Share

Chapter 1

Author: sachtych
last update Last Updated: 2022-09-20 20:48:28

Bawat estudyante ay hindi mapigilang mapalingon nang dumaan ang isang dalaga sa kanilang harapan. Ang mahaba at tuwid nitong itim na itim na buhok na aabot sa kanyang beywang ay tila ba isinasayaw ng hangin.

"Kelli!" napalingon ang dalaga sa likuran niya nang marinig ang pamilyar na boses ng kanyang kaibigan.

"Zuri!" mabilis niyang nilapitan ang kaibigan at niyakap ito ng mahigpit. Halos dalawang linggo na din kasi noong huling nakita ng dalaga ang matalik na kaibigan.

"Nakapag-enroll ka na ba? Mukhang dean's lister ka na naman this year ha?" nakangiting wika ni Zuri sa dalaga.

"Kailangan eh, alam mo naman na kailangan kong maka-graduate para matulungan ko si Mama pati na din ang mga kapatid ko." sagot ni Kellissa habang naglalakad sa hallway kasabay ni Zuri.

"Naku! Napakaswerte ng pamilya mo at mayroong Kellissa Elarque na nage-exist. Bilib din naman kasi ako dyan kay Tita. Biruin mo binubuhay kayong pitong magkakapatid. Ewan ko ba kasi dyan sa Tatay mong manloloko. Sakit sa bangs, 'te."

Napailing na lang si Kellissa at nanatiling tahimik. Kahit naman malaki ang galit niya sa ama, hindi naman mapagkakaila na kahit papaano ay may naitutulong pa din ang ama sa kanila.

Maliit nga lang napupunta sa kanila dahil siguro dumadaan pa ito sa kabit ng ama niya. Paniguradong nababawasan iyon bago pa iabot ang sustento sa ina.

Sa edad na labing-walong taong gulang ay namulat na ang dalaga sa klase ng buhay na meron sila. Ipinagpapasalamat na lang din ni Kellissa na kahit papaano ay nakakakain sila ng pamilya niya minsan ng tatlong beses sa isang araw.

Nang makarating ang dalawang dalaga sa registration area ay nakasalubong nila ang buong basketball team ng kanilang eskwelahan na masayang nag-tatawanan at nag-uusap.

Napatigil ang mga ito nang magawi ang tingin sa mga dalaga at hindi maiwasang mamangha sa ganda ng dalawa.

Kung mayroong mahabang itim at diretsong-diretso na buhok si Kellissa ay iyon naman ang ikinaikli ng buhok ng kaibigan nitong si Zuri. Kulay tsokolate iyon at medyo kulot na bumagay sa mestiza din na balat ng dalaga.

"Cayden, diba pinopormahan mo pa din iyong si Kellissa? Pare, mukhang anghel." wika ni Dino. Isa ring magaling na manlalaro at matinik sa mga babae.

"Naku! Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Tignan niyo itong si Captain Cayden, nabighani na nga ng tuluyan at hindi man lang naalala na kailangan pa natin mag-enroll." pambubuska ng isa pa nilang teammate na si Weston.

Para naman natauhan ang binata at pinagko-kotongan ang mga kasama niya bago lumapit sa dalawang dalaga.

"Hi, Zuri." bati nito sa dalaga at lumingon sa nililigawan na mayroong kislap ang mga mata.

"Hi, Kellissa."

Napaangat naman ng ulo ang dalaga at hindi maiwasang pamulahan ng mukha. Simula first year college ay nanliligaw na sa kanya ang binata pero hindi pa din nagbibigay ng sagot si Kellissa sa binata.

Bukod kasi sa gusto niyang mag-focus sa pag-aaral ay alam niya din naman na medyo babaero ang binata at natatakot siya na baka mapaglaruan lang siya nito.

"Hello. Mage-enroll ka na din ba ngayon?" tanong niya sa binata.

"Oo. Pwede ba kaming sumabay sana sa inyo ni Zuri kung okay lang?" tanong nito at napakamot pa ng batok.

Hindi naman alintana sa dalawa na pinagtitinginan silang dalawa ng mga estudyante dahil nga parehong sikat ang mga ito.

Kung ang dalaga ay binansagan na "Beauty and Brains" dahil sa angkin nitong talino na ipinamamalas sa mga competition, ang binata naman ang kinikilalang "King of Court". Maraming humahanga sa taglay niyang kakisigan sa edad na labing siyam na taong gulang.

"Hetong dalawang 'to! Nilalanggam na naman kayo! Tara na nga at kulang na lang mangisay 'yung mga estuadyante sa kilig sa inyong dalawa." pang-aasar ni Zuri kaya lalong pinamulahan ng mukha si Kellissa habang namula naman ang tenga ni Cayden.

HALOS magha-hapon na noong matapos sila mag-enroll dahil sa dami ng estudyante.

"Ano, Kellissa...gusto sana kita yayain kumain sa labas, kung okay lang sana sa'yo?" nahihiyang tanong ni Cayden at namayani nga sa hallway ang kantsaw ng mga teammate niya sa kanya.

"Pasensya na, Cayden. Tutulungan ko pa kasi si Mama sa mga labada niya kaya hindi ako makakasama. Sa susunod na lang siguro." sagot ng dalaga.

Bigo man at nanghihinayang ang binata, naiintindihang tumango siya sa dalaga at nginitian ito.

Ganoon na lamang ang malakas na pagkabog ng dibdib ng binata nang suklian ito ni Kellissa ng isang matamis na ngiti. Kahit ang ibang mga kalalakihan na nakakita rito ay halos malaglag ang panga.

"Sige mauna na ako, Cayden. Ingat kayo." tumingin si Kellissa sa mga kasama ng binata bago tumalikod kasama ng kaibigan nitong si Zuri.

Habang papalabas sila ng campus ay impit na napatili si Zuri habang inaalog ang kaibigan.

"Jusko! Kinikilig ako sa inyong dalawa, Kelli! Sagutin mo na si Fafa Cayden! Masyadong pinagpala ang manliligaw mo na iyon, sis! Tall, dark, and handsome! Hindi nga lang mayaman." kinikilig na wika ng kaibigan kaya napailing na lang si Kellissa.

"Required ba talaga na maging mayaman ang lalaki bago maging boyfriend material? Hindi ba mas importante iyong masipag, mabait at may takot sa Diyos?" wika ni Kellissa kaya natawa ang kaibigan nitong si Zuri.

"Sis, totoo naman! Meron naman ata si Cayden lahat ng katangian na binanggit mo. Aba! Kung biniyayaan din siya pati ng yaman, edi perfect na siya diba? Diba? Wala namang perpektong tao. Almost perfect lang. Nasa katauhan pa ni Fafa Cayden!"

Natatawang kinurot ni Kellissa ang kaibigan sa tagiliran. Nang makarating sila sa paradahan ng jeep ay sumakay na sila roon pauwi.

Nang makarating ang dalaga sa isang eskenita ay bumungad sa kanya ang maingay na paligid. Ang mga bata na masayang naglalaro ng patintero, ang mga kapitbahay nilang nagchi-chismisan, at ang mga lalaking tambay na nag-iinuman sa kalye habang nagma-mahjong.

"Kellissa! Ay! Napakaganda naman ng batang ire! Ito nga pala biko at dalhin niyo sa inyo. Panigurado na magugustuhan ng mga kapatid mo at ni Kumareng Vina iyan." salubong sa kanya ng isang babae na nasa trenta'y singko na at inabot sa kanya ang isang bilao.

"Maraming salamat po, Ate Hilda."

"Naku! Wala iyon! Sabihin mo kay Mama Vina mo pumunta sa bahay bukas at sumama sa amin doon sa palengke."

"Sige po. Una na po ako, salamat po pala ulit dito sa biko."

Nang makarating siya sa tapat ng bahay nila ay hindi niya maiwasang mapabuntong hininga.

Naabutan niya na abala ang iba niyang mga kapatid sa pagkabit ng mga butones na nakuhang sideline ng mga ito sa isang pabrika malapit sa compound nila. Iyong bunso naman niyang kapatid ay tahimik lamang na nakahiga sa papag habang nilalaro ang isang lumang stuff toy.

"Ate Kelli! Nandoon si Ate Karissa at Kuya Karlo sa kusina inaayos iyong mga balot at penoy na ibebenta mamayang gabi." bungad sa kanya ng kapatid na si Kendy.

Ginulo niya ang buhok ng kapatid at agad na pumunta sa kusina para tumulong.

"Naku! Magpalit ka muna ng damit sa kwarto bago ka tumulong dito. Mamaya ng pala tulungan natin si Mama sa mga panahi at kailangan na daw iyon ma-deliver kay Aling Rita sa Sabado." wika ng nakakatanda niyang kapatid na babae habang ang pumapangalawang sa nakatatanda niyang kapatid na lalaki ay tahimik lang na tumutulong.

"Opo, Ate. Heto nga pala pinabibigay ni Ate Hilda. Merienda daw natin. Punta muna ko sa kwarto." inilapag niya ang bilao sa lamesa at lumabas na ng kusina.

Nilapitan niya ang bunsong kapatid at hinalikan ito sa noo bago dumiretso sa kwarto para makapagpalit ng damit.

Napabuntong hininga siya at napatitig sa salamin.

"Kung hindi kaya kami iniwan ni Papa para ipagpalit sa ex-girlfriend niya, ganito pa din kaya ang magiging buhay namin?" malungkot na usal niya at napabuntong hininga.

Narinig siya ng nakababata niyang kapatid na babae nang pumasok ito sa kwarto. Ngumiti ito ng malungkot sa kanya at niyakap siya sa beywang.

"May problema ba, Kara?" tanong niya sa kapatid. Umiling lang ang dalaga.

"Hanggang kailan ba tayo magiging mahirap, Ate? Gusto ko lang naman maging maayos tayong lahat para hindi na nahihirapan si Mama. Naaawa na din ako kay nila Ate Karissa at Kuya Karlo. Simula noong maka-graduate sila, puro trabaho na lang sila. Bukod pa doon ay tumutulong pa sila sa mga sideline natin." nakita niya ang pagpatak ng luha ng kapatid kaya hindi niya din maiwasang maiyak.

"Hindi bale, Kara. Kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral, gagawin ko ang lahat para maitaguyod ang pamilya natin. Huwag ka ng umiyak. Kaya natin 'to." pag-aalo niya sa kapatid.

Ilang minuto lang silang magkayakap bago niya punasan ang mga luha sa pisngi ng kapatid na babae.

"Nasaan nga pala iyong kambal mo?"

"Si Kristian po pumunta sa pagawaan ng sapatos diyan sa kanto. Nagpatulong daw po si Mang Yeso at may bayad naman daw po." sagot ng kapatid kaya napatang siya.

"Tara na at nang makatulong na tayo sa kanila."

Nang makalabas sila ng kwarto ay agad na silang kumilos ng mga gawain. Alas siyete na ng matapos sila sa ginagawa at mabilis silang nag-hapunan para makapaglako na sila ng balot at penoy sa may bayan.

"Ma, alis na kami."

"Mag-iingat kayo ha? Ako na muna ang bahala dito sa dalawa niyong kapatid."

Napatingin si Kellissa sa kalangitan at napapikit. Humahampas ang lamig ng hangin sa balat niya at kahit paano ay nagbigay iyon ng kaunting kapayapaan sa kanya.

Hiling niya lamang ay ang magkaroon sila ng maginhawang buhay ng pamilya niya at alam niya sa sarili niya na hindi siya susuko kahit ano man ang mangyari. Gagawin niya ang lahat para sa kanila kahit kapalit pa nito ang sariling kaligayahan niya.

Related chapters

  • Glimpse of Loving You   Chapter 2

    Madaling araw pa lang ay nakagayak na ang magkakapatid sa pamilya ng mga Elarque. Ang mga nakaba-batang kapatid ni Kellissa ay papasok na sa eskwelahan samantalang ang dalawa niyang nakata-tandang kapatid ay papasok na ng trabaho. Ang dalaga naman ay maagang gumigising para tulungan ang kanyang ina sa mga labada sa ilan nilang costumer sa lugar tutal ay hindi pa naman nag-uumpisa ang klase niya sa kolehiyo. "Ma, akin na po iyang mga labahin ninyo. Ako na po ang maglalaba ng mga iyan para po matapos na po kayo sa mga panahi. Baka kailanganin na po iyan eh." wika ng dalaga kaya napangiti ang kanyang ina. "Sige, anak. Salamat." usal ng kanyang ina bago dumiretso papasok ng bahay. "Kelli." napatingin ang dalaga sa panganay nilang kapatid nang lumapit ito sa kanya. "Oh, Ate Kari. Bakit po? Hindi pa po kayo nakakaalis?" tanong niya rito habang pinaghi-hiwalay ang mga damit na de-kolor sa puti. Nakita niya ang pag-aalangan ng kapatid niya nang sulyapan niya ito kung kaya't napatigil siy

    Last Updated : 2022-09-20
  • Glimpse of Loving You   Chapter 3

    Pasukan na at halos hindi magkamayaw ang mga estudyante sa paghahanap ng mga silid nila para sa unang araw ng klase. Ang iba naman ay masayang nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan baon ang mga ginawa noong summer break. Napalingon ang lahat at nagsimula ng mag-bulungan nang dumaan ang mga varsity players. Ang iba naman ay impit na napapatili habang tinitignan ang mga grupo ng kalalakihan. "Cayden, hindi kaya mabali iyang ulo mo sa kakahagilap kay Kellissa. Baka naman kasi wala pa o kaya nasa building na ng department nila." asar ng isa sa mga ka-teammate ni Cayden kaya sinamaan ng tingin ng binata ang kaibigan. "Siraulo!" singhal na saad ng binata kaya nagsi-tawanan at nag-apiran ang mga kasama niya. "Captain! Ayun na si Kellissa na love of your life oh! Kasama si Zuri!" Napalingon naman agad ang binata sa tinuturo ng kaibigan niya kaya agad siyang napasulyap sa kabilang parte ng corridor. Ganoon na lang ang pag-talon ng puso ni Cayden nang masilayan ang dalaga na nakangiting nakik

    Last Updated : 2022-09-20
  • Glimpse of Loving You   Chapter 4

    Hating gabi na ngunit abala pa rin si Kellissa sa paghahanap ng masusuot para sa tipanan nila ni Cayden bukas ng hapon.“Ate, hindi ka pa ba matutulog? Maaga pa pasok natin bukas.” sabi ni Kara sa inaantok na boses.Napatingin si Kellissa sa kapatid at tipid itong nginitian. Hindi kasi makatulog ang mga kapatid niya kapag nakabukas pa ang ilaw sa kwarto.“Matutulog na rin ako. May inaayos lang ako rito.” sagot niya sa kapatid habang isinasabit ang isang lumang puting bestida sa hanger.“Wash day niyo po bukas diba? Himala at hindi ka po naka-leggings.” puna naman sa kanya ng kapatid na si Kendy.Napakagat ang dalaga sa ibabang labi niya at nag-isip ng ibang dahilan. Hindi niya kasi alam kung paano sasabihin na may nanliligaw sa kanya.“Ah, may raket kasi si Zuri. Sasamahan ko siya bukas baka sakali rin makahanap ako ng ibang mapagkakakitaan doon. “ pagsisinungaling niya gawa ng hiya at takot na malaman ng kanilang magulang.Kahit pa marami ang nanligaw at nag-punta sa bahay nila, tang

    Last Updated : 2022-11-01
  • Glimpse of Loving You   Chapter 5

    Sa labas pa lang ng coliseum ay rinig na ang malakas na hiyawan ng mga taong manonood ng UAAP basketball tournament. May mga dalang tarpualin at mga LED board ang iba habang isinisigaw ang pangalan ng mga manlalaro.“Ang dami pala talagang tao. Atsaka girl! Ang daming gwapo na galing ng ibang university! OMG! Baka magkakaroon na ako ng majo-jowa!” kinikilig na sabi ni Zuri kay Kellissa.Napailing na lang ang dalaga sa sinabi ng kaibigan. Alam niya kasing hanggang salita lang naman si Zuri pero kapag may lumalapit naman na lalaki para pumorma, nagtatago naman sa likod niya o hindi naman kaya ay tatakbo papalayo.“Tara na pumasok na tayo.” yaya ni Kellissa sa kaibigan.Malakas ang hiyawan ng mga tao kahit hindi pa nag-uumpisa ang laro.“Ang ganda ng seat na binigay sa’yo ni Cayden ha? Ayieee! Special talaga siya oh! Jo-jowain mo na?” sabi ni Zuri at sinundot pa yung tagiliran niya habang inaasar.“Sira. Wala pa sa isip kong mag-nobyo sa ngayon.” tanging naisagot ni Kellissa kahit pa may

    Last Updated : 2022-11-02
  • Glimpse of Loving You   Chapter 6

    Martes pa lang ng umaga pero hapong-hapo na agad ang pakiramdam ni Kellissa. Siksikan sa loob ng LRT at halos wala ng espasyo ang mga tao para kumilos sa loob ng tren. Napabuntong hininga ang dalaga. Wala naman kasi siyang magagawa dahil ito lang naman ang pwedeng masakyan niya papuntang eskwelahan. Kailangan niyang gumising ng alas tres ng madaling araw para makapag-handa ng almusal nilang magkakapatid at tulungan ang mga nakakatanda niyang kapatid na asikasuhin ang mga ito. Kailangan niya pa makaalis ng bahay ng alas singko dahil kung hindi, mahuhuli siya sa unang klase niya na 7:30 ng umaga ang umpisa. Pagkahinto pa lang ng tren sa U.N Avenue Station ay mabilis na nakipagsiksikan ang dalaga palabas dahil nasa bandang gitna pa siya ng mga kumpulan na tao. Patakbo na sana siya pababa ng hagdan nang biglang mag-ring ang lumang Nokia 3310 niyang cellphone. Kinuha agad niya iyon sa bulsa ng suot niyang palda at nagpatuloy ulit sa pagbaba ng hagdan. “Kellissa! Free cut daw tayo kasi

    Last Updated : 2022-11-03
  • Glimpse of Loving You   Chapter 7

    “Salamat sa paghatid, Cayden. Salamat ulit sa araw na ‘to.” nakangiting sabi ni Kellissa sa binata. “Ako ang dapat na magpasalamat sa’yo kasi pumayag ka pumunta sa bahay namin.” sabi ni Cayden habang malawak ang pagkakangiti. “Sige na, umuwi ka na sa inyo. Mag-iingat ka.” “Sigurado ka ba na hindi na kita ihahatid hanggang bahay ninyo?” “Oo, ayos na ako rito. Maglalakad lang din naman ako papasok sa looban atsaka malapit na lang din naman.” “Hintayin na lang kita makaalis para siguradong safe ka makakauwi sa inyo.” sabi ni Cayden kaya natawa ang dalaga. “Ayos lang talaga. Bata pa lang kami dito na naman na kami nakatira kaya halos lahat ng tao sa looban kilala ko na.” sagot ni Kellissa sa binata. “Ihahatid pa rin kita kahit hanggang tingin lang.” pangungulit ng binata kaya hinayaan na lang ni Kellissa. Kumaway na siya sa binata at tumalikod na para maglakad papasok ng looban. Nakangiting napahawak si Kellissa sa dibidib niya at hanggang ngayon ay rinig pa rin niya ang mga matata

    Last Updated : 2022-11-05
  • Glimpse of Loving You   Hedone

    No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author.This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.Content Warning. This story contains scenes that some readers may find disturbing. Intended for mature audiences only. Readers who may be sensitive to this kind of genre, please take note.Copyright © 2021 - 2022 by sachtychAll rights reserved.

    Last Updated : 2022-09-20

Latest chapter

  • Glimpse of Loving You   Chapter 1

    Bawat estudyante ay hindi mapigilang mapalingon nang dumaan ang isang dalaga sa kanilang harapan. Ang mahaba at tuwid nitong itim na itim na buhok na aabot sa kanyang beywang ay tila ba isinasayaw ng hangin. "Kelli!" napalingon ang dalaga sa likuran niya nang marinig ang pamilyar na boses ng kanyang kaibigan. "Zuri!" mabilis niyang nilapitan ang kaibigan at niyakap ito ng mahigpit. Halos dalawang linggo na din kasi noong huling nakita ng dalaga ang matalik na kaibigan. "Nakapag-enroll ka na ba? Mukhang dean's lister ka na naman this year ha?" nakangiting wika ni Zuri sa dalaga. "Kailangan eh, alam mo naman na kailangan kong maka-graduate para matulungan ko si Mama pati na din ang mga kapatid ko." sagot ni Kellissa habang naglalakad sa hallway kasabay ni Zuri. "Naku! Napakaswerte ng pamilya mo at mayroong Kellissa Elarque na nage-exist. Bilib din naman kasi ako dyan kay Tita. Biruin mo binubuhay kayong pitong magkakapatid. Ewan ko ba kasi dyan sa Tatay mong manloloko. Sakit sa bang

  • Glimpse of Loving You   Hedone

    No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author.This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.Content Warning. This story contains scenes that some readers may find disturbing. Intended for mature audiences only. Readers who may be sensitive to this kind of genre, please take note.Copyright © 2021 - 2022 by sachtychAll rights reserved.

DMCA.com Protection Status