Third year College na siya sa kursong Education. Hindi naman talaga iyon ang pinapangarap niyang kurso pero limitado lang ang mga kursong ino-offer sa paaralan sa bayan. Gustuhin man niyang sa Maynila sana magkolehiyo ay wala naman siyang maipantustos sa pag-aaral niya roon.
Nakahiga siya kama niya at nakatitig sa nag-iisang larawan ni Clyde na nakadikit sa dingding niya. Nakita niya kasi ang larawang iyon sa isang magazine nang mapunta siya ng bayan kaya't bumili siya kaagad at ginunting ang mukha nito. Katabi nito sa picture ang kambal nito at ang lola ng dalawa. Siyempre, ang picture lang ng sinisinta niya ang idinikit niya sa kwarto.
Ilang taon nang hindi napupunta ang kambal sa kanila. Hindi naman sa may pakialam siya sa kambal nito pero napapansin niya lang na laging ang lola lang ng mga ito ang dumadayo sa kanila para magpakunsulta pa rin sa lola niya.
Nalulungkot siya dahil miss na miss na niya ang lalaki. Alam niyang tinamaan talaga siya kaya't hindi siya sumusuko kahit matagal na niya itong hindi nakikita. Nakangiting tumayo siya at nilapitan ang picture ng lalaki. Ang gwapo talaga nito.
Sikat pala ang pamilya ng kambal dahil sa Maynila dahil sa modeling agency na pag-aari ng pamilya ng mga ito. Binasa niya ang nasa magazine dahil na-feature ang mag-lola. Nalaman niyang ang lola pala ng dalawa ang nagpalaki sa mga ito dahil parehong namatay sa aksidente ang mga magulang ng kambal nu'ng apat na taon pa lang sila. Naiiyak pa nga siya habang binabasa ang storya ng pamilya del Espania.
Galing pala sa mahirap na pamilya ang lola ng dalawa at nang mapangasawa ang lolo ng kambal na medyo may kaya ay nagsumikap itong mapaunlad ang mga negosyo nila lalo na nu'ng mamatay ang asawa nito. Bilib na bilib siya sa matanda dahil nakaya nitong buhayin ang mga apo at napaunlad din nito lalo ang mga negosyo nila nang mag-isa.
Inaasahan nitong ang mga apo nito na ang magpapatuloy ng pamamalakad kapag nakatapos na ang dalawa sa pag-aaral. Nakita niya sa interview din na nasa magazine ang mga achievements ni Clyde. Napapangiti pa siya lalo.
" Ang galing talaga ng mahal ko," kunyari ay kinukurot pa niya ang pisngi ng lalaking nasa larawan. Mabilis na hinalikan din niya ang picture na kilig na kilig pa.
Tumunog ang cellphone niya kaya't kinuha niya iyon. Binasa niya ang text. Galing iyon sa nag-iisa niyang kaibigan sa bayan na si Shirley. Pinapaalala nito ang lakad nila mamayang gabi sa bayan. May concert daw kasi at dahil bibihira lang namang may mga ganoong kasiyahan sa kanilang lugar kaya't hindi nila palalampasin iyon.
Nakapagpaalam na siya sa lola niya at pinayagan na siya nito. Malaki ang tiwala nito sa kanya lalo't bibihira lang naman talaga siyang lumalabas ng bahay.
Nag-reply siya sa kaibigan. Alas singko ng hapon ang usapan nila dahil alas siyete ng gabi ang concert ng isang banda na galing pa raw ng Maynila. Hindi niya matandaan ang pangalan ng banda dahil hindi naman siya mahilig sa mga ganu'n.
Binuksan niya ang kabinet at napatitig sa mga damit na naroroon. Kabilin-bilinan ni Shirley na huwag iyong damit na hanggang sakong-sakong ang susuotin niya dahil hindi raw iyon bagay doon. Napakunot-noo siya. Wala naman talaga siyang iba pang maisusuot. Naghalungkat pa siya at may nakita siyang maong na pantalon. Hindi pa siya nakapagsuot nang ganu'n pero regalo iyon sa kanya ng Ninang niya nu'ng isang taon pa. May nakita rin siyang blouse na na puti na parang kay Imelda Marcos ang mga manggas. Pwede na siguro iyon. Kibit-balikat na kinuha niya iyon. Maliligo na siya dahil malapit nang mag-alas kwatro ng hapon.
Nakaligo na siya't nakapagbihis at nakatitig lang sa repleksiyon niya sa salamin. High waist kasi ang pantalon tapos naka-insert pa ang blouse na suot niya. Tiningnan niya ang sapatos. Naka rubber shoes siya ng puti rin. Ang buhok niya ay ipinusod niya lahat para walang sagabal. Inayos niya ang malaking salamin sa mata.
Pwede na siguro iyon.
Agad na bumaba siya at nakita niya ang lola niya na nakaupo sa sofa nang pababa na siya ng hagdanan. Nakatingin din ito sa kanya na nakakunot ang noo. Naninibago rin yata sa suot niya.
Nakangiting umikot siya sa harap ng matanda nang nasa harap na siya nito. Alam niyang ayaw nitong nagsusuot siya ng pantalon pero wala naman siyang nakitang disgusto sa mukha ng matanda nang makita ang suot niya.
" Maganda ba, lola?" masayang tanong niya.
Nakita niyang napangiti na rin ito.
" Kahit ano pa'ng suotin mo, apo, magandang-maganda ka pa rin," sagot nito na tinitingnan siya na parang ang ganda-ganda nga niya.
Sanay na siya sa lola niya. Alam naman niya sa sarili nya na wala talaga siyang gandang maipagmamalaki pero dahil sa trato ng lola niya ay pakiramdam na rin niya ay maganda siya kaya kahit paborito siyang i-bully sa school ay wala siyang pakialam sa mga iyon. Hindi siya basta-basta nagsi-self pity dahil sa hitsura niya.
Ngumiti pa siya lalo saka niyakap ang lola niyang nakaupo. Hinalikan niya ito sa pisngi.
" Alis na po ako, la. Baka gabihin ako pero kasama ko naman po si Shirley," paalam niya rito.
" Oh, siya. Mag-ingat kayo lagi. Baka nagbibilang ka na ng nobyo, ha?" sabi nito.
Napatawa siya sa sinabi ng lola niya. Alam niyang nagbibiro lang din ito.
Paano naman siya magbibilang, eh, halos iwasan siya ng mga kaklase sa school mapababae man o lalaki?
Ngumiti lang siya sa matanda bago lumabas ng bahay. Gamit niya uli ang bike niya papuntang bayan. Dumiretso siya sa bahay nina Shirley. Agad na kumaway ito nang makita siya dahil hinihintay na siya nito sa labas ng gate. Huminto siya sa harap ng kaibigan. May salamin din ito sa mata. Nakasuot din ito ng pink na blouse at shorts na hanggang tuhod.
" Wow! Parang principal ang kasama ko, ah!" sabi nito nang mapagmasdan siya.
Tumawa lang siya. Sinamahan siya nito sa loob para maiwan nila ang bike niya sa bahay ng mga ito. Wala ang mga magulang nito dahil may lakad daw kaya't hindi na siya pumasok sa loob.
Masayang nilakad nila ang parke na malapit lang sa bahay ng mga ito. Doon kasi magaganap ang concert. Andaming tao sa paligid. Bumili muna sila ng makakain nila habang gumala-gala. May nakita silang isang mini-bus malapit sa bahay ng Mayor. Iyon daw ang sasakyang gamit ng bandang magko-concert sa lugar nila. Siguro pinatuloy muna ng Mayor sa bahay nila.
Maaga silang bumili ng ticket at pumila kaya't nakapwesto sila sa unahan. Walang mauupuan doon kaya't lahat ng manood ay tatayo lang hanggang sa matapos ang concert. Bago mag-alas siyete ay pinatay na ang ilaw. Ang tanging tabing sa ulunan nila ay isang malaking trapal. Malaki rin naman ang park pero nagsisiksikan pa rin ang mga tao lalo na sa likod dahil halos dinagsa 'ata iyon ng buong populasyon sa lugar nila.
Naghiyawan ang mga tao nang namatay na nga ang ilaw. Hudyat iyon na magsisimula na.
" Good Evening mga Kalipayans. Let's welcome the Kronicklez Band!" narinig nilang sigaw sa gitna ng dilim.
Biglang umilaw ang stage at pumunta sa harap ang limang lalaki na sa tingin niya ay ang mga miyembro na ng banda. Halos mabingi siya sa sigawan ng mga kababaihan.
" Hello, Kalipayanz!" sigaw ng lalaki na nasa gitna na may nakasukbit na gitara. Hindi pa makita ang mukha nito dahil dim lang ang ilaw sa harap. Maganda ang boses nito kahit nagsasalita pa lang.
Sigawan at hiyawan ang sagot ang mga nanonood. Narinig niyang sumisigaw na rin si Shirley sa tabi niya kaya't nakatawang nakikisigaw na rin siya. Biglang tumugtog na ng gitara ang lalaki kaya't natahimik ang lahat.
Ohhhh!
Girl, you are the fire in my eyes. Yeah!
You always make me feel so good.
Nagsimula nang kumanta ang lalaki. Hindi pa niya narinig ang kantang iyon kaya't sigurado niyang sariling kanta ng banda ang pinapatugtog ng mga ito. Maganda ang beat ng kanta kaya't napapasabay na rin siya sa palakpak ng lahat. Itinataas pa nila ang mga kamay habang umiindak.
Buti na lang at pumayag siyang sumama kay Shirley dahil nag-eenjoy siya ng gabing iyon. Patuloy sa pagkanta ang lalaki na masarap sa tenga ang boses. Biglang umilaw na sa stage at nakikita na nila ang mukha ng bawat miyembro nang papatapos na ang kanta.
Girl, you are the one for me! Wooh!
Iyon ang huling pasigaw na kanta ng lalaki na nasa gitna.
Napatigil sa ere ang mga kamay niya nang makita ang mukha nito.
Clyde! Idinilat pa niya lalo ang mga mata para masiguro.
Clyde! Gusto niyang tumalon sa tuwa.
" Whew! Kumusta kayo mga Kalipayanz? Sa ngayon ay pipili po kami ng pwedeng maimbitahan dito sa stage. I think di na ako mahihirapan pa," biglang sabi ng lalaki na itinuro ang kamay sa kanya.
Itinuro ako ni Clyde? Uminit agad ang mukha niya. Nakita niya nang pinagtitinginan siya ng mga tao. Nakilala ba siya ni Clyde? Hindi siya nakakalimutan ng mahal niya? Ayyyieee!
Parang gusto niyang himatayin.
" Yes, Miss, please join us here," biglang sabi nito.
Natulala siya lalo na nakatitig lang sa lalaki na aktong bababa ng stage para sa kanya.
" Hoy! Ibaba mo na nga iyang mga kamay mo at napansin ka na. Grabe! Ang swerte mo!" sigaw ni Shirley sa kanya na hinila pa pababa ang mga kamay niya.
Nang hindi pa rin siya kumikilos ay itinulak siya ng mga tao sa likod.
Nakita niyang bumaba na sa may hagdanan ng stage si Clyde habang nakalahad ang mga kamay at hinihintay siya.
Oh no! Clyde ko!
Mabibilis ang mga hakbang na pumunta siya sa harap.
" Ngee, bakit siya?" narinig pa niyang sabi ng babaeng nasa harap na kuntudo make-up ang mukha.
Pero wala siyang pakialam dahil nakatuon lang ang mga mata niya sa minimithi niya. Nang ganap na maiabot ang kamay sa lalaki ay damang-dama niya ang kuryente sa katawan niya. Mahigpit na hinawakan nito ang kamay niya saka siya iginiya sa gitna ng stage.
" Alright, we have this pretty lady here. Siya ay makakatanggap ng copy ng album namin with our signatures and pictures na rin," tumingin pa ito sa kanya habang sinasabi iyon at kumindat.
Biglang napahawak siya sa dibdib.
Pretty? Ako? Clyde, gusto kong umiyak sa tuwa.
Clyde, bakit mo naman ako binibigla nang ganito...
" Siang, tumabi ka nang mapicturan ko kayo," biglang sabi ni Shirley na umakyat pa sa stage at pumunta sa harap nila.
Ngumiti naman ang lalaki saka siya inakbayan. Hindi niya alam kung gaano karaming pictures ang kinuha ni Shirley dahil parang hindi na siya humihinga sa sobrang excitement. May pictures din siya na kasama ang lahat ng myembro ng banda. Nakisali na rin si Shirley sa last na picture at inutusan pa talaga nito ang drummer ng banda.
Mabilis na bumaba ito habang nakangiti.
" Lady, tonight is your lucky night dahil bibigyan ka namin ng ticket sa concert namin sa Manila. I hope makakapunta ka," nakangiting sabi nito sa kanya na nakaakbay pa rin.
Panay lunok lang ng laway ang nagagawa niya.
" By the way, what's your name?"
" Tas... Natasha," kiming sagot niya.
" NIce name. Do you know my name?" pabirong tanong nito.
Yes, of course! Clyde!
Gusto niyang isigaw.
KYLE!
Bago pa siya nakasagot ay sinigaw na ng mga nanonood ang pangalang iyon.
Kyle? Ang kambal ni Clyde? Bigla siyang napatitig sa mukha nito. Matagal na pinagmamasdan niya iyon. Nakita nga niya ang isang hikaw sa tenga nito. Hindi nagsusuot ng ganu'n si Clyde. Napatingin siya sa pantalon nito sa may tuhod. May butas nga iyon!
Paano'ng hindi niya agad nalaman na hindi ito ang lalaking mahal niya?
Narinig niya nang tumikhim ang lalaki. Hindi niya namamalayan kasi na hindi pa rin niya inaalis ang tingin dito.
" I'm very flattered by the way you stare at me, Natasha, but... I'm already taken," bumulong ito sa tenga niya.
Bigla namang naghiyawan ang mga nanonood dahil akala nila ay kung ano ang ibinulong sa kanya ng lalaki. Nandilat ang mga mata niya rito. Hindi pa rin pala ito nagbabago. Antipatiko pa rin ito! Parang hindi na rin naman siya naaalala ng lalaki dahil matagal na panahon na mula nang huli itong sumama sa lola nito para pumunta sa kanila.
Puputakan niya sana ito kahit sa gitna ng lahat nang maghiyawan uli ang mga tao.
Kiss! Kiss! Kiss!
Tumingin uli ang lalaki sa kanya.
" Well, I guess, this is really your lucky night," sabi nito na gamit na ang mic saka mabilis na hinalikan siya sa pisngi.
Para siyang tuod na nakatayo lang doon. Hindi niya alam kung paano siya nakababa uli. Ibinigay pa muna ng lalaki sa kanya ang napanalunan niya bago siya inihinatid sa baba.
Dumilim na uli ang stage at nagsimula na naman itong kumanta. Nagwawala na naman ang mga tao. Saka lang siya nahimasmasan nang yugyugin ni Shirley ang mga balikat niya.
" Ang swerte mo! Alam mo ba'ng matagal ko nang crush na crush iyang si Kyle! Grabe!" sinisigaw nito iyon para marinig niya.
Ngumiwi lang ang mukha niya.
Wala na nga siyang nagawa kundi hintaying matapos ang concert. Ayaw man niyang aminin sa sarili ay nagugustuhan pa rin naman niya ang pananatili roon habang nakikinig sa boses ng kambal ni Clyde. Ang huling kanta nito ay dini-dedicate raw nito sa isang babae pero wala itong sinabing pangalan. Hindi iyon katulad ng mga naunang kanta nito na upbeat. Tumahimik ang lahat ng kantahin nito iyon. Wala ni isa mang nag-ingay. I don't know What you're doing to me Your sweet smile is what I'd like to see Be with me, g
Nagtapos din siya sa kursong Education sa wakas. Gusto ng lola niyang mag-review siya para maging ganap na teacher pero wala talaga siyang planong magturo. Gusto niyang magtrabaho na agad para makapag-ipon dahil plano pa rin niya talagang pumunta ng Maynila para mapalapit kay Clyde. Hindi pa rin siya sumusuko sa pangarap niya noon na maging Mrs. del Espania kahit hindi na niya nakita pang muli ang lalaki.Madalang na ring pumupunta ang lola ng kambal sa kanila dahil nagiging mas busy na ito sa mas lalong lumalagong modeling agency nito na tinatawag na Dynasty Agency.Lagi niyang nakikita ito sa TV lalo na si Clyde kaya't di pa rin mamatay-matay ang kanyang nararamdaman para sa binata. Nabalitaan din niya ang pumapayagpag na career ng kambal nitong si Kyle. Hindi siya nakapunta sa concert nito kaya't ibinigay niya ang napanalunang ticket sa kaibigang si Shirley. Hindi niya kasi maiwan ang lola niya nang araw na iyon dahil masama ang pakiramdam nito. Medyo nanghihinayang
Nagtataka man ang ninang niya sa biglaan niyang pag-resign ay pumayag na rin ito lalo na nang sabihin niyang magtatrabaho na siya sa Maynila. Nagulat ito pero naging masaya naman para sa kanya.Kinagabihan ay kinausap niya ang lola niya. Katatapos lang nilang kumain nu'n at kasalakuyan silang nakaupo sa sala para manood ng TV. Hanggang alas singko ng hapon lang kasi ito tumatanggap ng customers." La?" panimula niya."Hmmm?" sagot nito na hindi inaalis ang tingin sa TV. Ipinapalabas kasi ang paborito nitong telenobela.Lumunok muna siya bago nagsalitang muli." P-pupunta pala ako sa Maynila ngayong Lunes."" Mamamasyal ba kayo ni Shirley doon?" parang walang anumang tanong ng Lola niya habang nakatingin pa rin sa TV.Mga limang oras din ang biyahe pa-Maynila at nagawa na nila ni Shirley dati ang pumunta ng Maynila para lang maglakwatsa at nakitulog lang sila ng isang gabi sa mga kamag-anak ng kaibigan." Mag-aapply po san
Alas tres pa lang ng madaling araw ay gumising na siya para maghanda. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Limang oras pa kasi ang iba-byahe niya papuntang Manila. Ito ang araw na pinananabikan niya. Bumangon na siya at naligo agad. Hindi niya alintana ang malamig na tubig. Pagkaligo ay nagbihis na siya. Ang isinuot niya ay isang blouse na kulay dilaw na may mahahabang manggas. First time niyang magsuot ng skirt na hanggang tuhod lang. Kadalasan nga kasi sa mga damit niya ay hanggang sakong-sakong. Nagsuot pa siya ng itim na stockings kasi parang asiwa siya na nai-expose ang mga binti niya. Hindi talaga siya sanay. Flat shoes na kulay pula naman ang suot niya. Ang buhok niyang hanggang puwet pa rin ang haba at kulot na kulot pa rin ay itinali niya nang pabilog sa taas para hindi kumalat. Nagmumukha iyong isang malaking bola sa ulo niya.Inayos niya ang makapal at malaking salamin sa mata. Matagal na nakipagtitigan pa siya sa repleksiyon sa salamin." Kaya mo ito, Nat
Mabilis na sinundan niya ito habang bitbit ang kape. Nagkandapaso pa ang kamay niya nang may tumilapon na kape dahil sa pagmamadali niya. Bago pa man naisara ang elevator na sinasakyan ng lalaki ay agad na naiharang niya ang sariling katawan sa pinto. " Oops! Sorry about that," agad na pinindot naman ng lalaki ang button sa elevator para di ito tuluyang sumara pero huli na dahil napapagitnaan pa rin siya ng dalawang papasarang pinto. Dali-dali siyang pumasok habang inaayos ang nakasukbit na bag at hawak pa rin ang kape sa isang kamay. " T-thank you," alanganing ngumiti siya rito nang tuluyang makapasok. Silang dalawa lang ang sakay ng elevator kaya't ambilis ng tibok ng pusok niya. " What floor?" tanong nito. " H-huh?" parang tangang tanong din niya. " Saang floor ka ba pupunta?" tanong nito na nakahanda na ang kamay sa buttons para pumindot. Hindi siya agad nakasagot dahil hindi niya rin alam. Nakita niyang may nakapin
Hindi pa rin maalis-alis ang ngiti niya kahit nang pumasok na siya ng elevator para bumaba. Inubos niya ang laman ng paper cup at pinaghahalikan pa iyon. Wala siyang balak itapon ang baso sa basurahan. Dumaan kaya roon ang mga labi ni Clyde.Hindi niya alam kung ilang beses niyang hinalik-halikan ang paper cup nang biglang bumukas ang pinto ng elevator, nasa ground floor na siya. Sa pagbukas ng pinto nu'n ay tumambad sa kanya ang nagtatakang mukha ng lalaki habang nakatingin sa ginagawa niya. May dalawa pa itong kasama na napatitig din sa kanya. Sakto kasing hinahalikan pa niya ang baso nang bumukas ang pinto ng elevator. Mabilis na inalis niya sa mga labi ang paper cup.Shit! Nakita pa talaga siya ni Clyde na parang lukaret!Wait!Di ba't nasa taas si Clyde? Paano'ng napunta ito sa ground floor? Bumaba ba ito kanina? Saka bakit nakaputing coat ito? Di ba, itim iyong suot nito kanina?Nagtatakang napatitig siya sa lalaking nasa harap niya. Hi
Nakitulog nga siya kinagabihan sa kamag-anak nila at saka umuwi sa kanila kinabukasan. Masayang ibinalita niya sa lola niya na natanggap siya. Masaya ito pero nag-aalala naman dahil first time niyang mapalayo rito. Malungkot din naman siya na mapapalayo sa matanda pero nilakasan niya na lang ang loob niya. Ibinalita niya na rin kay Shirley na natanggap siya sa kompanya ni Clyde. Masaya rin ang kaibigan para sa kanya.Magsisimula na siya sa Lunes. Mabuti na lang at may nakitang pinarerentahan na kwarto na pwede niyang matuluyan ang Ate Joy niya na anak ng kapatid ng lola niya. Masyado kasing malayo ang bahay ng mga ito sa pagtatrabahuan niya.Nahihirapan pa siyang mamili sa ukay-ukay ng mga damit na pwede niyang suotin sa opisina. Alam niyang hindi na pwede ang mga damit niyang hanggang sakong-sakong ang haba. Hindi siya makakakilos ng maayos nu'n if ganu'n ang susuotin niya habang nagtatrabaho. Sinamahan siyang bumili ng lola niya. Ang gusto nito ay sa isang mall
Isang oras na siyang nakatunganga sa phone niya dahil hindi niya pa rin alam kung saan malalaman ang address ng may-ari ng kompanya. Hindi naman iyon binabanggit sa mga interviews nito siyempre. Kanina pa niya kinakamot ang ulo na lalong ikinagulo lamang ng kulot niyang buhok. Kinuha niya ang phone at nagbabakasakaling makita sa g****e ang address ng lola nina Clyde. Siyempre, as expected wala nga sa g****e. Pumunta siya sa f******k at hinanap ang pangalan nito pero tanging page lang ng kompanya ang resulta at ang tungkol sa kompanya nito. Gusto na talaga niyang tawagan uli ang boss niyang si Zara pero baka makatikim lang siya rito ng sermon. Hindi na niya sinearch si Clyde dahil alam niyang hindi niya talaga ito makikita sa kahit anong social media accounts dahil matagal na niyang sinubukan. Si Kyle kaya? Sinubukan niyang hanapin ang pangalan nito pero wala din. May nakita siyang isang profile na ang pangalan ay Kylaire D.E. Napaisip siya. Hindi kay