‘yan? Ipaghain mo na lang at baka nagugutom na.”

Kumuha si Tatang ng tubig sa tapayan. Inabot niya sa akin. “Uminom ka na muna.”

Mabilis kong inabot ang plastic na basong inabot ni Tatang sa akin. Inubos ko ang laman no’n sa uhaw.

“Saan ka ba nagtago?”

“Sa gubat. Doon sa malaking puno ng akasya.”

“Ano? Paano kung kagatin ka ng ahas o kung may mangyari sa’yo roon?”

“Natatakot po kasi akong umuwi, Tang.”

“Ano ba kasi ang gusto mo? Anak sinabi ko ba na hindi kita susuportahan? Sinabi ko bang hindi ka mag-aaral?”

Hindi ako sumagot.

“Ang sa akin lang, mag-aral ka pero sana hindi mabago ng talino o diploma  mo ang ugali mo sa amin at sa mga kapatid mo. Huwag ka sanang makakalimot.”

“Opo Tang. Hindi ho ako gagaya sa mga kapatid po ninyo.”

               “Mabuti naman kung ganoon. Sige na. Pumasok ka na sa loob at nang makakain ka na muna.”

“Hindi na ho ba kayo galit sa akin, Tang.”

               “Hindi ko lang gusto ang inasal mo kanina, hindi ako galit sa’yo. Sige na, kumain ka na ro’n at pag-uusapan natin ang pag-aaral mo habang kumakain.”

               “Talaga ho?” akmang yayakapin ko si Tatang pero siya na ang yumakap sa akin.

               “Anak, noong nagtapos ka, pumunta ako. Pinanood kita,” garalgal ang boses ni Tatang na para bang naiiyak. “Nakita ko kung paano ka sabitan ng Mayor ng medalya. Kung paano ka sinabitan ng Nanay mo ng ribbon mo. Anak, nahihiya ako sa mga tao. Alam mong hindi ako marunong magbasa at magsulat kaya wala akong lakas ng loob na humarap sa mga nakapag-aral. Nanliliit kasi ako sa sarili ko dahil sa ipinamukha sa aking ng mga kapatid ko na ganito na lang ako. Hanggang ito lang ang kaya ko at alam kong gawin sa buhay. Kaya, patawarin mo ako, anak. Alam ng Nanang mo na nanood ako. Pumapalakpak sa malayo. Sinasabi sa mga katabi kong “anak ko ‘yan… anak ko ‘yang pinakamatalinong ‘yan.” Nakita ko ang pagkislap ng gilid ng mga mata ni Tatang. Unang pagkakataon na nakita kong umiyak siya kaya naiyak na rin ako. Mahigpit kong niyakap si Tatang.

               Mali pala ako ng hinala. Maling-mali ako sa tingin ko sa aking ama.

               Sardinas lang ang ulam ngunit iyon na ang pinakamarasap na hapunan ko. Nakaupo sina Nanang at Tatang sa harap ko. Parang nakapatagal nang panahong hindi nila ako nakita.

               “Malapit lang sa paaralan ang bahay ng Tiya Cynthia mo. Nakiusap ako na doon ka na muna tumira para hindi ka na mapagod mag-uwian. Ang sabi ng Tita mo, tutulong ka raw sa kanilang karinderya at sila na lang ang bahalang magpaaral sa’yo.”

               “Talaga ho? Ibig sabihin Tang, mag-aaral ako?”

               “Oo anak. Mag-aaral ka. Sana anak, maintindihan mo dahil marami kayong magkakapatid at hindi ko alam kung paano ko kayo igagapang lahat.”

               “Okey na ho ako do’n, Tang. Magsisipag ako. Mag-aaral ho akong mabuti para sa ating lahat.”

               “Sige anak. Kung hindi mo kaya roon, kung hindi maganda ang trato sa’yo ng kapatid ko at mga pinsan mo, uuwi ka rito. May pamilya kang uuwian. Kahit mahirap, igagapang ka namin ng Nanang mo kahit high school lang ang matapos mo.”

Kaugnay na kabanata

  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   Chapter FOUR

    “Sige anak. Kung hindi mo kaya roon, kung hindi maganda ang trato sa’yo ng kapatid ko at mga pinsan mo, uuwi ka rito. May pamilya kang uuwian. Kahit mahirap, igagapang ka namin ng Nanang mo kahit high school lang ang matapos mo.”“Sige Tang. Samalat po. Salamat po Nang.” Dahil kamag-anak, malayo sa isip kong alilain ako ng panganay na kapatid ni Tatang. Nang una, mabait naman ang Tiya Cynthia at ang asawa nito sa akin ngunit nang naglaon lumabas din ang kanilang masamang ugali. Ang Sabado at Linggo na dapat pagtulong ko sa carinderia ay naging araw-araw na. Kailangan kong magising ng madaling araw para samahan ko ang tauhan nila sa karinderya para mamalengke. Pinapabitbit sa akin ang mabibigat na pinamili. Tumutulong pa ako sa pagluluto. Madalas, nahuhuli ako sa pagpasok sa klase. Kahit sa tanghali, bago ako makapananghalian ay kailangan ko pa rin munang tumulong sa pagese-serve sa mga kakain at makapaghugas ng mga pinggan samantalang ang mga pinsan ko ay naroon at katulong rin

    Huling Na-update : 2023-10-08
  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   Chapter FIVE

    Kahit mahirap kami ay dama ko ang kahalagahan at pagmamahalan naming pamilya. Kahit salat ang aming hapag-kainan ay siguradong lahat naman kami ay nagbabahagian ng pagmamahal at matutulog na may ngiti sa labi. Iyon na lang kasi ang mayroon kami, ang pagmamalasakit at pagmamahal namin sa isa't isa bilang pamilya. Hindi nagkulang ang Nanang at Tatang ko sa pagtatanong kung maayos lang ba ang kalagayan ko kina Tiya at kung hindi ba ako nahihirapan pero alam kong walang mabuting maidudulot ang pagsusumbong ko. Ako kasi ang mawawalan. Ako ang madedehado.Pang-apat nang pasko na nasa kanila ako. 16 years olad na ako. Sanay na sanay na ang katawan ko sa pagiging alipin. Naiugali ko na ang pagiging tahimik lang at matiisin. Wala na sa pagkatao ko yung palaban. Binago ng kahirapan ang aking dating ugali na palasagot at ipinagtatanggol ang sarili. Kaya kahit anong pagod, hirap at pang-iinsulto sa aking pagkatao at buong pamilya ko ay kakayanin kong magtiis ay kinakaya ko para lang makatapos. Ka

    Huling Na-update : 2023-10-08
  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   Chapter SIX

    “Wala bang masasaktan kung sakali?” tanong niya uli. “May mga nagpaparamdam pero gusto ko kasing mag-aral muna Sir. Gusto ko hong makatapos. Saka wala rin naman akong oras pa para harapin ang pakikipag-boyfriend sa dami ng trabaho.” “Pwede bang humiling?” “Ano ho ‘yon, Sir?” “Hindi mo naman ako siguro teacher ano? Hindi rin naman kita tauhan. Baka naman pwedeng Jayson na lang? Cut the formalities please?” “Pero, boss ho kayo ni Kuya.” “Boss niya ako. Boss mo ba ako?” “Sige ho, Kuya Jayson.” Tumawa siya. Hindi mo nga ako tinatawag na Sir, Kuya naman. Jayson lang, please?” Huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa kanyang nahihiya. “Sige po, Jayson.” “That’s good. Ahm, Nadine, pansin ko lang, iba ang trato nila sa’yo rito. Okey ka lang ba?”“Okey naman ho ako.”“Okey lang ako. Tanggalin mo na yung po, opo at ho please?”“Okey lang ako.” Paglilinaw

    Huling Na-update : 2023-10-08
  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   Chapter SEVEN

    Kinaumagahan, maaga akong nagising o mas akmang sabihin na hindi ako nakatulog sa kaiisip. Masaya, excited, natatakot, nagdadalawang-isip at nagkakagusto. Mga iba’t ibang damdaming gumugulo sa aking isipan.Tama naman ang sinasabi sa akin ni Tiya. Ngayon na may swerteng dumating bakit ako tatanggi? Isa pa, hindi naman matanda si Jayson kagaya ng ibang napapanood ko sa mga teleserye. Nasa edad trenta lang siguro siya at bata siyang tignan sa kanyang edad. Maaring nasa sampung taon mahigit na ang agwat ng edad niya sa akin pero ang gwapo naman niya. Para siyang artista. Ako nga dapat ang mahiya sa sarili ko. Wala naman akong maipagmamalaki sa kanya. Hindi ko kasi makita sa salamin ang ganda ko na sinasabi niya sa akin. Tanga lang ba siya na sa akin nagkagusto? Sa kagaya kong wala naman akong nakikita extra-ordinary? Oo, matalino ako, matangkad, seksi rin naman siguro pero hindi ko alam, hindi ko nakikita kapag nagdadamit na ako ng mga luma kong kasuotan. Maputi na a

    Huling Na-update : 2023-12-04
  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   Chapter EIGHT

    “Ano pala ang pangarap mong maging?” tanong niya sa akin. “If you don’t mind sharing.” “Maging Engineer.”“You love working with men.”“I just love numbers.”“Wow, gusto ko ‘yan. Sinasagot mo ako ng English.”Ngumiti ako. Namula.“Aside sa pagiging Engineer. May pangarap ka pa ba?”“Gusto kong matulungan ang pamilya kong makabili ng sarili naming lupa. Mabigyan si Tatang ng sarili niyang lupain nang hindi na siya niloloko at maipaayos ang aming bahay. Makatulong sa pagpapa-aral ang aking mga kapatid. Basta. Marami pa akong plano at gustong gawin.” “Ibig sabihin, matatagalan pa pala kung hihintayin kita na maabot ang lahat ng iyon.” “Hindi mo naman ako kailangan hintayin. Alam ko namang madali lang sa’yo makahanap ng babaeng mapapangasawa mo. Yung hindi kagaya ko na marami pang iniisip na responsibilidad.” “Kaso ikaw kasi ang gusto ko eh. Ikaw ang pangarap ko. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay.” Walang babaen

    Huling Na-update : 2023-12-04
  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   Chapter NINE

    “Ayaw ko hong magpaka-ipokrita. Nandito na ho yung pagkakataon, isinusubo na sa akin ang biyaya, tatanggi pa ba ako, Tang, Nang? Alam ko, iniisip ninyo ang sinasabi ng ibang tao pero mapapakain ba nila tayo? Matutulungan ba nila tayong umangat?”Huminga nang malalim si Tatang.“Mahal mo ba siya?”“Gusto ko siya, Tang. Kung mahal ko siya, hindi ko alam pero sa kagaya ni Jayson, hindi siya mahirap mahalin.”“Sa tingin mo anak, magiging masaya ka ba sa kanya?” tanong ni Nanang na mukhang nag-aalala.“Oo Nang. Magiging maayos at masaya ako sa kanya.”“Okey. Kung ganoon na rin naman pala. Anong pang pagtataluhan natin. Sigurado ka bang mabuting tao ‘yan?”“May masama bang tao na gagawa ng lahat ng ito?”“Sige papasukin mo at maipaghahanda ng makakain.”“Ano bang handa ninyo?”“Patupat saka pancit lang.”“May dala naman ho kaming pagkain. Puno rin ang sasakyan niya Nang ng mga kasangkapan sa bahay. TV, Ref, iba pang appliances. Nang, Tang mga ading (kapatid, bunso) ko, may TV na tayo sa wa

    Huling Na-update : 2023-12-04
  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   CHAPTER 10

    Parang na-hypnotize ang buo naming pamilya. Sa loob ng pitong araw, inihanda na ang aming kasal. Naglalakad sa altar palapit sa lalaking nagbigay sa akin at sa pamilya ko ng pagmamahal at kaginhawaan. Hindi ko alam kung paano niya ginawang posible ang iniisip kong imposible. Wala mang dumating na kaanak niya, natuloy ang aming kasal kasi ako lang naman ang menor de edad. Sa hotel kami pinatirabg buong pamilya noong araw ng kasal. Unang pagkakataon iyon noon na makapasok kami at matulog sa ganoon kalambot na higaan. Malamig na may aircon na mga kuwarto. Maligo sa swmming pool at hindi na sa mga deep-well lang sa bukid. Sa araw ng aming kasal, pinaayusan niya ako. Binihisan niya kaming lahat ng magarang damit. Pili lang sa mga kamag-anak naming ang dumalo dahil sa Tuguegarao ito ginanap ngunit sinikap kong nasa listahan ang mga kamag-anak naming kasama lang naming dati na naghuhugas ng pinggan. Mga kamag-anak naming sabik makaranas ng magarbong kainan. Mga hindi

    Huling Na-update : 2023-12-05
  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   CHAPTER 11

    Pagkatapos ng reception. Nag-uwian ang sa amin ay nakisaya. Nagpaalam na rin sina Nanang at Tatang kasama ng aking mga kapatid. Noon na lang nagsi-sink-in sa akin ang lahat. May asawa na nga ako. Ang asawa ko na ang sasamahan ko. Ang asawa ko na magde-decide kung saan niya ako dadalhin at saan kami titira. Pagkatapos ng mga masasayang sandali, kailangan ko na talagang harapin ang katotohanan ng buhay. Ito na ‘to. Kami na lang sa pinakamagandang kuwarto sa pinakamahal na hotel sa Tuguegarao. Iyon na ang oras na aking kinatatakutan. Natapos na ang unang halik kanina sa simbahan, sa reception at ngayon naman ang aming unang pagtatalik. Hindi madali ito para sa akin na wala pang karanasan. Natatakot ako. Nanginginig. Masakit ba? Masarap ba? Hindi ko alam kung anong pakiramdam. Kung paano iyon gagawin. Paano ko siya mapapaligaya? Hihiga lang ba ako? Lalaban? Virgin pa ako. Malaki kaya ang kanya? Masakit kaya ang unang pasukan? Oh my God! Paano ba ito? Nang nilapitan n

    Huling Na-update : 2023-12-05

Pinakabagong kabanata

  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   FINAL CHAPTER

    FINAL CHAPTER"Nadine, gusto kong lumaban ka para sa akin ha? Ipangako mo sa akin na tuloy lang buhay. Masamahan man kita o hindi, kailangan mong manatili para sa pamilya mo at kay Ivan.”"Hindi. Magkasama tayo. Asawa moa ko. Nangako tayo sa isa’t isa. Kung nasaan ako, dapat nandoon ka rin. Hindi ako papaya na maghihiwalay tayo kahit anong mangyari.""Iba ito Nadine.""Paanong iba? Anong ipinagkaiba sa nagiging laban natin?" tanong ko."Yakapin mo ako. Pumikit tayong dalawa. Sabi ni Mommy sa akin, kailangan nating magtiwalang kaya pa at sa ngayon, alam kong ikaw ang may kakayahan pa para lumaban.""Oh my God. Hindi ko gusto ang naiisip ko. Nakausap mo ang Mommy mo? Ibig sabihin, hindi! Hindi pwede!”"Relax at hayaan nating dalhin tayo ng ating mga isip sa kung saan tayo dapat naroon sa mga panahong ito. Please do it for me now bago mahuli ang lahat.""What do you mean?""Just please do it. Huminahon ka muna. Pumikit ka lang at yakapin mo ako nang mahigpit. Tulad ng pagyakap ko sa'yo,

  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   CHAPTER 82

    Chapter 82NADINE’S POINT OF VIEW Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Sandali akong nagtaka kung bakit ako naroon pero bumalik sa akin ang lahat. Nakaupo ako sa bakal na upuan kung saan nakaposas ang aking kamay at nakakadena ang aking paa. Iyon ang upuang bakal na ginamit ni Jason kina Joana, Emma at Tatang. Ibig sabihin ako na ba ang isusunod ni Jason? Nakita kong nakatalikod siya at naninigarilyo. Kita ko sa kanyang mga kamay ang panginginig. Ninenerbiyos. “Alam kong ikaw ‘yan, Jason! Ginamit mo lang ang mukha ni Russel na maskara ngunit ikaw ‘yan.” Sigaw ko. Nagulat pa siya at lumingon sa akin. “Mahusay! Ito naman ang gusto ninyong laro hindi ba? Ang mangopya ng mukha para makapanlinlang? Hindi kayo humaharap ng kayo. Hindi ninyo kayang ayusin ang gusot na kayo mismo ang magpapakita. Ganito pala ang pakiramdam nang hindi mo gamit ang sarili mong mukha ano? Malayang makagawa ng kahit anong gusto mong gawin.” Ngumiti siya. Naiinis ako n

  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   CHAPTER 81

    CHAPTER 81Nang nakaburol na siya at nasa loob na siya ng kabaong, bago siya tuluyang ilibing ay nakumpirma ko na patay na nga siya. Ito ang gusto kong mangyari noon sa kanya. Ang makitang bangkay na siya ngunit bakit ganoon? Bakit parang angsakit pa rin pala sa akin. Inaamin kong abot-langit ang galit ko sa kanya noon pero nang dumating si Russel sa buhay ko at ipinaunawa sa akin ang kahalagahan ng pagpapatawad at ngayon na nakita ko nang malamig nang bangkay ang lalaking unang nagparamdam sa akin ng pagmamahal, naiintindihan ko na ang patuloy niya sa aking ipinaglalaban na huwag patayin si Jason. Nang sandaling pinagmamasdan ko ang bangkay niya, naalala ko ang lahat lahat. Hindi ang mga pangit na nakaraan kundi ang mga nakaraan kung saan niya ako unang pinahanga.“ Siya nga pala, si sir Jason. Boss ko. Pangalawang beses na siyang kasama ko ritong umuwi at dalawang beses na rin niya akong kinukulit na ipakilala raw kita sa kanya dahil may pagkasuplada ka raw.”“Hi, Nadine,” inilahad

  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   CHAPTER 80

    CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a

  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   CHAPTER 79

    CHAPTER 79 Hindi na pumayag pa si Russel na umuwi kami sa probinsiya. Tinawagan na lang ni Tatang ang mga kapitbahay naming walang sariling lupa na sila na ang magsaka sa aming lupa roon at magbigay na lang sila ng aming porsyento. Sa ganoong paraan, nakatulong din si Tatang sa hirap naming mga kamag-anak. Papasyal-pasyal pa rin naman kami sa probinsiya tuwing anihan o summer. Mula sa aking pinanalunan sa sugal namin ni Jason, doon ko kinuha ang pinambili ko sa farm at bahay ni Jason na tinirhan ko noong nag-training ako sa kanya. Hindi siya pumapayag, ayaw niyang tanggapin nang una ang bayad ko ngunit gusto kong magkaroon ng pride ang mga magulang ko. Gusto kong isipin nila na hindi na lang sila ngayon nakikitira. Na may sarili na kaming magandang bahay, may taniman ng gulay at pag-aalagaan ng hayop. “Masaya ka na ba?” tanong ni Russel sa akin habang nakasandal ako sa kanya sa silong ng isang mayabong na puno kung saan niya ako kinantahan. Palubog na noon a

  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   CHAPTER 77

    CHAPTER 77 “Simple lang. Mahal kita, pare. Nakapangako ako sa mga magulang mo na I’ll do everything, para tumino ka.” namumula ang mukha ni Russel na puno ng luha. Lumapit siya kay Jason. Umupo siya katabi nito. Inakbayan. “Hindi kita isusuko eh. Hindi kita kayang pabayaan kasi alam ko, biktima ka ng maling pagpapalaki. Mali ang kinagisnan mong pagpapalaki and your parents knew that. Sila mismo aminadong may mali sila and here you are now, just totally lost but not hopeless. Hindi kita pwedeng iwan at isuko eh, hindi ako dapat mawala. Hindi ito dapat matapos lang ng ganito. Ako na lang pare, ako na lang ang meron ka. Ang naniniwala na kaya mo. Your son might hate you too kung manatili kang ganyan pero ako, nakita kita nang mabuti ka pang tao. Nasiksihan ko na kaya mo. Na pwede pa. Please prove them wrong. You can do better than this. Please!” niyakap niya si Jason. Mahigpit na mahigpit. “No! You don’t really care. Nang mawala si Lizzie, nawala ka rin. Nagpa

  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   CHAPTER 76

    CHAPTER 76 “Alam ko, kahit luluha ako ng dugo…”“Oo, kahit luluha ka pa ng dugo,” hindi ko na siya pinatapos pa, “Hindi na babalik pa sa’yo, hindi mo na rin makikita pa ang babaeng gusto mong ipalit sa akin, ang babaeng sasamahan mo sa ibang bansa kasama ang anak ko, ang babaeng dahilan kung bakit ka mahirap na ngayon, kung bakit wala ka nang maipagmamayabang pang kayamanan.”“Anong ibig mong sabihin? Anong alam mo kay Margie? Anong wala na akong kayamanan? Anong kinalaman mo sa kanya?” sunud-sunod niyang mga tanong sa akin.Gusto mo bang malaman? Gusto mong marinig kung anong totoo? Kung bakit ko alam lahat lahat?” “Hindi ako tanga. Hindi ako bobo. May naramdaman ako, may pakiwari ngunit ayaw kong pangunahan. Gusto ko pa ring marinig. Kailangan ko pa ring malaman mula sa’yo ang katotohanan.” Humawak siya sa aking balikat. Tinanggal ko iyon. Hinarap ko siya. Malapit na malapit ang mukha ko sa kanya. Tinignan ko siiya sa kanyang mga mata para mabasa ko laha

  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   CHAPTER 75

    CHAPTER 74 Hindi man iyon ang gusto kong mangyari kay Jason pero nakikita ko yung punto ni Russel at sa pagdaan ng mga oras. Hindi na ako tumutol pa.Nang nakita naman ng Doktor na pwedeng outpatient na lang si Tatang at may mga nareseta naman nang gamot sa kanya ay dineretso na lang naming siya sa bahay ni Russel. Doon na lang siya tuluyang magpagaling.Nang dumating kami sa bahay, nakita ko ang saya sa mukha ni Nanang at aking mga kapatid. Pinatunayan ko ang kakayanan ko. Natupad ko ang pangako kong ligtas kong maiuuwi si Tatang sa kanila at iyon nga ang nangyari. Ang problema lang, naiwan pa rin ang anak ko at natatakot ako na ngayong wala siyang panghahawakan sa akin, maisip niyang gamitin ang anak ko. Ngunit planado na ang lahat. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Mababawi ko ang anak ko na hindi malalagay ang buhay nito sa alanganin. Kailangang hindi papalya ang huling misyon namin ni Russel. Oras na ako naman ang mangibabaw at magwagi pagkatapos ng kanyang pananaki

  • REVENGE OF INNOCENT WIVES   CHAPTER 73

    CHAPTER 73“Nasa sa akin ang lahat ng simtomas Nadine. Nang sinasabi ng Psychiatrist ko ang mga simtomas ay alam kong akong ako ang kanyang binabanggit. I disregard for right and wrong, I persistent lying or deceit to exploit others kasi may pera ako. May kapangyarihan akong gamitin ang ibang tao. Binabalewala ko ang damdamin ng iba, inuuyam, minamaliit at hindi ko iginagalang ang kanilang mga karapatan. Alam kong alam mo na ginagamit ko rin ang aking charm or wit to manipulate others for personal gain or personal pleasure. I am arrogant, superior and being extremely opinionated. I have repeatedly violated the rights of others through intimidation and dishonesty. I am abusive in our relationship. I showed lack of empathy for others and lack of remorse about harming others. Inaamin ko, masama akong tao ngunit sana maintindihan mong may kondisyon akong pinagdadaanan. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ko nang ganoon, I am traying my best para maging mabuting tao mula nang alam kong mahal k

DMCA.com Protection Status