Kasalukuyang naglalakad si Althea sa kalsada sa ilalim ng tirik na tirik na araw, kagagaling niya lang naman sa pang tatlong trabaho na pinag-applyan subalit iisa lang ang sinasabi sa kan'ya.
Tatawag na lang umano ang mga ito sa kan'ya.
"ASA!" inis na sambit niya dahil alam niyang malabo na ang mga iyon. Kailangan niya pa naman ng pagkakakitaan lalo na 't may sakit ang kaniyang Ina.
Nakaramdam ng pagkauhaw si Althea kung kaya 't tumawid siya sa kabilang kalsada upang bumili ng buko juice. "Manong, pabili po ako five pesos lang po," magalang na sabi niya sa tindrero.
Habang naghihintay siya ay may dumating din na isang babae, mukhang bibili rin ito kung kaya 't gumilid siya nang kaunti. May kausap ito sa cellphone at tila hindi maganda ang mood nito kung kaya ay nakisimpat'ya na lamang siya rito dahil danas niya rin ang hirap kung paano maghanap ng trabaho.
"Pero, Sir! Kailangan ko po talagang makuha iyong sahod ko na iyan. Porket po ba magli-leave ako ay hindi ninyo iyan ibibigay? Anong klase naman iyon?" hindi naman sinad'ya na madinig ni Althea ang usapan ng kausap nito sa cellphone dahil magkalapit lang naman sila.
"Ano po?! Pambihira naman! Problema nga po ang uuwiin ko sa amin, Sir. Bakit kailangan ako pa ang maghahanap sa kapalitan ko? Sir, baka–"
Napabuntong-hininga na lamang ang babae dahil pinatayan na siya ng cellphone. Nagpa-padiyak ito sa matinding inis dahil kailangan pa naman nito ang pera. Napalingon ito kay Althea at pinasadahan pa siya nito mula ulo hanggang paa na ikinataka naman niya ang panunuri nito sa kan'ya.
"Hi, naghahanap ka ba ng trabaho?" nabigla naman si Althea nang kausapin siya ng babae, gayun pa man ay sinagot niya naman ito.
"A-ah, oo eh. Kaso puro malas naman. Tatawagan na lang nila ako," tugon niya naman sa babae. Tila nagliwanag naman ang mukha nito nang malamang naghahanap nga siya ng trabaho.
"OMG! Gusto mo bang ipasok kita sa boss ko? Naghahanap kasi ako ng kapalit. Ikaw na lang kaya?"
"H-huh? Ano ba ang trabaho mo ro'n? T'saka, bakit ka naghahanap ng kapalit? Hindi ka na ba babalik?" sunod-sunod na tanong niya. Naisip niya rin kasi kung sakaling ngang pumayag siya ay paano naman na kapag naisipan na nitong bumalik? Nawawalan ulit siya ng trabaho dahil rilyebo lang naman siya.
"Isa akong PA. For short, personal assistant. Ano ka ba? 'Wag kang mag-alala dahil kung babalik man ako ay paniguradong may makukuha naman akong ibang trabaho sa boss ko kahit hindi na kita palitan pa!" mahabang saad nito.
"Hay, naku! Pumayag ka na para magkaro'n ka na ng trabaho at para makauwi na rin ako sa amin. May sakit kasi si Nanay at gusto nitong ako raw ang mag-alaga sa kan'ya," sabi pa nito na may bahid ng lungkot ang tinig kaya tila na-antig naman si Althea kung paano nga ito mag-alala sa Ina. Halos pareho lamang pala sila.
"Sige, pumayag na 'ko."
"OMG! Talaga? Wala nang bawiin niyan ah? Siya nga pala, ako si Marie. Kanina pa tayo nagchichikahan pero hindi pa tayo nagkakilala," pagpapakilala ni Marie at inilahad ang isang kamay kay Althea na agad naman niyang tinanggap.
"Wait– Sabihan ko lang sila na nakahanap na ako ng ipapalit sa akin para makuha ko na rin iyong pang huli kong sahod. Akin na rin pala iyog contact number mo para maibigay ko na rin." Ibinigay naman ni Althea kay Marie ang contact number niya. Magaan naman ang loob niya sa babae kaya ‘t susubukan niya ang inalok nitong trabaho.
"Ayan, nasabi ko na. Paniguradong tanggap ka na niyan. Congrats na agad, girl," natawa naman si Althea dahil napakadaldal nitong si Marie, parang hindi mauubusan ng sasabihin.
"Saan ka na pala ngayon pupunta? Ako kasi uuwi na muna sa apartment na nirerentahan ko para mag-ayos na ng gamit ko pauwi ng probinsya."
"Pupunta na ako ng ospital, naro'n kasi si Natay naka-confine," sagot naman ni Althea. Saka na muna niya sasabihin ang tungkol sa trabaho kapag natanggap ang na siya, malaking tulong iyon kung sakali.
"Gano'n ba? Sakto lang pala ang pag-alok ko sa iyo. Hayaan mo, gagaling din iyang tatay mo. Isasama ko sa mga dasal ko na gumaling pareho ang mga magulang natin," natuwa siya dahil napakabait nitong si Marie. Hindi nagkakalayo ang estado nilang dalawa.
"Hmmn... Ako rin, salamat. Naniniwala akong gagaling sila. Sige, na. Chat na lang tayo ha? Mag-iingat ka sa pag-uwi."
"Salamat, Thea. Ikaw rin. Kita-kits bukas sabay tayo pupunta ro'n, okay?" Kumaway na sila pareho sa isa't isa habang papalayo.
Gumaan naman ang pakiramdam ni Althea kaya nakangiti na siya habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep.
Habang lulan na nga siya ng jeep papuntang ospital ay biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Naka-silent kasi iyon habang naghahanap siya ng trabaho kanina kaya agad niya naman na itong binasa.
Unknown # : "Good day! I am expecting you to come tomorrow to start your work as my new Personal Assistant. Don't be late, see you."
Namilog ang mata ni Althea sa nabasa. Muntik pa siyang mapatili kung hindi niya lang naalalang nasa jeep nga pala siya.
"Gano'n ka bilis? Thank you Lord, you're the best!" lihim na pasasalamat niya sa sobrang saya.
Nang makarating na nga sa ospital ay naabutan niya pang gising ang kaniyang Ina. Nagda-dialysis kasi ito kaya kailan niya talaga ng pera, ayaw niyang mawala ang kaniyang ama dahil marami pa siyang pangarap para rito at sa pamilya nila.
"Nay, kumusta po ang pakiramdam mo?" tanong ni Althea sa ama. Malaki na ang binagsak ng katawan nito at namamaga rin ang kanang binti . Kung puwede nga lang umano kunin ang sakit ng ama at siya na lang ang aako para hindi na umano ito mahirapan.
"Ayos lang ako, anak. Kilala mo naman ang nanay 'di ba? Pasensiya ka na kung nahihirapan ka sa pag-aalaga sa kay nanay. Hayaan mo at bibilisan kong magpagaling."
Pinigilan ni Althea ang kaniyang luha. Ayaw niya ipakita sa kaniyang Ina na mahina siya.
"Ayos iyan, 'nay. Kapag gumaling ka na ay mamamasyal tayo," masiglang sabi niya sa Ina.
Nasa tapat na sila ni Marie ng isang matayog na gusali. Maaga pa lang ay gumayak na si Althea at sinigurado niyang hindi siya mali-late. "Maarte ang boss ko kaya gusto niyang may nag-aasikaso talaga sa kan'ya. Baka magtaka ka pala kapag isinama ka niya sa mansion niya. Hindi iyon maiwasan lalo na 't doon lang ito minsan nagta-trahabo," nakikinig lamang si Althea sa mga sinasabi ni Marie at panay lang ang tango niya rito. "Good morning, Ms. Ellah. Nariyan na ba si Boss?" binati ni Marie ang isang babae na abala sa ginagawa nito sa harap ng computer. Nang umangat ang tingin nito sa kanila ay agad naman din itong ngumiti. "Good morning, Marie. Siya na ba iyong sinasabi mo?""Yes, Ms. Ellah. Siya po si Althea," pakilala naman ni Marie sa kan'ya. "Good morning po, ma'am," bati rin ni Althea sa babae. "Hello, Althea. I am Mr. Calvin's secretary. Actually ay hinintay talaga kita para ipahatid sa bahay niya ngayon. Hindi kasi makakapasok si Sir Calvin dahil masama raw ang pakiramdam," pa
Chapter 3 Pareho silang naghahabol ng hininga subalit mas lamang ang galit ni Althea sa ginawa ni Calvin. Habang nagtatagis naman ang bagang ni Calvin ay matalim ang tingin na ipinupukol nito sa kan'ya. Really? Let's see," sabi pa ni Calvin. Nabigla siya sa pagsampal ni Althea sa kan'ya ngunit nangngingitngit siya sa huling sinabi ng babae. "Hindi na, dahil hindi na ako magtatrabaho bilang PA mo!" pagkasabi no'n ni Althea ay tinalikuran na niya si Calvin. Nagmamadali na siyang umalis palabas ng mansion na iyon.Malayo-layo na rin ang nilakad niya dahil sa rami kaniyang isipin ay saka pa lamang nanlambot ang kaniyang mga tuhod. Nanariwa sa kan'ya ang nakaraan nila ni Calvin noon kung paano sila nagkakilala. 'Bakit pa siya nagtatanong tungkol sa buhay ko? Eh, siya nga iyong nasisiguro kong masaya na ngayon dahil nakasama na niya ang babaeng mahal niya!' Tinanong pa kasi siya nito kanina tungkol umano sa lalaki. Sinong lalaki naman kaya ang tinutukoy nito? Bagsak ang mga balikat n
Sinundo nga siya ni Calvin. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse kaya agad naman na siyang pumasok. "Salamat." Nang makapasok naman na ito sa kotse ay natigilan si Althea dahil dahan-dahang lumapit si Calvin sa kan'ya ta habang papalapit ang lalaki ay siyang usog niya naman sa sulok hanggang sa wala na nga siyang maurungan kung kaya 't napapikit na lamang siya. Biglang marinig na lamang ni Althea ang pag-click ng seat belt. "You think, I am going to kiss you?" may pilyong ngiti na naman ang sumilay sa labi nito. Sa totoo lang ay gustong-gusto niya iyong gawin ang kaso ay baka biglang magbago ang isip ng babae kapag ginawa niya iyon. "H-huh? Hindi ah! Tara na nga!" mahinang natawa naman si Calvin sa kan'ya. "Honestly, yes, but I want more aside from that. " Bigla naman napalingon si Althea rito na ngayon ay magkasalubong ang dalawang kilay. "Ang gusto ko lang ay ang makausap ka kaya itigil mo iyan kung ano man ang nasa isip mo!""Hmmn... Bakit alam mo ba ang laman ng isipan ko
Kumakalabog ang dibdib ni Althea dahil sa kaba. Marami siyang gustong itanong rito lalo na no’ng sabihin nitong asawa pa rin umano siya ng lalaki. ‘Paan mangyayari iyon? Pumirma ako sa divorce papers noon. Hiwalay na kami!’ Mahigit dalawang taon na rin silang nagkawalay, nais niya rin itanong kung nasaan na si Mariel? Dapat magkasama na ang mga ito subalit wala man lang binabanggit si Calvin tungkol rito. “Siya nga pala, CL. Kumusta na kayo ni Mariel? Bakit parang hindi mo siya kasama rito?”“Why do you ask?” imbis na makuha ang sagot ay hindi niya naman iyon nakuha kaya nakaramdam siya ng inis. Ito nga ay marami nang nalalaman ngayon tungkol sa kan’ya tapos sa lalaki ay wala man lang siyang alam. “‘Wag na nga lang, sige na. Good night–”Akmang isasara na ni Althea ang pinto ng kuwarto gagamitin niya ay agad naman na siyang inunahan ni Calvin at ito na ang humila sa kan’ya papasok roon. “Tell me, Althea? Why are you asking?” Isinandal siya ni Calvin sa likod ng pinto nang maisara
Tuluyan nang bumigay si Althea sa bawat paghaplos at mga halik ni Calvin sa kanyang katawan. May takot at pangamba siya ngayong magkasama na silang muli subalit lamang doon ang pagmamahal para sa lalaki na isinigaw ng kanyang puso.Handa na siyang harapin ang lahat para lang ipaglaban ang pagmamahal niya para rito. Hindi na siya magigising bulag at sunod-sunuran sa taong humahadlang sa kanilang pag-iibigan. “Althea,” sambit ni Calvin sa pangalan niya nang sandaling humiwalay ang labi nito sa labi niya. Ipinagdikit nito ang noo nilang dalawa at may sumilay na ngiti sa labi ng lalaki. “I can't believe that you are here. God! Matagal kong hinintay ito at akala ko ay hindi na mangyayari pa. Promise me, don't ever leave me again, baby. Baka sa susunod ay masiraan na talaga ako ng bait,” ramdam ni Althea ang bigat sa sa bawat katagang sinasambit nito. Nasasaktan siyang malaman na naging miserable pala ito nang iwan niya, pero pareho lang naman sila. Halos gabi-gabi rin naman ang pagluha n
Ilang ulit nilang pinagsaluhan ang pagpaparamdam ng pagmamahal sa isa ‘t isa hanggang tanging ang pagod antok na lamang ang siyang nagpatigil sa kanilang dalawa.Magkayap sila sa buong magdamag na tanging kumot lamang ang nakabalot sa kanilang kahubadan, kung, kaya ‘y ang mga init ng kanilang katawan ang panlaban sa lamig na dulot ng aircon sa silid ni Calvin. Sa ospital naman ay nagulat na lamang ang ama ni Althea nang sabihin ng doktor nito na mayro'n nang donor para sa kidney transplant ang kanyang asawa na labis niyang ikinatuwa. “Talaga po, dok? Sino po ang tumulong sa amin?” tanong nito.“Pasensiya na, confidential ang tungkol sa bagay na iyan kaya hindi ko maaring sabihin sa inyo, Mr. Suarez. But I assure you that your wife will save through this,” paliwanag naman ng doktor. Hindi naman na nagpulit ang ama ni Althea bagkus ay ipinagpasalamat na lamang nito sa Diyos. “Naiintindihan ko, salamat po.”“Bueno, maiwanan na muna kita dahil oras ang mahalaga rito. Ipagdasal mo po ang