Martes pa lang ng umaga pero hapong-hapo na agad ang pakiramdam ni Kellissa. Siksikan sa loob ng LRT at halos wala ng espasyo ang mga tao para kumilos sa loob ng tren. Napabuntong hininga ang dalaga. Wala naman kasi siyang magagawa dahil ito lang naman ang pwedeng masakyan niya papuntang eskwelahan. Kailangan niyang gumising ng alas tres ng madaling araw para makapag-handa ng almusal nilang magkakapatid at tulungan ang mga nakakatanda niyang kapatid na asikasuhin ang mga ito. Kailangan niya pa makaalis ng bahay ng alas singko dahil kung hindi, mahuhuli siya sa unang klase niya na 7:30 ng umaga ang umpisa. Pagkahinto pa lang ng tren sa U.N Avenue Station ay mabilis na nakipagsiksikan ang dalaga palabas dahil nasa bandang gitna pa siya ng mga kumpulan na tao. Patakbo na sana siya pababa ng hagdan nang biglang mag-ring ang lumang Nokia 3310 niyang cellphone. Kinuha agad niya iyon sa bulsa ng suot niyang palda at nagpatuloy ulit sa pagbaba ng hagdan. “Kellissa! Free cut daw tayo kasi
“Salamat sa paghatid, Cayden. Salamat ulit sa araw na ‘to.” nakangiting sabi ni Kellissa sa binata. “Ako ang dapat na magpasalamat sa’yo kasi pumayag ka pumunta sa bahay namin.” sabi ni Cayden habang malawak ang pagkakangiti. “Sige na, umuwi ka na sa inyo. Mag-iingat ka.” “Sigurado ka ba na hindi na kita ihahatid hanggang bahay ninyo?” “Oo, ayos na ako rito. Maglalakad lang din naman ako papasok sa looban atsaka malapit na lang din naman.” “Hintayin na lang kita makaalis para siguradong safe ka makakauwi sa inyo.” sabi ni Cayden kaya natawa ang dalaga. “Ayos lang talaga. Bata pa lang kami dito na naman na kami nakatira kaya halos lahat ng tao sa looban kilala ko na.” sagot ni Kellissa sa binata. “Ihahatid pa rin kita kahit hanggang tingin lang.” pangungulit ng binata kaya hinayaan na lang ni Kellissa. Kumaway na siya sa binata at tumalikod na para maglakad papasok ng looban. Nakangiting napahawak si Kellissa sa dibidib niya at hanggang ngayon ay rinig pa rin niya ang mga matata
No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author.This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.Content Warning. This story contains scenes that some readers may find disturbing. Intended for mature audiences only. Readers who may be sensitive to this kind of genre, please take note.Copyright © 2021 - 2022 by sachtychAll rights reserved.
Bawat estudyante ay hindi mapigilang mapalingon nang dumaan ang isang dalaga sa kanilang harapan. Ang mahaba at tuwid nitong itim na itim na buhok na aabot sa kanyang beywang ay tila ba isinasayaw ng hangin. "Kelli!" napalingon ang dalaga sa likuran niya nang marinig ang pamilyar na boses ng kanyang kaibigan. "Zuri!" mabilis niyang nilapitan ang kaibigan at niyakap ito ng mahigpit. Halos dalawang linggo na din kasi noong huling nakita ng dalaga ang matalik na kaibigan. "Nakapag-enroll ka na ba? Mukhang dean's lister ka na naman this year ha?" nakangiting wika ni Zuri sa dalaga. "Kailangan eh, alam mo naman na kailangan kong maka-graduate para matulungan ko si Mama pati na din ang mga kapatid ko." sagot ni Kellissa habang naglalakad sa hallway kasabay ni Zuri. "Naku! Napakaswerte ng pamilya mo at mayroong Kellissa Elarque na nage-exist. Bilib din naman kasi ako dyan kay Tita. Biruin mo binubuhay kayong pitong magkakapatid. Ewan ko ba kasi dyan sa Tatay mong manloloko. Sakit sa bang
Madaling araw pa lang ay nakagayak na ang magkakapatid sa pamilya ng mga Elarque. Ang mga nakaba-batang kapatid ni Kellissa ay papasok na sa eskwelahan samantalang ang dalawa niyang nakata-tandang kapatid ay papasok na ng trabaho. Ang dalaga naman ay maagang gumigising para tulungan ang kanyang ina sa mga labada sa ilan nilang costumer sa lugar tutal ay hindi pa naman nag-uumpisa ang klase niya sa kolehiyo. "Ma, akin na po iyang mga labahin ninyo. Ako na po ang maglalaba ng mga iyan para po matapos na po kayo sa mga panahi. Baka kailanganin na po iyan eh." wika ng dalaga kaya napangiti ang kanyang ina. "Sige, anak. Salamat." usal ng kanyang ina bago dumiretso papasok ng bahay. "Kelli." napatingin ang dalaga sa panganay nilang kapatid nang lumapit ito sa kanya. "Oh, Ate Kari. Bakit po? Hindi pa po kayo nakakaalis?" tanong niya rito habang pinaghi-hiwalay ang mga damit na de-kolor sa puti. Nakita niya ang pag-aalangan ng kapatid niya nang sulyapan niya ito kung kaya't napatigil siy
Pasukan na at halos hindi magkamayaw ang mga estudyante sa paghahanap ng mga silid nila para sa unang araw ng klase. Ang iba naman ay masayang nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan baon ang mga ginawa noong summer break. Napalingon ang lahat at nagsimula ng mag-bulungan nang dumaan ang mga varsity players. Ang iba naman ay impit na napapatili habang tinitignan ang mga grupo ng kalalakihan. "Cayden, hindi kaya mabali iyang ulo mo sa kakahagilap kay Kellissa. Baka naman kasi wala pa o kaya nasa building na ng department nila." asar ng isa sa mga ka-teammate ni Cayden kaya sinamaan ng tingin ng binata ang kaibigan. "Siraulo!" singhal na saad ng binata kaya nagsi-tawanan at nag-apiran ang mga kasama niya. "Captain! Ayun na si Kellissa na love of your life oh! Kasama si Zuri!" Napalingon naman agad ang binata sa tinuturo ng kaibigan niya kaya agad siyang napasulyap sa kabilang parte ng corridor. Ganoon na lang ang pag-talon ng puso ni Cayden nang masilayan ang dalaga na nakangiting nakik
Hating gabi na ngunit abala pa rin si Kellissa sa paghahanap ng masusuot para sa tipanan nila ni Cayden bukas ng hapon.“Ate, hindi ka pa ba matutulog? Maaga pa pasok natin bukas.” sabi ni Kara sa inaantok na boses.Napatingin si Kellissa sa kapatid at tipid itong nginitian. Hindi kasi makatulog ang mga kapatid niya kapag nakabukas pa ang ilaw sa kwarto.“Matutulog na rin ako. May inaayos lang ako rito.” sagot niya sa kapatid habang isinasabit ang isang lumang puting bestida sa hanger.“Wash day niyo po bukas diba? Himala at hindi ka po naka-leggings.” puna naman sa kanya ng kapatid na si Kendy.Napakagat ang dalaga sa ibabang labi niya at nag-isip ng ibang dahilan. Hindi niya kasi alam kung paano sasabihin na may nanliligaw sa kanya.“Ah, may raket kasi si Zuri. Sasamahan ko siya bukas baka sakali rin makahanap ako ng ibang mapagkakakitaan doon. “ pagsisinungaling niya gawa ng hiya at takot na malaman ng kanilang magulang.Kahit pa marami ang nanligaw at nag-punta sa bahay nila, tang