"Ikaw at ang nanay mo ay hindi inosente! Kayo mismo ang puno’t dulo ng lahat ng ito!"Hindi na napigilan pa ni Rana ang kanyang emosyon.Her madness is driving her crazy.Ramdam na ramdam niya ang bawat himaymay ng hinanakit. Pakiramdam niya ay siya ang nanay ni Vern at ang nanay ni Pey ay mismong si Pey. aiba lang ang kanilang mga pagkatao ngunit pareho ang pinagdaanan at sitwasyon.Noong araw, ginamit ng nanay ni Pey ang dahilan ng "tunay na pag-ibig" para pilitin ang ama ni Vern na mangaliwa.Ngayon naman, ginamit ni Pey ang parehong taktika upang agawin si Bryson.At katulad ng ama ni Vern, nagpadala si Bryson sa pang-aakit nito."What a piece of trash!"May part din dito ang kanyang dating asawa.If he didn't let her in to their lives, walang gulo.Walang divorce.Isang matinding galit ang dumaan sa mata ni Pey.Paulit-ulit na siyang pinapahiya ni Rana ngayong araw. Parang hindi na niya kakayaning magpigil ng totoong nararamdaman.Gusto na niyang sugurin si Rana at gantihan ito.
Marahang inangat ng mga staff sa munispyo si Pey. May wheelchair na dala ang mga ito.Nasaktuhan sila ng isang maintenance at tumawag ng iba pang tulong para sa kalagayan ni Pey.Pawis na pawis na ito at basang-basa na ang mukha sa pinaghalong luha, pawis at sipon.Hindi niya mapunasan ang sarili dahil mukhang nabalian din siya ng kamay dahil sa pagkakatukod upang hindi siya dumiretso sa mas ibabang parte pa ng hagdan."May bimpo ba kayo dyan o kahit anong pamunas?" tanong niya sa mga tumutulong sa kanya.Hiyang-hiya na siya sa kanyang itsura.Paniguradong sabog sabog na rin ang make-up niya.Nagtinginan ang mga staff."Wala po ma'am eh.""Bakit wala? Diba dapat meron kayo?" medyo napataas ang kanyang boses.Lumapit ang utility man na nakakita sa kanila."Ito mam. Pamunas." sabay lahad nito sa nanggigitata na kulay dilaw na bimpo.Nangingitim na ito at medyo basa pa."Tonto! Eh kung sa mukha mo 'yan ipunas ko?" angil niya sa binata.Nagkamot sa batok ang lalaki."Hindi niyo naman ho s
Ngayon hindi na maglalakas-loob si Pey na guluhin si Rana.Ang babaeng ito ay tila nawawala na sa ulirat.Dati pinipigilan pa niya ang kanyang ugali dahil kay Bryson pero ngayong hiwalay na sila, tuluyan na siyang naging malaya.Matapos matalo nang ilang beses sa kamay ni Rana, napagtanto ni Pey na masyado niyang minamaliit ito noon kaya siya natatalo ngayon.Pero sa kabilang banda, hiwalay na nga sina Bryson at Rana.Isang babaeng itinakwil ng pamilya Deogracia. Kaya kahit pa gaano siya kakinang sa ngayon hanggang kailan siya mananatiling matagumpay?Ang mas mahalagang bagay ngayon para kay Pey ay samantalahin ang pagkakataon habang single na muli si Bryson.Ito na ang pagkakataong hinihintay niya.Kailangan niyang gawin ang lahat para mapalapit dito at baka sakaling pakasalan siya nito at matupad na ang mga pangarap niya."Oo Bry, susundin ko ang lahat ng gusto mo," malambing na sagot niya sa lalaki.Sumagot naman si Bryson at inihatid siya sa ospital upang magpatingin.Nang lumabas
"Bry, masamang balita. May problema sa proyekto ng kumpanya!" balita sa kanya ng sekretarya.Mabilis na bumalik sa katinuan si Bryson at seryosong sinabi."Hintayin mo ako, paparating na ako."Ibinalik niya ang cellphone at pinaandar ang sasakyan papunta sa Orion, ang kanilang kumpanya.Nang makita niyang palayo na ang sasakyan, saka lang nag-abala si Bryenne na alisin ang tingin mula sa bintana kung saan siya pasimpleng sumisilip."Umalis na ang kuya ko."Pabagsak siyang umupo sa sofa at basta na lang kumuha ng mansanas para kagatin.Napansin ni Pey ang kanyang bastos na kilos at lumitaw ang bahagyang pag-aalipusta sa kanyang mga mata."That's my fruits." plastik na ngiti pa ang iginawad nito kay Bryenne.Bryenne also smiled saracastically at her."It's my kuya's money naman."Hilaw na namang napangiti si Pey sa sinabi nito.Sa totoo lang sa pamilya Deogracia, bukod kay Bryson, wala siyang nakikitang matinong tao.Ang mga matatandang Deogracia ay mga mabababaw na tao lamang. Purong p
"Paano ko matatanggihan ito?"Masayang ngumiti si Bryenne.Habang sinasabi niyang nahihiya siya ay padaklot naman niyang tinanggap ang imbitasyon. Inamoy pa nito ang envelope nang mahawakan.Matagal na niyang narinig ang tungkol sa fashion event na ito.Ayon sa sabi-sabi, lahat ng dadalo rito ay mayaman o sikat na personalidad.Pati na rin ang ilang artista na kasalukuyang nasa kasikatan.Ang pagkakataong makadalo sa event na ito ay isang malaking karangalan at pagkilala.Para kay Bryenne ito ay isang napakagandang pagkakataon upang makahanap ng isang de-kalidad na lalaki.Kung may makilala siyang isa o dalawang batang negosyante o mayamang lalaki at gumamit ng kaunting diskarte, baka sakaling makapag-asawa siya ng isang bilyonaryo.Sa ganitong paraan, hindi na niya kailangang umasa sa perang binibigay ng kanyang kapatid at tiisin ang kanyang ugali.Ngumiti si Pey kay Bryenne.“Ano ka ba, Bryenne, hindi mo na kailangang mahiya sa akin. Isipin mo na lang ito bilang paghingi ko ng pauma
Malamig ang titig ni Rana sa pintuan.Ang kanyang mga braso ay nakahalukipkip. Naghihintay sa taong kanina pa nila hinihintay.Nagsimula at nagsimula nalang sila ay wala pa rin ito kahit naimbitahan naman ito sa email na pinapadala niya sa lahat ng may kaugnayan sa gaganaping meeting."Where is-"Itatanong na sana niya kung nasaan na ito nang tumunog ang pinto sa elevator.Umayos siya ng upo.Alam niyang naririto na ang kanyang hinihintay.Lahat sila ay inabangan ang pagpasok nito.Mr. Damian Esquivel, the head of the cosmetics unit, languidly made his entrance to the conference room.Masaya pa ang disposisyon nito kahit nakatingin na sa kanya ang lahat ng naroon.At sa pagdating niya, hindi man lang niya naisip ang bigat ng sitwasyon.Nakangisi pa habang kinakausap si Rana na parang matagal sobrang lapit nila sa isa't-isa.“Naku, ikaw na ba ito little Rean?" humalakhak pa ito. "Ako ang tiyuhin mo! Noong bata ka pa, buhat-buhat pa kita noon. Ilang taon lang ang lumipas ang laki mo na
Saktong tumunog ang elevator.Lumabas ang tatlong unipormadong mga pulis may kasama din itong isang empleyedo ng kumpanya.Nanatiling malamig ang tingin ni Rana.Humalukipkip siya.“Ako ang tumawag sa kanila.”"Ano?" Napanganga ang lahat sa gulat.Sa wakas ay natauhan ang matandang si Damian at agad na sumugod kay Rana upang saktan siya.“Baliw ka ba? Ako ang tiyuhin mo! Paano mo nagawang ipahuli ako sa pulis? Wala ka bang respeto sa nakatatanda?”Ngunit hindi natinag si Rana.“Meron. Kaya nga binigyan pa kita ng pagkakataong magpaliwanag, hindi ba?"Umalis siya sa upuan at tuluyan na itong hinarap"Anong klaseng tiyuhin ka sa akin? Matagal nang namayapa ang aking mga magulang. Binigyan nila kayo ng kaunting tulong noon, at dahil doon ay naging maganda ang buhay niyo ngayon. Pero hindi pa rin kayo nakuntento! Lahat kayo ay parang mga linta, gusto niyong sipsipin hanggang sa huling patak ang lahat ng pinaghirapan ng aking ama!”“Peste kang bata ka! Wala ka pang alam! Kung hindi dahil s
Matapos makita ni Bryson ang mga likha ni Hara ay labis siyang humanga at naghanap ng paraan upang makipag-ugnayan sa taong ito.Sa pamamagitan ng kanyang masugid na panunuyo dito ay napapayag niya si Hara.Mula noon, naging eksklusibong designer si Hara ng Orion Corporation at sa loob lamang ng tatlong taon ang kanilang fashion at haute couture ay naging tanyag.Kaya naman ang Orion Corp. ay naging isang haligi sa industriya ito.Niligpit ni Rana ang kanyang iilang gamit at tiningnan si Vernon nang may pang-uuyam.“Kaya ano? Naiinggit ka sa suwerte ni Bryson? Kung gano’n, subukan mo rin kayang kontakin 'yang sinasabi niyong Master Hara.”Nanunukso ang ngiti nitong nilapitan si Rana.“Weh? Talaga bang hindi mo kilala 'yon?”Hindi sumagot si Rana."Balita ko pang-vivamax daw ang katawan n'on eh.""Bwisit ka!"Humagalpak sa tawa si Vern.Sa pagkakataong ito ay wala ng kawala ang dalaga.Indirect confirmation na ito."Tapos sobrang ganda daw ng mukha. Parang barbie." hinuhuli nito ang mg
Ranayah Ranqell Esquivel.One name but it has two different fates in it.Si Ranqell ay lumaking parang prinsesa.Habang si Rana naman ay wala ni isang kamag-anak na handang ipagtanggol siya.Si Ranqell ay may kayamanang hindi mabilang.Tinitingala at iniidolo ng lahat.Samantalang si Rana ay isang pinabayaan ng asawa at ng pamilya nitong mayaman.Tanging pagkikipag-lapit sa mga lalaki ang natitirang paraan para siya'y mabuhay.Ngunit kahit ganoon na kahirap ang buhay ni Rana ay hindi pa rin siya matigilan ni Pey.Ramdam na ramdam ni Pey ang banta ni Rana sa kanya.Kung sakaling magkatuluyan sina Rana at Vern, tiyak niyang babalik ito sa pamilya niya upang makipag-agawan sa mana.At kung hindi man sila magkatuluyan, mananatili pa rin ang impluwensiya ni Rana kay Bryson.Isang bagay na tiyak na makakasama kay Pey.Hindi niya kakayanin oras na mangyari iyon.Kaya bago pa man makabawi si Rana ay balak na siyang tuluyang itulak ni Pey sa lusak.Putulin sa ugat at hindi bigyan ng kahit anon
Dalawang araw na lang at kaarawan na ni Rana.Abala na ang mga tagapamahala ng bahay.Ang mayordoma ay hinati na sa kanya-kanyang toka ang mga kasambahay.“Ang iba ay sa dishwashing. Masyado nang marami ang maghahatid ng mga pagkain sa mga guests.”“Pwede po ba akong tumulong sa pag we-waiter?” taas kamay na sabi ng isang dalagita.Tumaas ang kilay ng mayordoma.“Ano ba ang sinabi ko? Hindi ba marami na kako ang maghahatid ng mga pagkain?”Kinagat ng bata ang labi at nanahimik.“Ito ay mahalagang selebrasyon, Marta. Hindi ko kailangan ng pag-aalembong mo sa mga guest.”Napamaang ang dalaga habang kinukurot siya ng ibang kasambahay.“Ay grabe naman eh, manang. Sadyang gusto ko lang hong makita ang magiging disenyo sa labas.”“Osige. Papayagan kitang lumabas. Pero gagawin kitang pigurin doon. Kapag gumalaw ka, ikaw lang ang maglalaba next week.”Nagtawanan ang lahat.Sa bungad ng malawak na entrada ng mansyon ay ang mga tauhan na nagbubuhat ng mga dumating na package.Araw-araw may mga
Punong-puno ang buong mesa ng mga pagkain.Lahat ay mga paborito ni Rana.Busog na busog siya.Nakaupo sa harap ng mesa habang hinihimas ang tiyan at tulala.Nang makita siya ng matandang tagapamahala sa gano’ng ayos ay natuwa ito.Nilapitan niya ang dalaga habang nagpupunas pa ng mga kamay.“Ang sobrang kabusugan ay mabigat din sa katawan. Kukuha ako ng gamot pampatunaw para sa iyo, hija.”Nangingiting humarap si Rana sa kanya.“Lolo butler, iininom ko lang ang mga iyon noong bata pa po ako.”Ngunit masaya pa rin ang matanda. “Bata ka pa rin naman ngayon.”Napanguso si Rana.Sa isip niya ay hindi na siya bata.Nakapag-asawa at nakipaghiwalay na nga siya.Hindi na siya ang batang Rana noon.Pero sa paningin ng mga nakatatanda ay baka habambuhay siyang bata.Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag may nag-aalaga.Hindi na siya nagreklamo at ngumiti nalang nang matamis.“Lolo butler, ang bait-bait mo talaga. Sana hindi ka pa kunin ni Lord.”Kumurap-kurap pa ang dalaga habang nakatingala sa
“Tama ang sinabi ni Young Master. Masyado kasi akong nadala ng aking pagka-miss sa iyo, hija. Pasensya na.”“Naku, ‘wag na po kayong mag-pasensya, ‘tay. Tayo-tayo lang naman ito.”Dahil maaga silang naulila, si Ruan ang kailangang humawak ng buong kumpanya ng kanilang pamilya.Palagi itong abala sa trabaho kaya naman hindi na nito masyadong natutukan ang kapatid.Kaya naman ang kanilang butler nalang ang kusang nagpalaki kay Rana.Kahit hindi naman ito inutusan o pinakiusapan ni Ruan.Taos-puso nitong itinuring na apo ang magkapatid, lalo na ang babae.At para kay Rana ang lolo butler niya ay halos kapantay na ng kanyang tunay na lolo.Kaya rin wala siyang masyadong pakialam sa mga pormalidad kapag kasama ito.They never treated him as their employee.He is their second ‘tatay’.Sa pagkakataong ito, masaya niyang inakbayan si lolo butler habang hawak din ang kamay ng kanyang kuya.Masayang-masaya siyang pumasok ng mansion.Nakangiti rin si Ruan habang pinagmamasdan ang kapatid.Nahaha
Pagkatapos ipadala ni Rana ang litrato ay tuluyan nang hindi sumagot si Bryson.Labis na nasiyahan si Rana sa naging resulta.Hindi na siya muling nakipag-ugnayan.Agad na rin niyang ibinlock ang dump account na ginamit niya.Pagkatapos nito, lumipat siya sa account para sa kanyang businees.Kinausap rin niya ang customer service upang tanungin ang tungkol sa proseso ng beripikasyon.Mabilis niyang nakalimutan ang tungkol kay Bryson.Ni hindi na sumagi sa isip na sa mga sandaling iyon ay labis itong nasasaktan dahil sa litratong ipinadala niya.Hindi nagtagal, lumabas si Vern mula sa banyo na nakabathrobe at kasama ang kanyang assistant.“Pasensya na at natagalan.”Basa pa ang kanyang buhok at nakabagsak ang bangs nito sa kanyang noon.Napangiti si Rana nang makita iyon.Lalo pang nagpabagay sa binata.Nagmukha itong malambot at banayad ang pagkatao.Hindi napigilan ni Rana na titigan siya ng matagal at agad naman siyang nahuli ng lalaki.Ngumiti si Vern gamit ang kanyang mapang-akit
Matapos makipag-usap kay Pey ay napabuntong-hininga si Bryson.Nakakapagod makipag-usap sa babae.Tila wala nalang itong ginawa kundi ang magpaawa. Hindi siya naniniwalang taos-puso ang paghingi ng tawad ni Pey at lalong hindi siya kumbinsido na alam nito kung bakit talaga siya galit.Kaya’t ang tanging posibleng dahilan ay isa itong tahimik at tusong pagnunubok lang mula kay Pey.Inaantay siyang magsalita para makakuha nang impormasyon.Noon, hindi niya namalayang ganito pala kalalim ang katusuhan ng babae.Tiningnan niyang muli ang mensahe ni Pey sa kanya.Sa ilang salita lamang, naipasa na nito ang sisi sa kanyang kapatid.Habang pinalalabas ang sarili na inosente.Nakakalungkot lang, dahil si Bryenne ay naniniwala pa ring kakampi niya si Pey.Lalong luminaw sa isipan ni Bryson ang mga bagay na noon ay hindi niya gaanong pinag-iisipan at pinapansin.Ngayon, malinaw na kailangan na niyang masusing suriin ang tagapagligtas ng kanyang kapatid na babae.Kung talagang tagapagligtas nga
“Bry, huwag ka na sanang magalit sa amin ni Bryenne. Sa pagkakataong ito, talagang alam na namin ang aming pagkakamali. Pakiusap, bigyan mo pa kami ng isa pang pagkakataon. Pangako, babaguhin na talaga namin ang lahat!”Kagat-labing isinend iyon ni Pey kay Bryson.Hindi malinaw ang pagkakalahad ng mga salita dahil hindi niya rin naman alam ang eksaktong problema.Pero ang tono ng paghingi ng tawad ay talagang ginawa niyang totoo at maayos.Sa paningin ni Pey ay kontento na siya sa kanyang sinabi.At tama nga siya, dahil makalipas lamang ang ilang minuto ay nag-reply na agad ang lalaki.Kahit paano ay hindi pa rin talaga siya nito matiis.Napangiti siya ng maliit. Animo’y kinilig pa."Talaga bang alam niyo na ang pagkakamali niyo?"Nang mabasa ito ni Pey ay agad niyang naunawaan na si Bryenne talaga ang may kasalanan.Kung bakit ganoon ang pakikitungo sa kanila ni Bryson.Mula sa tono ng mensahe ng lalaki ay masasabi niyang si Bryenne ang punong may sala.At siya ay damay-sibilyan lang
Pagkalabas mula sa ospital ay hindi na pinayagan ni Rana si Vern na magmaneho.Siya mismo ang umupo sa driver's seat at ligtas na inihatid ang lalaki pauwi sa tinutuluyan nitong apartment."Sige na. Maligo ka muna tapos magpahinga nang maayos. Tigilan mo muna ang paglalabas-labas at pakikipaglandian." paalala pa ng dalaga rito.Sabay hatak sa gear, senyales na patatakbuhin na niyang muli ang sasakyan.Pero pinigilan siya ni Vern. Malaki ang ngisi sa mukha."Gusto ko rin maligo. Pero hindi pwedeng mabasa ang mga sugat ko. Paano ako maliligo niyan?"Tumaas ang kilay ni Rana."Edi ‘wag mong basain?”“Paano naman ‘yon?”Kinamot ni Rana ang ulo. “Eh ‘wag ka nalang maligo. Kakainis ‘to.”“Eh lagkit na lagkit na ako sa sarili ko.”“Ibalot mo nalang sa clip wrap. Di mo ba alam ‘yon?”"Hindi ko alam. Tsaka may sugat ako sa likod. Hindi ko maabot mag-isa para lagyan ng gamot. Pwede mo ba akong tulungan?" Walang bahid ng pag-aalinlangan si Vern habang sinasabi ito.Nasayangan siya sa araw na it
Sinubukang mag-inarte ni Vern kay Rana.Pero agad siyang nabuko ng babae. “Kanina nung nagmamaneho ka papunta rito, bakit parang hindi ka naman mukhang nasasaktan?”“Dahil tinitiis ko lang.” pairap niyang sagot dito.“Ganun ba? Parang hindi naman halata. Pero kung gusto mong maramdaman talaga ang sakit sa buong katawan. Aba, andito na rin lang tayo sa ospital? Bakit hindi ko na lang tulungan kang matupad ang pangarap mo?”Sabay patunog ng babae sa mga daliri.Maangas pa itong nakatingin kay Vern.Napaigtad si Vern at agad na umurong.“Huwag na, huwag na! Kaya ko pa naman. Ako na lang ang pupunta sa doktor.” panis ang ngiti nito.“Hindi. Mukhang hindi ka pa nakakaramdam ng kahit ano eh. Ang yabang yabang mo kaya kanina. Kamo, hindi mo kailangang pumunta rito at ako pa ang pumilit sa’yo?”Unti-unting naglakad papasok sa loob si Vern.Iniiwasan ang maaaring gawin sa kanya ni Rana.Si Rana ay tinuruan ng kanyang kuya ng kung ano-anong self-defense mula pagkabata.Si Ruan na isang certifi