Zain POV
Mainit ang sikat ng araw, pero hindi iyon alintana ng mga tao sa loob ng bilyaran. Nagsisigawan ang ilan, nagsisipagtawanan at ang iba naman ay seryosong nakatuon sa laro nila. Tulad ng dati, nandito ako sa gilid, nag-aabang kung sino ang mag-uutos sa akin. "Zain, pabili nga ng yelo at tatlong bote ng alak sa tindahan sa kanto." Kahit hindi ko pa natitingnan kung sino ang nagsabi, agad ko nang inabot ang perang iniabot sa akin. Kabisado ko na ang trabaho ko rito—utusan, tagabili, taga-abot ng sigarilyo at kung minsan, taga-score din kapag abala ang referee ng laro. Hindi kalakihan ang kita, pero mas mabuti na ito kaysa wala. Mabilis akong tumakbo palabas at tinungo ang tindahan. Nang mabili ko na ang yelo at alak, dali-dali akong bumalik sa bilyaran. Inabot ko na ang pinabibinili nung nag-utos sa akin at hindi na nag-abala pang ibalik ang sukli dahil ganoon naman talaga na nung una palang. Sa ganitong paraan ako kumikita—ang mga baryang natitira ay sa akin na napupunta. Pagbalik ko, nagpatuloy ako sa pagtambay sa gilid, nakikiramdam kung sino pa ang may iuutos. Wala pa akong ganap na trabaho, kaya kahit anong raket, pinapasok ko. Kargador sa palengke, tindero ng diyaryo, utusan sa bilyaran—lahat ng iyan, ginagawa ko para lang may maiuwing pera sa bahay. Dati, buhay-tambay lang ako. Pero nang magkasakit si Mama, nagbago ang lahat. Hindi ko kayang hayaan siyang magdusa habang ako, nakatambay lang. Nasa kalagitnaan ako ng pagmamasid sa laro nang biglang lumapit sa akin si Boyong, kababata ko. Pawis na pawis siya at halos naghahabol ng hininga. "Z-zain!" sigaw niya habang kinakapos pa rin ng paghinga. Nagtaas ako ng kilay. "Ano na naman, Boyong?" "Si Mama mo… Nahimatay siya!" Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Agad akong tumayo at hindi na inisip ang sukli mula sa huling nagpabili sa akin. "Tangina!" Napamura ako, sabay takbo palabas ng bilyaran. Agad naman akong sinundan ni Boyong. Sa bawat hakbang ko, pakiramdam ko ay bumibigat ang dibdib ko. Ang bahay namin ay ilang kanto lang mula sa Garay Street, pero parang napakatagal ng bawat segundo bago ako makarating sa amin. Pagdating ko, bumungad sa akin ang ilang kapitbahay naming nagdidiwara. Napalibutan nila ang papag kung saan nakahiga si Mama. "Zain, buti nandito ka na!" sigaw ni Aling Norma, ang aming kapitbahay. Nilapitan ko si Mama at parang tumigil ang mundo ko nang makita ko ang itsura niya—maputlang-maputla, halos nangingitim na ang labi. Pinapaypayan siya ng isa sa mga kapitbahay namin, pero hindi iyon sapat. "Hindi humihinga si Mama mo, Zain!" sigaw ni Boyong na halatang hindi alam ang gagawin. Mabilis akong lumuhod sa tabi ni Mama, niyugyog siya nang marahan. "Mama! Gising!" Walang sagot. Napamura ulit ako. Wala na akong inaksayang oras—binuhat ko na si Mama, kahit nanginginig ang mga braso ko. "Tol, bilisan natin! Dalhin na natin siya sa ospital!" sigaw ko kay Boyong. "Sige! Sasamahan kita!" Agad kaming sumakay sa tricycle at pinatakbo ito nang mabilis papunta sa pinakamalapit na ospital. Pagkarating namin sa ospital, dali-dali kaming lumapit sa emergency room. "Dok! Dok! Tulungan niyo po ang Mama ko!" halos pasigaw kong sabi habang buhat-buhat pa rin si Mama. Agad na lumapit ang isang nurse at isang doktor, inilagay siya sa stretcher at dinala sa loob. Sumunod ako, pero pinigilan ako ng isa sa mga nurse. "Sandali lang po, sir. Dito muna kayo sa waiting area." "Pero—" "Hintayin niyo po ang doktor. Gagawin namin ang lahat." Wala akong nagawa kundi maghintay sa labas. Pawis na pawis ako, nanginginig ang kamay ko habang pinagmamasdan ang pinto kung saan dinala si Mama. Makalipas ang ilang minuto, lumabas ang isang doktor—isang matangkad na lalaki na halatang may edad na. May suot siyang salamin at mukhang seryoso. "Are you the patient's son?" tanong niya. "Yes, doc! Kumusta po siya?" Nag-aalangan ang tingin niya sa akin. "I'm afraid your mother needs immediate surgery. She has a serious heart condition, and without surgery, she might not make it." Parang may sumuntok sa dibdib ko. Kahit highschool lang ang tinapos ko, marunong akong umintindi ng english. "Anong ibig mong sabihin, Doc?" "Her heart is failing. She needs an operation as soon as possible. If she doesn’t get surgery in time, she may not survive." Biglang nanlamig ang katawan ko. Tumingin ako kay Boyong habang kita ko sa mukha niya ang pag-aalala. "Kailan po siya dapat operahan, Doc?" "As soon as possible. The sooner, the better. We can't afford to wait." Napaupo ako sa silya habang hinahagod ang mukha ko. Nang tanungin ko ang doctor kung magkano ang magagastos, lalo akong nanghina. Milyon ang kailangan para maduktungan pa ang buhay ni mama. Kaya lang, saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera? Hindi ko nga alam kung paano ko papakainin si Mama bukas, tapos ngayon, kailangan niyang maoperahan? "Zain…" mahina pero seryosong tawag ni Boyong sa akin. "Paano na ‘to, tol?" Hindi ko alam. Wala akong sagot. Pero isa lang ang sigurado ko—hindi ko hahayaan na mawala si Mama. Ano mang paraan, kahit anong trabaho, gagawin ko. Kahit anong kailangan kong gawin… Kailangan kong mailigtas siya. ** Si Boyong muna ang pinagbantay ko kay mama sa ospital, habang ako, heto, nasa palengke at masuwerte na nakahanap ng trabaho. May mga bigas akong kinakarga sa isang truck na ide-deliver sa ibang lugar. Kahit maliit ang sahod, ayos lang, malaking tulong din ito. Pagkatapos maging kargador, lumipat naman ako paglalako ng tinapay nung hapong iyon, maghapong tagaktak ang pawis ko. Walang tigil ang pagtatrabaho ko para lang makahanap ng pera. Kaya lang nung gabi na, naisip ko na kahit halos sampung trabaho ang gawin ko sa isang araw, parang napaka-imposible talagang maabot ko ang kahit isang milyong piso. One thousand pesos nga lang ang kinita ko maghapon, pagod na pagod, gutom na gutom at halos hinahapo na ako ng hininga kumita lang pero hindi talaga sapat kaya napapatulo na lang ang luha ko. Para akong biglang natuliro. Napadaan ako sa isang tindahan, napabili ako ng isang boteng alak. Sa sobrang stress ko, nagpakalasing ako kasi mababaliw na ako sa kakaisip kung saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera. Naisip ko nga, patulan na ‘yung mga baklang patay na patay sa akin na babayaran ako ng malaki para lang matikman ako, kaya lang hindi ko kaya, hindi ako ganoong klaseng tao. Kakainom ko ng alak, minsan nadedemonyo na akong magnakaw pero mas iniisip ko si Mama na kapag nalaman niyang ganoon ang ginawa ko ay baka lalo lang siyang magkasakit. Ang tanging inaasahan ko na lang sa ngayon ay ang dapuan ako ng suwerte. Hindi ko alam kung nakailang bote ako ng alak. Sa dami nang iniisip ko, nawala na ako sa sarili ko at tila lagpas limang bote ng alak ang nainom ko. Sa kalasingan ko, nakarating ako sa highway. May nakita akong paparating na magarang sasakyan. At dahil emosyonal na ako, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla akong humarang doon. “Sige, sagaan mo na ako, patayin mo na ako, gusto ko nang mawala para matapos na ang paghihirap ko!” sigaw ko kaya agad siyang nagpreno. Bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas doon ang isang magandang babae na tila model. At doon ko na na-meet ang taong nagdala ng suwerte sa akin.Tahlia POVHalos isang linggo na akong nakabantay kay Axton sa ospital. Halos hindi na ako natutulog, hindi rin ako makakain nang maayos. Araw at gabi, inaabangan ko ang bawat galaw niya habang hinihintay ang kahit anong senyales na magigising siya mula sa coma.At ngayon, eto na ang araw na pinakahihintay ko.Unti-unting gumalaw ang mga daliri niya, kasabay ng mahinang paggalaw ng mata niya sa ilalim ng talukap nito. Napasubsob ako sa kamay niya, hindi ko mapigilang humagulgol sa sobrang tuwa."Axton…!" tinawag ko siya nang mahina habang mangiyak-ngiyak.Dahan-dahan siyang dumilat, kita ko ang pagkalito sa kanyang mata bago ito napuno ng pagod at lungkot."Tahlia…" mahina niyang tawag sa akin at doon tuluyang bumagsak ang luha ko.Dali-dali kong tinawag ang doktor at mga nurse. Lahat kami sa kwarto—ako, ang mga magulang niya at ang mga doktor—ay punong-puno ng pag-asa. Happy na kami kasi gising na siya. Halos lahat ay nakangiti niya pero kailangan niyang ma-test para malaman kung an
Tahlia POVBinuksan ko ang pinto ng condo ko at agad na pumasok si Zain, tinitingnan niya agad ang buong paligid na parang ngayon lang siya nakapasok sa ganitong klaseng lugar. Malinis, moderno at mahal ang bawat sulok nito kaya hindi na ako magtataka kung bakit parang manghang-mangha siya sa condo ko."Sit," utos ko at saka itinuro ang sofa. "We need to talk."Umupo siya, pero halata ang kaba sa katawan niya. Hindi ko alam kung kinakabahan siya dahil sa akin o dahil hindi pa rin siya makapaniwala na nandito siya ngayon.Kinuha ko ang isang folder sa mesa at ipinatong iyon sa harap niya. Kanina, habang nasa biyahe ako, inutusan ko ang secretary ko na igayak agad ang contract sa loob ng ten minutes kaya nakahanda na agad ang contract. "I need a groom."Napakunot ang noo niya. "Oo nga, nasabi mo na nga kanina sa highway.""Pilosopo,"bulong ko. I crossed my arms. "I need a husband. Not a real one—just a fake one."Nagtaas siya ng kilay. "Okay po," maikli niyang sagot. Lasing pa talaga a
Zain POVPinatay ni Tahlia ang engine ng sasakyan niya at lumingon sa akin bago bumaba."You'll stay here for the night. I have things to do, so I'll be sleeping at our mansion," sabi niya habang walang emosyon ang boses. Ang ganda niya talaga. Ang hot pa at putek, ang laki ata ng mga bundok niya sa harap.Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiilang na ganito kaganda ang magiging peke kong asawa. Ibig sabihin ay maki-kiss ko siya sa lips kapag kinasal na kami? Sure ‘yon kasi ikakasal kami sa simbahan kasama ang lola at pamilya niya. Ngayon palang ay excited na ako.Bago siya tuluyang lumabas, lumingon siya muli sa akin at nagtaas ng kilay."And Zain," she said with a smirk, "there are CCTVs everywhere. So, if you try to steal anything, I’ll know."Napanganga ako. "Wow. You really think I’d do that?"She shrugged. "I don’t know you well enough to be sure. But I do know that money can tempt people."Napailing ako. "You’re unbelievable.""I know." She gave me one last look before closing
Zain POVMaaga pa lang ay gising na ako dahil pinag-alarm ako ni Tahlia. Ang saya nga kasi may magara at mamahalin akong cellphone ngayon. Siyempre, bigay din ito ni Tahlia para may contact siya sa akin. Sinabi ko kasi sa kaniya kahapon na di-keypad lang ang phone ko. Nakita ko nga na umirap at ngumuwi siya. Ang arte talaga, e.Kaya naman agad-agad ay binili niya ako ng cellphone. Ang nakakatuwa pa, magkapareho na kami ng cellphone ngayon. Bakit, kasi kailangan ko rin daw talagang magpanggap na mayaman din.Nakakasura nga kasi hindi ko agad natutunang gamitin ang ganitong kagara na cellphone.Ngayong araw ay sinundo niya ako sa bahay namin. Mamimili raw kasi kami ng mga magiging gamit ko bilang Zain na mayaman.At sa malaking mall kami nagpunta. Pero, hindi lang basta mall ito, kasi nasa pinakamalalaking mall kami sa buong bansa, may tatlong floors, luxury boutiques at mga mamahaling restaurant na ang presyo ng isang meal ay parang tatlong taon kong sahod sa pagiging kargador ko sa pa
Tahlia POVNauwi na sa bahay nila si Axton kaya naisipan kong galain siya pagkaapos kong asikasuhin ang baliw na si Zain.Ka-stress siyang kasama pero dahil kailangan ko siya para sa sampung bilyong piso, magtitiis ako.Pagdating ko sa bahay nila Axton ay tahimik.Dati, sa tuwing umuuwi siya galing sa ibang bansa, palaging puno ng sigla ang ganitong pagkakataon. Maglalakad siya palapit sa akin, yakap agad at may kasamang pilyong ngiti na para bang wala siyang ibang gustong makita kundi ako.Pero ngayon, bumungad sa akin ang reyalidad na kahit anong gawin namin, kahit anong dasal ang gawin ko, hindi na muling babalik ang dati.Nakita ko siyang naka-wheelchair sa sala, nakatingin sa bintana. Malalim ang iniisip.Hindi ko alam kung napansin niya akong pumasok.“Axton,” mahinang tawag ko sa kaniya.Dahan-dahan siyang napalingon sa akin..Isang matamlay na ngiti ang ibinigay niya sa akin. “You’re here.”Lumapit ako sa kanya habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko na hindi maiyak kasi n
Zain POVMaaga akong nagising nang umagang iyon dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko.Nagkakamot pa ako ng ulo nang sagutin ang tawag."Zain, get up. My driver is on the way to pick you up," malamig na sabi ni Tahlia sa kabilang linya. Ang aga-aga, masungit na boses na naman niya ang narinig ko.Napapikit ako. "Uh… what?""Get dressed properly. And don’t make him wait," dagdag pa niya bago tuluyang ibaba ang tawag.Napakurap-kurap na lang ako. Late na naman akong natulog kagabi, kaya hindi pa ako fully functional. Pero dahil mukhang seryoso si Tahlia, napabangon na lang ako kahit hindi ko alam kung ano na namang kasyosyalan ang gagawin namin ngayong araw.Maya maya lang, huminto ang isang mamahaling itim na sasakyan sa harap ng maliit naming bahay dito sa Garay Street. Pakiramdam ko tuloy, bagong recruit akong gangster na susunduin para sa isang mission.Bumaba ang isang driver na naka-black suit. Nakatayo siya doon na parang bodyguard sa action movies."Mr. Zain, let's go
Zain POVAng mansiyon dito sa Lux City, dito na raw ako titira o dito raw ang magiging bahay namin ni Tahlia sa oras na ikasal na kami. Ang mansiyon na ito, palalabasin ni Tahlia na ako ang may-ari.Sabi pa niya, mula Lunes hanggang Biyernes ang trabaho kong pagpapanggap na karelasyon niya. Kung kinakailangan pa ako ng Sabado o Linggo, wala akong magagawa—duty pa rin daw pero mukhang madalang lang iyon, nangyayari lang sakaling may dinner sa bahay ng lola niya.Sa totoo lang, medyo bumigat ang pakiramdam ko nang marinig ko 'yun. Ibig sabihin, bihira lang akong makakauwi. Pero wala namang atrasan. Ito na ang napagkasunduan namin. Mami-miss ko nga lang si mama pero iniisip ko na para sa kaniya itong ginagawa ko, para sa kinabukasan naming dalawa.Masaya, palagi kong nasasabing masaya kasi ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong napakalaking kuwarto dito sa manisyon ni Tahlia, sa totoo lang ay para akong nasa palasyo. Napagod nga ako sa kakaikot dito sa sobrang laki ng bahay. May swimming
Zain POV Napakasarap ng tulog ko kagabi. Hindi ako sanay sa ganitong klaseng kama na sobrang lambot, parang niyayakap ako ng ulap. Ang aircon? Diyos ko, parang natulog ako sa loob ng freezer. Ngayon lang ako nagising na ganito kasariwa ang pakiramdam. Walang tunog ng mga lasing sa labas, walang sira-sirang electric fan na kumakalampag at higit sa lahat, walang pangit na amoy ng alak sa paligid. Huminga ako nang malalim at nakangiti pa habang nag-iinat ng katawan. Pero sa pagbukas ng kumot, bigla akong natigilan. Tang ina. Saludong-saluto ang alaga ko sa ibaba. Napatakip ako ng bibig habang tawang-tawa sa sarili ko. Putik, sa sobrang lamig ng kuwarto, nagising akong parang sundalo na handang sumabak sa gyera! Umupo ako sa kama, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Pero tang ina, parang batang nagwawala ‘yung nasa ibaba ko talaga. Para mawala sa isip ko ‘yun, tumayo na ako at dumiretso sa terrace. Binuksan ko ang pinto at sumilip sa labas. Ang ganda ng tanawin doon, ang lawak na g
Kalix POVSa totoo lang, hindi ko inaasahan na magiging ganito kainit ang gabi. Mainit hindi dahil sa panahon, kundi dahil sa samahan. Habang hinahanda ko ang harapan ng bahay kubo namin para sa magiging inuman ngayong gabi, ramdam ko na ang saya sa paligid. Napatingin ako sa isang lamesa, nag-uumpisa nang uminom sina Tatay Felix at ang mga kaibigan niya. Nagtatawanan at nagkakasiyahan na sila. Dapat nga ay kanina pa kami nag-uumpisang uminom, na-late lang kasi tinulungan ko pa si nanay na maglipit ng mga kalat, tapos nag-ugas pa kami ng mga pinggan.Nilabas ko na rin ang tubang alak ng tatay ko. Gawa ‘yon mula sa pinakamasarap na niyog dito sa Isla Lalia at kahit simpleng inumin lang ito sa paningin ng iba, para sa amin, ito ang tanda ng tunay na selebrasyon. Hindi puwedeng walang alak kapag may kasiyahan.Naupo na kami sa harapan—ako, sina Buchukoy, Buknoy, Tisay at siyempre, ang dalawang mortal na hindi puwedeng pagtabihin ng matagal—sina Catalina at Xamira. Pero dahil okasyon ito
Xamira POVExcited akong bumangon ngayong umaga dahil alam kong may okasyon ngayon. Paglabas ko ng kubo, tila nahuli na ata ako sa paggising kasi nag-uumpisa na pala silang gumalaw at maghanda.Doon, nakita ko sina Mang Felix, Kalix at Buchukoy na abala sa pagkatay ng mga manok sa gilid. Nakataas ang sando ni Kalix, pawis ang noo at seryoso ang tingin sa hawak niyang manok na pinupulasan na ng dugo. Nakakainis kasi ang hot tignan ni Kalix kahit na pawisan. Ang laki ng katawan niya. Naniniwala rin talaga ako na isa si Kalix sa pinaka-hot sa islang ito. Kaya nga baliw na baliw sa kaniya ang gagang si Catalina.Si Mang Felix naman, kahit may edad na, mabilis pa rin ang kilos. Tawa siya nang tawa habang nakikipagbiruan kay Buchukoy. Kahit ako naman, kapag si Buchukoy at Buknoy ang kasama, hindi puwedeng ‘di ka hahagalpak ng tawa.“Happy birthday po, Mang Felix!” bati ko, sabay abot ko sa kaniya ng malaking pakwan at pinya na binili ko talaga kahapon sa palengke. Natanong ko kasi kay Tisay
Xamira POVUmagang-umaga pa lang, gising na ako. Hindi ko na hinayaang hindi ulit ako makasama ngayong umaga. Hinanda ko na agad ang sarili ko para sa pangingisda namin. Kasama ko ulit sina Kalix, Buchukoy, Buknoy, at Tisay. Siyempre, hindi rin nawala ang anino ng epal na si Catalina. Nakaabang agad ang gaga sa dalampasigan.Nakataas ang kilay niya nang dumating kami, pero nginitian ko lang siya. Hindi ko na kailangang magsalita, alam ko nang nabuwisit na siya agad kapag nakikita ako.Sumakay kami ng bangka. Maliit lang ang gamit namin kasi mahina naman ang alon ng dagat ngayong araw, mabuti na lang at kasya naman kaming anim.Si Kalix ang nagmamaneho, habang ako ay nakaupo sa tabi niya. Nakipag-unahan ako kay Catalina na tumabi kay Kalix kasi gusto kong pakuluin lalo ang dugo niya sa akin. Napansin ko ring panay ang lingon sa amin ni Catalina mula sa likuran. Mas lalo tuloy akong dumikit kay Kalix.Habang bumibiyahe kami, sinasabay na rin namin ang pag-inom ng mainit na kape at pagka
Xamira POVToday, hindi mangingisda sina Kalix dahil masama ang pakiramdam nito, nilagnat siya kagabi kaya cancel ang lakad nila. Sayang, maaga pa naman akong nagising.Pero ayos lang, naisip ko na lang magliwaliw sa palengke nang mag-isa. Alam ko naman na ang daan at sa tingin ko ay kaya ko nang mag-isa.Habang binabalot ng umaga ang palengke ng banayad na sikat ng araw at amoy ng sariwang isda, dumaan ako sa panaderia para bumili ng pandesal. Maaga pa, pero ramdam ko na ang gising na gising na sigla ng palengke. Grabe sa sipag ng mga tao rito. Maingay ang mga tao, may mga tawanan, may sigawan ng presyo at may usok mula sa mga naglulutong karinderya. Tapos biglang may tumapik sa balikat ko—si Tisay pala.“Uy, Xamira,” bati niya sa akin, bitbit ang plastik ng mainit-init pang pandesal at isang bote ng softdrinks. Umagang-umaga naka-softdrinks agad siya. Naiinitan ata. “Ang aga mo rin ah.”“Ikaw nga rin e,” sagot ko naman sabay ngiti sa kaniya. Nagulat ako kasi inaya niya akong sumagli
Kalix POVMainit na naman ang araw sa palengke. Pawis na pawis na ako habang inaayos ang mga isdang huli namin kaninang madaling-araw. Katatapos lang namin mangisda nina Buknoy, Buchukoy at Tisay. Maaga kaming umalis dahil malakas ang huli ngayon. Sakto rin kasi, marami ang tao ngayon sa palengke kaya maraming bumibili.Habang abala ako sa pagtimbang ng bangus para sa isang suki, narinig ko ang pabulong na usapan ng dalawang babae sa tapat ng puwesto namin. Isa sa kanila, si Ira, kaibigan ni Catalina.“Grabe talaga si Catalina kanina,” ani Ira habang tumatawa. “Alam mo ba, binagsak niya ‘yung sampayan ng mga damit ni Xamira. Yung bagong laba pa.”Napalingon tuloy ako sa kanila. Saglit ko tuloy nakalimutan ang isdang tinatakal ko.“Ha? Bakit naman niya ginawa ‘yon?” tanong ng kasama ni Ira.“Ewan. Ewan ko kung trip lang niya o naiirita siya kay Xamira. Basta ang saya niya pagkatapos niyang gawin iyon,” sagot ni Ira kaya napapailing na lang tuloy ako.Lumalabas talaga ang pagiging maldi
Xamira POVSa wakas, mukhang okay na ako ngayon. Pagkagising ko ngayong umaga ay kalmado na ang tiyan ko. Pero, tila masyado akong tinanghali ng gising.Dali-dali kong tinignan ang paligid at binuksan ang bintana. Wala na sina Kalix, buwisit. Wala na rin sina Tisay, Buchukoy at Buknoy. Sabagay, anong oras na rin. Baka inisip niya na hindi ako sasama kaya hindi ako gumising ng maaga.“Kasalanan ito ng ininom kong palamig sa palengke.” bulong ko sa sarili ko habang napapailing ako. Sa totoo lang, ang sarap sana ng palamig na iyon. Yung kulay ube na may gulaman pa at sago, pero hindi ko alam kung may sira na ba ‘yon o di lang talaga sanay ang tiyan ko sa ganoon.Kahit anong rason pa, ang totoo, sumakit ang tiyan ko buong gabi. Hindi na mabilang kung ilang beses akong nagpabalik-balik sa banyo. Halos madaling-araw na nga ako nakatulog kaya heto ako ngayon, nganga, hindi nakasama sa pangingisda.Kung tutulong naman ako sa paggawa ng bukayo sa mga magulang ni Kalix, wala na rin, hindi na ri
Xamira POVAkala ko tapos na ang eksena ni Catalina. Akala ko matatapos ang mainit na harapan namin ni Catalina sa bangka at dagat lang, tapos matatahimik na ang araw ko. Pero hindi pa pala.Hindi pa pala tapos ang pakulo ng reyna ng Isla Lalia. Kasi kahit sa pagbebenta ng mga huli naming isda, nakabuntot pa rin siya. Para akong may sariling anino—mas maganda nga lang ako, mas mabango at higit sa lahat, mas maraming huli.“Dito na po kayo, sariwa pa! Kakahuli lang namin sa dagat,” sigaw ko sa isang nanay na may dalang basket.Bigla namang may boses na sumingit. “Ang akin pong isda, mas malalaki! Dito na po kayo sa akin bumili mga suki!”Lumingon ako. Siyempre, sino pa ba ang epal na iyon kundi si Catalina, na may bitbit na maliit na balde ng isda niyang nahuli rin kanina. Nakangiti ito nang pilit, pero halatang desperada talagang talunin ako.Tignan na lang natin, sa laki at gaganda ng isda ko, good luck kung sino ang mabilis na makakaubos ng tindang isda.Lahat ng bahay na pinuntahan
Xamira POVPagdilat ng mga mata ko, agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin nang buksan ko ang bintana ng aking bahay-kubo. Napangiti ako, kahit pa paano, ito na, nagsisimula na ang panibagong buhay ko dito sa Isla Lalia.Maaga akong nagpaapoy sa likod ng bahay para mag-init ng tubig. Pagkakulo ng tubig ay nagtimpla agad ako ng kape. Pagkatapos ay nagpirito lang ako ng itlog. Nakakatawa kasi hindi pa rin perfect ang pagluluto ko, lasog-lasog pero makakain naman.Pagkatapos kong mag-almusal, naligo na rin ako gamit ang tubig na pinakuha ko kay Kalix kahapon sa balon na malapit dito, ang suwerte lang talaga kasi sampung hakbang lang ay may balon na malapit lang dito, minsan, kapag kaya ko na, ako na siguro ang mag-iigib para masanay na rin ako.Pagbukas ko ng pinto, nakita ang grupo nina Kalix, Tisay, Buchukoy at si Buknoy—na abala sa paghahanda. May mga lambat, balde at isang cooler na dala-dala nila habang parang may pinaplano. Napakunot ang noo ko. “Mukhang mangingisda si
Xamira POVNgayong buong maghapon, lahat ng kailangan ko pinagbibili ko na sa palengke, lahat ng panluto, kagamitan at pagkain ay mayroon na ako. Pati nga malambot na sapin ay mayroon na ako.Ngayong gabi, ako na mismo ang magluluto ng hapunan ko. Ito na talaga isang bagong simula para sa akin dito sa Isla Lalia. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano pala magluto.Sa likod ng kubo ko, nandoon ang maliit na lutuan na gawa sa bato at kawayan. Gatungan ito, ayon kay Nanay Karen, pero sa akin, isa lang itong malaking palaisipan. Nilinis ko muna ang paligid, tinanggal ang mga dahon at alikabok, saka maingat na nilagay ang kahoy sa gitna ng lutuan, gaya nang nakita ko sa bahay nina Kalix. Doon lang ako magaling, sa pag-aayos. Pero ang mag-apoy? Ang magluto? Iyon ang problema ngayong kung paano ko gagawin.Napatingin ako sa kaldero at kawali. Nasa gilid ko ang bigas, itlog at kamatis—sapat na para sa isang simpleng hapunan ko. Pero paano ko sisimulan? Sa dami ng bagay na natutunan ko