Isang kasal na nagsimula sa isang kasunduan… pero paano kung ang puso ay hindi marunong sumunod sa kontrata? *** Nang matuklasan ni Belle ang pagtataksil ng kanyang kasintahan, hindi niya inasahang ang lalaking mag-aalok ng kasal sa kanya ay walang iba kung 'di ang misteryosong billionaire na tiyuhin nito—Damian Villareal. Isang pormal na kasunduan, isang papel na kasal—iyon lang dapat ang namamagitan sa kanila. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nagkakaroon ng kahulugan ang kanilang pagsasama. Sa likod ng malamig na maskara ni Damian, natuklasan ni Belle ang lalaking may malalim na sugat sa puso. Sa kabila ng kanyang sariling pangamba, hindi niya napigilang mahulog sa isang lalaking hindi naman dapat mahalin. Ngunit paano kung ang nararamdaman nila ay hindi na kayang itago ng kahit anong pirma sa papel? Sa larong ito ng kapalaran, sino ang tunay na panalo—ang puso o ang kontrata?
view moreBelle's POV Tahimik lang ako habang nasa loob ng sasakyan, nakatanaw sa labas ng bintana. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano pakikitunguhan ang biglang pagbabago ng ugali ni Damian.Kung dati, tila lagi siyang naglalagay ng pader sa pagitan namin, ngayon naman, pakiramdam ko, ayaw na niya akong pakawalan.Napailing ako nang maalala ang kaninang umaga—ang hindi niya pagpapaalis sa akin sa kama, ang pagiging sobrang clingy niya sa loob ng condo, at ngayon, habang nasa sasakyan, hawak-hawak niya ang kamay ko mula kanina.Alam kong normal lang naman na humawak ng kamay ang isang mag-asawa. Pero iba kasi ito.Dati-rati, ni hindi man lang niya ako mahawakan kapag may ibang tao sa paligid. Pero ngayon, mahigpit ang pagkakahawak niya, na parang may takot siyang baka bigla na lang akong mawala."Damian, ano bang problema mo?" tanong ko, bahagyang iginalaw ang kamay ko para ipaalam sa kanya na masyadong mahigpit ang kapit niya."Nothing."I turned to him and raised an eyebrow. "Nothing?"
Belle's POV Napamura ako nang maramdamdaman ang pagpasok ng daliri ni Damian sa pagkababae ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa kong isuko ang sarili ko sa kaniya kagabi at ngayon naman ay bumibigay na naman ako sa ginagawa niya.Hindi ko na maipagkakaila na habang tumatagal ay nahuhulog na ang loob ko sa kaniya. Kaya noong nagising ako sa madaling araw ay umalis ako sa penthouse niya kasi ayaw kong tuluyang mahulog ang puso ko sa kaniya. Pero hindi ko aakalaing hahanapin niya ako at susundan dito. "Don't leave me again," paos ang boses ni Damian. Muli niyang inangkin ang labi ko at binilisan ang paggalaw ng kaniyang daliri sa loob ko. "I want you to forget him. Gagawin ko ang lahat para tuluyan mong makalimutan ang pamangkin ko." Napalunok ako habang hinahabol ang aking paghinga. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi na kailangan dahil matagal ko nang nakalimutan si Adrian, pero hindi ko magawa kasi mas nangibabaw ang kakaibang sensasyong pinaparamdam niya sa akin. Binita
Damian's POV Nagising ako sa malamig na espasyo sa tabi ko.Agad akong bumangon, inabot ang gilid ng kama kung saan dapat ay nakahiga si Belle, pero walang ibang naroon kundi ang bahagyang lukot na kumot at ang amoy niyang naiwan sa unan.Mabilis akong lumabas ng kwarto, umaasang matatagpuan siya sa sala o sa kusina, pero walang Belle na sumalubong sa akin.Napamura ako sa sarili.Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bedside table at tinawagan siya.Isang beses. Dalawang beses. Tatlong beses.Pero wala. Patay ang phone niya."Lintek!" napabulalas ako, pinipigilan ang bugso ng kaba sa loob ko.Hindi siya maaaring umalis. Hindi siya pwedeng basta na lang mawala.Damn it, Belle.Kahapon lang, ramdam kong bumigay na siya sa akin. Ramdam kong nagbukas na siya, na kahit papaano ay may puwang na akong nakuha sa puso niya. Pero ngayon, bigla na lang siyang nawala na parang bula?Hindi puwedeng ganito lang 'yon.Binalot ng tensyon ang dibdib ko habang pababa ako sa hagdan. Malamang nasa
Damian's POV Tahimik ang biyahe namin pauwi. Ang tanging naririnig ko lang ay ang marahang ingay ng makina at ang mababaw na paghinga ni Belle. Nakatingin siya sa labas ng bintana, hindi ko alam kung nagmamatigas lang siya o iniisip ang nangyari kanina.Ang kaninang tensyon sa pagitan namin ay hindi pa rin nawawala. Hindi ko rin alam kung anong mas matimbang—ang inis ko dahil sa pagiging stubborn niya o ang hindi mapigilang pagnanasa kong muli siyang mahawakan.Hindi ko na lang pinansin ang pangungutya ng utak ko. Mas mabuting manatili na lang akong tahimik.Pero puta, ang hirap.Gustong-gusto kong basagin ang katahimikan sa pagitan namin. Gusto kong ipaalala sa kanya ang halik na hindi niya nagawang iwasan kanina. Pero nagtiis ako. Hanggang sa makarating kami sa penthouse.Pagkapasok namin sa loob, dumiretso agad siya sa hagdan, halatang iniiwasan ako."Hindi mo ba balak mag-usap?" tanong ko, hindi ko na matiis ang katahimikan.Huminto siya saglit sa gitna ng hagdan, hindi lumilingo
Damian's POV Nakahinto pa rin ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Sa loob ng makipot na espasyo ng kotse, nanatiling nakakapit ang tingin ko kay Belle—ang mga mata niya nag-aapoy sa galit, pero sa ilalim ng matalim na tingin na ‘yon, may isang bagay na hindi niya maitago.Desperadong itinulak niya ako palayo. "Damian, tama na!" sigaw niya, pero kahit siya ay alam na huli na ang lahat.Napangisi ako. "Tama na? Bakit? Natatakot kang aminin ang totoo?""Anong totoo?!"Napailing ako, pinagpapasensyahan ang kakulitan niya."The truth that you liked that kiss, Belle."Bakas sa mukha niya ang frustration. Hindi niya maamin, hindi niya matanggap. At lalo akong naiinis sa kakulangan niya ng honesty."Alam mo, Damian?" Nagpahid siya ng labi niya gamit ang likod ng palad niya, animo'y may lason ang halik ko. "Napakasama mong tao! Walang kang respeto sa akin!"Napatawa ako nang mapait. "Respect? Belle, huwag mo akong turuan tungkol sa respeto. Dahil sa atin dalawa, ikaw ang mas walang respeto sa s
Damian's POV Pagkalabas na pagkalabas namin ng bar, nagsimula na agad si Belle sa walang katapusang litanya niya. "Damian! Ano bang problema mo?!" sigaw niya habang pilit na hinahatak ang braso niya mula sa hawak ko. "Ikaw ang problema ko," sagot ko nang hindi man lang nilingon siya. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad patungo sa parking lot, habang siya naman ay pilit na nagpupumiglas. "Let me go!" mariing sabi niya, pero lalo ko lang hinigpitan ang hawak ko sa kanya. "Bakit? Para makabalik ka sa loob at magpasilip pa sa ibang lalaki?" tumaas ang tono ng boses ko. Napahinto siya at tuluyang nabawi ang kamay niya mula sa akin. "Excuse me?!" Nakasalubong ko ang nag-aapoy niyang mga mata. "I am not—" "Not what, Belle?" madiin kong tanong habang unti-unti akong lumalapit sa kanya. "Not enjoying the attention? Huwag mo akong gawing tanga. Nakita ko kung paano ka tinitingnan ng mga lalaki sa loob. At anong ginawa mo? Hinayaan mo lang!" Nagtaas siya ng kilay. "So, kasalanan ko na nga
Damian's POV Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na sumama sa party na 'to. Alam ko namang hindi ko magugustuhan. Ang ingay ng music, ang siksikan ng mga tao, at higit sa lahat—ang suot ni Belle.Damn.Nang makita ko siya kanina, halos mawalan ako ng hininga. The dress she wore clung to her body like second skin, highlighting every curve, every inch of her that should only be for my eyes. Pero ang mas lalong nagpainit sa ulo ko? Ang mga lalaking hindi mapakali sa tuwing nadadaan siya.Tulad na lang ngayon.Mula sa kinalalagyan ko, kitang-kita ko kung paano siya sinusundan ng tingin ng halos kalahati ng kalalakihan dito. They weren’t even trying to be discreet. May ilan pang mukhang nagbabalak lumapit sa kanya, pero dahil nandito ako, hindi sila makalapit. Tama lang. Dahil kapag may lumapit? Sisiguraduhin kong pagsisisihan nila."Damian, relax," bulong ni Belle habang inaabot ang isang cocktail mula kay Bea. "Parang gusto mo nang gulpihin lahat ng lalaki rito, eh.""Kung may paraan l
Belle's POV Pagpasok pa lang namin sa exclusive bar kung saan ginaganap ang birthday party ni Bea, alam ko na agad na hindi mapapakali si Damian. His entire aura screamed disapproval—mula sa pagtaas ng kilay niya sa malalakas na music hanggang sa paraan ng pag-scan niya sa paligid na parang may hinahanap na kaaway. But what really set him off was my outfit. “Belle.” His voice was sharp as he leaned down towards me. “Ano ‘yang suot mo?” Napairap ako at mabilis na lumayo sa kanya bago pa niya ako mahawakan. “Damit.” “You call that a dress?” Napatigil ako sandali at binalingan siya. “Anong problema mo sa dress ko?” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, and I could literally feel his disapproving gaze. My dress was a silky, backless number that hugged my curves just right. Medyo above the knee, but nothing too scandalous. At least, not in my opinion. “You’re practically naked,” he hissed. Napahinto ako sa gitna ng dance floor at tumingala sa kanya, nakapamewang. “Naked? Damia
Belle's “Damian, pupunta ako sa party ni Bea sa Friday.” Itinaas ko ang tingin mula sa phone ko at tiningnan si Damian na kasalukuyang abala sa pagtali ng necktie niya sa harap ng salamin. Kadarating lang namin sa penthouse mula sa trabaho, at ngayon pa lang ako nagkaroon ng pagkakataong sabihin sa kanya ang tungkol sa imbitasyon ni Bea. Nagtagal ng ilang segundo bago siya sumagot, pero hindi niya ako nilingon. “No.” Napakunot ang noo ko. “No?” Binitiwan niya ang necktie at saka humarap sa akin, nakataas ang isang kilay. “Hindi ka pupunta.” I stared at him, baffled. “What do you mean, ‘hindi ako pupunta?’ Damian, kaibigan ko si Bea. Birthday niya. Siyempre kailangan kong pumunta!” He exhaled sharply. “I don’t care. You’re not going.” Napasinghap ako sa sobrang inis. “Excuse me? Sino ka para pagbawalan ako?” Tumawa siya nang sarcastic. “Sino pa ba? Asawa mo ako, Belle.” “Oh, wow. Ngayon mo lang naisip na asawa mo ako? Kapag gusto mong kontrolin ang kilos ko?” Naglakad siya
Belle's POVDala ang isang kahon ng paboritong cookies ni Adrian at isang bote ng wine, excited akong umakyat sa condo niya. Sinadya kong hindi mag-text o tumawag. Gusto ko siyang sorpresahin pagkatapos ng isang linggo naming hindi pagkikita dahil sa trabaho. Miss na miss ko na siya at alam kong matutuwa siya kapag nakita niya ako.Pero hindi ko inaasahan ang sorpresa na sasalubong sa akin.Pagpasok ko, agad akong nagtaka kung bakit may mga nakakalat na sapatos na pambabae sa may pintuan—hindi naman sa akin ang mga 'to, hindi rin sa kanya. Sa loob-loob ko, baka may bisita siya, pero nang marinig ko ang mahinang halakhakan mula sa loob ng kwarto niya, may kung anong kaba ang sumiksik sa dibdib ko.Dahan-dahan akong lumapit, pilit pinakakalma ang sarili, pilit tinutulak ang anumang masamang hinala. Ngunit nang marinig ko ang mahihinang ungol at mas malakas na tawa mula sa loob, halos hindi ko na kinaya ang panginginig ng mga kamay ko.Huminga ako nang malalim bago marahas na binuksan an...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments