Share

Chapter 2

Author: sachtych
last update Last Updated: 2022-09-22 17:04:21

Nagising ako sa malakas na alarm ng cellphone ko.Hindi ko maiwasang mairita dahil kulang na naman ako sa tulog. 

Ayan. Crysaline Lopez. Napaka-landi naman kasi.

Tamad na tamad akong bumangon sa kama at hindi na nag-abala pa mag-almusal. Binuksan ko agad ang computer ko at nag-in sa trabaho. Heto lang talaga ang kagandahan kapag work from home. Hindi mo na kailangan mag-ayos bago pumasok.

Kahit nga nagta-trabaho ako habang naga-almusal, Hindi pa nagto-toothbrush o kahit pa mukha akong bungol pagkagising ko, kiber lang eh.

Nag-simula na akong mag-trabaho nang biglang tumunog yung cellphone ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang sunod-sunod ang pumasok na messages sa akin. Kinuha ko iyong cellphone ko at ni-replyan agad si Charles.

Sa totoo lang hanggang ngayon eh nagda-dalawang isip pa rin ako kung kakausapin ko pa ba 'to. Mas bata siya sa akin ng tatlong taon at paniguradong issue pa kung may makaalam na nakaka-usap ko siya.

Alam ko naman na judgemental ang iba sa pamilya namin. Kahit pa simpleng usap lang sa iba, issue na agad sa kanila. What more kung malaman nila na nakilala ko lang sa isang app?

Nag-focus ako sa pagta-trabaho habang paminsan-minsan ay nire-replyan ko siya. Cute nga. Para akong may alagang tuta. Napangisi ako sa naisip.

Nang sumapit ang tanghali, hindi ko na namalayan ang oras at halos maga-alas dos na pala. Hindi na naman ako nakakain agad. Paniguradong susumpungin na naman ako ng ulcer ko.

Napakadami naman kasing trabaho.

Umorder na lang ako ng makakain sa isang  fast food chain sa app dahil wala rin naman akong pwede maluto galing sa ref. Ubos na yung stocks ko ng pagkain at hindi pa ako nakakapag-grocery.

"Oy, pasensya na ha. Boring ba akong kausap? Hindi kasi ako magaling mag-isip ng topic." reply ko sa kanya habang naghihintay ng inorder ko.

"Hindi ah! Aliw ka nga kausap eh. Itabi mo, Crissa! Ako na ang bahala." sabi niya kaya hindi ko maiwasang matawa. Siraulo talaga.

Medyo napangiwi rin ako dahil iyong pekeng pangalan ko ang alam niya. Hindi pa kasi ako sigurado kung sasabihin ko sa kanya yung tototo eh. 

 Bahala na. Panigurado rin naman na hindi tatagal 'tong pag-uusap namin. Isa lang din siya sa mga dadaan sa buhay ko para maging inspirasyon sa mga sinusulat ko na libro.

"Adik. Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. 

Umayos ako ng upo at nag-hintay sa reply niya.

"Nag-aaral habang kausap ka. Ikaw ba?"

"Naghihintay ng pagkain ko." sabi ko sa kanya at sakto naman na dumating na rin iyong deliver ko.

"Maglalaro akong Valorant mamaya. Gusto mo manood? Alam mo ba 'yon?" tanong niya sa akin.

"Oo naman! Naglalaro ako niyan minsan kapag nagagawi ako sa bahay ng pinsan ko. Nakikihiram ako ng pc niya."

"Sige. Ano discord mo? Add kita. Mag-livestream ako mamaya."

Ibinigay ko sa kanya iyong account ID name ko. Nag-patuloy lang kami sa pag-uusap buong araw. 

Nang sumapit ang hapon, naging abala ako sa trabaho ko lalo pa at kaunti na lang kaming empleyado. Madami kasing nag-resign at iyong iba naman ay naka-leave kaya halos lahat ng trabaho sa akin bumabagsak.

Tumunog ang cellphone ko at nakitang nag-message siya. Napangiti agad ako.

“Hello.”

"Hi, Cutie." nakangising reply ko sa kanya. 

Halos mapahagalpak ako ng tawa nang mag-reply siya.

“Putcha, kinikilig ako. Huwag kang ganyan, Crissa.” sabi niya sa akin.

Aba! Malay ko ba kung totoo talagang kinikilig siya kaya tawa lang yung ni-reply ko sa kanya.

Kung ibang babae lang siguro ako, lalandiin ko 'to ng bongga. Ang kaso wala sa personality ko mag-assume at lumandi ng lalaki. Kahit pa medyo ideal type ko ang isang 'to.

“Tawagan na kita. Open na rin ako ng live stream.” sabi niya kaya hindi ko napigilan kabahan.

Hindi naman ‘to ang unang pagkakataon na nakipag-usap ako sa estranghero. Ang kaibahan lang ngayon, interesado ako sa kanya kasi may mga katangian siya na hinahanap ko sa isang lalaki. Literal na ideal type ko siya pero syempre hindi ko sasabihin sa kanya ‘yun.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makitang naka-live na siya. Naka-on na rin ‘yung mic niya. Nagda-dalawang isip tuloy ako kung iu-unmute ko ba ang sarili ko. Shocks. Bakit ba ako kinakabahan?

Nakakatawa lang isipin na madaldal at maingay ako sa harap ng pamilya at mga kaibigan ko pero sa ibang tao hindi ko magawang mag-salita. Para pa akong natutuod minsan sa kinalalagyan ko kapag sa ganitong mga pagkakataon. 

"Hello? Naririnig mo ako?" tanong niya at hindi ko maiwasang matawa ng mahina.

Cute. 

Napalunok ako ng ilang beses bago ko napag-desisyunan na  i-unmute iyong mic ko.

"Oo. Ako ba rinig mo?" sabi ko sa kanya sa mahinang boses dahil nga nahihiya ako.

'Jusko! Crysaline! Mas matanda ka pa sa kanya tapos kung makaasta ka para kang ewan! Napaka-arte mo talaga!'

Gusto kong kaltukan ang ulo ko dahil lagi ko na lang kinakausap ang sarili ko. Baliw na yata talaga ako. Napailing na lang ako at nag-focus sa live stream niya.

"Nape-pressure ako ha. Nanonood ka kasi eh. Hindi pa naman ako magaling maglaro kaya huwag ka masyado mag-expect." sabi niya kaya natawa ako.

"Weh? Maniwala ako sa'yo. Sige lang manonood lang ako." sabi ko sa kanya.

Nag-uusap kaming dalawa hanggang mag-start na iyong game. Halos napapa-tili pa ako minsan kapag dikit na iyong laban at kapag siya na lang ang natitira.

Hindi ko rin naman maiwasang mamangha. Magaling siyang maglaro. Walang palya. Kahit ano pang sabihin niya na kesyo hindi siya magaling maglaro, parang imposible naman iyon dahil puro siya lang halos nakakapatay ng kalaban at lagi siyang pasok sa Top 3.

"Magaling ka naman pala maglaro eh. Niloloko mo ata ako." sabi ko sa kanya habang nanonood pa rin sa live stream niya. Pangalawang match na kasi at nanalo siya sa una.

"Hala hindi ah. Mema ka. Hindi ako magaling maglaro. Inspired lang. Nanonood ka kasi eh." tanggi niya kaya natawa ako.

Masyadong pa-humble kahit halata naman magaling talaga maglaro. Mabulaklak din ang bibig. Galawang playboy. Chos.

"Luh. Pinagsasasabi mo? Binuhat mo nga team niyo eh. Anong hindi magaling doon? Headshot pa palagi." sabi ko sa kanya at natawa naman siya.

"Hindi ka pa inaantok?" tanong niya sa akin.

"Hindi pa naman. Ikaw ba? Alas dose na pala oh. Baka may klase ka na naman bukas tapos hindi ka na naman magising agad. Sorry na agad." sabi ko sa kanya.

May pasok pala kasi siya kaninang alas siyete ng umaga pero hindi siya nagising gawa nga ng inabot na kami ng alas singko ng umaga sa pag-uusap. Nakonsensya tuloy ako. Nakaabala pa ako sa estudyante.

"Adik. Ayos lang 'yun no. Aliw din kasi akong kausap ka eh kaya okay lang. Gusto pa kita kausap." sabi niya kaya natawa na naman ako.

Mga banat ng character sa libro 'yan ha? Napailing na lang ako sa naisip ko. Mukhang in-character ang isang 'to. Hindi ko malaman kung nagsi-sinungaling ba o hindi.

"Anong ginagawa mo ngayon?" tanong niya sa akin.

"Wala. Nakahiga. Nanonood sa'yo."

"Ikaw ba wala kang ibang gagawin? Baka nakakaistorbo ako sa'yo ha. Sabihin mo lang."

"Hindi naman." sabi ko sa kanya.

"Okay po, baby.” sabi niya bigla kaya natawa ako.

“Mga linyahan ha. Sa susunod ba niyan, “Huwag ka papalipas ng gutom, baby.” asar ko sa kanya kaya pati siya natawa na rin.

Nagpatuloy lang siya sa paglalaro at nanonood lang ako sa kanya. Gusto ko din naman kasi talaga matutong mag-Valorant dahil bukod sa maganda yung graphics, parang Call of Duty din kasi.

Nang maka-tatlong game siya ay inihinto na din niya ang pagla-live stream. Nag-usap na lang kami habang nakahiga ako sa kama.

"Wala ka pa talaga nagiging boyfriend? Kahit fling, ganoon?" bigla niyang tanong sa akin.

"Wala nga. Pang-bestfriend nga lang daw kasi yung aura ko. Hindi daw ako girlfriend material sabi ng mga tropa kong lalaki." sabi ko sa kanya at sinabayan pa ng tawa.

"Weh? Hindi kaya. Hindi pa nga tayo matagal na nagka-kausap alam ko na eh. Girlfriend material ka naman ah. Mabait ka pa. Cute ka pa. Talented ka pa. Ako na lang ang kulang sa buhay mo." sabi niya.

Napangisi ako. Confirmed. Babakuran ko sarili ko rito. Nasa dugo pa naman ng pamilya namin ang pagiging marupok. Mamaya madala ako sa mga salita ng lalaking 'to.

"Sus! Charot mo. Suntukan na lang oh." biro ko sa kanya kaya natawa na naman siya.

"Parang kaya mo ha. Ang liit-liit mo nga eh. Kaya nga kitang buhatin."

"Huh! Kala mo lang 'yon. Malakas ako ano. Kaya kita. Matangkad ka lang." pang-aasar ko.

"Talaga malakas ka? Kapag binuhat at isinandal kita sa pader, wala ka ng laban sa akin. Paano na lang kapag hinalikan na kita?"

Nasamid ako at napaubo. Ibang klase. Kailangan ko talagang doblehin ang harang ko. Marupok ako sa mga ganitong banat eh. Marupok ang isang Crysaline Lopez.

Save me please.

Related chapters

  • Dandelion Nights   Chapter 3

    Maaga pa lang ay gising na ako kahit pa puyat na naman ako sa pakikipag-usap kay Charles. Kung hindi ko lang kasi kailangan na samahan yung pinsan ko sa mall, wala akong balak gumising ng maaga. Kailangan niya kasi bumili ng regalo para sa boyfriend niya pati na rin mag-grocery para naman supply sa bahay nila.Katulad ng nakasanayan, hindi na ako nag-abala pa na mag-almusal. Dumiretso agad ako sa cr para maligo. Pagkatapos ng halos labing limang minuto na pagligo ay nagbihis na ako. Napili ko iyong paborito kong chiffon black short skirt at crop top na halos palagi ko atang suot kapag lalabas ako. Tinali ko ng pa-pigtail ang buhok ko.Nang makuntento na ako sa itsura ko ay inayos ko naman ang mga gamit sa tote bag ko. Syempre hindi ko dapat kalimutan ang credit card ko. Wala na kasi akong cash na natitira sa bank account ko. Lagapak ang savings ko sa buwan na ‘to.Nang matapos ako ay lumabas na ako ng condo ko at ni-lock ang pinto. Nag-book na lang din ako ng grab dahil mura lang nama

    Last Updated : 2022-09-22
  • Dandelion Nights   Chapter 4

    Hating gabi na pero magka-chat pa rin kaming dalawa ni Charles at masasabi kong wala atang dull moments sa taong 'to. Madaldal kasi siya at aliw kausap.Para kasi sa taong katulad ko na boring kausap at hindi marunong mag-handle ng conversation, masaya ako tuwing may taong nage-effort para lang kausapin ako at dalhin ang usapan.Nakokonsensya rin ako madalas lalo na kapag seen na lang ang ginagawa ko. Wala kasi akong maisip na topic at hindi ko ugali magtanong ng buhay ng tao dahil baka ma-offend ko sila. Naghihintay na lang talaga ako minsan na sila na mismo iyong mag-open up sa akin kaysa ako pa ang makielam ng buhay nila.At sa ugali ni Charles nitong mga nakalipas na araw, hindi ko maiwasang matuwa talaga sa bilis niya mag-reply lalo na sa mga effort niya. Minsan naiisip ko agad, paano kapag nag-sawa na siya kausap ako tapos nasanay ako na ganoon siya kalambing at kabilis mag-reply? Edi mukha akong tanga at maghahabol sa kanya?"Matanong ko lang, umiinom ka?" "Medyo. Sinasali ka

    Last Updated : 2022-11-01
  • Dandelion Nights   Chapter 5

    Nagising ako nang marinig ko ang cellphone ko na walang tigil sa kaka-ring simula pa kanina.Wala na naman akong naging sapat na tulog dahil sa pakikipag-usap kay Charles. Masyado kasing madaming napag-uusapan at naaaliw ako sa kanya masyado. Napapikit ako ng mariin bago tamad na inabot yung cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Tita Naira sa screen. Napakunot ang noo ko at agad sinagot ang tawag."Bakit po?" inaantok na tanong ko habang nakatapat sa akin ang camera."Ang Kuya Jerome mo…H-hindi na namin alam ang gagawin, Linlin. Ilang araw na nilalagnat tapos ngayon may mga tigdas na lumabas sa katawan niya. Hirap na rin daw makahinga sabi ng Tita Mia mo." pambungad niya sa akin kaya agad akong napabalikwas ng bangon. Sakto naman na may kumakatok sa labas ng condo na inuupahan ko. Bumangon ako sa kama at lumapit sa pinto. Sumilip ako sa peep hole. Nang makitang si Mama iyon ay agad kong binuksan ang pinto.Napatitig ako sa mukha ni Mama. Halatang galing sa pag-iyak at kita ko ang

    Last Updated : 2022-11-01
  • Dandelion Nights   Chapter 6

    Lumipas ang halos tatlong buwan na nakakausap ko si Charles. Habang tumatagal din ay mas lalo akong naa-attach sa kanya. Pakiramdam ko nasanay na ang sistema ko na palagi siyang kausap kaya pakiramdam ko mas mabilis na ata akong mag-reply kaysa sa kanya."Naku, sinasabi ko sa'yo ha! Huwag ka masyadong mag-tiwala sa lalaking kausap mo. Iyang mga katulad ni Cocomelon na hindi nakikipag-usap sa personal account nila, delikado. Malay mo poser pala 'yan o kaya ang mas malala, kabit ka pala ng hindi mo alam." sabi ni Ate Hannah habang kasabay ko kumain sa hapag kainan.Nginuya ko muna yung kinakain ko at uminom ng tubig bago magsalita."Grabe ka naman. Hindi naman siguro. Tinanong ko naman sa kanya umpisa pa lang kung may iba pa ba siyang kausap o may girlfriend ba siya. Ang sabi naman niya wala." depensa ko kahit nag-uumpisa na akong mapaisip."Bakit? May umaamin bang manloloko?" sabi ni Ata Hannah kaya natahimik ako lalo.Totoo nga naman. May punto ang pinsan ko. Paano nga kaya kung talag

    Last Updated : 2022-11-02
  • Dandelion Nights   Chapter 7

    Hapong-hapo ako buong araw dahil sa dami ng sideline na tinapos ko. Bukod pa sa pagod na nararamdaman ko, nangingibabaw ang lungkot at panghihinayang sa puso ko. Wala pa rin akong natatanggap ni isang message galing kay Charles.Napahilot ako sa sintido ko.Heto na nga ba ang sinasabi ko. Sa mga nakalipas na buwan na kausap ko siya, masyado akong nasanay na palagi siyang nandyan. Na sa tuwing kailangan ko ng kausap, bigla na lang siya magcha-chat out of nowhere.Nagsimula na siguro siyang mawalan ng interest sa akin. Ganoon siguro talaga ako ka-walang kwenta kausap kaya hindi niya na kinaya pang tiisin na replyan ako araw-araw. Talo ko pa maging jowa ampota naman.Ginulo ko ang buhok ko at napatitig sa kawalan. Buysit. Nagugulo niya masyado ang sistema ko. Sana kasi pala hindi na ko gumamit ng app na 'yun. Edi sana hindi ko na siya nakilala.Aminado na ako eh. Madali naman talaga akong ma-attach sa tao at malaking sampal sa akin ito na mukhang ako pa ang maghahabol sa kanya. Ano siya

    Last Updated : 2022-11-02
  • Dandelion Nights   Chapter 8

    Isang linggo ang nakalipas at masasabi ko na naging maayos naman ulit ang pag-uusap naming dalawa. Nandoon pa rin ang pagkaaliw ko sa kanya. Mas lalo nga ata akong naa-attach sa kanya eh. Ewan ko ba.Naisipan kong magpaliban sa trabaho ngayon para bisitahin ang mga pinsan ko pati na rin ang lola ko. Matagal na rin kasi noong huli ko silang nakita at nakasama gawa nga ng sobrang busy ako sa trabaho ko.Busy sa trabaho o busy sa pag-landi?Minsan kung pwede lang i-factory reset ang utak, gagawin ko na. Hindi na siya nakikisama sa akin ngayon.Namili muna ako ng kaunting grocery bago ako bumiyahe papunta sa kanila. Nang makarating ako sa subdivision namin ay nag-chat na ako sa pinsan ko na malapit na ako. Ilang sandali lang ay huminto na ang sinasakyan kong grab sa may kulay puting bahay na may kalumaan na. Pagbaba ko ay agad akong sinalubong ng mga pinsan ko sa labas ng gate."Ate Crysaline! Akala ko scammer ka na talaga eh. Lagi mo sinasabi na pupunta ka pero hindi naman natutuloy." s

    Last Updated : 2022-11-03
  • Dandelion Nights   Chapter 9

    Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ni Charles at hindi ko alam kung sino ba ang may mali sa aming dalawa. Ako ba o siya? O wala naman talagang may mali sa aming dalawa. Baka rin pareho kaming may mali.Baka sadyang hindi lang talaga ito iyong tamang panahon para humarot kami. Hindi naman kasi kami. Kumbaga wala akong habol sa pagiging MU niya kasi kahit ako nga hindi nagco-commit ng buo.So anong inaarte ko ngayon?Napasimangot ako at tumulala na naman sa harapan ng iPad ko. Ngayon ko lang naiisip. Never niya pala nabanggit sa akin yung pangalan niya social media. Ni hindi niya din madalas sine-send photos niya kaya hindi malinaw sa akin kung ano ba talagang itsura niya.Madalas kasi nakatakip lang iyong bandang labi niya sa mga photos na sine-send niya samantalang ako buo palagi. Though choice ko naman iyon at hindi naman din niya ako pinilit na gawin iyon.Wala sa sariling binuksan ko ang isang social media account ko at hinanap siya gamit iyong mga impormasyon na alam ko sa kanya

    Last Updated : 2022-11-03
  • Dandelion Nights   Chapter 10

    Halos apat na buwan na rin ang nakakalipas simula noong huli kong makausap si Charles. May mga oras na nami-miss ko pa rin na may kausap pero nawalan na lang din ako ng pakielam. Masyado na akong maraming pinoproblema para isipin ko pa siya.Lalo pa ngayon na sinusubukan kong matapos yung mga librong hindi ko na natuloy-tuloy. Bukod pa roon, nakatira ako ngayon sa bahay ng mga magulang ko. Kailangan ko magtipid ng pera dahil nag-layoff sa trabaho namin at kasama ako roon. Kasabay pa nga ng pagkawalan ko ng trabaho, wala rin akong nakukuhang freelance projects nitong mga nakaraang linggo.Napapikit ako ng mariin. Halos alas otso na ng gabi pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto ko. Wala akong balak madagdagan ang sama ng loob ko sa mundo. Kung maririnig ko rin naman ang pagtatalo ng mga magulang ko dahil sa pera, mas gugustuhin ko na lang hindi kumain.Simula noong mawalan ng trabaho si Papa at nagkanda-baon sa utang ang mga kapatid ni Mama, naging mahirap na ang sitwasyon. Hirap n

    Last Updated : 2022-11-04

Latest chapter

  • Dandelion Nights   Chapter 29

    Dalawang linggo ang makalipas simula nang kumalat sa social media yung mga photos at video namin ni Nathan. Simula noon, tinago na ni Nathan yung mga devices ko kung saan ko makikita o mababasa lahat ng mga comments ng tao. Ibig sabihin, mas madalas siyang naglalagi sa condo ko kaysa sa sa condo niya.Ang sabi niya hindi naman daw kailangan na basahin ko pa ang mga iyon kasi wala naman daw kwenta iyon. Paniguradong wala lang daw magandang maidudulot sa akin yung mga mababasa ko.Nag-release na rin ng statement ang management namin pagkalipas noon ng ilang araw tungkol sa kumakalat sa internet dahil nga nag-trending iyon sa social media. Ganoon naman talaga kasikat sa bansa si Nathan. Lahat ng gawin niya, magte-trend. Lahat ng mali-link sa kanya magiging laman din ng balita. Kapag may nagawa rin siyang mali, trending pa rin siya.Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig kay Nathan na hindi mo aakalain na pagpipitas ngayon ng mga tanim na strawberry sa farm ng mama niya.Napatingin naman siya

  • Dandelion Nights   Chapter 28

    “Hindi ba kayo nag-iisip?!” sigaw ni Ate Chaena kaya napangiwi ako sa lakas ng boses niya.Halos mamula na siya sa galit habang naglalakad pabalik-balik sa harapan namin. Ang magaling na manager naman ni Nathan na si Kyle eh malawak lang ang pagkakangisi habang sinusundan din ng tingin ang manager ko.“What’s wrong with having a relationship with Crysaline? Nasa tamang edad na kami pareho. We are humans and we have all the rights to choose whoever we want to love.” sabi ni Nathan kaya napatingin ako sa kanya.Naka-de kwatro siya at nakahalukipkip habang sinasabi ang mga katagang iyon. Walang mababakas na emosyon sa mukha niya na para bang alam na alam niya lahat ng sinasabi niya.Napatingin naman ako kay Kyle nang pumalakpak siya. Nakangisi siya at tila ba parang proud pa siya sa alaga niya. Napailing na lang ako. Akala mo naman hindi siya napa-“What the fuck is going on here?!” kanina kung makapag-react siya ng ganon.“Shut up, Kyle! Kunsintidor ka! Lugi ang alaga ko sa parte na ‘to!

  • Dandelion Nights   Chapter 27

    Napapikit ako habang dinadama ang lamig ng simoy ng hangin sa balat ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maramdaman ang biglang paghigpit ng yakap ni Nathan.“Hindi ko makuha yung punto bakit kailangan naka ganito pa tayo na damit. Ang init!” angal niya kaya napahagikgik ako.Umikot ako paharap sa kanya at pinisil yung tungki ilong niya. Nakasimangot siya at halatang irritable talaga siya sa suot niyang gray na hoodie at pants.“Anong hindi mo ma-gets? Hello, Rivas! Alam mo na sikat kang tao. Paano kapag may nakakita sa atin dito? Eh ‘di laman tayo ng balita? Sasabog lalo yung management pati na social media natin dalawa.” natatawa kong sabi sa kanya.“The fuck I care! Gusto ko makipag-date ng maayos hindi yung ganito. Para tayong nagtatago palagi.” nakasimangot na sabi niya.Tumingin ako sa paligid at nang makitang wala naman tao sa paligid ay agad kong dinampian ng halik ang labi niya. Ngumiti ako sa kanya at inayos yung pagkakasuot ng hoodie niya.“Huwag ka na sumimangot, pumapang

  • Dandelion Nights   Chapter 26

    Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang marahan na paghaplos sa dibdib ko. Dahan-dahan akong nag-mulat ng mata at napansin ko agad na nakapasok sa crop top ko ang mga kamay ni Nathan habang naka-pwesto siya sa likod ko.“Mamamaga na dede ko kakalaro mo simula nung natulog ako.” saway ko sa kanya kaya napatigil siya sa ginagawa niya.“Ang lambot kasi eh. Parang stress ball.” nakangisi niyang sabi at dinampian ng halik ang sintido ko.“Bitaw ka na. Magluluto lang ako gutom na ako.” sabi ko sa kanya pero umiling lang siya at isiniksik ang ulo niya sa leeg ko. Minasahe na naman niya yung dibdib ko kaya hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos.“Nakapagluto na ako ng hapunan. Mamaya na tayo tumayo. Dito muna tayo sa kama.” sabi niya at hinapit ako palapit sa kanya.Napabuntong hininga na lang ako at humarap sa kanya. Parang nagulat naman siya sa naging pagharap ko lalo na noong ikawit ko ang mga braso ko sa leeg niya.“Sama tayo kay nila Kairo sa Siargao. Gusto ko mamasyal.” sabi ko sa kan

  • Dandelion Nights   Chapter 25

    Sumapit ang Sabado at nandito na naman si Nathan sa condo ko. Kulang na nga lang dito na siya tumira. Yung mga damit niya nasa guest room napakadami. Kapag wala siyang magawa, dito rin siya natutulog. "Tara date tayo?" biglang sabi niya.Napatingin ako kay Nathan habang nilalantakan iyong binili niya na ice cream na nasa pint."Tinatamad ako lumabas eh." sabi ko sa kanya sabay patong ng paa ko sa kandungan niya."Date na tayo. Dali." pagpupumilit niya na parang bata. Nag-puppy eyes pa siya kaya natawa ako."Saan mo ba balak pumunta?" tanong ko sa kanya sabay subo ng isang kutsara ng ice cream.Sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya at tinaasan ako ng kilay. Hay nako. Ano naman kayang kalokohan ang tumatakbo sa utak ng isang ‘to?“Check-in tayo sa hotel.” nakangisi niyang sabi kaya tinadyakan ko siya sa tiyan.“Ang halay mo talaga!” sigaw ko sa kanya kaya napabunghalit siya ng tawa sabay hatak sa paa ko. Minasahe niya ‘yun at masuyo akong tinignan.“Mason and Kairo invited us to come

  • Dandelion Nights   Chapter 24

    Isang linggo na ang nakalipas simula noong pumayag ako sa panliligaw ni Nathan. Kung noon ay sobrang kulit at clingy niya, mas lumala pa ata simula noong hayaan ko siya sa gusto niya.Katulad na lang ngayon. Napabuntong hininga ako at humalukipkip habang nakatayo sa harapan niya. Nakangisi naman siya sa akin at pilit na inaabot ang beywang ko para umupo sa kandungan niya."Gusto ko lang naman matulog ngayon dito dahil pagod na akong bumiyahe pauwi. Galing pa ako sa trabaho tapos namiss kita kaya ako pumunta rito. Hindi ka ba naaawa sa akin? Alas dose na ng madaling araw oh. Paano kung ma-aksidente ako sa daan kasi biglang namanhid yung daliri ko sa paa? ‘Edi nawalan ka ng future husband?" pangangatwiran niya sa akin sa nagpa-paawang tono.Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa dahilan niya. Parang bugok din minsan ‘tong si Nathan eh. Mabilis niya akong hinatak paupo sa kandungan niya at isiniksik ang ulo niya sa leeg ko. Ipinulupot niya pa ang dalawa niyang braso sa beywang ko.

  • Dandelion Nights   Chapter 23

    Para akong natuod sa kinatatayuan ako at hindi malaman ang gagawin. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko lalo pa noong igalaw niya ang labi niya nakalapat sa labi ko.Mas lalo niya akong hinapit papalapit sa kanya at pinalalim ang paghalik sa akin. Hindi ko napigilang mapaungol nang pisilin niya ang gilid ng dibdib ko.Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko nang bigla siyang tumigil sa paghalik. Inilayo niya ng kaunti ang mukha niya sa akin bago isinandal ang noo niya sa noo ko."Your lips taste so sweet. Fuck." mahinang saad niya na naging dahilan ng pag-pula lalo ng mukha ko.Parang unti-unting nag-sink in sa utak ko ang ginawa niya. Nanlaki ang mga mata ko at nangilid ang mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil sa gulat o dahil sa kaalamang…Ninakaw niya yung first kiss ko!"First kiss ko 'yun eh!" maktol na singhal ko sa kanya at pumalahaw na parang bata.Mas lalo lang lumawak ang pagkaka-ngisi niya at hinapit ako palapit sa kanya. Kulang na lang ay lumutang ako sa paraan ng

  • Dandelion Nights   Chapter 22

    "Ano ba, Nathan?! Naiinis na ako ha! Kung saan ako magpunta, nakasunod ka. Umuwi ka na nga lang sa inyo kaysa ginugulo mo ako!" iritang sita ko kay Nathan at pilit siyang itinutulak palayo.Ilang oras na kasi niya ako hindi tinitigilan. Ni ultimo pagpunta ko sa cr, nakasunod siya hanggang labas ng pinto. Balak pa nga niya hanggang sa loob kung hindi ko lang siya pinagsabihan."Baka kasi sumalisi ka na naman eh. Tuluyan mo na akong iwan. Akala ko ba bibigyan mo ako ng chance?" nagmamaktol na sabi niya na parang batang ewan.Nameywang ako sa harap niya at tinaasan siya ng kilay."Wala akong sinasabi na pwede mo akong ligawan. Atsaka hindi ka ba nilalamig? Kanina ka pa nakahubad dyan! Feeling mo may photoshoot ka rito sa condo ko." sita ko sa kanya.Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang beywang ko."Hindi ko na ba kailangan manligaw kasi..." inilapit niya ang bibig niya sa kaliwang tenga ko. "Gusto mo na rin ako? Dati rin naman hindi mo ko sinasaway kapag hindi ako n

  • Dandelion Nights   Chapter 21

    "U-umayos ka nga, Nathan. Kailangan ko pa pumunta sa office kaya umuwi ka na sa bahay niyo. Nag-aalala si Tita Nara sa'yo. Atsaka siraulo ka talaga! Hindi mo naman gawain mag-drive ng umiinom tapos ginawa mo pa rin." sita ko sa kanya pero nakangiti lang ang siraulo.Ni hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya ng matagal dahil sa kaba. Bumilis ang tibok ng puso ko nang ilapit niya ang labi niya sa gilid ng tenga ko."I just want to hear and see how much you're worried for me, Crysaline. That's the only thing that matters to me." bulong niya at yumakap sa akin ng mahigpit."Bakit? Nanay mo ba ko?" sarkastiko na sabi ko sa kanya pero mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin at napabuntong hininga."Durog na nga ako, lalo mo pa akong dinudurog sa mga sagot mo." mahinang sabi niya.Alam kong may halong pag-iinarte yung sinabi niya, mas lamang yung nararamdaman niya na lungkot ngayon. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at hinaplos ko na ang buhok niya. Tinapik ko ng mahina ang l

DMCA.com Protection Status