“MULA nang mawala si Elizabeth, palagi na lamang ganyan si Carson. He always gets drunk. Hindi rin siya kumakain. And every time I tried to reach him, he would just ignore me,” puno ng pag-aalalang lahad ni Celestine kay Elysse. “Mahal na mahal niya ang ate mo.” Sinulyapan niya ang bahagyang nakapinid na pinto ng kuwarto ni Carson mula sa ibaba. Nakatulog na ang lalaki nang siya ay lumabas. Marahil, dala na rin ng alak at pagod ay nakatulog ito. Ngayon, nasa sala na sila ng ginang at nag-uusap. “Hija, thank you for helping Carson this time. Alam ko, nagluluksa ka pa rin pero hetoʼt inaalala mo pa ang iba. Pasensya—” “No, Tita. Itʼs fine. Mabuti nga po at tinawagan niyo agad ako. Carson is like a brother to me.” “Ngayon ako nagsisisi kung bakit nag-iisang anak lang si Carson. I mean, sana hinayaan kong mabuntis pa ako ulit para naman may kapatid pa siyang matatakbuhan at mapagsasabihan ng mga problema. You know Carson well, very secretive. He didnʼt wants to share his feeling even
Read more