Share

Chapter 3

Author: sachtych
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Pasukan na at halos hindi magkamayaw ang mga estudyante sa paghahanap ng mga silid nila para sa unang araw ng klase. Ang iba naman ay masayang nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan baon ang mga ginawa noong summer break.

Napalingon ang lahat at nagsimula ng mag-bulungan nang dumaan ang mga varsity players. Ang iba naman ay impit na napapatili habang tinitignan ang mga grupo ng kalalakihan.

"Cayden, hindi kaya mabali iyang ulo mo sa kakahagilap kay Kellissa. Baka naman kasi wala pa o kaya nasa building na ng department nila." asar ng isa sa mga ka-teammate ni Cayden kaya sinamaan ng tingin ng binata ang kaibigan.

"Siraulo!" singhal na saad ng binata kaya nagsi-tawanan at nag-apiran ang mga kasama niya.

"Captain! Ayun na si Kellissa na love of your life oh! Kasama si Zuri!"

Napalingon naman agad ang binata sa tinuturo ng kaibigan niya kaya agad siyang napasulyap sa kabilang parte ng corridor. Ganoon na lang ang pag-talon ng puso ni Cayden nang masilayan ang dalaga na nakangiting nakikipag-kwentuhan sa kaibigan nitong si Zuri.

Mabilis ang mga naging hakbang niya at nilapitan ang dalaga. Rinig naman ang impit na pagtili ng iba dahil sa nasasaksihan na eksena.

"Hi, Kellissa." nakangiting bati niya sa dalaga na agad din naman sinuklian ni Kellissa ng matamis na ngiti.

"Hello, Cayden. Kumusta?"

Para naman sinisilihan ang tiyan ng binata at nahihiyang napakamot sa batok.

"Ayos lang. Ikaw, kumusta na? Hindi kita nakikita sa inyo nitong nakaraang linggo." sabi ng binata at napansin niya ang pag-pula ng pisngi ng dalaga.

"Busy kasi ako sa pagtulong kay Mama sa mga trabaho atsaka sa pagba-bantay sa mga kapatid ko. Bakit ka nga pala nadaan sa bahay? May kailangan ka ba?" tanong ng dalaga kay Cayden.

"Wala naman... Ano kasi..." hindi malaman ni Cayden kung saan sisimulan ang sasabihin dahil nahihiya siyang aminin ka Kellissa na nadadaan lang naman siya sa bahay nito para lang masilayan siya.

"Kellissa, gusto kang yayain ni Captain ng date." singit ng kaibigan ni Cayden na si Mariano kaya nag-hiyawan ang mga kasama nila.

Inalog naman ni Zuri si Kellissa sa sobrang kilig kaya lalong namula ang mukha ng dalaga sa sobrang hiya. Ramdam din niya ang pagkabog ng dibdib niya ng dahil doon.

Alam niyang hindi na lang simpleng atraksyon ang nararamdaman niya para sa lalaki ngunit kailangan niya pa rin pigilan iyon. Mas gusto ng dalaga na mag-pokus sa pag-aaral dahil desidido siyang makatulong sa ina at mga kapatid.

"Kellissa, pwede ba kita mayaya sa bayan bukas? Kung pwede ka sana." tanong sa kanya ni Cayden at halos nakatingin na sa kanila lahat ng mga estudyante.

Hindi alam ng dalaga kung anong gagawin dahil para siyang natuod sa kinatatayuan. Matagal ng nanliligaw ang binata ngunit kahit kailan ay hindi niya pinaunlakan itong i-date siya.

Masama ba kung papayag siyang buksan ang puso para sa binata? Napatingin si Kellissa sa mga mata ni Cayden at kita niya ang pilit na ngiti nito.

"Ayos lang kung busy ka at hindi ka pa pwede ma-"

"Pwede naman ako sa Biyernes ng hapon. Ayos lang ba sa iyo?" putol niya sa sasabihin ng binata kaya lalong lumakas ang tudyo ng mga kaibigan ng dalawa.

Lumawak naman ang ngiti ni Cayden at kulang na lang ay mapatalon ang binata sa tuwa.

"Mauna na kami ni Zuri ha? Baka kasi mahuli kami sa klase." wika ni Kellissa habang nakapaskil ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Sige. Ingat kayo." sabi nito na parang lutang pa rin kaya natawa ang dalaga sa itsura at inaasta ng binata.

"Ingat din." nakangiting saad niya at hinatak na ang kaibigang si Zuri paalis doon.

"OMG! Friend! Magkaka-boyfriend ka na! Finally! Matutuloy na ang love story ng favorite love team sa campus!" impit na tili ni Zuri kaya sinaway agad siya ni Kellissa.

"Adik! Pumayag lang makipag-date, boyfriend na agad? Hindi ba sinabi ko na sa iyo na wala pa akong balak mag-nobyo dahil baka maapektuhan ang scholarship ko. Ayaw ko naman umasa sa ama namin at baka maisumbat lang sa amin ng kabit niya." nakangiwing wika ni Kellissa kaya napahalukipkip si Zuri habang papanhik sila sa unang klase nila.

"Hello! Iyong madrasta mo na tatlong guhit ang kapal ng kilay, dapat sa kanya sinasabunutan at ng maalog naman ang utak! Ang yabang-yabang porket mas may kaya kaysa kay Tita eh naging kabit lang naman. Hmp."  asik ng kaibigan kaya napakibit-balikat na lang si Kellissa.

"Wala naman akong magagawa, Zuri. Masyado rin mabait si Mama kaya kinakaya-kaya lang siya ni Uriella pati na din ng pamilya ni Papa." malungkot na sabi ng dalaga sa kaibigan.

"Hay! Hayaan mo silang mabulok sa impyerno at may araw din ang mga taong iyan. Akala mo mga pinagpala, mga batak lang naman sa botoks."

Natawa na lang si Kellissa habang papasok sila ni Zuri sa room. Binati naman sila agad ng mga ka-block nila nang makita sila. Ang mga kalalakihan naman ay halata ang admirasyon para sa magkaibigan.

Bukod kasi sa parehong maganda sina Zuri at Kellissa, sikat din ang dalawang dalaga sa campus. Si Zuri ay madalas na ume-ekstra sa mga commercial at pelikula samantalang si Kellissa naman ay laging ipinambabato sa mga academic competition sa iba't ibang unibersidad at national competition.

"Kelli, samahan mo naman ako mamaya. Kailangan ko bumili ng bagong damit para sa commercial na in-offer sa akin. Libre ko na pagkain at pamasahe mo, please?" nagpapa-cute pa si Zuri kaya natawa na si Kellissa.

"Oo na. Para naman hahayaan mo akong makatanggi." nakangiting sagot ni Kellissa kaya niyakap siya ni Zuri sa braso at nag-lambing.

"Syempre! Hindi mo ko matitiis eh. Kaya love na love kita! Tayo na lang kaya ang mag-jowa?" tinaas baba pa ni Zuri ang kilay kaya napahagikgik si Kellissa.

"Alam kong pretty ka pero hindi tayo talo, Zuri. Hindi ka mabubuhay ng wala kang bagong crush na lalaki sa campus." biro ni Kellissa kaya napanguso si Zuri.

"Guilty naman talaga ako sa madami akong crush. Girl! Paano ba naman kasi! Ang dami naman na cutie sa paligid pero ikaw hindi mo napapansin. Buti na lang biniyayaan ako ni Papa Lord na i-appreciate lahat ng ginawa niyang lalaki na cutie." natatawang sabi ni Zuri kaya pareho silang natawa na magkaibigan.

Ilang saglit pa ay dumating na ang professor nila at isa-isa na silang tinawag para sa attendance. Nang matapos ang kanilang mga klase sa buong araw ay sinamahan ni Kellissa ang kaibigang si Zuri sa mall.

Pagkatapos nilang makapag-ikot ay inabot na sila ng alas otso ng gabi bago makauwi. Nang makarating sila sa kanto ay nag-hiwalay na sila at nauna ng dumiretso si Kellissa sa lugar nila dahil may dadaanan pa ang kaibigan nitong si Zuri.

Nang makarating sa bahay ay rinig niya na nagtatalo ang ina at ama sa sala habang ang mga kapatid naman niya ay wala pati na din ang bunsong kapatid.

"Ang kapal ng mukha mo Rio! Sa loob ng ilang taon na panloloko mo sa akin, ikaw pa ang may ganang magalit?! Bakit hindi iyong kabit mo ang pagsabihan mo? Bakit niya kailangan saktan ang anak ko?! Siya ba ang nag-ire at nagpalaki ha? Ang kapal ng mukha niyo!" galit na sigaw ng ina ni Kellissa kaya napalapit siya sa pwesto ng mga magulang niya.

Hinawakan ng dalaga sa beywang ang ina habang nilalayo sa ama niya.

"Si Kendy ang may mali! Bakit hindi mo kaya disiplinahin ang mga anak natin ng maayos nang hindi lumalaking sutil?! Palibhasa ay laging naba-barkada ang anak mo na iyon kaya nagiging ganoon ang ugali!" sigaw naman ng ama niya kaya nakakaramdam na ng unti-unting galit sa puso ang dalaga.

Gusto man niyang sagutin ang ama at ipamukha dito ang mga kasalanan nito, hindi niya magawa dahil sa natitirang respeto niya para rito. Gusto niya man sumbatan at saktan ang ama pero hindi niya kaya dahil isa siyang duwag.

"Gago! Isinisi mo pa sa anak ko ang pagiging matapobre ng kabit mo! Manang-mana sa mga magulang mo! Lumayas ka na dito bago ko pa ibato sa'yo ang kaldero!" galit na sigaw ng ina ni Kellissa.

"Talagang aalis ako! P*****a!" sigaw pabalik ng ama ni Kellissa at sinipa pa nito ang nadaanan na mga punda sa gilid.

Napahigpit naman ang yakap ng dalaga sa ina nang maramdaman ang panginginig nito sa galit.

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin na pumunta pala kayo noong nakaraan sa Papa mo?" mahinang tanong ng ina bago kumawala sa yakap niya.

Napakagat naman sa labi si Kellissa at hindi gusto ang tinutumbok ng ina. Nanatili lang siya na nakayuko at walang sinabi.

"Hindi ba sinabi ko sa inyo, kung hanggang maaari ilayo niyo ang sarili niyo kay Gio at Uriella? Tignan niyo at pinag-iinitan na naman kayo lalo na si Kendy!" gigil na wika ng ina bago nanghihinang napaupo sa mono block na upuan.

"Sorry po, Mama." tanging nai-usal ng dalaga. Napabuntong hininga naman ang ginang at hinawakan ang kamay ng anak.

"Sa susunod na kantiin ulit kayo ni Uriella, sabihin niyo sa akin. Hindi iyong kayo ng gagawa ng paraan. Paano kung saktan kayo ng wala ako?" naging malumanay ang boses ng mama ni Kellissa kaya nakaramdam ang dalaga ng pagkirot sa puso niya.

"Bakit sila pa ang may ganang magalit kung sila naman ang may mali? Ma, hanggang kailan ba tayo magpapaapi sa kanila?" tanong ng dalaga at ramdam niya ang paglukob ng pait at sakit sa puso niya.

Tumayo ang ginang para yakapin ang anak. Hindi nito mapigilan ang pangilidan ng luha sa nakikitang sakit sa mga mata ng anak.

"Pasensya na, anak. Pasensya na kasi hindi ko kaya nabigyan ng maayos na buhay at kumpletong pamilya. Patawarin niyo si Mama kung minsan ay nagiging mahina ako." usal ng ina kaya hindi na napigilan ni Kellissa ang mapahagulgol sa bisig ng ina.

Kaugnay na kabanata

  • Glimpse of Loving You   Chapter 4

    Hating gabi na ngunit abala pa rin si Kellissa sa paghahanap ng masusuot para sa tipanan nila ni Cayden bukas ng hapon.“Ate, hindi ka pa ba matutulog? Maaga pa pasok natin bukas.” sabi ni Kara sa inaantok na boses.Napatingin si Kellissa sa kapatid at tipid itong nginitian. Hindi kasi makatulog ang mga kapatid niya kapag nakabukas pa ang ilaw sa kwarto.“Matutulog na rin ako. May inaayos lang ako rito.” sagot niya sa kapatid habang isinasabit ang isang lumang puting bestida sa hanger.“Wash day niyo po bukas diba? Himala at hindi ka po naka-leggings.” puna naman sa kanya ng kapatid na si Kendy.Napakagat ang dalaga sa ibabang labi niya at nag-isip ng ibang dahilan. Hindi niya kasi alam kung paano sasabihin na may nanliligaw sa kanya.“Ah, may raket kasi si Zuri. Sasamahan ko siya bukas baka sakali rin makahanap ako ng ibang mapagkakakitaan doon. “ pagsisinungaling niya gawa ng hiya at takot na malaman ng kanilang magulang.Kahit pa marami ang nanligaw at nag-punta sa bahay nila, tang

  • Glimpse of Loving You   Chapter 5

    Sa labas pa lang ng coliseum ay rinig na ang malakas na hiyawan ng mga taong manonood ng UAAP basketball tournament. May mga dalang tarpualin at mga LED board ang iba habang isinisigaw ang pangalan ng mga manlalaro.“Ang dami pala talagang tao. Atsaka girl! Ang daming gwapo na galing ng ibang university! OMG! Baka magkakaroon na ako ng majo-jowa!” kinikilig na sabi ni Zuri kay Kellissa.Napailing na lang ang dalaga sa sinabi ng kaibigan. Alam niya kasing hanggang salita lang naman si Zuri pero kapag may lumalapit naman na lalaki para pumorma, nagtatago naman sa likod niya o hindi naman kaya ay tatakbo papalayo.“Tara na pumasok na tayo.” yaya ni Kellissa sa kaibigan.Malakas ang hiyawan ng mga tao kahit hindi pa nag-uumpisa ang laro.“Ang ganda ng seat na binigay sa’yo ni Cayden ha? Ayieee! Special talaga siya oh! Jo-jowain mo na?” sabi ni Zuri at sinundot pa yung tagiliran niya habang inaasar.“Sira. Wala pa sa isip kong mag-nobyo sa ngayon.” tanging naisagot ni Kellissa kahit pa may

  • Glimpse of Loving You   Chapter 6

    Martes pa lang ng umaga pero hapong-hapo na agad ang pakiramdam ni Kellissa. Siksikan sa loob ng LRT at halos wala ng espasyo ang mga tao para kumilos sa loob ng tren. Napabuntong hininga ang dalaga. Wala naman kasi siyang magagawa dahil ito lang naman ang pwedeng masakyan niya papuntang eskwelahan. Kailangan niyang gumising ng alas tres ng madaling araw para makapag-handa ng almusal nilang magkakapatid at tulungan ang mga nakakatanda niyang kapatid na asikasuhin ang mga ito. Kailangan niya pa makaalis ng bahay ng alas singko dahil kung hindi, mahuhuli siya sa unang klase niya na 7:30 ng umaga ang umpisa. Pagkahinto pa lang ng tren sa U.N Avenue Station ay mabilis na nakipagsiksikan ang dalaga palabas dahil nasa bandang gitna pa siya ng mga kumpulan na tao. Patakbo na sana siya pababa ng hagdan nang biglang mag-ring ang lumang Nokia 3310 niyang cellphone. Kinuha agad niya iyon sa bulsa ng suot niyang palda at nagpatuloy ulit sa pagbaba ng hagdan. “Kellissa! Free cut daw tayo kasi

  • Glimpse of Loving You   Chapter 7

    “Salamat sa paghatid, Cayden. Salamat ulit sa araw na ‘to.” nakangiting sabi ni Kellissa sa binata. “Ako ang dapat na magpasalamat sa’yo kasi pumayag ka pumunta sa bahay namin.” sabi ni Cayden habang malawak ang pagkakangiti. “Sige na, umuwi ka na sa inyo. Mag-iingat ka.” “Sigurado ka ba na hindi na kita ihahatid hanggang bahay ninyo?” “Oo, ayos na ako rito. Maglalakad lang din naman ako papasok sa looban atsaka malapit na lang din naman.” “Hintayin na lang kita makaalis para siguradong safe ka makakauwi sa inyo.” sabi ni Cayden kaya natawa ang dalaga. “Ayos lang talaga. Bata pa lang kami dito na naman na kami nakatira kaya halos lahat ng tao sa looban kilala ko na.” sagot ni Kellissa sa binata. “Ihahatid pa rin kita kahit hanggang tingin lang.” pangungulit ng binata kaya hinayaan na lang ni Kellissa. Kumaway na siya sa binata at tumalikod na para maglakad papasok ng looban. Nakangiting napahawak si Kellissa sa dibidib niya at hanggang ngayon ay rinig pa rin niya ang mga matata

  • Glimpse of Loving You   Hedone

    No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author.This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.Content Warning. This story contains scenes that some readers may find disturbing. Intended for mature audiences only. Readers who may be sensitive to this kind of genre, please take note.Copyright © 2021 - 2022 by sachtychAll rights reserved.

  • Glimpse of Loving You   Chapter 1

    Bawat estudyante ay hindi mapigilang mapalingon nang dumaan ang isang dalaga sa kanilang harapan. Ang mahaba at tuwid nitong itim na itim na buhok na aabot sa kanyang beywang ay tila ba isinasayaw ng hangin. "Kelli!" napalingon ang dalaga sa likuran niya nang marinig ang pamilyar na boses ng kanyang kaibigan. "Zuri!" mabilis niyang nilapitan ang kaibigan at niyakap ito ng mahigpit. Halos dalawang linggo na din kasi noong huling nakita ng dalaga ang matalik na kaibigan. "Nakapag-enroll ka na ba? Mukhang dean's lister ka na naman this year ha?" nakangiting wika ni Zuri sa dalaga. "Kailangan eh, alam mo naman na kailangan kong maka-graduate para matulungan ko si Mama pati na din ang mga kapatid ko." sagot ni Kellissa habang naglalakad sa hallway kasabay ni Zuri. "Naku! Napakaswerte ng pamilya mo at mayroong Kellissa Elarque na nage-exist. Bilib din naman kasi ako dyan kay Tita. Biruin mo binubuhay kayong pitong magkakapatid. Ewan ko ba kasi dyan sa Tatay mong manloloko. Sakit sa bang

  • Glimpse of Loving You   Chapter 2

    Madaling araw pa lang ay nakagayak na ang magkakapatid sa pamilya ng mga Elarque. Ang mga nakaba-batang kapatid ni Kellissa ay papasok na sa eskwelahan samantalang ang dalawa niyang nakata-tandang kapatid ay papasok na ng trabaho. Ang dalaga naman ay maagang gumigising para tulungan ang kanyang ina sa mga labada sa ilan nilang costumer sa lugar tutal ay hindi pa naman nag-uumpisa ang klase niya sa kolehiyo. "Ma, akin na po iyang mga labahin ninyo. Ako na po ang maglalaba ng mga iyan para po matapos na po kayo sa mga panahi. Baka kailanganin na po iyan eh." wika ng dalaga kaya napangiti ang kanyang ina. "Sige, anak. Salamat." usal ng kanyang ina bago dumiretso papasok ng bahay. "Kelli." napatingin ang dalaga sa panganay nilang kapatid nang lumapit ito sa kanya. "Oh, Ate Kari. Bakit po? Hindi pa po kayo nakakaalis?" tanong niya rito habang pinaghi-hiwalay ang mga damit na de-kolor sa puti. Nakita niya ang pag-aalangan ng kapatid niya nang sulyapan niya ito kung kaya't napatigil siy

Pinakabagong kabanata

  • Glimpse of Loving You   Chapter 3

    Pasukan na at halos hindi magkamayaw ang mga estudyante sa paghahanap ng mga silid nila para sa unang araw ng klase. Ang iba naman ay masayang nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan baon ang mga ginawa noong summer break. Napalingon ang lahat at nagsimula ng mag-bulungan nang dumaan ang mga varsity players. Ang iba naman ay impit na napapatili habang tinitignan ang mga grupo ng kalalakihan. "Cayden, hindi kaya mabali iyang ulo mo sa kakahagilap kay Kellissa. Baka naman kasi wala pa o kaya nasa building na ng department nila." asar ng isa sa mga ka-teammate ni Cayden kaya sinamaan ng tingin ng binata ang kaibigan. "Siraulo!" singhal na saad ng binata kaya nagsi-tawanan at nag-apiran ang mga kasama niya. "Captain! Ayun na si Kellissa na love of your life oh! Kasama si Zuri!" Napalingon naman agad ang binata sa tinuturo ng kaibigan niya kaya agad siyang napasulyap sa kabilang parte ng corridor. Ganoon na lang ang pag-talon ng puso ni Cayden nang masilayan ang dalaga na nakangiting nakik

  • Glimpse of Loving You   Chapter 2

    Madaling araw pa lang ay nakagayak na ang magkakapatid sa pamilya ng mga Elarque. Ang mga nakaba-batang kapatid ni Kellissa ay papasok na sa eskwelahan samantalang ang dalawa niyang nakata-tandang kapatid ay papasok na ng trabaho. Ang dalaga naman ay maagang gumigising para tulungan ang kanyang ina sa mga labada sa ilan nilang costumer sa lugar tutal ay hindi pa naman nag-uumpisa ang klase niya sa kolehiyo. "Ma, akin na po iyang mga labahin ninyo. Ako na po ang maglalaba ng mga iyan para po matapos na po kayo sa mga panahi. Baka kailanganin na po iyan eh." wika ng dalaga kaya napangiti ang kanyang ina. "Sige, anak. Salamat." usal ng kanyang ina bago dumiretso papasok ng bahay. "Kelli." napatingin ang dalaga sa panganay nilang kapatid nang lumapit ito sa kanya. "Oh, Ate Kari. Bakit po? Hindi pa po kayo nakakaalis?" tanong niya rito habang pinaghi-hiwalay ang mga damit na de-kolor sa puti. Nakita niya ang pag-aalangan ng kapatid niya nang sulyapan niya ito kung kaya't napatigil siy

  • Glimpse of Loving You   Chapter 1

    Bawat estudyante ay hindi mapigilang mapalingon nang dumaan ang isang dalaga sa kanilang harapan. Ang mahaba at tuwid nitong itim na itim na buhok na aabot sa kanyang beywang ay tila ba isinasayaw ng hangin. "Kelli!" napalingon ang dalaga sa likuran niya nang marinig ang pamilyar na boses ng kanyang kaibigan. "Zuri!" mabilis niyang nilapitan ang kaibigan at niyakap ito ng mahigpit. Halos dalawang linggo na din kasi noong huling nakita ng dalaga ang matalik na kaibigan. "Nakapag-enroll ka na ba? Mukhang dean's lister ka na naman this year ha?" nakangiting wika ni Zuri sa dalaga. "Kailangan eh, alam mo naman na kailangan kong maka-graduate para matulungan ko si Mama pati na din ang mga kapatid ko." sagot ni Kellissa habang naglalakad sa hallway kasabay ni Zuri. "Naku! Napakaswerte ng pamilya mo at mayroong Kellissa Elarque na nage-exist. Bilib din naman kasi ako dyan kay Tita. Biruin mo binubuhay kayong pitong magkakapatid. Ewan ko ba kasi dyan sa Tatay mong manloloko. Sakit sa bang

  • Glimpse of Loving You   Hedone

    No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author.This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.Content Warning. This story contains scenes that some readers may find disturbing. Intended for mature audiences only. Readers who may be sensitive to this kind of genre, please take note.Copyright © 2021 - 2022 by sachtychAll rights reserved.

DMCA.com Protection Status