Matapos makita ni Bryson ang mga likha ni Hara ay labis siyang humanga at naghanap ng paraan upang makipag-ugnayan sa taong ito.Sa pamamagitan ng kanyang masugid na panunuyo dito ay napapayag niya si Hara.Mula noon, naging eksklusibong designer si Hara ng Orion Corporation at sa loob lamang ng tatlong taon ang kanilang fashion at haute couture ay naging tanyag.Kaya naman ang Orion Corp. ay naging isang haligi sa industriya ito.Niligpit ni Rana ang kanyang iilang gamit at tiningnan si Vernon nang may pang-uuyam.“Kaya ano? Naiinggit ka sa suwerte ni Bryson? Kung gano’n, subukan mo rin kayang kontakin 'yang sinasabi niyong Master Hara.”Nanunukso ang ngiti nitong nilapitan si Rana.“Weh? Talaga bang hindi mo kilala 'yon?”Hindi sumagot si Rana."Balita ko pang-vivamax daw ang katawan n'on eh.""Bwisit ka!"Humagalpak sa tawa si Vern.Sa pagkakataong ito ay wala ng kawala ang dalaga.Indirect confirmation na ito."Tapos sobrang ganda daw ng mukha. Parang barbie." hinuhuli nito ang mg
Nang nagawa ni Rana na mai-turn over sa kanya ng maayos ang RR Group nang mag-isa, nagkagulo na rin sa Orion.Mabilis na nagtungo si Bryson mula sa ospital patungo sa kumpanya at pagdating pa lang niya sa pinto, sinalubong siya agad ng kanyang assistant."Ano'ng nangyari?" Mahigpit ang pagkakakunot ng noo ni Bryson.Mabilis siyang sinalubong ng sekretarya.Mabibigat ang kanyang lakad kaya't hinahabol siya nito."Hindi na namin ma-contact si Madam Hara." ang mukha ng assistant na si Froilan ay seryosong seryoso."Paanong siya hindi makontak?""Dapat pipirmahan na niya ngayon ang bagong kontrata ng ating bagong collaboration pero matapos itong ipadala ng business department sa kanya hindi niya ito nilagdaan. Sa halip, nag-iwan siya ng email na nagsasabing hindi na siya makikipag-collab sa atin kailanman. Pagkatapos noon hindi na siya makontak pang muli.""Tinawagan niyo na ba siya?""Oo, tumawag na kami, nagpadala ng email, text, at iba pang paraan ng komunikasyon. Lahat ng posibleng pa
"Moss, I will entrust you to handle the problem about Ms. Hara. Gawin mo ang lahat para makausap siyang muli. Mas nagkaroon kayo ng connection noong nandito pa siya. Kung gusto niya ay ako mismo ang makikipag-usap sa kanya ng personal. I hope that's not a problem to you?"May mga koneksyon din ang pamilya ni Moss, kaya't tamang siya ang mamahala sa bahaging ito.Ginawa ni Moss ang 'OK' na senyas gamit ang kanyang kamay."Walang problema."Tumango si Bryson at pagkatapos ay tumingin kay Froilan."Ikaw na muna ang bahala sa paghahanap ng bagong designer. Ang iba naman ay makipagtulungan sa kanila at kailangan ding makipag-ugnayan sa PR department para sa emergency plan.""Sige po, Boss Bryson." sagot ng iba.Alanganing tumango ang lalaking sekretarya na si Froilan."Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko."Ang paghahanap ng isang talentadong designer na katulad ni Hara ay hindi basta-basta.Kailangan pang makahanap ng may parehong istilo ngunit hindi masasabing panggagaya.Isang napakahira
Sa mga ordinaryong mga araw ay palaging mahirap hagilapin si Rana.Hindi siya dumadalo sa mga piging o nakikihalubilo sa mga kaibigan ni Bryson.Dahil hindi rin naman ito nag-aabalang yayain siya.Hindi niya kailanman inalam kung paano nakikisalamuha si Bryson sa labas.Kahit na kasal na kasi ang lalaki ay parang wala namang pinagkaiba ito sa pagiging buhay binata nito.Hindi si Rana ang priority nito.Moreover, Bryson has a cold personality.Ano pa ang silbi ng pagpapakasal kung kaya naman nito kahit walang kasama na maaari niyang pagsabihan ng kanyang mga hinanakit.Kahit kay Pey na hindi naman gaanong gusto ni Moss ay nagpapakita pa rin ng malasakit kay Bryson kapag ito’y nalalasing.Pero si Rana?Bukod sa pananatili sa bahay at komportableng nagpapakasasa sa pagiging Mrs. Deogracia, ano pa ba ang kaya nitong gawin?Dagdag pa rito, ang mga bagay na ipinost ni Rana online na nagdala ng hindi magandang epekto sa Orion pero sa huli, siya pa ang lumabas na biktima.Napakagaling nitong
Kunot na kunot ang noo ni Bryson sa narinig sa kaibigan.Pakiramdam niya ay hindi naman ganon si Rana.They lived together for three long years. At least he knew some things about her.Hindi siya ang mukha ng taong may masamang intensyon.Pero nang muli niyang pag-isipan sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, tunay ba niyang nakilala si Rana?O baka naman tulad ng sinabi nina Moss, Pey at ng kanyang kapatid ay hindi talaga ganoon si Rana.Ang lahat ay pagpapanggap lamang upang lokohin siya?Sa pag-iisip nito bigla siyang nakaramdam ng kaba at pagkabigo.Agad niyang itinigil ang ginagawa at pinatay ang computer.Bumangon siya mula sa upuan, isinuot ang kanyang coat at nagdesisyong umalis."Bakit? Ang saya ng usapan natin ah. Saan ka pupunta?" tanong ni Moss sa biglaan nitong pagtayo."Uuwi na. Pupunta ako sa ospital."Nakita ni Moss kung paano isinuot ni Bryson ang coat nito na nasa tabi lang, bitbitin ang cellphone at lumabas ng opisina.Napailing na lamang siya nang maiwan siyang
Matapos ibaba ni Pey ang kanyang cellphone, halos mapunit ang dalawang gilid ng kanyang labi sa ginawang pag-ngiti.“Kumusta? Ano ang sabi ng kuya ko?” tanong ni Bryenne na halatang sabik.May bahagyang hiya sa mukha ni Pey, ngunit mas nangingibabaw ang tuwa.“Edi syempre, as usual, pumayag siya. Pupunta siya rito!" malambing nitong sinabi.Humagikhik pa ito."Hindi niya yata ako matiis."“Ayan, kita mo na? Sabi ko na nga ba na iba ang trato niya sa’yo! Kung ako ang nasugatan, baka hindi pa siya agad pumayag na pumunta.” sagot ni Bryenne na may halong pagseselos.Naramdaman ni Pey ang tamis sa kanyang puso.Ngunit nagkunwari siyang mapagkumbaba. Dalang-dala siya mga sinasabi ni Bryenne.“Hindi naman. Ginagawa lang ito ni Bry dahil sa utang na loob niya sa kuya ko.”“Naku, pabebe pa ito. Hindi bumagay sa naka-angat mong paa ha." tawa naman ni Bryenne. Hindi niya mapigilang matawa sa itsura nito.Nawala ang ngisi sa mukha ni Pey ngunit tila hindi iyon napansin ni Bryenne. "Ilang taon
"Wala namang problema. Sigurado akong walang narinig si Kuya kanina." saad niya kay Pey na may nag-aalalang tingin sa kanya.Dahil kung narinig ni Bryson iyon siguradong hindi makakaligtas si Bryenne sa sermon.Kahit may katigasan ang ulo ni Bryenne ay takot pa rin ito sa kanyang nakatatandang kapatid.May bigat pa rin sa kanya ang mga salita nito. Ito ay laging seryoso at hindi madaling makahanap ng tyempo para kausapin.Kung hindi mainit ang ulo nito, ay may mga katawagan naman ito sa cellphone nito.Pareho lang ang turing nito sa kanya at sa mga tauhan sa kumpanya.Tuwing nagkakamali siya, hindi man lang nito iniisip kung mapapahiya siya kahit sa ibang tao. Sinasaway siya nang walang alinlangan at walang sinuman ang makakapigil dito.Simula bata ay ito na ang tumayong magulang sa kanya.Dahil dito, bukod sa kaba na nararamdaman ay bahagya rin siyang napahiya kay Pey kanina.Pinakalma niya ang sarili sa pamamagitan ng pagiging matapang.Taas noo siyang nagpatuloy sa pagsasalita sa
Hindi makapaniwala si Bryenne sa sinabi ng kanyang kuya at nanlaki ang mga mata."Ipinaglalaban lang kita, pero ako pa ngayon ang sinisisi mo! Kung gusto mo talaga ang babaeng ‘yon, bakit mo pa siya hiniwalayan? Ni hindi mo man lang nga siya ginalaw 'diba? Dahil hinahamak mo rin siya? Mababa rin ang tingin mo sa kanya."Sa isang mabilis na galaw ay nasa harap na ni Bryenne si Bryson at walang pag-aatubiling sinampal ito.Umalingawngaw ang tunog ng palad ng lalaki na dumapo sa mukha ng kapatid na babae."This will be the last time I will hear Rana's name in your filthy mouth, Bryenne. Try me." banta nito sa kapatid.Napatakip sa bibig si Pey.Hindi niya inakalang magagawa iyon ni Bryson sa kapatid.Laglag ang pangang nilingon ni Bryenne ang kanyang kuya habang nakahawak sa kanyang pisngi.Nangilid ang luha sa mga mata nito. She can hear some screechy sound in her ears."Sinampal mo ako? S-sinampal mo ako?!" nababaliw itong natawa. "Dahil lang sa isang babaeng walang hiya?""Ititikom mo
Ranayah Ranqell Esquivel.One name but it has two different fates in it.Si Ranqell ay lumaking parang prinsesa.Habang si Rana naman ay wala ni isang kamag-anak na handang ipagtanggol siya.Si Ranqell ay may kayamanang hindi mabilang.Tinitingala at iniidolo ng lahat.Samantalang si Rana ay isang pinabayaan ng asawa at ng pamilya nitong mayaman.Tanging pagkikipag-lapit sa mga lalaki ang natitirang paraan para siya'y mabuhay.Ngunit kahit ganoon na kahirap ang buhay ni Rana ay hindi pa rin siya matigilan ni Pey.Ramdam na ramdam ni Pey ang banta ni Rana sa kanya.Kung sakaling magkatuluyan sina Rana at Vern, tiyak niyang babalik ito sa pamilya niya upang makipag-agawan sa mana.At kung hindi man sila magkatuluyan, mananatili pa rin ang impluwensiya ni Rana kay Bryson.Isang bagay na tiyak na makakasama kay Pey.Hindi niya kakayanin oras na mangyari iyon.Kaya bago pa man makabawi si Rana ay balak na siyang tuluyang itulak ni Pey sa lusak.Putulin sa ugat at hindi bigyan ng kahit anon
Dalawang araw na lang at kaarawan na ni Rana.Abala na ang mga tagapamahala ng bahay.Ang mayordoma ay hinati na sa kanya-kanyang toka ang mga kasambahay.“Ang iba ay sa dishwashing. Masyado nang marami ang maghahatid ng mga pagkain sa mga guests.”“Pwede po ba akong tumulong sa pag we-waiter?” taas kamay na sabi ng isang dalagita.Tumaas ang kilay ng mayordoma.“Ano ba ang sinabi ko? Hindi ba marami na kako ang maghahatid ng mga pagkain?”Kinagat ng bata ang labi at nanahimik.“Ito ay mahalagang selebrasyon, Marta. Hindi ko kailangan ng pag-aalembong mo sa mga guest.”Napamaang ang dalaga habang kinukurot siya ng ibang kasambahay.“Ay grabe naman eh, manang. Sadyang gusto ko lang hong makita ang magiging disenyo sa labas.”“Osige. Papayagan kitang lumabas. Pero gagawin kitang pigurin doon. Kapag gumalaw ka, ikaw lang ang maglalaba next week.”Nagtawanan ang lahat.Sa bungad ng malawak na entrada ng mansyon ay ang mga tauhan na nagbubuhat ng mga dumating na package.Araw-araw may mga
Punong-puno ang buong mesa ng mga pagkain.Lahat ay mga paborito ni Rana.Busog na busog siya.Nakaupo sa harap ng mesa habang hinihimas ang tiyan at tulala.Nang makita siya ng matandang tagapamahala sa gano’ng ayos ay natuwa ito.Nilapitan niya ang dalaga habang nagpupunas pa ng mga kamay.“Ang sobrang kabusugan ay mabigat din sa katawan. Kukuha ako ng gamot pampatunaw para sa iyo, hija.”Nangingiting humarap si Rana sa kanya.“Lolo butler, iininom ko lang ang mga iyon noong bata pa po ako.”Ngunit masaya pa rin ang matanda. “Bata ka pa rin naman ngayon.”Napanguso si Rana.Sa isip niya ay hindi na siya bata.Nakapag-asawa at nakipaghiwalay na nga siya.Hindi na siya ang batang Rana noon.Pero sa paningin ng mga nakatatanda ay baka habambuhay siyang bata.Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag may nag-aalaga.Hindi na siya nagreklamo at ngumiti nalang nang matamis.“Lolo butler, ang bait-bait mo talaga. Sana hindi ka pa kunin ni Lord.”Kumurap-kurap pa ang dalaga habang nakatingala sa
“Tama ang sinabi ni Young Master. Masyado kasi akong nadala ng aking pagka-miss sa iyo, hija. Pasensya na.”“Naku, ‘wag na po kayong mag-pasensya, ‘tay. Tayo-tayo lang naman ito.”Dahil maaga silang naulila, si Ruan ang kailangang humawak ng buong kumpanya ng kanilang pamilya.Palagi itong abala sa trabaho kaya naman hindi na nito masyadong natutukan ang kapatid.Kaya naman ang kanilang butler nalang ang kusang nagpalaki kay Rana.Kahit hindi naman ito inutusan o pinakiusapan ni Ruan.Taos-puso nitong itinuring na apo ang magkapatid, lalo na ang babae.At para kay Rana ang lolo butler niya ay halos kapantay na ng kanyang tunay na lolo.Kaya rin wala siyang masyadong pakialam sa mga pormalidad kapag kasama ito.They never treated him as their employee.He is their second ‘tatay’.Sa pagkakataong ito, masaya niyang inakbayan si lolo butler habang hawak din ang kamay ng kanyang kuya.Masayang-masaya siyang pumasok ng mansion.Nakangiti rin si Ruan habang pinagmamasdan ang kapatid.Nahaha
Pagkatapos ipadala ni Rana ang litrato ay tuluyan nang hindi sumagot si Bryson.Labis na nasiyahan si Rana sa naging resulta.Hindi na siya muling nakipag-ugnayan.Agad na rin niyang ibinlock ang dump account na ginamit niya.Pagkatapos nito, lumipat siya sa account para sa kanyang businees.Kinausap rin niya ang customer service upang tanungin ang tungkol sa proseso ng beripikasyon.Mabilis niyang nakalimutan ang tungkol kay Bryson.Ni hindi na sumagi sa isip na sa mga sandaling iyon ay labis itong nasasaktan dahil sa litratong ipinadala niya.Hindi nagtagal, lumabas si Vern mula sa banyo na nakabathrobe at kasama ang kanyang assistant.“Pasensya na at natagalan.”Basa pa ang kanyang buhok at nakabagsak ang bangs nito sa kanyang noon.Napangiti si Rana nang makita iyon.Lalo pang nagpabagay sa binata.Nagmukha itong malambot at banayad ang pagkatao.Hindi napigilan ni Rana na titigan siya ng matagal at agad naman siyang nahuli ng lalaki.Ngumiti si Vern gamit ang kanyang mapang-akit
Matapos makipag-usap kay Pey ay napabuntong-hininga si Bryson.Nakakapagod makipag-usap sa babae.Tila wala nalang itong ginawa kundi ang magpaawa. Hindi siya naniniwalang taos-puso ang paghingi ng tawad ni Pey at lalong hindi siya kumbinsido na alam nito kung bakit talaga siya galit.Kaya’t ang tanging posibleng dahilan ay isa itong tahimik at tusong pagnunubok lang mula kay Pey.Inaantay siyang magsalita para makakuha nang impormasyon.Noon, hindi niya namalayang ganito pala kalalim ang katusuhan ng babae.Tiningnan niyang muli ang mensahe ni Pey sa kanya.Sa ilang salita lamang, naipasa na nito ang sisi sa kanyang kapatid.Habang pinalalabas ang sarili na inosente.Nakakalungkot lang, dahil si Bryenne ay naniniwala pa ring kakampi niya si Pey.Lalong luminaw sa isipan ni Bryson ang mga bagay na noon ay hindi niya gaanong pinag-iisipan at pinapansin.Ngayon, malinaw na kailangan na niyang masusing suriin ang tagapagligtas ng kanyang kapatid na babae.Kung talagang tagapagligtas nga
“Bry, huwag ka na sanang magalit sa amin ni Bryenne. Sa pagkakataong ito, talagang alam na namin ang aming pagkakamali. Pakiusap, bigyan mo pa kami ng isa pang pagkakataon. Pangako, babaguhin na talaga namin ang lahat!”Kagat-labing isinend iyon ni Pey kay Bryson.Hindi malinaw ang pagkakalahad ng mga salita dahil hindi niya rin naman alam ang eksaktong problema.Pero ang tono ng paghingi ng tawad ay talagang ginawa niyang totoo at maayos.Sa paningin ni Pey ay kontento na siya sa kanyang sinabi.At tama nga siya, dahil makalipas lamang ang ilang minuto ay nag-reply na agad ang lalaki.Kahit paano ay hindi pa rin talaga siya nito matiis.Napangiti siya ng maliit. Animo’y kinilig pa."Talaga bang alam niyo na ang pagkakamali niyo?"Nang mabasa ito ni Pey ay agad niyang naunawaan na si Bryenne talaga ang may kasalanan.Kung bakit ganoon ang pakikitungo sa kanila ni Bryson.Mula sa tono ng mensahe ng lalaki ay masasabi niyang si Bryenne ang punong may sala.At siya ay damay-sibilyan lang
Pagkalabas mula sa ospital ay hindi na pinayagan ni Rana si Vern na magmaneho.Siya mismo ang umupo sa driver's seat at ligtas na inihatid ang lalaki pauwi sa tinutuluyan nitong apartment."Sige na. Maligo ka muna tapos magpahinga nang maayos. Tigilan mo muna ang paglalabas-labas at pakikipaglandian." paalala pa ng dalaga rito.Sabay hatak sa gear, senyales na patatakbuhin na niyang muli ang sasakyan.Pero pinigilan siya ni Vern. Malaki ang ngisi sa mukha."Gusto ko rin maligo. Pero hindi pwedeng mabasa ang mga sugat ko. Paano ako maliligo niyan?"Tumaas ang kilay ni Rana."Edi ‘wag mong basain?”“Paano naman ‘yon?”Kinamot ni Rana ang ulo. “Eh ‘wag ka nalang maligo. Kakainis ‘to.”“Eh lagkit na lagkit na ako sa sarili ko.”“Ibalot mo nalang sa clip wrap. Di mo ba alam ‘yon?”"Hindi ko alam. Tsaka may sugat ako sa likod. Hindi ko maabot mag-isa para lagyan ng gamot. Pwede mo ba akong tulungan?" Walang bahid ng pag-aalinlangan si Vern habang sinasabi ito.Nasayangan siya sa araw na it
Sinubukang mag-inarte ni Vern kay Rana.Pero agad siyang nabuko ng babae. “Kanina nung nagmamaneho ka papunta rito, bakit parang hindi ka naman mukhang nasasaktan?”“Dahil tinitiis ko lang.” pairap niyang sagot dito.“Ganun ba? Parang hindi naman halata. Pero kung gusto mong maramdaman talaga ang sakit sa buong katawan. Aba, andito na rin lang tayo sa ospital? Bakit hindi ko na lang tulungan kang matupad ang pangarap mo?”Sabay patunog ng babae sa mga daliri.Maangas pa itong nakatingin kay Vern.Napaigtad si Vern at agad na umurong.“Huwag na, huwag na! Kaya ko pa naman. Ako na lang ang pupunta sa doktor.” panis ang ngiti nito.“Hindi. Mukhang hindi ka pa nakakaramdam ng kahit ano eh. Ang yabang yabang mo kaya kanina. Kamo, hindi mo kailangang pumunta rito at ako pa ang pumilit sa’yo?”Unti-unting naglakad papasok sa loob si Vern.Iniiwasan ang maaaring gawin sa kanya ni Rana.Si Rana ay tinuruan ng kanyang kuya ng kung ano-anong self-defense mula pagkabata.Si Ruan na isang certifi