author-banner
sachtych
sachtych
Author

Nobela ni sachtych

Dandelion Nights

Dandelion Nights

Wala ng ideyang pumapasok sa utak ni Crysaline Lopez para sa mga librong isinusulat niya at unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa. Naisip niya na maling landas na ata ang tinatahak niya dahil wala na siyang maisulat na kahit anong eksena sa mga istorya niya. Bukod pa rito ay patong-patong na din ang gusto niyang gawin sa buhay para kumita ng pera pero kulang naman sa kanya ang bente kwatro oras. Ngunit nagbago ang lahat ng subukan niyang maghanap ng makakausa sa isang sikat na website na nagagamit niya noon pa. Makakakuha nga ba siya ng inspirasyon sa taong makakausap niya o hahantong lang ang lahat sa pagkabigo at galit para sa taong minsan ay nagpakilig sa kanya?
Basahin
Chapter: Chapter 29
Dalawang linggo ang makalipas simula nang kumalat sa social media yung mga photos at video namin ni Nathan. Simula noon, tinago na ni Nathan yung mga devices ko kung saan ko makikita o mababasa lahat ng mga comments ng tao. Ibig sabihin, mas madalas siyang naglalagi sa condo ko kaysa sa sa condo niya.Ang sabi niya hindi naman daw kailangan na basahin ko pa ang mga iyon kasi wala naman daw kwenta iyon. Paniguradong wala lang daw magandang maidudulot sa akin yung mga mababasa ko.Nag-release na rin ng statement ang management namin pagkalipas noon ng ilang araw tungkol sa kumakalat sa internet dahil nga nag-trending iyon sa social media. Ganoon naman talaga kasikat sa bansa si Nathan. Lahat ng gawin niya, magte-trend. Lahat ng mali-link sa kanya magiging laman din ng balita. Kapag may nagawa rin siyang mali, trending pa rin siya.Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig kay Nathan na hindi mo aakalain na pagpipitas ngayon ng mga tanim na strawberry sa farm ng mama niya.Napatingin naman siya
Huling Na-update: 2022-11-15
Chapter: Chapter 28
“Hindi ba kayo nag-iisip?!” sigaw ni Ate Chaena kaya napangiwi ako sa lakas ng boses niya.Halos mamula na siya sa galit habang naglalakad pabalik-balik sa harapan namin. Ang magaling na manager naman ni Nathan na si Kyle eh malawak lang ang pagkakangisi habang sinusundan din ng tingin ang manager ko.“What’s wrong with having a relationship with Crysaline? Nasa tamang edad na kami pareho. We are humans and we have all the rights to choose whoever we want to love.” sabi ni Nathan kaya napatingin ako sa kanya.Naka-de kwatro siya at nakahalukipkip habang sinasabi ang mga katagang iyon. Walang mababakas na emosyon sa mukha niya na para bang alam na alam niya lahat ng sinasabi niya.Napatingin naman ako kay Kyle nang pumalakpak siya. Nakangisi siya at tila ba parang proud pa siya sa alaga niya. Napailing na lang ako. Akala mo naman hindi siya napa-“What the fuck is going on here?!” kanina kung makapag-react siya ng ganon.“Shut up, Kyle! Kunsintidor ka! Lugi ang alaga ko sa parte na ‘to!
Huling Na-update: 2022-11-13
Chapter: Chapter 27
Napapikit ako habang dinadama ang lamig ng simoy ng hangin sa balat ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maramdaman ang biglang paghigpit ng yakap ni Nathan.“Hindi ko makuha yung punto bakit kailangan naka ganito pa tayo na damit. Ang init!” angal niya kaya napahagikgik ako.Umikot ako paharap sa kanya at pinisil yung tungki ilong niya. Nakasimangot siya at halatang irritable talaga siya sa suot niyang gray na hoodie at pants.“Anong hindi mo ma-gets? Hello, Rivas! Alam mo na sikat kang tao. Paano kapag may nakakita sa atin dito? Eh ‘di laman tayo ng balita? Sasabog lalo yung management pati na social media natin dalawa.” natatawa kong sabi sa kanya.“The fuck I care! Gusto ko makipag-date ng maayos hindi yung ganito. Para tayong nagtatago palagi.” nakasimangot na sabi niya.Tumingin ako sa paligid at nang makitang wala naman tao sa paligid ay agad kong dinampian ng halik ang labi niya. Ngumiti ako sa kanya at inayos yung pagkakasuot ng hoodie niya.“Huwag ka na sumimangot, pumapang
Huling Na-update: 2022-11-12
Chapter: Chapter 26
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang marahan na paghaplos sa dibdib ko. Dahan-dahan akong nag-mulat ng mata at napansin ko agad na nakapasok sa crop top ko ang mga kamay ni Nathan habang naka-pwesto siya sa likod ko.“Mamamaga na dede ko kakalaro mo simula nung natulog ako.” saway ko sa kanya kaya napatigil siya sa ginagawa niya.“Ang lambot kasi eh. Parang stress ball.” nakangisi niyang sabi at dinampian ng halik ang sintido ko.“Bitaw ka na. Magluluto lang ako gutom na ako.” sabi ko sa kanya pero umiling lang siya at isiniksik ang ulo niya sa leeg ko. Minasahe na naman niya yung dibdib ko kaya hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos.“Nakapagluto na ako ng hapunan. Mamaya na tayo tumayo. Dito muna tayo sa kama.” sabi niya at hinapit ako palapit sa kanya.Napabuntong hininga na lang ako at humarap sa kanya. Parang nagulat naman siya sa naging pagharap ko lalo na noong ikawit ko ang mga braso ko sa leeg niya.“Sama tayo kay nila Kairo sa Siargao. Gusto ko mamasyal.” sabi ko sa kan
Huling Na-update: 2022-11-12
Chapter: Chapter 25
Sumapit ang Sabado at nandito na naman si Nathan sa condo ko. Kulang na nga lang dito na siya tumira. Yung mga damit niya nasa guest room napakadami. Kapag wala siyang magawa, dito rin siya natutulog. "Tara date tayo?" biglang sabi niya.Napatingin ako kay Nathan habang nilalantakan iyong binili niya na ice cream na nasa pint."Tinatamad ako lumabas eh." sabi ko sa kanya sabay patong ng paa ko sa kandungan niya."Date na tayo. Dali." pagpupumilit niya na parang bata. Nag-puppy eyes pa siya kaya natawa ako."Saan mo ba balak pumunta?" tanong ko sa kanya sabay subo ng isang kutsara ng ice cream.Sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya at tinaasan ako ng kilay. Hay nako. Ano naman kayang kalokohan ang tumatakbo sa utak ng isang ‘to?“Check-in tayo sa hotel.” nakangisi niyang sabi kaya tinadyakan ko siya sa tiyan.“Ang halay mo talaga!” sigaw ko sa kanya kaya napabunghalit siya ng tawa sabay hatak sa paa ko. Minasahe niya ‘yun at masuyo akong tinignan.“Mason and Kairo invited us to come
Huling Na-update: 2022-11-11
Chapter: Chapter 24
Isang linggo na ang nakalipas simula noong pumayag ako sa panliligaw ni Nathan. Kung noon ay sobrang kulit at clingy niya, mas lumala pa ata simula noong hayaan ko siya sa gusto niya.Katulad na lang ngayon. Napabuntong hininga ako at humalukipkip habang nakatayo sa harapan niya. Nakangisi naman siya sa akin at pilit na inaabot ang beywang ko para umupo sa kandungan niya."Gusto ko lang naman matulog ngayon dito dahil pagod na akong bumiyahe pauwi. Galing pa ako sa trabaho tapos namiss kita kaya ako pumunta rito. Hindi ka ba naaawa sa akin? Alas dose na ng madaling araw oh. Paano kung ma-aksidente ako sa daan kasi biglang namanhid yung daliri ko sa paa? ‘Edi nawalan ka ng future husband?" pangangatwiran niya sa akin sa nagpa-paawang tono.Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa dahilan niya. Parang bugok din minsan ‘tong si Nathan eh. Mabilis niya akong hinatak paupo sa kandungan niya at isiniksik ang ulo niya sa leeg ko. Ipinulupot niya pa ang dalawa niyang braso sa beywang ko.
Huling Na-update: 2022-11-11
Glimpse of Loving You

Glimpse of Loving You

Siya si Kellissa Elarque. Labing walong taong gulang na estudyante na nag-aaral ng kursong Business Administration sa isang unibersidad. Scholar na Bayan. Breadwinner ng kanyang pamilya. Bukod sa pagiging isang matalinong estudyante, marami ang nabibighani sa taglay niyang ganda sa kabila ng laging suot nitong may kalakihan na puting t-shirt at leggings na pinaresan ng lumang itim na rubber shoes. Binansagan pa ang dalaga bilang "Beauty and Brains" ng kanilang department. Tahimik lamang itong estudyante at tila ba walang pakielam sa paligid. Ngunit nagbago ang lahat sa takbo ng buhay niya simula nang buksan niya ang kanyang puso sa isang Cayden Guerrero. Ang isang sikat na basketball player na tinaguriang "King of Court." Isang binata na epitome ng "Tall, dark and handsome". Na para bang isang ngiti lang niya ay kaya nitong patibukin ang puso ng kahit sino man. Tama nga ba ang naging desisyon niya na bigyan ng pagkakataon ang binata o magiging sanhi lamang ng pagguho ng mundo niya?
Basahin
Chapter: Chapter 7
“Salamat sa paghatid, Cayden. Salamat ulit sa araw na ‘to.” nakangiting sabi ni Kellissa sa binata. “Ako ang dapat na magpasalamat sa’yo kasi pumayag ka pumunta sa bahay namin.” sabi ni Cayden habang malawak ang pagkakangiti. “Sige na, umuwi ka na sa inyo. Mag-iingat ka.” “Sigurado ka ba na hindi na kita ihahatid hanggang bahay ninyo?” “Oo, ayos na ako rito. Maglalakad lang din naman ako papasok sa looban atsaka malapit na lang din naman.” “Hintayin na lang kita makaalis para siguradong safe ka makakauwi sa inyo.” sabi ni Cayden kaya natawa ang dalaga. “Ayos lang talaga. Bata pa lang kami dito na naman na kami nakatira kaya halos lahat ng tao sa looban kilala ko na.” sagot ni Kellissa sa binata. “Ihahatid pa rin kita kahit hanggang tingin lang.” pangungulit ng binata kaya hinayaan na lang ni Kellissa. Kumaway na siya sa binata at tumalikod na para maglakad papasok ng looban. Nakangiting napahawak si Kellissa sa dibidib niya at hanggang ngayon ay rinig pa rin niya ang mga matata
Huling Na-update: 2022-11-05
Chapter: Chapter 6
Martes pa lang ng umaga pero hapong-hapo na agad ang pakiramdam ni Kellissa. Siksikan sa loob ng LRT at halos wala ng espasyo ang mga tao para kumilos sa loob ng tren. Napabuntong hininga ang dalaga. Wala naman kasi siyang magagawa dahil ito lang naman ang pwedeng masakyan niya papuntang eskwelahan. Kailangan niyang gumising ng alas tres ng madaling araw para makapag-handa ng almusal nilang magkakapatid at tulungan ang mga nakakatanda niyang kapatid na asikasuhin ang mga ito. Kailangan niya pa makaalis ng bahay ng alas singko dahil kung hindi, mahuhuli siya sa unang klase niya na 7:30 ng umaga ang umpisa. Pagkahinto pa lang ng tren sa U.N Avenue Station ay mabilis na nakipagsiksikan ang dalaga palabas dahil nasa bandang gitna pa siya ng mga kumpulan na tao. Patakbo na sana siya pababa ng hagdan nang biglang mag-ring ang lumang Nokia 3310 niyang cellphone. Kinuha agad niya iyon sa bulsa ng suot niyang palda at nagpatuloy ulit sa pagbaba ng hagdan. “Kellissa! Free cut daw tayo kasi
Huling Na-update: 2022-11-03
Chapter: Chapter 5
Sa labas pa lang ng coliseum ay rinig na ang malakas na hiyawan ng mga taong manonood ng UAAP basketball tournament. May mga dalang tarpualin at mga LED board ang iba habang isinisigaw ang pangalan ng mga manlalaro.“Ang dami pala talagang tao. Atsaka girl! Ang daming gwapo na galing ng ibang university! OMG! Baka magkakaroon na ako ng majo-jowa!” kinikilig na sabi ni Zuri kay Kellissa.Napailing na lang ang dalaga sa sinabi ng kaibigan. Alam niya kasing hanggang salita lang naman si Zuri pero kapag may lumalapit naman na lalaki para pumorma, nagtatago naman sa likod niya o hindi naman kaya ay tatakbo papalayo.“Tara na pumasok na tayo.” yaya ni Kellissa sa kaibigan.Malakas ang hiyawan ng mga tao kahit hindi pa nag-uumpisa ang laro.“Ang ganda ng seat na binigay sa’yo ni Cayden ha? Ayieee! Special talaga siya oh! Jo-jowain mo na?” sabi ni Zuri at sinundot pa yung tagiliran niya habang inaasar.“Sira. Wala pa sa isip kong mag-nobyo sa ngayon.” tanging naisagot ni Kellissa kahit pa may
Huling Na-update: 2022-11-02
Chapter: Chapter 4
Hating gabi na ngunit abala pa rin si Kellissa sa paghahanap ng masusuot para sa tipanan nila ni Cayden bukas ng hapon.“Ate, hindi ka pa ba matutulog? Maaga pa pasok natin bukas.” sabi ni Kara sa inaantok na boses.Napatingin si Kellissa sa kapatid at tipid itong nginitian. Hindi kasi makatulog ang mga kapatid niya kapag nakabukas pa ang ilaw sa kwarto.“Matutulog na rin ako. May inaayos lang ako rito.” sagot niya sa kapatid habang isinasabit ang isang lumang puting bestida sa hanger.“Wash day niyo po bukas diba? Himala at hindi ka po naka-leggings.” puna naman sa kanya ng kapatid na si Kendy.Napakagat ang dalaga sa ibabang labi niya at nag-isip ng ibang dahilan. Hindi niya kasi alam kung paano sasabihin na may nanliligaw sa kanya.“Ah, may raket kasi si Zuri. Sasamahan ko siya bukas baka sakali rin makahanap ako ng ibang mapagkakakitaan doon. “ pagsisinungaling niya gawa ng hiya at takot na malaman ng kanilang magulang.Kahit pa marami ang nanligaw at nag-punta sa bahay nila, tang
Huling Na-update: 2022-11-01
Chapter: Chapter 3
Pasukan na at halos hindi magkamayaw ang mga estudyante sa paghahanap ng mga silid nila para sa unang araw ng klase. Ang iba naman ay masayang nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan baon ang mga ginawa noong summer break. Napalingon ang lahat at nagsimula ng mag-bulungan nang dumaan ang mga varsity players. Ang iba naman ay impit na napapatili habang tinitignan ang mga grupo ng kalalakihan. "Cayden, hindi kaya mabali iyang ulo mo sa kakahagilap kay Kellissa. Baka naman kasi wala pa o kaya nasa building na ng department nila." asar ng isa sa mga ka-teammate ni Cayden kaya sinamaan ng tingin ng binata ang kaibigan. "Siraulo!" singhal na saad ng binata kaya nagsi-tawanan at nag-apiran ang mga kasama niya. "Captain! Ayun na si Kellissa na love of your life oh! Kasama si Zuri!" Napalingon naman agad ang binata sa tinuturo ng kaibigan niya kaya agad siyang napasulyap sa kabilang parte ng corridor. Ganoon na lang ang pag-talon ng puso ni Cayden nang masilayan ang dalaga na nakangiting nakik
Huling Na-update: 2022-09-20
Chapter: Chapter 2
Madaling araw pa lang ay nakagayak na ang magkakapatid sa pamilya ng mga Elarque. Ang mga nakaba-batang kapatid ni Kellissa ay papasok na sa eskwelahan samantalang ang dalawa niyang nakata-tandang kapatid ay papasok na ng trabaho. Ang dalaga naman ay maagang gumigising para tulungan ang kanyang ina sa mga labada sa ilan nilang costumer sa lugar tutal ay hindi pa naman nag-uumpisa ang klase niya sa kolehiyo. "Ma, akin na po iyang mga labahin ninyo. Ako na po ang maglalaba ng mga iyan para po matapos na po kayo sa mga panahi. Baka kailanganin na po iyan eh." wika ng dalaga kaya napangiti ang kanyang ina. "Sige, anak. Salamat." usal ng kanyang ina bago dumiretso papasok ng bahay. "Kelli." napatingin ang dalaga sa panganay nilang kapatid nang lumapit ito sa kanya. "Oh, Ate Kari. Bakit po? Hindi pa po kayo nakakaalis?" tanong niya rito habang pinaghi-hiwalay ang mga damit na de-kolor sa puti. Nakita niya ang pag-aalangan ng kapatid niya nang sulyapan niya ito kung kaya't napatigil siy
Huling Na-update: 2022-09-20
Maaari mong magustuhan
Merry me ,Mr.Montereal
Merry me ,Mr.Montereal
Romance · sachtych
956 views
The Evil Wife
The Evil Wife
Romance · sachtych
956 views
Between the Lies
Between the Lies
Romance · sachtych
954 views
Embracing His Darkness
Embracing His Darkness
Romance · sachtych
953 views
My Husband's Son
My Husband's Son
Romance · sachtych
952 views
DMCA.com Protection Status