NAPANGIWI sa sakit si Caramel nang matamaan siya ng isang malakas na suntok galing sa kalaban, sa bandang tagiliran. Panay ang atras niya sa tuwing lalapit ito sa kanya. Mukhang mahihirapan siya sa isang ito kasi ang itsura palang ay kung papanain hindi matatamaan.
Maraming manonood ang nag-aabang sa laban kung sino ang matitirang nakatayo sa loob ng ring ay siyang panalo. Nanonood rin ang kanyang kuya na si Brandon na medyo natahimik dahil sa alanganing galaw niya at mukhang dehado siya sa laban. Ang laki kasi ng pinusta nito sa kanya at kung sakaling manalo siya ay triple ang balik ng pera sa kanila. Napangisi ang amasonang kalaban niya at muli itong sumugod para itumba siya pero nailagan niya ang malakas na suntok na ginawad nito. Nagpakawala pa ito na mabilis at agresibong mga suntok kaya hindi niya maiwasang mapaatras sa tuwing nakakatama at nakakalusot ang mga bigwas na binitawan nito para sirain ang kanyang depensa. Kailangan niya nang magandang tayming para maitumba ito. Mas malaki ang katawan nito kung ikukumpara sa kanya. Kailangan niyang makahugot ng isang malakas na puwersa na dapat tumama sa panga nito. " Come on, bitch! Huwag kang duwag! " Mayabang na hamon nito at nakangising pinapalapit siya. Hindi niya pinansin ang kayabangan nito. Konsentrasyon ang kailangan niya. Muli itong gumalaw at muli niyang nailagan ang bigwas at sipa nito. Kasabay naman sa sunod nitong suntok ang kanyang pag-atake, nag-upper cut siya at tinamaan niya ito kaya ito napaatras. Bigla namang nanghinayang si Brandon dahil mukhang hindi napuruhan ang kalaban at nagawa pang tawanan si Caramel. Sinubukan lang talaga ni Caramel ang mabilis na kilos para matansiya niya kung gaano kalakas ang puwersang dapat niyang pakawalan. Sa kabilang itaas naman ay nanonood ang business tycoon na si Primero kasama ang mga alipores nito at katabi ang may-are ng arena. Seryoso itong nanonood ng laban habang humihithit ng sigarilyo. " Gusto ko ang galaw ng babaeng 'yan. Gusto ko siyang kunin, " pabulong na sabi nito sa may-are ng arena. " Sino sa kanila? Yung malaki ang katawan? " tanong nito kay Primero. " Hindi. Hindi ako mahilig sa babaeng mala-Mister Muscle ang hubog ng katawan Kael, " sagot naman ng matanda na ikinatawa naman ng kausap nito. " Hindi ko siya pagmamay-are pero puwede mo siyang hiramin. " Inilapit nito ang bibig kay Primero. “ Hiramin mo siya sa Supreme Intelligence Agency, " bulong nito kay Primero. Napangiti naman ang negosyante. Maliksing gumalaw si Caramel at paulit-ulit na inilagan ang bawat sugod nito sabay pakawala ng isang suntok sa bandang tiyan ng kalaban. Medyo napahakbang ang palayo ang katunggali sa ginawa niya. Sunod naman siyang kumilos para sundan pa ng isang suntok ang pagmumukha nito. Nakuha pa nitong makailag pero nagpakawala siya ng flying kick na tumama sa panga nito. Hindi iyon inaasahan ng kalaban kaya hindi na rin nito na pigilan ang sunod-sunod na mga suntok sa pinakawalan niya. Nagkaroon pa ito ng pagkakataon na maitulak siya palayo. Napahawak ito sa lubid at nagawa pang ngumisi. “ Yun lang ba ang kaya mo? ” pang-iirita nito sa kanya. Naningkit lamang ang kanyang mga mata at dumipensa. “ Sugod! ” hamon nito habang nakangisi. Muli siyang nagpakawala ng sipa pero nasagang nito ang kanyang hita sabay hila sa kanya. Binuhat siya nito na walang kahirap-hirap sabay balibag sa kanya sa sahig. Biglang napatayo si Bran at na dismaya ang iba pang pumusta sa kanya. Mukhang matatalo yata sila. Napaawang ang kanyang bibig sa malubhang pagkakabagsak niya sa sahig. Sumigaw ito sa loob ng ring na tila nagpupunyagi sa nagawang pagpapatumba sa kanya. Naririnig niya ang sigaw ng kanyang kapatid na si Bran. Pinilit niyang igalaw ang katawan para makaupo. Kumilos naman ang kalaban para sana daganan siya at bagsakan ang kanyang tiyan gamit ang siko nito ngunit kaagad siyang gumulong para ilagan iyon. Kaagad siyang kumapit sa lubid at pinilit na tumayo. Nang makatayo siya, nagpagpag lamang ng mga kamay ang amasonang kaharap niya. Biglang nabuhayan ang pumusta sa kanya noong muli niya itong hinarap dala ang kanyang depensa. Hindi siya susuko. Hindi siya magpapatalo sa babaeng 'to. Umuna itong sumugod pero ginamit niya muli ang kanyang paa para patamaan ng malakas na sipa ang panga nito. Napayuko ito kaya kaagad siyang umamba sa kalaban at siniko ang likuran nito sabay tuhod sa tagiliran nito. Bigla na lamang itong napaluhod sa sahig, susundan niya pa sana ng isa pang malakas na pagsugod pero pumagitna na ang referee at nag-sign sa mga hurado na panalo na siya. Tuluyan bumagsak sa sahig ang kalaban. Napasigaw si Brandon sa galak at nagmamadaling umakyat ng ring para magpunyagi sa pagkapanalo niya. Niyakap siya nito at itinaas ang kanyang mga kamay. Hindi siya makapaniwalang nanalo siya, sa wakas! Marami na siyang nakitang butiin kanina nang bumagsak siya sa sahig, mabuti nalang ay sumilay ang mukha ni Carmen para bigyan siya ng panibagong lakas. Agad niyang sinuot ang t-shirt na binigay sa kanya ni Bran. Boxer bra lang ang pang-itaas niya at nakasuot naman siya ng maskara para naman walang makakakilala sa kanya. Halos lahat naman ng lumalahok ay nakamaskara. Iniwan niya si Bran sa loob ng arena para kunin ang napanalonang pusta. Nauna na siyang nagtungo sa locker room. Hinubad niya ang suot niyang t-shirt at hindi namalayan ang taong pumasok at pinagmasdan ang magandang hubog ng kanyang katawan. Hinubad niya ang suot na maskara at ipinasok iyon sa dala niyang bag. Napahinto siya sa paghalungkat ng kanyang gamit noong mapansin niyang parang may taong nakamasid sa kanya. Pagkaharap niya, tama nga ang hinala niya. Napangiti ang may edad na business tycoon kasama ang naka-armadong mga alipores nito. Lumapit ito sa kanya. " Congratulations! It's a tough fight but you won with power and determination, " puri ng matanda sa kanya. Kilala niya ito. Tatay ito nina Third at Fourth. " May kailangan ka ba sakin, Sir? " Napangiti ito. " I didn't come here just to waste my precious time. Kilala mo naman siguro ako? " Napatango siya. " Sinabi sakin ni Kael na nagtatrabaho ka sa Supreme Intelligence Agency." " Matagal na akong nag-resign, " tugon niya habang kinakalas ang bendahi sa kanyang kamay. " Gusto ko na rin kasi ng panibagong trabaho. Nakakabagot na kasi maging isang agent—monitoring agent, " pagkaklaro niya sa posisyon ayaw niyang hawakan. Medyo natawa ito. " Hindi ka ba nababagot sa pagiging empleyada lamang? " Natawa naman siya. " Nakakabagot nga e kaya sumasabak ako sa bugbugan." Napatango naman si Primero. " Kung ganun, puwede kang magtrabaho sakin. Malaking pera ang isasahod ko sayo. " Mataman niyang tinitigan ang matanda. Seryoso ba ito? Kung pera lang naman ang pag-uusapan, game siya. " Anong klaseng trabaho? " Interesadong tanong niya rito. " Bodyguard. Bodyguard ng pasaway kong anak." At ang dating secret agent ay mukhang magiging bodyguard na naman sa pangalawang pagkakataon.MAAGANG nagising si Caramel para makapag-impake na siya ng kanyang mga gamit. Binigyan lamang siya ng tatlong araw ni Don Primero upang makapag-desisyon sa trabahong inaalok nito, kapag lumampas siya ay hahanap na ito ng iba. Sayang naman kung tatanggihan niya. Sobrang laki ng sahod at libre pa lahat. Saan naman siya hahanap ng ganoong klaseng trabaho. Malaki na ang sahod may kasama pang insurance kapag namatay siya. Napalingon siya sa kapatid n'yang si Brandon nang kapapasok pa lamang nito sa condo unit. Magulo pa ang buhok ng kan'yang kuya at mukhang may hang-over na naman. May band-aid pa sa ilong at halatang may nadaanan na naman itong bugbugan sa labas. " Saan punta mo? " tanong nito noong mapansin ang dalawang maletang dadalhin niya. Nag-inat muna siya ng katawan. " May bago akong trabaho, " tugon niya at nagtungo sa lalagyan ng mga sapatos para kunin ang boots at iba niya pang mamahaling sapatos na binigay sa kanya ni Garnet. " Saan? " interesadong tanong ng kapatid b
Napalingon si Caramel sa iba pang mga lalaki. Tumayo rin ang tatlong kasama nito na nakasuot lamang ng pang-ibaba katulad ng kaharap niya ngayon. Mas lalo siyang kinabahan sa uri ng titig ng mga ito. Napahinto ang tatlo at tinitigan rin siya mula ulo hanggang paa. Nagbulungan pa ang mga ito ngunit naririnig niya naman ang pinag-uusapan nito. " She's pretty and look young just like an 18 years old gal. Sabi ni Tita Dahlia nasa 30's na daw yun e, " bulong ng lalaking nagkulang sa height. Medyo natawa s'ya sa isip niya. Ganun ba siya kabatang tingnan at akala nito mukha siyang nag-18 years old kahapon? " Baka, nagpa-plastic surgery kaya ganyan kabata, " bulong naman ng isa. Nagulat siya ng biglang lumapit ang isa na may mahabang buhok. Marahan nitong hinawakan ang kanyang pisngi at sinuri ang kanyang mukha. Piningot rin nito ang matangos niyang ilong at ginalaw pa ang kanyang mapulang labi. Hindi naman siya makagalaw sa ginagawa nito. Natulala rin kasi siya sa napaka-kalmadong mu
TAHIMIK na nagpapahinga si Caramel sa malaking kwarto kung saan siya matutulog. Kasama niya sa loob ang tatlong kasambahay. Medyo may edad na ang dalawang kasambahay at isa naman ay mas bata sa kanya ng limang taon. Dito muna ang pansamantala niyang tutulugan ngayon gabi. Bukas, doon na siya sa isa pang bahay ng mga Misuaris kung saan naroroon ang baklang si Fourth. Yung baklang 'yon talaga, hindi manlang siya sinabihan na may mga gwapo pala itong mga kapatid. Maglilimang taon na ang nakalipas noong huli silang nagkita ni Fourth. Ayaw niya na sanang makita ang pagmumukha ni Fourth ngunit kailangan niya talaga ng malaking sahod para matustusan ang pangangailangan ng kan'yang pamilya. Napalingon siya sa dala niyang itim na bag na naglalaman ng mga armas. Ang pinakamamahal niyang mga armas. Matagal-tagal na ring natingga ang mga iyan dahil palagi siyang nasa monitoring team kaya hindi niya magamit-gamit ang mga dekalibreng armas. Noong pumalpak na naman kasi siya sa lakad nila kasa
NAPAHAWAK si Fourth sa sugat niyang nakabendahe. Palabas na s'ya ng hospital. Bakit kaya kinakailangan pa siyang pilitin ng kanyang ama na palaguin ang mga negosyo nito kung katulong naman nito ang kaniyang mga kapatid? Halos lahat silang magkakapatid na sa business ang ruta, siya lang ang ayaw makisawsaw at makigulo sa malaking business ng kanyang pamilya. Business rin ang inaatupag ng kanyang mga pinsan kaya bakit kailangan niya pang makisali sa mga 'yon? Napabuntong hininga na lamang siya. Wala talaga sa isipan niya ang salitang negosyo. ~~~ " Sorry po sir, naka-froze po ang card ninyo. Wala po ba kayong cash? " tanong ng kahera sa kanya. Napatingin siya sa mga pinamili niyang mamahaling damit sa isang mall. " Wala akong dalang cash. Puwede pakiulit nalang baka nagloko lang ang system ninyo, " pakisuyo niya sa kahera. Agad naman itong tumalima. " Hindi po talaga mabuksan, sir " paumanhing wika nito. Inis siyang lumabas ng mall at nagtungo sa parking lot kung saan naghi
LIMITADONG kilos ang ginawa ni Caramel kasama ang dalawang bodyguard ni Fourth. Sumunod siya sa mga ito papasok ng mansiyon. Mapapalula talaga s'ya sa lawak at ganda ng buong mansiyon. Maraming naka-display na mga antigong kagamitan at ang mga mamahaling painting na naka-display sa dingding. Sa pagkakaalam niya, dito rin umuuwi ang kapatid ni Fourth na sina Sixto at Fifth. Ang tatlo nalang kasi ang wala pang asawa. Madalas naman, ang mansiyon na ito ang pinipiling venue kung magpa-party ang mga anak at pamangkin ni Don Primero dahil sa lawak at ganda ng lugar. Mas malapit rin ito sa syudad kaysa sa unang mansiyon na napuntahan niya na medyo may kalayuan talaga sa syudad. Agad silang sinalubong ng tatlong katulong. Sabay-sabay pang gumalang sa amo nila. " Where's Fourth? " tanong ni Don Primero sa unang katulong. " Natutulog pa po, sir " magalang na tugon nito. " Sinabi ko na sa kanya na gumising siya ng maaga para masamahan niya ako sa meet up namin ng ama ni Feng Xian. " Naiinis
Nakarating sila sa malawak na golf field na pagmamay-are ng Xian Family. Siya, si Fourth at Don Primero lamang ang nagtungo sa kinaroroonan ni Ling Xian na seryosong naglalaro ng golf. Kumalat naman sa paligid ang mga bodyguard for more safety and security. " Ling, how are you? " " I'm feeling well, Primero " tugon naman nito at nagyakapan pa ang dalawa. Nakipag-shake hand rin si Fourth sa matalik na kaibigan ng ama. " Mabuti naman at pumayag si Fourth na pumunta rito. Excited na akong makita silang magkasama ni Feng. " Natutuwang wika ni Ling Xian sa kumpare. Pilit naman na ngumiti si Fourth. " Where's Feng? " hanap ni Primero sa inaanak. " Ayon siya, nag-eensayo, " turo nito sa anak na nag-eensayo gamit ang katana. Agad na naging interesado si Caramel sa laban ng dalawa. Masyadong malayo ang kinalalagyan ng naglalaban kaya hindi niya maaninag ang itsura ng anak ni Ling Xen. Nakatalikod kasi ito sa dako nila. " Tara, doon tayo, " aya ni Ling Xian at agad naman silang na
MULI niyang pinulot ang espada sa damuhan at pum'westo para sa pangalawang pagtatangkang talunin ito. Muli siyang sumugod ngunit katulad kanina, sinasalo lamang nito na walang kahirap-hirap ang kanyang mga pag-atake. Seryoso at nagkakagirian ang bawat titigan habang nagkiskisan ang matalas na bahagi ng hawak nilang espada. Ito naman ang umatake kaya maingat rin siyang dumipensa. Malakas ang bawat bigwas ng kamay ni Feng kaya kusa siyang napapaatras. Hindi niya akalain na magaling pala sa paggamit ng espada si Satoh. Akala niya kasi puro sa keyboard lang ang alam nito. Nawala siya sa pokus kaya tumalsik na naman ang hawak niyang espada. Habol hininga siyang napatitig sa kalaban. Napangisi lamang ito. " Mukhang kailangan ka nang palitan. Kung ganyan ka kahina, hindi mo mapo-protekhan si Fourth " may ngising ani nito. " Ang yabang mo. Hindi naman sa espada nakasalalay ang kaligtasan ng isang tao, " iritableng tugon niya at muling inabot ang espada. Tuwid siyang tumayo at itinutok an
" MISS, nahanda na po namin ang bathtub " magalang na wika ng isang katulong kay Caramel habang nanonood ito ng palabas sa TV. Narinig iyon ni Fourth kaya hindi nito napigilang hindi mapaarko ang makapal nitong kilay. " At sinong nagsabi sa inyo na pagsilbihan niyo ang impaktang yan? " mataray na ika niya sa dalawang katulong habang paibaba siya ng hagdan. " Yun po ang inutos samin ni Don Primero. Isa rin po siyang mahalagang tauhan sa bahay kaya kailangan rin namin siyang pagsilbihan, " paliwanag naman ng isa. Napatingin siya sa walang kibong si Caramel. " Hoi babae! Bodyguard lang kita, bakit kailangan mo pang magpasilbi sa mga katulong!" Isinandal nito ang likuran sa malambot na sandalan ng sofa sabay pinag-krus ang hita. " Yung daddy mo ang nag-insist na gawin iyon ng katulong sa'kin. Ang hirap naman kasing tanggihan. Ayaw ko kayang magpa-alila sayo, " tugon naman nito sabay irap. " Dapat ako ang pagsisilbihan mo at hindi ka dapat nagpapasilbi sa mga katulong! " Asik n'ya ha
BACK AT WORK... Caramel and he walked side by side down the hallway, exchanging smiles with the employees they passed. He felt on cloud nine because, at last, Caramel shared the same feelings he had. It’s such a wonderful feeling to be loved by the one you love, right? If only everyone could experience that kind of love. Caramel took the lead, holding the door open for him with a bright smile, and he entered the room with a heart full of joy. But the moment they stepped inside, his smile vanished like a puff of smoke when he saw Feng, lounging comfortably in his seat. Napatingin ito sa kanilang dalawa. " Oh, good morning! " bati nito. " What are you doing here? " tanong niya naman kay Feng. " Ito ang panibago kong opisina, " tugon naman nito. Napakunot noo naman siya. " Papalitan mo si Caramel sa pagiging secretary ko? " taas kilay na tanong niya. Natawa naman ito. " Of course not, Fourth. Uno recommended me here to become the Executive Assistant of the President, "
" The wedding between you and Feng is still happening. Ling Xian said nothing will change in the agreement, even if Dad is dead, " pagbibigay-alam sa kan'ya ni Sixto. He looked down from the balcony. Fifth and her friends were by the pool. It’s been two months since her dad passed away. He was happy to see Fifth getting her energy back. Among the siblings, Fifth was the closest to their dad, so she was the most affected by the loss. " What’s your decision?" his brother asked. " I don’t want to continue the wedding if it’s possible," he replied, lost in thought. " We can work it out, but... your reputation will be ruined," Sixto responded. He turned to look at him. " Why... what are you thinking now, Sixto?" he asked, curious. “ Don’t show up at your wedding with Feng," his brother suggested. Could he do that? But if he couldn't, what would happen between him and Caramel? He couldn’t bear the thought of not being with Caramel. He kept telling himself that he wouldn’t fall
Wednesday, Committee Election. The entire company board gathered in the spacious conference room. This wasn’t a simple committee election—the position of President was at stake, the highest role in Misuaris ModernTech World Company, which he and Uno were vying for. Magkatabi sila ni Caramel, yet he couldn't resist stealing glances at Caramel's serious expression. When Caramel briefly turned to face him, a faint smile crossed their lips. He let out a deep sigh. He felt nervous about what might happen. He had never held a high-ranking position, not even in the Philippine branch of Misuaris ModernTech World Company. How could he convince the other members of the company with his limited business experience? He glanced at the chairman, who sat comfortably in his seat alongside the other top company officials. The major meeting had begun, and soon, the election would take place. Walang gustong kumalaban sa kapatid niyang si Uno. Dahil karamihan ay boto rito. They clearly based thei
One Week Later... Hinihintay ni Fourth ang pagdating ng kanyang tiyahing si Nathalie. Si Nathalie Nagari ay ang Vice-chairman ng Misuaris Moderntech World Company. Matapos pumanaw ang kanilang ama, ang tiya n'ya ang s'yang humalili bilang Chairman ng kompanya. Ito rin ang nakababatang kapatid ng ina ni Fourth na si Natalia. Siya ang unang nais kausapin ng kan'yang tiya pagdating nito sa Pilipinas. Gusto rin sana nitong makausap ang kakambal niyang si Third, ngunit kahapon lang ito umalis pabalik ng Beijing. Abala na kasi si Third sa sarili nitong negosyo sa China kasama si Lauren. Napasilip si Fourth sa suot niyang relo. Maaga pa, kaya sinubukan niyang pakalmahin ang sarili. Ilang taon na rin mula nang huli silang magkita ng kanyang tiyahin dahil naging abala siya noon sa kanyang matagumpay na karera bilang artista. Hindi rin siya interesado sa family business nila, kaya’t hindi niya nagawang magtungo sa ibang bansa upang dalawin ang tiyahin n'ya. Ibinaling niya ang tingin sa
MARAMING dumalo sa burial ceremony ni Don Primero Misuaris. Karamihan ay mga kaanak at kadugo nito. May mga kasosyo rin sa negosyo. Nagluluksa ang mga anak nito na huling naglapag ng mga bulaklak sa ibabaw ng kabaong nito. Natagalan ang libing dahil pina-autopsy pa ng pamilya ang katawan nito. Lason. Iyon ang ikinamatay ni Don Primero. Kaya, napapaisip tuloy ang lahat kung sino ang gagawa sa bagay na iyon. Sa isipan ni Fourth, hindi siya titigil hangga't hindi niya mapanagot kung sino mang demonyo ang pumatay sa tatay niya. Naulit na naman ang pangyayareng ito. Ang mommy niya namatay rin dahil sa lason. Pagkatapos ng libing, isa-isang nagsialisan ang mga dumalo. Nanatiling nakatayo si Fourth kaharap ang lapida ng kanyang ama. Lumapit naman si Caramel sa kinaroroonan ng kanyang amo. Umaambon na kasi at hindi pa rin ito gumagalaw sa kinatatayuan. Binuksan ni Caramel ang bitbit niyang itim na payong at pinayungan ito. Lumalakas na rin kasi ang ulan. " Fourth, umalis na tayo. Luma
Sumilip siya sa hawak na cellphone ni Fourth. Naghahanap kasi ito ng signal sa lugar kung saan sila nagpapahinga. Mabuti nalang talaga waterproof ang cellphone nito kaya hindi nasira kahit nabasa ng tubig. Sana all waterproof. " Wala bang signal? " tanong niya rito. Abala naman sa pagpapatuyo ng damit si Fabia sa may gilid. Nagsindi na rin ito ng bunot upang itaboy ang mga lamok. Kahit kasi tirik ang araw sobrang daming lamok. " Wala talaga e. B'wesit talaga! " inis na wika ni Fourth. Bumalik sila kinaroroonan ni Fabia. " Gaano ba kalayo ang barangay ng kaibigan mo?" interesadong tanong ni Fourth. " Mga isang oras pa ang lalakarin natin," sagot nito. Napanganga naman si Fourth. " Kanina pa tayo naglalakad tapos isang oras pa ang aabutin para makaabot tayo doon? " kulubot noo na tanong Fourth. Napatango naman si Fabia. Pagod na napaupo sa nakatumbang kahoy si Fourth. " Pambihira naman talaga, wala bang katapusan ang expedition natin Caramel? " pagaw na tanong ni Fou
Natigilan naman ang mga ito at lahat ay napangisi. Nag-unahan pa ang mga ito na magsitakbuhan palapit sa kaniya. Inihanda niya ang kan'yang sarili at patakbo rin umabante para salubungin ang mga ito. Kaagad na lumipad isang lalaki noong ginawaran n'ya ng isang malakas na high kick sa pagmumukha ng naunang lalaki. Tumilapon ito sa mga kasamahan nito. Sunod naman n'yang ginawaran ng suntok ang isa at tinuhod ang tiyan nito. Napaupo ito sa lupa dahil sakit. Kumuha naman ang isa ng kahoy para paluin siya ngunit walang kahirap-hirap n'ya itong nasagang at sinipa nang malakas ang panga nito. May yumakap naman sa likuran niya ngunit kaagad rin siyang nabitawan nito noong tusukin niya ng stick ang hita nito. Sinipa niya naman sa may puwet ang isa kaya napadaing ito at napakulob sa lupa. May sumugod naman mula sa kanyang likuran ngunit bago pa iyon nakalapit sa kanya bigla itong natumba dahil sa tama ng bala. Nagulat si Caramel. Napadapa siya sa lupa noong sunod-sunod na umulan ng bala s
MAGKASABAY nilang binagtas ang daan patungong kabilang barangay. Kailangan nilang maglakad ng halos isang oras para makarating doon. Si Fourth puro nalang atungal sa layo raw ng lalakarin nila. Lumalaki na raw yung muscle n'ya sa mga binti. " Cara, anong oras na ba? Sabi ni Nay Salome 45 minutes lang daw bakit parang ang tagal naman? ” angal ni Fourth. Inis na humarap si Caramel sa uhugin n'yang kasama. Kanina kasi ay panay ang pagtataray nito tapos nakabusangot hanggang sa nagpaalam sila sa matanda at tuluyang nakaalis dahil sa hindi n'ya ito pinagbigyan kagabi. Tapos ngayon ito na naman, panay reklamo. " Paano tayo hindi matatagalan, ang bagal mong maglakad! Kung sana kasing bilis ng reklamo mo ang paglalakad, edi kanina pa tayo nakaabot! ” asik naman ni Caramel. " Aba! Nagsalita ang mabilis! Ang lapit-lapit mo lang sakin gaga! " ganti naman ni Fourth. " Ah gusto mong bilisan ko! O sige, bibilisan ko. Bahala ka mahuli! K'wento pa naman sakin ni nay Salome na may grupo raw
WARNING: R18+ Muli silang naghalikan. Kusa n'ya namang iginapang ang isa n'yang palad at ipasok iyon sa loob ng suot nitong maluwang na pantalon. Napaúngol ito sa bibig n'ya nang walang alinlangan n'ya hawakan ang umíigting na pàgkalalaki nito. It's huge and hard. Ingat na ingat ito sa paggalaw baka masagi nito ang kan'yang sugat. Bumitaw ito sa mga labi n'ya at napatayo. Napatingala naman s'ya. Inilahad nito ang kamay na kaagad n'ya namang tinanggap. Isinandal n'ya ang likuran sa dingding na gawa lamang sa kahoy. Muli s'ya nitong hinalikan sa mga labi pababa sa kan'yang leeg. Naramdaman n'ya ang mainit na bibig nito na s'yang umangkin ang isa n'yang díbdib. Walang alinlangan naman nilàmas ng isang kamay nito ang kabilang n'yang súsó. Napaawang ang kan'yang mga labi. He started súcking her bréast like a thirsty baby while his hand fondled her nip. Lumuhod ito at ibinaba ang suot n'yang shorts kasama ang underwear n'ya. “ Put your one leg on my shoulder, ” nakatingalang wika ni