Madaling araw pa lang ay nakagayak na ang magkakapatid sa pamilya ng mga Elarque. Ang mga nakaba-batang kapatid ni Kellissa ay papasok na sa eskwelahan samantalang ang dalawa niyang nakata-tandang kapatid ay papasok na ng trabaho.
Ang dalaga naman ay maagang gumigising para tulungan ang kanyang ina sa mga labada sa ilan nilang costumer sa lugar tutal ay hindi pa naman nag-uumpisa ang klase niya sa kolehiyo.
"Ma, akin na po iyang mga labahin ninyo. Ako na po ang maglalaba ng mga iyan para po matapos na po kayo sa mga panahi. Baka kailanganin na po iyan eh." wika ng dalaga kaya napangiti ang kanyang ina.
"Sige, anak. Salamat." usal ng kanyang ina bago dumiretso papasok ng bahay.
"Kelli." napatingin ang dalaga sa panganay nilang kapatid nang lumapit ito sa kanya.
"Oh, Ate Kari. Bakit po? Hindi pa po kayo nakakaalis?" tanong niya rito habang pinaghi-hiwalay ang mga damit na de-kolor sa puti.
Nakita niya ang pag-aalangan ng kapatid niya nang sulyapan niya ito kung kaya't napatigil siya sa ginagawa.
"May gusto sana akong sabihin sa iyo. Hinihiling ko na sana isikreto muna natin ito sa pagitan nating dalawa."
Nakita ni Kellissa ang pangingilid ng luha ng kanyang kapatid kaya hindi niya maiwasang mag-alala para rito. Hinatak siya ni Kari sa may likod ng kanilang bahay at mahigpit na hinawakan ang mga kamay niya.
"Patawarin mo si Ate." humagulgol na ang kapatid niya at halos madurog ang puso niya sa nasaksihan.
"Ate bakit po kayo humihingi ng tawad? Ano po ba ang nangyayari?"
"Kellissa, buntis ako."
Parang bomba iyon na pinasabog sa harap niya at ramdam niya ang kaba para sa kanyang kapatid. Panigurado ay hindi ito magugustuhan ng ina lalo pa at kapos na sila ngayon pa lang.
Niyakap niya ng mahigpit ang Ate Karissa niya at hindi na din niya napigilan pa ang umiyak.
"Nasabi mo na ba kay Kuya Ylak?" tanong niya sa kapatid habang hinahagod ang likod nito.
"Hindi pa pero alam ko naman na hindi din naman ito matatanggap ng pamilya niya. Ayaw nga nila ko para sa anak nila kasi mahirap lang tayo diba?" lalong lumakas ang pag-iyak ng kapatid niya kaya agad niya itong inalo dahil baka marinig sila ng kanyang ina.
Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa at patuloy lang na hinahagod ni Kellissa ang likod ng kapatid.
Ilang sandali lang ay lumayo na sa kanya ang Ate niya at pinunasan ang mga luha sa pisngi nito. Kita ng dalaga ang bigat na pinapasan ng kapatid at hindi niya maiwasang maawa rito.
"Ano na ngayon ang balak mo, Ate?"
"Hindi ko pa alam, Kelli. Gusto ko lang talaga ng masasabihan nito at ikaw agad ang pumasok sa isip ko. Ipangako mo na walang makakaalam nito ha? Hindi pa ako handa na sabihin sa lahat lalo na kay Papa. Tiyak na magagalit iyon."
"Opo, Ate. Gusto mo ba na samahan kita magpatingin sa ob-gyne?" tanong ng dalaga sa nakakatandang kapatid ngunit tipid lang itong ngumiti at umiling.
"Mauuna na ako, Kelli. Pakatandaan mo ha? Sikreto lang muna natin ito. Ako na ang bahalang magsabi sa kanila kapag nagkaroon na ako ng lakas ng loob." paalala ni Karissa sa dalaga.
Nang makaalis na ang nakatatandang kapatid ay halos nanlulumo na napaupo si Kellisa sa maliit na upuang panlaba.
Hindi humuhupa ang gulat at lungkot niya sa mga oras na iyon. Mahirap kasi ang buhay nila at kung may bagong sanggol na naman sa pamilya nila ay paniguradong ikagugulo lang iyon ng lahat.
At isa pa, kilala nila ang ama. Masyadong mahigpit ito sa kanilang mga magkakapatid na babae. Iniisip kasi nito na hindi tama sa mata ng lipunan na magdalang tao ang isang babae ng hindi pa ikinakasal.
Minsan ay naiisip niya. Hindi ba masyado iyong hindi makatarungan? Ang mga babae ay isang beses sa isang taon lang manganak ngunit ang mga lalaki ay kayang makabuntis ng marami sa isang taon.
Ang masaklap pa dito ay ang mga babae ang nahihirapan mag-silang ng bata ngunit parang mas pinapaboran pa ng lipunan ang mga kalalakihan.
Kapag nabuntis at iniwan ng mga lalaki ang mga kasintahan nila, babae ang lalabas na pakawala at pabaya. Samantalang nakakawala naman ang mga lalaki sa responsibilidad nila at inaatang lahat iyon sa mga babae.
Napailing na lang siya at napabuntong hininga. Itinuloy ni Kellissa ang paglalaba samantalang ang mama naman niya ay abala na sa pagluluto ng mga ilalakong bananaque at kamote mamayang meryenda.
Magtatanghalian na ng matapos ang dalaga sa ginagawa at halos hirap na siyang iunat ang katawan niya sa sobrang pagod.
"Kellissa, tara na rito at mananghalian na tayo. Oo nga pala, ikaw muna ang bahala kay Kenna ha? Kailangan kong puntahan ang Tiya Flora mo sa condo niya dahil may ipapagawa daw siya sa akin. Sayang din iyon, dagdag kita." sabi ng ina habang naglalapag ng mga pinggan sa hapag.
Nakaramdam ang dalaga ng pait sa kanyang lalamunan nang banggitin nito ang kapatid. Hindi niya kasi maiwasang sumama ang loob sa mga kapatid ng kanyang ina.
Kahit naman kasi kapos ang pamilya niya sa pera ay nagagawa pa din tumulong ng ina sa mga iba nitong kapatid samantalang ang Tiya Flora niya ay kulang na lang humiga sa kaban ng yaman nito.
Ang nakakatandang kapatid kasi ng mama ni Kellissa ang tanging nakapagtapos sa kanila ngunit iniatang lahat ng hirap at responsibilidad sa mama niya bilang pangalawang panganay. Nakapangasawa din ang Tiya niya ng isang mayamang negosyante ngunit lagi lang silang minamata ng mga ito.
Hindi naman sa gusto niyang makatanggap ang ina ng tulong sa mga ito pero ang alilain palagi ang ina ay hindi na ata makatarungan. Kulang na lang ay gawin nilang katulong ang mama niya dahil alam din nilang nangangailangan sila ng pera.
Madalas pa ay naririnig niyang pinagsasalitaan ng Tiya Flora niya ang mama niya ngunit hindi niya narinig ang mama niya na lumaban ni minsan.
"Kanina ka pa busangot diyan. Hindi maganda na ganyan ang itsura mo sa harap ng hapag. Mamalasin tayo lalo niyan." sita sa kanya ng ina kaya pinilit niyang umayos.
"Pagkatapos mo riyan ay magpahinga ka muna bago ka maligo. Mamaya ay mapasma ka kung maliligo ka agad. Pagdating ng mga kapatid mo, paki-asikaso din muna habang wala ako." bilin ng mamaya niya habang sinusubuan ang nakababatang kapatid.
"Opo, Ma. Ako na po ang bahal sa kanila." sagot ng dalaga sa ina bago sumubo ng pagkain.
"Pasensya ka na, Ke. Alam kong nahihirapan ka na dahil mas nagiging mabigat ang responsibilidad mo sa mga kapatid mo simula ng magtrabaho ang Ate Karissa at Kuya Karlo mo." malungkot na saad ng ina ni Kellissa kaya parang may naramdaman siyang kirot sa puso niya.
"Ayos lang po ako, Ma. Kung kaya ko naman po makatulong, gagawin ko. Isa pa, wala pa ito sa kalahati ng ginagawa mo para sa amin."
Nakita ni Kellissa ang pangingilid ng luha ng ina ngunit agad din nag-iwas ng tingin ang ginang sa kanya.
"Kahit na. Hindi bale at kapag nakapag-ipon ako ay dadalhin ko kayo sa pasyalan." sabi ng ginang kaya napangiti si Kellissa.
Pagkatapos nilang mananghalian ay naghugas na ang kanyang ina samantalang binantayan naman niya ang nakababatang kapatid at nakipaglaro rito.
Napatitig siya sa kapatid at hindi maiwasang mapangiti ng malungkot. Ito lang kasi ang natatanging iba ang ama sa aming pitong magkakapatid.
Simula kasi ng iwan sila ng ama para sumama sa ex-girlfriend nito ay naiwan na lahat ng responsibilidad sa mama niya ng mag-isa. Kahit pa sabihin na nagpapadala ang ama ay napakaliit pa din nito at hindi sasapat sa kanilang magkakapatid.
Isang araw nang lumipat sila sa lugar na ito, nakilala nila si Tiyo Greo. Madalas tulungan ng lalaki ang mama ni Kellissa hanggang nalaman na lang niya na may gusto pala ito sa ina.
Makalipas ang ilang buwan ay nakita niya na naging malapit ang mga ito sa isa't isa hanggang dumating ang araw na nagbuntis ang mama niya.
Nagalit ang ama niya at nagkagulo pa noon. Umiiyak lang ang magkakapatid ng mga panahon na iyon at walang magawa habang nagpapambuno ang dalawang lalaki.
Muntik pa na makunan ang ina ng dalaga, buti na lang ay naisugod din sa ospital at sinagot iyon lahat ng binata.
Simula noon ay naging malayo na ang loob ni Kellissa sa ama at hindi niya matanggap na ang ama pa mismo ang may gana na magalit samantalang ito naman ang nang-iwan.
Malaki ang utang na loob ng pamilya nila kay Greo dahil sa mga tinulong nito. Ngunit isang araw, nalaman nilang pinalayo na ng mama nila ang lalaki. Nakita pa nila noon umiiyak ang lalaki sa labas ng bahay nila hanggang isang araw nabalitaan nila na umalis na pala ito at nag-ibang bansa na.
"Ate Kellissa!" napalingon ang dalaga sa pintuan at nakita roon ang mga kapatid na dire-diretsong pumasok at nilaro ang bunsong kapatid.
"Kumusta ang paborito kong kapatid?" magiliw na wika ni Kara habang inaaliw ang kapatid.
"Kumain na kayo at nasa lamesa ang ulam. Kakaalis lang din ni Mama at pinuntahan si Tiya Flora kaya mamaya ay kayo lang muna ang maglalako."
"Opo, Ate." sagot ng kapatid nitong si Kristian habang tinatanggal ang sapatos.
"Nasaan ang Ate Kendy niyo?" tanong ng dalaga sa mga kapatid.
"Pinapunta ng magaling nating madrasta sa kanila. May iuutos daw. Naku! Alam mo ba, Ate. Laging pinagdidiskitahan ng bruha na iyon si Ate Kendy! Hindi ako magtataka kung isang araw maubos ang pasensya ni Ate at patulan na ang isang iyon." saad ni Kara kaya napakunot ang noo ni Kellissa.
"Maliligo lang ako at susundan ko si Kendy doon." mabilis ang naging kilos ng dalaga at nang matapos ay agad siyang umalis.
Pumara siya ng jeep at kunot noo pa rin habang nasa biyahe. Nang makarating ang dalaga sa bungad ng compound ay mabilis ang mga naging hakbang niya hanggang nakarating siya sa tapat ng malaking bahay ng ama kung saan ibinabahay ang kabit nito.
Nasa labas pa lang ay nakarinig na si Kellisa ng sigawan sa loob ng bahay kaya walang pasubaling pumasok siya. Ganoon na lang ang galit na lumukob sa dalaga nang makita ang kapatid na umiiyak habang nakasadlak sa sahig samantalang ang madrasta naman nila at ang ampon nito ay nasa harapan lang ng kapatid.
Akmang hahampasin muli ng madrasta ang kapatid kung kaya't napasigaw agad ang dalaga at lumapit sa gawi ng mga ito.
"Walang hiya ka!" sigaw ni Kellissa at agad na itinulak ang madrasta niya.
Itinayo niya ang kapatid na si Kendy at ipinwesto sa likod niya.
"Ang kapal naman ng mukha mong saktan ang kapatid ko?! Baka nakakalimutan mo na hindi ikaw ang ina namin kaya wala kang karapatan na pagbuhatan ng kamay ang kahit sino sa mga kapatid ko!" mariin na singhal ni Kellissa.
Napaismid ang madrasta ng dalaga at dinuro ang kapatid na nasa likod niya.
"At bakit hindi ako magagalit?! Walang delikadeza iyang kapatid mo at sinaktan pa talaga itong si Janet! Ganyan ba kayo palakihin ng nanay niyo?" mapang-uyam na saad ng babae kaya naputol na ang pisi ni Kellissa.
"Kung meron man tao ang walang delikadeza rito, ikaw iyon! Alam mong pamilyadong tao na ang papa ko pero nakiapid ka pa rin at ipinalalandakan ang pera niya sa mukha ng pamilya namin! Huwag mo rin maisali dito ang nanay ko dahil maayos ang pagpapalaki niya sa amin! Baka iyang santa santita mong anak-anakan ang dapat mong pagsabihan sa ugaling kalsada niya!" maanghang na pahayag ni Kellissa na nagpalaki sa mata ng kanyang madrasta.
"Matabil talaga iyang dila mo! Isusumbong kita sa papa mo!" hysterikal na wika ng ginang pero tinaasan lang siya ng kilay ni Kellissa.
"Isumbong mo para magkaalaman na tayo! Namumuro ka na! Noong nakaraan pinagbintangan mo si Kendy na magnanakaw kahit na-misplace mo lang pala iyong hikaw mo! Sinong binugbog ni Papa? Ang kapatid ko! Pinalampas namin iyon peron ngayon hindi ko papalagpasin ito! Masyado kang abusado eh sampid ka lang naman!" galit na sigaw ng dalaga at hindi na magawang ipreno ang bibig sa sobrang galit.
Akmang sasampalin siya ng madrasta nang hulihin niya ang braso nito.
"Huwag mong hintayin na pilitin ko si Mama na magsampa ng kaso sa inyo ni Papa. Baka nakakalimutan mo, si Mama pa rin ang legal na asawa at ikaw," binitawan niya ng pabalang ang braso nito at nginisian.
"mananatili ka pa rin na kabit habang buhay. Malaman ko lang talaga na kakantiin mo ulit ang pamilya ko, ako ang makakalaban mo." mariing wika niya at hinatak na ang kapatid paalis sa lugar na iyon.
"Pasensya na, Ate. Nadamay ka pa. Kung alam ko lang na mangyayari iyon sana pala hindi na lang ako pumunta." malungkot na wika ni Kendy sa nakatatandang kapatid.
"Hindi ka dapat humingi ng dispensa. Dapat iyong babae na iyon. Habang tumatagal, humahaba ang sungay niya at hindi talaga titigilan ang pamilya natin hanggang hindi humihinto si Papa sa pag-sustento sa atin." saad ni Kellissa habang inaayos ang nagulong buhok ng kapatid.
Napaiyak si Kendy at napayakap ng mahigpit kay Kellissa.
"Ate, nakakapagod na. Habang tumatagal parang ang hirap ng mabuhay. Ayoko na ng ganito. Gusto ko ng makaahon sa kahirapan." humihikbi na sabi ng dalaga.
Hinatak naman niya ang kapatid sa eskinita at inalo ito. Pinigilan ni Kellissa ang mapaiyak kung kaya't napakagat siya sa kanyang labi.
"Huwag kang mawalan ng pag-asa, Kendy. Aayos din ang lahat, okay? Magtiwala ka lang sa Diyos. Aayos din ang lahat. Giginhawa din ang buhay natin. Tiwala lang."
Pasukan na at halos hindi magkamayaw ang mga estudyante sa paghahanap ng mga silid nila para sa unang araw ng klase. Ang iba naman ay masayang nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan baon ang mga ginawa noong summer break. Napalingon ang lahat at nagsimula ng mag-bulungan nang dumaan ang mga varsity players. Ang iba naman ay impit na napapatili habang tinitignan ang mga grupo ng kalalakihan. "Cayden, hindi kaya mabali iyang ulo mo sa kakahagilap kay Kellissa. Baka naman kasi wala pa o kaya nasa building na ng department nila." asar ng isa sa mga ka-teammate ni Cayden kaya sinamaan ng tingin ng binata ang kaibigan. "Siraulo!" singhal na saad ng binata kaya nagsi-tawanan at nag-apiran ang mga kasama niya. "Captain! Ayun na si Kellissa na love of your life oh! Kasama si Zuri!" Napalingon naman agad ang binata sa tinuturo ng kaibigan niya kaya agad siyang napasulyap sa kabilang parte ng corridor. Ganoon na lang ang pag-talon ng puso ni Cayden nang masilayan ang dalaga na nakangiting nakik
Hating gabi na ngunit abala pa rin si Kellissa sa paghahanap ng masusuot para sa tipanan nila ni Cayden bukas ng hapon.“Ate, hindi ka pa ba matutulog? Maaga pa pasok natin bukas.” sabi ni Kara sa inaantok na boses.Napatingin si Kellissa sa kapatid at tipid itong nginitian. Hindi kasi makatulog ang mga kapatid niya kapag nakabukas pa ang ilaw sa kwarto.“Matutulog na rin ako. May inaayos lang ako rito.” sagot niya sa kapatid habang isinasabit ang isang lumang puting bestida sa hanger.“Wash day niyo po bukas diba? Himala at hindi ka po naka-leggings.” puna naman sa kanya ng kapatid na si Kendy.Napakagat ang dalaga sa ibabang labi niya at nag-isip ng ibang dahilan. Hindi niya kasi alam kung paano sasabihin na may nanliligaw sa kanya.“Ah, may raket kasi si Zuri. Sasamahan ko siya bukas baka sakali rin makahanap ako ng ibang mapagkakakitaan doon. “ pagsisinungaling niya gawa ng hiya at takot na malaman ng kanilang magulang.Kahit pa marami ang nanligaw at nag-punta sa bahay nila, tang
Sa labas pa lang ng coliseum ay rinig na ang malakas na hiyawan ng mga taong manonood ng UAAP basketball tournament. May mga dalang tarpualin at mga LED board ang iba habang isinisigaw ang pangalan ng mga manlalaro.“Ang dami pala talagang tao. Atsaka girl! Ang daming gwapo na galing ng ibang university! OMG! Baka magkakaroon na ako ng majo-jowa!” kinikilig na sabi ni Zuri kay Kellissa.Napailing na lang ang dalaga sa sinabi ng kaibigan. Alam niya kasing hanggang salita lang naman si Zuri pero kapag may lumalapit naman na lalaki para pumorma, nagtatago naman sa likod niya o hindi naman kaya ay tatakbo papalayo.“Tara na pumasok na tayo.” yaya ni Kellissa sa kaibigan.Malakas ang hiyawan ng mga tao kahit hindi pa nag-uumpisa ang laro.“Ang ganda ng seat na binigay sa’yo ni Cayden ha? Ayieee! Special talaga siya oh! Jo-jowain mo na?” sabi ni Zuri at sinundot pa yung tagiliran niya habang inaasar.“Sira. Wala pa sa isip kong mag-nobyo sa ngayon.” tanging naisagot ni Kellissa kahit pa may
Martes pa lang ng umaga pero hapong-hapo na agad ang pakiramdam ni Kellissa. Siksikan sa loob ng LRT at halos wala ng espasyo ang mga tao para kumilos sa loob ng tren. Napabuntong hininga ang dalaga. Wala naman kasi siyang magagawa dahil ito lang naman ang pwedeng masakyan niya papuntang eskwelahan. Kailangan niyang gumising ng alas tres ng madaling araw para makapag-handa ng almusal nilang magkakapatid at tulungan ang mga nakakatanda niyang kapatid na asikasuhin ang mga ito. Kailangan niya pa makaalis ng bahay ng alas singko dahil kung hindi, mahuhuli siya sa unang klase niya na 7:30 ng umaga ang umpisa. Pagkahinto pa lang ng tren sa U.N Avenue Station ay mabilis na nakipagsiksikan ang dalaga palabas dahil nasa bandang gitna pa siya ng mga kumpulan na tao. Patakbo na sana siya pababa ng hagdan nang biglang mag-ring ang lumang Nokia 3310 niyang cellphone. Kinuha agad niya iyon sa bulsa ng suot niyang palda at nagpatuloy ulit sa pagbaba ng hagdan. “Kellissa! Free cut daw tayo kasi
“Salamat sa paghatid, Cayden. Salamat ulit sa araw na ‘to.” nakangiting sabi ni Kellissa sa binata. “Ako ang dapat na magpasalamat sa’yo kasi pumayag ka pumunta sa bahay namin.” sabi ni Cayden habang malawak ang pagkakangiti. “Sige na, umuwi ka na sa inyo. Mag-iingat ka.” “Sigurado ka ba na hindi na kita ihahatid hanggang bahay ninyo?” “Oo, ayos na ako rito. Maglalakad lang din naman ako papasok sa looban atsaka malapit na lang din naman.” “Hintayin na lang kita makaalis para siguradong safe ka makakauwi sa inyo.” sabi ni Cayden kaya natawa ang dalaga. “Ayos lang talaga. Bata pa lang kami dito na naman na kami nakatira kaya halos lahat ng tao sa looban kilala ko na.” sagot ni Kellissa sa binata. “Ihahatid pa rin kita kahit hanggang tingin lang.” pangungulit ng binata kaya hinayaan na lang ni Kellissa. Kumaway na siya sa binata at tumalikod na para maglakad papasok ng looban. Nakangiting napahawak si Kellissa sa dibidib niya at hanggang ngayon ay rinig pa rin niya ang mga matata
No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author.This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.Content Warning. This story contains scenes that some readers may find disturbing. Intended for mature audiences only. Readers who may be sensitive to this kind of genre, please take note.Copyright © 2021 - 2022 by sachtychAll rights reserved.
Bawat estudyante ay hindi mapigilang mapalingon nang dumaan ang isang dalaga sa kanilang harapan. Ang mahaba at tuwid nitong itim na itim na buhok na aabot sa kanyang beywang ay tila ba isinasayaw ng hangin. "Kelli!" napalingon ang dalaga sa likuran niya nang marinig ang pamilyar na boses ng kanyang kaibigan. "Zuri!" mabilis niyang nilapitan ang kaibigan at niyakap ito ng mahigpit. Halos dalawang linggo na din kasi noong huling nakita ng dalaga ang matalik na kaibigan. "Nakapag-enroll ka na ba? Mukhang dean's lister ka na naman this year ha?" nakangiting wika ni Zuri sa dalaga. "Kailangan eh, alam mo naman na kailangan kong maka-graduate para matulungan ko si Mama pati na din ang mga kapatid ko." sagot ni Kellissa habang naglalakad sa hallway kasabay ni Zuri. "Naku! Napakaswerte ng pamilya mo at mayroong Kellissa Elarque na nage-exist. Bilib din naman kasi ako dyan kay Tita. Biruin mo binubuhay kayong pitong magkakapatid. Ewan ko ba kasi dyan sa Tatay mong manloloko. Sakit sa bang

Madaling araw pa lang ay nakagayak na ang magkakapatid sa pamilya ng mga Elarque. Ang mga nakaba-batang kapatid ni Kellissa ay papasok na sa eskwelahan samantalang ang dalawa niyang nakata-tandang kapatid ay papasok na ng trabaho. Ang dalaga naman ay maagang gumigising para tulungan ang kanyang ina sa mga labada sa ilan nilang costumer sa lugar tutal ay hindi pa naman nag-uumpisa ang klase niya sa kolehiyo. "Ma, akin na po iyang mga labahin ninyo. Ako na po ang maglalaba ng mga iyan para po matapos na po kayo sa mga panahi. Baka kailanganin na po iyan eh." wika ng dalaga kaya napangiti ang kanyang ina. "Sige, anak. Salamat." usal ng kanyang ina bago dumiretso papasok ng bahay. "Kelli." napatingin ang dalaga sa panganay nilang kapatid nang lumapit ito sa kanya. "Oh, Ate Kari. Bakit po? Hindi pa po kayo nakakaalis?" tanong niya rito habang pinaghi-hiwalay ang mga damit na de-kolor sa puti. Nakita niya ang pag-aalangan ng kapatid niya nang sulyapan niya ito kung kaya't napatigil siy