Belle's POV
Kinabukasan, nagising akong may matinding sakit ng ulo. Napahawak ako sa sintido ko habang pilit inaalala ang lahat ng nangyari kagabi. Ilang saglit pa bago bumalik sa akin ang alaala—ang galit ko kay Adrian, ang panlilinlang niya, ang alak, ang misteryosong presensya ni Damian… at ang alok na bumago sa lahat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shit. Pakakasalan ko si Damian Villareal. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ito panaginip. Hindi rin ito isang bagay na pwede kong balewalain. Napatingin ako sa paligid. Nasa kwarto pa rin ako sa sarili kong condo, kaya kahit papaano, alam kong hindi ako gumawa ng desisyong hindi ko mapapanindigan. Pero ang tanong—matino ba talaga ang naging desisyon ko? Halos wala pang isang araw ang lumipas mula nang mahuli ko si Adrian, pero ngayon, ikakasal na ako sa tiyuhin niya? Napapikit ako nang mariin. Ano bang ginagawa ko? Pero bago pa ako tuluyang lamunin ng panghihinayang, biglang tumunog ang cellphone ko. Damian. Halos malaglag ko ang telepono ko nang makita ang pangalan niya sa screen. Napalunok ako bago dahan-dahang sinagot ang tawag kahit na nagtataka kung paano ako nagkaroon ng number niya. "Hello?" "Bumangon ka na," diretsong sabi niya, walang pasakalye. Napakunot-noo ako. "Ha? Kagigising ko lang. Masakit ang ulo ko at -" "May ipapadala akong driver. Kailangan nating pag-usapan ang mga detalye ng kasal." Parang biglang lumamig ang dugo ko. "So, this is really happening?" Narinig ko ang mababa niyang buntong-hininga. "I don’t make empty proposals, Belle Ramirez." Hindi ko alam kung bakit, pero ang tono ng boses niya ay may kung anong epekto sa akin—parang isang matigas na pader na hindi mo basta-basta matitinag. Huminga ako nang malalim. “Okay. Saan tayo magkikita?” “Sa Villareal Tower. Be ready in an hour.” Bago pa ako makasagot, pinutol na niya ang tawag. Tangina. Hindi pa rin ako makapaniwala na ito na ang reyalidad ko ngayon. Pero wala nang atrasan. *** Villareal Tower Isang oras at kalahati ang nakalipas bago ako nakarating sa Villareal Tower, ang headquarters ng Villareal Group of Companies. Isa ito sa pinakamalalaking korporasyon sa bansa, at ang gusali nila ay walang duda na sumasalamin sa kapangyarihan ng pamilya nila. Pagpasok ko pa lang sa lobby, agad akong sinalubong ng isang assistant. "Ms. Ramirez?" tanong niya, magalang pero pormal. Tumango ako. "This way, please. Mr. Villareal is waiting for you." Sumunod ako sa kanya, ang kaba sa dibdib ko ay lumakas sa bawat hakbang ko. Hindi ko alam kung ano ang aasahan ko sa meeting na ito, pero isa lang ang sigurado ko—wala na akong magagawa kung 'di panindigan ang desisyong ginawa ko kagabi. Pagkapasok ko sa opisina ni Damian, agad akong sinalubong ng malamig niyang titig. “Late,” malamig niyang sabi, hindi ito tanong, kung 'di isang obserbasyon. Napangiwi ako. “Naipit sa traffic.” Hindi siya nagkomento pa. Sa halip, itinuro niya ang upuang nasa tapat ng mesa niya. “Umupo ka.” Tahimik akong sumunod, pero hindi ko maiwasang suriin ang opisina niya. Malawak ito, modern at minimalistic, pero may isang bagay na kapansin-pansin—walang personal na gamit sa paligid. Walang litrato, walang sentimental na dekorasyon. Para bang ang buong lugar ay extension lang ng isang lalaking hindi nagpapakita ng kahit anong damdamin. Tulad ni Damian. “Ipagpapakasal na kita sa isang judge sa loob ng dalawang linggo,” biglang sabi niya, diretsong dumiretso sa usapan. Napatigil ako. “Dalawang linggo?! Ang bilis naman.” Tumaas ang isang kilay niya. “May problema ba?” Napasinghap ako. “Damian, hindi ba dapat natin pag-isipan ‘to nang mas matagal? I mean, kasal ‘to. Kahit walang feelings ang namamagitan sa kasal na 'to, gusto ko pa rin maranasan ang masaya at memorable na kasal ko.” Hindi niya ako pinansin. Sa halip, may inilabas siyang isang folder at inilagay iyon sa harapan ko. "Basahin mo ‘yan," sabi niya. Dahan-dahan kong kinuha ang dokumento. Pagbukas ko, nakita ko ang mga salitang Marriage Agreement sa itaas ng pahina. Napakurap ako. "So, may kontrata talaga?" "Of course," sagot niya. "Ayokong may grey areas sa kasunduang ‘to." Ibinaba ko ang mga mata ko sa nilalaman ng dokumento. Clause 1: Walang personal na damdamin ang dapat lumabas sa kasunduang ito. Clause 2: Ang kasal ay magtatagal ng minimum na isang taon. Clause 3: Walang paghahalo ng personal at propesyonal na buhay. Clause 4: Anumang pagtataksil ay magbibigay ng karapatan sa kabilang partido na putulin ang kasal nang walang anumang legal na pananagutan. Clause 5: Anumang media exposure ay kailangang pag-usapan muna ng parehong partido. Napanganga ako. “Seriously? Parang business contract lang talaga ‘to.” Hindi siya kumibo. “Damian, kasal ‘to,” ulit ko, pilit siyang pinapaliwanag. “Hindi lang ‘to basta negosyo.” Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang aking kamay. Ngumiti siya, pero walang init sa ekspresyon niya. "Para sa akin, walang pinagkaiba ang kasal at negosyo. Pareho silang transaksyong kailangang pag-isipan nang mabuti." Tumahimik ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong humanga sa practicality niya o matakot sa kung paano siya mag-isip. "Kung ayaw mo, pwede kang umatras," dagdag niya, parang wala lang. Nagtagal ako ng ilang segundo bago sumagot. "Wala akong balak umatras," sagot ko, marahan pero sigurado. Nagtagpo ang mga mata namin. Sa loob ng ilang saglit, tila may lumalim na tensyon sa pagitan namin—isang hindi maipaliwanag na enerhiyang unti-unting bumabalot sa amin. Tumango siya. “Then sign it.” Napatingin ako sa papel sa harapan ko. Alam kong oras na para magdesisyon. Sa isang malalim na hininga, kinuha ko ang ballpen. Itinakda ang sarili ko sa isang kasunduang maaaring baguhin ang buhay ko magpakailanman. Sa oras na lumapat ang ballpen sa papel, alam kong wala nang atrasan. Isinulat ko ang pangalan ko sa huling bahagi ng kontrata, ang tinta ay tila nagsisilbing rehas na bumabalot sa akin. Nang matapos ako, marahan kong ibinaba ang ballpen at hinayaang dumaan ang isang segundo ng katahimikan. Kinuha ni Damian ang papel at walang emosyon itong pinagmasdan bago inilagay sa drawer ng kanyang mesa. “Good. Simula ngayon, ikaw na ang magiging asawa ko—kahit sa papel lang.” Hindi ko alam kung bakit, pero sa pagbigkas niya ng mga salitang iyon, isang hindi maipaliwanag na lamig ang gumapang sa katawan ko. "Ano na ang kasunod?" tanong ko, sinusubukang itago ang kaba sa boses ko. "Preparations," sagot niya agad. “Dahil sa loob ng dalawang linggo, magpapakasal tayo, at kailangang mukhang totoo ang lahat.” Napalunok ako. “Ibig sabihin…?” Tinitigan niya ako, ang madilim niyang mga mata ay puno ng isang bagay na hindi ko mabasa. “Ibig sabihin, simula ngayon, matututunan mong maging isang Villareal.” Pagkatapos ng meeting namin, nagpadala si Damian ng isang buong team upang ayusin ang kasal namin. Nakatanggap ako ng schedule para sa mga fittings ng wedding gown, meetings with event organizers, at kahit isang session para sa “public image training” upang matutunan kong umakto bilang isang Villareal. At higit sa lahat—kailangan naming magpanggap na isang tunay na engaged couple sa harap ng publiko. Iyon ang dahilan kung bakit ako ngayon nakatayo sa harap ng isang marangyang restaurant, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko habang hinihintay si Damian. Ang buong mundo ay walang kaalam-alam na isang malaking palabas lang ang kasal na ito. “Belle.” Napalunok ako nang marinig ang mababang tinig na iyon sa likuran ko. Dahan-dahan akong humarap at muntik nang hindi makahinga nang makita si Damian. Naka-fitted black button-down shirt siya na naka-roll up hanggang siko, na nagpapakita ng maskuladong bisig niya. Naka-black slacks din siya na lalong nagbigay ng emphasis sa matangkad niyang pangangatawan. At higit sa lahat, ang presensya niya ay tila isang bagyong kayang lamunin ang lahat ng nasa paligid. Napalunok ako. Tangina, paano ko nga ba ito tatawaging asawa ko? Hindi siya mukhang tiyuhin ni Adrian. “Tara na,” malamig niyang sabi. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Nag-aalangan ako, pero naalala ko ang sinabi niya. Kailangan naming magpanggap na engaged couple. Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya. Mainit ang palad niya laban sa akin, mat kahit hindi ko gustong aminin, may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Pagsapit namin sa loob ng restaurant, agad kaming sinalubong ng isang matandang babae—si Miranda Villareal, ang tiyahin ni Damian. “Damian!” ngumiti ito, pero halata ang pagsusuri sa mga mata niya. “At ikaw siguro si Belle.” Tumango ako at magalang na ngumiti. “Opo, Ma’am—” "Hindi 'Ma’am,' hija. Tawagin mo akong Tita Miranda." Napangiti ako nang bahagya. “Salamat po, Tita Miranda.” Pero bago pa ako makapagsalita pa, biglang lumitaw sa paningin ko ang isang pamilyar na mukha. Nanigas ako. Si Adrian. Nakatayo siya sa hindi kalayuan, hawak ang isang baso ng alak habang nakatingin sa amin. At hindi lang siya nag-iisa. Nandiyan ang babae niya—si Yumi, ang babaeng nahuli kong kasama niya sa condo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa pagmamahal, kung 'di sa galit na pilit kong tinatago. Napansin ko ang pagtaas ng isang kilay ni Damian, na para bang binabasa niya ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung sadya o natural lang, pero dahan-dahan niyang ipinatong ang kamay niya sa beywang ko at marahan akong hinila palapit sa kanya. Nang bumalik ang tingin ko kay Adrian, kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. At doon ako napangiti. Mas lalong hinigpitan ni Damian ang hawak niya sa akin, saka bumulong sa tainga ko, “Ngayon mo ipakita na hindi ka na niya pag-aari.” Huminga ako nang malalim, saka marahang tumango. Kung ito ang larong gusto ni Damian, handa akong sumabay.Belle's POVDala ang isang kahon ng paboritong cookies ni Adrian at isang bote ng wine, excited akong umakyat sa condo niya. Sinadya kong hindi mag-text o tumawag. Gusto ko siyang sorpresahin pagkatapos ng isang linggo naming hindi pagkikita dahil sa trabaho. Miss na miss ko na siya at alam kong matutuwa siya kapag nakita niya ako.Pero hindi ko inaasahan ang sorpresa na sasalubong sa akin.Pagpasok ko, agad akong nagtaka kung bakit may mga nakakalat na sapatos na pambabae sa may pintuan—hindi naman sa akin ang mga 'to, hindi rin sa kanya. Sa loob-loob ko, baka may bisita siya, pero nang marinig ko ang mahinang halakhakan mula sa loob ng kwarto niya, may kung anong kaba ang sumiksik sa dibdib ko.Dahan-dahan akong lumapit, pilit pinakakalma ang sarili, pilit tinutulak ang anumang masamang hinala. Ngunit nang marinig ko ang mahihinang ungol at mas malakas na tawa mula sa loob, halos hindi ko na kinaya ang panginginig ng mga kamay ko.Huminga ako nang malalim bago marahas na binuksan an
Belle's POVHindi ko alam kung ilang minuto akong nanatiling nakasubsob sa manibela, pero ramdam ko ang bigat ng bawat patak ng luha ko. Ang tahimik na loob ng sasakyan ko ay parang echo chamber ng sakit—parang bawat hikbi ko ay mas lumalakas, paulit-ulit, habang tinutunaw ang lakas na pilit kong pinanghahawakan.Ang tanga ko.Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang eksenang nasaksihan ko. Si Adrian, nakahiga sa kama. Si Adrian, may ibang babaeng yakap at masayang tumatawa. Si Adrian, nakatingin sa akin na parang siya pa ang biktima. Si Adrian, na sinabi sa aking mahal niya raw ako.Ilang taon kong binuo ang relasyon namin. Ilang beses akong naghintay sa kanya tuwing late siyang dumadating mula sa trabaho. Ilang gabi akong natulog nang mag-isa dahil mas inuuna niya ang mga meeting niya. At ilang beses ko siyang inintindi, iniintindi, at sinasabi sa sarili ko na mahal niya ako kahit hindi niya madalas ipakita at iparamdam.Tapos, ganito lang? Ganito lang niya ako papalitan?Nang bumang
Belle's POVTila lumabo ang paligid ko sa pagitan ng epekto ng alak at ng paraan ng pagtitig ni Damian Villareal sa akin. May kung anong misteryo sa mga mata niya—parang tahimik na bagyo na hindi mo agad mahahalata kung magdadala ng ulan o delubyo.Damian Villareal.Parang pamilyar ang apelyidong iyon, pero sa puntong ito, wala akong pakialam."Belle Ramirez," sabi ko, hindi ko alam kung bakit ko siya sinagot.Tumango siya at muling uminom ng whiskey. Hindi niya ako tinanong kung bakit ako narito o kung anong problema ko. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na agad na nagiging makulit kapag nakakita ng babaeng mukhang wasak o problemado. Sa halip, nanatili lang siyang tahimik, para bang wala siyang balak pangunahan ang kwento ko.Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong magsalita."Kakatapos lang ng relasyon ko," bigla kong sinabi, tila ba sinusubukan ang lasa ng mga salitang iyon sa dila ko. Ang sakit ng katotohanan ay parang matapang na shot ng tequila—mapait, mainit sa sikm
Belle's POVNapako ako sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko, kahit sa dami ng nainom kong alak ay biglang nawala ang epekto nito sa katawan ko. Ang isipan ko lang ang tuluyang nalasing sa mga salitang binitiwan ni Damian Villareal.Pakakasalan ko siya? Papakasalan ko ang tiyuhin ng ex-boyfriend kong manloloko?Ano 'to, panaginip?Umiling ako, pilit inaalis ang kalituhan sa utak ko. “Wait, Damian, seryoso ka ba talaga?”Hindi man lang siya nag-atubili. Tumango siya, saka dahan-dahang uminom muli ng whiskey niya na para bang wala lang.“Yes, I’m serious.”Napatawa ako—hindi dahil sa tuwa, kung 'di dahil sa hindi makapaniwalang sitwasyong ito. “Hindi ko alam kung epekto lang ng alak ‘to, pero sigurado ka bang nasa tamang wisyo ka? Humihithit ka ba? Baka napasobra ang pagtikim mo ng drugs.”Mas lumalim ang ngiti niya, pero hindi ito masaya—para itong ngiti ng isang lalaking sanay sa laro, sanay sa transaksyon, at sanay sa paghawak ng kapalaran ng ibang tao sa kanyang palad."I don't drink when
Belle's POV Kinabukasan, nagising akong may matinding sakit ng ulo.Napahawak ako sa sintido ko habang pilit inaalala ang lahat ng nangyari kagabi. Ilang saglit pa bago bumalik sa akin ang alaala—ang galit ko kay Adrian, ang panlilinlang niya, ang alak, ang misteryosong presensya ni Damian… at ang alok na bumago sa lahat.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Shit.Pakakasalan ko si Damian Villareal.Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ito panaginip. Hindi rin ito isang bagay na pwede kong balewalain.Napatingin ako sa paligid. Nasa kwarto pa rin ako sa sarili kong condo, kaya kahit papaano, alam kong hindi ako gumawa ng desisyong hindi ko mapapanindigan. Pero ang tanong—matino ba talaga ang naging desisyon ko?Halos wala pang isang araw ang lumipas mula nang mahuli ko si Adrian, pero ngayon, ikakasal na ako sa tiyuhin niya?Napapikit ako nang mariin. Ano bang ginagawa ko?Pero bago pa ako tuluyang lamunin ng panghihinayang, biglang tumunog ang cellphone ko.Damian.Halos
Belle's POVNapako ako sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko, kahit sa dami ng nainom kong alak ay biglang nawala ang epekto nito sa katawan ko. Ang isipan ko lang ang tuluyang nalasing sa mga salitang binitiwan ni Damian Villareal.Pakakasalan ko siya? Papakasalan ko ang tiyuhin ng ex-boyfriend kong manloloko?Ano 'to, panaginip?Umiling ako, pilit inaalis ang kalituhan sa utak ko. “Wait, Damian, seryoso ka ba talaga?”Hindi man lang siya nag-atubili. Tumango siya, saka dahan-dahang uminom muli ng whiskey niya na para bang wala lang.“Yes, I’m serious.”Napatawa ako—hindi dahil sa tuwa, kung 'di dahil sa hindi makapaniwalang sitwasyong ito. “Hindi ko alam kung epekto lang ng alak ‘to, pero sigurado ka bang nasa tamang wisyo ka? Humihithit ka ba? Baka napasobra ang pagtikim mo ng drugs.”Mas lumalim ang ngiti niya, pero hindi ito masaya—para itong ngiti ng isang lalaking sanay sa laro, sanay sa transaksyon, at sanay sa paghawak ng kapalaran ng ibang tao sa kanyang palad."I don't drink when
Belle's POVTila lumabo ang paligid ko sa pagitan ng epekto ng alak at ng paraan ng pagtitig ni Damian Villareal sa akin. May kung anong misteryo sa mga mata niya—parang tahimik na bagyo na hindi mo agad mahahalata kung magdadala ng ulan o delubyo.Damian Villareal.Parang pamilyar ang apelyidong iyon, pero sa puntong ito, wala akong pakialam."Belle Ramirez," sabi ko, hindi ko alam kung bakit ko siya sinagot.Tumango siya at muling uminom ng whiskey. Hindi niya ako tinanong kung bakit ako narito o kung anong problema ko. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na agad na nagiging makulit kapag nakakita ng babaeng mukhang wasak o problemado. Sa halip, nanatili lang siyang tahimik, para bang wala siyang balak pangunahan ang kwento ko.Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong magsalita."Kakatapos lang ng relasyon ko," bigla kong sinabi, tila ba sinusubukan ang lasa ng mga salitang iyon sa dila ko. Ang sakit ng katotohanan ay parang matapang na shot ng tequila—mapait, mainit sa sikm
Belle's POVHindi ko alam kung ilang minuto akong nanatiling nakasubsob sa manibela, pero ramdam ko ang bigat ng bawat patak ng luha ko. Ang tahimik na loob ng sasakyan ko ay parang echo chamber ng sakit—parang bawat hikbi ko ay mas lumalakas, paulit-ulit, habang tinutunaw ang lakas na pilit kong pinanghahawakan.Ang tanga ko.Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang eksenang nasaksihan ko. Si Adrian, nakahiga sa kama. Si Adrian, may ibang babaeng yakap at masayang tumatawa. Si Adrian, nakatingin sa akin na parang siya pa ang biktima. Si Adrian, na sinabi sa aking mahal niya raw ako.Ilang taon kong binuo ang relasyon namin. Ilang beses akong naghintay sa kanya tuwing late siyang dumadating mula sa trabaho. Ilang gabi akong natulog nang mag-isa dahil mas inuuna niya ang mga meeting niya. At ilang beses ko siyang inintindi, iniintindi, at sinasabi sa sarili ko na mahal niya ako kahit hindi niya madalas ipakita at iparamdam.Tapos, ganito lang? Ganito lang niya ako papalitan?Nang bumang
Belle's POVDala ang isang kahon ng paboritong cookies ni Adrian at isang bote ng wine, excited akong umakyat sa condo niya. Sinadya kong hindi mag-text o tumawag. Gusto ko siyang sorpresahin pagkatapos ng isang linggo naming hindi pagkikita dahil sa trabaho. Miss na miss ko na siya at alam kong matutuwa siya kapag nakita niya ako.Pero hindi ko inaasahan ang sorpresa na sasalubong sa akin.Pagpasok ko, agad akong nagtaka kung bakit may mga nakakalat na sapatos na pambabae sa may pintuan—hindi naman sa akin ang mga 'to, hindi rin sa kanya. Sa loob-loob ko, baka may bisita siya, pero nang marinig ko ang mahinang halakhakan mula sa loob ng kwarto niya, may kung anong kaba ang sumiksik sa dibdib ko.Dahan-dahan akong lumapit, pilit pinakakalma ang sarili, pilit tinutulak ang anumang masamang hinala. Ngunit nang marinig ko ang mahihinang ungol at mas malakas na tawa mula sa loob, halos hindi ko na kinaya ang panginginig ng mga kamay ko.Huminga ako nang malalim bago marahas na binuksan an