Chapter 05
Habang nagsisimula na ang seremonya, ang bawat salitang binanggit ng pari ay nagiging malabo sa aking pandinig. Nakatuon lamang ang aking isipan sa kanya, sa lalaki na ngayon ay tatawaging asawa ko—si Crisanto "Cris" Montereal. Sa huling bahagi ng kanyang pangalan, ang bigat ng pagiging Montereal ay tila sumakal sa aking dibdib. Isang pamilyang may mataas na estado, at ako... isang estrangherong walang kamalay-malay sa mga larangan ng buhay na kanilang tinatahak. Sa mga susunod na minuto, naramdaman ko ang pawis na dumaloy sa aking noo habang siya ay nakatayo sa aking harapan. Habang binabaybay ko ang proseso ng kasal, sa bawat salita ng pari, ang pangalan niyang "Crisanto" ay umiikot sa aking isipan, parang malupit na paalala na ngayon, nakatali na ako sa isang mundo na hindi ko alam. Sa aking puso, may isang bahagi na hindi makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Si Merlyn Claveria Santiago, isang simpleng babae, ay ngayon ay nakatayo sa altar, kasal na sa isang taong hindi ko pa lubos na nakikilala. At ang lalaking ito, si Crisanto Montereal, ay may daan-daang taon ng pangalan at legacy na nakatago sa kanyang likod. Ang bawat bahagi ng seremonya ay tila isang simbolo ng pagiging bahagi ko sa kanilang mundo—isang mundong hindi ko alam kung ano tong pasukin ko. Subalit, hindi ko na kayang mag-atubili. Nasa harap ko si Cris, ang lalaking magiging asawa ko ngayon araw, at sa kabila ng lahat ng tanong at nagbibigay sa akin ng kalituhan. 'Bakit ba akong pumayag na maging substitute bride? Ano ang mapapala ko dito? O baka dahil sa awa ko sa lalaking hindi sinipot ng maging bride at alam ko kung gaano ka sakit ang maging sawi sa pag-ibig kaya ako napapayag sa alok ni Mrs. Montereal,' tanong ko sa aking isipan. Habang patuloy ang seremonya, naramdaman ko ang matinding kaba sa aking dibdib. Lahat ng mata ng mga bisita ay nakatutok sa amin, at ang bawat salita ng pari ay nagiging isang matinding pagsubok. "Merlyn Claveria Santiago," tinanong ng pari, ang kanyang tinig ay seryoso at puno ng solemnidad, "tinatanggap mo ba si Crisanto Montereal bilang iyong asawa, sa hirap at ginhawa, sa kalusugan at karamdaman, hanggang sa kamatayan ay maghiwalay kayo?" Ang tanong na iyon ay tila tumagos sa aking kaluluwa, at sa kabila ng lahat ng kabiguan at pagdududa sa aking puso, ang tanging sagot ko na lamang ay ang mabigat na "Oo." Tumingin ako kay Cris, at sa mga mata niya, na puno ng hindi ko kayang basahing emosyon, nagkaroon ako ng isang malupit na realization—na sa kabila ng lahat ng ito, ako ay nakatali na sa kanya. Sa isang iglap, ang buhay ko ay magbabago. Alam ko na hindi niya ako makikita dahil ang akinv mukha ay naka tago sa ilalim ng belo. Bago ko pa maipaliwanag sa sarili ko kung ano ang nangyayari, tinanong ulit ng pari si Cris. "Crisanto 'Cris' Montereal, tinatanggap mo ba si Merlyn Claveria Santiago bilang iyong asawa?" Tumango si Cris, ang kanyang mga mata ay hindi umiwas, ngunit ang expression niya ay tila naglalaman ng isang matinding pagnanais na hindi ko kayang intindihin. "Oo," ang sagot niya, at sa salitang iyon, napagtanto ko na ang aming kasal ay hindi lang basta isang seremonya—isang desisyon na magbabago sa mga buhay namin magpakailanman. Habang inihahayag ng pari na kami ay kasal na, ang mga salitang iyon ay parang mga kidlat na dumaan sa aking isip. Kasal na kami—ngunit sa lahat ng mga aspeto ng relasyon, wala kaming kilala sa isa't isa. Lahat ng ito ay isang kasunduan na nagsimula lamang sa isang pakiusap ng ina sa lalaki kaya ako andito bilang halili sa kanyang totoong bride. Ang mga bisita ay nagpalakpakan, ngunit sa kabila ng lahat ng ingay at kasiyahan, nararamdaman ko ang labis na kalituhan sa aking puso. Ang pinakahuling bahagi ng seremonya ay ang "kiss the bride," at naramdaman ko ang matinding kaba na bumabalot sa aking sestima. "Sandali!" pigil ko dito. "Pasensya na pero wala ito sa usapan ng iyong ina at isa pa hindi naman siguro na gawin nating ito? Di'ba?" bulong ko dito at sapat na kami lang dalawa ang makakarinig sa sinabi ko. Pero hindi ito sumagot at bahagyang tumingin lamang ito sa pari. Dahilan upang bumaling qko doon. Tanging tango lang ang pari bilang tanda na kami ay dapat magbigay ng halik sa isa't isa bilang tanda ng aming pagsasama. Ngunit nang inangat ni Cris ang aking belo upang mahalikan ako, napansin ko ang alingawngaw ng katahimikan sa pagitan namin. Sa unang pagkakataon, nag-alinlangan ako. Ito ang unang pagkakataon na magkakasama kami, at sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi ko pa siya kilala. Ang init ng kanyang hininga, ang presensya niyang malapit sa akin—lahat ng ito ay nagsanhi ng isang malupit na pag-kalito sa aking isip at puso. Paano ko siya hahalikan? Paano ko siya tatanggapin bilang asawa kung wala akong kasiguraduhan sa kung anong klaseng buhay ang hinaharap ko sa kanya? Bahagya itong natigilan sa pagkakita niya sa akin at nakita ko sa kanyang sulok sa labi ang isang ngiting nakapaskil doon. Bago ko pa man maisip ang mga sagot, naramdaman ko na lang ang malumanay niyang labi sa aking labi, at ang akala ko ay dampi lang ang kanyang gagawin halik pero mukhang nasiyahan pa ito sa paghalik niya sa akin dahil mukhang ayaw niya bitiwan angnaking labi, buti na lang at may lumapit na isang lalaking nakangiting tinapik ang kanyang balikat upang mabitiwan niya ito. "Tama na yang, tol! May honeymoon pa kayo, doon mo na lang itutuloy," pilyong sabi ng lalaki sabay kindat sa akin. Agad akong pinamulahan sa kanyang ginawa kaya napaiwas ako sa kanilang tingin. Hinapit niya ang aking baywang ma parang ayaw niya akong mawalay sa kanyang tabi saka kami humarap sa mga taong naging saksi sa aming kasal. "Wag kang masyadong makabahan, wife! " bulong niya. Sasagutin ko sana ito ng, 'paano hindi kabahan kung kanina lang ay nagmukha ako sa bigo sa pag-ibig pero ngayon ay biglang nakaroon ako ng isang asawa at ni hindi man lang kilala ang mga taong naging saksi sa aking kasal-kasalan,' pero hindi ko ito naisatinig man lang. Ngunit, hindi ko na kayang itago ang kaba ko sa mga nangyari ngayon. Halos pakiramdam ko ay nawala na ang lahat ng kakayahan kong magdesisyon. Sa kabila ng lahat ng duda at takot, ang tanging natira sa aking puso ay ang tanong na ano ang mangyayari pagkatapos nito?Chapter 06Habang naglalakad kami palabas ng simbahan, sinalubong kami ng mga saksi at bisitang masiglang bumabati. "Congratulations sa inyong dalawa," bati sa isang ginang. Habang iba ay ang kanilang mga ngiti ay parang mga liwanag na bumalot sa akin, ngunit sa kabila nito, ang bigat sa aking dibdib ay hindi mabawasan. Si Crisanto "Cris" Montereal, ang lalaking ngayon ay asawa ko, ay hindi pa rin bumibitaw sa mahigpit na pagkakahawak sa aking baywang.Pilit kong hinanap si Mrs. Montereal upang maki-usap ko ito ngayon pero hindi ko nahagilap man lang ito. Ang bawat hakbang ko ay parang isang paglipat sa ibang mundo—isang mundo na hindi ko kailanman inakala na magiging bahagi ako. Naririnig ko ang masasayang hiyawan ng mga bisita, ngunit tila nagiging malabo ang mga tunog na iyon sa aking pandinig.Nang makalapit kami sa nakaparadang sasakyan, mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Cris sa akin. Wala siyang sinasabi, ngunit ramdam ko ang bigat ng kanyang presensya. Binuksan ng driver a
Chapter 07Agad akong nagpahatid sa bahay namin—ang lugar na minsang itinuring kong kanlungan pero ngayo'y puno ng sakit at galit. Hindi ko na napigilang balikan ang mga alaala ng hirap ko bilang OFW. Sa bawat araw na pinili kong magtiis, tiniis ko ang pangungulila sa pamilya, ang init ng araw, at ang malamig na gabi para lang maipadama sa kanila na mahalaga sila sa akin. Ngunit ang lahat ng iyon ay parang nawalan ng halaga.Pagbukas ko ng pinto, bumulaga sa akin ang mga mukha nila Mama at Papa, ngunit hindi ang mga mukhang inaasahan kong makita. Wala akong nakitang pagsisisi o kahit bahid ng pagkakahiya sa ginawa nila. Sa halip, malamig at matalim ang tingin nila sa akin.“Bakit ka nandito?” tanong ni Mama, ang boses niya’y puno ng pagkasuya.“Bumalik ako para kunin ang mga gamit ko,” sagot ko nang diretso, pilit pinipigil ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. “Hindi na ako magtatagal dito.”“Kung aalis ka, mabuti,” sagot ni Papa. “Sa tingin mo ba, obligado pa kaming makinig sa mga rek
Chapter 08 Habang nakaupo ako sa isang sulok ng simbahan, napuno ng tahimik na dasal ang paligid. Pero sa loob ko, tila isang kaguluhan ang nagaganap. Ang bigat ng lahat ng nangyari—mula sa pagtaksil ng pamilya ko hanggang sa pagiging isang substitute bride—ay parang mga alon na pilit akong dinadala sa malalim na bahagi ng aking isipan. Napatingin ako sa altar. Ang seremonya ay natapos na, ngunit ang epekto nito sa akin ay tila nagsisimula pa lamang. Ang pakiramdam ng pagiging nakatali sa isang kasal na hindi ko pinangarap ay nagpabigat sa aking dibdib. Sa kabila ng lahat, ang natitira na lang sa akin ay ang tanong na, "Ano ang dapat kong gawin ngayon?" gulong tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa krus. Bigla kong naalala ang tawag ni Mrs. Swan. Ang kanyang alok ay parang liwanag sa isang madilim na daan—isang pagkakataon upang muling magsimula. Isang paraan upang takasan ang sakit at gulo na iniwan ng kasalukuyang sitwasyon ko. Napabuntong-hininga ako habang iniisip
Chapter 09Cris POV "Find my wife!" malakas kong utos sa mga tauhan ko, halos pumutok ang ugat sa aking sentido. Parang hindi ko matanggap na bigla na lang siyang nawala sa kalagitnaan ng kasiyahan matapos ang kasal. 'Paano niya nagawang umalis nang walang pasabi?' inis at galit kong sabi sa aking isipan habang inuutusan ko ang mga tauhan. Kanina lang, sinabi niyang pupunta siya sa restroom kasama si Liza, isa sa mga katiwala ng mansion. Ngunit makalipas ang ilang minuto, bumalik si Liza mag-isa, mukhang balisa. "Nasaan siya?" tanong ko agad. "Sir, hindi ko po alam," sagot ni Liza, halatang nag-aalangan. "Sabi niya babalik agad siya, pero hindi ko na po siya nakita," sabi niya sa akin. Parang bumaligtad ang sikmura ko sa inis. Asawa ko siya, kahit na isang substitute bride lamang! Alam kong hindi maipagkakaila na pilit ang sitwasyon namin, pero hindi iyon sapat na dahilan para bigla siyang mawala nang parang bula. Lumapit sa akin ang isa sa mga bisita, ang best man ko, si Leo
Chapter 10 Kinabukasan "Mr. Montereal, natagpuan na namin siya," sabi ng isa sa mga tauhan ko, ang boses niya ay puno ng kumpiyansa. "Kasulukuyan siyang sumakay ng eroplano papunta sa Canada," pagbibigay ng impormasyon nito sa akin. Natigilan ako sa sinabi niya. Canada? Biglang bumalik sa isip ko ang mga kwento ni Mommy tungkol sa pagiging OFW ng babaeng iyon. May koneksyon ba siya roon? O plano niyang magtago sa bansang iyon upang tuluyang iwasan ang lahat ng nangyari sa amin? "Sigurado ka ba diyan?" tanong ko habang pinipigil ang halong inis at kaba. "Opo, Sir. May na-trace kaming flight booking gamit ang pangalan niya. Paalis na ang eroplano isang oras mula ngayon," tugon nito. Mabilis akong tumayo at kinuha ang coat ko. "Ihanda ang sasakyan. Pupunta tayo sa airport!" utos ko sa isa kong tauhan. Habang nasa daan, pakiramdam ko ay umiikot ang mundo ko. Bakit siya umalis? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Sa kabila ng lahat ng nangyari, alam kong may karapatan siyang gumawa
Chapter 11 Lumipas ang maraming buwan, ngunit hindi ko pa rin tinigilan ang paghahanap kay Merlyn. Parang nawalan ng direksyon ang buhay ko, at bawat araw na lumilipas ay tila nagiging mas mabigat ang bigat sa dibdib ko. Inupahan ko ang pinakamahuhusay na private investigators, ngunit iisa lang ang sinasabi nila: May humaharang sa imbestigasyon. Hindi ko matanggap ang sagot na iyon. Kaya, sa huli, ako mismo ang nagdesisyon na puntahan ang lugar kung saan siya dating nanirahan. Doon, kinausap ko ang ilang kapitbahay niya, nagbabakasakaling makuha ang mga sagot na matagal ko nang hinahanap. Ang mga salaysay ng mga kapitbahay ay unti-unting nagbigay-liwanag sa madilim na bahagi ng buhay ni Merlyn. "Alam mo, Crisanto," sabi ng isa sa mga kausap ko, isang matandang babae na tila alam lahat ng kwento sa lugar nila. "Si Merlyn, napakabait na bata. Ang tanging inisip lang niya ay ang kapakanan ng pamilya niya. Sinakripisyo niya ang kaligayahan niya para mapag-aral ang bunsong kapatid niya
Chapter 12Merlyn POVPagkababa ko ng eroplano sa Canada, isang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa klima o sa bigat ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Pero isang bagay ang sigurado—ito ang bagong simula ng buhay ko, malayo sa mga taong nagdulot sa akin ng sakit at pagkabigo."Welcome back, Merlyn!" bati ni Mrs. Swan habang nakatayo sa arrival area. Ang kanyang malapad na ngiti ay tila nagpapagaan sa bigat ng nararamdaman ko. Siya ang naging pangalawang ina ko sa mga panahong nagtrabaho ako sa kanilang pamilya bilang isang domestic helper."Mrs. Swan," sagot ko habang pinipilit na ngumiti, "Salamat po at tinanggap ninyo ulit ako.""Huwag ka nang mag-alala, iha. May lugar ka palagi sa amin. Narinig ko ang lahat ng pinagdaanan mo. Mas mabuti pang dito ka muna magpahinga at maghilom."Niyakap niya ako ng mahigpit, at sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, naramdaman ko ang init ng pagkalinga.---Sa mga sumunod na araw, nag
Chapter 13Ngayong araw, opisyal na akong magsisimula sa bago kong trabaho bilang accountant. Sa wakas, unti-unti ko nang natutupad ang mga pangarap ko. Ang lahat ng ito ay utang ko kay Mrs. Swan, na kahit kailan ay hindi ako iniwan at palaging nakaalalay sa akin.Siya ang naging daan upang magkaroon ako ng bagong simula dito sa Canada. Hindi lang siya tumigil sa pag-recommend sa akin sa mga posisyon na akma sa aking kakayahan, kundi ginawa pa niyang posible na maging permanent resident ako. Dahil sa kanya, nakaramdam ako ng pagtanggap at halaga na matagal ko nang hinahanap.Sa opisina, tinanggap ako ng mainit ng aking bagong boss na si Mr. William Carter, isang mabait at respetadong negosyante na kaibigan ni Mrs. Swan."Welcome to the team, Ms. Santiago. Narinig ko mula kay Mrs. Swan kung gaano ka kasipag at maaasahan. I'm excited to see you grow with us," aniya habang iniabot ang kamay para kamayan ako."Salamat po, Sir. Hindi ko po sasayangin ang oportunidad na ito," sagot ko, puno
Chapter 076Merlyn POVAnim na taon na ang lumipas mula noong tuluyan akong lumayo sa puder ni Cris. Ni balita tungkol sa kanya ay wala akong natanggap. Parang nawala na lang siya sa mundo ko. Tahimik ang naging buhay namin—ako at ang anak kong si Mila—dito sa isang liblib na probinsya. Malayo sa gulo, malayo sa ingay ng siyudad, at higit sa lahat... malayo sa alaala niya.Ngayon, limang taong gulang na si Mila. Siya ang nagsilbing liwanag ko sa lahat ng madilim na pinagdaanan ko. Sa bawat ngiti niya, nakakalimutan kong minsang nasaktan ako. Sa bawat yakap niya, para bang buo na ulit ako.Simple lang ang pamumuhay namin dito. Nagtitinda ako ng kakanin sa palengke tuwing umaga habang si Mila naman ay nagsisimula nang pumasok sa daycare center malapit sa amin. Kapag hapon, sabay kaming nagdidilig ng mga halaman sa likod-bahay, o kaya’y nagbibilad ng mga tuyo at gulay para ibenta kinabukasan. Minsan, tinutulungan ko rin ang kapitbahay sa pagtatahi kapalit ng ilang kilong bigas o gulay.W
Chapter 075Naramdaman ko ang mga mata ko na tila nagiging mabigat, pero pinilit kong maging matatag."Hindi ko pa alam... Siguro, ang unang hakbang ay tanggapin ang nangyari at magpatuloy sa buhay. Hindi ko pa alam kung paano, pero sigurado akong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko."Patuloy lang ang mga tanong nila—sunod-sunod, walang humpay—at pakiramdam ko'y unti-unti akong nauubusan ng sagot. Ngunit sa kabila ng lahat, ang mga salita ni Mommy ang nagsilbing gabay ko, parang liwanag sa gitna ng dilim."Mr. Montereal," muling tanong ng isang reporter,"Narinig namin na balak mong pumunta sa ibang bansa. Paano na ang negosyo ng pamilya mo rito kapag lumipad ka patungong USA? Ano ang susunod na hakbang mo sa pagpapalago ng kumpanya?"Nag-isip ako sandali, pilit na inuuna ang mga bagay na makakatulong sa akin na magpatuloy."Oo, balak kong magtungo sa ibang bansa para makapag-move on at mas mag-focus sa negosyo. Sa Amerika, magtutulungan kami ng pamilya ko. Iiwan ko muna ang negosyo k
Chapter 074Napatigil ako sa narinig na suhestiyon ni Mommy. "Stage?" Tanong ko, tanging gulat at kalituhan ang nararamdaman ko. Ano ang ibig niyang sabihin? Paano makakatulong ang stage sa akin ngayon, na ang lahat ng nararamdaman ko ay sakit at pagkatalo?"Oo," sagot ni Mommy, ang boses ay may kalmado at matinding determinasyon. "Doon mo kayang makita ang iyong sarili muli. Hindi mo kailangang mag-isa sa lahat ng ito. Hindi mo kailangang magtago pa."Walang nagbago sa aking pakiramdam, ngunit sa mga salitang iyon ni Mommy, parang may isang munting posibilidad na nagbigay-liwanag sa aking isipan. Isang maliit na bahagi ng aking puso ang nag-sabi na baka may dahilan pa, baka may pagkakataon pang makabangon."Pero... paano?" tanong ko, ang tono ko ay puno pa rin ng pag-aalinlangan. "Hindi ko kayang magharap ng mga tao, lalo na kung sila ay may alam tungkol sa lahat ng nangyari.""Simula sa ngayon," sagot ni Mommy, "Hindi mo kailangang patagilid na tumakbo. Hindi ka na mag-isa. Hindi mo
Chapter 073Lumipas ang anim na buwan, hindi ako umuwi sa mansyon kung saan ang alaala ng aking asawa andoon. Laging tumatawag si Mommy pero lagi ko itong pinatayan ng phone.Walang ibang ginawa ko sa loob ng mga buwan kundi mag mukmok sa mansyon binili ko para sana sa kay Merlyn at sa anak namin.Tanging kasama ko lamang ay alak wala ng iba. Ni paglinis sa aking katawan ay hindi ko ginawa. Humahaba na ang balbas at buhok ko.Ang mga buwan na iyon ay para bang isang mahabang dilim na walang katapusan. Hindi ko na kayang tingnan ang sarili ko sa salamin, hindi ko na kayang makita ang mukha ko na puno ng sakit at pagkatalo. Sa mansyon na binili ko para sana kay Merlyn at sa anak namin, tila ang mga dingding mismo ay nagsasalita ng mga alaala—mga alaala ng kaligayahan na unti-unting nawala.Hindi ko na pinansin ang tawag ni Mommy, wala na akong lakas para makipag-usap. Sa bawat tunog ng telepono, iniwasan ko ito, binaba ang bawat tawag. Siguro, takot na rin akong marinig ang mga salitang
Chapter 072Pagkatapos ng libing, hindi ko magawang umuwi sa mansion na punong-puno ng alaala nina Merlyn at ng anak namin. Sa halip, dumiretso ako sa bagong bili kong bahay—malayo sa lahat, malayo sa sakit.Tahimik akong bumaba ng sasakyan. Ang malawak na bakuran at ang malamig na simoy ng hangin ay dapat sana'y nagpapagaan ng pakiramdam ko, pero walang kahit anong lugar ang makakabawas sa bigat na dinadala ko.Pagpasok ko sa loob, sumalubong sa akin ang katahimikan. Walang ibang tunog kundi ang mahihinang yapak ng mga paa ko sa marmol na sahig. Isinandal ko ang likod ko sa pinto at dahan-dahang bumagsak sa sahig. Doon, sa gitna ng kadiliman, tuluyan kong binitiwan ang lahat ng emosyon na matagal ko nang pinipigil."Hindi ko na alam paano mabuhay nang wala kayo..." bulong ko, habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang ngiti ni Merlyn, ang maliliit na kamay ng anak namin na minsang mahigpit na humawak sa daliri ko.Wala na sila. At kahit ilang beses kong ulitin sa isip ko ang kato
Chapter 071 Napahinto ako sa tapat ng isang maliit na parke. May mga batang naglalaro, masayang nagtatawanan. Isang eksena na hindi ko na kailanman mararanasan kasama ang anak ko. Napaupo ako sa isang bench, pinagmamasdan ang kawalan. Tumulo na naman ang mga luha ko. "Kung pwede lang bumalik sa nakaraan..." bulong ko sa hangin. "Kung pwede lang burahin ang lahat ng kasalanan ko..." Pero huli na ang lahat. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa at tiningnan ang screen. Isang unknown number. Nag-alinlangan akong sagutin, pero sa huli ay pinindot ko ang green button. "Hello?" mahina kong bati. Isang sandaling katahimikan ang sumunod bago narinig ko ang isang pamilyar na tinig. "Cris..." Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako maaaring magkamali. "M-Merlyn?" Pero agad din akong natauhan nang mapagtantong si Mommy pala ang tumawag. "Cris, anak..." mahina at garalgal ang boses ni Mommy. Ramdam ko ang lungkot sa bawat sali
Chapter 070"Ang tanga-tanga ko. Ahhhh.....!" ulit kong sabi habang sinusuntok ko ang sahig ng aming mansion hanggang dumugo ang aking kamay."Cris, anak! Tama na!" Sigaw ni Mommy habang pilit na pinipigilan ang kamay ko. Pero wala akong naririnig. Hindi ko na alintana ang sakit sa mga kamao ko. Mas matindi ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko."Bakit ko sila pinabayaan?!" Paulit-ulit kong isigaw. "Bakit ko sinaktan si Merlyn? Bakit ako naging duwag?!"Nanginginig ang katawan ko habang nakaluhod pa rin sa malamig na sahig. Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo mula sa mga sugat ko, pero wala pa rin 'yon sa nararamdaman kong kirot sa loob."Cris, anak..." Hinawakan ni Mommy ang mukha ko, pilit akong pinapakalma. Pero kahit ang yakap niya ay hindi mapawi ang bigat na bumalot sa pagkatao ko. "Hindi mo na mababago ang nangyari.""Pero kasalanan ko 'to, Mommy!" Napapikit ako nang mariin. "Kung hindi ko lang pinabayaan si Merlyn... Kung hindi ko siya pinagpalit... Kung ako lang sana ang pinili
Chapter 069Cris POVKinabukasan Pagdilat ng mga mata ko, ramdam ko agad ang matinding sakit ng ulo. Para bang binabayo ito ng malalakas na tambol. Napatingin ako sa paligid — magulo, amoy alak, at puro basyo ng bote ang nakakalat.Sa tabi ko, sina Thomson at Rommel, parehong tulog pa rin at may mga marka pa ng alak sa kanilang damit. Napailing ako."Hoy, gising na!" sabi ko habang marahang tinatapik si Thomson. "Tangina, parang mga bangkay kayo rito.""Ahhh, ang sakit ng ulo ko, Tol," ungol ni Thomson, sabay taklob ng unan sa mukha niya. "Bakit ba natin naisip mag-inuman ng ganito kagabi?""Eh 'di dahil sa katangahan ko," maasim kong sagot. "At sa kagaguhan ko na rin."Napaungol si Rommel nang marinig ang usapan. "Tol, seryoso ka ba sa sinabi mo kagabi? Gusto ka raw hiwalayan ni Merlyn?"Bigla akong natahimik. Parang isang kutsilyo ang sumaksak sa dibdib ko sa simpleng tanong na 'yon. Agad kong naalala ang galit sa mga mata ni Merlyn at ang huling sinabi niya sa akin."Oo," mahina k
Chapter 068Merlyn POVSobrang sakit ang nararamdaman ko sa pagkakita sa videos, at mga chat niya sa akin. Kaya agad ko inayos ang mga gamit namin ng anak ko. Ngayong gabi, aalis kami ng aking anak.Hindi ko na napigilan ang mga luhang tuluyan nang bumagsak sa aking mga mata. Paulit-ulit kong tinitingnan ang mga videos at chat na pinadala ng babae. Ramdam ko ang kirot sa puso ko, parang pinupunit ang bawat bahagi nito."Bakit, Cris? Bakit mo nagawa ito sa amin?" bulong ko habang yakap-yakap ang isang taon naming anak na mahimbing na natutulog.Hindi ko na kailangang makarinig pa ng paliwanag. Sapat na ang mga ebidensiyang nasa harap ko. Kahit gaano ko pa siya kamahal, hindi ko kayang manatili sa isang relasyong puno ng kasinungalingan at pagtataksil.Agad akong tumayo at nagsimulang mag-impake. Isa-isang sinilid ko sa maleta ang mga damit ng anak ko at ilan sa mga gamit ko. Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi at pilit na pinatatag ang sarili ko."Para sa anak ko, kailangan kong