Share

Wife of Mr. Azrael Alcazar
Wife of Mr. Azrael Alcazar
Author: jeeenxx

CHAPTER 1

Author: jeeenxx
last update Last Updated: 2025-01-20 21:54:49

Alora's POV

"Meet Azrael Alcazar, your husband."

Napako ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa dulo, sa kanan niya at nakalinya ang mga kalalakihan at sa kaliwa naman ay mga babae na naka-uniform nang pangkasambahay.

Kada hakbang ko papunta sa lalaking Azrael ang pangalan ay kasabay ng pagyuko ng mga kalalakihan at mga kasambahay na nadadaanan ko.

"Welcome home my wife." Inilahad niya ang kanyang kamay na tinignan ko lang naman ng ilang segundo bago ibalik ulit sa kanya ang tingin ko.

"Your room is ready pati na rin ang mga gamit na kailangan mo," sabi niya sabay bawi ng kanyang kamay. "Sasamahan ka nila papunta sa kwarto mo."

Lumapit sa akin ang tatlong kasambahay at ikinumpas ang kamay nila papunta sa isang deriksyon kaya naglakad ako papunta doon na parang robot.

Ang kwarto ko ay napalaki, pwede na siyang maging isang bahay ng isang ordinaryong pamilya. Malaking kama, maluwag na lalagyan ng mga damit na tulad sa mga tindahan sa mall, pati rin ang banyo ay napakalaki na mas malaki pa ito sa bahay na tinutuluyan ko noong namamalimos pa ako.

"Inaantay na po kayo ni Sir Azrael sa baba para kumain," sabi ng kung sino na kumatok sa pinto.

Nakita ko roon ang isang babae, sumunod lang ulit ako sa kanya papunta sa kusina at naupo ako sa isang upuan ng napakahabang mesa.

"Eat." Tinignan ko ng pabalik-balik ang pagkain sa mesa at si Azrael. "Kumain ka na. Hindi ka mabubusog kapag tiningnan mo lang ang pagkain."

Dahan-dahan kong sinubo ang pagkain na inilagay niya sa plato ko. Masasarap iyon lalong lalo na ang karne na parang barbeque.

Napatigil lang ako sa pagsubo nang mapansin kong nakatitig siya sa akin.

"Manang," tawag niya at may lumapit sa amin na matandang babae. "Dalasan mo ang paggawa ng ganitong pagkain because my wife loves them."

Muling napako ang tingin ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Bakit niya ako tinawag na wife? Bakit ganito ang trato niya sa akin?

Bumalik ako sa kwarto ko matapos naming kumain at kasabay ko ang mga kasambahay na may dalang mga damit. Isa-isa nila iyong inilagay sa lalagyan habang ang isang kasambahay naman ay tinuruan akong gumamit ng mga bagay sa cr, tulad na lamang nang paggamit ng shower.

"Are you there?" Binilisan ko ang pagbihis ko at dahan-dahang lumapit sa pinto. Pinihit ko ang pinto nang nanginginig ang kamay.

"Would you mind kung ilibot kita sa buong bahay?" si Azrael iyon, nakatayo isang metro ang layo mula sa pinto.

Nagsimula kami sa sala papunta sa kusina na nakita ko na kanina. Nagpunta rin kami sa labas ng bahay kung saan naroon ang malaking swimming pool at isang harden. Ang panghuli ay ang opisina niya.

"Kapag may kailangan ka at hindi mo ako mahanap sa buong bahay, you can find me here." Binuksan niya ang pinto at pumasok kami doon.

Maluwag din ang opisina niya, mesa niya agad ang makikita mo pagbukas ng pinto at sa kaliwang bahagi ay may mga upuan at mesa, sa kanan naman ay mga cabinet na may nakalagay na mga papel at ang isa ay may mga bote ng alak.

"Sit here, may ipapakita ako sa iyo." Naglakad siya papunta sa may pinto, akala ko ay iiwan niya ako dito pero may pinindot pala siyang switch doon.

Umilaw ang buong kwarto niya. Ang ilaw ay para bang kalangitan sa gabi na pinapanood ko habang nakahilata sa gilid ng kalsada.

Ang ganda, kahit alam kong ang nakikita ko ay gawa lamang ng isang bumbilya hindi ko pa rin maiwas ang tingin ko doon.

"Ang ganda diba? Ito ang tinitignan ko sa tuwing stress ako." nakatingin rin si Azrael sa dingding habang sinasabi iyon.

"B-bakit ganito ang trato mo sa akin?" tanong ko, iyon ang unang beses na nagsalita ako mula noong dumating ako sa bahay niya.

"What do you mean?" nagtataka niyang tanong.

"Bakit ang luwag ng kwarto ko? Bakit pinagsisilbihan ako ng mga kasambahay mo? Bakit ang bait mo sa akin? Bakit hindi mo ako pinagbubuhatan ng kamay?" nagtatakang tanong ko.

Kailanman ay hindi naging ganito ang pagtrato sa akin ng lalaking kinamumuhian ko, hindi ganito ang trato sa akin ng lalaking mahal daw ako.

"O baka naman sa simula ka lang din ganito, katulad ni Koen. Magpapakabait ka rin sa akin pero kalaunan aabusuhin mo na ako. Kung ganoon din naman ay ibalik mo nalang ako kay Manang Karla. Mas gugustuhin ko pang mamalimos at mamatay sa gutom kaysa mamatay sa pang-aabuso niyo."

Bumagsak ang mga luha ko kasabay ng panginginig ng kamay ko noong humakbang si Azrael palapit sa akin.

Nagbago na ba ang isip niya? Ngayon ay pagbubuhatan na niya ako ng kamay, sigurado ako doon pero taliwas sa iniisip ko ay yinakap niya ako.

"Maluwag ang kwarto mo kase gusto kong komportable ka sa tutulugan mo." Nakayakap siya sa akin habang hinahagod ang likod ko. "Pinagsisilbihan ka ng mga kasambahay dito kase iyon ang trabaho nila at iyon din ang gagawin ng mga tauhan ko. Hindi kita pinagbubuhatan ng kamay at pagbubuhatan ng kamay kase hindi kita kaaway. You are my wife."

Pinaharap niya ako sa kanya at pinahiran ang luhang naglalandas sa pisngi ko at hinayaan ko siyang gawin iyon.

"Pero hindi ako ang totoo mong asawa," bulong ko. "Andito lang ako para punan ang espasyong iniwan niya."

Isa lang akong babae na ginamit ang pangalan ng asawa niya. Nagpanggap lang ako bilang Alora Hazel Valezka na naging rason kung bakit andito ako ngayon.

Tumuwid siya ng tayo sa harap ko. "Tama ka. You are not her but that doesn't mean I will treat you less like a woman should be treated."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 2

    Alora's POV Hindi nagbago ang trato sa akin ng kahit sino sa bahay ni Azrael. Pinagsisilbihan pa rin ako ng mga tauhan at kasambahay niya at kapag dumadaan ako sa harap nila ay bahagya silang yumuyuko. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba iyon o ikakatakot. "Aalis ako papuntang trabaho. Gabi na siguro ako makakauwi kaya mauna ka nang kumain." Andito ako ngayon sa sala nakaupo kasama ang dalawang kasambahay at siya naman ay nakabihis at handa nang umalis. "Hindi mo naman kailangang magpaalam sa akin." Tumingin ako sa kanya at ganoon lang din ang ginawa niya. "You are my wife." Hindi na ako sumagot at hinayaan siyang makaalis, ganoon kase ang sagot niya palagi. Lumipat ang tingin ko kay Stella at Sheila na palagi kong kasama dahil sila ang nakatokang kasambahay sa akin. "Saan siya nagtra-trabaho?" tanong ko sa kanila. "May kompanya siya, malaking kompanya. Ang kompanya niya ay ang nangunguna sa buong bansa." Nagulat ako sa sinabi ni Stella kahit halata naman na mayaman si Azrael s

    Last Updated : 2025-01-20
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 3

    Alora's POV "Nasa loob ba si Azrael?" tanong ko sa lalaking kalalabas pa lang sa opisina ni Azrael. Noong tumango siya ay kumatok ako saka pumasok. Gulat naman siyang napatingin sa akin. "Wife, why are you here? May nangyari ba?" Umiling ako at umupo sa sofa na nasa kaliwang bahagi ng mesa niya. "May gusto lang sana akong sabihin sayo." Umupo siya sa tapat ko at tumingin sa akin, inaantay ang sunod kong sasabihin. "Gusto ko sanang matuto mag-english." Nahiya ako lalo noong kunin niya ang cellphone niya at may pinindot-pindot doon. Sabagay, tatlong buwan pa lang ako rito pero ang lakas ng loob kong humingi ng pabor. Tumayo na lang ako at nagtungo sa pinto, ayoko nang maistorbo siya. "Kailan mo balak magsimula?" Napalingon ako bigla sa kanya, nasa tenga pa rin niya ang cellphone niya. "Kung gusto mo daw ngayon, pupunta agad dito yung teacher mo." Napatalon ako sa tuwa dahil sa sinabi niya. "Talaga?!" Tumango-tango siya at dumating nga agad yung teacher ko. Ang dami kong nat

    Last Updated : 2025-01-20
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 4

    Alora's POV Sa mga kunting ginagawa ni Azrael para sa akin katulad na lamang nang pagbibigay niya ng bulaklak at pasalubong sa tuwing umuuwi siya galing sa trabaho, ang paglabas namin ng bahay paminsan-minsan at ang mga pag-uusap namin sa iba't-ibang mga bagay ay naging daan iyon para maging komportable ako sa kanya. Masaya ako kapag kasama ko siya at hindi lang yun, ramdam ko rin na ligtas ako kapag nasa piling ko siya. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit sa anim na buwan kong pananatili sa bahay niya ay hindi ko naisipang umalis. "Bakit may d-dugo ang kamay mo?" isang hakbang paatras ang ginawa ko. Bigla na lang bumalik sa isip ko ang isang pangyayari. I was at my room noong pumasok ang mga tauhan ni Koen at sinimulan nila akong paluin ng isang bakal. Normal na iyon para sa akin dahil walang araw ang lumilipas na hindi nila ako sinasaktan. Wala akong magawa kundi mamilipit sa sakit at protektahan ang ulo ko gamit ang mga payat kong kamay at balikat. Nagdarasal na sana

    Last Updated : 2025-01-20
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 5

    Alora's POV Dumaan ang ilang linggo na hindi kami nagpansinan dahil sa naging pag-uusap namin sa kwarto ko. Actually, ako ang hindi pumapansin sa kanya. "Bakit ang dilim at bakit ang daming kandila dito sa garden?" tanong ko kay Stella na siyang nagdala sa akin dito pero hindi siya sumagot bagkus tinulak niya lang ako papunta sa mga kandilang nakatusok sa damo. Hindi naman araw ng mga patay ngayon kaya bakit may ganito sa bahay ni Azrael? Habang humahakbang ako ay mas dumarami ang mga kandila sa paligid hanggang sa matanaw ko si Azrael sa may duyan. "Anong meron?" tanong ko nang tuluyan na akong makalapit sa pwesto niya. "You've been ignoring me for almost a month so I did this." Tinuro pa niya ang mga kandila at inabot ang kumpol ng bulaklak na hawak niya. "Akala ko araw ng mga patay, ang dami kaseng nakatirik na kandila." Natawa siya sa sinabi ko at nakarinig din ako ng tawa mula sa loob ng bahay. "Sorry kase hindi ko sinabi sayo yung about sa pagiging mafia ko. Alam ko

    Last Updated : 2025-01-20
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 6

    Alora's POV Nakatakas kami sa lugar na iyon dahil na rin sa hidden exit na alam ni Azrael. Marami rin ang nasugatan at natamaan sa mga tauhan ni Azrael pero nanalo naman sila sa mga tauhan ni Koen. "Simula noong sinabi mo ang pangalan niya, hinigpitan ko pa lalo ang pagmamasid sa bawat galaw at negosyo nila." panimula niya habang naglalakad papunta sa sofa at nakasunod lang ako sa kanya. "Especially him, alam kong kapag gusto niya ang isang bagay hindi niya iyon susukuan and I was very sure that he will come after you and I was right." Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano dahil pinapayagan niya akong lumabas ng bahay at mag-enjoy kahit alam niyang delikado ang lagay ko. "Alam kong malaking risk ang ginagawa ko sa bawat araw na isinasama kita sa labas pero gusto ko lang mag-enjoy ka. Kasama mo naman ako, I will protect you." Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ko lang iyon. Oo nga at kasama ko siya pero paano na lang kung hindi kami makatakas

    Last Updated : 2025-01-21
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 7

    Alora's POV Nagising ako dahil bigla ko na lang naramdaman na nasusuka ako kaya naman tumakbo ako agad papunta sa cr. Ilang araw nang ganon ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung anong meron sa katawan ko at hindi ko rin naman masabi kay Azrael dahil busy siya masyado sa trabaho. "Manang meron po bang mangga diyan?" tanong ko pagkababa ko sa pero umiling lang ang taga-luto. Bumalik na lang akonsa kwarto ko at bumaba lang ulit noong kakain na ako ng hapunan. Kakain na sana ako pero noong maamoy ko ang steak ay bigla na lang akong naduwal kaya todo takbo na naman ako sa cr. Ano bang nangyayari sa katawan ko? "Asan si Azrael?" tanong ko sa isa sa mga tauhan ni Azrael noong makalabas na ako ng cr. Hindi ko siya kilala. Hindi ko naman memoryado ang mga pangalan nila dahil sa sobrang dami ng tauhan ni Azrael. Umiling lang siya at sinabing maaga na nagpunta sa trabaho ang boss niya. Pumunta na lang tuloy ako sa kusina para sabihin kay Manang na dalhin na lang ang pagkain ko sa kwa

    Last Updated : 2025-01-24
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 8

    Alora's POVTatlong araw na simula noong nalaman kong buntis ako at wala pa ring nakakaalam maliban sa akin. Hindi pa rin umuuwi sa bansa si Azrael at habang tumatagal ay mas dumadami rin ang tauhan niya dito sa bahay. "Manang may boiled egg po ba diyan?" Kakapasok ko lang sa kusina at ibinigay naman agad sa akin ni Manang ang hinihingi ko. Dinampot ko rin ang ketchup at dinala iyon sa kwarto ko. Doon sa may veranda kinain ko ang dala kong boiled egg habang sinasawsaw iyon sa ketchup. Maganda ang view doon pero mas agaw pansin ang mga tauhan ni Azrael na nagkakalat sa kahit saang parte ng bakuran."Calem kailan ba uuwi si Azrael?" inip kong sabi, hindi ko alam pero naiinis ako. "Hindi pa raw naayos yung problema kaya hindi pa rin sure kung kailan siya makakauwi." Nakakainis naman ang boss niya. Parang walang iniwang pamilya dito sa pinas! Sabagay hindi naman pala ako ang tunay niyang asawa kaya wala akong karapatang magreklamo. Dumaan pa ang mga araw pero wala pa ring Azrael na u

    Last Updated : 2025-01-24
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 9

    Alora's POVNapatampal ako sa aking noo noong makita hindi nga nagbibiro kagabi si Azrael. Pinalitan niya nga ang hadgan ng escalator. Nagmukha tuloy mall ang bahay!"Oa mo naman, pwede namang hindi mo na palitan mag-iingat na lang ako sa susunod. Sayang ang pera." Tinignan niya ako. "Walang nasasayang na pera kung ginagamit ko iyon para protektahan ka." Seryosong-seryoso ang mukha niya habang sinasabi ang mga salitang iyon kaya hindi ko maiwasang mag-isip. Ganito rin ba siya sa totoong Alora? Ramdam na ramdam ko ang bawat pag-aalala niya, ang bawat pag-aaruga, ang bawat kilos niya na para bang pinaparamdam sa akin na espesyal ako pero hindi ko maiwasang isipin kung totoo ba ang lahat ng iyon. Para ba talaga sa akin ang pag-aalala na iyon o para sa babaeng may-ari ng pwesto na kinatatayuan ko? Minsan ay hindi ko alam kung saan ako lulugar pero minsan rin nararamdaman kong ito talaga ang pwesto ko. Nakakalito kase dahil sa kilos na binibigay ni Azrael sa akin pero mas nakakalito d

    Last Updated : 2025-01-24

Latest chapter

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 129

    Alora's POV "Magiging busy lalo ang Papa mo kaya palagi na naman siyang nasa work." Kakagising lang kase ni Rail at ngayong nasa hapag na kami para mag-almusal ay hinahanap niya ito dahil hindi siya sumalo sa aming dalawa. "Pero he will come home every evening naman po diba?" Tumango ako sa kanya na ikinangiti naman niya. "Ayos lang po sa akin iyon." Nakangiti na ulit siyang nagpatuloy sa pagkain. Bumalik na ulit ang maraming mga bantay sa labas ng bahay. Alam kong sa buong araw ay napansin din iyon ni Rail kahit noong pumunta si Isla, Valerie at Law ay nagtaka rin sila. "Tita bakit may andaming people sa labas?" inosenteng tanong sa akin ni Valerie."They are their bodyguards, Valerie. It is not uncommon because we also have that at home." Tahimik na tumango si Valerie sa sinabi ng kuya niya. Naiwan naman kaming dalawa ni Law sa sofa habang naglalaro ang mga kapatid niya at ang anak ko. "Dahil ba sa problema ng negosyo sa Thailand?" Napatingin ako sa kanya, bakit niya alam yun?

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 128

    Alora's POVNormally pagkatapos ng kasal ay pupuntang ibang bansa para mag-honeymoon o di kaya ay magbabakasyon pero nanatili lang kami sa bahay. Ayos lang naman sa akin dahil nag-enjoy na rin naman ako noong gabi matapos ang kasal namin. Ay nadulas! "Wife ayaw mo ba talagang magbakasyon tayo para sa honeymoon?" Magkayakap kami ngayon sa kama dahil parehong kakagising lang namin."Magbabakasyon tayo tapos may problema sa negosyo niyo?" Narinig ko silang nag-uusap ni Calem noong isang araw tungkol sa negosyo nila sa Thailand. Tatlong araw na rin pala simula noong ikasal kami."Kaya ko namang i-manage yung negosyo kasabay ng pagsa-satisfy sayo," seryoso niyang sabi pero umiling pa rin ako. Feeling ko kase ay malaking problema 'to dahil nagpupunta rin si Dad dito at sa kompanya para sa bagay na iyon kaya hindi muna ako dadagdag sa isipin niya. "Magbakasyon na lang tayo kapag tapos na ang problema ng negosyo mo ngayon. Promise ko yan." Nag-pinky promise kaming dalawa na para bang mga

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 127

    Alora's POV"Ngayon naman ay throwing of boquet na." Tumayo ako sa gitna at dahan-dahan namang nagtipon ang mga single na babae sa likod ko. "Isa," pagbibilang ko nang nandoon na silang lahat. "Dalawa... Tatlo." Kasabay ng paghagis ko ng bulaklak at ang paglingon ko rin sa kanila. Isang malakas na hiyawan dahil sa agawan kung sino ang makakakuha ng bulaklak at sa kahuli-hulian ay napunta iyon sa pinsan ni Asrael na agad namang tumakbo papunta sa boyfriend niya. Mas lalo pang lumakas ang tawanan at hiyawan noong ang boyfriend niya ang nakakuha sa garter na itinapon ni Aztael kaya kinantyawan tulog sila ng mga bisita. "I think you start preparing for your daughters wedding," biro pa ni Dad sa ama ng babae. "Open ulit ako for organizing and hosting," dagdag pa ni Hailey na nasa stage pa rin at hawak ang microphone. "Sakto! Your dad owns a ring business diba?" panunudyo pa ng iba sa kasintahang lalaki. "Their weddinh might be the first wedding we will attend as a marries couple," b

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 126

    Azrael's POV Our first walk down the aisle as a married couple while everyone was cheering for us was full of emotions. Paglabas namin sa pinto ng simbahan ay sumakay na kami sa kalesa papunta aa reception namin sa La Castellana. "Papa, I want to ride kalesa!" sigaw ni Rail nang tuluyan na kaming makasakay ng mama niya. Natatawa naman akong binuhat siya pasakay. "Iiwan niyo pa ako," dagdag pa nito nang ayusin ko ang pagkakaupo niya sa hita ko. Nagsimula na ribg umandar ang kalesa. "Hindi ka namin iiwan, diba nga sabi mo kahapon gusto mong sumakay dito?" Tumango lang ang anak namin dahil nawili na siya sa pagpansin sa kabayo. Alora's POV Sa pangalawang pagkakataon ay sabay ulit kaming naglakad ni Azrael papunta sa harap ng mga bisita namin pero ngayon ay kasama na namin si Rail. Isang toast din ang ginawa naming lahat para sa pag-celebrate ng kasal namin at pagkatapos. Hindi rin nagtagal ay sabay naming hiniwa ang cake namin. "Mama hindi ko abot." Kasama namin si Rail sa paghiwa

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 125

    Azrael's POV Sa bawat hakbang na ginagawa ko palapit sa altar ay para bang bumabalik ang mga alaala ko kasama ang asawa ko at ang anak namin. I can't even explain this emotion right now pero all I know is that this is something new, the excitement I am feeling and the eagerness to see my wife walking on the aisle, the thought that after this day were are finally married, everything is overwhelming but I like it. Hanggang sa tumayo ako sa gilid ng altar, inaantay na matapos ang pagpasok ng mga bridesmaid, best man, ring bearer at flower girls upang sa wakas ay makita ko na siya. "Congrats papa!" I hugged my son and kissed him on the forehead with a smile. "Thanks buddy."The entourage continued hanggang sa dumating na nga ang inaantay ko. The song 'Don't know what to say' by Ric Segreto started playing on the background when the door slowly opened, revealing a little glimpse of her. With a smile on her face she started walking towards me, kahit overwhelmed sa emotion hindi ko pa r

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 124

    Alora's POV April 11, araw ng kasal namin. Pareho kaming maaga na nagising upang maghanda. Alas dos ng hapon pa ang kasal pero dahil mag-aayos pa lalo na sa make-up ay kailangan namin ng malaking oras. Magkaiba kami ng kwartong pinag-aayusan habang ang anak naman namin ay nandoon kay Dad. "Ano pong feeling ng ikakasal?" Nandito ngayon sila Sheila at Stella, kakarating lang nila ngayong araw para tulungan ako sa damit kasama ang mga make-up artist. "Kinakabahan ako." Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa para maramdaman nila ang panginginig ng kamay ko."Na-rehearse mo na po ba yung sasabihin mo mamaya?" tanong ulit nila.Memorisado ko na ang sasabihin ko pero kinakabahan lang ako dahil baka biglaan kong makalimutan dahil sa kaba ko kapag andoon na ako mamaya sa harap ng altar kasama si Azrael. "Pasabi na lang po kung masakit." Tumango ako, inaayos kase ang buhok ko ngayon at nilalagyan ng kaunting kulot."Paano kung magdala na lang kaya ako ng kodigo? Baka makalimutan ko kase," sab

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 123

    Alora's POV Isang araw na lang bago ang kasal, gumising na naman ako ng may halong excitement at kaba sa puso ko. "Anong oras ba tayo magkikita-kita?" Plano naming kumain sa isang restaurant dito. "Mamayang eleven." Napatingin ako sa relo ko. Alas nwebe na kaya sinimulan ko ng maligo, katapos ay sinundo ko si Rail sa kwarto nila Calem at Kalo at dumaan na rin ako sa kwarto ni Manang Karla at ni Mika para ipaaalam sa kanila ang oras ng pag-alis namin. Pagdating namin sa restaurant ay kami lang ang tao doon maliban na lang sa mga tauhan ni Dad, Owen at ni Azrael na nakabantay sa labas at loob. Nagbatian din kami at sa una ay medyo naiilang pa sila Mika at Kalo pero nawala rin naman iyon agad dahil kinausap sila ni Law, siguro ay dahil na rin hindi nagkakalayo ang edad nila at mas matanda lang ng isang taon si Mika sa dalawa at agad silang naging komportable."Si Tito Gavin at Tita Ivy?" iyon din sana ang itatanong ko sana pero naunahan ako ni Azrael. Ang sabi kase kaninang umaga ay b

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 122

    Alora's POV Ang sunod naming pinuntahan ay ang Casa Manila. Doon nag-aantay si Calem at ang iba pang tauhan ni Azrael sa amin, doon din kase ang hotel na na-book ni Azrael. Sumakay kami sa pedicab papunta sa tutuluyan namin. Dalawang pedicab ang kinuha namin dahil hindi kami kakasya sa isa. Kahit naman sa pedicab kami ay hindi ko mapigilang makaramdam ng antok dahil sa kabusugan. Hindi ko rin alam kung ilang minuto ba ang byahe papunta sa Casa Manila. Kahit din naman gustuhin kong matulog ay hindi ko magawa dahil sa bangayan nila Kalo, Mika at Rail sa likod. "Andito na tayo." Isa-isa kaming bumaba at lahat kami ay namangha.Parang kastilyo ang desenyo! Sa pagpasok namin ay mas lalo lang nadagdagan ang paghanga namin sa lugar. Hindi lang ang desenyo ng lugar ang nagpahanga sa akin lalo na sa anak ko kundi pati rin ang fountain na nasa gitna ng malaking space at sa paligid nito ay mga upuan. Sobrang ganda ng lugar at hindi ko alam kung paano pa iyon ipapaliwanag. "May mga stores, r

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 121

    Alora's POV Nagsimula ang byahe namin patungo sa Intramuros. Nasa iisang kotse kaming tatlo nila Azrael at Rail, sa likod naman namin ay si Calem, Manang Karla, Mika at Kalo. Napadesisyonan ni Kalo na sumama na rin sa amin at pinayagan naman siya ng mga magulang niya. Dahil may libre kaming dalawang araw ay plano naming mamasyal muna sa lugar.Mayroon nang mga lugar na nakalista sa cellphone ni Kalo para bisitahin namin. Lahat ng iyon ay suggestion naming lahat. "Mararamdaman mong para kang bumalik sa sinaunang panahon." Tanong ng tanong ako kay Azrael tungkol sa lugar. "They also have a kalesa there.""Anong kalesa Mama?" Umiling lang ako sa tanong ng anak ko, hindi, pamilyar lang ako sa salita pero hindi ako sigurado kung ano ba talaga iyon. "It's like a motorcycle pero imbes na makina ay kabayo ang ginagamit." Naalala ko na! Yun yung mayroong kabayo sa harapan na kinakabitan ng sakayan na may dalawang gulong. "Like on my favorite cartoon movie?" Sa pinapanood kase ni Rail ay ma

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status