Share

Chapter 3

Author: Rhod Selda
last update Huling Na-update: 2023-11-21 00:36:45

PINAGPAPAWISAN ng malamig si Monica habang palapit sa opisina ni Mr. Sartorrei. Panay ang sermon niya sa sarili dahil tila naduduwag na ito. Hindi naman siya ganoon, palaban siya. Panay ang buga niya ng hangin at napadasal nang wala sa oras.

“Maghintay lang po kayo rito sa labas. May tatawag sa inyo,” sabi ng lalaking nag-asisst sa kaniya.

“Sige, salamat.” Lumuklok naman siya sa couch.

Nasa lobby na siya ng fifth floor at kaharap ang opisina ng CEO. Habang naghihintay ay nag-reply siya sa chat ni Terra. Ang dami nitong tanong at kabado baka hindi umano siya magtagumpay sa misyon.

Mayamaya ay may lalaking naka-suit at may eyeglasses na lumabas sa opisina ng CEO.

“Ms. Soria, pasok na po kayo,” sabi ng lalaki sa kaniya.

Isinilid niya sa bag ang kaniyang cellphone at tumayo. Tumulin ang tibok ng kaniyang puso habang papasok sa opisina. Ginabayan naman siya ng lalaki patungo sa mismong tanggapan ng CEO. Nalula siya sa lawak ng silid, tila buong bahay na.

“Tuloy na po kayo sa loob,” sabi ng lalaki. Hindi na ito pumasok sa mismong workplace ng CEO.

“Salamat,” aniya.

Nang kusang bumukas ang glass door ay pumasok na siya. Ilang hakbang lang ay nakita na niya ang pahabang lamesa ng CEO na salamin sa ibabaw. Nakaupo sa tapat ng lamesa si Federico Sartorre, busy sa binabasang papeles.

Tila bumagal ang oras habang mahinhin siyang humahakbang. Hindi maalis ang kaniyang tingin sa lalaking pinagpala ng kaguwapuhan. Ang linis nitong tingnan, pero may pagka-misteryoso ang hilatsa ng mukha, sobrang seryoso. Humugot siya ng malalim na hininga.

“G-Good morning, sir!” bati niya nang makahinto sa tapat ng lamesa.

Sinulyapan lang siya nito. “Please sit first,” sabi nito sa baritonong tinig.

Malalim ang boses nito, malamig, pero pamilyar sa kaniya. Lumuklok naman siya sa silyang katapat nito at naghintay na kakausapin.

Itinigil din ng lalaki ang ginagawa at itinuon ang atensiyon sa kaniya. Tuwid itong umupo. “I reviewed your profile and watched the interview. I hope you’re serious about applying as a maid. This job would be permanent if I noticed your good performance,” sabi nito.

“Seryoso po ako, sir! Sobrang need ko talaga ng work kasi mag-isa lang akong tumataguyod sa anak ko. Hindi puwedeng wala akong income,” aniya.

“I know. Gusto ko lang matiyak na magtatagal ka sa trabaho. Ayaw ko kasi na papalit-palit ng kasama sa bahay at mag-a-adjust na naman. And I don’t doubt your ability. You have good job experience, but I wonder why you didn’t last in those previous jobs. Is there any conflict with your former boss, especially in Japan?”

Bumuntonghininga siya. “Ano kasi, iyong nasa Japan ako, bigla kasi akong nabuntis kaya obligadong umuwi ako ng Pilipinas. Sa ibang trabaho ko naman dito sa Pilipinas, karamihan on-call employee lang ako. Nagkaroon ako ng regular job kaso natanggal ako kasi palagi akong absent. Minsan kasi hindi maiwasan at biglang nagkakasakit ang anak ko,” paliwanag niya.

“I see. What about the father of your child? Would you mind telling me the story?”

Kinilabutan siya sa personal na tanong ng lalaki. “About po sa tatay ng anak ko, bale hindi ko po siya nakilala. Parang one-night stand kasi ‘yong nangyari sa amin at--”

“Okay, I got it. Sorry for the personal question. I just want to know more about you to convince myself if I would trust you.”

Matipid siyang ngumiti. “Ayos lang po.”

“I already decided to hire you. Kailan ka puwedeng mag-start?”

Napamulagat siya at legit ang tuwa, wari seryosong nag-apply siya sa pangmatagalang trabaho at walang kinalaman sa misyon niya. Pero mukhang ganoon na nga ang mangyayari.

“Anytime, sir, puwede ako mag-start!” excited niyang turan.

“Good. Aware ka naman siguro na stay-in ang trabaho mo. Gagawin mo lahat ng gawaing bahay, maliban sa pagluluto,” sabi nito.

Tumabang ang kaniyang ngiti. “Marunong naman po akong magluto, sir. Okay lang kahit kasama na ‘yon sa trabaho ko.”

“No, I didn’t eat food cooked by someone else. I can cook for myself.”

Napangiwi siya. Mukhang malala ang trust issue ng lalaking ‘to. “Sige po. Kahit ano namang trabaho kaya ko.”

Mayamaya ay kumislot siya nang may pusang itim na lumapit sa kaniyang mga paa. Nagpaikot-ikot ito habang kinukuskos ang ulo sa kaniyang binti. Ang cute nito, makapal ang balahibo. May isa pang pusang lumapit, gray naman na makapal din ang balahibo.

“Uy, ang cute n’yo naman,” hindi natimping wika niya. Hinipo niya sa ulo ang itim na pusa. Ang ganda ng mga mata nito, golden yellow. Ang gray naman ay blue eyes.

“There were my cats. Ikaw rin ang mag-aalaga sa kanila,” ani Federico.

Naibalik niya ang atensiyon sa lalaki. “Talaga? Mukhang mababait sila. Mahilig din ako sa pusa kaso dahil wala akong mapakain, hindi ako nag-alaga,” nakangiting sabi niya.

“I’ll give you the list of how to take care of my cats. That black was Satore, and the gray was Parisi. They are both male, and sometimes they end up fighting each other after playing or during lunch and dinner.”

“Nako! Mga pasaway pala kayo, ah. Yare kayo sa akin,” kausap niya sa mga pusa. Kinuha niya si Satore at kinandong sa mga hita. Ang amo nito.

“So, can you start tomorrow?” pagkuwan ay tanong ni Federico.

Kaagad siyang tumango. “Sige po! Mag-iimpake na ako ng gamit mamayang gabi.”

“Okay. Bukas ng umaga, punta ka rito at hintayin si Leo. Siya ang maghahatid sa ‘yo sa bahay ko. I will wait for you in my house to give you instructions before I leave.”

“Nakuha ko po, sir! Maraming salamat!”

“You may leave now.”

Inilapag naman niya sa sahig si Satore at nagpaalam kay Federico.

EXCITED na sa trabaho si Monica kaya gabi pa lang ay nakahanda na ang gamit na dadalhin niya. Subalit nang maisip ang kaniyang anak, ginupo naman siya ng lungkot. Hindi siya sigurado kung mabibigyan siya ni Federico ng day off kada linggo. Mami-miss niya nang sobra ang kaniyang anak. Pero kung hindi siya magsasakripisyo, hindi niya mabibigyan ng magandang kinabukasan ang anak niya.

Emosyonal siyang umalis ng bahay kinabukasan. Alas-siyete pa lamang ng umaga ay nakarating na siya sa Sartorre Corporation building. Sa may lobby ng ground floor lang naman siya naghintay. Ilang minuto lang ay dumating si Leo, na siyang nag-assist sa kaniya papasok sa opisina ni Federico noon.

Kaagad silang umalis lulan ng itim na kotse. Malayo pa ang bahay ni Federico, sa isang executive village sa Quezon City. Medyo malayo na ito sa bahay niya sa may Malate. Tabing kalsada lang ang bahay ni Federico pero malawak ang lupain.

Pagpasok nila sa malaking gate ay namangha siya sa malawak na space sa harapan. May limang iba-ibang kotse na nakaparada sa parking lot na may magandang landscape. Parang hotel ang ayos nito. Maging ang bahay ay malaki, may dalawang palapag at pahaba, puro salamin ang dingding. Marami namang halaman at puno sa paligid kaya hindi masyadong mainit. Meron ding Olympic pool sa gilid ng bahay.

Mataas ang gate at bakod ng bahay kaya hindi kita ang loob mula sa labas. Mataas din ang lupa. Iniwan lang siya ni Leo sa tapat ng main door ng bahay na yare sa makapal na bakal. Umalis ito kaagad matapos buhatin ang kaniyang maleta. Naghintay pa siya ng ilang minuto sa labas.

May matandang lalaki na nagwawalis sa paligid, iyon lang at wala na siyang nakitang ibang tao. Wala ring bodyguard sa loob. Pero sa labas ng gate ay maroong guard house, may dalawang taong nagbabantay.

Sumandal siya sa poste malapit sa pintuan nang mangawit ang kaniyang binti. Mayamaya ay bumukas ang pinto. Humakbang siya palapit sa pintuan at tuwid na tumayo.

“Good morning, sir!” bati niya nang sumilip si Federico. Mukhang bagong ligo, magulo ang buhok at basa.

“You’re here. Come in,” sabi nito. Nilakihan nito ang awang ng pinto.

Sa halip na papasok ay bigla siyang natigilan nang makitang tanging abohing tuwalya lamang ang sapin sa ibabang katawan ni Federico. Awtomatikong naghuramentado ang kaniyang puso nang mapako ang paningin niya sa matipunong katawan nito. Ang perfect ng pagkakahulma ng muscles nito sa balikat, sa dibdib, lalo na sa puson na may nahating anim na muscles, namumukol. Dagdag angas sa katawan nito ang pinong balahibo sa dibdib at puson, na tila sinadyang maghugis krus.

Napalunok siya nang wari may kung anong bumara sa kaniyang lalamunan. Nakangangatog ng mga tuhod ang sexy at guwapo niyang amo, paano siya magtatagal nito na hindi nahihibang dito?

“What are you waiting for? Get in,” ani Federico, bakas ang pagkainip sa tinig.

“Ay, pasensiya na po!” bulalas niya. Kinuha na niya ang kaniyang maleta at kinuyod.

Pagpasok naman sa bahay ay halos lumuwa ang mga mata niya sa ganda ng lobby. Para nga siyang nasa isang hotel. Naglilikot ang kaniyang mga mata at nasisilaw sa eleganteng kagamitan sa loob na puro salamin. Ngunit nang mapatingin kay Federico, muli siyang naestatwa.

Sinundan niya ito ng tingin habang patungo sa island counter. Ang laki ng tattoo nito sa likod, isang agilang itim. Natigilan siya nang maalala ang ganoong tattoo. Hindi niya iyon nakalimutan, ang lalaking nakatalik niya sa bar na pinagtrabahuhan niya sa Japan. Ganoon na ganoon ang tattoo ng lalaki, maging ang dalawang initial na nasa ibaba ng kuko ng agila.

“Come here; I’ll show you the list of your daily duties,” sabi ni Federico.

Narinig niya ito ngunit tila naparalisa ang kaniyang katawan. Kinikilabutan siya habang nakatitig sa tattoo nito sa likod. Hindi siya sigurado kung si Federico lang ba ang merong ganoong tattoo, maaring maraming katulad, pero ang initial, imposibleng meron ding ganoon ang iba.

Hiindi niya malaman ang iisipin. Ayaw paawat ng puso niya sa paghuramentado.

“Monica, do you hear me?” pukaw sa kaniya ni Federico.

Kumislot siya nang mahimasmasan. “Ah, yes, sir!” mabilis naman siyang lumapit dito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marieta Yoto
update po author please.. sobrang Ganda po ng story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 4

    HINDI makapag-focus si Monica sa sinasabi ni Federico. Tango lang siya nang tango kahit hindi naintindihan ang iba. May listahan naman ng daily task niya na binigay si Federico, at ito ang kaniyang pinagbasehan. Hindi pa rin siya maka-get over sa tattoo na nakita sa likod ng binata. Iba ang pakiramdam niya rito. Lalo tuloy siyang nahiwagaan sa pagkatao ng kaniyang amo. “I will leave around nine, Monica. You don’t need to cook for me. Kung nagugutom ka, maraming stock na pagkain sa kusina at ref. Magluto ka ng para lang sa ‘yo,” sabi ni Federico. “Iyong kuwarto ko po?” aniya. “Come with me.” Sumunod naman siya rito. Dinaanan niya ang kaniyang maleta na naiwan sa salas. Iginiya siya ni Federico sa isang silid doon sa ground floor. Namangha siya sa laki ng kuwarto, may sariling banyo at merong air-con. Hindi ito basta kuwarto para sa katulong dahil parang hotel suite. “Wow! Ang ganda naman nitong kuwarto, sir! Puwede ko bang gamitin ang air-con?” aniya. “Of course. This is the gue

    Huling Na-update : 2024-01-16
  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 5

    AYAW paawat sa pagkabog ang dibdib ni Monica dahil sa pag-usig sa kaniya ni Federico tungkol sa kaniyang anak. Maaring napansin na nito na may hawig dito ang bata. Muli nitong tiningnan ang picture at pinakatitigan maigi.“You said you didn’t meet your son’s father again after the one-night stand, right?” ani Federico.“Opo. Kasi noong nabuntis ako, umuwi na ako rito sa Pilipinas. Hindi ko rin alam ang pangalan ng lalaki.”“Give me the details about the company where you worked in Japan.”Sinabi naman niya ang mga detalye kay Federico na lalong ikinawindang nito. Nagduda na rin siya kasi alam nito ang kumpanya na nabanggit niya. Maging ang petsa kung kailan may nakaniig siyang lalaki ay pareho sa sinabi ni Federico, na umano’y inukupa ng grupo nito ang isang VIP room ng restaurant.“F*ck! It’s not a coincidence!” bulalas nito sabay hilot sa sintido. “I was there at the same time you mentioned, but I can’t remember what happened after the party. I was drunk, and I felt there was someth

    Huling Na-update : 2024-01-17
  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 6

    HINDI kinaya ni Monica ang hotness ni Federico kaya hindi siya sumabay rito kumain kahit niyaya siya nito. Sa kusina lang siya kumain habang si Federico ay nasa dining. Tinanggap naman niya ang salad na gulay at fruit shakes na bigay ng binata. Food is life sa kan’ya kaya wala siyang hihindian.Naunang natapos kumain si Federico at sana’y huhugasan ang pinagkainan nito pero pinigil niya.“Ilagay n’yo lang po riyan ang plato n’yo, sir. Ako na ang maghuhugas niyan mamaya para isahan na lang,” aniya.“Okay. Thank you.” Naghugas lang ng mga kamay ang binata. “Nakausap mo na ba ang tita mo, Monica?” pagkuwan ay tanong nito.“Ah, opo. Pinahahanda ko na ang anak ko.”“Okay lang ba kung dito muna ang anak mo?”“Walang problema, sir. Kaso mahahati ang oras ko kasi aasikasuhin ko ang bata.”“It’s okay. Hindi mo naman kailangang mag-general cleaning araw-araw. Mga pusa lang naman ang kailangan mong tutukan.”“Sige po. Pero hanggang kailan dito ang anak ko?”“After the DNA test, or depende sa res

    Huling Na-update : 2024-01-18
  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 7

    HINDI maipaliwanag ni Federico ang excitement na nararamdaman niya habang yakap ang anak ni Monica. When his chest pressed the child’s chest, he felt the heartbeat. Wari lumukso ang kaniyang puso sa saya. He didn’t feel any doubt while hugging the innocent kid. He assumed that this little one belonged to him. Niyaya kaagad niya si Monica na umuwi matapos makausap ang tiyahin nito. Pumayag naman ito na dalhin nila ang bata. “I’ll call my assistant to help me process the DNA test,” he said. Lulan na sila ng kotse pauwi. Nakaupo sa tabi niya si Kenji, napagitnaan nila ni Monica. Halos ayaw niyang bitawan ang kamay ng bata. He’s adorable and very warm to strangers, which is the opposite of his personality, but close to his brother. “Ngayon mo rin ba ipapa-DNA ang anak ko?” tanong ni Monica. “Yes. I want to rush it.” “Sige.” Tinawagan na niya si Leo. Mabuti sumagot kaagad ito. “Nasa office na ako, sir. I’m waiting for the investors,” ani Leo. “Good. After your meeting with the inv

    Huling Na-update : 2024-01-19
  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 8

    “ANG ibig mo bang sabihin, kung sakaling anak nga ng kapatid mo si Kenji, mamanahin niya ang shares ng kapatid mo?” tanong ni Monica kay Federico. Hindi pa rin kasi siya maka-get over sa sinabi nito tungkol kay Kenji. “That’s right, Monica. Since wala na ang kapatid ko, mapupunta sa anak niya ang share niya. Dalawa lang kaming magkapatid, at hindi ko ipagdadamot ang karapatan ng kapatid ko. Hintayin nating lumaki si Kenji para mailipat sa pangalan niya ang rights na makukuha niya. Pero habang wala pa siyang eighteen, ako muna ang hahawak ng shares niya. I’ll give you Kenji’s monthly allowance, too.” Hindi makapaniwala si Monica sa naririnig. Naka-jackpot nga siya ng tatay ng kaniyang anak. Kahit pala sino kina Federico at kakambal nito ang tatay ng anak niya, makukuha pa rin niya ang karapatan para kay Kenji. “Ah, eh hindi ko alam kung paano ang setup natin. Kukunin mo ba si Kenji?” kabadong tanong niya nang may mapagtanto. “Of course. I will change his surname to become the offic

    Huling Na-update : 2024-01-20
  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 9

    KINABUKASAN ay inagahan ni Monica ang gising at sinimulan ang paglalaba. Una niyang nilabhan ang mga damit nila ni Kenji. Tulog pa si Federico kaya hindi niya makuha ang labahin sa kuwarto nito. Nagising na rin ang kaniyang anak kaya nagtimpla siya ng gatas nito. Mayamaya ay nagising na rin si Federico at diretso ang pasok sa kusina. Nilapitan nito si Kenji na nakaupo sa silya at hinalikan sa pisngi. Puting t-shirt lang ang suot nito at puti ring jogging pants. “What are you eating, Kenji?” tanong nito sa bata. “Da-Da!” sagot lang ni Kenji. May bago na itong salita. Kumakain ng chocolate cookies si Kenji. “It’s daddy, right?” Umupo na ito sa tabi ng bata. “Daddy nga siguro ang gusto niyang sabihin, sir,” ani Monica. Ibinigay na niya ang gatas ni Kenji na nasa plastic na baso. Marunong naman itong uminom basta hindi masyadong mainit ang gatas. “Yeah. He heard that word from me.” Tinulungan nito si Kenji sa pag-inom ng gatas. Sinasawsaw ni Kenji ang cookies sa gatas kaya nagkalat

    Huling Na-update : 2024-01-21
  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 10

    “WHAT is it for?” kunot-noong tanong ni Federico habang nakatitig sa cover ng audio recorder.“Ah, sa ano ko ‘yan, sa earphone. Nakikinig kasi ako ng music. Naka-konekta sa phone ko ang earphone, wireless at may Bluetooth,” palusot niya.“Baka maisama sa labahin mo ‘to.” Ibinigay rin nito sa kaniya ang takip ng device.“Pasensiya na.” Kinuha naman niya ang takip at ikinabit sa device na patago.“Take your time. Don’t rush the laundry. May machine naman at merong dryer. Maliligo lang kami ni Kenji.” Umalis din si Federico.Nang maalala na wala pang nakahandang damit pamalit si Kenji ay tumakbo siya palabas.“Sandali lang! Hindi pa ako nakapaglabas ng damit ni Kenji,” aniya.Tumakbo na siya papasok ng kuwarto. Mabilisan niyang sininop ang nagkalat niyang gamit. Kumuha lang siya ng isang pares na damit ni Kenji at iniwan sa salas.Binuhat na ni Federico si Kenji at dinala sa labas.Paspasang ipinasok ni Monica sa washing machine na malaki ang mga labahin mula kay Federico. Atat na rin si

    Huling Na-update : 2024-01-22
  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 11

    TULUYANG naibaba ni Monica ang kaniyang cellphone at pumihit paharap kay Federico.“Ah, kinausap ko lang ang tiyahin ko. Kinukumusta kasi niya si Kenji, na-miss na niya,” pagsisinungaling niya.“And why did you end the call?” usig nito.“Ha? H-Hindi ko itinigil ang tawag! Katatapos lang namin mag-usap ni Tita nang dumating ka.”“Okay. But why are you here? Mahina ba ang signal sa kuwarto mo?”“M-Medyo. Baka kasi magising si Kenji sa ingay ko. Kulob pa naman ang kuwarto,” palusot niya.Matabang siyang ngumiti nang mapansin si Federico na naglalakbay ang titig sa kaniyang katawan. Hanggang sa mapadalas ang titig nito sa gawi ng kaniyang dibdib. Napapiksi pa siya nang maalala na wala siyang suot na bra, tanging manipis na puting t-shirt lang. Maliligo na kasi siya at mas gustong t-shirt lang ang suot at panties. Gabi naman at walang ibang tao sa bakuran.Dagli naman niyang tinakpan ng mga kamay ang kaniyang dibdib. “Pasensiya na, maliligo din kasi ako sa pool kaya ito lang ang suot ko,”

    Huling Na-update : 2024-01-23

Pinakabagong kabanata

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 68 (Finale)

    MAGKAHALO ang luha at galak ni Monica habang suot ang magarang trahe de buda. Sa araw na iyon ang pinakahihintay niyang kasal nila ni Federico. Hindi man sa simbahan ang seremonya, pari pa rin ang magkakasal sa kanila sa may beach from wedding venue. Pakiramdam niya’y nasa isang paraiso siya. Dumating din ang ibang kaibigan ni Federico, nahuli si Craig na nanggaling pa ng US. Tapos na ang seremonya pero bumawi naman ang mga ito sa regalo. Himalang dumating din si Dimitri kasama ang asawa nitong si Kira. “Cheers to the newlywed!” sabi ni Duke, na nauna nang nagtaas ng baso ng wine. Itinaas din ng iba ang baso ng mga ito. Nagtipon silang lahat sa gitna ng malawak na function hall. Si Federico ang ikalawang miyembro ng CEG na ikinasal. Ang mga naiwan ay karamihan playboy kaya malabo pang makapag-asawa. Hindi pa ata sawa sa buhay binata ang mga ito. Si Stefano lang ang medyo ilap sa babae. “Who’s next to Federico?” pagkuwan ay tanong ni Mattia. “I’m sure it was Stefano,” tudyo ni Duke

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 67

    MAG-UUMAGA na hindi pa rin natutulog si Monica. Nakaidlip lang siya sa may couch sa salas at naghihintay pa rin kay Federico. Abang din siya nang abang sa tawag ni Leo upang bigyan siya ng update. Nahihilo na siya kaya pumasok siya sa kuwarto at humiga sa tabi ni Kenji. Nakatulog din siya at nang magising ay hindi na si Kenji ang kan’yang katabi. “Federico!” bulalas niya at napabalikwas ng upo nang mamataan ang kan’yang asawa na nakahiga sa kan’yang tabi. Dahil sa lakas ng boses niya ay nagising si Federico. Wari pinipiga ang puso niya nang makita ang mga pasa nito sa mukha. Hindi na niya ito hinintay na makabangon at kaagad niyang niyakap. “Salamat at ligtas ka,” humihikbing wika niya. “Hey, stop crying,” paos nitong usal. Humiga siyang muli sa tabi nito pero yapos pa rin niya ito habang nakatagilid silang magkaharap. Banayad niyang hinaplos ng palad ang pisngi nito. “Binugbog ka ba nila?” tanong niya. “Not really. Napalaban lang kami sa maraming tauhan ni Morgan.” “Sino ang t

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 66

    ALAS-NUWEBE na ng gabi pero wala pa rin si Federico. Pinauna na ni Monica kumain ang nanay niya at mga bata, pero siya ay naghihintay pa rin sa kan’yang asawa. Tawag siya nang tawag kay Federico ngunit walang sumasagot.Ginupo na siya ng kaba. Alas-sais pasado pa lang noong nakausap niya si Federico at pauwi na. Dapat ay naroon na ito sa bahay alas-otso pa lang. Naisip niya na baka bumalik ng opisina si Federico at may nakalimutan. Mabuti may contact number siya ni Leo.Tinawagan na niya ang assistant ng kan’yang asawa. Sumagot din ito.“Hello, Ma’am Monica!” bungad ni Leo mula sa kabilang linya.“Kuya Leo, bumalik ba si Federico sa opisina?” tanong niya, balisang-balisa na.“Hindi naman po. Alas-otso na ako umalis ng opisina. Mas maagang umalis si Sir. Bakit po?”“Eh, wala pa siya rito sa bahay. Baka ka’ko bumalik sa opisina. Nakausap ko siya kanina at sabi niya pauwi na siya. Nakapatay na ang phone niya, eh, hindi matawagan.” Palakad-lakad siya sa may lobby.“Baka po nagpunta sa hea

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 65

    INABUTAN ng traffic si Federico kaya alas-singko na siyang nakarating sa headquarters. Napawi ang pagkabagot niya nang maabutang gising na si Fernand. Inasikaso na ito ng medical staff nila. Male-late si Dr. Guilliani pero nagbigay naman ng instruction kung ano ang gagawin nila sa pasyente. “Don’t force yourself to talk, Fernand. You need more rest,” sabi niya sa kapatid. Nagpumilit pa ring magsalita si Fernand. “M-Morgan….” sambit nito. “I know. He’s still alive. We are doing our best to catch him. Don’t worry.” Hindi na nagsalita si Fernand at malamlam pa ang mga mata. Hindi niya ito hinayaang kumilos. “Sir, nariyan na po si Dr. Guilliani!” batid ng agent na kapapasok ng silid. “Guide him in,” aniya. Tumalima naman ang agent. Mayamaya ay pumasok na si Chase. Dagli nitong nilapitan si Fernand at inasikaso. “Does he still need oxygen?” tanong niya. “I will check his lung status first,” ani Chese. Sinuri pa nito ang record na na-update ng medical staff nila. “Stable na ang pu

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 64

    HINDI na hinintay ni Federico ang driver at siya na ang nagmaneho ng kotse patungong ospital. Hindi niya gusto ang balita ng isang agent niya na nagbabantay sa kan’yang kapatid. Nilapatan umano ng doktor ng CPR si Fernand dahil sa biglang pagbagsak ng heart rate nito. Nagising na umano ang kapatid niya ngunit biglang nagdeliryo. Pagdating sa ospital ay dumiretso siya sa ward ni Fernand. He felt relief when the doctor stopped doing CPR on his brother. He had a positive reaction, meaning his brother was safe. Lumapit siya sa doktor na nagtanggal ng mask. “What happened to my brother, Doc?” eksaheradong tanong niya sa doktor. “The patient experience cardiovascular problem due to lack of blood oxygen and some clots. Medyo mahina pa ang respond ng katawan niya dahil sa dami ng dugong nawala, and it’s still in the process before his body can recover.” “Hindi pa ba sapat ang dugong ibinigay ko?” “Okay na, kailangan lang ng pasyente ng mahaba-habang pahinga dahil sa naghe-heal pa ang sug

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 63

    DAHIL sa pagkawala ng step-father ni Monica ay hindi na sila nakauwi ng bahay ni Federico. Bumili na lamang sila ng pagkain sa restaurant para sa tanghalian. Sinamahan niya ang nanay niya hanggang sa maasikaso ang labi ng asawa nito. Ibinigay pa rin niya ang perang tulong dito at dinagdagan ni Federico upang mabigyan ng maayos na libing ang step-father niya. Bago lumubog ang araw ay naiuwi na rin ang labi ng step-father niya. Saka lang sila nakauwi ng bahay ni Federico. Nangako siya sa kan’yang ina na dadalo sa libing ng asawa nito. Kinabukasan ay bumalik na sa trabaho si Federico. Sumama si Monica sa kan’yang asawa upang tulungan ito sa tambak na paperwork. Doon na silang mag-ina sa opisina kasama ng mga pusa. Mas marami nga namang magagawa si Federico kung naroon sila dahil nakakapag-focus ito at hindi sila naiisip na malayo. Habang nakaupo sa tapat ng lamesang katapat ni Federico ay panay at chat niya sa kan’yang ina. Inaalala niya ito baka biglang ma-depress. Nakailang buntongh

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 62

    KINABUKASAN ng umaga ay muling inatake ng pagkahilo si Monica at nagsuka. Inalalayan pa siya ni Federico papasok ng banyo at panay ang hagod sa kan’yang likod. “Kaya mo bang bumiyahe?” tanong nito. “Oo, mamaya kakalma rin ang sikmura ko. Magpapahinga lang ako saglit. Asikasuhin mo muna si Kenji,” aniya. Naghilamos na siya. Iginiya rin siya ni Federico pabalik sa kama. “I will prepare our breakfast,” anito nito nang mapaupo siya sa kama. “Sige. Gusto ko lang ng mainit na sabaw at kahit nilagang itlog lang,” aniya. “Okay. Dadalhin ko na si Kenji para hindi ka maabala.” Lumabas din ang mag-ama. Humiga siyang muli sa kama at kinuha ang kan’yang cellphone. Sinagot niya ang sandamakmak na chat ng kan’yang tiya. Nag-aalala na ito sa kan’ya. Hindi pa niya nasabi rito na nakauwi na sila ni Kenji. Nagbabalak na itong susugod doon sa bahay nila. Nalaman nito na na-kidnap sila dahil tumawag si kay Federico. Nawala rin ang hilo niya at sakit ng ulo. Nakaidlip siya ulit at ginising lang siy

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 61

    NAKALABAS na sila ng tunnel at diretso na sa ilog pero dumating ang rescue helicopter nila kaya dito nila isinakay si Fernand. They found the nearest hospital and urgently admitted Fernand and some other wounded agents. Pinapasok na nila sa operating room si Fernand kahit wala pang doktor na mag-oopera lalo’t gabi na. Hindi mapakali si Federico habang naghihintay na may doktor na mag-asikaso sa kapatid niya. Wala pang available na surgeon on call. Hindi naman basta magagalaw ng ibang doktor ang pasyente lalo’t maselan ang tinamaan ng bala, nasa pagitan ng puso at baga. They need experts. He tried to call Dr. Guilliani. And gladly, Chase was willing to go to help them. Pinasundo niya ito ng helicopter mula Maynila. Naghanap lang ito ng meeting place. “Please save my brother!” samo niya sa nurse na lalaki. “We need extra blood, sir!” wika ng nurse. “I’m the patient’s twin. Can I donate my blood?” “We need screening first, sir. But we can rush it.” “Please do it!” Tumuloy naman s

  • Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)   Chapter 60

    TINUTUKAN ni Federico ng baril ang lalaking kamukha niya ngunit nagtaas ito ng mga kamay. He just moaning. Mariing kumunot ang noo niya. Ito marahil ang lalaking sinabi ni Monica na naputulan ng dila at tumulong sa asawa niya. “Who are you?” tanong niya. Hindi nagsalita ang lalaki. Mabuti inabala siya ni Stefano na nasa kabilang linya. “I saw another impostor, and he’s not talking,” sabi niya. “He was just pretending. Kasama ko ang isa na hindi makapagsalita,” ani Stefano. Nang mapansing bumunot ng baril mula sa tagiliran nito ang lalaking kaharap ay kaagad niyang kinalabit ang garilyo ng kan’yang baril. Sa kanang balikat lang niya binaril ang lalaki. Sinugod niya ito at tinadyakan sa ulo. Nang bumulagta ito sa sahig ay saka niya inalis ang maskara nito. Hindi nga ito ang lalaking tinutukoy ni Monica. “You’re right, Stefano. Naisahan ako ng kalaban pero don’t worry. Napatumba ko na siya,” aniya. “Nice. Just proceed. We’re waiting here. Sundan mo lang ang pasilyo at sa dulo kami

DMCA.com Protection Status