Share

19

Author: Anne Lars
last update Last Updated: 2024-12-30 20:46:00

NAGHANAP siya ng daanan para mahabol ang lalaking may bitbit ng ninakaw nitong bag. Mabilis siyang kumilos at patakbong nakipagsiksikan sa mga sasakyan. Nakipagsiksikan s'ya sa mga taong nakakasalubong niya. Halos kalahating oras siyang naghanap sa mga lalaking suspek. Dumaan siya sa mga posibleng eskinitang pagtataguan ng mga ito. Napahinto siya sa isang banda nang marinig niya ang tawanan at boses ng isang lalaking nagmamakaawa.

Sumilip siya at nakita niya ang lalaking nakaluhod sa lupa at nagmamakaawa sa limang mga kalalakihan. Puro pasa at putok na ang labi nito dahil sa bugbog.

" Pakiusap, nandiyan na ang bag sa inyo. A-Ano pa ba ang kailangan n-niyo sakin? " Nanghihinang wika nito sa lider na nakabunit.

Napadaing ang kaawa-awang lalaki sa ginawang pag-apak ng lalaki sa kamay nitong nakalapag sa lupa.

" Muntik mo na nga kaming ipahamak sa mga pulis tapos balak mo pang solohin ang pera na 'to?! " Pakita nito sa makapal at malutong na halaga ng pera.

" P-Pangako hindi ko
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   20

    " Miss, pakiusap! Huwag mo akong ipakulong! Tulungan mo ako, please! " nagmamakawang pakiusap ng lalaki habang paulit-ulit na sumasamba sa kanya. " 'Di ba nangako ka sakin na magbabago ka na? Sabi mo, hindi ka na magnanakaw pero hindi mo naman tinupad kaya sumama ka narin sa limang unggoy na 'to sa kulungan, " tugon niya naman. " Pakiusap! Ayaw kong makulong! Mamamatay ako sa kulungan! " wika nito habang walang tigil na nagmamakaawa sa kanya. " Sana inisip mo 'yan bago ka gumawa ng masama, " aniya. " Pangako magbabago na talaga ako! Wala na kasi akong ibang matakbuhan at walang pamilyang nagmamahal sakin kaya ganito ang naisip kong paraan. Kahit mali ang magnakaw at manloko ng tao, ginagawa ko 'yon para mabuhay ko ang sarili ko. Kapag tinulungan mo ako, gagawin ko lahat ng gusto mo. Lahat-lahat gagawin ko para mabayaran ko ang utang na loob ko sayo, Miss! Please, please!" pursigidong wika nito. Napabuga naman siya ng hangin. " Ano pa nga bang magagawa ko, " may pagsukong tur

    Last Updated : 2024-12-30
  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   21

    NASA ilalim ng malaking puno ng mangga sina Burma at Firlan. Nilalasap ang sariwang hangin sa probinsiya. Kumuha ng sigarilyo si Burma para sana sindihan nang magsalita si Firlan. " Ang sariwa ng hangin dito, huwag mo naman sanang dumihan " pigil nito. Kaagad naman ibinalik ni Burma ang sigarilyo sa bulsa ng suot nitong coat. Kapwa silang nanonood sa masayang pamilya ni Caramel na nagtungo rito sa isang park para mag-picnic. Masayang naglalaro ng habol-habolan ang mga nakababatang kapatid ng dalaga, samantalang ito naman ang taya. Dumako ang tingin ni Firlan kay Carmela na tahimik na nagbabasa ng libro sa ilalim ng nilagay nilang malaking payong. " Interesado ka sa isang 'yon? " pansin ni Burma sa kanya. " Hindi. Naalala ko sa kanya si Ate Filea. Mahilig rin kasing magbasa ng libro 'yon, " tugon niya naman at napatingin kay Burma. Nakamasid ito kay Caramel. " Mukhang ikaw ang may gusto kay Caramel, " nakangiting bentang ni Firlan kay Burma. Napangiti ito napailing. " Hindi

    Last Updated : 2024-12-30
  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   22

    Ilang ulit na napabuntong-hininga si Fourth habang pinaglalaruan ang mamahaling necklace na balak niya sanang ibigay kay Finn para sana sa kaarawan nito. Ilang araw na rin s'yang nababagot kakatambay sa bahay. Dumako ang tingin n'ya sa kahon na pinadala sa kanya ng designer. Nasa loob nito ang susuotin n'ya para sa nalalapit n'yang kasal. Talagang wala na ngang atrasan ang magaganap na kasalan. Walang ganang n'yang binuksan ang kahon bago humarap sa salamin. Bakas ang lungkot sa kan'yang mga mata. Hindi n'ya alam kung bakit ganito s'ya kalungkot. Dahil ba ito sa broken hearted s'ya o dahil wala s'yang ibang makausap sa bahay kundi ang sarili n'ya? Napalingon siya sa may pinto noong marinig ang isang katok. " Kuya Fourth, wala ka bang balak maki-join samin? Magpapa-inom si Sebastian, " wika ni Fifth sa kanya. Birthday kasi ni Sebastian ngayon. Simpleng birthday party lang dahil 'yon ang gusto nito. " Sige, mauna na kayo. Magbibihis lang ako saglit, " sagot n'ya naman sa kapatid. “

    Last Updated : 2024-12-30
  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   23

    Panay ang sulyap ni Fourth kay Caramel habang abala itong nakaharap sa ginagamit nitong laptop. Usual, seryoso na naman ang itsura nito kapag nasa opisina. Biglang nag-ring ang phone ni Cara kaya nagkunware s'yang may ginagawa. Pinatay nito ang tawag at kinausap siya. " You want a cup of coffee, sir? " tanong nito. Napatango naman siya habang nakatitig ang mga mata sa binabasa niyang papeles. Kaagad itong lumabas ng opisina. Biglang nag-ring ang phone nito kaya napatayo siya at lumapit sa mesa nito. Sinilip niya ang caller ng phone nito. Napataas ang kilay niya nang mabasa ang pangalan ng caller. Firlan? Nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto kaya naisipan niyang maglakad para salubungin ito. " Saan punta mo? " tanong nito. " Magbabanyo, " palusot niya. " At bakit ang bilis mong bumalik? Na sa'n yung kape? " pansin niya kasing wala itong bitbit. " Kukunin ko lang 'yong cp ko, " tugon nito at nagmamadaling inabot ang cp. Magkasabay na silang lumabas ng opisina. Dumi

    Last Updated : 2024-12-30
  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   24

    " ISASAMA mo si Caramel sa Bachelor's Party? Pero, para satin lang 'yon kaya hindi siya puwedeng sumama! " reklamo ni Valentino. Si Valentino ang nag-set ng party kaya walang tiwala si Fourth sa pa-surprise ng pinsan. Sigurado siyang may planong kabalastugan na naman ang kan'yang mga pinsan na ayaw ipaalam sa daddy n'ya kaya ganyan maka-react. " Siya ang bodyguard ko kaya sasama siya sakin kahit saan ako magpunta! " mataray na sagot niya at inirapan pa ito. " Isama nalang natin siya, Valentin. Wala namang mawawala kung isasama natin siya, " suhesyon naman ni Sixto. Bigla napaisip si Valentin. " O sige, kung 'yon ang gusto niyo. Basta sa labas siya magbabantay. " " Bakit hindi siya pwedeng pumasok? Mga babae rin naman ang makakasama natin sa loob? " muling reklamo ni Fourth. " Bakit ba ang dami mong reklamo Fourth? Sumunod ka nalang sa gusto ko dahil ako ang nag-set ng party para sayo! " inis na wika nito. " Hiningi ko ba sayo na mag-set ka ng party!? Mas gugustuhin ko pa ngang m

    Last Updated : 2024-12-30
  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   25

    MAAGANG lumabas ng mans'yon si Caramel. Total day off n'ya naman ngayon araw kaya may oras siyang lumabas at magliwaliw sa lugar na gusto n'ya. Nag-window shopping muna s'ya, tingin-tingin lang kasi wala siyang perang pambili. Naubos sa paggastos n'ya noong umuwi s'ya sa probinsiya. Sinilip niya ang suot niyang wristwatch. Matatagalan pa bago sila magkita ni Firlan. May aasikasuhin ito sa Manila para sa mga requirements nito sa pagpapa-enrol. Napagdesisyonan nitong tapusin ang kursong napili. May dalawang buwan pa naman bago ang pasukan kaya may panahon pa siyang makapag-ipon ng pera. Nangako rin naman ang binata na magtatrabaho ito kasama si Carmela sa isang restaurant para makaipon rin ng sariling pera. Lingid sa kaalaman ni Caramel, may sumusunod pala sa kanya. [ Lalabas na siya ng mall, sir ] wika ng lalaki inutusan ni Fourth na sundan ang dalaga. " Sundan mo, huwag mong alisin ang mga mata mo sa kanya. Sabihin mo sakin kung sino ang katatagpuin niyang tao sa labas, " ut

    Last Updated : 2024-12-30
  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   26

    Walang alinlangan itinulak ni Caramel si Fourth palapit kay Valentin, para tuloy silang pinag-untog na poste. " Ayan na siya. Sorry kung nag-antay kayo sa pusang gala na 'yan, " wika ni Caramel sabay nagpagpag ng kamay. Tinulungan naman siya ni Valentin para makatayo ng maayos. " S-Salamat, Caramel " medyo kabadong pasasalamat ni Valentin. Napatingin tuloy siya rito. Kailan pa 'to nakaramdam ng takot sa isang babae. " 'Ge! Alis na ako. Diyan lang ako sa labas, " paalam ni Caramel at naglakad palabas ng kuwarto na parang walang nangyare. Nagkatinginan ang magpipinsan bago dumako ang tingin kay Fourth. Kaagad naman nagreklamo si Fourth na kalagan siya. " H—in@yupak ka! Bakit ang tagal niyo akong kalagan! " nanggagalaiting singhal niya sa mga ito. Hapong-hapo siyang napaupo sa upuan. " Bwesit na Caramel na 'yon! Kapag bumalik siya rito sa loob, talagang gaganti ako sa kanya at gagawing kung basahan sa sahig ang pagmumukha niya! " nag-aapoy na dugtong niya. Lahat sila nagitla sa mu

    Last Updated : 2024-12-30
  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   27

    KINABUKASAN, nagising si Fourth sa isang magulong k'warto. Gulong-gulo ang kan'yang buhok pati na rin ang kan'yang isipan. Marahan siyang napaupo sa kama at napahilot sa kumikirot niyang sentido. Inilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto. Sobrang kalat kaya sandali siyang napaisip at pinakiramdaman ang sarili. Sumilip s'ya sa ilalim ng kumot. Wala s'yang kahit na anong saplot. Pansin n'ya rin tila kusot na kusot ang bed sheet. Napalikwas siya at kaagad na inabot ang kan'yang damit na nakakalat sa sahig. Nagmamadali siyang pumasok ng banyo para maglinis ng katawan. Ang ibig sabihin nito, hindi panaginip ang ginawa niya kagabi. Kaagad niyang binuksan ang shower at nagkuskos ng kan'yang balat. Sa tuwing naaalala niya ang ginawa niya kagabi, nandidiri siya sa sarili niya. Paano ko ba nagawa 'yon? Paulit-ulit siyang nagsabon ng katawan para matanggal ang amoy ng babaeng 'yon sa katawan niya. Nakipagtalik siya sa isang bayarang babae. Bakit wala man lang siyang ginawang paraan upang ma

    Last Updated : 2025-01-01

Latest chapter

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   Author's Note:

    Sa aking minamahal na mga mambabasa, Sorry, kung late na akong nag-author's note. Salamat nga pala sa pagsubaybay ng istoryang ito. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako nagpapasalamat sa bawat isa sa inyo, sa mga nagbasa, naghintay, nagbigay ng komento, at nagpakita ng pagmamahal sa kwentong ito. Kayo ang dahilan kung bakit nagkaroon ito ng buhay. Sa bawat emosyon na ating pinagsaluhan, sa saya, sakit, galit, at pagmamahal... sana ay may iniwan akong bakas sa inyong mga puso, gaya ng iniwan ninyo sa akin. Hindi ito paalam, kundi isang bagong simula. Sana’y samahan niyo pa rin ako sa mga susunod ko pang kwento. Mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming, maraming salamat po. God bless you all. —Anne

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   Wakas

    May biglang tumalamsik na kung ano sa mukha ni Fourth. Kaya muli n'yang naimulat ang mga mata at nagulat siya nang bigla natumba sa sahig si Dos. Dumanak ang dugo nito sa sahig patungo sa kanyang paanan. He's dead! Dos was dead on the spot! Nagulat ang mga kalalakihan sa nangyare kaya kaagad na-alarma ang mga ito at humugot ng baril para sana lumaban ngunit inisa-isa na ang mga ito at tuluyang nagsibagsakan sa sahig. Sandaling natulala si Fourth sa kinauupuan n'ya. Bago s'ya napatingala sa pinakamataas na bahagi ng bodega. Maayos na nakapuwesto roon si Caramel hawak ang high caliber silencer gun. Tulala siyang nakatingala rito. Wala itong awa na inisa-isa ang mga kalaban sa mismong harapan n'ya. Ang suot n'yang white coat ay natalamsikan ng dugo. Napaupo sa sahig si Caramel nang maubos niya ang mga kalaban. Hindi napigilan ni Caramel ang ubusin ang mga ito at tadtarin ng bala si Dos. Kung nahuli siya ng ilang minuto baka napatay na nito si Fourth. Bumaba ng hagdan si Caramel a

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   90

    ITINALI sa isang upuan si Fourth. Nakabusal ang bibig at nakatakip ang mga mata. Takot na takot sa p'wedeng mangyare sa kanya. Nasa lumang bodega sila kasama ang mga taong dumukot sa kan'ya. Dinig na dinig niya ang mga ito na parang nagbibilang ng pera. " O, bakit mas malaki yung sayo! Dapat pantay-pantay tayong lahat, pareho tayong naghirap sa pagkidnap sa kanya! " Inis na reklamo ng isa. Isang putok naman ang dumagundong sa tahimik na bodega. Binaril pala ng pinaka-leader ang nagreklamo. " Sino pang magre-reklamo? " tanong nito sa mga kasamahan. Nagulat ang iba sa ginawa nito kaya hindi na umimik bago pa sila ang isunod na itumba. " Iyan lang ibinigay sa atin ni Boss at matuto tayong makuntento! " Asik naman nito sa mga kasamahan. " Siya? Anong gagawin natin sa kanya? " Tanong ng isa noong mapansin siya sa may gilid. " Hintayin nalang natin ang utos ni Boss na patayin 'yan, " sagot nito. Napalunok naman ng laway si Fourth. ‘ Ayaw ko pang mamatay. Bagong kasal pa lan

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   89

    Nagsimulang mangilid ang kanyang luha nang masilayan niya si Caramel na nakasuot ng puting wedding gown. Nasa likuran nito si Carmela na maid of honor nito. Sandali itong huminto sa may bukana ng pintuan. Humakbang siya para klarong matitigan ang kanyang magiging asawa. “ God, she's so beautiful ” tulalang bulong n'ya sa sarili. Hindi n'ya maiwasan na mapahanga sa ganda nito. Ito ang pinakamagandang babae sa mga mata niya kaya hindi n'ya maialis ang tingin rito. Kahit dati, noong hindi pa sila masyadong close, hindi n'ya pinapansin ang ganda nito. Hindi binibigyan ng kahulugan ang kuryente sa tuwing nagdadaiti ang kanilang mga balat. Hindi n'ya pinapansin ang sayang bumubukadkad sa kan'yang puso sa tuwing nakikita niya ito. Talagang pinairal n'ya ang inis upang hindi tuluyang ma-in love rito. Ngunit, wala eh... nahulog pa rin s'ya sa bitag ng pag-ibig. Bigla nitong tinuwid ang liko-liko n'yang daan. Ang baklang katulad niya na mataray, maarte, pasaway ay walang kahirap-hirap na t

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   88

    Pagkatapos niyang maligo, magpapasuyo sana siya kay Fourth na i-blower ang kanyang buhok ngunit wala na ito sa loob ng kwarto. Hinanap niya ito sa loob ngunit ni anino nito wala talaga. Kumabog bigla ang kanyang dibdib dahil sa takot at pagkabahala. Baka may kumidnap kay Fourth. Hindi maaalis sa isip n'ya ang ganoong tagpo lalo na't may taong gusto ipatumba si Fourth. Hindi siya nagdawalang isip na abutin ang kanyang bag at kinuha ang dala niyang baril. Kinasa niya iyon. Mabilisan siyang nagpalit ng damit, pagkatapos ay isinuksok niya sa tagiliran ang baril bago lumabas ng kwarto. Nawala ang antok n'ya dahil sa negative instinct niya. Paglabas n'ya, ang tahimik ng hallway, wala man lang siyang nakakasalubong na ibang tao. Sumakay siya ng elevator pababa ng groundfloor, habang nasa loob siya ay paulit-ulit niyang tinawagan ang cellphone number ni Fourth ngunit hindi niya ito ma-kontak. Tinawagan n'ya rin si Burma at gan'on rin ito. Nagpanic siya bigla, paano kung may nangyareng masam

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   87 - R18+

    WARNING: R18+ Napakapit s'ya sa gilid ng mesa noong muli itong umintràda. Nanggigil itong kumilos sa likuran n'ya habang hawak nito ang kan'yang buhok. Tanging úngol ang kumawala mula sa kan'yang bibig sa sénsasyong hatid ng ginagawa ni Fourth. Hindi naman nito maiwasan na mapàmura noong maramdaman nito ang pàninikip n'ya. Mas lalo nitong binilisan ang pagbàyo hanggang sa malapit na itong labàsan. “ I'm c-cúmming...” “ Sabay na tayo, ” aniya. Mas lalo itong nanggigil kaya hindi n'ya maiwasan na mapahalinghing. Humigpit ang kapit n'ya sa mesa dahil malapit na s'ya sa clímàx. “ Fúck...” tanging ika nito noong tuluyang makamit ang rúrók ng ligaya. Nakahinga naman s'ya ng maluwag habang pinagpapawisan. “ Ahw! ” daing niya noong pinalo nito ang p'wet n'ya. “ That was awesome, babe ” masayang puri nito. Napatayo s'ya at hinarap ito. “ What's next? ” “ Clean up yourself. May pupuntahan tayo, ” seryosong saad nito. Napatango naman s'ya. Mabilisan siyang nag-ayos ng sarili. N

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   86 - R18+

    WARNING: R18+ " I miss you so much, " bulong na wika nito. Gusto niya nga sana itong sapakin baka kasi pinagtitripan na naman siya nito ngunit bigla siyang natigilan noong tumaas ang mga kamay nito mula sa kanyang baywang patungo sa kanyang dibdib. Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi noong maramdaman niya ang mainit nitong labi na dumadampi sa kanyang leeg sabay galaw ng mga palad nito. " uhmm...F-Fourth, " namamalat na boses na sambit niya sa pangalan nito. " Yes? " sagot nito mismo sa tapat ng kanyang taenga. Tinanggal niya ang nakapulupot ng braso nito at hinarap ito. Hinaplos niya ang pisngi ni Fourth habang nakatitig sa mga mata nito at maya-maya ay sinuri niya kung may nakain ba itong kakaiba. " Ayos ka lang ba? May nakain ka bang kakaiba kanina? Bakit parang ang landi mo yata sakin? " sunod-sunod na katanungan niya rito. Masamang tingin lamang ang ipinukol nito sa kanya. " Wala ka bang sense of seriousness, Caramel? Talagang pinakanganak ka ba na mangbabasa

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   85

    Natigilan si Fourth sa pagtawa nang maramdaman ang paa ni Caramel na humaplos sa kanyang binti, gumapang iyon paitaas. Seryoso itong nakatitig sa kanyang mga mata habang ginagawa ang bagay na iyon. Akmang huhuliin niya ang paa nito ngunit mabilis nitong nabawi. " Isa pa," utos niya kay Cara ngunit napailing naman ito. Napangisi naman si Fourth dahil siya ang magpapatuloy sa kapilyahan nito kanina. He did the same. Hinaplos n'ya ang hita ni Caramel gamit ang kan'yang paa. Seryoso itong napatitig sa kan'ya. Napangisi lamang s'ya at itinaas iyon. Walang alinlangang idiniretso sa loob ng palda kaya medyo napaatras si Caramel. " Masyado kang malayo, hindi ko maabot, " nakakalokong komento niya. Kaagad naman hinawakan ni Caramel ang paa niya at kusa iyong inalis. " Tama na nga 'tong kalokohan natin. Baka ma-late pa tayo sa trabaho at ako pa ang sisihin mo," saway nito sa kan'ya. " I just checking you out if you wear pànties," ika ni Fourth. " Huwag ka ngang eng-eng! Siyempre nagsu

  • CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD   84

    “ Ok. Olivia let's get inside. Umaambon na, ” aya nito sa anak dahil sa pag-ambon kahit may araw naman.“ Daddy?! ”Agaran n'yang binuhat si Olivia at inaya si Cara na pumasok sa loob ng mansiyon. Lumalakas na kasi ang ambon.Pagkalapag n'ya kay Olivia, napahalukipkip ito. Bakas sa mukha nito ang inis sa kan'ya.“ Tell her now! ” utos nito.“ 'Yung alin? ” Hindi na napigilan ni Caramel na magtanong. Muling naibaling nito ang tuon sa kan'ya.“ I'm s-sorry, ” aniya.“ Finally, ” bulong ni Olivia.“ I'm s-sorry for hurting you. I'm sorry for the words I've said. Last week ko pang gustong sabihin sa'yo 'to, Cara... that I lied. The truth is... I still love you, ” puno ng senseridad na pag-amin niya.“ Did Olivia order you to say that? ”“ No! He promised me a week ago that he will going to say sorry to you. I get mad 'cause he's so cowardly saying those simple ‘ S-O-R-R-Y ’ words! ” sabad ng bata with maldita mood.“ Is that true? ” Napatango naman s'ya.“ Ok, ” tanging sagot ni Caramel n

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status