ALIYAH
Malalim na paghinga ang nagawa ko nang makakuha ng sapat na lakas para buhatin ang tray na hawak ko. Ramdam na ramdam ko sa aking sistema ang bigat at matinding pagsakit ng aking braso nang magawa na maipatong ng kasamahan ko sa trabaho na si Jelly ang dalawang mangkok ng lugaw na ihahatid ko sa table five at six.Apat na malalaking mangkok ito kaya maingat ang ginawa kong pagbalanse sa tray na dala-dala upang hindi ito tumilapon kung saan. Sanay na naman ako sa ginagawa kong pagbabalanse ng mga tray dahil ilang buwan na rin naman ako sa trabaho kong ‘to sa karenderia. Gayunpaman ay hindi sa lahat ng oras ay mababalanse mo ito ng tama kaya kailangan pa rin na palaging mag-ingat.“Hindi ka pinapasweldo rito para kumilos ng mabagal at palamya-lamya, Liyah! Bilisan mo ang kilos diyan nang makakain na ang mga customer ko.” rinig kong galit na namang banggit ni Ma’am Lucy, ang may-ari ng karenderia na pinagta-trabahuan ko. Nasa may pintuan siya ng kusina kaya kitang-kita ko ang masungit niyang tingin sa akin ngayon. Dahil ayoko na may mas masabi pa siyang ikagagalit niya sa akin ay pinilit kong bilisan na lang ang mga kilos ko at lumabas na sa kusina para mahatid na ang mga pagkain na dala ko sa mga customer namin.Si Ma’am Lucy kasi sobrang mahigpit sa aming mga empleyado niya. Unti lamang na pagkakamali ay nakikita na agad ng mga mata niya— lalo na sa akin— nauunawaan ko naman. Siyempre, bilang isang employer at business owner ay nais niyang maging maayos ang takbo ng kaniyang negosyo. At bilang all-around worker niya rito sa karenderia ay kailangan kong gawin ang best ko para mapatunayan ang sarili ko at mas tumagal pa sa trabaho kong ito.Tipid at nahihiya ang naging ngiti ko kay Ma’am nang madaanan ko na siya habang maingat na binabalanse ang tray na buhat-buhat. Kahit sobrang bigat nito ay minabuti ko pa ring mag-ingat habang tinitiis ang pagreklamo ng aking katawan dahil ayokong pumalpak sa trabaho— Lalo na sa harap ni Ma’am Lucy. Kahit kasi sobrang sungit at higpit ni Ma’am Lucy ay sobrang thankful pa rin ako sa kaniya.Sa lahat kasi ng trabahong sinubukan kong applayan noon ay walang tumatanggap sa akin. Maliban sa walang mataas na education attainment, kilala pa ako ng karamihan bilang isang masamang babae dahil sa sobrang daming isyu na kumakalat kaugnay sa pangalan ko.Kaya kahit paguran sa trabaho kong ‘to ay hindi ako pwedeng maging malamya’t patamad-tamad. Siyempre ay kailangan kong pag-igihan pa upang makita rin ng ibang tao ang good side sa buhay ko. Palagi lang kasi sila nakatuon sa bad sides ko, e. Ang iba pa sa bad sides na alam nila tungkol sa akin ay hindi pa totoo.“Ayoko nang makita kang pabagal-bagal sa trabaho rito, naiintindihan mo? Kung sa mga isyung nasasangkutan mo ay ang bilis-bilis mo ay dapat maging trabaho ay hindi ka makupad.” makahulugang salita ni Ma’am Lucy na siyang kinayuko ko.Ramdam ko ang tingin ng iba kong katrabaho na nakarinig sa sinabi ni Madam ngunit hindi na ako sumagot pa. Ramdam ko ang panlalait sa kaniyang tono nang masabi ang mga bagay na iyon sa akin, ramdam ko rin tuloy ang munting pagguhit ng kirot sa dibdib ko dala ng kahihiyan at awa para sa sarili ko sa mga sandaling ito.Nakapamaywang si Ma’am Lucy nang malagpasan ko siya, kahit kita ko ang ngisi sa kaniyang labi ay mas minabuti ko na lamang na hindi na iyon bigyan pa ng pansin. Sa paglalakad ko na lamang patungo sa mga table itinuon ang sarili ko. Dapat kasi ay sanay na talaga ako sa mga ganitong eksena sa buhay ko, e.Ilang buwan na bang ganito ang buhay ko mula nang maugnay ako kay Sir Caleb bilang kabet niya? Matagal-tagal na rin naman iyon. Dapat ngayon ay sanay na ako sa masasakit na salitang natatanggap ko mula sa ibang tao, subalit sa mga sitwasyon kasing ganito ay sobrang nakapanghihina talaga ng sistema at sobrang nakalulungkot.Hindi naman ako ganito dati, e. Oo nga’t lumaki akong walang ama at si Mama ay tila ba wala lamang ako sa kaniya ay hindi naman umabot sa punto na maging ang ibang tao ay hindi na nakikita ang kahalagahan ko. Ewan ko ba kung bakit napasok ako sa buhay na ganito. Hindi naman ganitong Aliyah Morgan ang kilala ng sarili ko.Ayaw ko naman talaga maugnay kay Sir Caleb noong una— lalo na para maging isang kabet niya—pero wala naman akong magawa sa mga nangyari. Mula nang ipaubaya ako ni Mama kay Sir Caleb kapalit ng malaking halaga ay parang naging trabaho ko nang maging kabet sa isang makapangyarihang tao sa mundo ng negosyo sa bansa.Tunay na influential si Sir Caleb sa buong Pilipinas. Matalino, magaling sa negosyo, mayaman, successful na tao— at sabihin na rin nating guwapo. Sa lahat ng katangian na mayroon sa buhay si Sir Caleb ay walang duda na magugustuhan siya ng maraming tao. Kahit ako ay inaamin kong attractive talaga siya, tuwing kasama ko nga siya ay may kakaiba sa dibdib ko— pero wala naman talaga kaming relasyong dalawa.Trabaho ko lang talaga na maging babae niya. Samahan siya sa mga gusto niya, sundin kung anong ipag-utos niya, at maging tao na kasama niya sa buhay tuwing tumatakas siya sa buhay niya bilang isang lalakeng may asawa na.Hindi man niya sabihin sa akin ay ramdam kong may problema sila ng asawa niya, kaya tuwing umuuwi siya sa bahay na binigay niya sa akin noon ay kadalasan siyang lasing. Noong una, wala naman talagang mali sa ugnayan namin, kaso nga lang ay bumigay ako sa tukso. May nangyayari na sa aming dalawa at alam kong kasalanan iyon na ako ang may gawa— nagpadala kasi talaga ako sa emosyon ko nang gabi iyon.Kaya sa edad kong twenty-three, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng burden sa buhay ko. Hindi ko rin naman gusto ang mga naging desisyon ko, ngunit noong gabi kasi na ibinigay ko kay Sir Caleb ang sarili ko sa unang pagkakataon— kahit ilang oras lang sa buhay ko— ay doon ko lang naramdaman kung paano mahalin ng ibang tao. I feel bad, sobra. Subalit hindi ko na kayang bawiin ‘yon kahit ilang beses ko pang ulitin.Mula pagkabata ay sobrang gulo na ng buhay ko, sumobra lang talaga ngayong may edad na ako. High school lang ang natapos ko sa kadahilanang kapos sa karangyaan ang buhay namin ni Mama. Sobrang hirap kasi kapag walang tatay na tumutulong kay mama sa lahat-lahat lalo na sa pag-gabay sa akin mula noong bata pa ako. Buong pagkabata ay puro hirap at pagtatago ang ginagawa namin ng mama ko dahil sa mga taong pinagkakautangan niya, pero kahit ganoon ang naging buhay ko sa puder ni Mama ay lahat naman ng kaya kong gawin sa buhay ay ginagawa ko para mairaos lang ang aking ina sa pang araw-araw naming buhay.Namasukan ako sa iba't ibang trabaho sa murang edad. Wala kasing maayos na trabaho si Mama mula pa man noon kaya kailangan kong magtrabaho habang nag-aaral ako, ngunit dahil mahirap pagsabayin ito ay huminto na lang ako sa pag-aaral at itinuon na lamang ang lahat sa pagta-trabaho. Subalit kahit ano pang paghihirap ang gawin ko para lamang sa aming dalawa ni Mama ay nagawa pa rin niya akong ipaubaya sa ibang tao kapalit ng pera.Kung hindi siguro kilala sa buong bansa ang pangalang Caleb Raphael Walton at hindi siya nagmula sa isang makapangyarihang pamilya… malamang ay hindi sikat ang pangalan ko sa halos lahat ng headline ng mga balita sa bansa. Wala sanang mga tao na gumagawa ng mga chismis na hindi naman totoo tungkol sa buhay ko ngayon.Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa akin nagawa ni Mama ang lahat ng ito, pero sa kabila ng nagawa niya ay hindi ko magawang magalit sa kanya— siya na lang kasi ang tanging tao na matatawag kong pamilya sa mundong ito. Siya na lamang ang mayroon ako sa buhay ko, kaya kahit ibinenta niya ako sa makapangyarihan na si Sir Caleb ay may parte pa rin sa akin na masaya.Sapagkat binili ako ni Sir Caleb kay Mama sa sobrang laking halaga, sa nakuha ni Mama na pera mula kay Sir Caleb ay umaasa ako na sapat na siguro ang lahat ng iyon para malagay sa maayos na buhay ang mama ko. Kaya kahit mahirap sa parte ko ang pagiging kabet ko sa isang makapangyarihang tao ay tinitiis ko na lamang para sa taong mahal ko— para kay mama.Sabihin na nating hindi malapit si Mama sa akin, pero todo ang pagmamahal ko sa kaniya. Kaya kahit kalayaan at kasiyahan ko ang kapalit sa lahat ng pagbabago sa buhay ng aking ina ay tanggap ko na. Para kasing napaka-ikli lamang ng buhay para magalit na lamang palagi sa lahat ng taong hindi kayang suklian ang pagmamahal na naibibigay ko sa kanila. Sapat na sa akin na magalit saglit, ayoko nang magtanim pa ng galit kahit kanino man. Pakiramdam ko kasi ay dadagdag lamang ang bunga ng galit na iyon sa kahirapan na pinagdadaanan na ng buhay ko ngayon.Mabalik naman sa relasyon namin ni Sir Caleb. Hindi naman madalas na may nangyayari sa amin, sa katunayan nga ay parang apat na beses pa lang nangyayari iyon sa halos anim na buwan ko nang buhay kasama siya. Gayunpaman ay aminado akong lahat ng sandaling iyon ay parang nakatago at pinapahalagaan ko sa buhay kahit alam kong mali ito sa mata ng mga tao— lalo na sa mata ng Diyos.Hindi ko kasi maipaliwanag, pero kapag si Sir Caleb na ang kasama ko— kahit minsan ay masungit din siya at malamig sa akin— nararamdaman kong ligtas ako sa tabi niya. Pakiramdam ko kapag nariyan si Sir Caleb ay magiging okay ako kalaunan kahit ang relasyon naming ito ay ginawang mas miserable ang buhay ko ngayon.Overall— maliban sa pagiging kabet ko— ay maayos naman ako sa trabaho ko sa kaniya. Minsan iniisip ko na lang na nagtatrabaho ako sa kaniya bilang katulong niya dahil most of the time naman ay sinusunod ko lang lahat ng ipagawa niya sa akin, e. Nagluluto, naglalaba, at naglilinis ang madalas kong gawin sa bahay ko– niya. Ngunit gawa nga na isa siyang sikat na sikat na bilyunaryong negosyante sa bansa at isang sikat din na aktres ang maganda niyang asawa ay mabilis lamang kumalat sa buong bansa ang chismis tungkol sa akin.Samo’t saring balita, panghuhusga at pangbabash ang nakuha ko sa lahat. Maging ang mundo ng social media ay umabot na ang pangalan ko at mga litrato na puro panlalait sa akin. Sa mga telebisyon din ay nababalita na rin ako. Tila ba sumikat ako kaagad sa buong bansa dahil tinagurian nila akong kabet, ahas, at higit sa lahat... pambansang p*kpok. Masakit siya, sobra… subalit kailangan kong tiisin.Marami pa akong naririnig na sabi-sabi na dahil sa akin kaya nagkakalabuan na raw ang mag-asawa. Sino ba naman kasi ang hindi? Hindi naman kasi ako itinatanggi ni Sir Caleb tuwing naitatanong ako sa kaniya. Hindi man sabihin ni Sir Caleb ng diretsa na kabet ako sa harap ng mga tao ay iyon na agad ang iisipin nila dahil kasal siya sa ibang babae habang may special connection daw kami sa isa’t isa.Ang ibang balita naman ay nagsasabi na sa kabila ng isyung pangangaliwa ni Sir Caleb ay nanatiling matibay ang relasyon nila ng asawa niya sa publiko. Sa tingin ng iba ay baka matalik na kaibigan lang naman daw ako, subalit ang karamihan ay ibinabatong ako lang daw ang sumisira sa mag-asawa dahil sa patuloy kong paglapit kay Sir Caleb.Kaya in the end of the day ay sa akin lahat napupunta ang pambabatikos ng mga tao. Gawa ng tila ba walang pakialam si Sir Caleb at ang asawa niyang si Ma’am Victoria sa mga isyung kumakalat na damay ang pangalan naming tatlo ay sa akin lang nauuwi ang lahat ng galit ng mga tao. Kung ano-anong pagbabanta ang nakukuha ko araw-araw dahil doon.Tuwing bubuksan ko naman ang mga accounts ko sa social media ay gano'n din. Humihiram na nga lang ako sa kaibigan ko ng cellphpne para masilip ko ang mga iyon, subalit imbes na makakita ng magagandang balita ay puro negatibong pambabatikos lamang ang nakikita kong komento mula sa karamihan. Nangunguna roon ang panlalait at pananakot sa aking buhay.Halos anim na buwan na noong magsimula itong pagiging kabet ko kay Sir Caleb, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako sanay saluhin ang lahat ng paninira at negatibong komentong natatanggap ko. Noong una ay akala ko ilang linggo lang ay makalilimutan na ako ng mga tao, ngunit mali pala.Mag-aanim na buwan na akong laman ng chismis sa buong bansa. Imbes na paunti nang paunti ito ay palala lang nang palala. Kaya sa kahit anong uri ng social media ay wala na akong account at koneksiyon, nasasaktan lamang ako sa mga nababasa’t nakikita. Ang tanging mayroon na lamang ako ay messenger kung saan nandoon ang mga importanteng taong makokontact ko sa oras ng pangangailangan.Ang bilin ni Mama sa akin noong una ay huwag na lang daw ako lumabas ng bahay dahil inaakala niyang supportado ako financially ni Sir Caleb— nagbibigay siya pero hindi ng pera, groceries na sakto lamang na makakain ako sa araw-araw.Akala rin ng mga tao na pini-perahan ko lang ito dahil nga isa siyang bilyunaryo kumpara sa akin na kilala sa pagiging mahirap, gold digger ang tamang term sa binabato nila sa akin. Lingid sa kaalaman nilang lahat na wala talagang binibigay na pera sa akin si Sir Caleb at ni minsan ay hindi ako humingi rito kahit piso.Suwerte na ako kapag natyempuhan ko siyang good mood tuwing napupunta siya sa bahay, binibigyan niya ako ng mga branded na damit na hindi ko naman nasusuot dahil wala akong paggagamitan. Pero bihira lang din naman nangyari iyon, dalawang sapatos lang at ilang damit ang natanggap ko mula sa kaniya. Binigay pa niya sa akin iyon dahil namali lang daw siya ng kuha at bili, kaya kapag nasasabihan ako ng mga tao na pera lamang ang habol ko kay Sir Caleb ay medyo nasasaktan ako dahil hindi naman talaga totoo iyon.Ito ang dahilan kaya kahit mahirap ang buhay ko at maraming nakakikilala sa akin bilang p*kpok at kabet ay tinitiis ko na lang para mabuhay ko ang sarili ko sa pagta-trabaho sa karenderia na ito. Kung inaakala nila na masaya ako sa ginagawa at nagpapasarap lang sa kayamanan ni Sir Caleb ay nagkakamali silang lahat.Sabihin na nating kabet na ako, oo. Ngunit hindi ko siya pini-perahan kailan man. Sadyang nagta-trabaho lamang ako sa kaniya dahil nga binili niya ako sa mama ko kapalit ng malaking halaga. Tanging ‘yung bahay lang na ibinigay niya sa akin ang pinakamalaking nakuha ko kay Sir Caleb—hindi man ako sigurado kung akin na ba talaga ang bahay na tinitirhan ko ngayon ay masaya na ako dahil may natutuluyan ako na kumportableng bahay sa ngayon.Kay Mama lang naman kasi niya ibinigay ang pera noong bilhin niya ako, at ni piso roon ay wala akong nakuha o nahawakan man lang. Kaya sa mga bumabatikos sa akin na isa lamang akong 'di hamak na gold digger ay sobrang mali sila ng tingin sa akin. Totoo mang higit sa ginto maituturing ang kayamanan ni Sir Caleb ay wala akong karapatan at kakayahang hukayin ang mga gintong iyon.Tama nang matawag akong bayaran, binayaran naman talaga ni Sir Caleb ang buhay ko, e. Kung kaya ko lang sana bayaran pabalik ang napakalaking halagang ibinigay ni Sir Caleb kay Mama ay may pag-asa pa akong makalaya sa komplikado kong buhay bilang kabet. Ngunit kahit umiyak pa ako ng dugo ay imposible mangyari iyon. Kahit kasi may kakaiba sa puso ko tuwing kasama ko siya ay gusto ko pa rin makalaya sa buhay kong ito— gusto ko rin mabuhay ng normal bilang ako— kaso sa mga sandaling ito ay hindi ko alam kung papaano mangyayari iyon.Wala na nga akong mukhang ihaharap sa mga tao dahil sa estado ng buhay ko ay hindi ko pa kayang buhayin ang sarili ko. Pera lang ang nakikita kong paraan para makatakas sa buhay ko kay Sir Caleb, kaya hanggang wala akong maipapalit sa pinangbili niya sa akin ay mananatili lamang ako sa buhay niya— mananatili lamang ako sa miserable kong buhay na ganito.Kada labas ko ay nakaririnig ako ng iba’t ibang panghuhusga mula sa iba, kahit hindi naman nila alam ang totoo ay todo pa rin sila sa panghuhusga sa pagkatao ko. Idagdag pa ro'n ang libo-libong pagbabanta na nagsasabing papatayin nila ako sa oras na makita nila ako sa lansangan. Iyong iba ay sinasabi pang bibilhin daw nila ang katawan ko para lamang magawa ang gusto nila sa akin at tantanan na ang pangangabit ko kay Sir Caleb.Ilan lang iyon sa mga malalang pagbabanta na nakukuha ko sa mga tao… ganoon ang tindi ng kanilang galit sa pagkatao ko.Sobrang sakit niyon sa parte ko. Kahit alam kong hindi totoo ay naaapektuhan talaga ng pambabatikos sa akin ng mga tao ang araw-araw kong buhay. Ang kapasidad ng aking isipan ay tila ba nilalamon ng matinding takot tuwing naiisip ko na kapag maglalakad ako mag-isa ay may susulpot na lamang para saktan ako. May mga araw na hindi ako nakapapasok dala ng takot na iyon, subalit pinipilit ko na lamang dahil kailangan kong magtrabaho para sa sarili ko.Wala na akong nakikitang pag-asa sa kinalalagyan ko ngayon, pilitin ko man gumawa ng paraan para tumakas na lang ay hindi ko magawa. May kung ano sa dibdib ko ang hindi kayang lumayo dahil sa hindi ko matukoy na dahilan. Kaya tuwing naiisip kong umalis ay nauuwi na lamang sa pag-iyak. May isang pagkakataon kasi na nakiusap ako kay Sir Caleb na hayaan na lamang akong umalis at itigil na ang koneksiyon na namamagitan sa amin, pero nauwi lamang ang lahat sa galit niya sa akin. Kaya mula noon ay tinuruan ko na lang ang sarili kong magpakatatag sa uri ng buhay na mayroon ako.Kung wala na nga akong pag-asa na makatakas sa buhay kong ito ay mas mabuting labanan ko na lamang ang lahat araw-araw ng mas matatag. Nagpapasalamat na lang talaga ako sa Panginoon, kasi kahit ganito kahirap ang buhay ko ay narito pa rin ako at nananatiling matatag— higit sa lahat ay buhay pa rin naman. Sa lahat ng ito ay masasabi kong suwerte pa rin ako dahil humihinga pa ako at lumalaban sa buhay ko. Ibig sabihin lamang ay malakas ako sa mga pagsubok at may pag-asa pa.Huwag lang mapunta sa mama ko ang lahat… si Mama ang kahinaan na masasabi kong natatangi sa akin. Ito marahil ang isa sa mga dahilan kaya hindi ako tumatakas kay Sir Caleb, natatakot ako na baka kapag ginawa ko iyon ay ipakulong niya si Mama o ‘di kaya naman bawiin niya ang perang ibinigay niya sa mama ko.Dahil doon ay wala talaga akong hindi sinusunod sa mga gusto niyang gawin ko, gusto ko gawin ang tungkulin ko sa kaniya kapalit ng malaking halagang ibinigay niya sa mama ko. Gawin ko na ang lahat ng gusto ko sa buhay, huwag lang ang suwayin at galitin ang isang Caleb Walton. Kahit hindi ko pa nararanasan ang sobrang galit niya ay alam kong nakatatakot ito kalabanin. Makapangyarihang tao si Sir Caleb, at isang bagay lang na hindi niya magustuhan sa akin ay alam kong sobrang dali lamang niyang alisin ako sa buhay niya na parang lamok. Ganoon ang kapangyarihang hawak niya dala ng kayamanan niya at ng pamilya niya.Gayunpaman ay nauunawaan ko kung bakit ayaw niya akong bitawan. Sino ba naman kasi ang papayag na mawala ang isang tao sa buhay mo kung milyon-milyon ang salaping ginastos niya para lang mabili ito, diba? Minsan ay iniisip ko kung bakit nga ba niya ako binili sa mama ko. Siguro ay wala na siyang mapag-gastusan sa pera niya kaya buhay na ng tao ang naisip niyang pag-aksayahan ng salapi.Sobrang hirap man. Sobra man ang sakit na naidudulot nitong lahat sa akin. Araw-araw kong iniinda ang sakit, takot, pangamba, at kahihiyang ito para kay mama. Tinuring ko na lamang parte ng trabaho ang mga pambabatikos at galit ng mga tao sa pagkatao ko— maging ang sa babang pagtrato sa akin ng asawa ni Sir Caleb na si Ma’am Victoria. Hindi ko naman ito masisisi kung magalit din siya sa akin, kahit sino naman atang babae ay sasabog sa galit kapag nalamang may kabet ang asawa nito, diba?Ganoon na ganoon ang reaksiyon ni Ma’am Victoria nang magkita kami noong birthday ni Sir Caleb, apat na buwan na ang nakaraan. Iyon ang una naming pagkikita na ayoko nang maulit, tuwing inaalala ko ang gabing iyon ay parang ramdam ko pa rin ang sampal at paghila niya sa buhok ko dala ng galit.Mabuti na lamang at private event iyon at hindi umabot sa publiko, kasi alam ko na kapag lumabas iyon sa madla ay mas malala pa ang nangyayari ngayon sa buhay ko. Makapangyarihang mga tao ang nababangga ko sa buhay ngayon na nakadikit na ako sa pangalan ni Sir Caleb. Idagdag pa na sikat na sikat ang asawa niya sa showbiz industry at sa pagmo-modelo. Kahit kasi hindi artista si Sir Caleb katulad ng asawa ay tinuturing pa rin ng supporters ni Ma’am Victoria na loveteam ang dalawa— siyempre dahil tunay naman na mag-asawa sila sa realidad. Parehas silang biniyayaan ng karangyaan sa buhay at bagay na bagay bilang magkapareha. Kaya nang dumapo ang isang ipis— tukso ng iba sa akin— ay maraming nagalit at gusto na lamang itapon kung saan ang epal.Sa totoo lang ay sobrang unfair talaga dahil kung tutuusin ay dapat pati kay Sir Caleb ay galit ang mga tao, dahil kung kabet niya nga ako ay parehas kaming may kasalanan. Subalit ang nangyari kasi ay ako lang ang gustong pag-initan at kagalitan ng lahat ng mga tao. Walang panghuhusga na natatanggap si Sir Caleb sa sitwasyon naming ito, walang galit sa kanya 'di tulad sa akin na libo-libo.Wala naman kasing alam ang lahat sa buhay ko— sa totoong buhay ko. Hindi nila alam na kung may pagpipilian lang sana ako noon ay hindi ko pipiliin ito. Hindi ko pipiliin maging kabet dahil alam kong mali. Kaya kahit may kasalanan din si Sir Caleb ay walang may galit sa kaniya dahil sa estado ng buhay niya at mataas na reputasyon sa bansa.Kung kapangyarihan ang labanan ay wala talaga akong laban kahit isang pursyento sa kanila. Sino ba naman kasi ang magagalit sa katulad ni Sir Caleb? Isang tagapagmana ng mga Walton— pamilya na nangunguna sa lahat sa bansa, malaki pa ang kontribusyon niya sa ekonomiya ng bansa, maraming tao ang natutulungan niya sa trabaho dahil sa dami niyang negosyong naitayo, at maliban doon ay marami ring tao ang natutulungan niya sa buhay dahil sa dami niyang foundations na sinusuportahan sa buong Pilipinas.Diba? Sino ba naman kasi ang magagalit sa taong sobra na ang naitulong sa iba? Walang-wala ako sa lahat ng iyon. Kaya kahit mahirap at masakit ay kailangan kong tanggapin na talo ako sa sitwasyong kinalalagyan ngayon ng buhay ko. Ang unfair talaga dahil sa sitwasyong mayroon kaming dalawa ni Sir Caleb ay parehas kaming may kasalanan, pero dahil mas mababa ako sa buhay ay nagmumukha na ako lamang ang nasa mali.“Diba ikaw si Aliyah? OMG! Kaya pala namumukhaan kita. I can't believe na makikita kita rito ngayon, what a disgustment!” bumalik sa realidad ang utak ko nang marinig ko ang sinabing iyon ng isang customer sa table five nang mailapag ko na ang dalawang mangkok ng lugaw na order nila. Nagtawanan sila ng kasama pa niyang babae kaya kusang nawala ang dugo sa mukha at namutla na lamang dala ng kahihiyan. Hindi ako nakapagsalita at yumuko na lamang para pagtakpan ang nararamdaman kong makikita sa aking mukha.“You really look so pathetic— awful disgrace. Snake! Wala ka dapat dito. Ang mga ahas na katulad mo ay dapat nasa kakahuyan para mabuhay.” rinig kong dagdag ng babae na mas lalong kinahina ng sistema ko sa mga sandaling ito. Nasasaktan man dahil naaapektuhan sa mga sinasabi nila ay nanatili akong tahimik at ginagawa ang trabaho kong pagsilbihan sila dahil customers sila ni Ma’am Lucy.Isa sa kabilin-bilinan ni Ma'am Lucy nang tanggapin niya ako rito ay huwag na huwag akong gagawa ng gulo, mag-eeskandalo, at papatol sa mga customer niya na tatangka bumatikos sa akin dito sa karenderia niya, labagin ko lang ng isang beses ay tatanggalin niya na agad ako sa trabaho. Kaya kahit ano pang lait na makuha ko mula sa mga customer ay minamabuti kong tumahimik at hayaan na lamang sila.Nakasanayan ko na lamang na hindi sumagot sa mga ito upang maiwasan ang kaguluhan. Takot akong mawalan ng trabaho ngayon, ito na lang kasi ang kaya kong trabahuin dahil si Ma'am Lucy lang ang nag-iisang employer naglakas loob na tumanggap sa akin. Isip kasi ng iba na masisira ko ang negosyo nila kapag naroon ako dahil nga sa negatibong imahe ko sa karamihan.“Liyah! Bumalik ka na nga lang sa kusina, marami nang tambak na hugasin doon. Kumilos ka na roon at baka kapag tumagal ka pa rito sa labas ay maubusan ako ng customers.” rinig ko muli ang puno ng inis na utos ni Madam sa akin nang higitin niya ang braso ko para ilayo sa table na iyon. Masakit man ang pagkakahawak sa akin ni Madam sa braso ko ay mas okay na ‘yon kaysa tumagal pa ako sa harap ng dalawang babae kanina. Nanatili lamang nakayuko ang ulo ko at tinahak na ang lababo sa kusina. Mas mabuti nga siguro kong dumito na lamang ako at maghugas ng mga pinggan at iba pang gamit dito sa kusina.Sa kalagitnaan ng paghuhugas ko ng mga pinggan at mga baso ay agad nagawi ang tingin ko sa orasan sa kusina na nakasabit sa dingding. Nakita kong alas kwatro na ng hapon, salamat sa Diyos at ilang oras na lang ay matatapos na ang shift ko sa trabaho ngayong araw at pwede na rin akong kumain sa wakas. Mula umaga kasi ay tinapay lamang ang laman ng tiyan ko kaya kumakalam na ito ngayon.Maliban sa gutom ko ay iniisip ko rin kung pupunta kaya si Sir Caleb mamaya sa bahay? Sana naman good mood siya para hindi na ako mahirapan makisama sa kaniya. Kung hindi ko pa nababanggit ay minsan nang umuwi siya ng lasing ay may nagawa akong hindi niya nagustuhan at nasaktan niya ako. Isa beses lamang nangyari iyon pero parang takot na ako tuwing uuwi siya ng lasing sa bahay. Mahirap siya pakisamahan kapag lasing, kaya ayoko siya uminom.Kaya kung uuwi siya tapos wala sa mood ay nag-aalala ako. Sobrang nakapapagod na kasi ang buong araw ko ngayon dito sa karenderia, kapag dumagdag pa si Sir Caleb ay malamang sobrang manghihina ang katawan ko. Kung malasin pa ay baka hindi ako makapasok sa trabaho kinabukasan. Huwag naman sana…***Pasado alas otso na nang magsara ang karinderya ni Ma'am Lucy. Heto ako ngayon at naglalakad na pauwi sa bahay, pero siyempre bago ako umuwi ay bibili muna ako sa isang convenience store ng makakain ko ngayong gabi. Walang stock ng pagkain sa bahay dahil nakapagtatakang hindi ako binigyan ni Sir Caleb ng groceries noong sabado. Kaya kailangan ko talaga magtipid araw-araw, malayo-layo pa kasi ang sweldo namin ngayong buwan.Sobra tuloy ako kung magtipid para sa kakainin at kakailanganin ko araw-araw. Dahil nga nagtitipid ay bumili lang ako ng dalawang instant noodles at isang lata ng meatloaf, aabot na ang mga ito hanggang bukas kaya makatitipid ako ng ilang halaga.Four-hundred fifty pesos ang sahod ko araw-araw, hindi minimum pero nakatitipid naman ako ng pamasahe dahil malalakad ko naman ang karinderia ni Madam sa loob ng twenty minutes. Kahit may kaliitan ay nakapag-iipon pa rin naman ako kahit papaano since hindi ako nagbabayad ng tubig at kuryente sa bahay dahil si Sir Caleb na ang sumasagot nun.Nang makapagbayad sa cashier ay agad na rin akong umalis para tuluyan na akong makauwi sa amin. Gutom na gutom na talaga kasi ako, ramdam ko na ang pagkulo ng sikmura ko. Mabuti nga ay may nakita akong isang pirasong biscuit sa bag ko kaya nakain ko ito panakip gutom kaninang tanghali. Sa karenderia kasi ay medyo mahal ang mga tinda namin, hindi ko kayang maisingit sa budget ko. Kaya tiis gutom talaga ako kapag walang pang-gastos.Hay buhay ko! Gusto ko na kumain at para makapagpahinga na rin agad. Ganito talaga ang araw-araw kong buhay, lagi akong pagod sa karenderia at uuwi ng gutom na gutom sa bahay. Apat lang kasi ang tauhan ni Ma'am Lucy sa negosyo niya. Kahit kasi masasabing isang tipikal na karenderia lamang ito ay tila ba isa na itong fast food chain gawa ng sikat na sikat ito.Malaki ang lugar ni Madam at marami siyang suking customer, kaya busy ang bawat araw namin. Wala na rin talaga akong oras mag-break time dahil ayokong maabutan ni Madam na nakaupo lang sa gilid at nagpapahinga para kumain. Malamang kasi ay magagalit ito sa akin at pupunahin na naman ako.“It's good that you're here. Shouldn't you be home by six?” nang marinig ko ang buo at malalim na boses ni Sir Caleb ay nagulat ako. Kabubukas ko lamang ng pinto at siya agad ang bumungad sa paningin ko. Nakaupo siya sa sofa na kalaunan din namang tumayo at tinapunan na ako ng nakapaghihina niyang tingin.Ewan ko pero dalang-dala ako ng mga mata niya. May kakaiba roon na kapag nakatingin sa akin ay pakiramdam ko hindi ako pwedeng gumawa ng mali. Mas lalo pang sumeryoso ang tingin niya sa akin nang ilang sandali akong hindi nakasagot dahil para awtomatikog huminto ang sistema ko nang matuon ko lamang sa kaniya ang akingmga mata.“P-pasensya na po. Late po kasi nag-sarado si Ma’am Lucy ng karenderia dahil sa dami pong dapat ayusin sa closing namin kaya ngayon lang po ako nakauwi, Sir C-caleb.” sumilay sa labi ko ang tipid, ngunit nag-aalangan na ngiti. Gayunpaman ay walang nagbago sa ekspresyon ng kaniyang mukha— lalo na sa mga mata niyang nanatili lang ang tingin sa akin.Sa hindi matukoy na dahilan ay nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa dibdib. Hangga't maaari kasi ay ayoko siyang galitin dahil nag-aalala na baka masaktan na naman niya ako. Ayokong makita siyang galit sa akin at nakagagawa ng mga bagay na sa tingin ko naman ay hindi niya gustong gawin. Kaya itong blangko niyang ekspresyon sa akin ay nagpapakaba ng todo sa dibdib ko.“M-may kailangan po ba kayo kaya po narito po kayo ngayon, Sir Caleb?” lakas loob kong tanong para lang maiba ang pakiramdam sa pagitan naming dalawa. Saka mukha kasing wala siyang balak magsalita, kaya ako na ang bumasag sa kakaibang katahimikan ngayon dito.“I am here to forbid you not to leave the house temporarily. My family is coming home to the country for a family reunion, so I want you not to show up to people— especially to the media. You are tarnishing our family’s name, so I order you to not leave the house until I tell you. Is that clear, Aliyah?” seryoso, pero pormal na sabi ni Sir Caleb sa akin na agad kong kinagulat. Nakaramdam ako agad ng pag-aalala para sa sarili at trabaho ko.Wala naman akong sapat na pagkain at pera rito para mag-imbak ng supply sa bahay habang wala akong trabaho. Isa pa— baka matanggal ako sa trabaho kapag hindi ako pumasok ng ilang linggo. Paano ako mabubuhay nito?“S-sir, wala po akong pagkain dito— wala po akong sapat na p-pera para sa pagkain— hindi ko po kaya mag-imbak ng makakain na sapat po sa araw na hindi ako lalabas, Sir Caleb.” saglit akong huminto sa pagsasalita ko dahil inaalala ko talaga ang trabaho kong maiiwan. Hindi ako pwedeng lumiban doon, magagalit si Ma’am Lucy.“B-baka m-mawalan din po ako ng trabaho, Sir. Kaya ko naman pong mag-ingat sa mga media, mag-iingat na lang po ako, S-sir Caleb. A-ayoko pong matanggal sa trabaho ko.” pag-amin ko sa bagay na bumabagabag sa akin. Nang makita ko ang nabubuong inis sa kaniyang mukha ay mas lalo lamang akong hindi napanatag. Kita ko kung paano mag-igting ang kaniyang panga kaya napaiwas ako ng tingin at napakagat na lamang sa aking labi para pigilan ang emosyong nararamdaman.Ayaw ko siyang magalit, pero heto at nagawa ko na.Mabilis kong naramdaman ang paghablot niya sa braso ko nang lapitan niya ako. Inilapit niya ako sa kaniya kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba sa dibdib, ramdam na ramdam ko na ngayon ang hininga niya sa akin kahit mas matangkad siya. Maging ang mabago at lalakeng-lalake niyang pabango ay pumupuno sa aking sistema ngayon. Pagod na pagod ako sa buong araw ngunit ngayon na malapit ako sa kaniya ay parang may kung ano sa sistema ko ang nabuhay; kahit galit siya ay para bang gusto ko na lamang na ganito kalapit sa kaniya.Maling-mali ito, Aliyah…“Are you disobeying me, Liyah? Sa tingin mo ba ay hindi ako nag-iisip para hindi ka bigyan ng pera at mga pagkain mo rito sa bahay? All I want you to do is to stay here until I come home to you— to this house.” alam ko na inis siya sa akin pero sa kabilang banda ay maingat lamang siya nang sabihin iyon na halos bulong na lang dahil sobrang lapit lang naman namin sa isa’t isa.“You are not allowed to show up to anyone while my family is here. They all know that I have you— that I have a mistress. But if you want to live longer you will follow what I want you to do. My father hates this thing about us, he can make your life more complicated as much as I can, Liyah! So stay here for a while. Understand?” may diin na sa kaniyang boses nang banggitin ito sa akin. Dahil alam ko naman sa sarili ko na totoo ang sinasabi niya sa akin ngayon ay napatango na lamang ako at iniwasan ang tingin sa kaniya.Natatakot ako sa maaaring gawin ng tatay niya sa akin kapag nagkita kami. Kung may takot ako kay Sir Caleb, paano pa kung dadagdag ang pamilya niya?“M-masususnod po, Sir.” iyon ang nasagot ko at yumuko na lang para muling kontrolin ang emosyon gamit ang pagkagat sa labi ko. Ilang segundong katahimikan lamang at naramdaman ko ang kamay niya sa aking baba. Maingat niyang inangat ang ulo ko para mapunta sa kaniya ang mga mata ko. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi na nag-resulta ng pamumula nito gawa ng hindi ko ito inasahan.Dahil nakatingin na ako sa kaniya ngayon ng buo ay malaya akong pagmasdan ng malapitan ang tila bang perpekto nitong mukha. Kahit seryoso ang mata niya habang tinitignan din ako ay hindi ko ito alintana dahil humahanga ako sa kaguwapuhan na kaniyang tinataglay. Walang duda na maraming humahanga sa kaniya mga babae… sana lang huwag na ako maging isa sa kanila. Masyado nang komplikado ang buhay ko para dagdagan pa ito ng nararamdaman ko.“Good. I don't want them to hurt you— I don’t even want them to touch you, Liyah. Kailangan pa kita…” mahina niyang banggit, ngunit ramdam ko pa rin ang awtoridad sa boses niya. Nang makita ko ang ngisi na sumilay sa labi niya ay lumuwag ang paghinga ko. Palatandaan iyon na hindi na siya galit sa nangyayari– sa akin.Ilang sandali pa ang lumipas at nanatili lamang kami na ganoon kalapit sa isa’t isa bago niya hagkan ang pisngi ko at lumayo na rin sa akin kalaunan. Hindi na ako nakapagsalita nang magpaalam na siya sa akin na aalis na. Narinig ko na lamang ang pagbukas-sara ng pintuan ng bahay. Nang maiwang mag-isa ay doon lang bumalik ang lahat sa sistema ko. Hindi ko inaasahan ang ginawa niyang paghalik sa pisngi ko, mukha namang hindi big deal sa kaniya ‘yon pero sa akin ay oo.Oo at may nangyari na sa amin, ngunit unang beses niya akong halikan sa pisngi bago siya magpaalam na aalis. Sa maliit na bagay na ginawa niya ay may kung anong nabuo sa dibdib ko. Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko habang hindi mawala sa pakiramdam ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking pisngi. Kahit alam ko na walang kahulugan ang lahat sa kaniya ay ganito pa rin kung mag-react ang sarili ko sa ginagawa niya. Kahit alam kong tingin lamang niya sa akin ay babaeng pampalipas lamang ng oras niya ay nandito pa rin ako at humahanga tuwing kasama ko siya.Bakit ba kasi ganito ako? Bakit ang dali-daling mahulog ng puso ko sa tao na alam ko namang hindi masusuklian ang binibigay kong pag-ibig kailan man.Sa lagay kong ito ay parang lahat na lamang ng bagay ay mataas. Kung hindi naman mataas, pakiramdam ko ay pinutulan ako ng paa para hindi ko magawang maabot ‘yon. Noong bata ako ay pangarap ko bumuo ng isang magandang pamilya kung saan may tatay at nanay ang mga anak ko. Gusto kong gawin ang mga bagay na hindi ko naranasan noon sa buhay, ngunit sa nangyayari sa akin sa edad na bente tres, parang nalalabuan na ako sa parteng iyon sa hinaharap ko.Sobrang unfair ng buhay sa akin, sa totoo lang. Kahit sa pagrereklamo nga ay parang wala pa akong karapatan. Hindi ko na talaga alam ang dapat sa hindi ko dapat gawin. Sana balang-araw ay maging maayos din ang lahat ng ito para maranasan ko naman maging masaya ng totoo.At sana, maging mahalaga rin sana ako sa ibang tao…ALIYAHAng malakas na pagtunog ng alarm clock sa tabing lamesa ng kamang kinahihigaan ko ang gumising sa akin ngayong umaga. Antok kong iminulat ang aking mga mata kasabay ng paghikap ko. Ilang segundo muna akong napatulala sa kisame bago ko maisipan na bumangon, pero isang mabigat na bagay ang agad kong naramdaman noong tangkain ko nang tumayo. Doon ko lang nakita ang braso na nakayakap sa may bandang baywang ko.Tila ba tuluyang nabuhay ang diwa ko nang makumpirma kung sino ang aking katabi sa mga sandaling ito, si Sir Caleb.Para akong ipinako sa pwesto habang nakatuon lamang ang tingin ko sa natutulog na si Sir Caleb sa tabi ko. Hindi magawang malihis ang tingin ko sa kaniya dahil aminado akong maganda sa mata ang perpekto niyang mukha na mahimbing ngayon ang tulog. Gawa ng higpit ng yakap niya sa aking katawan ay hindi ko na nagawang makatayo gaya ng plano ko sana kanina.Ang akala ko kasi ay umuwi na siya kagabi sa kanila dahil hindi naman niya sinabi kung saan siya pupunta noon
ALIYAHNang matapos ang pelikulang pinanonood ko sa malaking screen dito sa aming sala ay nagawa ko nang maunat ang aking katawan. Dahil sa matagal kong pag-upo ay parang nangalay ata ang nakatupi kong mga binti kanina. Wala na akong maisip na panoorin na susunod kaya inabot ko na lamang ang remote na nakapatong sa coffee table at pinatay na ang TV. Gawa ng wala na akong maisip na gawin ay malalim na lamang akong huminga at sumandal sa sofa na kinauupuan ko.Malapit na palang mag-alas tres ng tanghali, parang kanina lamang ay alas nuebe pa lang ng umaga. Tatlong pelikula na rin pala ang natapos ko, nag-enjoy naman ako sa ginawang panonood lang dahil hindi ko pa napapanood ang mga iyon noon. Sa hirap ng buhay na mayroon kami noon ng mama ko ay wala na akong oras makanood ng pelikula, kaya ngayon na narito lang ako sa bahay ay nagagawa ko na ang mga ito. Masaya rin pala mag-relax ng buong araw, e. Gayunpaman ay hindi pa rin talaga nawawala sa akin ang pagka-buryo kung minsan. Sanay kas
ALIYAHHindi ko na alam kung ilang kurot na ba ang nagagawa ko sa aking sarili bago magkaroon ng lakas ang loob kong lumapit at bumati na kay Ma'am Victoria. Ilang minuto na ata akong nag-susubok lapitan siya rito sa loob ng coffee shop na sinabi niya sa kaniyang text message kagabi. Maaga pa ng five minutes ang oras ngayon sa oras na ibinigay niya sa akin, pero dahil lumakas na ng kaunti ang loob kong lapitan siya ay ginawa ko na rin.Kasalukuyan siyang nakaupo sa upuang nakatalikod sa akin habang may ka-text sa kaniyang telepono, kaya nagkaroon pa ako ng sandaling huminga ng malalim bago ko ipaalam sa kaniya ang presensya kong narito na.“G-good morning po, Ma'am Victoria…”“Take the seat…” maikling sabi niya na agad kong sinunod. Katulad lamang ng alam kong itsura niya ay seryoso at sobrang pormal ng tingin ang mayroon siya sa akin ngayon. Nakasuot siya ng isang maganda bestida na binagayan ng nakapusod niyang buhok at kumikinang na mga alahas. Napaka-ganda niyang tunay.Ngayon ko
ALIYAHNagising ako ngayong umaga sa sikat ng araw na tumatagos sa kurtina ng bintana. Nakasarado ang glass window sapagkat naka-bukas ang aircon sa kuwarto, dito kasi ulit natulog si Sir Caleb kagabi kaya naka-bukas ito. Pansin ko na hindi sanay matulog si Sir Caleb na hindi malamig ang paligid kaya tuwing narito siya ay balot na balot ang katawan ko ng makapal na kumot dahil hindi pwedeng walang aircon sa kaniya. Mahina ang katawan ko sa mga lamig, buti na lang at palagi ko namang natitiis ang lamig tuwing kasama ko matulog dito si Sir Caleb.Kagabi pala ay hindi ko inaasahan na dito matutulog si Sir Caleb, ala una na kasi noong dumating siya. Nakatulog na ako at nagising lang dahil tinawagan niya ang telepono ko. Ang sabi niya ay tinatamad siyang umuwi sa mansyon ng pamilya niya dahil sumasama lang ang pakiramdam niya roon. Lasing pala siya kagabi, ngunit hindi naman gaano. Natulog lang din kami agad kasi parehas kaming antok na antok, ngayon namang pag-gising ko ay wala na siya sa
ALIYAHNahinto ang ginagawa kong pagpunas ng lamesa nang may marinig akong kumakatok sa pinto. Hindi ito malakas, pero sapat na para marinig ko. Kaaalis lamang ni Sir Caleb at katatapos ko lang kumain kaya naglilinis na ako ngayon ng hapag. Mabilis ang naging paglakad ko patungo sa pinto para pagbuksan ito, naisip ko kasi na baka si Sir Caleb ang kumakatok. Nagmamadali kasi siya kanina at may naiwan siyang folder sa coffee table namin, mukhang binalikan niya ito dahil ilang minuto palang naman siya nakaaalis.“Nasa coffee table po—” hindi ko na nagawa pang matapos ang bungad ko sanang sasabihin kay Sir Caleb nang pag-bukas ko ng pinto ay wala akong ni anino ng tao ang nakita roon. Malakas ang hangin sa labas at tirik na rin ang araw. Dahil pinuno ako ng pagtataka ay lumabas ako para suriin ang buo naming labas, wala talagang tao. Pero papaanong may narinig akong kumatok? Guni-guni lang ba ‘yon?Nakakatakot naman kung guni-guni nga, para kasing totoo ito sa akin kanina. Kahit mahina an
ALIYAHAntok pa ang diwa ko nang magawa kong maimulat ang aking mga mata sa umagang ito. Ramdam ko ang ginaw sa hubad na katawan dahil sa lamig na ibinubuga ng air-condition sa aming silid ni Sir Caleb. Dahil nag-iingay ang alarm clock sa buong silid ay mabilis ko itong kinuha para patayin, matapos niyon ay napunta na kay Sir Caleb ang atensyon ko. Natutulog pa siya at mukhang mahirap distorbuhin, maingat ko na lamang inalis ang kamay niyang nakapulot pa sa katawan ko dahil kailangan ko nang bumangon. Martes pa lang ngayon, may pasok pa ako sa karinderya. Ayaw ko mang bumangon dahil gusto ko pa manatili sa tabi ni Sir Caleb ay wala akong magawa. Magluluto pa ako ng almusal namin bago mali, e. Nang magawa kong makuha ang pantulog kong nagkalat sa sahig ng kuwarto ay sinuot ko na ulit ito, muli ay hindi na naman mawala sa aking labi ang isang ngiti. Lahat ng nangyari sa amin kagabi ay sobrang ganda lang paulit-ulitin sa utak ko, pinagluto niya ako ng hapunan, nanonood kami ng isang ma
ALIYAH Mabilis lumipas ang mga araw mula noong payagan ako ni Sir Caleb na sumama sa big event. Sa tatlong araw ay sobrang naging abala ang buong karinderya sa paghahanda, mabuti na lang talaga at nagawa naman namin ang lahat ng kailangan naming gawin para sa pagsisimula ng event ngayong araw. Sabado na, maaga ang call time namin sa trabaho kaya alas singko palang ng umaga ay nandito na kaagad ako. Mag-aalas siete na ng umaga, may sampung minuto na rin mula nang umalis kami sa karinderya. Nauna nang umalis sila Ma’am Lucy at dalawang pick-up truck na nirentahan niya para sa aming mga empleyado at para na rin lahat ng bagay na kakailanganin namin ay makarating ng maayos sa resort. Ang kaso nga lang ay puno ang dalawang sasakyan kaya wala na akong masakyan kanina. Plano ko na sana mag-commute na lamang papunta dahil tinuro na sa akin ni Madam ang dapat sakyan ko, buti na lang talaga at dumating si Sir Dominic sa karinderya kanina. Dadaan lang daw sana siya para tignan kung nakaalis n
CALEB “Answer the phone, Aliyah!” banggit ko sa aking telepono. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi mainis sa nangyayari. Nasa bahay pa lang ako kanina ay sobra na ang pag-aalala ko kay Aliyah, umalis siya nang hindi man lang nagsasabi sa akin. Maging ngayon na nandito na ako sa mansyon ay hindi ko pa rin matawagan ang telepono niya. Wala na nga sana akong balak pang dumalo sa meeting namin ng tatay ko sa mansyon kasama ang mga investors namin dahil sa pag-aalala ko ng sobra sa hindi pagsagot sa aking tawag ni Aliyah. Kahit ilang beses ko pang subukan siyang tawagan, ganoon pa rin ang nangyayari. Para na akong tanga mag-isa rito sa kuwarto ko dahil kanina pa ako galit na galit sa mga nagaganap. Ito ang kabilin-bilinan ko kay Aliyah na gawin niya, pero heto at hindi niya masagot ang mga tawag ko. Gusto ko mang mainis sa kaniya ay mas matimbang ang pag-aalalang nararamdaman ko. I shouldn't have let her come, I could just double the money that she will get from that event—
ALIYAH Mabigat ang naibuga kong hangin nang bumalik na ang isipan ko sa realidad. Kanina pa ako ganito na tila ba may kung ano sa dibdib ang hindi mapalagay, malayo-layo na rin ang nalakbay ng isipan ko mula noong makausap ko kaninang umaga si Tito Wilson. Matapos niyang sabihin sa akin na kilala niya ang tatay ko ay bigla na lamang may dumating na isang itim na sasakyan para sunduin siya. Umalis ito nang hindi man lang sinasabi ang buong detalyeng alam niya tungkol sa tatay ko. Gustuhin ko man siyang pigilan umalis kanina ay sobra ang damdamin kong hindi maipaliwanag kaya natulala na lamang ako roon. Natagpuan ko na lamang ang sasakyan niyang malayo na sa akin, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na tila ba nalalapit na ako sa pagkakataon na makilala ng personal ang tatay ko. Mula pa man noong una kong makita ang larawan ni Papa ay pinangarap ko na talagang makita’t makilala siya ng personal. Kahit walang plano si Mama gawin iyon para sa akin ay ‘yon ang isa sa
CALEB Mabilis lumipas ang mga oras at halos nakapikit na ang mga mata ko nang sa wakas ay narinig ko nang mag-bukas ang pinto. Gawa ng kanina ko pa hinihintay ang pagdating ni Aliyah ay mabilis akong napatayo sa pagkakaupo sa hagdan para salubungin siya. Hindi alintana sa aking sistema ang labis na antok dahil nandito na siya— ligtas siyang nakauwi sa akin ngayon. “C-caleb?” utal na banggit niya sa pangalan ko, bakas sa mga mata ang gulat na makita ako ngayon dito sa bahay. Halatang hindi niya inaasahan ang pagdating at paghihintay ko sa pag-uwi niya ngayong gabi, kaya imbes na sumagot agad sa kaniya ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ilang araw lamang kaming hindi nagsama ay sobra na ang lumbay na naramdaman ng dibdib ko, kaya ngayong nasa harap ko na siya ay wala akong ibang maisip kundi ang pasalamatan ang Diyos na ligtas niyang pinauwi rito sa bahay ang babaeng hindi na mawala sa isipan ko. Siya ang unang lumapit sa akin nang maibaba niya na sa couch ang bag niya, isang mahigpi
ALIYAH Gawa ng halo-halo kong nararamdaman sa gabing ito dahil sa magaganap na pagkikita namin ng mga magulang ni Dominic ay para bang hindi ko na napansin ang naging byahe namin papunta sa mansyon nila. Sa isang iglap ay naglalakad na kami ni Dominic sa maluwag at maganda nilang hardin patungo sa entrance ng malaki nilang mansyon. Sa gate pa lang nila ay sobra na akong humanga, sa ganda ng tirahan nilang ito na animo’y palasyo na sa laki ay hindi talaga maitatanggi ang yaman ng kanilang pamilya. “A-ang ganda naman ng mansyon niyo, Dominic.” komento ko nang marating na namin ang mala-ginto nilang main door, sa sinabi kong iyon ay narinig ko ang mahinang tawa ni Dominic. “Nakahihiyang pumasok sa loob, kaso nandito na ako, e!” “Get use to this house, Aliyah. Parte ka na rin ng bahay na ito dahil ikaw ang ina ng anak ko.” nakangiti si Dominic nang sabihin iyon sa akin pero ramdam ko na seryoso ang sinabi niyang iyon kaya nakaramdam ako ng hiya. Hindi pa rin talaga ako sanay sa set-up
CALEB “Thank you for taking care of it, Ms. Jonelle. Appreciated.” I thank the old lady on the phone who was my secretary for four days of work in Singapore since Saturday. “It’s been my pleasure, Mr. Walton.” Nang makapagpaalam na rin ako rito ay binaba ko na ang teleponong gamit at naupo sa gilid ng aking kama upang mai-pahinga ang katawan kahit saglit. I am currently at my parents' mansion since I had an urgent business meeting with my father a few hours after my plane landed this morning from Singapore. Ayaw ko mang manatili rito kasama sila ay wala akong magawa dahil may kikitain pa kaming investors mamayang alas singko ng hapon, masyado na akong pagod para umuwi muna sa bahay at bumalik na lang dito mamaya. Antok na rin ako ngayon kaya magpapahinga na muna ako habang may apat na oras pa bago muling umattend ng isang meeting. Mula Sabado ay puro meeting na ang nadadaluhan ko. Ilang araw akong wala sa tabi ni Aliyah kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit gusto ko nang
ALIYAHKatatapos lang ng misa na aking dinaluhan ngayong linggo nang maisipan kong hindi muna umuwi sa bahay agad dahil wala naman ngayon doon si Caleb. Kahapon pa siya umalispara sa isang business trip atbaka bukas o sa martes pa makababalik. Ilang araw palang ang lumilipas mula nang malaman ko ang pagdadalang tao ko, sa mga araw na iyon ay mas bumibigat ang pakiramdam ko sa mga nangyayari sa buhay ko. Noong biyernes ay nagawa kong itago kay Caleb ang nalaman ko noong araw na iyon, ngunit kahapon bago siya umalis ay sobra akong hindi mapalagay. Mas lalo akong umiibig sa kaniya kaya alam kong mas lalo ko siyang masasaktan kapag pinatagal ko pa ang paglilihim kong ito. Gusto kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko, ngunit sobra ang takot sa loob ko dahil alam ko naman agad ang magiging reaksiyon niya sa malalaman. Hindi niya ito matatanggap— Sino ba naman kasi ang makatatanggap sa sitwasyon na nabuntis ako ng lalakeng karibal niya sa negosyo, diba? Natatakot akong mawala
CALEB As usual, I left early at work to be home before Aliyah’s out from her work. I wanted to prepare for our dinner tonight, but as soon as I stepped into our living room, I already saw her bag laying on our couch. She’s already here, but since she’s nowhere to be found in the living room and kitchen, I immediately went upstairs to check on her in our room. There I saw her sleeping peacefully. Simula nang makapag-usap kami kagabi tungkol sa nabubuong pagtingin namin sa isa’t isa ay mas lalo ako naging interesado sa kaniya. Tunay na maganda ang mood ko buong araw, sa katunayan nga ay maging ang mga tao ko ay napansin ‘yon kanina. Kaninang umaga pa lang noong magising ako ay sobrang gaan na sa dibdib, para bang ngayon ko lang naramdaman ang saya na ito sa buo kong buhay. Kaya ngayon na nandito na ako ulit sa bahay at nakikita ko na siya ay mas lalo akong naging maligaya. Maingat lamang ang ginawa kong pag-upo sa gilid ng kama kung saan malaya kong pagmasdan ang kagandahan ng babaen
ALIYAH “Both your urine and blood tests are positive in pregnancy. You are pregnant, Ms. Morgan, congratulations!” anunsyo ng doktor na aking kaharap sa mga sandaling ito. Gising na naman ako pero tila ba nasa isang malabong panaginip pa rin ako ngayon, ni hindi ko magawang makurap ang mga mata ko habang ang tingin ay diretsa lamang sa papel na aking hawak. Buntis ako… Patuloy pa ring lumilipad ang aking isipan sa kung saan, ramdam ko na naman muli ang mga luhang nagbabadya na naman sa aking mga mata. Nakaupo man ako ngayon ay dama ko pa rin ang panlalambot ng aking buong katawan. Walang ni isang salita ang nagawang makalabas sa bibig ko— hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon lamang. Diyos ko, hindi ko po alam ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito… “The headaches, dizziness, and fatigue that you are experiencing in the last few days and weeks are just the result of your pregnancy. Didn't you notice your late period? Even the change in your mood every day is aff
JACOB “Ano ba Miss!? Simpleng bagay na nga lang hindi mo pa maintindihan.” saktong matapos ko ang paghihiwa ng sibuyas ay narinig ko ang malakas na boses ng isang lalake sa labas ng kusina. Dala ng kuryosidad sa nangyayari roon ay sumilip ako sa pintuan at nakita si Aliyah na pinupulot ang mga pagkaing nagkalat na sa sahig habang may lalake sa kaniyang harapan. “Bakit hindi ka makatingin ngayon, ha!? Mag-resign ka na lang sa trabaho mo ng hindi ka na maka-perwisyo pa ng mga customer dito. Palampa-lampa.” dahil sa nakikitang labis na galit ng lalake kay Aliyah ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pag-aalala para sa kaniya ngayon. Nakatalikod ito sa akin, pero kitang-kita ko mula rito sa kinaroroonan ko ang panginginig ng mga kamay niya habang patuloy lamang siya sa paglilinis ng mga nagkalat na pagkain sa lapag. Gawa ng eksena na nagaganap ay lahat ng customers namin na kumakain dito sa karinderya ay nasa kanila lamang ang tingin, maging si Rica na kahera namin ay napahinto sa
ALIYAH Sariwang hangin ang dumampi sa aking balat na siyang gumising sa aking natutulog na diwa. Bumungad sa aking mga mata ang mga punong isinasayaw ng hangin sa parke na aking kinaroroonan ngayon. Hindi ko napansin na nakaidlip na pala kanina habang nakatulala sa mga puno rito sa parke, mula nang maisipan kong takasan na lamang ang trabaho ko sa karinderya ay dito na ako dinala ng aking mga paa. Natuyo na ang mga luhang naglalandas kanina sa pisngi ko, gayunpaman ay narito pa rin sa aking damdamin ang sakit na gawa ng mga bagay na narinig ko mula kay Jacob at sa iba ko pang kasamahan sa trabaho. Hindi naman ganoon kadali mawala ‘yung epekto na naidulot niyon sa aking sistema, pero masasabi ko ngayon na mas maayos na ang aking pakiramdam kumpara kaninang umaga. Hindi na naman ako naluluha, e. Nakahihinga na rin ako ng maluwag sa tulong ng sariwang hangin dito sa parke. Buti na lang talaga at walang gaanong tao ang narito ngayon, kaya walang nakakita sa pagluha ko kanina— wala ring t