Pasensiya na po kung ngayon lang may update. May lagnat po kasi ako kaya hindi ako makapag-focus.
Belle's POV Tahimik lang ako habang bumibiyahe kami pabalik sa penthouse ni Damian. Nasa kaliwang kamay ko pa rin ang wedding ring na ipinasuot niya sa akin kanina, at hindi ko mapigilan ang pagtingin dito paminsan-minsan. Maliit lang dapat ito na bagay, isang piraso ng alahas na ang layunin ay pagtakpan ang kasinungalingan namin. Pero sa kung anong dahilan, pakiramdam ko ay may bigat itong dala—parang isang hindi nakikitang tali na unti-unting humihigpit sa paligid ko. Alam kong hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Alam kong hindi dapat ako naaapektuhan. Pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko? “Something wrong?” tanong ni Damian mula sa tabi ko, hindi inaalis ang mata sa daan. Napalingon ako sa kanya at saglit na napagmasdan ang seryoso niyang mukha habang nagmamaneho—ang matigas na panga, ang matangos na ilong, at ang bahagyang kulubot sa kanyang noo na tila laging nag-iisip. Hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya ka kalmado. Gusto ko sanang itanggi, pero wala akong la
Belle's POV Pagmulat ng mata ko, ang unang bagay na naramdaman ko ay ang malamig na hangin mula sa aircon na dumadampi sa balat ko. Bahagya akong napapikit muli, sinusubukang ipagpatuloy ang pagtulog, pero bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi. Si Damian. Ang panandaliang pag-uusap namin sa kusina. Ang mga mata niyang tila laging may binabasa sa akin, kahit hindi ko pa sinasabi ang iniisip ko. At ang hindi ko maitatangging tensyon na namamagitan sa amin. Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang bumangon mula sa kama. Nagpasya akong bumaba para makapag-almusal, iniisip kung paano ko uumpisahan ang araw ko. Ilang araw na lang bago ang charity gala, at kailangan kong maging handa. Pagdating ko sa dining area, tumigil ako sa paghakbang nang makita kong naroon na si Damian—nakasuot ng itim na dress shirt na may bahagyang bukas na unang tatlong botones, habang ang isa niyang kamay ay hawak ang isang tasa ng kape at ang isa naman ay nagbabasa ng diyaryo. Mukhang kanina pa siya gisin
Damian's POV Tahimik akong nakaupo sa likurang bahagi ng limousine habang tinatanaw ang labas ng bintana. Ang mga ilaw ng syudad ay naglalaro sa salamin, pero hindi ko iyon pinapansin. Ang atensyon ko ay dapat nasa paparating na gala—hindi sa babaeng nasa tabi ko. Ngunit kahit anong pilit kong i-distract ang sarili ko, ramdam ko pa rin ang presensya niya. Si Belle. Tahimik din siya, pero kahit hindi ako lumilingon, alam kong malayo ang iniisip niya. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon—ang punuin ang isang lugar ng presensya niya nang hindi man lang nagsasalita. Naubos na ang pasensya niya sa akin kahapon. Alam kong iniinis ko siya. Alam kong nahihirapan siyang tanggapin ang ganitong klaseng setup—isang kasal na walang emosyon, isang relasyong nakatali lang sa isang papel. Pero wala siyang magagawa. Dahil ganito lang ako. Hindi ako nag-aaksaya ng panahon sa mga bagay na hindi mahalaga. Bumaling ako sa kanya, binigyan siya ng isang mabilis na sulyap. Nakatingin siya sa l
Damian's POV "Gusto kong uminom. Dumaan muna tayo sa isang bar," saad ni Belle. Tahimik kong tinitigan si Belle habang nakaupo siya sa kabilang bahagi ng limousine. "Let me get this straight," malamig kong sabi, hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. "Gusto mong dumaan sa isang bar—ngayong gabi?" She met my gaze, her eyes filled with stubborn determination. "Yes." Hindi ako sumagot agad. Pagod ako. Gusto ko nang umuwi, magpahinga, at tapusin na ang araw na ito. Pero itong babaeng nasa tabi ko, tila ba wala siyang pakialam kung gaano na kahaba ang araw ko. "You do realize we just came from a gala?" malamig kong tanong, inaasahang bibitawan niya na ang ideyang ito. "Gabi na. May trabaho pa ako bukas." Ngunit imbes na sumuko, nag-angat siya ng isang kilay. "Alam mo, Damian, hindi pa ako lasing, pero bakit parang ang sakit mo na sa ulo? Hindi naman ikaw ang iinom. Wala akong pakialam kung may trabaho ka pa bukas. Gusto ko lang uminom." Napakurap ako. Did she just— "Isang baso la
Damian's POV Napahinto ako sa harap ng elevator nang biglang humulagpos si Belle mula sa tabi ko at mabilis na tumakbo pabalik sa loob ng bar. I clenched my jaw. Ano na namang ginagawa ng babaeng ito? Mabilis kong hinabol ang hakbang niya, galit na galit habang pinagmamasdan siyang bumalik sa upuan niya sa bar at mag-angat muli ng baso. Pagsapit ko sa tabi niya, siniko ko ang counter at malamig siyang tiningnan. "Belle," banta ko. Hindi niya ako pinansin. Instead, she raised her glass and took another sip. "Belle," ulit ko, mas mababa ang boses ko, mas puno ng babala. This time, she turned to me with an exasperated look. "Damian, hindi pa ako tapos." Napasinghap ako sa inis. "You said one drink." Nagkibit-balikat siya. "Nagbago ang isip ko." I took a deep breath, forcing myself to remain composed. "We're leaving. Now." Pero hindi siya natinag. "Ikaw na lang umalis," aniya bago muling ibinaling ang pansin sa bartender. "Isa pang round." I closed my eyes briefly, fighti
Belle's POV Masakit ang ulo ko. Sobrang sakit. Pakiramdam ko ay may isang batalyon ng sundalo na sumasayaw sa loob ng utak ko habang may nagmamartilyo sa sentido ko. Napahawak ako sa noo ko at napapikit ng mariin. "Ugh… bakit parang dumaan ako sa isang giyera?" daing ko sa sarili ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata, pero agad ko ring ipinikit ulit nang tamaan ako ng liwanag mula sa bintana. "Tangina, ang sakit!" I turned to my side at saka ko lang napansin na nasa kwarto ako. "Hmm? Paano ako nakarating dito?" I tried to remember what happened kagabi. Ang huling naaalala ko ay nasa bar kami ni Damian. Uminom ako, nagalit siya, tapos— Napadilat bigla ang mga mata ko. Wait… may ginawa ba ako kagabi?! Panic surged through me. Dali-dali akong bumangon, pero mali ang desisyon kong biglain ito. "Shit!" Napaakap ako sa sarili kong ulo at napaluhod sa kama. Hangover is a bitch. At sa gitna ng paghihirap ko, biglang bumukas ang pinto. "Finally, nagising ka rin," malami
Belle's POV Napahiga ako pabalik sa kama at inabot ang unan para takpan ang mukha ko. Anong ginawa ko kagabi?! Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Damian. Hinalikan ko siya?! Ilang beses akong nagpakawala ng ungol ng frustration habang pinaghahampas ang unan sa sarili kong ulo. Bakit ba kasi ako nagpakalasing?! Ilang minuto akong nanatiling nakahilata, hoping na baka biglang mag-reset ang mundo at mabura ang nangyari kagabi. Pero hindi. Naiwan akong nakatitig sa kisame, pinipilit alalahanin kung paano at bakit ko nagawa ‘yon kay Damian. Pero bago pa ako tuluyang lunurin ng kahihiyan, biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. “Belle, bumangon ka na.” Napairap ako nang marinig ang pamilyar na malamig niyang boses. “Ano na namang problema mo?” reklamo ko nang hindi inaalis ang unan sa mukha ko. Narinig ko ang mabigat niyang hakbang papasok sa kwarto. “Bakit parang ang tagal mong gumising?” “Hangover, Damian. Alam mo ‘yon?” I groaned. “So, kasalanan ko bang nagpakalasing
Belle's POV Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa matayog at eleganteng gusali ng Villareal Empire Holdings. Kahit kailan, hindi ko naisip na darating ang araw na papasok ako rito—at lalong hindi ko inisip na gagawin ko ‘yon bilang asawa ng mismong may-ari. Napabuntong-hininga ako. What the hell am I even doing here? “Seryoso ka bang tatayo ka lang diyan maghapon?” Napairap ako at nilingon ang lalaking nasa tabi ko. Si Damian, as usual, ay mukhang isang business tycoon na parang kakain ng tao sa suot niyang all-black suit. Matigas ang expression niya at malamig ang mga mata niyang nakatingin sa akin. “Hindi ba pwedeng i-appreciate ko muna ‘yung gusali bago ako pumasok?” sagot ko. “You have five seconds.” “Wow, ang generous mo naman,” sarkastikong tugon ko bago inirapan siya. Tumikhim siya at diretsong naglakad papasok ng building. Naiwan akong nakatingin sa likuran niya bago ko siya hinabol. “Hoy, Damian! Bilisan mo naman!” “Hindi ako ang mabagal, Belle,” sagot niya nang hin
Damian's POV Nagising ako sa malamig na espasyo sa tabi ko.Agad akong bumangon, inabot ang gilid ng kama kung saan dapat ay nakahiga si Belle, pero walang ibang naroon kundi ang bahagyang lukot na kumot at ang amoy niyang naiwan sa unan.Mabilis akong lumabas ng kwarto, umaasang matatagpuan siya sa sala o sa kusina, pero walang Belle na sumalubong sa akin.Napamura ako sa sarili.Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bedside table at tinawagan siya.Isang beses. Dalawang beses. Tatlong beses.Pero wala. Patay ang phone niya."Lintek!" napabulalas ako, pinipigilan ang bugso ng kaba sa loob ko.Hindi siya maaaring umalis. Hindi siya pwedeng basta na lang mawala.Damn it, Belle.Kahapon lang, ramdam kong bumigay na siya sa akin. Ramdam kong nagbukas na siya, na kahit papaano ay may puwang na akong nakuha sa puso niya. Pero ngayon, bigla na lang siyang nawala na parang bula?Hindi puwedeng ganito lang 'yon.Binalot ng tensyon ang dibdib ko habang pababa ako sa hagdan. Malamang nasa
Damian's POV Tahimik ang biyahe namin pauwi. Ang tanging naririnig ko lang ay ang marahang ingay ng makina at ang mababaw na paghinga ni Belle. Nakatingin siya sa labas ng bintana, hindi ko alam kung nagmamatigas lang siya o iniisip ang nangyari kanina.Ang kaninang tensyon sa pagitan namin ay hindi pa rin nawawala. Hindi ko rin alam kung anong mas matimbang—ang inis ko dahil sa pagiging stubborn niya o ang hindi mapigilang pagnanasa kong muli siyang mahawakan.Hindi ko na lang pinansin ang pangungutya ng utak ko. Mas mabuting manatili na lang akong tahimik.Pero puta, ang hirap.Gustong-gusto kong basagin ang katahimikan sa pagitan namin. Gusto kong ipaalala sa kanya ang halik na hindi niya nagawang iwasan kanina. Pero nagtiis ako. Hanggang sa makarating kami sa penthouse.Pagkapasok namin sa loob, dumiretso agad siya sa hagdan, halatang iniiwasan ako."Hindi mo ba balak mag-usap?" tanong ko, hindi ko na matiis ang katahimikan.Huminto siya saglit sa gitna ng hagdan, hindi lumilingo
Damian's POV Nakahinto pa rin ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Sa loob ng makipot na espasyo ng kotse, nanatiling nakakapit ang tingin ko kay Belle—ang mga mata niya nag-aapoy sa galit, pero sa ilalim ng matalim na tingin na ‘yon, may isang bagay na hindi niya maitago.Desperadong itinulak niya ako palayo. "Damian, tama na!" sigaw niya, pero kahit siya ay alam na huli na ang lahat.Napangisi ako. "Tama na? Bakit? Natatakot kang aminin ang totoo?""Anong totoo?!"Napailing ako, pinagpapasensyahan ang kakulitan niya."The truth that you liked that kiss, Belle."Bakas sa mukha niya ang frustration. Hindi niya maamin, hindi niya matanggap. At lalo akong naiinis sa kakulangan niya ng honesty."Alam mo, Damian?" Nagpahid siya ng labi niya gamit ang likod ng palad niya, animo'y may lason ang halik ko. "Napakasama mong tao! Walang kang respeto sa akin!"Napatawa ako nang mapait. "Respect? Belle, huwag mo akong turuan tungkol sa respeto. Dahil sa atin dalawa, ikaw ang mas walang respeto sa s
Damian's POV Pagkalabas na pagkalabas namin ng bar, nagsimula na agad si Belle sa walang katapusang litanya niya. "Damian! Ano bang problema mo?!" sigaw niya habang pilit na hinahatak ang braso niya mula sa hawak ko. "Ikaw ang problema ko," sagot ko nang hindi man lang nilingon siya. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad patungo sa parking lot, habang siya naman ay pilit na nagpupumiglas. "Let me go!" mariing sabi niya, pero lalo ko lang hinigpitan ang hawak ko sa kanya. "Bakit? Para makabalik ka sa loob at magpasilip pa sa ibang lalaki?" tumaas ang tono ng boses ko. Napahinto siya at tuluyang nabawi ang kamay niya mula sa akin. "Excuse me?!" Nakasalubong ko ang nag-aapoy niyang mga mata. "I am not—" "Not what, Belle?" madiin kong tanong habang unti-unti akong lumalapit sa kanya. "Not enjoying the attention? Huwag mo akong gawing tanga. Nakita ko kung paano ka tinitingnan ng mga lalaki sa loob. At anong ginawa mo? Hinayaan mo lang!" Nagtaas siya ng kilay. "So, kasalanan ko na nga
Damian's POV Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na sumama sa party na 'to. Alam ko namang hindi ko magugustuhan. Ang ingay ng music, ang siksikan ng mga tao, at higit sa lahat—ang suot ni Belle.Damn.Nang makita ko siya kanina, halos mawalan ako ng hininga. The dress she wore clung to her body like second skin, highlighting every curve, every inch of her that should only be for my eyes. Pero ang mas lalong nagpainit sa ulo ko? Ang mga lalaking hindi mapakali sa tuwing nadadaan siya.Tulad na lang ngayon.Mula sa kinalalagyan ko, kitang-kita ko kung paano siya sinusundan ng tingin ng halos kalahati ng kalalakihan dito. They weren’t even trying to be discreet. May ilan pang mukhang nagbabalak lumapit sa kanya, pero dahil nandito ako, hindi sila makalapit. Tama lang. Dahil kapag may lumapit? Sisiguraduhin kong pagsisisihan nila."Damian, relax," bulong ni Belle habang inaabot ang isang cocktail mula kay Bea. "Parang gusto mo nang gulpihin lahat ng lalaki rito, eh.""Kung may paraan l
Belle's POV Pagpasok pa lang namin sa exclusive bar kung saan ginaganap ang birthday party ni Bea, alam ko na agad na hindi mapapakali si Damian. His entire aura screamed disapproval—mula sa pagtaas ng kilay niya sa malalakas na music hanggang sa paraan ng pag-scan niya sa paligid na parang may hinahanap na kaaway. But what really set him off was my outfit. “Belle.” His voice was sharp as he leaned down towards me. “Ano ‘yang suot mo?” Napairap ako at mabilis na lumayo sa kanya bago pa niya ako mahawakan. “Damit.” “You call that a dress?” Napatigil ako sandali at binalingan siya. “Anong problema mo sa dress ko?” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, and I could literally feel his disapproving gaze. My dress was a silky, backless number that hugged my curves just right. Medyo above the knee, but nothing too scandalous. At least, not in my opinion. “You’re practically naked,” he hissed. Napahinto ako sa gitna ng dance floor at tumingala sa kanya, nakapamewang. “Naked? Damia
Belle's “Damian, pupunta ako sa party ni Bea sa Friday.” Itinaas ko ang tingin mula sa phone ko at tiningnan si Damian na kasalukuyang abala sa pagtali ng necktie niya sa harap ng salamin. Kadarating lang namin sa penthouse mula sa trabaho, at ngayon pa lang ako nagkaroon ng pagkakataong sabihin sa kanya ang tungkol sa imbitasyon ni Bea. Nagtagal ng ilang segundo bago siya sumagot, pero hindi niya ako nilingon. “No.” Napakunot ang noo ko. “No?” Binitiwan niya ang necktie at saka humarap sa akin, nakataas ang isang kilay. “Hindi ka pupunta.” I stared at him, baffled. “What do you mean, ‘hindi ako pupunta?’ Damian, kaibigan ko si Bea. Birthday niya. Siyempre kailangan kong pumunta!” He exhaled sharply. “I don’t care. You’re not going.” Napasinghap ako sa sobrang inis. “Excuse me? Sino ka para pagbawalan ako?” Tumawa siya nang sarcastic. “Sino pa ba? Asawa mo ako, Belle.” “Oh, wow. Ngayon mo lang naisip na asawa mo ako? Kapag gusto mong kontrolin ang kilos ko?” Naglakad siya
Belle's POV Naramdaman ko agad ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko nang magising ako kinabukasan. Pilit kong idinilat ang mga mata ko at napabuntong-hininga habang kinakalma ang sariling puso.Tila hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kahapon. Mula sa muling pagharap ko kay Adrian hanggang sa pagsuntok ni Damian sa kanya—at higit sa lahat, ang huli kong ginawa bago kami umuwi.I kissed him.Napapikit ako habang niyayakap ang unan.Ano ba kasing pumasok sa isip ko? Bakit ko siya hinalikan sa pisngi? Lalo ko lang pinapalala ang sitwasyon namin!Mabilis akong napailing. Hindi. Hindi dapat ako mag-overthink. Siguro, nadala lang ako ng emosyon. Siguro, isang paraan lang ‘yon ng pasasalamat kay Damian sa pagtatanggol niya sa akin.Bumaba ako ng kama at naghilamos bago bumaba. Hindi pa ako gaanong nakakain kagabi, kaya ramdam kong kumakalam ang sikmura ko.Pagdating ko sa dining area, saglit akong natigilan sa nasaksihan ko.Si Damian ay nakatayo sa gilid ng mesa habang inaay
Belle's POV Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang paglayo ni Damian patungo sa restroom. Kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko matapos niyang itaboy si Yumi. Hindi ko rin maitatangging may kaunting satisfaction akong naramdaman nang makita kong napahiya ang babae. Pinakialaman ko ang baso ng tubig sa harapan ko, pilit na itinataboy ang kung anumang emosyon ang unti-unting lumalabas sa sistema ko. Hindi dapat. Hindi ko dapat hinahayaang magkaroon ng puwang si Damian sa puso ko. Contract marriage lang ‘to. Walang emosyon. Walang tunay na pagmamahal. Pero bakit may kung anong init sa dibdib ko kanina nang ipagtanggol niya ako? Napailing ako. Hindi. Hindi ko dapat isipin ‘yun. Siguro ay napagod na lang siya sa pambabastos ni Yumi. ‘Yun lang ‘yon. Walang iba. Sakto namang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may biglang tumabi sa akin. "Belle." Halos matapon ang tubig mula sa baso ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na ‘yon. Unti-unti a