Mabilis na pinuntahan niya ang opisina ni Zara pero wala ito doon. Nagtanong-tanong siya sa mga empleyadong nasasalubong sa floor at sinabi ng mga itong nasa third floor si Zara kasama ang mga models at designers dahil may emergency meeting ang mga ito kasama si Mrs. del Espania.
Mas lalo siyang kinabahan nang malamang andu'n din ang lola nina Clyde at Kyle. Alam niyang mabait ang matanda pero masyado itong istrikta pagdating sa trabaho. Nagkukumahog na lumabas siya para pumunta ng third floor.
Nasa third floor ang pinakamalaking room kung saan nagsasama-sama ang mga designers kapag may pinapagawa si Mrs. del Espania. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto doon. Sumilip muna siya at nakita nga niyang nakatayo ang sobra sampung designers at mga models sa loob habang matamang nakikinig kay Mrs. del Espania. Nakita rin niya sa gitna ang boss nila.
Maingat na pumasok siya saka pasandal na tumayo sa dingding habang dahan-dahang lumapit sa mga nakatayo sa gitna.
Araw-araw niyang nakikita si Mrs. del Espania para personal na masuri ang mga gawa ng designers. Gustung-gusto niya naman iyon dahil laging nakabuntot dito ang apo nitong si Clyde. Alam niyang nag-aalala ang lalaki dahil nabalitaan niyang mahigpit na ipinagbabawal ng doktor na mapagod masyado ang lola nito. Nakikita rin niya si Kyle paminsan-minsan pero todo iwas talaga siya sa lalaki dahil alam niyang pagtatawanan pa rin siya nito dahil sa video na na-send niya nang hindi sinasadya rito.Ipinagpasalamat din niya ang presensiya ng pinaka-boss nila dahil hindi masyadong naghahasik ng lagim si Zara. Hindi niya ito naririnig na nambubulyaw kapag nasa paligid si Mrs. del Espania. Umiikot-ikot pa rin siya sa mga designers at models para tanungin kung ano ang mga kailangan nila. Siya rin ang nakatokang mamigay ng mga meryenda ng mga iyon.Nakangiting inabot niya kay Venus ang meryenda nito. Kasalukuyan itong sinusukatan ng isang designer." Thanks, but no. Bawal sa ak
Habang papalapit na ang kaarawan ni Mrs. del Espania ay mas lalong nagiging busy na rin sa office nila. May mga napili ng mga damit na irarampa sa gabi ng event. May mga ginawang munting stage sa loob ng production room kung saan nagsasanay araw-araw sa pagrarampa ang mga models kasama ng mga designers nila.Tuwang-tuwa siya habang nanonood sa mga ito. Lagi rin niyang nakikita si Mrs. del Espania sa office na kasama ang private nurse nito. Alam niyang pinapayagan lang ang matanda ng mga apo nito na pumunta ng office sa kondisyong kasama nito lagi ang nurse.Kasalukuyan siyang tumutulong sa paggawa ng idi-decorate sa bahay ng mga del Espania habang nakapagkit ang mga mata sa models na rumarampa. Namamangha talaga siya kapag nakikitang hindi man lang nahihirapang maglakad ang mga ito kahit masyadong mataas ang mga takong ng sapatos na suot.Nakikita rin niyang rumarampa si Venus sa stage. Napapangiti siya kapag ito na ang naglalakad sa gitna.Ang gali
Bukas na ang birthday ni Mrs. del Espania at wala silang pasok nang araw na iyon para makapaghanda kinabukasan. Uuwi sana siya sa kanila kaya lang ang sabi ng lola niya ay may pupuntahan daw ito nang ilang araw so wala daw ito sa bahay kung uuwi siya. Ayaw naman nitong sabihin kung saan ito pupunta. Makikipagkita lang daw ito sa isang kliyente.Nag-aalala siya dahil never pa naman umaalis ng ilang araw ang lola niya para lang makipagkita sa kliyente. So, tingin nga niya ay buong araw siyang matutulog bukas. May iba kasing naka-assign sa pag-aayos ng mga kakailanganin sa mansiyon ng mga del Espania. Mabuti naman at bayad pa rin naman sila bukas kahit hindi nila kailangang pumunta ng opisina.Alas sais na ng gabi siya nakauwi dahil tinapos lang nila iyong mga idi-decorate sa bahay ni Mrs. del Espania. Hapung-hapo na ibinagsak niya ang katawan sa kama. Napagod siya sa paroo't-parito na mga utos ni Zara kanina.Nakatitig siya sa kisame nang biglang nag-ring an
Kahit alas kwatro ng hapon ang usapan nila ni Venus na pumunta siya sa bahay nito ay nasa labas na siya ng bahay ng babae at pumipindot na ng door bell kahit alas dos pa lang ng hapon. Ipinagbilin na siya nito sa katulong dahil umaga pa lang ay umalis na ito para sa final rehearsal ng mga models.Agad na lumabas ang bata pang katulong at pinapasok na siya nang tanungin ang pangalan niya. Pinapasok siya nito sa loob at pinaupo na muna sa sala. Hapon daw kasi darating doon ang make-up artist na kaibigan ni Venus na siyang mag-aayos sa kanya.Habang patingin-tingin siya sa loob ng bahay ng kaibigang model ay bumalik uli ang katulong sa sala." Maam Natasha, nasa loob daw po ng kwarto ni Maam Venus ang gown. Baka gusto ninyo raw pong tingnan. Samahan ko na kayo doon."Tumahip bigla ang dibdib niya sa sobrang excitement. Tumayo na siya at nginitian ang katulong saka sumunod na rito. Umakyat nga sila sa taas kung saan naroon ang malaking kwarto ni Venus. Nakita
Masyadong maraming sasakyan ang naka-park sa labas. Halos buong subdivision yata ay napuno ng mga kotse. Namamanghang napatingin siya sa mga taong nagsidatingan na may mga suot ding maskara. Ang gaganda rin ng mga suot ng mga nakikita niyang papasok pa lang.Dali-daling nagbayad siya sa taxi at namamanghang napatingin sa maliwanag na maliwanag na harap ng bahay ng mga del Espania. May kanya-kanyang escort ang mga dumating. Siya lang yata ang wala. In fairness, hindi naman pahuhuli ang suot niya.Hawak-hawak niya uli ang gilid ng gown para huwag sumayad sa lupa habang nakangiting sumabay na rin sa pagpasok sa loob.Nakita niya agad ang napakalaking stage sa gitna ng bahay na ipinasadya sa event na iyon. Nagpalinga-linga siya pero wala siyang nakikilala ni isa man dahil sa mga maskarang suot ng mga bisita.Napatingin siya sa harap ng stage at may nakita siyang babaeng nakapameywang habang may kinakausap na babae.Si Zara! Ito lang y
Matagal na napatitig lang siya sa kamay nitong nakalahad sa kanya." Are you here with someone?" medyo inilapit pa ni Kyle ang mukha sa kanya para marinig niya ito.Biglang napatingin siya sa dance floor at nakita niyang papunta si Clyde at Claire sa gitna para sumayaw.Iyon na ang chance niya para makita siya ni Clyde nang malapitan. Agad na bumaling siya kay Kyle at maagap na inabot ang kamay sa lalaki. Umiling lang siya para sagutin ang tanong nito at ngumiti para sabihing pumapayag siyang maisayaw nito. Natatakot kasi siyang magsalita dahil baka makilala nito ang boses niya.Mas lumuwang ang ngiti ng lalaki at hinawakan na nga nang tuluyan ang kamay niya at iginiya siya sa gitna. Napapitlag pa siya nang maramdaman ang dalawang kamay nito sa beywang niya. Nakita niya nang ngumiti ito nang bahagya sa reaksiyon niya.Siyete! Hind pa yata siya makakaligtas sa pagka-playboy nitong si Kyle. Akala siguro nito ang ganda niya sa likod ng mas
Umuwi muna sila sa bahay nito para kunin ang mga gamit niya. Ipinakuha na lang nito sa kasambahay nito ang mga gamit niya at naghintay sila sa labas para hindi na sila bumaba ng kotse. Inalok siya nitong du'n na lang matulog pero magalang na tumanggi siya.Hindi na muna siya pinagbihis ni Venus nu'ng hinatid siya pauwi. Kinukunan siya nito ng pictures sa labas ng boarding house at sa kalye pa talaga. Mabuti na lang at wala nang masyadong naglalakad nang mga oras na iyon dahil pasado alas dose na ng hatinggabi." Bagay na bagay talaga siya sa'yo, Nat. Hindi nga ako nagkamaling sa'yo ipasuot ang gawa ko," nakangiting sabi nito habang panay ang kuha ng larawan sa phone.Nahihiya man nu'ng una ay itinodo na rin niya ang pagpo-project habang kinukunan siya ng larawan ng babae. Ngayon lang siya parang naging maganda sa tingin niya kaya't dapat ibigay na niya ang lahat sa sariling nilang pictorials ni Venus.May mga larawang kinukunan din siya nito sa loob ng ko
Sobra isang oras yata siyang nagbabad sa banyo kinabukasan. Hindi siya tumigil hangga't may naiiwan pa ring kulay ang buhok niya. Mahirap nang magkaroon ng ebidensiya ng kagagahan niya nu'ng isang gabi.Medyo gumaan na ang ulo niya dahil sa ginupit nga ito ni Fenny. Ang dating hanggang puwet niyang buhok ay hanggang kili-kili niya na lang ngayon. Hindi na lang niya pinaalam sa lola niya ang pagpagupit ng buhok.Itinali niya pa rin iyon lahat at wala kahit isang hiblang iniwan kaya't hindi mahahalatang nagpagupit siya ng buhok. Tiningnan niya ang sarili saka inayos ang salamin sa mata. Napatitig siya sa kilay dahil hindi na iyon masyadong makapal saka may korte na rin iyon.Wala pang alas siyete ay umalis na siya para pumunta ng opisina. Ayaw niyang mapagalitan ni Zara. Seven thirty na siya nakarating ng opisina. Dahil masyado pang maaga ay agad na pumunta siya sa cubicle ni Myla. Naging kaibigan na rin niya ang babae. Nagiging routine na niya ang tumambay