แชร์

CHAPTER 24: Not Coming Back

ผู้เขียน: novelYsta
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-03-24 04:59:40

Nang nagawa ni Rana na mai-turn over sa kanya ng maayos ang RR Group nang mag-isa, nagkagulo na rin sa Orion.

Mabilis na nagtungo si Bryson mula sa ospital patungo sa kumpanya at pagdating pa lang niya sa pinto, sinalubong siya agad ng kanyang assistant.

"Ano'ng nangyari?" Mahigpit ang pagkakakunot ng noo ni Bryson.

Mabilis siyang sinalubong ng sekretarya.

Mabibigat ang kanyang lakad kaya't hinahabol siya nito.

"Hindi na namin ma-contact si Madam Hara." ang mukha ng assistant na si Froilan ay seryosong seryoso.

"Paanong siya hindi makontak?"

"Dapat pipirmahan na niya ngayon ang bagong kontrata ng ating bagong collaboration pero matapos itong ipadala ng business department sa kanya hindi niya ito nilagdaan. Sa halip, nag-iwan siya ng email na nagsasabing hindi na siya makikipag-collab sa atin kailanman. Pagkatapos noon hindi na siya makontak pang muli."

"Tinawagan niyo na ba siya?"

"Oo, tumawag na kami, nagpadala ng email, text, at iba pang paraan ng komunikasyon. Lahat ng posibleng pa
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Zirens
Hahaha blee
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 25: Hate

    "Moss, I will entrust you to handle the problem about Ms. Hara. Gawin mo ang lahat para makausap siyang muli. Mas nagkaroon kayo ng connection noong nandito pa siya. Kung gusto niya ay ako mismo ang makikipag-usap sa kanya ng personal. I hope that's not a problem to you?"May mga koneksyon din ang pamilya ni Moss, kaya't tamang siya ang mamahala sa bahaging ito.Ginawa ni Moss ang 'OK' na senyas gamit ang kanyang kamay."Walang problema."Tumango si Bryson at pagkatapos ay tumingin kay Froilan."Ikaw na muna ang bahala sa paghahanap ng bagong designer. Ang iba naman ay makipagtulungan sa kanila at kailangan ding makipag-ugnayan sa PR department para sa emergency plan.""Sige po, Boss Bryson." sagot ng iba.Alanganing tumango ang lalaking sekretarya na si Froilan."Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko."Ang paghahanap ng isang talentadong designer na katulad ni Hara ay hindi basta-basta.Kailangan pang makahanap ng may parehong istilo ngunit hindi masasabing panggagaya.Isang napakahira

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-24
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 26: Fake

    Sa mga ordinaryong mga araw ay palaging mahirap hagilapin si Rana.Hindi siya dumadalo sa mga piging o nakikihalubilo sa mga kaibigan ni Bryson.Dahil hindi rin naman ito nag-aabalang yayain siya.Hindi niya kailanman inalam kung paano nakikisalamuha si Bryson sa labas.Kahit na kasal na kasi ang lalaki ay parang wala namang pinagkaiba ito sa pagiging buhay binata nito.Hindi si Rana ang priority nito.Moreover, Bryson has a cold personality.Ano pa ang silbi ng pagpapakasal kung kaya naman nito kahit walang kasama na maaari niyang pagsabihan ng kanyang mga hinanakit.Kahit kay Pey na hindi naman gaanong gusto ni Moss ay nagpapakita pa rin ng malasakit kay Bryson kapag ito’y nalalasing.Pero si Rana?Bukod sa pananatili sa bahay at komportableng nagpapakasasa sa pagiging Mrs. Deogracia, ano pa ba ang kaya nitong gawin?Dagdag pa rito, ang mga bagay na ipinost ni Rana online na nagdala ng hindi magandang epekto sa Orion pero sa huli, siya pa ang lumabas na biktima.Napakagaling nitong

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-24
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 27: Couple

    Kunot na kunot ang noo ni Bryson sa narinig sa kaibigan.Pakiramdam niya ay hindi naman ganon si Rana.They lived together for three long years. At least he knew some things about her.Hindi siya ang mukha ng taong may masamang intensyon.Pero nang muli niyang pag-isipan sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, tunay ba niyang nakilala si Rana?O baka naman tulad ng sinabi nina Moss, Pey at ng kanyang kapatid ay hindi talaga ganoon si Rana.Ang lahat ay pagpapanggap lamang upang lokohin siya?Sa pag-iisip nito bigla siyang nakaramdam ng kaba at pagkabigo.Agad niyang itinigil ang ginagawa at pinatay ang computer.Bumangon siya mula sa upuan, isinuot ang kanyang coat at nagdesisyong umalis."Bakit? Ang saya ng usapan natin ah. Saan ka pupunta?" tanong ni Moss sa biglaan nitong pagtayo."Uuwi na. Pupunta ako sa ospital."Nakita ni Moss kung paano isinuot ni Bryson ang coat nito na nasa tabi lang, bitbitin ang cellphone at lumabas ng opisina.Napailing na lamang siya nang maiwan siyang

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-24
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 28: Disdain

    Matapos ibaba ni Pey ang kanyang cellphone, halos mapunit ang dalawang gilid ng kanyang labi sa ginawang pag-ngiti.“Kumusta? Ano ang sabi ng kuya ko?” tanong ni Bryenne na halatang sabik.May bahagyang hiya sa mukha ni Pey, ngunit mas nangingibabaw ang tuwa.“Edi syempre, as usual, pumayag siya. Pupunta siya rito!" malambing nitong sinabi.Humagikhik pa ito."Hindi niya yata ako matiis."“Ayan, kita mo na? Sabi ko na nga ba na iba ang trato niya sa’yo! Kung ako ang nasugatan, baka hindi pa siya agad pumayag na pumunta.” sagot ni Bryenne na may halong pagseselos.Naramdaman ni Pey ang tamis sa kanyang puso.Ngunit nagkunwari siyang mapagkumbaba. Dalang-dala siya mga sinasabi ni Bryenne.“Hindi naman. Ginagawa lang ito ni Bry dahil sa utang na loob niya sa kuya ko.”“Naku, pabebe pa ito. Hindi bumagay sa naka-angat mong paa ha." tawa naman ni Bryenne. Hindi niya mapigilang matawa sa itsura nito.Nawala ang ngisi sa mukha ni Pey ngunit tila hindi iyon napansin ni Bryenne. "Ilang taon

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-25
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 29: Gossip

    "Wala namang problema. Sigurado akong walang narinig si Kuya kanina." saad niya kay Pey na may nag-aalalang tingin sa kanya.Dahil kung narinig ni Bryson iyon siguradong hindi makakaligtas si Bryenne sa sermon.Kahit may katigasan ang ulo ni Bryenne ay takot pa rin ito sa kanyang nakatatandang kapatid.May bigat pa rin sa kanya ang mga salita nito. Ito ay laging seryoso at hindi madaling makahanap ng tyempo para kausapin.Kung hindi mainit ang ulo nito, ay may mga katawagan naman ito sa cellphone nito.Pareho lang ang turing nito sa kanya at sa mga tauhan sa kumpanya.Tuwing nagkakamali siya, hindi man lang nito iniisip kung mapapahiya siya kahit sa ibang tao. Sinasaway siya nang walang alinlangan at walang sinuman ang makakapigil dito.Simula bata ay ito na ang tumayong magulang sa kanya.Dahil dito, bukod sa kaba na nararamdaman ay bahagya rin siyang napahiya kay Pey kanina.Pinakalma niya ang sarili sa pamamagitan ng pagiging matapang.Taas noo siyang nagpatuloy sa pagsasalita sa

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-25
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 30: Defend

    Hindi makapaniwala si Bryenne sa sinabi ng kanyang kuya at nanlaki ang mga mata."Ipinaglalaban lang kita, pero ako pa ngayon ang sinisisi mo! Kung gusto mo talaga ang babaeng ‘yon, bakit mo pa siya hiniwalayan? Ni hindi mo man lang nga siya ginalaw 'diba? Dahil hinahamak mo rin siya? Mababa rin ang tingin mo sa kanya."Sa isang mabilis na galaw ay nasa harap na ni Bryenne si Bryson at walang pag-aatubiling sinampal ito.Umalingawngaw ang tunog ng palad ng lalaki na dumapo sa mukha ng kapatid na babae."This will be the last time I will hear Rana's name in your filthy mouth, Bryenne. Try me." banta nito sa kapatid.Napatakip sa bibig si Pey.Hindi niya inakalang magagawa iyon ni Bryson sa kapatid.Laglag ang pangang nilingon ni Bryenne ang kanyang kuya habang nakahawak sa kanyang pisngi.Nangilid ang luha sa mga mata nito. She can hear some screechy sound in her ears."Sinampal mo ako? S-sinampal mo ako?!" nababaliw itong natawa. "Dahil lang sa isang babaeng walang hiya?""Ititikom mo

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-25
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 31: Plan

    “Huwag kang mag-alala, Feia, hindi ko naman siya sasaktan.” ani Bryenne sa tanong ni Pey.Hindi matatahimik si Bryenne kung hindi manlang niya maturuan ng leksyon ang babaeng iyon para hindi na muling makapanggulo sa buhay niya at ng kuya niya.She will make her pay with all the trouble caused.Matagal na niyang gustong makita itong bumagsak.Patuloy nitong sinisira ang kanilang relasyong magkapatid kahit na wala na ito sa kanilang buhay.Kaya nang makita ni Pey ang nagngangalit na mga mata ni Bryenne ay agad siyang nakakita ng opportunidad upang mas umaalab ang galit na iyon.She want to get back to Rana so bad too, but here's Bryenne.She will make her do the work."Kumalma ka muna Bryenne. Galit pa sa iyo ang kuya mo. 'Wag mo nang dagdagan." mahinang sabi ni Pey."Hindi niya naman malalaman."Tumikhim si Pey at naglaro ng kanyang mga daliri tila nag-aalangan pa sa kanyang sasabihin.“Sa totoo lang, alam ko kung nasaan siya ngayon.” dahan-dahan nitong sinabi habang nakatitig kay Bry

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-27
  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 32: Bar

    Nagliwanag ang mga mata ni Rana at mabilis siyang tumakbo papunta sa kanyang kuya Ruan.Masayang niyakap ang malaki at matigas nitong braso.Tumingin si Ruan sa kanyang pinakamamahal na nakababatang kapatid na babae at ang malamig niyang mga mata ay napuno ng lambing at pagmamahal.“I came to pick you up from work. Bago ka lang nakabalik, huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo.”Masayang tumango si Rana at nakaramdam ng init sa kanyang puso.Noong nasa pamilya pa siya ng mga Deogracia, walang sinuman ang nag-aalala kung pagod siya o hindi.Lalong walang nag-aalaga at nag-effort sa kanya ng ganito.Talagang mas masaya siya kapag kasama ang kanyang pamilya.“Kuya, gusto kong pumunta sa bar sandali.”Kumunot ang noo ni Ruan sa request ng kapatid.“Magulo sa bar. Kung gusto mo ng inumin ipapadala ko na lang ang mga paborito mong alak.”Palihim na napanguso si Vern saka bumulong.“Over-protective pala si Young Master.”Hindi niya alam kung paano pero parang nabasa ni Ruan ang kanyang ini

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-27

บทล่าสุด

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 129: Say sorry

    “Hah!”Namumula na ang tenga ni Bryenne sa galit.Sa isip niya ay nagtawag na si Rana ng kakampi dahil hindi na siya nito kaya.Napangisi siya sa sariling imahinasyon.“Sino ka ba ha? Pumapayag kang maging tuta ng babaeng ‘yan? O baka naman pareho kasi kayong social climber?!”“Alam mo Bryenne, sayang ka.” sabi ni Rana.Tumaas ang kilay ni Bryenne ngunit hindi na rin nagsalita.“Apelyido mo lang tanging maipagmamalaki mo. But, the rest of you?”Ni- head to foot ni Rana si Bryenne.Kitang-kita ang pandidiri sa kanyang mukha.“All of it. Are trash.”“Ikaw ang dapat ilagay sa basurahan!”Susugod na sana si Bryenne ngunit mabilis siyang pinigilan ni Pey.Nabitin sa ere ang kanyang kamay.“Ano ba, Bryenne. Stop acting like a kid! My gosh.” muli siyang tumingin sa paligid. “Ang daming nakatingin!”Muli ay natauhan si Bryenne.Nilingon niya ang mga taong nagbubulugan na ngayon.Ang iba ay may hawak pang cellphone.“That’s right. Ipakita mo kung gaano ka kababa, Bryenne. Hayaan mo silang i-re

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 128: Nobody

    Nang makita ni Pey na seryoso si Froilan sa pag-asikaso ng kanyang mga papeles para makalabas ng bansa at pati ang tirahan nila ng kanyang ina sa ibang bansa ay inayos na.Nataranta siya.Nauna na niyang kinausap ang ina nina Bryson at Bryenne.Ngunit, sa kasamaang-palad ay hindi rin mabuti ang ugali ng pamilya Deogarcia.Sa halip ay puro paghingi lang sila ng kung anu-anong bagay sa kanya.Bawat buka ng kanilang bibig ay kailangan may kapalit kang ibibigay sa kanila.Kung hindi niya maibigay ang mga hinihingi ng ginang na Deogarcia, tiyak na ni katiting na tulong ay hindi niya pwedeng asahan.Galit na galit si Pey halos pumutok ang kanyang ngipin sa inis.Ngunit wala na siyang malalapitang iba.Habang siya'y puno ng poot at kaba, bigla niyang nakita sa balita na sinubukan ni Bryson na makipagbalikan kay Rana.Ngunit tinanggihan ito ng huli.Sa sandaling iyon ay parang nalaglag si Pey sa kailaliman ng tubig na puno ng yelo.Nanlamig ang kanyang buong katawan.Ang dami na niyang ginawa

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 127: Rejection

    “Sa madaling salita, isa lamang itong malaking hindi pagkakaunawaan.”Ni hindi alam ni Bryson kung paano ipapaliwanag ang ginawa niya.Kaya't nakaramdam siya ng matinding kawalang pag-asa.Ayaw niyang aminin na sinusundan nga niya ang dalaga.Dahil na rin sa pag-aalala.Gabi na at hindi dapat ito lumalabas ng mag-isa.Ngunit sa puso ni Rana ay malamang halos wala na siyang natitirang magandang imahe.Kaya hindi na rin niya pinilit ipaliwanag ang sarili.At sa pagtrato palang ni Rana sa kanya ngayon ay mukhang wala na rin siyang pakialam.Talagang ayaw na ayaw na siya nito.Hindi na rin nais ni Rana na makipagtalo pa.Kaya't magaan lamang siyang nagsalita.“Bilang tao, dapat may konsiderasyon ka. Huwag basta-bastang magtapon ng basura kung saan-saan.”Wala nang nagawa si Bryson kundi damputin muli ang maliit na kahon at ipasok ito sa kanyang bulsa nang walang emosyon.Nang makita ni Rana na pinulot niya ang kahon ay hindi na siya nag-aksaya pa ng salita.Agad na siyang lumakad palayo.

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 126: Box

    Sandaling natahimik si Froilan.Hindi inasahan na seryoso si Bryson sa pagkakataong ito.Kaya't tumugon na lamang siya.“Naunawaan ko.”“Mm, may iba ka pa bang sasabihin?”“Ah, bukas may isang charity auction. Nabalitaan ni Sir Moss na posibleng dumalo si Master Hara.”Dumilim ang paningin ni Bryson.Dahil sa dalawang bagay.Una ang muling marinig ang pangalan ni Moss.Pangalawa ay dahil nakita niyang bumaba si Vern mula sa itaas ng building.Kasunod si Rana na mukhang maghahatid sa kanya.Kaya’t hindi na niya nasundan ang mga sinasabi ni Froilan sa kabilang linya.Basta na lamang siyang sumagot nang hindi ito pinag-iisipan.Hindi na niya hinintay ang sagot ni Froilan at direktang binaba ang tawag.Nakita niyang si Vern ay sumakay na ng kotse at umalis.Paalis na rin sana siya dahil kahit papano’y kumalma na ang kanyang dibdib.Natigilan lang siya sa pagmamaniobra ng sasakyan dahil nakita niyang hindi pa pumasok agad si Rana sa tinutuluyan nito.Nakasuot lamang ito ng tsinelas at papu

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 125: Kryptonite

    Walang sabi-sabi ay kinuha ni Bryson ang kamay ni Rana saka pilit na inilagay ang maliit na kahon sa palad nito.At walang anu-ano’y umalis nalang.Hindi na rin nag-abalang lumingon upang magpaalam.Susugurin pa sana siya ni Vern ngunit pinigilan na siya ni Rana.Titig na titig siya sa kahon na iyon.Hindi niya alam kung bakit mas lumakas pa ang kabog sa kanyang dibdib.Her throat was suddenly blocked by something.Kunot-noong tinitigan din iyon ni Vern.Pinaglaruan niya ang maliit na kahon sa kamay.Pinag-iisipan niya kung bubuksan niya ba o hindi.Vern noticed Rana’s silence.Hindi niya iyon nagustuhan.Tila ba naguguluhan agad ang dalaga sa isang galaw ni Bryson.Kaya naman agad niyang inagaw ang kahon para itapon sana sa labas.Pero mabilis din itong nabawi ni Rana."Ano ka ba?! Sa akin 'yan. Bakit mo itatapon ang gamit ko?"Nabingi si Vern.Halos gusto niyang sugurin si Bryson at suntukin.“Nakakainis. Ano na naman kaya ang plano ng lalaking iyon?” sa kanyang isip."Siguradong ma

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 124: Couple PJ’s

    Paglabas nila ng ospital, si Rana at Vern ay dumiretso sa RR Group.Halatang hindi maayos ang estado ni Vern.Nakatitig lang siya sa hawak niyang kwintas at matagal na hindi nagsalita.Alam ni Rana na iniisip niya ang kanyang ina.Maaaring nasabi niya ang lahat ng masasakit na salita sa mag-ina, ngunit hindi sapat iyon.Sigurado siyang tumagos rin sa puso ni Vern lahat ng sinabi ni Eliza patungkol sa kanyang ina.Kaya hinayaan niya itong lumubog muna sa sarili nitong emosyon.Dahil alam niyang sa kalaunan ay maiintindihan at matatanggap din nito ang lahat.Nang medyo bumuti ang kalagayan ni Vern ay saka lamang siya nagsalita."Sa susunod na araw, may banquet ang Lopez family. Kailangan kong maghanda. Puwede ba kitang imbitahan na maging kasama ko?"Nagulat si Vern.Tinitigan niya si Rana na para bang puzzle pieces.Pero hindi na hinintay ng babae ang sagot niya.Kahit tumanggi pa siya ay kailangan pa ring sumama siya.Kaya mataray na niyang pinindot ang elevator papunta sa design depa

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 123: Get off

    Muli pa sanang ipapatak ni Pey ang kanyang luha.Ngunit nang mag-angat siya ng tingin kay Bryson ay natigilan siya.Hindi niya inasahang matalim ang tingin nito sa kanya.Hindi niya maiwasang matakot.Lalong bumagsak ang damdamin ni Pey.Parang nauuyam pa ito sa kanya.Hindi pa niya kailanman nakita ang ganitong tingin mula kay Bryson.Malamig, walang emosyon at parang nakatingin sa isang bangkay.Siguradong iniisip ni Bryson na niloko sila nina Pey at ng kanyang ina.Sa kanilang mga kwento noon sila ay laging biktima ng pang-aabuso ni Vern.Hindi kailanman sila nakatikim ng awa sa lalaki.Ang naging reaksyon ng kanyang ina kanina dahil sa galit ay malayong-malayo sa mga kasinungalingang sinabi nila noon. Pati ang problema sa kanilang pamilya ay nalaman na nito.Tila nahubaran sila sa harap ni Bryson.Siniwalat ang kanilang baho kung kailan hindi nila iyon napaghandaan.Kaya naman alam na ni Bryson ang kanilang tunay na pagkatao.At ngayon ay nais na silang talikuran.Ayaw na niyang

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 122: Touch Her

    Nang ilabas ang footage ng CCTV ay agad na naunawaan ni Bryson na naloko siya.Hindi si Rana ang nambully sa kanila.Kundi sina Eliza at ang kanyang bodyguard.Hindi na kailangan ni Rana na ipaliwanag ang nangyari.Kahit sino ay makikitang malinaw kung sino talaga ang nang-aapi at nagmamalaki gamit ang koneksyon nila."‘Yan ba ang sinasabi n'yong hinimatay dahil kay Rana? Nagdala kayo ng bodyguard para pilitin sirain ang pintuan ng bahay ng iba. Tapos bawal pang ipagtanggol ang sarili at tumawag ng pulis?"Asik ni Vern.Nag-iinit na ang kanyang mata sa galit.Halos manginig na siya sa inis para sa mag-ina.Kahit kailan ay wala itong ginawanag tama."At dahil tinawagan kayo ng mga pulis, nagkunwari pa kayong hinimatay. Pagkatapos lahat ng sisi ay isinisi kay Rana!”Malamig ang tono ni Bryson habang malamig ding nakatingin kina Eliza at Pey.Hindi na mapakali ang dalawang babae.Hindi na alam kung paano pang lulusutan ang gusot na ito.Wala nang lakas ang mag-ina para magsalita.Nakayuk

  • Divorcing The Forgotten Heiress   CHAPTER 121: CCTV

    “Wala kang karapatang magsalita dito, Rana. Pwedeng tumahimik ka na lang?! Mas lalo mong pinapagulo ang sitwasyon.”Natatakot si Pey na magsabi pa ng hindi kontroladong bagay si Rana, kaya agad niya itong pinigilan.Tumawa si Rana ng may pang-iinsulto.Halos itulak niya si Vern na sa kanyang harapan para lang mas maharap ang mag-ina.“Ginagawa niyo na tapos hindi niyo kayang aminin? Parang ngayon lang. Klarong klaro na ang nanay mo ang unang naghanap ng gulo sa akin. Siya ang pumunta sa lugar ko. Sumubok pang pwersahang pumasok mismo sa bahay ko. Tapos ako pa ang pinapalabas na may kasalanan?”Napayuko si Bryson.Inilagay niya ang nakakuyom na kamao sa kanyang bulsa.Nagtatagis ang kanyang panga dahil sa mga naririnig.At sa nagiging tahimik na response ng ginang.If they are innocent they would react.“Ang mga kasinungalingan niyong mag-ina ay talagang nakakabilib! I-KMJS na ‘yan!”Sinubukan pa ni Rana na magbiro habang nagtatagis ang panga sa galit para sa mag-ina.They never learn

สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status