Share

KABANATA 3

Author: Jewiljen
last update Last Updated: 2021-05-29 23:30:21

Magmula nu'n ay lagi na niyang inaabangan ang pagbisita uli ng lola ng kambal at umaasang kasama nito ang isa sa kambal at iyon ay walang iba kundi si Clyde. Halos hindi na nga siya pumupunta sa bayan tuwing Sabado at Linggo. Lagi ay nasa veranda siya nakaupo nang halos buong araw. Sa tuwina naman ay lagi siyang bigo dahil hindi na muling napadpad sa bahay nila ang mga ito. Mahigit isang buwan na mula nang makita niya ang binatilyo.

Sabado uli nu'n. Inutusan siyang pumunta sa bayan para bumili ng mga kakailanganin nila ng lola niya. Matamlay na sumunod siya sa utos ng matanda. Kapag weekends kasi ay lagi niyang naaalala ang lalaki. Gusto niya kasing umasa na makikita niya itong muli.

Maaga siyang pumunta ng bayan dahil mahaba-haba ang listahang binigay ng lola niya. Mabuti na lang at may malaking basket ang harapan ng bisikleta niya para doon ilalagay ang mga bibilhin. Sobra isang oras din siya sa palengke at halos ang mga pinamili lang naman niya ay ang mga sangkap na ginagamit ng lola niya sa ginagawa nitong ritwal sa ibang customers nito.

Punung-puno na ng pawis ang noo niya nang malapit na siya sa bahay nila. Tirik na tirik kasi ang araw kaya't damang-dama niya ang init habang nagbibisikleta. Tumigil na siya sa isang malaking puno sa harap ng bahay para isandal ang bike du'n nang matigilan.

I don't know

What you're doing to me

Your sweet smile is what

I'd like to see

Be with me, girl

Be my darling babyyyy...

Ang ganda ng boses ng naririnig niyang kumakanta at magaling din itong magpatugtog ng gitara. Agad na napatingin siya sa may veranda nila. Biglang lumaki ang mga mata niya at sumikdo ang d****b nang makita ang likod ng pinanggalingan ng boses.

Ang pinakamamahal niya! 

Kulang na lang ay tumakbo siya palapit dito at hayaan na lang ang bike na matumba kasama ng mga pinamili niya. Huminga muna siya nang malalim para kontrolin ang sarili. Naramdaman niya ang pawis na dumaloy sa gilid ng pisngi niya at saka lang niya naalala ang pagmumukha. Nagpa-panic na itinaas niya ang laylayan ng damit para ipahid sa mukha at leeg.

Nakakahiya namang magpakita sa mukha niyang iyon. Kinuha niya ang salamin sa mata at binugahan ito ng hangin galing sa bibig saka pinunasan ng damit niya at isinuot uli.

Iniwan niya muna ang mga pinamili sa basket ng bike saka nakangiting lumapit nang dahan-dahan sa kumakanta pa ring binata. Inayos-ayos pa niya ang makalat na kulot na buhok. Hindi naaalis ang ngiti sa mga labi niya nang  pumunta siya sa veranda. Tumayo siya sa harap ng binata. Bigla itong tumigil sa pagkanta at napahinto ito sa paggigitara.

Napalis naman agad ang ngiti niya nang makita nang tuluyan ang mukha nito. Pumalit ang simangot sa mukha niya nang makilala ito. Ang kambal pala ng ultimate crush niya ang nasa harapan niya. Nakilala niya ito dahil sa isang hikaw sa tenga nito at butas-butas uli nitong pantalon. Hindi kasi ganu'n manamit ang iniirog niyang si Clyde.

Ito naman ang may malaking ngiti sa mga labi nang makita siya.

" Parang disappointed ka, ah? Pinapasabi pala ni kambal na hindi siya makakapunta kasi busy siya sa projects sa school," nakangiti pa ring sabi nito.

Biglang nawala ang simangot sa mukha niya.

" Talaga?" namimilog ang mga matang tanong niya.

Nauwi sa mahinang tawa ang ngiti nito.

" Joke lang, but hindi naman ako nagsasawa sa pagpapaalala sa kanya tungkol sa babaeng naghihintay sa kanya rito. By the way, maganda ba iyong kanta? I wrote it myself," nakangiting tanong nito habang inaalis na ang gitarang hawak sa kandungan at inilagay iyon sa mesa sa harap.

Ismid lang ang isinagot niya rito. Ayaw niyang lalong lumaki ang ulo ng lalaki kapag sinabi niyang maganda nga ang kantang gawa nito.

Mataman pa nitong pinagmamasdan ang mukha niya na parang pinag-aaralan siya. Gusto niyang mailang pero pilit na nilalabanan niya naman ang tingin ng kinaiinisang lalaki.

" Alam mo... Dapat mo akong tratuhin nang maaayos dahil magiging hipag mo ako in the future," nakataas ang kilay na sabi niya na napahalukipkip pa.

Bumunghalit ito ng tawa habang hindi inaalis ang tingin sa mukha niya. Nananatiling nakatingin lang din siya rito nang hindi ngumingiti. Parang nakakainsulto ang tawa nito pero hinayaan niya lang hanggang sa mapagod ito.

" Bilib talaga ako sa fighting spirit mo. Well, magiging masaya naman ako kapag ikaw nga ang mapapangasawa ng kapatid ko. Nakakatuwa ka kasi," sabi nito nang tumigil na sa pagtawa.

Parang ang saya-saya nga ng mukha ng loko!

" Tasyang!" napalingon siya nang marinig ang boses ng lola mula sa loob ng bahay.

" Hmm... Mrs. Tasyang del Espania, not bad. Mukhang bagay naman ang pangalan mo sa apelyido namin," nangingislap pa sa kapilyuhan ang mga mata nito.

Napatingin uli siya sa lalaki nang magsalita ito. Andu'n pa rin ang nang-aalaskang ngiti nito. Inilapit niya ang mukha rito at tiningnan ito sa mga mata. Nabigla ito sa ginawa niya kaya't hindi ito nakakilos.

" Yes, I will be Mrs. del Espania one day kaya't itaga mo iyan sa bato. Sigurado akong mawawala ang nakakainis mong ngiti kapag parte na ako ng family tree ninyo!" inis na sabi niya saka nagmamadaling tumalikod para pumasok ng bahay at puntahan ang lola.

Napaharap lang din muli nang maalala ang mga pinamili na nasa basket pa ng bike. Patakbong tinungo niya ang bike na nakasandal sa malaking puno. Mabilis na kinuha niya ang mga binili kanina.

Bago pa siya makapasok uli sa bahay nila ay nagsalita pa ang binata.

" I will be the happiest man on earth kapag nangyari iyon," malakas na sabi nito na dinugtungan uli ng malakas na tawa.

Hindi na niya ito nilingon dahil baka mabato niya lang ito ng mga bitbit niya.

Nagmamadaling tinungo niya ang lola niya sa kwarto kung saan ito tumatanggap ng customers. Nakita nga niya roon ang lola ng kambal. Nagbigay galang siya rito at ngumiti naman ang matanda sa kanya. Nagmano na rin siya sa lola niya bago ibinigay ang mga pinabili nito.

" So, sa tingin mo ba dapat kong tanggapin ang pakikipagsosyo sa bagong negosyo na inoffer sa akin?" narinig pa niyang tanong ng matandang babae sa lola niya bago siya lumabas ng kwarto.

" Nakikita kong maganda ang kahihinatnan kung tatanggapin mo ang offer," walang gatol na sagot ng lola niya.

Pagkalabas ng kwarto ay dumiretso na siya sa kusina para makapagluto. Ayaw na niyang makaharap pa ang nakakainis na kambal ng Clyde niya dahil baka tuluyang masira lang ang araw niya.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Eva Deasis de Castro
mgandang babasahin po
goodnovel comment avatar
Maria Angela Gonzales
Favorite ko talaga si Kyle
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 4

    Third year College na siya sa kursong Education. Hindi naman talaga iyon ang pinapangarap niyang kurso pero limitado lang ang mga kursong ino-offer sa paaralan sa bayan. Gustuhin man niyang sa Maynila sana magkolehiyo ay wala naman siyang maipantustos sa pag-aaral niya roon.Nakahiga siya kama niya at nakatitig sa nag-iisang larawan ni Clyde na nakadikit sa dingding niya. Nakita niya kasi ang larawang iyon sa isang magazine nang mapunta siya ng bayan kaya't bumili siya kaagad at ginunting ang mukha nito. Katabi nito sa picture ang kambal nito at ang lola ng dalawa. Siyempre, ang picture lang ng sinisinta niya ang idinikit niya sa kwarto.Ilang taon nang hindi napupunta ang kambal sa kanila. Hindi naman sa may pakialam siya sa kambal nito pero napapansin niya lang na laging ang lola lang ng mga ito ang dumadayo sa kanila para

    Last Updated : 2021-05-29
  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 5

    Wala na nga siyang nagawa kundi hintaying matapos ang concert. Ayaw man niyang aminin sa sarili ay nagugustuhan pa rin naman niya ang pananatili roon habang nakikinig sa boses ng kambal ni Clyde. Ang huling kanta nito ay dini-dedicate raw nito sa isang babae pero wala itong sinabing pangalan. Hindi iyon katulad ng mga naunang kanta nito na upbeat. Tumahimik ang lahat ng kantahin nito iyon. Wala ni isa mang nag-ingay. I don't know What you're doing to me Your sweet smile is what I'd like to see Be with me, g

    Last Updated : 2021-05-29
  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 6

    Nagtapos din siya sa kursong Education sa wakas. Gusto ng lola niyang mag-review siya para maging ganap na teacher pero wala talaga siyang planong magturo. Gusto niyang magtrabaho na agad para makapag-ipon dahil plano pa rin niya talagang pumunta ng Maynila para mapalapit kay Clyde. Hindi pa rin siya sumusuko sa pangarap niya noon na maging Mrs. del Espania kahit hindi na niya nakita pang muli ang lalaki.Madalang na ring pumupunta ang lola ng kambal sa kanila dahil nagiging mas busy na ito sa mas lalong lumalagong modeling agency nito na tinatawag na Dynasty Agency.Lagi niyang nakikita ito sa TV lalo na si Clyde kaya't di pa rin mamatay-matay ang kanyang nararamdaman para sa binata. Nabalitaan din niya ang pumapayagpag na career ng kambal nitong si Kyle. Hindi siya nakapunta sa concert nito kaya't ibinigay niya ang napanalunang ticket sa kaibigang si Shirley. Hindi niya kasi maiwan ang lola niya nang araw na iyon dahil masama ang pakiramdam nito. Medyo nanghihinayang

    Last Updated : 2021-07-08
  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 7

    Nagtataka man ang ninang niya sa biglaan niyang pag-resign ay pumayag na rin ito lalo na nang sabihin niyang magtatrabaho na siya sa Maynila. Nagulat ito pero naging masaya naman para sa kanya.Kinagabihan ay kinausap niya ang lola niya. Katatapos lang nilang kumain nu'n at kasalakuyan silang nakaupo sa sala para manood ng TV. Hanggang alas singko ng hapon lang kasi ito tumatanggap ng customers." La?" panimula niya."Hmmm?" sagot nito na hindi inaalis ang tingin sa TV. Ipinapalabas kasi ang paborito nitong telenobela.Lumunok muna siya bago nagsalitang muli." P-pupunta pala ako sa Maynila ngayong Lunes."" Mamamasyal ba kayo ni Shirley doon?" parang walang anumang tanong ng Lola niya habang nakatingin pa rin sa TV.Mga limang oras din ang biyahe pa-Maynila at nagawa na nila ni Shirley dati ang pumunta ng Maynila para lang maglakwatsa at nakitulog lang sila ng isang gabi sa mga kamag-anak ng kaibigan." Mag-aapply po san

    Last Updated : 2021-07-08
  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 8

    Alas tres pa lang ng madaling araw ay gumising na siya para maghanda. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Limang oras pa kasi ang iba-byahe niya papuntang Manila. Ito ang araw na pinananabikan niya. Bumangon na siya at naligo agad. Hindi niya alintana ang malamig na tubig. Pagkaligo ay nagbihis na siya. Ang isinuot niya ay isang blouse na kulay dilaw na may mahahabang manggas. First time niyang magsuot ng skirt na hanggang tuhod lang. Kadalasan nga kasi sa mga damit niya ay hanggang sakong-sakong. Nagsuot pa siya ng itim na stockings kasi parang asiwa siya na nai-expose ang mga binti niya. Hindi talaga siya sanay. Flat shoes na kulay pula naman ang suot niya. Ang buhok niyang hanggang puwet pa rin ang haba at kulot na kulot pa rin ay itinali niya nang pabilog sa taas para hindi kumalat. Nagmumukha iyong isang malaking bola sa ulo niya.Inayos niya ang makapal at malaking salamin sa mata. Matagal na nakipagtitigan pa siya sa repleksiyon sa salamin." Kaya mo ito, Nat

    Last Updated : 2021-07-08
  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 9

    Mabilis na sinundan niya ito habang bitbit ang kape. Nagkandapaso pa ang kamay niya nang may tumilapon na kape dahil sa pagmamadali niya. Bago pa man naisara ang elevator na sinasakyan ng lalaki ay agad na naiharang niya ang sariling katawan sa pinto. " Oops! Sorry about that," agad na pinindot naman ng lalaki ang button sa elevator para di ito tuluyang sumara pero huli na dahil napapagitnaan pa rin siya ng dalawang papasarang pinto. Dali-dali siyang pumasok habang inaayos ang nakasukbit na bag at hawak pa rin ang kape sa isang kamay. " T-thank you," alanganing ngumiti siya rito nang tuluyang makapasok. Silang dalawa lang ang sakay ng elevator kaya't ambilis ng tibok ng pusok niya. " What floor?" tanong nito. " H-huh?" parang tangang tanong din niya. " Saang floor ka ba pupunta?" tanong nito na nakahanda na ang kamay sa buttons para pumindot. Hindi siya agad nakasagot dahil hindi niya rin alam. Nakita niyang may nakapin

    Last Updated : 2021-07-09
  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 10

    Hindi pa rin maalis-alis ang ngiti niya kahit nang pumasok na siya ng elevator para bumaba. Inubos niya ang laman ng paper cup at pinaghahalikan pa iyon. Wala siyang balak itapon ang baso sa basurahan. Dumaan kaya roon ang mga labi ni Clyde.Hindi niya alam kung ilang beses niyang hinalik-halikan ang paper cup nang biglang bumukas ang pinto ng elevator, nasa ground floor na siya. Sa pagbukas ng pinto nu'n ay tumambad sa kanya ang nagtatakang mukha ng lalaki habang nakatingin sa ginagawa niya. May dalawa pa itong kasama na napatitig din sa kanya. Sakto kasing hinahalikan pa niya ang baso nang bumukas ang pinto ng elevator. Mabilis na inalis niya sa mga labi ang paper cup.Shit! Nakita pa talaga siya ni Clyde na parang lukaret!Wait!Di ba't nasa taas si Clyde? Paano'ng napunta ito sa ground floor? Bumaba ba ito kanina? Saka bakit nakaputing coat ito? Di ba, itim iyong suot nito kanina?Nagtatakang napatitig siya sa lalaking nasa harap niya. Hi

    Last Updated : 2021-07-09
  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 11

    Nakitulog nga siya kinagabihan sa kamag-anak nila at saka umuwi sa kanila kinabukasan. Masayang ibinalita niya sa lola niya na natanggap siya. Masaya ito pero nag-aalala naman dahil first time niyang mapalayo rito. Malungkot din naman siya na mapapalayo sa matanda pero nilakasan niya na lang ang loob niya. Ibinalita niya na rin kay Shirley na natanggap siya sa kompanya ni Clyde. Masaya rin ang kaibigan para sa kanya.Magsisimula na siya sa Lunes. Mabuti na lang at may nakitang pinarerentahan na kwarto na pwede niyang matuluyan ang Ate Joy niya na anak ng kapatid ng lola niya. Masyado kasing malayo ang bahay ng mga ito sa pagtatrabahuan niya.Nahihirapan pa siyang mamili sa ukay-ukay ng mga damit na pwede niyang suotin sa opisina. Alam niyang hindi na pwede ang mga damit niyang hanggang sakong-sakong ang haba. Hindi siya makakakilos ng maayos nu'n if ganu'n ang susuotin niya habang nagtatrabaho. Sinamahan siyang bumili ng lola niya. Ang gusto nito ay sa isang mall

    Last Updated : 2021-07-09

Latest chapter

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   SPECIAL CHAPTER: KYLE'S POV

    HOW IT STARTED Isinandal niya sa dingding sa isang sulok si Tash. Natatawa siya habang nagtataka kung paano'ng dumikit ang isang kamay nito sa bibig. Hindi niya lubos maisip kung bakit dumikit nang ganu'n ang kamay ng babae. Gaano ba kadaming glue ang nasa palad nito? Maingat na pinahid niya ang panyong may oil sa bibig nito habang dahan-dahan ding inalis ang kamay ng babae. Pinahiran niya ang mga labi nito. Napatitig siya nang matagal sa hugis-pusong lips ng babae. Mamula-mula iyon kahit walang bahid ng lipstick. Parang malambot at masarap halikan... Damn you, Kyle. Pati ba naman ang inosenteng assistant ni Zara ay hindi makakawala sa'yo? Para maali

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   FINALE

    Hindi niya akalain na ang araw ng launching ng designs niya para sa wedding fashion show ay siyang magiging pinakamemorableng araw sa buhay nila ni Kyle. Natuloy nga ang event na iyon. Suot niya ang wedding gown na gawa niya mismo at isinuot ng mga napili nila ni Kyle ang mga damit para sa buong wedding entourage. Imbes na pictorial at fashion show lang iyon ng wedding ay naging totoong kasalan na nga ang nangyari. Naglalakad siya sa aisle at hinahatid siya ng Mama niya at ng lola niya habang papalapit sa altar kung saan naghihintay ang hindi mapakaling si Kyle. Kanina pa gustong-gustong umagos ng mga luha niya lalo't parehong umiiyak na ang Mama at lola niya sa tabi niya. Gwapong-gwapo ang lalaki habang hinihintay siya sa altar at katabi nito si Clyde. Ngumiti si Kyle nang ganap na siyang makalapit. Nagmano ito sa lola niya saka niyakap ang matanda. Niyakap na rin nito ang ina niya at parang may sinabi sa dalawa. Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya.

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 119

    Nagising siya nang parang may instrumental na tumutugtog. Paungol na iniunat pa niya ang mga braso pero napangiwi nang sumakit iyon. Biglang dumilat ang mga mata niya nang maalala kung bakit sumakit iyon nang ganu'n. Idinagan pala ni Kyle sa kanya ang buong katawan nito nang padapa itong nahiga sa ibabaw niya. Ibabaw niya! Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala nang ganap ang nangyari sa kanila. Dama pa niya ang parang pagtibok-tibok sa loob ng ari niya. Medyo naging marahas kasi ang ginawang pag-ulos ni Kyle kanina kaya't parang pati sa loob niya ay nabugbog. Nag-init agad ang pisngi niya nang maalala kung gaano kapusok din niyang nilabanan ang bawat diin nito sa kanya. Hindi ba't pinulikat ito pero bakit kung makaulos ito ay parang hindi naman? Biglang nanlaki ang mga mata niya sa naisip. Sinadya ba iyon ni Kyle para mapapunta siya sa kwarto nito? Hindi niya alam kung ano ang dapat maramda

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 118

    Linggo. Si Kyle, ang mga bata at isang yaya lang ang kasama niyang papunta ng resort. Inimbitahan niya ang Mama at lola niya pero ang sabi ay hahayaan muna silang mag-bonding ng sila lang para sa mga anak nila ni Kyle. Umaga pa lang ay bumiyahe na sila. Pagdating doon ay agad na nagtampisaw ang mga anak sa dagat. Sinamahan niya ito dahil mas panatag ang loob niya na andu'n siya at nagbabantay sa mga ito kahit na may yaya namang palaging nakasunod sa mga bata. Si Kyle ay nagpahanda muna ng makakain nila sa mga staff ng resort. Tingin niya ay inarkilahan nito ang buong resort exclusively dahil wala siyang nakikitang ibang tao. Bago magtanghali ay kumain sila sa cottage. Lima lang sila pero parang isang baryo ang kakain sa dami ng mga pagkain sa mesa. Tinawag na rin ni Kyle ang staff ng resort para makisalo sa kanila. Katatapos lang kumain ng mga anak nila ay nag-aya na agad ang mga ito sa dagat. Mabuti na lang at hindi gaanong mainit ang sikat n

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 117

    Umaga pa lang ay busy na ang ina sa paghahanda para sa dinner nila kasama ng pamilya ni Kyle mamaya. Tinulungan ito ng lola niya kahit ano'ng pigil nila sa matanda. Kahit may mga kasambahay naman ang Mama niya ay mas gusto nitong gawin ang halos lahat ng gawain para sa naka-schedule na dinner. Tinutulungan niya rin ang ina dahil parang ayaw nitong tumigil sa kakakilos. Ganu'n siguro ang Mama niya kung sakaling may mamamanhikan nga sa kanya.Hindi niya kasi maiwsang isipin na parang ganu'n ang dating dahil dadalhin ni Kyle ang pamilya nito sa kanila para makausap ang pamilya niya. Hindi naman siguro masama kung mag-ambisyon siya nang ganu'n kahit sa gabi lang na iyon. Ang mga anak niya ay hiniram ni Kyle para huwag makaabala sa kanila. Nag-alok din ito ng tulong pero magalang na tinanggihan ng ina niya. Nang sa wakas ay nakatapos na rin sila ay nagpahinga muna sila saglit para makapaghanda na rin ng sarili nila maya-maya. Dumating ang pamilya ni Kyl

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 116

    Mataman nilang kinausap kagabi ang magkapatid. Mas lamang ang pakikipag-usap ni Kyle sa mga ito habang paulit-ulit na humingi ng sorry dahil hindi nito nasubaybayan ang paglaki ng mga anak. Ang lalaki rin ang nagpaliwanang kung bakit wala ito sa tabi ng mga anak nu'ng mga panahong iyon. Ipinagpasalamat niya sa lalaki na hindi nito pinapalabas na kasalanan niya ang lahat. Hindi kababakasan nang anumang hinanakit ang kambal. Ang tanging nakikita nila ay ang kasiyahang nararamdaman ng mga ito na sa wakas ay may matatawag na rin silang daddy. ------------------------ Huminga siya nang malalim habang napatingala sa malaking bahay ni Mrs. del Espania. Hawak niya sa isang kamay si Piper habang karga naman ni Kyle si Mackenzie. Hindi pa raw ipinaalam ni Kyle sa lola nito ang tungkol sa mga anak nila pati na kay Clyde. Ang alam lang ng mga ito ay may espesyal na panauhin sila. Inilibot niya ang tingin sa loob ng bahay. Bumalik ang lahat ng alaala niya

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 115

    Ipinasyal muna ng lola niya sa bayan ang mga anak nila para bigyan sila ng pagkakataong mag-usap. Wala silang ibang kasama ni Kyle nang mga oras na iyon. Nanatiling nakatutok ang tingin niya sa sahig. Puro buntunghininga ang naririnig niya mula kay Kyle. Hinintay niya lang na magsalita si Kyle bago niya simulan ang pagpapaliwanag. Ilang minuto na rin sila sa loob ng kwarto kung saan tumatanggap ng mga customers ang lola niya dati pero wala pa ring nagsasalita sa kanila. "Why?" Mababang-mababa ang tono ng boses nito nang itanong iyon. Sa isang salitang tanong na iyon ay alam niyang maraming katanungan ang kalakip doon. Siya naman ang napahinga nang malalim. Inangat na niya ang tingin sa mukha ng lalaki. Magkaharap silang nakaupo nito. Para siyang naghihintay ng sistensiya sa malaking kasalanang nagawa niya. "You know why," ang maikling sagot niya. Maraming beses na niyang inulit-ulit sabihin sa utak ang mga bagay na isusumbat niya sa lalaki kun

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 114

    Kanina pa siya palakad-lakad sa loob ng bahay niya. Umuwi siya agad kinahapunan sa pagbabakasakaling ihahatid agad ng Mama niya ang anak. Hindi siya mapakali sa kaalamang kasama ni Kyle ang bata lalo't parang naghihinala na ito.Natatakot naman siyang tawagan ang ina dahil baka si Kyle ang makausap niya dahil kasama ng mga ito ang lalaki. Kapag napapagod siya sa paroo't-paritong paglalakad ay umuupo siya sa sofa pero tumatayo rin agad.Malapit nang dumilim at wala pa rin ang Mama niya at ang anak. Tatawagan na niya sana ito nang makatanggap ng text galing sa ina.IHAHATID NA DIYAN SI MAC.Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Siguro ay ipapahatid na lang ng Mama niya ang apo dahil sa pagod nito. Medyo malayo-layo pa naman ang bahay niya sa bahay nito. Wala itong binanggit na kung ano man tungkol kay Kyle. Natatakot din naman siyang magtanong. Nag-reply lang siya ng pasasalamat dito. Hindi na niya hinabaan ang sagot dahil hindi pa siya ha

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 113

    Hindi na niya maalala kung paano niya sinagot ang mga katanungan ni Kyle nang malaman nitong dalawa na ang anak niya. Ang sinigurado lang niya ay huwag nitong malamang kambal si Mackenzie at Piper. Inaya na niyang umuwi ang anak pagkatapos ng ilang minuto dahil baka mapagtagni-tagni na ni Kyle ang mga impormasyon. Mabuti na lang at hind na ito nagpumilit na maihatid sila sa bahay niya dahil dala niya naman ang sasakyan niya. Pinuntahan siya ng ina kinagabihan. Tinanong siya nito kung ano ang plano niya ngayong nakita na ni Kyle ang isa sa kambal nila. Sinabi niyang magulo pa ang utak niya. Hinayaan siya nito na magdesisyon nang hindi nagmamadali. Ang tanging alam niya nang mga panahong iyon ay ayaw niyang malaman ni Kyle ang tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak. Desidido pa rin kasi siyang bumalik sila ng London at mas mabuting hindi na niya ipapakilala ang mga anak kay Kyle. Ayaw niyang masaktan ang mga anak kapag bumalik na sila ng London. Magmula nang m

DMCA.com Protection Status