CALEB Mabilis lumipas ang mga oras at halos nakapikit na ang mga mata ko nang sa wakas ay narinig ko nang mag-bukas ang pinto. Gawa ng kanina ko pa hinihintay ang pagdating ni Aliyah ay mabilis akong napatayo sa pagkakaupo sa hagdan para salubungin siya. Hindi alintana sa aking sistema ang labis na antok dahil nandito na siya— ligtas siyang nakauwi sa akin ngayon. “C-caleb?” utal na banggit niya sa pangalan ko, bakas sa mga mata ang gulat na makita ako ngayon dito sa bahay. Halatang hindi niya inaasahan ang pagdating at paghihintay ko sa pag-uwi niya ngayong gabi, kaya imbes na sumagot agad sa kaniya ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ilang araw lamang kaming hindi nagsama ay sobra na ang lumbay na naramdaman ng dibdib ko, kaya ngayong nasa harap ko na siya ay wala akong ibang maisip kundi ang pasalamatan ang Diyos na ligtas niyang pinauwi rito sa bahay ang babaeng hindi na mawala sa isipan ko. Siya ang unang lumapit sa akin nang maibaba niya na sa couch ang bag niya, isang mahigpi
ALIYAH Mabigat ang naibuga kong hangin nang bumalik na ang isipan ko sa realidad. Kanina pa ako ganito na tila ba may kung ano sa dibdib ang hindi mapalagay, malayo-layo na rin ang nalakbay ng isipan ko mula noong makausap ko kaninang umaga si Tito Wilson. Matapos niyang sabihin sa akin na kilala niya ang tatay ko ay bigla na lamang may dumating na isang itim na sasakyan para sunduin siya. Umalis ito nang hindi man lang sinasabi ang buong detalyeng alam niya tungkol sa tatay ko. Gustuhin ko man siyang pigilan umalis kanina ay sobra ang damdamin kong hindi maipaliwanag kaya natulala na lamang ako roon. Natagpuan ko na lamang ang sasakyan niyang malayo na sa akin, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na tila ba nalalapit na ako sa pagkakataon na makilala ng personal ang tatay ko. Mula pa man noong una kong makita ang larawan ni Papa ay pinangarap ko na talagang makita’t makilala siya ng personal. Kahit walang plano si Mama gawin iyon para sa akin ay ‘yon ang isa sa
ALIYAH Malalim na paghinga ang nagawa ko nang makakuha ng sapat na lakas para buhatin ang tray na hawak ko. Ramdam na ramdam ko sa aking sistema ang bigat at matinding pagsakit ng aking braso nang magawa na maipatong ng kasamahan ko sa trabaho na si Jelly ang dalawang mangkok ng lugaw na ihahatid ko sa table five at six. Apat na malalaking mangkok ito kaya maingat ang ginawa kong pagbalanse sa tray na dala-dala upang hindi ito tumilapon kung saan. Sanay na naman ako sa ginagawa kong pagbabalanse ng mga tray dahil ilang buwan na rin naman ako sa trabaho kong ‘to sa karenderia. Gayunpaman ay hindi sa lahat ng oras ay mababalanse mo ito ng tama kaya kailangan pa rin na palaging mag-ingat. “Hindi ka pinapasweldo rito para kumilos ng mabagal at palamya-lamya, Liyah! Bilisan mo ang kilos diyan nang makakain na ang mga customer ko.” rinig kong galit na namang banggit ni Ma’am Lucy, ang may-ari ng karenderia na pinagta-trabahuan ko. Nasa may pintuan siya ng kusina kaya kitang-kita ko ang m
ALIYAHAng malakas na pagtunog ng alarm clock sa tabing lamesa ng kamang kinahihigaan ko ang gumising sa akin ngayong umaga. Antok kong iminulat ang aking mga mata kasabay ng paghikap ko. Ilang segundo muna akong napatulala sa kisame bago ko maisipan na bumangon, pero isang mabigat na bagay ang agad kong naramdaman noong tangkain ko nang tumayo. Doon ko lang nakita ang braso na nakayakap sa may bandang baywang ko.Tila ba tuluyang nabuhay ang diwa ko nang makumpirma kung sino ang aking katabi sa mga sandaling ito, si Sir Caleb.Para akong ipinako sa pwesto habang nakatuon lamang ang tingin ko sa natutulog na si Sir Caleb sa tabi ko. Hindi magawang malihis ang tingin ko sa kaniya dahil aminado akong maganda sa mata ang perpekto niyang mukha na mahimbing ngayon ang tulog. Gawa ng higpit ng yakap niya sa aking katawan ay hindi ko na nagawang makatayo gaya ng plano ko sana kanina.Ang akala ko kasi ay umuwi na siya kagabi sa kanila dahil hindi naman niya sinabi kung saan siya pupunta noon
ALIYAHNang matapos ang pelikulang pinanonood ko sa malaking screen dito sa aming sala ay nagawa ko nang maunat ang aking katawan. Dahil sa matagal kong pag-upo ay parang nangalay ata ang nakatupi kong mga binti kanina. Wala na akong maisip na panoorin na susunod kaya inabot ko na lamang ang remote na nakapatong sa coffee table at pinatay na ang TV. Gawa ng wala na akong maisip na gawin ay malalim na lamang akong huminga at sumandal sa sofa na kinauupuan ko.Malapit na palang mag-alas tres ng tanghali, parang kanina lamang ay alas nuebe pa lang ng umaga. Tatlong pelikula na rin pala ang natapos ko, nag-enjoy naman ako sa ginawang panonood lang dahil hindi ko pa napapanood ang mga iyon noon. Sa hirap ng buhay na mayroon kami noon ng mama ko ay wala na akong oras makanood ng pelikula, kaya ngayon na narito lang ako sa bahay ay nagagawa ko na ang mga ito. Masaya rin pala mag-relax ng buong araw, e. Gayunpaman ay hindi pa rin talaga nawawala sa akin ang pagka-buryo kung minsan. Sanay kas
ALIYAHHindi ko na alam kung ilang kurot na ba ang nagagawa ko sa aking sarili bago magkaroon ng lakas ang loob kong lumapit at bumati na kay Ma'am Victoria. Ilang minuto na ata akong nag-susubok lapitan siya rito sa loob ng coffee shop na sinabi niya sa kaniyang text message kagabi. Maaga pa ng five minutes ang oras ngayon sa oras na ibinigay niya sa akin, pero dahil lumakas na ng kaunti ang loob kong lapitan siya ay ginawa ko na rin.Kasalukuyan siyang nakaupo sa upuang nakatalikod sa akin habang may ka-text sa kaniyang telepono, kaya nagkaroon pa ako ng sandaling huminga ng malalim bago ko ipaalam sa kaniya ang presensya kong narito na.“G-good morning po, Ma'am Victoria…”“Take the seat…” maikling sabi niya na agad kong sinunod. Katulad lamang ng alam kong itsura niya ay seryoso at sobrang pormal ng tingin ang mayroon siya sa akin ngayon. Nakasuot siya ng isang maganda bestida na binagayan ng nakapusod niyang buhok at kumikinang na mga alahas. Napaka-ganda niyang tunay.Ngayon ko
ALIYAHNagising ako ngayong umaga sa sikat ng araw na tumatagos sa kurtina ng bintana. Nakasarado ang glass window sapagkat naka-bukas ang aircon sa kuwarto, dito kasi ulit natulog si Sir Caleb kagabi kaya naka-bukas ito. Pansin ko na hindi sanay matulog si Sir Caleb na hindi malamig ang paligid kaya tuwing narito siya ay balot na balot ang katawan ko ng makapal na kumot dahil hindi pwedeng walang aircon sa kaniya. Mahina ang katawan ko sa mga lamig, buti na lang at palagi ko namang natitiis ang lamig tuwing kasama ko matulog dito si Sir Caleb.Kagabi pala ay hindi ko inaasahan na dito matutulog si Sir Caleb, ala una na kasi noong dumating siya. Nakatulog na ako at nagising lang dahil tinawagan niya ang telepono ko. Ang sabi niya ay tinatamad siyang umuwi sa mansyon ng pamilya niya dahil sumasama lang ang pakiramdam niya roon. Lasing pala siya kagabi, ngunit hindi naman gaano. Natulog lang din kami agad kasi parehas kaming antok na antok, ngayon namang pag-gising ko ay wala na siya sa
ALIYAHNahinto ang ginagawa kong pagpunas ng lamesa nang may marinig akong kumakatok sa pinto. Hindi ito malakas, pero sapat na para marinig ko. Kaaalis lamang ni Sir Caleb at katatapos ko lang kumain kaya naglilinis na ako ngayon ng hapag. Mabilis ang naging paglakad ko patungo sa pinto para pagbuksan ito, naisip ko kasi na baka si Sir Caleb ang kumakatok. Nagmamadali kasi siya kanina at may naiwan siyang folder sa coffee table namin, mukhang binalikan niya ito dahil ilang minuto palang naman siya nakaaalis.“Nasa coffee table po—” hindi ko na nagawa pang matapos ang bungad ko sanang sasabihin kay Sir Caleb nang pag-bukas ko ng pinto ay wala akong ni anino ng tao ang nakita roon. Malakas ang hangin sa labas at tirik na rin ang araw. Dahil pinuno ako ng pagtataka ay lumabas ako para suriin ang buo naming labas, wala talagang tao. Pero papaanong may narinig akong kumatok? Guni-guni lang ba ‘yon?Nakakatakot naman kung guni-guni nga, para kasing totoo ito sa akin kanina. Kahit mahina an
ALIYAH Mabigat ang naibuga kong hangin nang bumalik na ang isipan ko sa realidad. Kanina pa ako ganito na tila ba may kung ano sa dibdib ang hindi mapalagay, malayo-layo na rin ang nalakbay ng isipan ko mula noong makausap ko kaninang umaga si Tito Wilson. Matapos niyang sabihin sa akin na kilala niya ang tatay ko ay bigla na lamang may dumating na isang itim na sasakyan para sunduin siya. Umalis ito nang hindi man lang sinasabi ang buong detalyeng alam niya tungkol sa tatay ko. Gustuhin ko man siyang pigilan umalis kanina ay sobra ang damdamin kong hindi maipaliwanag kaya natulala na lamang ako roon. Natagpuan ko na lamang ang sasakyan niyang malayo na sa akin, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na tila ba nalalapit na ako sa pagkakataon na makilala ng personal ang tatay ko. Mula pa man noong una kong makita ang larawan ni Papa ay pinangarap ko na talagang makita’t makilala siya ng personal. Kahit walang plano si Mama gawin iyon para sa akin ay ‘yon ang isa sa
CALEB Mabilis lumipas ang mga oras at halos nakapikit na ang mga mata ko nang sa wakas ay narinig ko nang mag-bukas ang pinto. Gawa ng kanina ko pa hinihintay ang pagdating ni Aliyah ay mabilis akong napatayo sa pagkakaupo sa hagdan para salubungin siya. Hindi alintana sa aking sistema ang labis na antok dahil nandito na siya— ligtas siyang nakauwi sa akin ngayon. “C-caleb?” utal na banggit niya sa pangalan ko, bakas sa mga mata ang gulat na makita ako ngayon dito sa bahay. Halatang hindi niya inaasahan ang pagdating at paghihintay ko sa pag-uwi niya ngayong gabi, kaya imbes na sumagot agad sa kaniya ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ilang araw lamang kaming hindi nagsama ay sobra na ang lumbay na naramdaman ng dibdib ko, kaya ngayong nasa harap ko na siya ay wala akong ibang maisip kundi ang pasalamatan ang Diyos na ligtas niyang pinauwi rito sa bahay ang babaeng hindi na mawala sa isipan ko. Siya ang unang lumapit sa akin nang maibaba niya na sa couch ang bag niya, isang mahigpi
ALIYAH Gawa ng halo-halo kong nararamdaman sa gabing ito dahil sa magaganap na pagkikita namin ng mga magulang ni Dominic ay para bang hindi ko na napansin ang naging byahe namin papunta sa mansyon nila. Sa isang iglap ay naglalakad na kami ni Dominic sa maluwag at maganda nilang hardin patungo sa entrance ng malaki nilang mansyon. Sa gate pa lang nila ay sobra na akong humanga, sa ganda ng tirahan nilang ito na animo’y palasyo na sa laki ay hindi talaga maitatanggi ang yaman ng kanilang pamilya. “A-ang ganda naman ng mansyon niyo, Dominic.” komento ko nang marating na namin ang mala-ginto nilang main door, sa sinabi kong iyon ay narinig ko ang mahinang tawa ni Dominic. “Nakahihiyang pumasok sa loob, kaso nandito na ako, e!” “Get use to this house, Aliyah. Parte ka na rin ng bahay na ito dahil ikaw ang ina ng anak ko.” nakangiti si Dominic nang sabihin iyon sa akin pero ramdam ko na seryoso ang sinabi niyang iyon kaya nakaramdam ako ng hiya. Hindi pa rin talaga ako sanay sa set-up
CALEB “Thank you for taking care of it, Ms. Jonelle. Appreciated.” I thank the old lady on the phone who was my secretary for four days of work in Singapore since Saturday. “It’s been my pleasure, Mr. Walton.” Nang makapagpaalam na rin ako rito ay binaba ko na ang teleponong gamit at naupo sa gilid ng aking kama upang mai-pahinga ang katawan kahit saglit. I am currently at my parents' mansion since I had an urgent business meeting with my father a few hours after my plane landed this morning from Singapore. Ayaw ko mang manatili rito kasama sila ay wala akong magawa dahil may kikitain pa kaming investors mamayang alas singko ng hapon, masyado na akong pagod para umuwi muna sa bahay at bumalik na lang dito mamaya. Antok na rin ako ngayon kaya magpapahinga na muna ako habang may apat na oras pa bago muling umattend ng isang meeting. Mula Sabado ay puro meeting na ang nadadaluhan ko. Ilang araw akong wala sa tabi ni Aliyah kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit gusto ko nang
ALIYAHKatatapos lang ng misa na aking dinaluhan ngayong linggo nang maisipan kong hindi muna umuwi sa bahay agad dahil wala naman ngayon doon si Caleb. Kahapon pa siya umalispara sa isang business trip atbaka bukas o sa martes pa makababalik. Ilang araw palang ang lumilipas mula nang malaman ko ang pagdadalang tao ko, sa mga araw na iyon ay mas bumibigat ang pakiramdam ko sa mga nangyayari sa buhay ko. Noong biyernes ay nagawa kong itago kay Caleb ang nalaman ko noong araw na iyon, ngunit kahapon bago siya umalis ay sobra akong hindi mapalagay. Mas lalo akong umiibig sa kaniya kaya alam kong mas lalo ko siyang masasaktan kapag pinatagal ko pa ang paglilihim kong ito. Gusto kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko, ngunit sobra ang takot sa loob ko dahil alam ko naman agad ang magiging reaksiyon niya sa malalaman. Hindi niya ito matatanggap— Sino ba naman kasi ang makatatanggap sa sitwasyon na nabuntis ako ng lalakeng karibal niya sa negosyo, diba? Natatakot akong mawala
CALEB As usual, I left early at work to be home before Aliyah’s out from her work. I wanted to prepare for our dinner tonight, but as soon as I stepped into our living room, I already saw her bag laying on our couch. She’s already here, but since she’s nowhere to be found in the living room and kitchen, I immediately went upstairs to check on her in our room. There I saw her sleeping peacefully. Simula nang makapag-usap kami kagabi tungkol sa nabubuong pagtingin namin sa isa’t isa ay mas lalo ako naging interesado sa kaniya. Tunay na maganda ang mood ko buong araw, sa katunayan nga ay maging ang mga tao ko ay napansin ‘yon kanina. Kaninang umaga pa lang noong magising ako ay sobrang gaan na sa dibdib, para bang ngayon ko lang naramdaman ang saya na ito sa buo kong buhay. Kaya ngayon na nandito na ako ulit sa bahay at nakikita ko na siya ay mas lalo akong naging maligaya. Maingat lamang ang ginawa kong pag-upo sa gilid ng kama kung saan malaya kong pagmasdan ang kagandahan ng babaen
ALIYAH “Both your urine and blood tests are positive in pregnancy. You are pregnant, Ms. Morgan, congratulations!” anunsyo ng doktor na aking kaharap sa mga sandaling ito. Gising na naman ako pero tila ba nasa isang malabong panaginip pa rin ako ngayon, ni hindi ko magawang makurap ang mga mata ko habang ang tingin ay diretsa lamang sa papel na aking hawak. Buntis ako… Patuloy pa ring lumilipad ang aking isipan sa kung saan, ramdam ko na naman muli ang mga luhang nagbabadya na naman sa aking mga mata. Nakaupo man ako ngayon ay dama ko pa rin ang panlalambot ng aking buong katawan. Walang ni isang salita ang nagawang makalabas sa bibig ko— hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon lamang. Diyos ko, hindi ko po alam ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito… “The headaches, dizziness, and fatigue that you are experiencing in the last few days and weeks are just the result of your pregnancy. Didn't you notice your late period? Even the change in your mood every day is aff
JACOB “Ano ba Miss!? Simpleng bagay na nga lang hindi mo pa maintindihan.” saktong matapos ko ang paghihiwa ng sibuyas ay narinig ko ang malakas na boses ng isang lalake sa labas ng kusina. Dala ng kuryosidad sa nangyayari roon ay sumilip ako sa pintuan at nakita si Aliyah na pinupulot ang mga pagkaing nagkalat na sa sahig habang may lalake sa kaniyang harapan. “Bakit hindi ka makatingin ngayon, ha!? Mag-resign ka na lang sa trabaho mo ng hindi ka na maka-perwisyo pa ng mga customer dito. Palampa-lampa.” dahil sa nakikitang labis na galit ng lalake kay Aliyah ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pag-aalala para sa kaniya ngayon. Nakatalikod ito sa akin, pero kitang-kita ko mula rito sa kinaroroonan ko ang panginginig ng mga kamay niya habang patuloy lamang siya sa paglilinis ng mga nagkalat na pagkain sa lapag. Gawa ng eksena na nagaganap ay lahat ng customers namin na kumakain dito sa karinderya ay nasa kanila lamang ang tingin, maging si Rica na kahera namin ay napahinto sa
ALIYAH Sariwang hangin ang dumampi sa aking balat na siyang gumising sa aking natutulog na diwa. Bumungad sa aking mga mata ang mga punong isinasayaw ng hangin sa parke na aking kinaroroonan ngayon. Hindi ko napansin na nakaidlip na pala kanina habang nakatulala sa mga puno rito sa parke, mula nang maisipan kong takasan na lamang ang trabaho ko sa karinderya ay dito na ako dinala ng aking mga paa. Natuyo na ang mga luhang naglalandas kanina sa pisngi ko, gayunpaman ay narito pa rin sa aking damdamin ang sakit na gawa ng mga bagay na narinig ko mula kay Jacob at sa iba ko pang kasamahan sa trabaho. Hindi naman ganoon kadali mawala ‘yung epekto na naidulot niyon sa aking sistema, pero masasabi ko ngayon na mas maayos na ang aking pakiramdam kumpara kaninang umaga. Hindi na naman ako naluluha, e. Nakahihinga na rin ako ng maluwag sa tulong ng sariwang hangin dito sa parke. Buti na lang talaga at walang gaanong tao ang narito ngayon, kaya walang nakakita sa pagluha ko kanina— wala ring t