Siya si Natasha Policarpio. Ang lola niya ang nagbigay ng pangalan na iyon. Ito lang ang may karapatang bigyan siya ng pangalan dahil basta na lang siyang iniwan ng ina niya pagkatapos siya nitong iluwal. Ang ama niya ang anak ng lola niya pero namatay ito bago pa man siya lumabas sa mundo. Wala na silang balita sa ina niya mula nang iwan siya sa pangangalaga ng matanda.
Kilala ang lola niya bilang manghuhula sa probinsiya nila. Dinadayo rin ito ng mga babaeng may gustong gayumahin dahil ayon sa mga naririnig niyang kwento mula sa parokyano ng lola niya ay napapangasawa naman talaga ng mga babaeng iyon ang mga lalaking ginayuma ng mga ito. Iyon lang ang tanging bumubuhay sa kanilang mag-lola. Minsa ay gusto na niyang tumigil sa pag-aaral para maghanap ng trabaho sa Maynila para matulungan ito. Ang plano pa nga niya ay isama ito kapag makahanap na siya ng trabaho doon. Tigas-tanggi naman ang lola niya. Lagi na ay napapagalitan siya kapag sinasabi niya iyon. Nag-iisang anak lang kasi nito ang ama niya kaya't siya na ang itinuturing nitong anak mula nang isilang siya. Hindi pa naman ganu'n katanda ang lola niya. Nasa mid-fifties pa lang ito at malusog na malusog pa ang pangangatawan. Ni wala pa nga siyang nakikitang puting buhok sa ulo ng lola niya.
Sa susunod na taon ay magkokolehiyo na siya. Pangarap niya sanang magkolehiyo sa Maynila pero alam niyang hindi sapat ang naipon ng lola niya para du'n. Plano niya sanang mag-working student pero sinabi nitong sa bayan na lang siya mag-aaral. Bente minutos lang ang biyahe mula sa kanila papunta ng bayan. Kapag pumupunta siya roon ay nagbibisekleta lamang siya kaya't sunog na sunog ang kulay niya kahit maputi naman talaga siya dati.
Mahilig siyang magbasa ng mga libro dati pa at ang paborito niyang basahin ay ang mga pocketbooks na nirerentahan pa niya sa bayan. Hindi niya iyon pinapakita sa lola niya dahil magagalit iyon. Kaya't madalas ay nagbabasa siya kahit patay ang ilaw sa kwarto para isipin nitong tulog na siya. Nagtatalukbong lamang siya ng kumot at gumagamit ng flashlight habang nagbabasa. Kaya tuloy ay nanlalabo na nang tuluyan ang dalawa niyang mata kaya't kailangan na niyang magsuot ng makapal na salamin.
Kulot na kulot ang buhok niya na hanggang beywang ang haba. Tinatali na lamang niya iyon at pinupulupot sa itaas dahil ayaw na ayaw ng lola niyang pagupitan iyon. Ang sabi nito ay iyon daw ang magdadala ng malas sa kanya. Ito rin ang namimili ng mga damit niya. Ang lahat ng damit niya ay mga blusang katulad na katulad ng sinusuot nito. Hindi rin siya pinapasuot ng shorts at pantalon. Lagi niyang suot ay paldang hanggang sakong-sakong ang haba.
Kahit nasa bahay siya ay ganu'n pa rin ang damit niya. Hirap na hirap siyang mag-bike sa ganu'ng kasuotan kaya't lagi ay nagsusuot siya ng shorts sa ilalim ng palda at kapag nagbibisekleta na ay itinataas na lang niya ang palda at iniipit iyon sa dalawang hita para hindi siya mahirapang mag-pedal.
Siya ang paboritong i-bully ng mga kaklase niya sa school pero hindi siya iyong tipong umiiyak sa sulok. Sa katunayan ay wala siyang pakialam sa mga sinasabi ng mga ito. Kahit kasi hindi siya kagandahan ay malakas ang kumpiyansa niya sa sarili dahil pinalaki siyang ganu'n ng lola niya. Isa pa, lagi niyang naiisip na kung may magugustuhan man siyang lalaki ay andiyan naman ang matanda upang tutulungan siyang gayumahin ang maswerteng lalaking iyon para mapasakanya. Piece of cake kumbaga.
Sabado iyon kaya't wala siyang pasok. Nakaugalian na niyang pumunta ng bayan para magrenta uli ng librong babasahin. Suot niya ang mahabang damit na kulay berde. Hindi na niya itinali ang buhok dahil nagmamadali na siya sa sobrang kasabikan. Tapos na kasi niyang basahin ang hiniram niya nu'ng isang araw sa kaklase. Alam niyang mukhang pugad ng ibon ang buhok niya kapag walang tali pero wala siyang pakialam.
Mabilis ang pagpi-pedal niya. Makipot ang daan na tinatahak niya dahil ang nasa paligid ay ang mga tanim na mais. Minsan ay napupuno pa ng mga dumi ng kalabaw ang daan kaya't iniiwasan niya iyon lagi. Mukha pa namang malalaking chocolate cake ang mga iyon na pinapalibutan ng mga malalaking langaw na colorful ang mga puwet.
Wala rin naman kasing dumadaan doon kundi mga bisikelta rin o kaya naman ay motor na pampasahero. Tingin niya naman ay kanyang-kanya ang daan kaya't binibilisan na niya ang pagsikad. Hirap man dahil hindi naman iyon sementado ay okay lang dahil tuyo naman ang daan. Mas mahirap iyon kapag inulan dahil puro putik talaga ang daanan. Kapag ganu'n na ay hindi talaga siya nakakapunta ng bayan dahil nalilibing lang ang mga gulong ng bisekleta niya.
Nakatutok ang tingin niya sa malaking ebak ng kalabaw na nasa unahan. Siyempre, ayaw niya iyong madaanan kaya't hindi niya inaalis ang tingin doon. Hindi niya napansin ang isang kotseng pasalubong sa kanya. Nang mag-angat siya ng tingin dahil sa busina nito ay bigla siyang nag-panic kaya't gumewang-gewang ang takbo ng bike niya. Nanlaki ang mga mata niya nang matutumba na siya at sa mismong ebak pa ng kalabaw. Hindi na niya naiwasan nang natumba na ang bike at napasubsob ang kalahati ng mukha niya sa dumi ng kalabaw.
Hindi siya agad nakakilos lalo't nanunuot sa ilong niya ang mabahong ebak na kinabagsakan ng mukha niya. Naramdaman na lang niyang may tumulong sa kanyang tumayo.
" Ne, okay ka lang?" tanong ng matandang lalaki na sa tingin niya ay ang nagmamaneho ng kotse.
Tatarayan na sana niya ang driver nang humarap siya rito pero biglang natameme nang makita ang katabi nito na isang binatilyo. Sa tingin niya ay hindi nalalayo ang edad nito sa kanya. Nakatitig ang magagandang mga mata nito sa kanya. Hindi man ito nakangiti ay mala-anghel naman ang mukha nito.
" Here, Miss. I believe you need this," sabi nito na inabot pa ang puting panyong dinukot nito sa bulsa.
Oh my God! Patay na ba siya dahil sa sobrang baho ng ebak? Anghel ba ang nasa harapan niya ngayon? Pwera na lang du'n sa matandang katabi nito.
Napanganga siya habang nakatitig pa rin sa lalaki. Biglang may maingay na langaw na umikot-ikot sa mukha niya.
" Gotcha!" biglang nakatawang sabi ng isang lalaki na kakalapit lang sa kanila.
Masayang-masaya ito nang matamaan ng librong bitbit nito ang malaking langaw na muntik nang pumasok sa nakanganga niyang bunganga. Mabilis na itinikom niya ang bibig baka sakaling mapasukan na talaga nang tuluyan ang bunganga niya.
Namamanghang napatingin na rin siya sa lalaking kakalapit lang. Naduduling na ba siya? Naging dalawa na ang hinahangaang lalaki na nakikita niyang nakatayo sa harap niya at parehong nakakunot-noo ang mga ito na nakatitig din sa kanya.
Ipinilig niya ang ulo.
" Hey, Miss. I think kailangan mo munang punasan ang mukha mo kesa maghi-head bang ka diyan dahil tumatalsik ang dumi na nakadikit diyan sa ..." sabi ng binatilyong kakalapit lang.
Inikot-ikot pa nito ang daliri habang tinuturo ang mukha niya. Biglang napahawak siya sa mukha niya at nahawakan niya tuloy ang malagkit na ebak ng kalabaw.
Ewww! Nakakadiri pala ang pagmumukha niya! Alam niyang umiinit ang mga pisngi niya pero siyempre di makikita ng mga ito ang pamumula nu'n dahil sa nagkalat na ebak sa mukha niya.
" Oops!" ito uli ang nagsalita nang makitang pati kamay niya ay nalagyan na ng dumi.
" Here, gamitin mo," muling alok ng unang binatilyong kumausap sa kanya.
Walang imik na kinuha nga niya ang panyong inabot nito at pinahiran ang mukha.
Saka lang niya napansin na magkaiba pala ang mga damit ng dalawa pati ang hairstyle. Ang unang binatilyo ay naka-stripe polo shirt at slacks na itim at maayos na maayos ang buhok habang ang isa naman na siyang pumalo sa langaw ay rugged na rugged ang dating. Naka-black shirt ito at maong na pantalon na may butas pa sa mga tuhod.
" Pasensiya na, Ineng. Ambilis mo kasi at hindi mo yata narinig agad ang unang busina ko," hinging paumanhin ng matandang driver.
" O-okay lang ho. Kasalanan ko po," saka lang lumabas ang boses niya nang mahimasmasan.
" Did you just hit the fly from the feces using my book?" nakakunot-noong baling ng unang binatilyo sa isa nang mapansin ang hawak na libro nito.
Nakangiting tiningnan din ng binatilyo ang librong hawak.
" Bro, instinct ko na lang kasing paluin iyon kasi parang papasok na sa bibig niya," nakangising sagot nito na tumingin na sa kanya.
Tumaas ang kilay niya sa inis dito. Diyata't kambal ang mga ito pero ibang-iba ang personalidad sa isa't-isa.
" Oh, iyong libro mo," biglang ibinigay nito ang libro sa kapatid.
Napatitig ang pinagbigyan nito sa maliit na ebak na parang dumikit sa harap ng libro. Napangiwi ang mukha ng lalaki at saka itinapon iyon sa tabi.
" I'll just buy another one," sabi nito saka ipinahid ang kamay sa slacks na suot kahit hindi naman nadumihan ang kamay nito.
" Alberto, bakit tayo huminto?" biglang may sumilip na matandang babae sa bintana ng kotse.
" Nagising na lola ni'yo. Tara na't bumalik na kayo sa loob," sabi ng driver sa kambal.
"Neng, nasaan ba ang sa inyo nang maihatid ka muna namin?" baling ng driver sa kanya.
" Huwag na ho. Malapit lang ang sa amin at saka baka mag-amoy ebak pa ang kotse n'yo," tanggi niya na muling tumingin sa unang binatilyong nakita niya kanina.
Alam niyang nangingislap ang mga mata niya habang nakatingin dito. Kahit may mga dumi rin ang suot na salamin ay kitang-kita pa rin niya ang kagwapuhan ng binatilyo.
Lord, I think I'm in love! Sigaw ng isip niya na napapatingala pa sa langit nang nakangiti.
Tumalikod na ang binatilyong hinahangaan pero nagtatakang nakatitig sa kanya ang kambal nito.
" Sa lahat nang humalik sa ebak, ikaw lang iyong mukhang masayang-masaya," umiiling na sabi nito bago tumalikod para bumalik ng kotse.
Tse! Atribido! Inis na sabi ng isip niya sa kakatalikod lang na binatilyo. Hindi siya kumikilos sa kinatatayuan hanggang sa umalis na ang kotse. Nang mawala na ito sa pangingin niya ay nabaling ang tingin niya sa librong nasa di kalayuan.
Oh my! Compatible yata talaga sila dahil mahilig ding magbasa ang crush niya. Oo, crush na crush na niya iyong isa sa kambal.
Pinulot niya ang libro at agad na pinunasan ang konting ebak sa harap nito gamit ang laylayan ng damit saka binuklat iyon. May nakita siyang pangalan sa unang pahina ng libro:
CLYDE JOHNSON DEL ESPANIA
Napangiti siya. Bagay na bagay sa kagwapuhan nito ang pangalan ng binatilyo. Isinara niya uli ang libro at biglang hinalikan iyon nang matigilan. May nalalasahan kasi siyang parang mapait. Dinilaan pa niya ang mga labi para siguraduhin ang lasa. Mapait nga na ewan. Saka lang niya naalala na kakapunas niya lang sa ebak na dumikit sa libro. Isa pa, hindi pa niya naalis lahat ng ebak sa mukha niya at may parte pa ng lips niya ang mayroon nu'n!
Awwwrkkk! Bigla siyang parang naduduwal. Agad na kinuha niya uli ang laylayan ng damit at pinunasan ang buong mukha. Lalo pa siyang parang maduduwal nang tuluyan dahil sa nakakasulasok na amoy nu'n.
Mabilis na pinatayo niya ang natumbang bike habang bitbit pa rin ang libro at ang panyo ng binatilyo na punung-puno ng dumi. Hindi niya maitapon ang panyo kahit kulay itim na may halong berde na iyon dahil pinampunas niya iyon kanina. Lalabhan niya kasi ang panyo at itatago pati na ang librong pag-aari ng crush niya.
Sumakay na uli siya sa bike at walang nagawa kundi umuwi sa bahay nila. Hindi naman siya pwedeng tumuloy sa bayan sa ganu'ng hitsura at amoy!
Habang pauwi ay saka lang niya naisip na papunta sa kanila ang kotse ng mga ito kanina. Wala naman kasing ibang bahay na nakatayo sa direksiyon na iyon kundi sa lola lang niya.
Ano'ng kailangan ng mga ito sa lola niya?
Binilisan na niya uli ang pag-pedal. Tumigil lang siya nang makita sa harap ng bahay nila ang kotseng sinakyan ng mga ito kanina. Lalo pa siyang napamulagat nang makita ang kambal sa labas ng bahay nila at nakaupo sa may hagdanan sa labas.
Grabe, Lord! Ang aga mo namang ipinakilala sa akin ang destiny ko! Tumingala uli siya sa langit habang pinagdikit ang mga palad na parang nagdarasal. Anlaki ng ngiti niya.
" Naiintriga na talaga ako sa ebak ng kalabaw dito sa inyo. Nakaka-high ba iyon at kanina ka pa ngiti nang ngiti?" malakas ang boses ng nagtatanong na iyon.
Nawala ang ngiti niya at napatingin na sa harap. Nakita pala siya uli nito sa ganoong reaksiyon. Hindi pa siya nakakalapit sa dalawa ay napansin na pala agad siya ng loko.
" Kung naiintriga ka, bakit di mo subukang isubsob din ang mukha mo du'n?" hindi na niya napigilang sagot dito na may kalakip na inis ang boses.
Tumawa lang ito nang pagkalakas-lakas sa sinabi niya.
Bwiset! Mas lalo siyang nainis sa reaksiyon nito.
" Stop it Kyle!" saway ng kambal nito na nakatutok naman ang tingin sa librong hawak.
Biglang nawala ang inis sa pagmumukha niya at lumalamlam ang mga matang napatitig sa binatilyo habang papalapit sa mga ito.
" Woah! Mukhang may nabihag ka pang probinsiyana dito, tol! Bilib na talaga ako sa karisma mo!" muli ay narinig niya ang malakas na tawa ng kapatid nito.
Napakuyom ang mga palad niyang may hawak ng panyong puno ng ebak.
Naku! Kung hindi lang ito panyo ng mahal ko, ipinasok ko na sana ito sa bibig mo! Gigil na gigil na sabi ng utak niya habang tinititigan nang masama ang binatilyong tawa pa rin nang tawa na nakatingin sa kanya.
Mabilis na umalis siya nang akmang titingin na si Clyde, ang iniirog niya. Nahihiya kasi siyang makita nito uli ang nakakasukang mukha niya. Pumunta siya sa likod ng bahay. Dumiretso na agad siya sa banyo para makaligo uli. Mabilis lang ang pagligo niya. Siniguro niyang naalis na ang ebak ng kalabaw sa mukha niya pati na ang amoy nito. Ibinabad naman niya sa tubig na may maraming sabon ang panyo ng crush niya. Nakangiti pa siya habang inilalagay iyon sa maliit na planggana. Mamaya na niya iyon babalikan at papaliguan niya rin iyon ng fabric conditioner.Lumabas na siya ng banyo nang matapos. Nakabestida pa rin siya nang hanggang sakong-sakong niya. Hindi na muna niya sinuklayan ang mahabang kulot na kulot na buhok dahil mauubos ang oras niya.Pumunta siya sa kwarto kung saan tumatanggap ng customers ang lola niya. Maingat na binuksan ni
Magmula nu'n ay lagi na niyang inaabangan ang pagbisita uli ng lola ng kambal at umaasang kasama nito ang isa sa kambal at iyon ay walang iba kundi si Clyde. Halos hindi na nga siya pumupunta sa bayan tuwing Sabado at Linggo. Lagi ay nasa veranda siya nakaupo nang halos buong araw. Sa tuwina naman ay lagi siyang bigo dahil hindi na muling napadpad sa bahay nila ang mga ito. Mahigit isang buwan na mula nang makita niya ang binatilyo. Sabado uli nu'n. Inutusan siyang pumunta sa bayan para bumili ng mga kakailanganin nila ng lola niya. Matamlay na sumunod siya sa utos ng matanda. Kapag weekends kasi ay lagi niyang naaalala ang lalaki. Gusto niya kasing umasa na makikita niya itong muli. Maaga siyang pumunta ng bayan dahil mahaba-haba ang listahang binigay ng lola niya. Mabuti na lang at may malaking basket ang harapan ng bisikleta niya p
Third year College na siya sa kursong Education. Hindi naman talaga iyon ang pinapangarap niyang kurso pero limitado lang ang mga kursong ino-offer sa paaralan sa bayan. Gustuhin man niyang sa Maynila sana magkolehiyo ay wala naman siyang maipantustos sa pag-aaral niya roon.Nakahiga siya kama niya at nakatitig sa nag-iisang larawan ni Clyde na nakadikit sa dingding niya. Nakita niya kasi ang larawang iyon sa isang magazine nang mapunta siya ng bayan kaya't bumili siya kaagad at ginunting ang mukha nito. Katabi nito sa picture ang kambal nito at ang lola ng dalawa. Siyempre, ang picture lang ng sinisinta niya ang idinikit niya sa kwarto.Ilang taon nang hindi napupunta ang kambal sa kanila. Hindi naman sa may pakialam siya sa kambal nito pero napapansin niya lang na laging ang lola lang ng mga ito ang dumadayo sa kanila para
Wala na nga siyang nagawa kundi hintaying matapos ang concert. Ayaw man niyang aminin sa sarili ay nagugustuhan pa rin naman niya ang pananatili roon habang nakikinig sa boses ng kambal ni Clyde. Ang huling kanta nito ay dini-dedicate raw nito sa isang babae pero wala itong sinabing pangalan. Hindi iyon katulad ng mga naunang kanta nito na upbeat. Tumahimik ang lahat ng kantahin nito iyon. Wala ni isa mang nag-ingay. I don't know What you're doing to me Your sweet smile is what I'd like to see Be with me, g
Nagtapos din siya sa kursong Education sa wakas. Gusto ng lola niyang mag-review siya para maging ganap na teacher pero wala talaga siyang planong magturo. Gusto niyang magtrabaho na agad para makapag-ipon dahil plano pa rin niya talagang pumunta ng Maynila para mapalapit kay Clyde. Hindi pa rin siya sumusuko sa pangarap niya noon na maging Mrs. del Espania kahit hindi na niya nakita pang muli ang lalaki.Madalang na ring pumupunta ang lola ng kambal sa kanila dahil nagiging mas busy na ito sa mas lalong lumalagong modeling agency nito na tinatawag na Dynasty Agency.Lagi niyang nakikita ito sa TV lalo na si Clyde kaya't di pa rin mamatay-matay ang kanyang nararamdaman para sa binata. Nabalitaan din niya ang pumapayagpag na career ng kambal nitong si Kyle. Hindi siya nakapunta sa concert nito kaya't ibinigay niya ang napanalunang ticket sa kaibigang si Shirley. Hindi niya kasi maiwan ang lola niya nang araw na iyon dahil masama ang pakiramdam nito. Medyo nanghihinayang
Nagtataka man ang ninang niya sa biglaan niyang pag-resign ay pumayag na rin ito lalo na nang sabihin niyang magtatrabaho na siya sa Maynila. Nagulat ito pero naging masaya naman para sa kanya.Kinagabihan ay kinausap niya ang lola niya. Katatapos lang nilang kumain nu'n at kasalakuyan silang nakaupo sa sala para manood ng TV. Hanggang alas singko ng hapon lang kasi ito tumatanggap ng customers." La?" panimula niya."Hmmm?" sagot nito na hindi inaalis ang tingin sa TV. Ipinapalabas kasi ang paborito nitong telenobela.Lumunok muna siya bago nagsalitang muli." P-pupunta pala ako sa Maynila ngayong Lunes."" Mamamasyal ba kayo ni Shirley doon?" parang walang anumang tanong ng Lola niya habang nakatingin pa rin sa TV.Mga limang oras din ang biyahe pa-Maynila at nagawa na nila ni Shirley dati ang pumunta ng Maynila para lang maglakwatsa at nakitulog lang sila ng isang gabi sa mga kamag-anak ng kaibigan." Mag-aapply po san
Alas tres pa lang ng madaling araw ay gumising na siya para maghanda. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Limang oras pa kasi ang iba-byahe niya papuntang Manila. Ito ang araw na pinananabikan niya. Bumangon na siya at naligo agad. Hindi niya alintana ang malamig na tubig. Pagkaligo ay nagbihis na siya. Ang isinuot niya ay isang blouse na kulay dilaw na may mahahabang manggas. First time niyang magsuot ng skirt na hanggang tuhod lang. Kadalasan nga kasi sa mga damit niya ay hanggang sakong-sakong. Nagsuot pa siya ng itim na stockings kasi parang asiwa siya na nai-expose ang mga binti niya. Hindi talaga siya sanay. Flat shoes na kulay pula naman ang suot niya. Ang buhok niyang hanggang puwet pa rin ang haba at kulot na kulot pa rin ay itinali niya nang pabilog sa taas para hindi kumalat. Nagmumukha iyong isang malaking bola sa ulo niya.Inayos niya ang makapal at malaking salamin sa mata. Matagal na nakipagtitigan pa siya sa repleksiyon sa salamin." Kaya mo ito, Nat
Mabilis na sinundan niya ito habang bitbit ang kape. Nagkandapaso pa ang kamay niya nang may tumilapon na kape dahil sa pagmamadali niya. Bago pa man naisara ang elevator na sinasakyan ng lalaki ay agad na naiharang niya ang sariling katawan sa pinto. " Oops! Sorry about that," agad na pinindot naman ng lalaki ang button sa elevator para di ito tuluyang sumara pero huli na dahil napapagitnaan pa rin siya ng dalawang papasarang pinto. Dali-dali siyang pumasok habang inaayos ang nakasukbit na bag at hawak pa rin ang kape sa isang kamay. " T-thank you," alanganing ngumiti siya rito nang tuluyang makapasok. Silang dalawa lang ang sakay ng elevator kaya't ambilis ng tibok ng pusok niya. " What floor?" tanong nito. " H-huh?" parang tangang tanong din niya. " Saang floor ka ba pupunta?" tanong nito na nakahanda na ang kamay sa buttons para pumindot. Hindi siya agad nakasagot dahil hindi niya rin alam. Nakita niyang may nakapin