Belle's POV
Matigas ang titig ni Adrian sa akin, pero hindi ako natinag. Sa halip, mas inilapit ko ang sarili kay Damian. Naramdaman ko ang init ng katawan niya nang dumampi ako sa gilid niya, ang matigas niyang braso ay nakapulupot sa bewang ko na parang pag-aari niya ako. Hindi ko alam kung bakit, pero nagustuhan ko ang pakiramdam. Mabilis akong napalingon kay Adrian. Nandoon pa rin siya, titig na titig sa akin, at kahit hindi siya nagsasalita, rinig na rinig ko ang sigaw ng ego niyang natatapakan. Hindi ko alam kung anong klaseng satisfaction ang dulot ng itsura niya ngayon—'yung parang hindi makapaniwala na ako, ang babaeng pinagpalit niya, ay kasama ngayon ng isang lalaking hindi niya kayang tapatan. Ang kaniyang tiyuhing si Damian. Para akong biglang lumakas, biglang nagkaroon ng laban. “Belle,” may lumunod na lambing sa boses ni Adrian nang sa wakas ay lumapit siya sa amin. “Hindi ko inaasahang makikita kita rito.” Nilingon ko siya, isang pilit na ngiti ang ibinigay ko. “Small world, ‘di ba?” Nilingon ko si Damian. Tahimik lang siyang nakatayo sa tabi ko, pero kita ko ang bahagyang pag-angat ng kilay niya habang pinagmamasdan si Adrian na tila isang insekto lang na madaling durugin. Hindi ko rin napigilan ang mapansin ang paraan ng pagtayo ni Adrian. Hindi na ito kasing kumpiyansa noong kami pa. Parang hindi siya mapakali, parang kinakabahan siya. At doon ko naisip. Natatalo siya. Sa unang pagkakataon, hindi ako ang lumalabas na kawawa. Napansin ko ring hindi lang si Adrian ang hindi mapakali. Nasa tabi niya si Yumi, ang babaeng ipinalit niya sa akin, nakapulupot ang kamay sa braso ni Adrian. Ang ganda niya, hindi ko maikakaila. Pero hindi rin maikakaila ang paraan ng pagdikit niya kay Adrian ngayon—mahigpit, para bang ipinapakita niyang siya ang panalo. Pero sino ba talaga ang panalo sa amin? Pinilit kong huwag ngumiti. “Matagal na pala kayong magkakilala ni Damian,” sabi ni Adrian, pilit ang ngiti. Bago pa ako makasagot, Damian spoke, his voice was smooth, but laced with something sharp. “Hindi niya kailangang ipaliwanag sa 'yo.” Parang binuhusan ng malamig na tubig si Adrian. Kita ko ang pagdilim ng mga mata niya, pero hindi siya nakasagot. Napatingin ako kay Damian. Tahimik siyang nakatingin kay Adrian, pero ang presence niya ay punong-puno ng awtoridad, ng pangingibabaw. At doon ko napagtanto. Hindi lang ako ang talo ni Adrian ngayon. Maging siya. Dahil kahit anong gawin niya, Damian Villareal is the kind of man he could never be. "Belle," muling tawag ni Adrian, ngayon ay mas mahina ang boses. Pero bago pa siya makapagsalita ng kung ano pa man, biglang nagsalita si Damian. “Enough,” madiin niyang sabi. Hindi siya tumitingin kay Adrian—direkta siyang nakatingin sa akin, at sa unang pagkakataon, naramdaman kong totoo ang bawat salita niya. Hinila niya ako paharap sa kanya, ang mukha niya malapit sa akin. “Let’s go.” Bago ko pa maiproseso ang lahat, ginabayan niya ako palayo kay Adrian. Ang huling nakita ko bago kami tuluyang umalis ay ang mukhang punong-puno ng pagkagulat at pagkatalo ni Adrian. At alam kong iyon na ang huling beses na makikita niya akong nakayuko. *** Tahimik akong nakaupo sa passenger seat habang dinadala ako ni Damian palayo sa restaurant. Gusto kong magsalita, gusto kong magpasalamat sa kanya, pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Si Damian ang unang bumasag ng katahimikan. "Masaya ka?" Nagulat ako. “Anong ibig mong sabihin?” “Tinalo mo siya,” aniya, hindi inaalis ang tingin sa kalsada. “And by the look on your face, you enjoyed it.” Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung dapat ba akong mahiya sa naramdaman kong satisfaction kanina, pero alam kong hindi ko iyon maitatanggi. Napabuntong-hininga ako. “Maybe. Pero hindi ibig sabihin no’n na wala na akong nararamdaman.” Sa unang pagkakataon, lumingon si Damian sa akin. “You still love him?” Umiling ako agad. “Hindi. Hindi na. Pero hindi ibig sabihin no’n na hindi ako nasasaktan.” Pinagmasdan lang niya ako, para bang sinusuri niya ang katotohanan sa mga salita ko. Hanggang sa isang bagay ang hindi ko inaasahan. Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi mahigpit, hindi rin pilit. Para bang gusto lang niyang iparamdam na kahit anong nararamdaman ko ngayon, hindi ako mag-isa. At doon ko naisip. Baka sa isang kasunduang nagsimula sa peke… may ilang bagay ring magiging totoo. *** Matapos ang tensyonadong tagpo sa restaurant, dinala ako ni Damian sa isa sa mga pinakamahal na hotel sa lungsod. Pagpasok ko sa marangyang suite, hindi ko napigilang mapatitig sa paligid. Napakalaki ng kwarto—may sariling sala, isang dining area, at isang bedroom na may king-sized bed. Ang buong lugar ay sumisigaw ng yaman at kapangyarihan, isang bagay na tila likas lang kay Damian. Napalingon ako sa kanya. “Bakit tayo narito?” Hinubad niya ang kanyang coat at inilagay iyon sa sofa bago sumagot. “Para pag-usapan ang kasal.” Napataas ang kilay ko. “Kailangan pa bang sa hotel? Pwede namang sa opisina mo.” Hindi niya ako sinagot. Sa halip, lumapit siya sa minibar at nagsalin ng whiskey sa isang baso. "Gusto mo?" tanong niya habang inaalok ito sa akin. Umiling ako. “Pass. Hindi ako sigurado kung kaya ko pang uminom pagkatapos ng nangyari kagabi.” Bahagya siyang ngumiti—isang bihirang ekspresyon sa kanya. “Wise decision.” Tahimik akong naupo sa sofa, sinusubukang huwag ma-conscious sa presensya niya. May kung anong nakakapangilabot sa paraan ng kilos niya—mabagal, kontrolado, at parang laging may alam na hindi ko pa nauunawaan. “Ano bang gusto mong pag-usapan tungkol sa kasal?” tanong ko, binabasag ang katahimikan. Uminom siya ng whiskey bago ako tinitigan. “Ang rules.” Napakunot ang noo ko. “Rules?” Tumango siya. “May mga bagay tayong kailangang linawin bago ang kasal. Ayokong magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.” Napalunok ako. May isang parte sa akin na kinakabahan sa kung anong klaseng ‘rules’ ang sinasabi niya. “Fine,” sabi ko, pinipilit gawing matatag ang boses ko. “Ano ang mga rules mo?” Umupo siya sa kabilang dulo ng sofa, ang tingin niya ay seryoso at hindi nagbibiro. “Una—walang personal na damdamin.” Napatigil ako. Expected ko na iyon, pero bakit parang may kung anong sakit sa dibdib ko nang marinig ko ito mula sa kanya? “Okay,” sagot ko, sinisikap na huwag ipakita ang nararamdaman ko. “Pangalawa—walang pakikialam sa buhay ng isa’t isa kapag hindi tayo magkasama.” Napakagat-labi ako. “Ibig sabihin?” “May sarili kang buhay, may sarili akong buhay. Hindi kita tatanungin kung anong ginagawa mo sa oras mo, at hindi mo rin ako tatanungin sa oras ko.” Hindi ko alam kung bakit, pero ang statement na iyon ay parang may matalim na tinik na tumusok sa puso ko. “Okay,” sagot ko ulit. “Pangatlo—kapag natapos ang isang taon ng kasal natin, tapos na rin ang lahat.” Para akong natulala sa sinabi niya. Alam ko na ang kasal namin ay isang kasunduan lang, pero bakit parang ang hirap tanggapin ng mga salitang iyon? Isang taon lang. Isang taon lang kaming magiging ‘mag-asawa’ bago kami tuluyang maghiwalay na parang walang nangyari. “Understood,” sagot ko kahit may parte sa akin na hindi sigurado kung kaya kong panindigan ito. Tahimik akong tumitig sa kanya, sinusubukang basahin ang ekspresyon niya. Pero tulad ng dati, Damian Villareal remained a mystery. Matapos ang ilang sandali ng katahimikan, siya na ang bumasag nito. “Ikaw? May rules ka ba?” Nagulat ako. Hindi ko inasahang tatanungin niya iyon. Ipinatong ko ang mga kamay ko sa kandungan ko, nag-iisip ng mabilis. Dapat ba akong maglagay ng rules? Dapat ko bang protektahan ang sarili ko? Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Isa lang.” Nagtaas siya ng kilay. “Ano?” Tumingin ako sa kanya, siniguradong hindi nanginginig ang boses ko. “Walang ibang babae habang kasal tayo.” Hindi ako sigurado kung bakit iyon ang unang lumabas sa bibig ko, pero nang mabigkas ko na ito, alam kong hindi ko na ito mababawi. Bahagyang tumahimik si Damian. Hindi ko alam kung nagulat ba siya o nainis. Pero pagkatapos ng ilang segundo, ngumiti siya—isang matigas at mapanganib na ngiti. “Selosa ka pala,” sabi niya. Napasinghap ako. “Hindi ako selosa!” “Then bakit ka may ganitong rule?” “Dahil kung papasukin natin ang kasal na ‘to, kahit peke lang, gusto kong panindigan natin ito. Hindi ko gustong makita kang may kasamang ibang babae habang dala mo ang apelyido ko.” Para akong nagulat sa sarili kong sinabi. Bakit ba parang ang possessive ng tunog? Tinitigan lang ako ni Damian, para bang sinusuri niya ang reaksyon ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero pagkatapos ng isang mahaba at tahimik na sandali, tumango siya. “Fine.” Napakurap ako. “Fine?” “Fine,” inulit niya. “Walang ibang babae habang kasal tayo.” Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong init na dumaloy sa katawan ko nang sabihin niya iyon. Alam kong isang simpleng kasunduan lang ito, pero bakit parang ang bigat ng epekto nito sa akin? Napatingin ako sa kanya, sa malamlam niyang mga mata, sa paraan ng pag-inom niya ng whiskey na parang wala lang sa kanya ang lahat ng ito. At doon ko napagtanto. Nag-uumpisa na akong matakot. Hindi kay Damian. Hindi sa kasal namin. Kung 'di sa posibilidad na, bago pa matapos ang isang taon… Baka mahulog ako sa isang lalaking hindi marunong magmahal. Author's Note: Hello, pwede po bang pa-like ng note ko, mag-iwan ng comments sa bawat chapter po kahit ano lang po for engagement ng book. Pwede rin kayong mabigay ng gems. Paki-rate na lang din po ang book. Malaking tulong na po 'yan sa book ko.Hello, pwede po bang pa-like ng note ko, mag-iwan ng comments sa bawat chapter po kahit ano lang po for engagement ng book. Pwede rin kayong mabigay ng gems. Paki-rate na lang din po ang book. Malaking tulong na po 'yan sa book ko.
Belle's POV Dalawang araw pagkatapos naming lagdaan ang kasunduan, nagising ako sa katotohanang wala na akong atrasan. Lahat ay mabilis na umandar. Mga fittings, meetings with wedding planners, public appearances—parang isang malaking production ang kasal namin ni Damian. At ngayon, heto ako, nakatayo sa harap ng isang malawak na mansyon na tila isang palasyo, may hawak na isang bouquet ng puting bulaklak, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. Ang unang pagtapak sa tahanan ng mga Villareal. Nasa tabi ko si Damian, naka-black button-down at slacks, mukhang business as usual lang sa kanya ang lahat ng ito. Pero para sa akin? Para akong ipapakain sa mga leon. "Bakit ko nga ulit kailangang gawin 'to?" bulong ko habang naglalakad kami papasok sa mansyon. "You're about to be my wife," sagot niya, malamig at direkta. "It's only natural that my family meets you." Napabuntong-hininga ako. Tama naman siya. Kung gusto naming maging kapanipaniwala ang palabas na ito, kailangan kong ipakit
Belle's POV Pagkatapos ng matinding tensyon sa hapunan kasama ang pamilya Villareal, hindi ko alam kung paano ko nagawang panatilihing tuwid ang aking likod at hindi matinag sa matatalim nilang tingin. Ngunit sa sandaling umalis na kami sa mansyon, doon ko naramdaman ang bigat ng lahat. Pagkatapos naming magpaalam kay Don Hector at Doña Miranda, mabilis akong naglakad palabas, gustong-gustong makawala sa nakakapasong presensya nila. Damian, as usual, was calm and composed. Para bang sanay na siya sa ganitong eksena. Ngunit bago pa ako makasakay sa sasakyan ni Damian, isang pamilyar na boses ang pumigil sa akin. “Belle, sandali.” Napako ako sa kinatatayuan ko. Si Adrian. Ramdam ko ang paninigas ng buong katawan ko, pero hindi ko siya nilingon agad. Alam kong kung titingnan ko siya, may kung anong bahagi sa akin ang magagalit muli, maghahanap ng kasagutan, ng closure na hindi ko pa rin natatanggap. Ngunit hindi rin ako nagulat nang maramdaman kong lumapit si Damian sa tabi ko,
Belle's POV Kinabukasan, nagising ako sa malambot na kama, nakabalot sa mamahaling kumot, pero may kakaibang pakiramdam sa dibdib ko. Para akong bumangon sa isang panaginip—o bangungot, hindi ko pa alam. Ang una kong naalala? Ang mga mata ni Adrian habang tinatanggap niyang wala na akong balak bumalik sa kanya. Ang pagkahawak ni Damian sa baywang ko, na parang isang deklarasyon na ako ay pag-aari niya. Kahit alam kong peke lang ang lahat. Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang bumangon. Masyadong tahimik ang paligid. Nang bumaba ako mula sa kwarto, bumungad sa akin ang pamilyar na tanawin ng modernong sala ng penthouse ni Damian. Nandun siya, nakaupo sa isa sa mga leather couches, hawak ang isang tablet habang nagbabasa ng kung ano. Naka-puting button-down siya ngayon, malinis at preskong tingnan, pero may bahagyang gulo sa buhok niya na nagsasabing hindi pa siya tuluyang nakapag-ayos. Napatingin siya sa akin nang maramdaman ang presensya ko. “Good morning,” aniya, walang emosy
Belle's POV Ang buong gabi ay tila isang malupit na laro—isang laban ng mga matang nagtatagisan, ng mga ngiting pilit pero puno ng kahulugan. Ngayon, narito ako sa loob ng restroom, nakapatong ang dalawang kamay ko sa marmol na counter habang pinagmamasdan ang sarili ko sa malaking salamin. Mukha akong composed, maayos ang makeup, walang bahid ng kahinaan. Pero sa loob, nagkakagulo ang damdamin ko. Ilang beses kong inulit sa isip ko: Hindi totoo ang kasal na ‘to. Pero bakit parang sa tuwing hinahawakan ako ni Damian sa harap ng ibang tao, parang nagkakaroon ng sariling buhay ang puso ko? Napabuntong-hininga ako at iniiling ang sarili ko. No, Belle. Hindi ka pwedeng mahulog. Nagpakatatag ako at inayos ang sarili. Wala akong choice kundi bumalik sa labas. Kailangan kong gampanan ang papel na ito. Nang lumabas ako ng restroom, hindi ko inaasahang may naghihintay sa akin. Si Adrian. Napahinto ako sa pintuan, hindi makapaniwala. "Belle," mahina niyang tawag, pero sapat na para b
Belle's POV Kinabukasan, maaga akong nagising sa malambot na kama ng penthouse. Nakasanayan ko na ang ginhawang dulot ng marangyang silid na ito, pero sa totoo lang, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng paninibago. Hindi ko pa rin matanggap nang buo na ito na ang buhay ko—isang buhay na batay sa kasunduan, hindi sa pagmamahal. Paglabas ko ng silid, nadatnan ko si Damian sa kusina, nakasuot ng itim na dress shirt na medyo nakabukas ang unang dalawang butones, at naka-slacks. Hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya kaayos kahit bagong gising. Hindi man lang siya lumingon nang bumati ako. "Good morning." "Good morning," sagot niya, abala sa pagbabasa ng kung anong dokumento habang hawak ang tasa ng kape. Lumapit ako sa counter at kumuha ng sarili kong tasa. Inipon ko ang lakas ng loob ko bago nagsalita. "May meeting ka ba today?" tanong ko, pilit na pinapanatiling casual ang tono. Tumango siya at saka tumingin sa akin. "Yeah. Actually, aalis ako mamaya. Pupunta ako ng US for
Belle's POV Limang araw na mula nang umalis si Damian, at sa loob ng panahong iyon, pilit kong iniiwasan ang sarili kong damdamin. Hindi ako pwedeng mahulog sa patibong ng emosyon, lalo na’t malinaw sa aming dalawa na isang kasunduan lang ang kasal namin. Kaya inabala ko ang sarili ko sa trabaho bilang bank teller. Huling linggo ko na sa bangkong ito bago tuluyang lumipat sa buhay na may pangalan nang "Mrs. Villareal." Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang mapansin na parang may bumabagabag sa akin. Habang abala ako sa pag-aasikaso ng isang transaction, napansin kong nagkaroon ng kakaibang tensyon sa paligid. Ang mga kasamahan ko sa bangko ay tahimik na nagbubulungan, at ang iba nama'y palihim akong tinitingnan. Nang lingunin ko ang entrance, doon ko siya nakita. Si Yumi Chan. At sa unang tingin pa lang, alam kong may masama itong binabalak. Dahan-dahan siyang lumapit sa counter ko, nakataas ang isang kilay at may mapanuksong ngiti sa kanyang mapupulang labi. Suot niya a
Belle's POV Muli akong napatingin sa mga rosas na nasa harapan ko. Masyadong perpekto ang lahat—mula sa pagkakaayos ng petals hanggang sa mamahaling pabangong nakahalong amoy sa bulaklak. Ang diamond bracelet na nasa loob ng eleganteng kahon ay hindi ko pa rin lubos maisip kung paano ko tatanggapin. Napalunok ako. May kakaibang init na lumukob sa puso ko, isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Damian had always been a mystery to me. Ikinuyom ko ang aking kamao at tiningnan si Adrian. Ano na naman ang ginagawa niya rito? Nagpalitan ng tingin ang ibang empleyado sa loob ng bangko. Ang ilan ay nagbulungan, ang iba naman ay diretsong tumitig sa akin, halatang naghihintay ng drama na maaaring mangyari. Sino ba naman ang hindi mapapaisip? Ilang minuto lang ang nakalipas nang may nagpadala sa akin ng isang napakagarang regalo, tapos ngayon, dumating si Adrian na may hawak ring bulaklak? Napalunok ako sa inis. Wala na ba siyang ibang oras para manggulo? Diretso ang lakad niya patungo sa
Belle's POV Tahimik ang buong bangko. Ang tensyon sa pagitan nina Damian at Adrian ay parang nagdudulot ng bigat sa hangin—isang hindi maiiwasang banggaan ng dalawang lalaki na parehong may papel sa buhay ko, pero may magkaibang kahulugan. Si Adrian, ang lalaking minsang minahal ko, pero nagdulot lang sa akin ng sakit. At si Damian, ang lalaking halos hindi ko pa lubos na kilala, pero sa kabila ng lahat, ay nagiging kanlungan ko sa hindi ko maipaliwanag na paraan. Nakatayo ako sa pagitan nila, ang puso ko’y bumibilis ang pintig habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Adrian—galit, pagkabigo, at isang emosyon na tila hindi ko lubos maunawaan. Hindi siya sanay na hindi nakukuha ang gusto niya. Hindi siya sanay na hindi ako bumabalik sa kanya. Ngunit ngayon, hindi na ako ang dating Belle na hinayaan niyang saktan at lokohin. Si Damian ang unang bumasag sa katahimikan. “I don’t appreciate other men bringing flowers to my wife,” aniya, malamig ang tinig. Napatingin ako sa kanya, nagul
Belle's POV Maagang tumunog ang cellphone ko, ang soft chime nito ay parang bumabasag sa tahimik na umaga. Medyo antok pa ako, ngunit nang makita ko ang pangalan na naka-display sa screen—Mrs. Darlene Villareal—agad akong napabangon.Napakagat-labi ako habang tinititigan ang pangalan. Hindi ko inaasahan na tatawagan ako ng mismong ina ni Damian. Sa ilang araw kong pananatili sa kanilang estate, hindi pa kami masyadong nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap nang matagal. Magalang naman siya sa akin, pero nararamdaman ko pa rin ang subtle distance sa pagitan namin.Dahan-dahan kong sinagot ang tawag. “Good morning, Mrs. Montiero.”“Good morning, Belle,” ang boses niya ay elegante at kalmado. “Are you free today?”Napakurap ako. “Uh… yes, po.”“Good,” sagot niya. “I’d like to take you shopping. Just the two of us.”Halos mahulog ako sa kama sa gulat. Did I hear that right?“A-Ako po?”“Yes. Be ready in an hour. Damian already knows. I’ll have the driver pick you up.”Bago pa ako makas
Belle’s POV Wala akong ibang naririnig kundi ang tunog ng mga hininga namin at ang malambot na alon na humahaplos sa dalampasigan. Ang mga labi ni Damian ay nakakabit pa rin sa mga labi ko, at sa sandaling iyon, nakalimutan ko na kung nasaan kami at kung sino kami. Ang tanging mahalaga sa akin ay si Damian—ang init ng katawan niya, ang haplos ng kanyang mga kamay, at ang pakiramdam na ako lang ang babae sa buong mundo. Ramdam ko ang matinding emosyon ni Damian sa halik na iyon. Hindi lang ito basta pagnanasa; ito ay lahat ng nararamdaman niya na matagal nang nakatago. Ang tensyon sa pagitan namin ay matagal nang nabuo—mga araw, linggo ng mga hindi nasabi at hindi naipaliwanag—at ngayon na kami ay magkasama, talagang magkasama, parang may isang bagay kaming binubuksan na mas malalim pa. “Belle,” mahina niyang bulong habang binibreak ang halik. Ang noo niya ay dumampi sa noo ko, at pareho kaming humihingal. “I’m not going to lie. You’re making it hard for me to control myself.” Buman
Belle’s POV After breakfast, Damian kept his promise. We left the Villarreal estate, escaping the suffocating atmosphere of silent judgments and unspoken words. He drove in silence, his grip on the steering wheel tight. His jaw clenched, his mind obviously replaying everything that had happened earlier. Alam kong hindi pa rin niya natatanggap ang mga pang-iinsulto ni Violeta. I reached out and placed my hand over his, my fingers gently brushing against his knuckles. “Damian, relax.” He let out a slow breath. “I hate them.” I let out a small chuckle. “No, you don’t. You’re just mad.” “I’m not mad,” he countered. “I’m furious.” Napatingin ako sa kaniya, watching the storm brewing in his eyes. He was a man who always had control over every situation, but when it came to me, he was different—reckless, possessive, and ready to burn the world down if it meant keeping me safe. "You don't have to fight everyone for me, Damian," I said softly. He scoffed. “You’re my wife. They should
Belle’s POV Morning light seeped through the curtains, painting golden streaks across the room. Damian’s arms were still wrapped tightly around me, as if refusing to let me go. His breathing was even, his chest rising and falling against my back. For a moment, I allowed myself to stay still, savoring the warmth of his embrace. After what happened last night, his presence felt like a protective cocoon, shielding me from the cruel world outside. Pero hindi ako mananatili lang dito. I needed to get up. I needed to breathe. Dahan-dahan akong kumawala mula sa pagkakayakap niya, careful not to wake him. Nang makatayo ako, dumiretso ako sa bintana, tinanaw ang malawak na hardin ng mansion. Everything looked peaceful, yet inside me, a storm still raged. Violeta’s words echoed in my mind. “You don’t belong here.” “You’re just hopping from one Villarreal to another.” “Damian deserves someone better.” Napalunok ako, my fingers curling against the windowsill. I thought I was stronger than
Belle's POV Nakahiga ako sa kama, nakabalot sa malambot na kumot na ipinilit ni Damian na itakip sa akin. He sat on the edge of the bed, his elbows resting on his knees, his hands clasped tightly together—his entire posture radiating tension. Tahimik lang siya, but the storm in his eyes was impossible to miss. Alam kong gigil na gigil siyang harapin si Violeta, pero pinili niyang manatili sa tabi ko. “Damian,” I called softly. He didn't respond immediately. Instead, he exhaled sharply before running a hand down his face. “You need to rest, Belle.” Alam kong iniwasan niya lang ang gusto kong pag-usapan, pero hindi ako papayag na hayaan siyang magpakain sa galit. I reached out and touched his arm. “Damian, look at me.” His muscles tensed under my touch, but he obeyed. Slowly, he turned to face me, his dark eyes locking onto mine. “I should have been there sooner,” he muttered, his voice tight with frustration. “I should have—” I placed my hand over his, stopping him. “You were t
Belle's POV The night had been going smoothly—or so I thought. Habang abala ako sa pagmamasid sa engrandeng pagtitipon, hindi ko maiwasang mapangiti nang makita si Damian na kausap ang ilang bisita, his demeanor confident yet effortless. His mother, Darlene Villareal, stood proudly beside him, beaming with approval. For a moment, I let myself breathe, sipping on my wine as I tried to blend into the background. Ngunit ang katahimikan ko ay hindi nagtagal nang lumapit sa akin si Violeta—the woman who exuded elegance yet carried an air of superiority that was impossible to ignore. I felt her gaze rake over me, mula ulo hanggang paa, her perfectly arched brows slightly raised as if she couldn’t believe what she was seeing. "Here we go," I thought, keeping my face neutral. “Ex-fiancé mo si Adrian Villareal, right?” she asked, her tone dripping with mockery. Hindi ako agad sumagot. I simply lifted my glass and took a slow sip of wine, my eyes flickering toward Damian, who was still en
Belle's POV Nakaupo ako sa harap ng isang full-length mirror habang si Damian ay abala sa paghahalungkat ng mga designer dresses na pinadala ng isang high-end boutique. Mula kanina, hindi na siya tumigil sa pagsasalansan ng iba't ibang damit na gusto niyang ipasuot sa akin para sa upcoming family gathering."Try this one," he said, handing me a sleek, champagne-colored gown. "I think this will look good on you."Napatingin ako sa kanya at napairap nang bahagya. "Damian, I’ve tried ten dresses already."He smirked, obviously enjoying my misery. "And we’re just getting started, sweetheart."Napabuntong-hininga na lang ako. I knew this was important for him, so kahit pagod na ako sa paulit-ulit na pagsukat, I let him do his thing.He was surprisingly good at choosing outfits. Alam ko namang may taste talaga siya pagdating sa fashion, pero hindi ko in-expect na ganito siya ka-particular sa bawat detalye. Lahat ng gowns na ipinapasuot niya sa akin ay elegante, pero may halong sensuality—s
Damian's POV Nagising ako sa malamig na pakiramdam sa tabi ko. Wala si Belle. Agad akong bumangon, bumaba ang kamay ko sa kama, hinahanap ang init ng katawan niya. Ngunit ang natagpuan ko lang ay ang malamig na espasyo kung saan siya dapat nakahiga. Napakunot ang noo ko. Anong oras na ba? Dumiretso ako sa bedside table at kinuha ang phone ko. Alas otso na ng umaga. Nag-inat ako at tumayo mula sa kama. Hindi ko nagustuhan ang pakiramdam na gumising nang wala siya sa tabi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero parang hindi buo ang umaga ko nang hindi siya ang unang taong nakikita ko. Napailing ako sa sarili ko. Damn it, Damian. You’re getting too attached. Isinuot ko ang isang plain black shirt at lumabas ng kwarto. Habang bumababa ako ng hagdanan, biglang bumungad sa akin ang isang malakas na sigaw. "Ay! Huwag mo akong niloloko, Belle! Alam kong ikaw lang ang nakakaintindi sa anak kong ‘yun!" Nanlaki ang mga mata ko. Si Mom? Napabilis ang hakbang ko pababa, nag-aalala
Damian's POV Tahimik ang paligid nang makarating ako sa penthouse. Tanging ang mahinang tunog ng wall clock ang bumati sa akin. Hindi ko na nagawang alisin ang suot kong coat, mabilis akong naglakad papasok sa loob, hinahanap ang presensya ni Belle.Nang marating ko ang living room, doon ko siya nakita.Mahimbing siyang natutulog sa sofa, suot pa rin ang kanyang work clothes. Nakapatong sa kandungan niya ang laptop, bukas pa rin ang screen. Mukhang napagod siya sa pagtatrabaho at hindi na nagawang lumipat sa kama.Napailing ako."Lagi mo na lang pinapagod ang sarili mo," bulong ko, lumalambot ang boses ko nang hindi ko namamalayan.Lumapit ako sa kanya at maingat na inalis ang laptop mula sa kandungan niya. Inayos ko ang gamit niya sa mesa at siniguradong walang babagsak o masisira. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya, hindi ko mapigilang titigan siya.Maliwanag ang ilaw mula sa lampshade kaya kitang-kita ko ang maamong mukha ni Belle. Mahinahon ang kanyang paghinga, ang mahaba niy