YZZA ‘s POV BITBIT ang isang maliit na bag na naglalaman ng isang bihisan, nasa dibdib ko ngayon ang magkahalong kaba, pag-aalangan at pananabik. Kaba, dahil hindi ko alam kung ano ang trabahong papasukan ko kay Don Samson. Ayon sa tatay ko, pinapunta daw ako ng Don sa mansion dahil may iaalok ito na trabaho para sa akin. Pag-aalangan, sapagkat alam kong no’ng una pa lamang nakita ko ang Don ay marami na akong bagay na ikinakailang rito at ibang negatibong bagay na hindi koalam kung bakit ko naiisip laban sa matanda ngunit biyudong mayaman sa buong baryo Magtulis, Romblon. Ang huli ay pananabik. Ito ang unang araw ko na nakita ng malapitan ang Mansion De Aguirre. Katulad ng karaniwan, ang mga kagaya naming anak lamang ng mga trabahador ng hacienda ay walang puwang sa loob ng mansiyon ng mga ito. Pero sinong mag-aakala? Ang isang anak ng tarabahador na kagaya ko ay nakatuntong at makakapasok na sa loob ng magara at malawak na tirahan ng aming amo, Ang Aguirre. Sa kabilang paghahati
Last Updated : 2025-04-03 Read more