Share

CHAPTER 3

Author: jeeenxx
last update Huling Na-update: 2025-01-20 21:56:07

Alora's POV

"Nasa loob ba si Azrael?" tanong ko sa lalaking kalalabas pa lang sa opisina ni Azrael.

Noong tumango siya ay kumatok ako saka pumasok. Gulat naman siyang napatingin sa akin.

"Wife, why are you here? May nangyari ba?" Umiling ako at umupo sa sofa na nasa kaliwang bahagi ng mesa niya.

"May gusto lang sana akong sabihin sayo." Umupo siya sa tapat ko at tumingin sa akin, inaantay ang sunod kong sasabihin. "Gusto ko sanang matuto mag-english."

Nahiya ako lalo noong kunin niya ang cellphone niya at may pinindot-pindot doon. Sabagay, tatlong buwan pa lang ako rito pero ang lakas ng loob kong humingi ng pabor. Tumayo na lang ako at nagtungo sa pinto, ayoko nang maistorbo siya.

"Kailan mo balak magsimula?" Napalingon ako bigla sa kanya, nasa tenga pa rin niya ang cellphone niya. "Kung gusto mo daw ngayon, pupunta agad dito yung teacher mo."

Napatalon ako sa tuwa dahil sa sinabi niya. "Talaga?!" Tumango-tango siya at dumating nga agad yung teacher ko.

Ang dami kong natutunan na bagong salita pero nahihirapan pa rin ako. Mayroon naman akong naintindihan na iba pero yung ibang salita ay nevermind na lang.

"Welcome home!" bati ko kay Azrael noong pumasok siya sa bahay, yumuko rin ako ng kaunti katulad nang ginagawa nila Stella at ng iba pang tao dito sa bahay.

"Do not bow at me you're not my servant. You are my wife."

Ang huling sinabi niya lang ang naintindihan ko pero pilit kong inalala kung ano ang ibig sabihin ng servant kaya naman nanatiling ganoon ang posisyon ko.

"Kapag hindi ka tumayo diyan, I will fire your teacher." Para akong naging spring noong marinig ang sinabi niya.

"S-usunugin mo ang t-teacher ko?" Narinig ko ang tawa ng mga tauhan niyang nakakarinig sa amin.

Bakit sila natatawa? Umatras ako ng bahagya, mukhang ginawa na nila ito dati kaya ganon na lamang ang reaksyon nila.

"No, of course not. What I mean was papaalisin ko ang teacher mo at hindi ka na mag-aaral ng english." Tinignan ko ang mga mata niya kung seryoso ba talaga siya.

"H-huwag mong sunugin ang teacher ko at huwag mo rin siyang paalisin. Gusto kong matutu mag-english para maintindihan kita kapag ganon ang gamit mong lenggwahe." Ngumiti siya at lumapit sa akin.

"Hindi ko siya paalisin kaya kumain na tayo, nagugutom na ako eh." Tumango ako at sumunod sa kanya sa kusina. "Pero bago tayo kumain may ibibigay pala ako sayo. Calem!" Tinawag niya ang isa niyang tauhan at inabot naman nito sa kanya ang isang umbok ng mga bulaklak.

"Your favorite flowers." Inabot niya sa akin iyon na tinanggap ko naman. Mga rosas ang laman nun na may iba't-ibang kulay.

"Salamat."

"Pupunta tayo sa mall bukas ng umaga." Tumango lang ako sa sinabi niya dahil busy na ang bibig ko sa pagnguya.

Iyon din talaga ang nangyari kinabukasan. Ngayon ay nasa mall na kami. Para kaming mga artista sa dami ng guards na nakapalibot sa amin kaya naman hindi rin maiwasang tumingin sa amin ng ibang mga tao na nandoon.

"Bakit ang dami nating bodyguard? Are we in danger?"

"Ohh wife, you've got some new words." Tumingin ako sa kanya gamit ang proud kong mukha pero napalitan din naman agad iyon ng masamang tingin nang guluhin niya ang buhok ko.

Nahirapan pa naman sila Stella sa pag-aayos ng buhok ko!

"You are in danger because of Koen and I am also in danger dahil marami akong kaaway."

"Ganoon naman pala eh bakit pa tayo lumabas? Nanganganib pala tayong dalawa pareho eh." tumigil ako sa paglalakad na ginawa rin niya.

"Kase I am confident na kayang kitang protektahan, ganon rin ang mga tauhan ko. Gusto ko ring lumabas ka ng bahay kase baka nababagot ka na doon." Tumango naman ako kase minsan naman talaga ang boring doon sa bahay niya, wala akong ibang makausap kundi sila-sila lang din.

Ipinagpatuloy na lang namin ang paglalakad. Dumaan kami sa iba't-ibang mga tindahan at kung ano-ano lang ang binibili ni Azrael.

"This one, kailangan mo ng vitamins." inilagay niya iyon sa cart na dala-dala ni Calem na tauhan niya.

"Ito rin this is good for our health." Tinapon niya ang dalawang produkto na hindi ko nga kilala kung ano yun sa cart namin.

"This dress will look good on you." Tinawag niya ang saleslady at binili rin iyon.

"This table will look great on your walk-in closet." Binili niya rin iyon.

Lahat ng nakikita niyang natitipohan niya ay binibili niya.

"Ganyan ba talaga siya kapag nagpupunta ng mall?" tanong ko kay Calem na umiling lang naman.

"Hindi ba mauubos ang pera niya sa ganyan?" Patuloy pa rin kaseng bumibili si Azrael habang nakasunod lang kami sa kanya.

"Kahit bilhin niya pa itong mall na ito hindi mauubos ang pera niyan pero what he is doing right now is kind of alarming." Sumang-ayon ako sa kanya.

"May alam ka bang paraan pa'no siya mapapatigil?" Tumango naman si Calem at bumulong sa akin.

Paglapit ko kay Azrael ay busy pa rin siya sa pagbili ng kung ano-ano.

"Wife, bagay ito sa veranda ng kwarto mo." Tinuro niya ang isang sala set at akmang tatawagin na niya sana ang saleslady nang agawin ko ang atensyon niya.

"Hubby, hindi natin yan kailangan, ang dami mo nang nabili na katulad niyan kanina. How about kumain na lang tayo?" Mukhang epektibo nga ang sinabi sa akin ni Calem dahil para siyang estatwa ngayon.

"Pakiulit ng sinabi mo," sabi niya ng hindi kumukurap.

"Marami ka nang binili na katulad niyan?" Pag-uulit ko sa sinabi ko pero umiling siya. "Kain na lang tayo?"

"Hindi yung isa."

"Hubby?" alanganin ko pang sabi pero tumango-tango agad siya at lumapad ang ngiti niya.

"Isa pa." Inulit ko ulit ang salitang iyon at nagulat naman ako noong hawakan niya ang kamay ko.

"She called me hubby," bulong niya kay Calem nang dumaan kami sa kanya.

Natawa na lang ako na kalaunan ay napalitan ng hiya noong sumigaw siya.

"Everyone! My wife here called me hubby."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 4

    Alora's POV Sa mga kunting ginagawa ni Azrael para sa akin katulad na lamang nang pagbibigay niya ng bulaklak at pasalubong sa tuwing umuuwi siya galing sa trabaho, ang paglabas namin ng bahay paminsan-minsan at ang mga pag-uusap namin sa iba't-ibang mga bagay ay naging daan iyon para maging komportable ako sa kanya. Masaya ako kapag kasama ko siya at hindi lang yun, ramdam ko rin na ligtas ako kapag nasa piling ko siya. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit sa anim na buwan kong pananatili sa bahay niya ay hindi ko naisipang umalis. "Bakit may d-dugo ang kamay mo?" isang hakbang paatras ang ginawa ko. Bigla na lang bumalik sa isip ko ang isang pangyayari. I was at my room noong pumasok ang mga tauhan ni Koen at sinimulan nila akong paluin ng isang bakal. Normal na iyon para sa akin dahil walang araw ang lumilipas na hindi nila ako sinasaktan. Wala akong magawa kundi mamilipit sa sakit at protektahan ang ulo ko gamit ang mga payat kong kamay at balikat. Nagdarasal na sana

    Huling Na-update : 2025-01-20
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 5

    Alora's POV Dumaan ang ilang linggo na hindi kami nagpansinan dahil sa naging pag-uusap namin sa kwarto ko. Actually, ako ang hindi pumapansin sa kanya. "Bakit ang dilim at bakit ang daming kandila dito sa garden?" tanong ko kay Stella na siyang nagdala sa akin dito pero hindi siya sumagot bagkus tinulak niya lang ako papunta sa mga kandilang nakatusok sa damo. Hindi naman araw ng mga patay ngayon kaya bakit may ganito sa bahay ni Azrael? Habang humahakbang ako ay mas dumarami ang mga kandila sa paligid hanggang sa matanaw ko si Azrael sa may duyan. "Anong meron?" tanong ko nang tuluyan na akong makalapit sa pwesto niya. "You've been ignoring me for almost a month so I did this." Tinuro pa niya ang mga kandila at inabot ang kumpol ng bulaklak na hawak niya. "Akala ko araw ng mga patay, ang dami kaseng nakatirik na kandila." Natawa siya sa sinabi ko at nakarinig din ako ng tawa mula sa loob ng bahay. "Sorry kase hindi ko sinabi sayo yung about sa pagiging mafia ko. Alam ko

    Huling Na-update : 2025-01-20
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 6

    Alora's POV Nakatakas kami sa lugar na iyon dahil na rin sa hidden exit na alam ni Azrael. Marami rin ang nasugatan at natamaan sa mga tauhan ni Azrael pero nanalo naman sila sa mga tauhan ni Koen. "Simula noong sinabi mo ang pangalan niya, hinigpitan ko pa lalo ang pagmamasid sa bawat galaw at negosyo nila." panimula niya habang naglalakad papunta sa sofa at nakasunod lang ako sa kanya. "Especially him, alam kong kapag gusto niya ang isang bagay hindi niya iyon susukuan and I was very sure that he will come after you and I was right." Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano dahil pinapayagan niya akong lumabas ng bahay at mag-enjoy kahit alam niyang delikado ang lagay ko. "Alam kong malaking risk ang ginagawa ko sa bawat araw na isinasama kita sa labas pero gusto ko lang mag-enjoy ka. Kasama mo naman ako, I will protect you." Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ko lang iyon. Oo nga at kasama ko siya pero paano na lang kung hindi kami makatakas

    Huling Na-update : 2025-01-21
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 7

    Alora's POV Nagising ako dahil bigla ko na lang naramdaman na nasusuka ako kaya naman tumakbo ako agad papunta sa cr. Ilang araw nang ganon ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung anong meron sa katawan ko at hindi ko rin naman masabi kay Azrael dahil busy siya masyado sa trabaho. "Manang meron po bang mangga diyan?" tanong ko pagkababa ko sa pero umiling lang ang taga-luto. Bumalik na lang akonsa kwarto ko at bumaba lang ulit noong kakain na ako ng hapunan. Kakain na sana ako pero noong maamoy ko ang steak ay bigla na lang akong naduwal kaya todo takbo na naman ako sa cr. Ano bang nangyayari sa katawan ko? "Asan si Azrael?" tanong ko sa isa sa mga tauhan ni Azrael noong makalabas na ako ng cr. Hindi ko siya kilala. Hindi ko naman memoryado ang mga pangalan nila dahil sa sobrang dami ng tauhan ni Azrael. Umiling lang siya at sinabing maaga na nagpunta sa trabaho ang boss niya. Pumunta na lang tuloy ako sa kusina para sabihin kay Manang na dalhin na lang ang pagkain ko sa kwa

    Huling Na-update : 2025-01-24
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 8

    Alora's POVTatlong araw na simula noong nalaman kong buntis ako at wala pa ring nakakaalam maliban sa akin. Hindi pa rin umuuwi sa bansa si Azrael at habang tumatagal ay mas dumadami rin ang tauhan niya dito sa bahay. "Manang may boiled egg po ba diyan?" Kakapasok ko lang sa kusina at ibinigay naman agad sa akin ni Manang ang hinihingi ko. Dinampot ko rin ang ketchup at dinala iyon sa kwarto ko. Doon sa may veranda kinain ko ang dala kong boiled egg habang sinasawsaw iyon sa ketchup. Maganda ang view doon pero mas agaw pansin ang mga tauhan ni Azrael na nagkakalat sa kahit saang parte ng bakuran."Calem kailan ba uuwi si Azrael?" inip kong sabi, hindi ko alam pero naiinis ako. "Hindi pa raw naayos yung problema kaya hindi pa rin sure kung kailan siya makakauwi." Nakakainis naman ang boss niya. Parang walang iniwang pamilya dito sa pinas! Sabagay hindi naman pala ako ang tunay niyang asawa kaya wala akong karapatang magreklamo. Dumaan pa ang mga araw pero wala pa ring Azrael na u

    Huling Na-update : 2025-01-24
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 9

    Alora's POVNapatampal ako sa aking noo noong makita hindi nga nagbibiro kagabi si Azrael. Pinalitan niya nga ang hadgan ng escalator. Nagmukha tuloy mall ang bahay!"Oa mo naman, pwede namang hindi mo na palitan mag-iingat na lang ako sa susunod. Sayang ang pera." Tinignan niya ako. "Walang nasasayang na pera kung ginagamit ko iyon para protektahan ka." Seryosong-seryoso ang mukha niya habang sinasabi ang mga salitang iyon kaya hindi ko maiwasang mag-isip. Ganito rin ba siya sa totoong Alora? Ramdam na ramdam ko ang bawat pag-aalala niya, ang bawat pag-aaruga, ang bawat kilos niya na para bang pinaparamdam sa akin na espesyal ako pero hindi ko maiwasang isipin kung totoo ba ang lahat ng iyon. Para ba talaga sa akin ang pag-aalala na iyon o para sa babaeng may-ari ng pwesto na kinatatayuan ko? Minsan ay hindi ko alam kung saan ako lulugar pero minsan rin nararamdaman kong ito talaga ang pwesto ko. Nakakalito kase dahil sa kilos na binibigay ni Azrael sa akin pero mas nakakalito d

    Huling Na-update : 2025-01-24
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 10

    Alora's POVSa pader kung saan namin kinuha ang picture na siyang unang masisilayan kapag pumasok ka sa bahay ay doon inilagay ang litrato namin ni Azrael. Nakalagay iyon sa kulya ginto na frame at isinabit doon."Do you like it?" Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Azrael. Hindi ako tumingin sa kanya dahil ang atensyon ko ay nasa litrato naming dalawa. Masaya pareho ang ekspresyon sa mga mukha namin. Ang titig sa bawat isa ay tila ba kaming dalawa lang ang tao sa mundo kaya naman hindi ko maiwasang nakaramdam ng kakaibang saya."Yung sunod na picture natin saan na ilalagay?" Sobrang laki kase nitong unang picture namin kaya naman wala nang masyadong space ang pader. Kung gagawin talaga namin ang sinabi niya na magpi-picture kami gamit ang iba't-ibang traditional na damit ng bawat bansa ay hindi ko alam kung saan niya ilalagay ang mga iyon."Marami namang parte ang bahay natin. Ilalagay natin sa bawat sulok para palagi mong makita ang gwapo kong mukha," proud niyang sabi lalong-lal

    Huling Na-update : 2025-01-25
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 11

    Alora's POV"Punta tayo sa garden Ma'am," pag-aaya sa akin ni Shella. Kakabalik lang nila ngayong araw galing sa day-off nila kaya naman pumayag ako agad dahil na-miss ko rin silang kausap. Nagulat nga lang ako dahil mula sa labas ng kwarto ko hanggang sa elevator, sa pinto at sa may swimming pool ay mayroong mga tauhan ni Azrael. Lahat sila ay nakayuko at nakainat ang kanang kamay sa iisang deriksyon at ang kaliwang kamay naman ay nakatapat sa dibdib nila. Yung tipong kapareho sa napapanood ko sa TV kapag bumabati ang isang kawal sa pinagsisilbihan nila.Nagtataka man ay patuloy pa rin akong naglakad. Nakasunod pa rin sa akin si Shella hanggang sa makarating kami sa harden. Doon may isang lamesang puno ng pagkain at may kandila sa gitna nito— hindi lang basta kandila dahil may design iyon, yung parang kapareho sa nasa beauty and the best. "Upo ka po." Iniusog ni Shella ang upuan at naupo naman ako doon. Tumingin ako sa kanya ng nagtatanong pero hindi siya sumagot bagkus isang kanta

    Huling Na-update : 2025-01-25

Pinakabagong kabanata

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 129

    Alora's POV "Magiging busy lalo ang Papa mo kaya palagi na naman siyang nasa work." Kakagising lang kase ni Rail at ngayong nasa hapag na kami para mag-almusal ay hinahanap niya ito dahil hindi siya sumalo sa aming dalawa. "Pero he will come home every evening naman po diba?" Tumango ako sa kanya na ikinangiti naman niya. "Ayos lang po sa akin iyon." Nakangiti na ulit siyang nagpatuloy sa pagkain. Bumalik na ulit ang maraming mga bantay sa labas ng bahay. Alam kong sa buong araw ay napansin din iyon ni Rail kahit noong pumunta si Isla, Valerie at Law ay nagtaka rin sila. "Tita bakit may andaming people sa labas?" inosenteng tanong sa akin ni Valerie."They are their bodyguards, Valerie. It is not uncommon because we also have that at home." Tahimik na tumango si Valerie sa sinabi ng kuya niya. Naiwan naman kaming dalawa ni Law sa sofa habang naglalaro ang mga kapatid niya at ang anak ko. "Dahil ba sa problema ng negosyo sa Thailand?" Napatingin ako sa kanya, bakit niya alam yun?

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 128

    Alora's POVNormally pagkatapos ng kasal ay pupuntang ibang bansa para mag-honeymoon o di kaya ay magbabakasyon pero nanatili lang kami sa bahay. Ayos lang naman sa akin dahil nag-enjoy na rin naman ako noong gabi matapos ang kasal namin. Ay nadulas! "Wife ayaw mo ba talagang magbakasyon tayo para sa honeymoon?" Magkayakap kami ngayon sa kama dahil parehong kakagising lang namin."Magbabakasyon tayo tapos may problema sa negosyo niyo?" Narinig ko silang nag-uusap ni Calem noong isang araw tungkol sa negosyo nila sa Thailand. Tatlong araw na rin pala simula noong ikasal kami."Kaya ko namang i-manage yung negosyo kasabay ng pagsa-satisfy sayo," seryoso niyang sabi pero umiling pa rin ako. Feeling ko kase ay malaking problema 'to dahil nagpupunta rin si Dad dito at sa kompanya para sa bagay na iyon kaya hindi muna ako dadagdag sa isipin niya. "Magbakasyon na lang tayo kapag tapos na ang problema ng negosyo mo ngayon. Promise ko yan." Nag-pinky promise kaming dalawa na para bang mga

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 127

    Alora's POV"Ngayon naman ay throwing of boquet na." Tumayo ako sa gitna at dahan-dahan namang nagtipon ang mga single na babae sa likod ko. "Isa," pagbibilang ko nang nandoon na silang lahat. "Dalawa... Tatlo." Kasabay ng paghagis ko ng bulaklak at ang paglingon ko rin sa kanila. Isang malakas na hiyawan dahil sa agawan kung sino ang makakakuha ng bulaklak at sa kahuli-hulian ay napunta iyon sa pinsan ni Asrael na agad namang tumakbo papunta sa boyfriend niya. Mas lalo pang lumakas ang tawanan at hiyawan noong ang boyfriend niya ang nakakuha sa garter na itinapon ni Aztael kaya kinantyawan tulog sila ng mga bisita. "I think you start preparing for your daughters wedding," biro pa ni Dad sa ama ng babae. "Open ulit ako for organizing and hosting," dagdag pa ni Hailey na nasa stage pa rin at hawak ang microphone. "Sakto! Your dad owns a ring business diba?" panunudyo pa ng iba sa kasintahang lalaki. "Their weddinh might be the first wedding we will attend as a marries couple," b

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 126

    Azrael's POV Our first walk down the aisle as a married couple while everyone was cheering for us was full of emotions. Paglabas namin sa pinto ng simbahan ay sumakay na kami sa kalesa papunta aa reception namin sa La Castellana. "Papa, I want to ride kalesa!" sigaw ni Rail nang tuluyan na kaming makasakay ng mama niya. Natatawa naman akong binuhat siya pasakay. "Iiwan niyo pa ako," dagdag pa nito nang ayusin ko ang pagkakaupo niya sa hita ko. Nagsimula na ribg umandar ang kalesa. "Hindi ka namin iiwan, diba nga sabi mo kahapon gusto mong sumakay dito?" Tumango lang ang anak namin dahil nawili na siya sa pagpansin sa kabayo. Alora's POV Sa pangalawang pagkakataon ay sabay ulit kaming naglakad ni Azrael papunta sa harap ng mga bisita namin pero ngayon ay kasama na namin si Rail. Isang toast din ang ginawa naming lahat para sa pag-celebrate ng kasal namin at pagkatapos. Hindi rin nagtagal ay sabay naming hiniwa ang cake namin. "Mama hindi ko abot." Kasama namin si Rail sa paghiwa

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 125

    Azrael's POV Sa bawat hakbang na ginagawa ko palapit sa altar ay para bang bumabalik ang mga alaala ko kasama ang asawa ko at ang anak namin. I can't even explain this emotion right now pero all I know is that this is something new, the excitement I am feeling and the eagerness to see my wife walking on the aisle, the thought that after this day were are finally married, everything is overwhelming but I like it. Hanggang sa tumayo ako sa gilid ng altar, inaantay na matapos ang pagpasok ng mga bridesmaid, best man, ring bearer at flower girls upang sa wakas ay makita ko na siya. "Congrats papa!" I hugged my son and kissed him on the forehead with a smile. "Thanks buddy."The entourage continued hanggang sa dumating na nga ang inaantay ko. The song 'Don't know what to say' by Ric Segreto started playing on the background when the door slowly opened, revealing a little glimpse of her. With a smile on her face she started walking towards me, kahit overwhelmed sa emotion hindi ko pa r

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 124

    Alora's POV April 11, araw ng kasal namin. Pareho kaming maaga na nagising upang maghanda. Alas dos ng hapon pa ang kasal pero dahil mag-aayos pa lalo na sa make-up ay kailangan namin ng malaking oras. Magkaiba kami ng kwartong pinag-aayusan habang ang anak naman namin ay nandoon kay Dad. "Ano pong feeling ng ikakasal?" Nandito ngayon sila Sheila at Stella, kakarating lang nila ngayong araw para tulungan ako sa damit kasama ang mga make-up artist. "Kinakabahan ako." Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa para maramdaman nila ang panginginig ng kamay ko."Na-rehearse mo na po ba yung sasabihin mo mamaya?" tanong ulit nila.Memorisado ko na ang sasabihin ko pero kinakabahan lang ako dahil baka biglaan kong makalimutan dahil sa kaba ko kapag andoon na ako mamaya sa harap ng altar kasama si Azrael. "Pasabi na lang po kung masakit." Tumango ako, inaayos kase ang buhok ko ngayon at nilalagyan ng kaunting kulot."Paano kung magdala na lang kaya ako ng kodigo? Baka makalimutan ko kase," sab

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 123

    Alora's POV Isang araw na lang bago ang kasal, gumising na naman ako ng may halong excitement at kaba sa puso ko. "Anong oras ba tayo magkikita-kita?" Plano naming kumain sa isang restaurant dito. "Mamayang eleven." Napatingin ako sa relo ko. Alas nwebe na kaya sinimulan ko ng maligo, katapos ay sinundo ko si Rail sa kwarto nila Calem at Kalo at dumaan na rin ako sa kwarto ni Manang Karla at ni Mika para ipaaalam sa kanila ang oras ng pag-alis namin. Pagdating namin sa restaurant ay kami lang ang tao doon maliban na lang sa mga tauhan ni Dad, Owen at ni Azrael na nakabantay sa labas at loob. Nagbatian din kami at sa una ay medyo naiilang pa sila Mika at Kalo pero nawala rin naman iyon agad dahil kinausap sila ni Law, siguro ay dahil na rin hindi nagkakalayo ang edad nila at mas matanda lang ng isang taon si Mika sa dalawa at agad silang naging komportable."Si Tito Gavin at Tita Ivy?" iyon din sana ang itatanong ko sana pero naunahan ako ni Azrael. Ang sabi kase kaninang umaga ay b

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 122

    Alora's POV Ang sunod naming pinuntahan ay ang Casa Manila. Doon nag-aantay si Calem at ang iba pang tauhan ni Azrael sa amin, doon din kase ang hotel na na-book ni Azrael. Sumakay kami sa pedicab papunta sa tutuluyan namin. Dalawang pedicab ang kinuha namin dahil hindi kami kakasya sa isa. Kahit naman sa pedicab kami ay hindi ko mapigilang makaramdam ng antok dahil sa kabusugan. Hindi ko rin alam kung ilang minuto ba ang byahe papunta sa Casa Manila. Kahit din naman gustuhin kong matulog ay hindi ko magawa dahil sa bangayan nila Kalo, Mika at Rail sa likod. "Andito na tayo." Isa-isa kaming bumaba at lahat kami ay namangha.Parang kastilyo ang desenyo! Sa pagpasok namin ay mas lalo lang nadagdagan ang paghanga namin sa lugar. Hindi lang ang desenyo ng lugar ang nagpahanga sa akin lalo na sa anak ko kundi pati rin ang fountain na nasa gitna ng malaking space at sa paligid nito ay mga upuan. Sobrang ganda ng lugar at hindi ko alam kung paano pa iyon ipapaliwanag. "May mga stores, r

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 121

    Alora's POV Nagsimula ang byahe namin patungo sa Intramuros. Nasa iisang kotse kaming tatlo nila Azrael at Rail, sa likod naman namin ay si Calem, Manang Karla, Mika at Kalo. Napadesisyonan ni Kalo na sumama na rin sa amin at pinayagan naman siya ng mga magulang niya. Dahil may libre kaming dalawang araw ay plano naming mamasyal muna sa lugar.Mayroon nang mga lugar na nakalista sa cellphone ni Kalo para bisitahin namin. Lahat ng iyon ay suggestion naming lahat. "Mararamdaman mong para kang bumalik sa sinaunang panahon." Tanong ng tanong ako kay Azrael tungkol sa lugar. "They also have a kalesa there.""Anong kalesa Mama?" Umiling lang ako sa tanong ng anak ko, hindi, pamilyar lang ako sa salita pero hindi ako sigurado kung ano ba talaga iyon. "It's like a motorcycle pero imbes na makina ay kabayo ang ginagamit." Naalala ko na! Yun yung mayroong kabayo sa harapan na kinakabitan ng sakayan na may dalawang gulong. "Like on my favorite cartoon movie?" Sa pinapanood kase ni Rail ay ma

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status