MALALIM na noon ang gabi pero hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa din ako makakatulog. Ewan ko ba, pero hindi ko talaga maiaalis sa isipan ko ang isipin ang tungkol sa aking pag-aaral ng kolehiyo.
Sa tantiya ko ay alas-nuebe na iyon at alam kong nagpapahinga na sina Itay at Inay sa kanilang kuwarto ng mga sandaling iyon. Magkatabi lamang kami ng kuwarto. Tanging isang sawaling dinding lamang ang nasa pagitan namin na siyang naghihiwalay sa dalawang kuwarto. Hindi naman gaanong kalakihan ang aming bahay. Malapad lamang ang sala at ang kusinang ekstensiyon lamang sa likuran. Nakahiwalay naman ang banyo at palikuan na may limang metro ang layo.
Nakadungaw lamang ako sa bintanang hindi ko pa din nasasara sa mga oras na iyon. Sakto namang full moon ng Sabadong iyon kaya naman napakaliwanag ng palibot. Malayang nakatanaw ang kanilang mga mata sa patag na bukirin sa likuran ng kanilang bahay. Malapit sa isang basakan ang kanilang bahay na hindi naman nila pagmamay-ari. Ang nasabing basakan ay pag-aari ng isang mayamang Don sa kanilang baryo, ang nag-iisang haciendero at biyudong si Don Samson Aguirre.
Si Don Samson ang pinakamayaman at halos nagmamay-ari ng malawak na bukirin at basakan sa buong baryo Magtulis. Sa kaniya halos nakapangalan ang buong lupain ng mga taga-baryo. Kahit ang pamanang lupa ay hindi nito pinatawad dahil lang sa kagustuhang makamkam ang buong lupain sa aming baryo.
May pagkaganid sa pag-aari at yaman ang nasabing Don. Lahat ay gagawin nito para sapilitang ipagbenta ng mga residente ang kanilang mga lupaing halos katumbas na ng kanilang buhay. Ang lupa kasi ng mga tagarito ay minana pa ng mga ito sa mga kaninu-ninuan ng mga ito na kahit sa hirap ng buhay ay hindi sana magawang ipagbili pero dahil sa kabuktutan ng Don, halos magmakaawa na lamang ang mga residente rito na bilhin na nila ang lupa alang-alang sa katahimikan ng kanilang mga isip at pamilya.
Ayon daw kasi sa mga naririnig niyang kuwento sa kaniyang Inay Miriam, simula ng mamatay ang asawa nito ay lagi na daw bugnutin ang Don. Lagi na din daw itong pikunin at hindi na makausap ng maayos.
Hindi na din daw ito palangiti at hindi na magiliw sa mga nakakausap nito araw-araw.
Ayon sa kaniyang pagtatanong, may isang anak na lalaki daw itong si Don Samson na nasa Maynila at nag-aaral pa. Nag-iisang anak lang daw ito ng Don nang mabiyudo ito sa asawang si Donya Mellina. Hindi na daw nagbalak pa ang Don na mag-asawa pa kahit sa murang edad nito noong mamatay ang asawa.
Sobrang mahal daw nito si Mellina. Iyon din nga daw ang dahilan kung bakit mas lalong naging sakim ang Don at balak na kamkamin ang lahat ng lupa ng mga tagarito.
Hindi ko pa kaylanman nakita ang anak ng don simula noon. Bihira daw kasi iyong pumirmi dito sa aming baryo simula nang mamatay ang Donya Mellina. Mahaba na ang isang araw ng pananatili nito sa hacienda at agad na itong babalik sa Maynila.
Magpapatuloy pa sana sa paglalakbay ang isip ko tungkol sa buhay ng Don nang bigla kong narinig na nagsalita si Inay sa kabilang kuwarto.
"Matulog ka na diyan at kanina ka pa nakadungaw. Malalim na ang gabi ay nakabukas pa din ang bintana mo."
Iyon ang malinaw na narinig kong sabi ni Inay. Marahil ay naalimpungutan siya at napansing maliwanag pa din ag kuwarto ko kaya niya nasabi iyon. Alam ko na wala namang dapat ipag-alala ang aking ina dahil Linggo naman bukas. Hindi din naman siguro sinabi niya iyon dahil sa paniniwalang may aswang o bilang panakot lang sa akin.
"Matutulog na din po Inay, mayamaya lang po." Magalang kong tugon para payapain na lamang ang loob nito.
Wala na akong narinig na sinabi pa nito. Ayuko pa sanang isara ang bintana ng aking kuwarto at matulog. Nage-enjoy pa kasi akong panoorin ang malaki at pabilog na buwan. Halos parang umaga lamang sa labas dahil sa liwanag na mula sa buwan. Parang kaysarap maglakad-lakad sa labas ng bahay pero nagpapigil na ako sa sarili. Baka saan na naman kami abutin ng aking Inay sa sermon kapag ginawa ko nga ang nasa isipan ko ngayon.
Hindi na nga ako nagpasita pang muli at maingat kong isinara ang bintana. Oras na para ayusin ko ang aking kamang tulugan. May kaliitan ang espasyo ng aking kuwarto. Halos dalawang metro lang ang agwat ng pintuan at ng aking kama. Isang metro naman ang layo ng bintana at tanging mga makukulay na kurtina na lamang ang nagdala.
May isang maliit na kabinet na kinalalagyan ng aking mga damit at isang maliit na mesa kung saan nakapatong ang aking mga libro na binabasa ko tuwing Lunes hanggang Biyernes.
Maliit man ay komportable naman ako sa aking kuwarto. Hindi din naman ako naiinitan sa gabi dahil yari naman sa sawali ang aming bahay. Problema ko nga lang ay tuwing sasapit ang tag-ulan dahil madalas tumutulo at tumatalsik ang ulan sa dinding.
Kunsabagay ay malayo pa naman ang tag-ulan kaya saka ko na lamang poproblemahin ang tungkol doon. Saka na lamang siya maginitiate ng sagot kapag kailangan na niyang kumilos at gumawa ng aksiyon.
LOID Xavier POVIt was a summer season. On Vacation na din kami sa school na pinapasukan ko kaya namomroblema na naman ako ulit. Alam ko kasi na kapag summer ay pinapauwi ako ni Dad sa hacienda naman sa Romblon. Tagadoon talaga ako at kaya lang ako napadpad ng Maynila ay dahil sa aking pag-aaral sa kursong Abogasya.Sa kasalukuyan ay nasa second year college na ako dito sa St. Brendan Northern College. Pansamantala ay nakikitira ako sa kapatid ni Mom Mellina na si Tita Olga. Ikalawang kapatid ito ni Mom sa apat silang magkakapatid. Lahat ay pawang babae at may kaniya-kaniya na ding pamilya.Hindi din naman ako nakaramdam ng pagkabagot dito sa bahay dahil kasama ko ang dalawang anak nina Tito Eleazar at tita Olga na sina Trexie at Bench. Si Trexie ay twelve years old na habang si Bench naman ay five year old pa lamang. Ang dalawang makukulit na mga bata ang siyang naging kalaro at kasama ko araw-araw dito sa aking pananatili sa Maynila.Hindi naman problemado ang mga ito sa aking pan
Yzza's POVNgayon ay araw ng Linggo at as usual, pupunta na naman kami ng bukid. Doon na naman kami mag-aagahan muli at mag-aayos na din kami ng mga tanim na gulay. Mas maaga kami kaysa kahapon nang dumating sa bukid kaya naman mas marami kaming nagawa nang araw na iyon.Busy ako sa pagcucultivate ng mga tanim na sitaw at kalabasa ni Inay nang mapansin kong wala sa paligid si Itay. Nawili ako sa aking ginagawa dahil nage-enjoy ako ng sobra kaya’t hindi ko na namalayang wala na pala sa paligid si Itay. Napahinto ako sa aking ginagawa at hinanap siya ng aking mga mata.Tumingin na ako sa lahat ng sulok sa aking palibot pero hindi pa din nahanap ng mga mata ko si Itay. Sinulyapan ko si Inay na tuloy lamang sa ginagawa nito at wala pa ding malay na hindi na naming kasama si Itay. Naisip kong tanungin siya at baka nagpasabi rito si Itay patungkol sa pupuntahan nito at hindi na nakuha pang magpaalam dahil sa pagmamadali.“Inay, napansin niyo po ba si Itay? Bigla lang kasi siyang nawala.
Yzza’s POVThat was almost a year and a half ago. Since then, hindi ko na nakita pa ang anino ni Don Samson sa lugar na iyon. Ang bali-balita ay nasa Maynila ang matanda at binisita daw ang anak na si Loid Xavier na kasalukuyang nag-aaral. Hindi naman sa hinahanap ko ang presensiya ng matanda. Ano naman kasi ang pakialam ko kung hindi man ito magpakita kahit pa kaylanman sa amin? Hindi ko naman iyon ikakamatay siguro?Isa pa, nakakabahala ang mga titig ng matanda sa akin noong nagdadalaga pa lamang ako. Paano na lang ngayong malaki na ako at nagkashape na ang katawan? Kahit pa sabihing sunog sa araw ang balat ko ay hindi ko pa din maitatago ang ganda at hugis ng katawan ko na paminsan-minsan ay pinagdidiskitahan ng mga iba pang kabinataan sa amin na tulad naming ay matagal nang naninilbihan sa pamilya Aguirre.Marami sa mga binatang anak ng mga trabahador ng Don Samson ay pinupuna ako kapag nasasalubong ako sa daan. May mga nagpapalipad-hangin ng pagkakagusto pero dinidedma ko na l
Yzza'z POVMALALAKAS at sunod-sunod na katok sa labas ng pintuan ng aking kuwarto ang nagpabalikwas sa akin ng bangon. Araw ng Sabado at gaya ng nakaugalian ng aming pamilya ay panahon na naman para pumunta sa bukid."Ano ba? Hindi ka ba gigising? Kanina pa ako katok ng katok at tawag sayo ng tawag dito a!" Dinig kong sigaw ni Inay Miriam mula sa labas. Mainit ang ulo nito ngayon ngunit hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ganito madalas paggising niya sa akin. Paminsan-minsan lang naman na hindi na nakapagtataka."Opo, nandiyan na! Liligpitin ko lamang ang aking kamang tulugan." Magalang namang tugon ko para hindi na ito magalburuto pa sa labas."Bilis-bilisan mo diyan at mataas na ang araw. Baka abutin ka pa ng isang oras sa pagligpit mo diyan." muling hirit ni Inay. Hindi na ako sumagot pa at baka lalo lamang itong atakihin ng high blood nito. Kilala ko si Inay, the more na sinasagot-sagot, the more na maraming pinagsasabi.Minadali ko na ang aking ang kilos. Narinig ko ang pala

MALALIM na noon ang gabi pero hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa din ako makakatulog. Ewan ko ba, pero hindi ko talaga maiaalis sa isipan ko ang isipin ang tungkol sa aking pag-aaral ng kolehiyo.Sa tantiya ko ay alas-nuebe na iyon at alam kong nagpapahinga na sina Itay at Inay sa kanilang kuwarto ng mga sandaling iyon. Magkatabi lamang kami ng kuwarto. Tanging isang sawaling dinding lamang ang nasa pagitan namin na siyang naghihiwalay sa dalawang kuwarto. Hindi naman gaanong kalakihan ang aming bahay. Malapad lamang ang sala at ang kusinang ekstensiyon lamang sa likuran. Nakahiwalay naman ang banyo at palikuan na may limang metro ang layo.Nakadungaw lamang ako sa bintanang hindi ko pa din nasasara sa mga oras na iyon. Sakto namang full moon ng Sabadong iyon kaya naman napakaliwanag ng palibot. Malayang nakatanaw ang kanilang mga mata sa patag na bukirin sa likuran ng kanilang bahay. Malapit sa isang basakan ang kanilang bahay na hindi naman nila pagmamay-ari. Ang nasabing basa