“Napakawalanghiya mo, Esquivel!”Isang malakas na hampas ang nagpatilapon sa mga make up ni Bryenne sa sahig.Ang kunwa-kunwariang inosente at mabait na ugali ni Bryenne sa kanyang mga kaibigan ay tuluyan nang naglaho.Napalitan ng matinding galit at pagkapoot.Nagkalat rin ang itim na eyeliner sa ilalim ng kanyang mga mata dahil sa mga luhang umagos doon at gulong-gulo ang kanyang buhok.Gusto lang naman niyang bigyan ng leksyon si Rana, pero hindi niya inasahan na kukunan siya nito ng napakaraming litrato at ipapakalat ang mga iyon.Dahil dito, napahiya siya sa buong mundo ng mga mayayaman. Talagang nanggagalaiti siya sa babaeng ito!Ang dati nitong mahina at sunud-sunuran na ugali ay peke lang pala.Dapat noon pa lang ay hindi na niya pinayagang pakasalan ito ng kanyang kuya, mas mabuti pang pinalayas na niya agad.Ngayon, pinagpipiyestahan ng buong internet ang iskandalo niya.May mga tao pang naghahalukay sa kanyang pribadong buhay.Hindi magtatagal, siguradong mabubunyag din ang
"Tatlong taon akong kasal sa iyo. Binuhos ko ang lahat ng pagod ko para sa pamilya mo! Pero ni minsan ay hindi ako nagreklamo. Sa iyo, naging mabuti ako sa kahit anong paraan, alam mo 'yan. Ngayon, pinirmahan ko na ang divorce papers, hindi ako humingi ni isang sentimo mula sa iyo. Hindi ko inaasahan ang pasasalamat mo. Gusto ko lang na tapusin natin ito ng maayos. Pero ni hindi mo man lang ako matantanan? Sa tingin mo ba, kaya mo pa rin akong apihin ng ganito?"Sunod-sunod ang mabibigat na salita ni Rana sa lalaki, dahilan upang magdilim ang mukha ni Bryson."Ano ang ibig mong sabihin? Gusto ko lang ibigay sa iyo ang nararapat na kabayaran, hindi naman kita ginugulo o inaapi katulad ng sinasabi mo.""Ha! Sa isang banda, nagpapakalat ka ng balita na hinihingan kita ng malaking halaga sa divorce natin? Tapos ngayon, nagpapanggap kang mabuting tao? Ganito ba talaga kayong pamilya? Mga ubod ng mapagkunwari at traydor?""Ano ang sinasabi mo?" lalong lumalim ang kunot sa noo nito."Nagkala
Kinabukasan, hinanap ni Bryson si Pey at nalaman niyang nasa isang convention ito. Tinawagan niya ito upang magkita sila sa isang coffee shop.Ilang minuto lamang ay natanaw na niya ito sa bungad ng pintuan.She was all smiles when they had eye contact. Nanatiling walang ekspresyon ang lalaki."I'm sorry. Kanina ka pa ba?"Hihilahin palang nito ang upuan nang ibinato ni Bryson sa harapan nito ang mga naka-print na usapan nila sa social media at iba pang ebidensyang nakuha niya mula sa sekretarya."Ipaliwanag mo 'to."Nalusaw ang ngiti ng babae.Dahan-dahan itong umupo sa harap ni Bryson na hindi manlang kumukurap.Binuksan niya ito at nakita ang kahapon niya pang problema.Mga patunay ito na nag-uugnay sa kanya sa pagbili ng trending topics sa mga marketing accounts, mga screenshot ng usapan na hindi niya maikakaila.Nilunok niya ang bigik sa lalamunan.“Bry, hindi ito katulad ng iniisip mo, ako…”Pumikit siya sandali.Nag-uunahan ang mga salita sa kanyang isip at hindi alam kung paan
Laglag pangang tinignan ni Pey si Bryson.Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Sa buong buhay niya, hindi niya akalaing maririnig mula mismo kay Bryson ang pagtatanggol nito kay Rana, isang bagay na hindi kapani-paniwala.Napatayo si Pey sa inuupuan nito."Bry? Anong nangyari sa’yo? Dati naman, hindi mo rin gusto si Rana 'diba. Pero ngayon... Sigurado akong nakita mo rin ang post niya sa X? Wala siyang pakialam sa’yo o sa pamilya mo! Ang lahat ng ginawa niya noon ay puro pakitang-tao lang. Kung hindi, bakit niya gagawin ito ngayon? Gusto lang niya kayong sirain at pabagsakin!"Nang marinig ni Bryson ang sinabi ni Pey, lalong nanuot ang irita ng lalaki.Mabilis niya muling nilingon ang babae.Simula nang sabihin ni Rana ang divorce sa ospital, parang nawala sa kanyang kontrol ang lahat ng bagay. Ayaw ni Bryson sa pakiramdam ng kawalan ng kontrol.He's not used being the one obeying the rules. He is not comfortable being told what to do.Siguro nga, tama si Pey.Marahil, hindi
"May boyfriend na siya?!" halos pasinghal na sabi ni Pey."Kaya pala atat kang makipaghiwalay kay Bry!" nanlalaki nitong tinignan si Bryson."Look, Bry! Mukhang napakamahal ng sports car na ‘to, hindi kayang bilhin ni Rana ‘yan ng mag-isa, di ba?"Eskandalong-eskandalo si Pey sa nakita.Sabay nilang nakita ni Bryson ang pagbaba ng isang lalaki at ang pagbukas nito sa isang pintuan. Iniluwa noon si Rana.Hindi nila masyadong kita ang mukha ng lalaki dahil bukod sa naka shades ito ay mabilis silang tumalikod upang dumiretso na sa opisina ng judge.Nang maramdaman niyang masyadong tahimik si Bryson habang pinapanuod ang paglalakad ng dalawa ay ngumiti si Pey nang may kasiyahan.Hindi niya inakalang may ibang lalaki nga sa buhay ni Rana.Ngayong may ebidensya na siya, hindi lang ito basta haka-haka at tsismis.May basehan na dahil siya mismo ang nakakita.Kapag nakita ni Bryson ang totoong kulay ni Rana, hindi na ito magkakaroon ng kapal ng mukha na ilaban pa ang kanilang kasal ni Bryson.
"The audacity of this fake bitch!"Ito ang umuugong sa isip ni Pey nang marinig ang pahayag na iyon ni Rana patungkol sa kanya at kanyang ina."Grabe ka naman makapagsalita, Rana? Hindi mo kami kilala para sabihin mo iyan." nangingilid ang luhang sabi niya."Ouchie? Sheket? Ano sumbong nanay ka na ba?" tawa nito. "Wala pa rin 'yan kumpara sa pambabastos mo sa buhay naming mag-asawa! Hindi ako katulad mo na hindi manlang inisip ang mararamdaman ko habang panay ang lingkis mo sa asawa ko.""Bry!" iyak naman ni Pey kay Bryson na walang imik sa gilid.Pinalungkot ni Rana ang kanyang mukha. "Bry! Bry! Help me, Bry!" tumawa ito."Dinaig mo pa ang baldado kung makakapit ka sa asawa ko. Pa’no kung tuluyan kitang lumpuhin, Pey?"Sa paulit-ulit na pang-aasar ni Rana, nanikip ang dibdib ni Pey sa galit.Hindi niya pwedeng ipakita ang totoong iniisip niya.Hindi pwede kung kailan ma-didivorce na si Bryson sa babae. Kailangang sa kanya mapunta ang simpatya ni Bryson."Kaya siguro sinisiksik mo ang
Hindi mawari ni Bryson kung paano pa i-hahandle si Rana.Sumasakit ng sobra ang utak niya sa bawat singhal nito.He knew that she has a sarcastic tongue but he didn't know to this extent. Bilang isang taong ipinanganak na may mataas na katayuan. Bihira kung makarinig siya ng ganitong klaseng pananalita. Kadalasan pa ay mga naririnig niya lang sa balita.He was never with someone na ganito ang pagkatalas ng mga salita.Pero alam niyang bawat salitang sinabi ni Rana ay may katuturan. Kaya wala siyang mahanap na isasagot.Basang-basa sa kanyang mukha ang labis na pagkairita sa babae ngunit mas umiigting ang kanyang panga para sa lalaking kasama nito.He's not the violent type of man, kaso nang makitang bumaba ito kasama ang asawa sa isang sasakyan ay gusto na niya itong sugurin.Hindi niya na-imagine na magkakatotoo ang kanyang iniisip.Dahil hindi naman niya nakitang gumala o sumama sa iba si Rana.Taong-bahay ito at madalang kung makipag-usap sa phone.Sa huli, napilitan siyang tahimi
"Ikaw at ang nanay mo ay hindi inosente! Kayo mismo ang puno’t dulo ng lahat ng ito!"Hindi na napigilan pa ni Rana ang kanyang emosyon.Her madness is driving her crazy.Ramdam na ramdam niya ang bawat himaymay ng hinanakit. Pakiramdam niya ay siya ang nanay ni Vern at ang nanay ni Pey ay mismong si Pey. aiba lang ang kanilang mga pagkatao ngunit pareho ang pinagdaanan at sitwasyon.Noong araw, ginamit ng nanay ni Pey ang dahilan ng "tunay na pag-ibig" para pilitin ang ama ni Vern na mangaliwa.Ngayon naman, ginamit ni Pey ang parehong taktika upang agawin si Bryson.At katulad ng ama ni Vern, nagpadala si Bryson sa pang-aakit nito."What a piece of trash!"May part din dito ang kanyang dating asawa.If he didn't let her in to their lives, walang gulo.Walang divorce.Isang matinding galit ang dumaan sa mata ni Pey.Paulit-ulit na siyang pinapahiya ni Rana ngayong araw. Parang hindi na niya kakayaning magpigil ng totoong nararamdaman.Gusto na niyang sugurin si Rana at gantihan ito.
Hingal na hingal na dumating si Vern dala ang susi.Pero nagulat siyang bukas na ang pinto ng kwarto ni Rana.May hinala siyang sinadya talaga ito ng kuya niyang si Ruan para pahirapan siya.Napailing siya habang inaakyat ang huling palapag ng hagdan.“Bwisit ka, Ruan.”Sa mga oras na iyon ay nakabalot si Rana sa kumot.Medyo magulo na ang buhok at pulang-pula ang pisngi gayong wala naman itong nilagay na maraming blush.Nakatayo sa magkabilang gilid sina Andy at Ruan habang kapapasok lamang ni Vern.Nasa paanan siya ng babae.Nagkatinginan sina Ruan at Andy.Ruan didn’t notice anything.“I think we should let her rest.”Ngunit hinawakan ni Andy ang noo ni Rana.Doon ay nanlaki ang mga mata niya. “May lagnat siya!”Kumunot ang noo ng dalawang lalaki.Agad namang kumilos siya Andy upang hinaan ang ac sa kwarto.“Ha?” tila naguguluhan pa si Vern.Kumuha naman ng thermometer si Ruan.At tama nga. Mataas ang lagnat ng kapatid.Inutusan ni Ruan ang butler na tawagin ang kanilang family doc
Vern was baffled.Napalunok pa sa tinging ibinigay ni Ruan sa kanya. Umubo at tumikhim ang matandang butler.Bahagyang humilig kay Vern.“Iyon si Miss Andy. Malapit na kaibigan ni Rana. At medyo interesado ang Young Master kay Miss Andy.”“Eh, so?” Hindi pa rin maintindihan ni Vern.Napailing ang butler at tiningnan siya nang masama.“Sa IQ mong ‘yan, hindi na nakapagtataka kung bakit hindi mo pa rin mapasagot ang aking apo!”Sasagot na sana si Vern nang matigil sila dahil kumilos si Ruan sa kanilang tabi.Naglakad ito patungo sa stage.“Young master!” tawag ng butler.Susundan niya sana ang lalaki nang pigilan siya ni Vern.Nakasimangot siyang tumingin dito ngunit nginitian lamang siya ni Vern.Pagkatapos ay seryoso nang tumingin sa gagawin ni Ruan.Marami ang napasinghap nang makita siyang umaakyat sa entablado.Tuluyang nanahimik ang buong lugar.Nakangangang napatabi si Andy sa gilid.Ruan snobbishly looks at her then proceeds to speak.“Magandang gabi. I’m Ruan Esquivel. And tha
“Mga bwisit!”Galit na galit ang butler at agad na nagtungo kay Ruan upang iulat ang nangyari.Si Ruan ay kasalukuyang nakikipag-usap kay Vern sa opisina nito sa kanilang bahay tungkol sa sorpresa nila para kay Rana sa kanyang kaarawan.Kaya’t nang marinig niya ang balita ay agad na dumilim ang kanyang mukha.Ni gusto niyang ipabugbog ang dalawang tauhan ng mga Deogracia.Hinampas niya ang lamesa.“Bakit walang sinuman ang nag-ulat sa akin tungkol sa nangyari kanina?” Galit na sigaw ni Ruan.Si Vern naman ay halos tumalon sa inis.“Anong klaseng tao yang Deogracia na iyan? Talagang hindi tumitigil ang hayup na ‘yan? Sinadya pa talagang magpapunta rito para gumanti? Sobrang kitid ng utak! At anong klase pang pamamaraan ang ginamit niya? Parang sinadya lang talagang mandiri ang mga tao!”Kung malalaman ni Rana na si Bryson mismo ang nagpakalat ng mga tsismis para siraan siya ay siguradong masasaktan ito nang labis!Lahat ng naiisip ni Vern ay siya ring naiisip ni Ruan.“Anong gagawin na
Sa di nila inaasahan ay narinig nang iilang mga bisita ang kanilang usapan.Nagbulung-bulungan ang mga ito."Hindi nga ba't pareho pa lang napusuan nina Vern at Ruan ang basurang itinapon ni Bryson Deogracia? Anong kalokohan 'to?""Mukhang hindi ito biro. Ayon sa balita ay parang totoo nga ang nangyari.""Hindi ko akalaing gano'n kakapal ang mukha ng dating asawa ni Bryson. Nakabingwit na nga ng isa, may gana pang makabingwit ng tatlo! Pati si Young Master Ruan ay hindi pinalampas!""Pinaka-nakakabuwisit pa ay nahulog pa si Vernon sa bitag ng babae. Nag-away pa sila ni Bryson dahil sa kaniya!""Kadiri, kadiri talaga. Anong klaseng babae 'yon? Kaya niyang paikutin pati si Vern at Ruan?”"Nako. Akala ko pa naman si Ruan ay naiiba. Akala ko siya'y malinis at may prinsipyo. Pero pareho lang din pala. Wala na talagang matinong lalaki sa mundong 'to.""Nakakadismaya talaga, haay."Sa mga bisitang dumalo ngayon ay kakaunti lang ang tunay na kaibigan ni Rana.Karamihan ay mga business partner
Biglang dumilim ang mukha ni Ruan sa narinig.“Wala akong pakialam sa mga regalo nila! Itapon ang lahat ng binigay nila. Walang ititira.”Galit na galit si Ruan.Hindi naman inalagaan ng maayos ni Bryson ang kanyang kapatid tapos ngayon na hiwalay na sila ay saka pa ito nagkukunwaring gusto bumawi?Nagpapasiklab kahit wala nang karapatan?“What a joke.” naiinis niyang tinuran.Walang-kwentang tao.Wala sa lugar at walang konsensya.Kahit ang tignan ito ay nakakasuka para kay Ruan.“Pero, ang sabi nila ay alay daw iyon bilang paghingi ng paumanhin. Yung insidente raw sa bar. Napagtanto nilang sila’y naging bastos. Kaya nagpadala ng regalo bilang pagsisisi.”Ruan scoffed.Inis na itong tumingin sa kung saan na para bang naroon lang sa paligid ang mga Deogracia.“Eh ano naman ho ngayon? Dahil lang humingi siya ng sorry, dapat tanggapin ko na agad? Kung alam niyo lang kung paanong bastusin ng kaibigan niya si Rana ay siguradong mag-ngingitngit rin kayo.”Hindi pa rin mapakali sa galit si
Hindi katulad ng iba na gustong makipag-ugnayan sa mga Esquivel, si Andy ay isang taong ipinapakita sa kanyang mga mata kung ano talaga ang nasa puso niya.Wala siyang masyadong pagkukunwari at ang paglapit niya kay Rana ay walang halong anumang layunin.Dahil dito ay pinahahalagahan na siya agad ni Ruan.Nagsimula na siyang magkaroon ng paggalang kay Andy.Dahil hindi ito nag-dalawang isip tulungan ang kapatid noong nangangailangan ito.At hindi rin ito tumingin sa estado ng buhay upang magpakita ng kagandahang asal.Doon ay napukaw ang interes ni Ruan.Hindi pa man malalim ngunit alam nyang ginagalang niya ang babae.Matapos makipagpalitan ng ilang magagalang na salita kay Andy, naalala ni Ruan ang mahalagang bagay.Lumingon siya sa kapatid.“Handa ka na ba? May mga bisita pa sa loob. Kailangan mo silang kitain para batiin sila o kahit man lang para magpakita.”Pagkarinig niyon ni Rana ay napahiyaw siya.“Ayoko nga!”Bagaman punong-puno siya ng lakas ng loob kanina ay nasanay na siy
Naiiling si Ruan na lumapit sa dalawang babae.Pagkalapit na pagkalapit niya ay agad na napatingin si Andy sa kanya.Dahil nakatalikod si Rana sa lalaki ay si Andy ang unang nakapansin sa kanya.Who wouldn’t?Sa suot nitong itim na chinese collar short sleeve ay talagang mapapatingin ang kahit na sino.Napakakisig nito gayong nakabukas pa ang unang dalawang butones nito.Hulmang-hulma ang mga muscles nito sa suot.Nakapasok ang isang kamay nito sa kanyang bulsa at kunot ang noo.Nagkatinginan ang dalawa.Ruan has this snobbish look, his nose is red because of the hot shower, while Andy is very spirited and bright.Nakangiti pa ito mula sa usapan nila ni Rana.Sa totoo lang, hindi naman masasabing magandang-maganda si Andy sa tradisyonal na kahulugan.At hindi rin siya maihahambing sa ganda ni Rana.Pero may kakaiba siyang dating.Malinis, maaliwalas, at may kaaya-ayang karisma.Hindi maipaliwanag, pero talagang komportableng tignan.Kahit pa ito ang una nilang pagkikita ay hindi naman
“You really know how to flatter someone.”Ngumiti si Rana kay Vern at saka tuluyang umikot upang puntahan ang kanyang mga bisita.And just like that, Vern followed her like a fool.Nasa likuran lamang siya ng babae na tila ba bodyguard habang nakikipagkamustahan ito sa mga dating kaibigan.Ngumisi ang isang babae sa kanya pagkatapos ay mayroong ibinulong kay Rana.Nilingon siya ni Rana.Nanlaki ang mga mata nito.“Kanina ka pa dyan?”Nagtawanan ang grupong iyon.Muli ay parang mga bubuyog silang nag-usap.Malalim na huminga si Vern.Nahihiya sa kanyang ginagawa.Kinamot niya ang batok saka lumapit ng kaunti kay Rana.Nasa tabi na siya nito.Natigil si Rana sa pakikipagtawanan sa mga kausap.“Go ahead. Talk. Gusto ko din makarinig ng tsismis.” nakangiting iminuwestra ni Vern ang kanyang kamay na huwag siyang intindihin.Rana mischievously smiled. “Tsismoso.”Pakiramdam ni Vern ay hindi siya ang sarili niya ngayong araw.Sinasabi ng lahat na siya’y isang babaerong bihasa sa larangan ng
Nagsalita na naman si Vern ng isang bungkos ng matatamis na salita.Kaya’t doon lang bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Ruan sa kanya.Lumingon siya kay Vern at nagtanong.“Dahil kilalang-kilala mo ang Pey na iyon. Ano sa tingin mo ang pinakamagandang paraan para gantihan siya?”May bahagyang panunuya sa mga mata ni Vern habang sumasagot.“Para sa mga katulad niyang tuso ay hindi natin kailangang gawing komplikado ang lahat. Hindi natin kailangan mag-isip ng mga teknik para sa isang talunang katulad niya.” tumitig siya kay Ruan. “Why not use her own method against her.”“Ang ibig mong sabihin ay…”“Sumabay tayo sa agos. Sa tamang panahon, hayaan nating si Rana mismo ang sumupalpal kay Pey. Wakwakin natin ang kaunting dignidad na meron siya. Hanggang sa hindi na siya makagalaw sa loob ng lipunang kanyang sobrang pinahahalagahan. Tignan natin kung may magagawa pa siya sa iniingatan niyang imahe.”Ang pinakamatinding parusa sa katulad ni Pey na labis na nagpapahalaga sa pagkatao at reput