Share

Chapter 4

Author: Rhod Selda
last update Huling Na-update: 2024-01-16 13:17:47

HINDI makapag-focus si Monica sa sinasabi ni Federico. Tango lang siya nang tango kahit hindi naintindihan ang iba. May listahan naman ng daily task niya na binigay si Federico, at ito ang kaniyang pinagbasehan.

Hindi pa rin siya maka-get over sa tattoo na nakita sa likod ng binata. Iba ang pakiramdam niya rito. Lalo tuloy siyang nahiwagaan sa pagkatao ng kaniyang amo.

“I will leave around nine, Monica. You don’t need to cook for me. Kung nagugutom ka, maraming stock na pagkain sa kusina at ref. Magluto ka ng para lang sa ‘yo,” sabi ni Federico.

“Iyong kuwarto ko po?” aniya.

“Come with me.”

Sumunod naman siya rito. Dinaanan niya ang kaniyang maleta na naiwan sa salas. Iginiya siya ni Federico sa isang silid doon sa ground floor. Namangha siya sa laki ng kuwarto, may sariling banyo at merong air-con. Hindi ito basta kuwarto para sa katulong dahil parang hotel suite.

“Wow! Ang ganda naman nitong kuwarto, sir! Puwede ko bang gamitin ang air-con?” aniya.

“Of course. This is the guest room. May isang kuwarto pa malapit sa kusina pero maraming nakatambak na gamit. You can use all stuff here.”

“Salamat po!” Kaagad siyang lumapit sa kama at umupo. Ang lambot nito.

“You can start your job today. Good luck!”

Ngumiti lang siya at sinundan ng tingin si Federico na lumabas.

Nang makaalis ang binata ay nagpagulong-gulong siya sa kama. Binuksan pa niya ang air-con kaya lumamig sa silid. Halos ayaw na niyang bumangon at napasarap ang hilata. Pero nang maalala ang totoong pakay, bumalikwas siya ng upo at kinuha ang kaniyang cellphone sa bag.

Nagpadala siya ng mensahe kay Boggy at sinabi na nakapasok na siya sa bahay ni Federico. Wala pang utos si Boggy kung ano ang susunod niyang gagawin. Hindi siya puwedeng tatawag kay Boggy at usapan nila na mensahe lang ang puwedeng komunikasyon nila. May mga spy gadgets naman siyang dala.

Nag-aayos siya ng gamit sa closet nang may kumatok sa pinto kasunod ng boses ni Federico. Mabilis siyang lumapit sa pintuan at binuksan.

“Yes, sir?” nakangiting sabi niya. Awtomatikong nasuyod niya ng tingin ang binata.

Napasinghot pa siya dahil ang bango nito. Sumiksik sa kaniyang ilong ang matapang nitong perfume. Nakasuot ito ng black suit, nakahabi ang buhok palikod na mamasa-masa pa. Ang linis nitong tingnan, neat, sobrang guwapo kaya ilang sandali siyang tulala.

“I’m leaving. Maiiwan dito ang dalawang pusa. Two times a day lang sila kakain, sa gabi na ulit. You can do the housework, but be careful not to damage every single thing here. Baka gagabihin na ako ng uwi, depende,” habilin nito.

“Yes, po. Ako na ang bahala sa mga alaga mo at bahay. Kung may labahin ka, puwede ko na labhan ngayon.”

“Nagpa-laundry na ako kahapon. Sa Sunday ka na maglaba.”

“Okay po.”

“Aalis na ako.”

“Bye, sir! Ingat!”

Walang kibong umalis ang binata.

Sinundan pa niya ito ng tingin habang paalis bitbit ang handbag na itim.

Nang makaalis si Federico ay minadali na niya ang pag-aayos ng gamit. Pagkatapos ay lumabas siya ng kuwarto at hinanap ang mga pusa. Natagpuan niya ang mga ito sa kusina at naglalaro.

“Mga memeng, kumusta kayo?” bati niya sa dalawang pusa.

Unang lumapit sa kaniya ang itim na pusa, si Satore. Mabilis niyang nakabisado ang pangalan ng mga ito. Binuhat niya ang pusa at niyakap.

“Ang sarap mong yakapin, ang lambot!” gigil niyang usal.

Nilapitan din siya ni Parisi at ikinuskos ang katawan sa kaniyang binti. Ibinaba na niya si Satore at nakialam sa kusina. Maraming stock na makakain doon lalo na sa ref.

“Wow! Yayamanin ang mga food!” Inilabas niya ang isang bowl na grapes at pinapak.

Nawili na siya kakakain ng prutas at halos maubos na. Kumain din siya ng mansanas at ponkan. Mayamaya ay uminit na ang kaniyang sikmura. Acidic pa naman siya.

Sinimulan na niya ang pagpupunas ng mga furniture at inuna niya sa second floor. May dalawang kuwarto roon na naka-lock, merong mini library, opisina at doon siya pumasok dahil nabubuksan ang glass door. Halos babasagin lahat ng gamit maging estante kaya maingat siya sa kaniyang kilos.

Lumapit siya sa makitid at pahabang lamesa sa may gilid ng glass wall. May mga picture frame na nakapatong dito, mga libro, kung anong abubot. Mga larawan ni Federico ang naroon, pero may isa siyang napansin na nagpawindang sa kan’ya. Kinuha niya ang isang larawan kung saan dalawang Federico ang kaniyang nakikita.

“Hala! Bakit magkamukha sila?” gilalas niyang usal.

Kumurap-kurap pa siya habang nakatitig sa larawan. May kasama si Federico na lalaki sa larawan na naka-suit din pero puti ang isa. Hindi niya alam kung saan sa dalawa si Federico dahil pareho pati gupit ng buhok, katawan, tangkad.

“Teka, may kambal ba si Federico?” tanong niya sa hangin.

Dinukot niya sa bulsa ng kaniyang pants ang cellphone at sinubukang tawagan si Boggy pero walang sagot. Nagpadala lang ito ng mensahe sa kaniya.

Boggy: “Be careful, hindi ka puwedeng tatawag sa akin. Federico was a former detective, and he’s vigilant. Maaring tadtad ng camera at audio recorder ang bahay niya. Malalaman niya lahat ng kilos mo. Huwag ka ring tatawag kay Terra sa loob ng bahay ni Federico at magbanggit ng related sa misyon mo. Federico knows about decoding, so be careful.”

Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Pasimple na lamang niyang kinuhaan ng picture ang larawan ni Federico na may kasamang kamukha nito.

Nai-send niya kay Boggy ang nakuhang picture at sinabi ang ilang detalye. Sinimulan na rin niya ang paglilinis pero panakaw na kinukuhan ng picture ang mga kakaibang bagay na nakikita niya.

NAPAHILOT sa kaniyang sintido si Federico nang latagan siya ni Leo ng tambak na papeles sa lamesa. He is just done signing the papers for the company.

“What is it for?” tanong niya sa assistant.

“Files po ‘yan na pinadala ni Sir Duke. Mga records daw ‘yan ng CEG international na kailangan ma-review. May naibabang bagong policy ang international branch at kailangan ninyong aralin. May operation na maa-asign sa inyo, mga kaso ng ibang mafia organization na dapat tutukan.”

“Why only me?” reklamo niya.

“Inasikaso ng ibang kasama n’yo ang bagong hideout at deployment ng ibang agents. Nagpaparamdam na ulit ang mga grupong gusto kayong pabagsakin. Ayaw nila na nauungusan ninyo ang operation nila rito sa Pilipinas.”

He gritted his teeth. Some mafia groups can’t operate without competing with them. Dahil kilalang pinakamalaki at maimpluwensiyang mafia organization ang Cosa El Gamma, marami na rin ang sumusubok na mapantayan sila o kaya’y mapabagsak.

“Okay. I will review the files later. I need to relax my head first,” he said.

“You should stop investigating the Japan incident, sir. It’s been more than three years.”

He took a sigh. Although he already declared his twin brother’s death, he was still hoping that the evidence they got had been manipulated. Hindi pa rin matanggap ng kaniyang sistema na wala na ang kaniyang kakambal.

“I can’t stop it, Leo. Fernand had always crossed my mind, even in my dream. I felt he was just around and breathing, asking for help.”

“But we still don’t have proof of his existence.”

“Pinalabas kong patay na siya para hindi na makisawsaw ang ibang kamag-anak namin at usigin ako. Mas madali kong maimbestigahan ang insidente kung walang nakikialam. I’ll do it alone for the sake of my brother.”

“Kung sana’y maalala niyo ang nangyari sa Japan, baka mas madali ang lahat. Nakapagtataka naman na walang bodyguards malapit sa inyong magkapatid noong gabi ng party.”

“Iyan din ang nakapagtataka, Leo. Pumasok kami sa VIP room ng restaurant na may kasamang bodyguards. And those bodyguards can remember anything. They just drunk, eh hindi ko sila pinayagang uminom ng alak.”

“It’s a foreplay. Naisahan kayo ng grupo ni Mr. Hiroshi.”

Nabuhay na muli ang kaniyang inis. “Malalaman ko rin ang totoo.” Iniligpit na niya ang gamit.

Ipinasok na rin niya sa bag ang papeles na dala ni Leo at sa bahay na niya babasahin. Mabilis siyang mainip kung naroon siya sa opisina. He’s an introvert, and staying at home saves his strength. Lumala ang pagiging introvert niya simula noong nag-quit siya sa detective job at nag-focus sa business. Kaso hindi rin siya basta humaharap sa mga tao.

“I’ll go home. Please assist the investors for their company tour,” he said.

“Yes, sir!”

Lumabas na sila ng opisina. Alas-kuwatro pa lang ng hapon. Mas mahabang oras na iyon na paglalagi niya sa opisina. Madalas half-day lang siya, ilang oras din sa headquarters ng CEG.

Pagdating ng bahay ay sobrang tahimik. Kaaalis lang ni Mang Nestor, ang kaniyang hardinero. Nagdilig lang ito ng mga halaman at nagdamo sa bakuran. Ganoon lang ang routine ng ginoo at lingguhan niyang binabayaran.

Pagpasok ng bahay ay malamig at nakabukas ang telebisyon sa salas. Namataan niya si Monica na nakahiga sa couch at tulog, nakanganga pa. Nakahiga sa puson nito si Satore. This girl was a bit weird.

In-off niya ang telebisyon at sana’y papanhik sa hagdanan ngunit napansin niya na umilaw ang cellphone ni Monica. Nakapatong lang ito sa center table. Napabalik siya nang mapansin ang wallpaper sa cellphone na imahe ng batang lalaki.

He touches the cellphone’s screen to avoid closing. He held it and stared at the child’s image. It was the lock screen wallpaper. And he was stunned when he found the child familiar. He looks like his child version!

Nang kumilos si Monica at ibinalik niya ang cellphone sa mesita.

“Ay! May tao!” sigaw ni Monica, nagulat pa sa kaniyang presensiya.

“You finally awake. Keep resting,” he said.

Napaupo ang dalaga at inayos ang magulong buhok. “S-Sorry, nakatulog ako. Naglinis kasi ako ng buong bahay,” anito.

“That’s okay. You don’t need to work until midnight.” Aalis na sana siya nang maisip ang bata sa wallpaper ni Monica. Napaharap siyang muli sa dalaga. “May I ask you something, Monica?” aniya.

“Ano po ‘yon?” Namilog ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.

“I saw a little boy’s picture in your phone’s wallpaper. Who is he?”

Napamulagat ng mga mataa ng dalaga sabay hablot sa cellphone nito. “Ano, anak ko ‘to,” turan nito.

Natigilan siya. He doesn't know what to think, but he really finds the boy to look like his young version. Is it a coincidence?

Kaugnay na kabanata

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 5

    AYAW paawat sa pagkabog ang dibdib ni Monica dahil sa pag-usig sa kaniya ni Federico tungkol sa kaniyang anak. Maaring napansin na nito na may hawig dito ang bata. Muli nitong tiningnan ang picture at pinakatitigan maigi.“You said you didn’t meet your son’s father again after the one-night stand, right?” ani Federico.“Opo. Kasi noong nabuntis ako, umuwi na ako rito sa Pilipinas. Hindi ko rin alam ang pangalan ng lalaki.”“Give me the details about the company where you worked in Japan.”Sinabi naman niya ang mga detalye kay Federico na lalong ikinawindang nito. Nagduda na rin siya kasi alam nito ang kumpanya na nabanggit niya. Maging ang petsa kung kailan may nakaniig siyang lalaki ay pareho sa sinabi ni Federico, na umano’y inukupa ng grupo nito ang isang VIP room ng restaurant.“F*ck! It’s not a coincidence!” bulalas nito sabay hilot sa sintido. “I was there at the same time you mentioned, but I can’t remember what happened after the party. I was drunk, and I felt there was someth

    Huling Na-update : 2024-01-17
  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 6

    HINDI kinaya ni Monica ang hotness ni Federico kaya hindi siya sumabay rito kumain kahit niyaya siya nito. Sa kusina lang siya kumain habang si Federico ay nasa dining. Tinanggap naman niya ang salad na gulay at fruit shakes na bigay ng binata. Food is life sa kan’ya kaya wala siyang hihindian.Naunang natapos kumain si Federico at sana’y huhugasan ang pinagkainan nito pero pinigil niya.“Ilagay n’yo lang po riyan ang plato n’yo, sir. Ako na ang maghuhugas niyan mamaya para isahan na lang,” aniya.“Okay. Thank you.” Naghugas lang ng mga kamay ang binata. “Nakausap mo na ba ang tita mo, Monica?” pagkuwan ay tanong nito.“Ah, opo. Pinahahanda ko na ang anak ko.”“Okay lang ba kung dito muna ang anak mo?”“Walang problema, sir. Kaso mahahati ang oras ko kasi aasikasuhin ko ang bata.”“It’s okay. Hindi mo naman kailangang mag-general cleaning araw-araw. Mga pusa lang naman ang kailangan mong tutukan.”“Sige po. Pero hanggang kailan dito ang anak ko?”“After the DNA test, or depende sa res

    Huling Na-update : 2024-01-18
  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 7

    HINDI maipaliwanag ni Federico ang excitement na nararamdaman niya habang yakap ang anak ni Monica. When his chest pressed the child’s chest, he felt the heartbeat. Wari lumukso ang kaniyang puso sa saya. He didn’t feel any doubt while hugging the innocent kid. He assumed that this little one belonged to him. Niyaya kaagad niya si Monica na umuwi matapos makausap ang tiyahin nito. Pumayag naman ito na dalhin nila ang bata. “I’ll call my assistant to help me process the DNA test,” he said. Lulan na sila ng kotse pauwi. Nakaupo sa tabi niya si Kenji, napagitnaan nila ni Monica. Halos ayaw niyang bitawan ang kamay ng bata. He’s adorable and very warm to strangers, which is the opposite of his personality, but close to his brother. “Ngayon mo rin ba ipapa-DNA ang anak ko?” tanong ni Monica. “Yes. I want to rush it.” “Sige.” Tinawagan na niya si Leo. Mabuti sumagot kaagad ito. “Nasa office na ako, sir. I’m waiting for the investors,” ani Leo. “Good. After your meeting with the inv

    Huling Na-update : 2024-01-19
  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 8

    “ANG ibig mo bang sabihin, kung sakaling anak nga ng kapatid mo si Kenji, mamanahin niya ang shares ng kapatid mo?” tanong ni Monica kay Federico. Hindi pa rin kasi siya maka-get over sa sinabi nito tungkol kay Kenji. “That’s right, Monica. Since wala na ang kapatid ko, mapupunta sa anak niya ang share niya. Dalawa lang kaming magkapatid, at hindi ko ipagdadamot ang karapatan ng kapatid ko. Hintayin nating lumaki si Kenji para mailipat sa pangalan niya ang rights na makukuha niya. Pero habang wala pa siyang eighteen, ako muna ang hahawak ng shares niya. I’ll give you Kenji’s monthly allowance, too.” Hindi makapaniwala si Monica sa naririnig. Naka-jackpot nga siya ng tatay ng kaniyang anak. Kahit pala sino kina Federico at kakambal nito ang tatay ng anak niya, makukuha pa rin niya ang karapatan para kay Kenji. “Ah, eh hindi ko alam kung paano ang setup natin. Kukunin mo ba si Kenji?” kabadong tanong niya nang may mapagtanto. “Of course. I will change his surname to become the offic

    Huling Na-update : 2024-01-20
  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 9

    KINABUKASAN ay inagahan ni Monica ang gising at sinimulan ang paglalaba. Una niyang nilabhan ang mga damit nila ni Kenji. Tulog pa si Federico kaya hindi niya makuha ang labahin sa kuwarto nito. Nagising na rin ang kaniyang anak kaya nagtimpla siya ng gatas nito. Mayamaya ay nagising na rin si Federico at diretso ang pasok sa kusina. Nilapitan nito si Kenji na nakaupo sa silya at hinalikan sa pisngi. Puting t-shirt lang ang suot nito at puti ring jogging pants. “What are you eating, Kenji?” tanong nito sa bata. “Da-Da!” sagot lang ni Kenji. May bago na itong salita. Kumakain ng chocolate cookies si Kenji. “It’s daddy, right?” Umupo na ito sa tabi ng bata. “Daddy nga siguro ang gusto niyang sabihin, sir,” ani Monica. Ibinigay na niya ang gatas ni Kenji na nasa plastic na baso. Marunong naman itong uminom basta hindi masyadong mainit ang gatas. “Yeah. He heard that word from me.” Tinulungan nito si Kenji sa pag-inom ng gatas. Sinasawsaw ni Kenji ang cookies sa gatas kaya nagkalat

    Huling Na-update : 2024-01-21
  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 10

    “WHAT is it for?” kunot-noong tanong ni Federico habang nakatitig sa cover ng audio recorder.“Ah, sa ano ko ‘yan, sa earphone. Nakikinig kasi ako ng music. Naka-konekta sa phone ko ang earphone, wireless at may Bluetooth,” palusot niya.“Baka maisama sa labahin mo ‘to.” Ibinigay rin nito sa kaniya ang takip ng device.“Pasensiya na.” Kinuha naman niya ang takip at ikinabit sa device na patago.“Take your time. Don’t rush the laundry. May machine naman at merong dryer. Maliligo lang kami ni Kenji.” Umalis din si Federico.Nang maalala na wala pang nakahandang damit pamalit si Kenji ay tumakbo siya palabas.“Sandali lang! Hindi pa ako nakapaglabas ng damit ni Kenji,” aniya.Tumakbo na siya papasok ng kuwarto. Mabilisan niyang sininop ang nagkalat niyang gamit. Kumuha lang siya ng isang pares na damit ni Kenji at iniwan sa salas.Binuhat na ni Federico si Kenji at dinala sa labas.Paspasang ipinasok ni Monica sa washing machine na malaki ang mga labahin mula kay Federico. Atat na rin si

    Huling Na-update : 2024-01-22
  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 11

    TULUYANG naibaba ni Monica ang kaniyang cellphone at pumihit paharap kay Federico.“Ah, kinausap ko lang ang tiyahin ko. Kinukumusta kasi niya si Kenji, na-miss na niya,” pagsisinungaling niya.“And why did you end the call?” usig nito.“Ha? H-Hindi ko itinigil ang tawag! Katatapos lang namin mag-usap ni Tita nang dumating ka.”“Okay. But why are you here? Mahina ba ang signal sa kuwarto mo?”“M-Medyo. Baka kasi magising si Kenji sa ingay ko. Kulob pa naman ang kuwarto,” palusot niya.Matabang siyang ngumiti nang mapansin si Federico na naglalakbay ang titig sa kaniyang katawan. Hanggang sa mapadalas ang titig nito sa gawi ng kaniyang dibdib. Napapiksi pa siya nang maalala na wala siyang suot na bra, tanging manipis na puting t-shirt lang. Maliligo na kasi siya at mas gustong t-shirt lang ang suot at panties. Gabi naman at walang ibang tao sa bakuran.Dagli naman niyang tinakpan ng mga kamay ang kaniyang dibdib. “Pasensiya na, maliligo din kasi ako sa pool kaya ito lang ang suot ko,”

    Huling Na-update : 2024-01-23
  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 12

    NAKATULOG kaagad si Monica matapos maligo. Ngunit pagsapit ng madaling araw ay nagising din siya. May kumalabog kasi sa salas. Naalimpungatan siya kaya maingat siyang bumangon at sumilip sa pintuan. Maliwanag sa lobby. Maaring dumating na si Federico. Lumabas pa siya at nagulantang siya nang mamataan si Federico na nakadapa sa sahig. Tumakbo siya palapit dito at inakay paupo ng sofa ang binata. “Hala! Lasing ka ba?” natatarantang tanong niya sa binata. Namumungay na ang mga mata nito at amoy alak. “Not drunk,” wala sa wisyo nitong wika. “Not drunk pero lasing, ano ‘yon?” natatawang sabi niya. Tumingala sa kaniya ang binata ngunit biglang tumigil ang titig nito sa gawi ng kaniyang dibdib. Napakislot naman siya nang maisip na wala siyang bra at manipis na t-shirt lang ang suot pantulog. Hindi talaga siya nagsusuot ng bra sa tuwing natutulog. Lalayo na sana siya kay Federico ngunit bigla siya nitong kinabig sa baywang at hinatak. “Ay!” tili niya nang napangko siya sa mga hita ng b

    Huling Na-update : 2024-01-24

Pinakabagong kabanata

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 68 (Finale)

    MAGKAHALO ang luha at galak ni Monica habang suot ang magarang trahe de buda. Sa araw na iyon ang pinakahihintay niyang kasal nila ni Federico. Hindi man sa simbahan ang seremonya, pari pa rin ang magkakasal sa kanila sa may beach from wedding venue. Pakiramdam niya’y nasa isang paraiso siya. Dumating din ang ibang kaibigan ni Federico, nahuli si Craig na nanggaling pa ng US. Tapos na ang seremonya pero bumawi naman ang mga ito sa regalo. Himalang dumating din si Dimitri kasama ang asawa nitong si Kira. “Cheers to the newlywed!” sabi ni Duke, na nauna nang nagtaas ng baso ng wine. Itinaas din ng iba ang baso ng mga ito. Nagtipon silang lahat sa gitna ng malawak na function hall. Si Federico ang ikalawang miyembro ng CEG na ikinasal. Ang mga naiwan ay karamihan playboy kaya malabo pang makapag-asawa. Hindi pa ata sawa sa buhay binata ang mga ito. Si Stefano lang ang medyo ilap sa babae. “Who’s next to Federico?” pagkuwan ay tanong ni Mattia. “I’m sure it was Stefano,” tudyo ni Duke

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 67

    MAG-UUMAGA na hindi pa rin natutulog si Monica. Nakaidlip lang siya sa may couch sa salas at naghihintay pa rin kay Federico. Abang din siya nang abang sa tawag ni Leo upang bigyan siya ng update. Nahihilo na siya kaya pumasok siya sa kuwarto at humiga sa tabi ni Kenji. Nakatulog din siya at nang magising ay hindi na si Kenji ang kan’yang katabi. “Federico!” bulalas niya at napabalikwas ng upo nang mamataan ang kan’yang asawa na nakahiga sa kan’yang tabi. Dahil sa lakas ng boses niya ay nagising si Federico. Wari pinipiga ang puso niya nang makita ang mga pasa nito sa mukha. Hindi na niya ito hinintay na makabangon at kaagad niyang niyakap. “Salamat at ligtas ka,” humihikbing wika niya. “Hey, stop crying,” paos nitong usal. Humiga siyang muli sa tabi nito pero yapos pa rin niya ito habang nakatagilid silang magkaharap. Banayad niyang hinaplos ng palad ang pisngi nito. “Binugbog ka ba nila?” tanong niya. “Not really. Napalaban lang kami sa maraming tauhan ni Morgan.” “Sino ang t

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 66

    ALAS-NUWEBE na ng gabi pero wala pa rin si Federico. Pinauna na ni Monica kumain ang nanay niya at mga bata, pero siya ay naghihintay pa rin sa kan’yang asawa. Tawag siya nang tawag kay Federico ngunit walang sumasagot.Ginupo na siya ng kaba. Alas-sais pasado pa lang noong nakausap niya si Federico at pauwi na. Dapat ay naroon na ito sa bahay alas-otso pa lang. Naisip niya na baka bumalik ng opisina si Federico at may nakalimutan. Mabuti may contact number siya ni Leo.Tinawagan na niya ang assistant ng kan’yang asawa. Sumagot din ito.“Hello, Ma’am Monica!” bungad ni Leo mula sa kabilang linya.“Kuya Leo, bumalik ba si Federico sa opisina?” tanong niya, balisang-balisa na.“Hindi naman po. Alas-otso na ako umalis ng opisina. Mas maagang umalis si Sir. Bakit po?”“Eh, wala pa siya rito sa bahay. Baka ka’ko bumalik sa opisina. Nakausap ko siya kanina at sabi niya pauwi na siya. Nakapatay na ang phone niya, eh, hindi matawagan.” Palakad-lakad siya sa may lobby.“Baka po nagpunta sa hea

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 65

    INABUTAN ng traffic si Federico kaya alas-singko na siyang nakarating sa headquarters. Napawi ang pagkabagot niya nang maabutang gising na si Fernand. Inasikaso na ito ng medical staff nila. Male-late si Dr. Guilliani pero nagbigay naman ng instruction kung ano ang gagawin nila sa pasyente. “Don’t force yourself to talk, Fernand. You need more rest,” sabi niya sa kapatid. Nagpumilit pa ring magsalita si Fernand. “M-Morgan….” sambit nito. “I know. He’s still alive. We are doing our best to catch him. Don’t worry.” Hindi na nagsalita si Fernand at malamlam pa ang mga mata. Hindi niya ito hinayaang kumilos. “Sir, nariyan na po si Dr. Guilliani!” batid ng agent na kapapasok ng silid. “Guide him in,” aniya. Tumalima naman ang agent. Mayamaya ay pumasok na si Chase. Dagli nitong nilapitan si Fernand at inasikaso. “Does he still need oxygen?” tanong niya. “I will check his lung status first,” ani Chese. Sinuri pa nito ang record na na-update ng medical staff nila. “Stable na ang pu

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 64

    HINDI na hinintay ni Federico ang driver at siya na ang nagmaneho ng kotse patungong ospital. Hindi niya gusto ang balita ng isang agent niya na nagbabantay sa kan’yang kapatid. Nilapatan umano ng doktor ng CPR si Fernand dahil sa biglang pagbagsak ng heart rate nito. Nagising na umano ang kapatid niya ngunit biglang nagdeliryo. Pagdating sa ospital ay dumiretso siya sa ward ni Fernand. He felt relief when the doctor stopped doing CPR on his brother. He had a positive reaction, meaning his brother was safe. Lumapit siya sa doktor na nagtanggal ng mask. “What happened to my brother, Doc?” eksaheradong tanong niya sa doktor. “The patient experience cardiovascular problem due to lack of blood oxygen and some clots. Medyo mahina pa ang respond ng katawan niya dahil sa dami ng dugong nawala, and it’s still in the process before his body can recover.” “Hindi pa ba sapat ang dugong ibinigay ko?” “Okay na, kailangan lang ng pasyente ng mahaba-habang pahinga dahil sa naghe-heal pa ang sug

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 63

    DAHIL sa pagkawala ng step-father ni Monica ay hindi na sila nakauwi ng bahay ni Federico. Bumili na lamang sila ng pagkain sa restaurant para sa tanghalian. Sinamahan niya ang nanay niya hanggang sa maasikaso ang labi ng asawa nito. Ibinigay pa rin niya ang perang tulong dito at dinagdagan ni Federico upang mabigyan ng maayos na libing ang step-father niya. Bago lumubog ang araw ay naiuwi na rin ang labi ng step-father niya. Saka lang sila nakauwi ng bahay ni Federico. Nangako siya sa kan’yang ina na dadalo sa libing ng asawa nito. Kinabukasan ay bumalik na sa trabaho si Federico. Sumama si Monica sa kan’yang asawa upang tulungan ito sa tambak na paperwork. Doon na silang mag-ina sa opisina kasama ng mga pusa. Mas marami nga namang magagawa si Federico kung naroon sila dahil nakakapag-focus ito at hindi sila naiisip na malayo. Habang nakaupo sa tapat ng lamesang katapat ni Federico ay panay at chat niya sa kan’yang ina. Inaalala niya ito baka biglang ma-depress. Nakailang buntongh

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 62

    KINABUKASAN ng umaga ay muling inatake ng pagkahilo si Monica at nagsuka. Inalalayan pa siya ni Federico papasok ng banyo at panay ang hagod sa kan’yang likod. “Kaya mo bang bumiyahe?” tanong nito. “Oo, mamaya kakalma rin ang sikmura ko. Magpapahinga lang ako saglit. Asikasuhin mo muna si Kenji,” aniya. Naghilamos na siya. Iginiya rin siya ni Federico pabalik sa kama. “I will prepare our breakfast,” anito nito nang mapaupo siya sa kama. “Sige. Gusto ko lang ng mainit na sabaw at kahit nilagang itlog lang,” aniya. “Okay. Dadalhin ko na si Kenji para hindi ka maabala.” Lumabas din ang mag-ama. Humiga siyang muli sa kama at kinuha ang kan’yang cellphone. Sinagot niya ang sandamakmak na chat ng kan’yang tiya. Nag-aalala na ito sa kan’ya. Hindi pa niya nasabi rito na nakauwi na sila ni Kenji. Nagbabalak na itong susugod doon sa bahay nila. Nalaman nito na na-kidnap sila dahil tumawag si kay Federico. Nawala rin ang hilo niya at sakit ng ulo. Nakaidlip siya ulit at ginising lang siy

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 61

    NAKALABAS na sila ng tunnel at diretso na sa ilog pero dumating ang rescue helicopter nila kaya dito nila isinakay si Fernand. They found the nearest hospital and urgently admitted Fernand and some other wounded agents. Pinapasok na nila sa operating room si Fernand kahit wala pang doktor na mag-oopera lalo’t gabi na. Hindi mapakali si Federico habang naghihintay na may doktor na mag-asikaso sa kapatid niya. Wala pang available na surgeon on call. Hindi naman basta magagalaw ng ibang doktor ang pasyente lalo’t maselan ang tinamaan ng bala, nasa pagitan ng puso at baga. They need experts. He tried to call Dr. Guilliani. And gladly, Chase was willing to go to help them. Pinasundo niya ito ng helicopter mula Maynila. Naghanap lang ito ng meeting place. “Please save my brother!” samo niya sa nurse na lalaki. “We need extra blood, sir!” wika ng nurse. “I’m the patient’s twin. Can I donate my blood?” “We need screening first, sir. But we can rush it.” “Please do it!” Tumuloy naman s

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 60

    TINUTUKAN ni Federico ng baril ang lalaking kamukha niya ngunit nagtaas ito ng mga kamay. He just moaning. Mariing kumunot ang noo niya. Ito marahil ang lalaking sinabi ni Monica na naputulan ng dila at tumulong sa asawa niya. “Who are you?” tanong niya. Hindi nagsalita ang lalaki. Mabuti inabala siya ni Stefano na nasa kabilang linya. “I saw another impostor, and he’s not talking,” sabi niya. “He was just pretending. Kasama ko ang isa na hindi makapagsalita,” ani Stefano. Nang mapansing bumunot ng baril mula sa tagiliran nito ang lalaking kaharap ay kaagad niyang kinalabit ang garilyo ng kan’yang baril. Sa kanang balikat lang niya binaril ang lalaki. Sinugod niya ito at tinadyakan sa ulo. Nang bumulagta ito sa sahig ay saka niya inalis ang maskara nito. Hindi nga ito ang lalaking tinutukoy ni Monica. “You’re right, Stefano. Naisahan ako ng kalaban pero don’t worry. Napatumba ko na siya,” aniya. “Nice. Just proceed. We’re waiting here. Sundan mo lang ang pasilyo at sa dulo kami

DMCA.com Protection Status