Maaga siyang pumasok nang araw na iyon dahil importante ang araw na iyon sa Dynasty Agency. Pupunta ang prospect client nila. Alas siyete pa lang ng umaga ay puno na ang studio ng mga hindi bababa sa sampung models na nakasuot ng mga swimsuit.
Kung makuha ng Dynasty ang kilyente na may hawak ng isang malaking kompanya ng sikat na brandy ay sa kanila kukunin ang mga models na ipi-feature ng kompanyang iyon. Kasali sa mga models na andu'n si Venus. Halos lahat ng sinusuot ng babae ay mga sariing designs na nito. Kapag may approval iyon kahit sino man sa mga del Espania ay mismong design niya ang kanyang minu-model. Masaya siya para sa kaibigan.
Tumutulong siya sa paghahanda ng mga isusuot ng mga models. As usual, umiikot na naman si Zara sa lahat at mas lalong nagiging terror ito dahil sa kaba nilang lahat.
Alas otso raw darating ang mga kliyente at didiretso ang mga ito sa conference room. Dinig niyang si Kyle ang magpi-presenta ng proposals ng Dynast
Pansin niyang mas lalong nagiging busy sina Clyde at Kyle mula nang bumisita ang mga kliyente. Laging sa conference room nagkukulong ang dalawa. Minsan na siyang naghatid ng makakain ng dalawa roon at palagi nang subsob ang mga ulo nito sa trabaho.Kasalukuyan niyang nililigpit ang pinagkainan ng dalawa pagkatapos ng lunch break. Natuwa siya nang si Clyde lang ang andu'n kaya't sinadya niyang bagalan ang kilos para manatili muna doon nang matagal-tagal.Pasimpleng tiningnan niya ang nakaupong lalaki. Nakakunot-noo ito habang may binabasang text sa phone. Nagulat pa sila nang biglang bumukas ang pinto. Nakita nila ang walang kangiti-ngiting si Claire." I thought sasamahan mo akong mamili ng wedding rings natin," walang kaabog-abog na sabi ni Claire na hindi man lang alintana ang presensiya niya.Napatayo si Clyde para salubungin ang babae. Akmang hahalikan sana nito sa pisngi si Claire nang iniwas nito ang mukha sa lalaki." I just need this week,
Kasabay niyang nag-lunch si Venus sa pantry ng kompanya. May baon itong lunch na puro gulay lang naman ang laman. Todo diet raw ang mga ito para sakaling mapili nga sila ng The Finest Corporation ay handa na silang sumabak sa kabilaang photoshoots. Napatitig lang siya sa kinakain nito habang panay naman ang subo niya ng kanin at ulam na binili sa pantry. Hindi niya talaga lubos maisip kung paanong nakakabusog ang mga kinakain ng kaibigan. " Siyanga pala, look at this," may kinuha si Venus sa bag nito saka ibinigay sa kanya. Natigil siya sa pagkain at kinuha ang inabot ng babae. Isa iyong invitation card na may tatak ng logo ng The Finest Corporation. Nanlaki ang mga mata niya nang mabasang isa iyong imbitasyon para sa ikatatlumpung anibersaryo ng kompanya. " Wow! Invited ka?" hindi makapaniwalang tanong niya. Sigurado siyang mapupuno ng mga celebrities at mga sikat na tao ang selebrasyong iyon. " Yep," maikling sagot ng babae na parang
Kanina pa niya tinatawagan ang lola niya pero busy tone lagi. Naghintay pa siya ng isang oras bago niya sinubukang tawagan uli ang abwela. Sa wakas ay may sumagot na nga sa kabilang linya." Hello, La! Sino po pala ang kausap n'yo kanina?" agad na bati niya rito." Naku, tumawag kasi sa akin iyong may-ari ng tinatrabahuan mo. Iyong suki ko dati pa."Napakunot-noo siya. Si Mrs. del Espania ang tinutukoy ng lola niya." Bakit po?" interesadong tanong niya." Nanghihingi uli siya ng payo kung ano ang dapat niyang gawin para raw mapasakanila ang kontrata sa isang malaking kliyente."" A-ano po ang sabi n'yo?" mas lalo siyang hindi mapakali sa pagkakaupo sa kama niya.Matagal na hindi muna sumagot ang lola niya na para bang nag-iisip." Ang sabi ko bigyan niya ako ng dalawang araw para makunsulta ko muna ang bolang kristal ko."Siya naman ang napaisip." Oh, bakit parang atat na atat kang sagutin ko ang tawag mo?
Nakatitig siya sa mukha niya sa salamin. Hinayaan niya lang na nakalugay ang hanggang kili-kili niya na lang na kulot na buhok. Hindi niya iyon itatali. Naglagay lang siya ng parang cream sa buhok para huwag iyong bumuhaghag. May suot siyang hikaw na malaki na hugis puso. Suot niya pa rin ang malaking salamin sa mata.Okay naman ang make-up niya... Yata.Sa tingin niya ay okay naman iyon. Tamang-tama lang sa okasyon ng gabing iyon. Kulay orange ang suot na lipstick. May binili na rin siyang sapatos na babagay sa suot niya. Maikli lang ang takong ng suot na silver shoes. Iyong rainbow-colored dress niya ay makulay nga masyado. Medyo asiwa pa siya dahil parang hapit na hapit ang design ng damit sa katawan niya. May bitbit siyang purse na pinaglalagyan ng phone at pera niya.Inayos pa niya uli ang kulot na buhok saka tumawag ng taxi na maghahatid sa kanya sa venue ng party ng The Finest Corporation.Pagkababa pa lang niya ng taxi ay marami na siy
Nagulat pa siya nang pinatawag siya sa opisina ni Mrs. del Espania. Hindi pa siya nakapasok doon dahil hindi na naman laging andu'n ang lola ng dalawa. Kumatok pa siya bago pumasok." Come in," boses ni Mrs. del Espania ang narinig niya.Dahan-dahang binuksan niya ang pinto ng opisina nito. Natigilan pa siya sa pagpasok nang makitang nakaupo din sina Clyde at Kyle sa loob ng opisina ng lola ng mga ito. Nakaupo ang dalawa sa munting sofa na andu'n. Ang akala niya ay si Mrs. del Espania lang ang kakausap sa kanya.Parehong nakatingin ang tatlo sa kanya. Napalunok pa muna siya habang nanatiling nakatayo sa may pinto." Good Morning, Tash!" si Kyle ang unang bumati sa kanya.Tumango naman si Clyde bilang pagbati." G-good morning po," bati niya sa tatlo." Good morning din, Natasha. Halika at umupo ka rito sa harap," nakangiting sabi ni Mrs. del Espania na itinuro pa ang upuan sa harap ng mesa nito.Agad na lumapit siya at tumingin
Pinababa siya ni Zara sa ground floor pagkatapos ng pakikipag-usap niya kay Mrs. del Espania. I-assist raw niya ang mga nasa baba. Hindi niya sure kung mga aplikante ba ang mga andu'n pero wala namang ibinigay na detalye pa si Zara. Nagulat na lang siya nang may makita siyang linya ng mga babaeng naka-gown na kamukha ng suot niya nu'ng party tapos naka-pink rubber shoes din ang mga ito. Ano'ng meron? Nagtatakang tanong ng isip niya. Lumapit siya sa mga ito na may pagtataka ang mukha. Nilapitan siya ng guard. " Sila raw po iyong nasa picture na hinahanap ni Sir Kyle," sabi ng guard sa kanya. Seryoso? Napatingin uli siya sa mga ito. Sa tingin niya ay hindi bababa sa sampu ang nasa linya. Isa-isa niyang tiningnan ang mga babaeng nakangiti na parang excited. Mas nagulat pa siya sa isang matabang babae na nasa gitna na halos puputok na ang tela ng gown na suot. Talaga lang? Hindi niya alam kung nakikisakay lang ang mga ito or talagang seryo
Nahihiya pa siya nang pinasundo siya ng driver ni Mrs. del Espania sa boarding house niya. Isang maleta at isang bag lang naman ang mga bitbit niya dahil wala naman siya gaanong gamit na dala at binili mula nang magtrabaho siya sa Maynila. Alas siyete ng gabi iyon ng Sabado. Biyernes pa lang ay nakaimpake na siya. Nalinisan na rin niya ang kwarto niya at nakapagpaalam na sa may-ari ng nirerentahan. Hindi niya naiintindihan ang nararamdaman. Masaya nga siya pero parang kinakabahan na rin. Nasa loob na siya ng kotse at nakatingin sa labas ng bintana. Hindi pa niya ipinaalam sa lola niya na sa bahay nina Clyde na siya maninirahan ng temporary baka kasi hindi siya tatantanan ng sermon ng matanda. Andu'n pa rin naman ang guilt pero lagi niya lang pinapaalala sa sarili na hindi naman panloloko iyon. Paanong hindi naging panloloko iyon?Tanong ng utak niyang ayaw siyang patahimikin ng ilang araw na. Namamangha pa rin siya sa laki ng bahay
Napakurap-kurap pa siya at bigla rin naman napadilat nang tuluyan nang mapansin ang kisame. Bigla siyang napatingin sa paligid. Napakunot-noo pa siya nang makita ang malaking kwarto. Saka lang niya naalala na sa bahay nina Clyde na pala siya nakatira. Napangiti siya habang ipinikit uli ang mga mata at dumilat din naman uli pagkatapos ng ilang segundo. Napatingin siya sa oras. Alas kwatro pa lang ng madaling araw at sanay siyang gumising nang ganoong oras kahit walang pasok. Bumangon siya para umupo muna sa kama at iniunat pa ang dalawang braso. Pahikab na kinuha niya ang salamin sa mata na nasa ibabaw ng mesa sa gilid ng kama at isinuot iyon. Inaantok pa na tumayo siya at pumunta sa banyo na nasa loob ng kwarto. Tiningnan niya muna ang mukha sa salamin. Mukha talaga siyang bruha kapag bagong gising dahil buhaghag na buhaghag ang kulot niyang buhok. Madaliang nag-toothbrush siya at hinayaan na lang muna ang buhok dahil tinatamad pa siyang suklayin iyon. Inayos