ALIYAH
Hindi ko na alam kung ilang kurot na ba ang nagagawa ko sa aking sarili bago magkaroon ng lakas ang loob kong lumapit at bumati na kay Ma'am Victoria. Ilang minuto na ata akong nag-susubok lapitan siya rito sa loob ng coffee shop na sinabi niya sa kaniyang text message kagabi. Maaga pa ng five minutes ang oras ngayon sa oras na ibinigay niya sa akin, pero dahil lumakas na ng kaunti ang loob kong lapitan siya ay ginawa ko na rin.
Kasalukuyan siyang nakaupo sa upuang nakatalikod sa akin habang may ka-text sa kaniyang telepono, kaya nagkaroon pa ako ng sandaling huminga ng malalim bago ko ipaalam sa kaniya ang presensya kong narito na.
“G-good morning po, Ma'am Victoria…”
“Take the seat…” maikling sabi niya na agad kong sinunod. Katulad lamang ng alam kong itsura niya ay seryoso at sobrang pormal ng tingin ang mayroon siya sa akin ngayon. Nakasuot siya ng isang maganda bestida na binagayan ng nakapusod niyang buhok at kumikinang na mga alahas. Napaka-ganda niyang tunay.
Ngayon ko na naramdaman ang kahihiyan sa aking sarili at kakapalan ng aking mukha. Hindi na dapat ako pumunta rito at nakipag-kita. Parang masyado atang malakas ang loob ko na kitain at kausapin ang asawa ni Sir Caleb ngayon.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa sa’yo. I actually don’t have time for you— for this. But I thought I should give you a chance. Kailangan mo nang magising sa kalandian mo sa asawa ko.” ramdam ko na ang diin sa boses ni Ma’am Victoria nang masabi niya iyon sa akin.
Hindi ako nakasagot dahil may kung ano sa aking dibdib ang nakaramdam ng kaba’t takot. Kung kinakabahan na ako kanina ay mas naging solido ang kaba sa sistema ko ngayon habang hindi alam kung ano ang dapat kong gawin sa mga sandaling ito na nakaupo ako sa harapan ni Ma’am Victoria. Matindi ang namumuong konsensya sa dibdib ko habang tinitignan siya sa mata.
Alam ko naman na ako ang mali sa aming dalawa. Siya ang legal na asawa ni Sir Caleb, at kahit sabihin kong wala kaming relasyon ng asawa niya ay alam ko sa aking sarili na may nangyayari sa aming dalawa na alam na alam kong hindi dapat. Kaya ngayon na kino-kompronta na ako ni Ma’am Victoria ay wala akong magawang masabi dahil ako ang mali sa sitwasyong ito. May karapatan siyang magalit sa akin, may karapatan siyang pag-salitaan ang ng masasama… kaya ngayon na nakararamdam ako ng kirot sa dibdib ay alam kong wala akong karapatan.
“You don’t need to say a word, Aliyah. Wala ka rin namang masasabi dahil sa ating dalawa ay ikaw ang walang karapatan pag-salitaan ako sapagkat ikaw ang kabet.”
Ramdam ko ang galit at matinding pagka-irita sa boses niya nang idugtong niya iyon. Hindi ko kinakaya ang masasamang tingin ni Ma’am Victoria ngayon sa akin kaya naiyuko ko na lamang ang aking ulo para pagtakpan ang emosyong pinipigilan ko. Nangingilid ang luha ko ngunit alam kong wala akong karapatan na umiyak dahil ako ang gumawa ng masama sa aming dalawa.
Kahit ano pa ang nabubuong damdamin ko para kay Sir Caleb ay alam kong mali ang lahat kahit saan titignan. Kahit hindi ko rin alam kung ano ba ang tunay kong nararamdaman sa sitwasyon namin ni Sir Caleb ay sobra pa rin ang pag-iisip ko kung bakit ba ako ginawang kabet nito. Ayos naman silang mag-asawa kung titignan, kaya tuwing hinuhulaan ko sa utak kung bakit ako pa ang pinili ni Sir Caleb kaysa sa asawa niya ay hindi ko talaga masagot. Kung hindi ako napunta kay Sir Caleb ay hindi sana ako nasa ganitong sitwasyon sa buhay ko— wala sana akong nararamdaman para sa kaniya na alam ko namang maling-mali.
Hindi sana ganito ka-komplikado ang buhay naming lahat.
Kasalanan ko rin naman, e. Kahit ilang beses ko pang ipagtanggol ang sarili ko sa pagiging kabet ay may parte naman talaga sa akin na gusto kong kasama si Sir Caleb. Sa lahat kasi ng taong nakasama ko sa buhay— na bilang lang din naman— ay siya lang ang nagpaparamdam sa akin na ligtas ako, na kahit papaano ay importante akong tao.
Kahit hindi siya palaging nagsasalita tuwing magkasama kami at kung minsan ay malamig pa ang ekspresyon ng mukha niya sa akin ay nararamdaman ko sa ginagawa niya na mahalaga ako kahit papaano sa kaniya. Kahit si Sir Caleb din naman ang gumawa ng komplikadong ito sa buhay ko ay siya lang din naman ang umaayos sa nararamdaman ko sa lahat. Kaya ngayon na narito ako sa harap ng asawa niya habang sinasalo ang mga salitang ibinabato niya sa akin ay guilty ako sa lahat. Ginusto ko ang lahat at dapat lamang akong mag-dusa. Binili ako ni Sir Caleb sa mama ko, hindi ko ginusto ang bagay na iyon at wala akong naging choice noong mga panahon ngayon kaya narito ako. Pero itong nabubuong damdamin ko kay Sir Caleb na hindi ko na matanggi sa sarili ko ay kasalanan ko na.
“Layuan mo na ang asawa ko…” diretso niyang sambit na kusang nagpa-angat sa mga mata ko para matignan siya. Seryoso ang mga mata at madiin ang paraan ng pagkasabi niya sa gusto niyang gawin ko.
Kung ganoon lang sana kadali gawin ang gusto niya ay gagawin ko kahit pa alam kong may nabubuo nang kakaibang damdamin sa dibdib ko para kay Sir Caleb. Alam kong mali,kaya handa akong gawin ang tama. Pero hindi rin naman ako makalalayo kay Sir Caleb dahil binili niya ako sa mama ko, natatakot ako na kapag tumakas ako ay magalit siya sa akin at kay mama i-ganti ang lahat. Hindi ko naman gugustuhing mangyari iyon. Mas mabuti pang maging kabet na lamang kaysa malagay sa alanganin ang mama ko.
“If you think you are worthy of his love, you are not. Wala ka namang ibang bitbit sa buhay niya kundi kamalasan, mahalaga ka lang sa kaniya ngayon dahil napa-pakinabangan ka pa niya sa bagay na hindi ko na ibinibigay sa kaniya. He’s just f*cking you. Sadyang nagpapadala ka lang sa kahibangan mo.” doon ko na naramdaman ang pag-tulo ng luha sa mga mata ko na kanina ko pa nararamdaman. Mabilis kong pinunasan iyon dahil alam kong wala akong karapatan. Kahit kanino tanungin at alam ang buhay ko ay ganoon din ang sasabihin.
Baka nga nahihibang lang ako…
“Isa pa, masyadong mong sinisira ang imahe ng pamilya ng asawa ko— pamilya namin. Sa tingin mo ba talaga gusto ka ni Caleb? Gusto lang talaga niyang sulitin ang milyon-milyong halagang nagastos niya sa katulad mong babae na ibinenta ng sarili niyang ina. Nakaaawa ka sa totoo lang. You are just a delusional girl, Aliyah.” sumilay ang nakalolokong ngiti sa labi niya nang masabi iyon sa akin. Sa ekspresyon na nakikita ko sa mukha niya ay alam kong pinag-tatawanan niya na ang buo kong pagkatao. Masakit man ay wala naman akong magagawa para roon, kailangan ko lang indahin ang lahat ng ito.
“Don’t be hurt, girl. I am just stating what is true in your life because you seems to be blind in our reality. It’s very sad, Aliyah.” muling naglandas sa pisngi ko ang mainit na likido dahil sobra na akong nasaktan sa narinig ko mula sa kaniya. Ramdam ko ang panlalamig ng buo kong katawan habang tila ba nanlalambot ang mga binti ko. Gusto ko na lamang umuwi.
“Kung gusto mo talagang patunayan sa lahat ng tao na inosente ka sa sitwasyong ito, ikaw na ang kusang lalayo sa kaniya. Hanggang maaga pa ang lahat ay gawin mo na ang alam mong tama’t nararapat.”
Ayoko mang idamay ang Diyos sa nangyayari sa mga sandaling ito sa buhay ko ay alam kong alam ng Diyos kung gaano ko kagustong itama ang lahat at malagay ang lahat sa maayos. Ayoko nang manatili sa magulong buhay kong ito at nais na lang din matapos ang komplikadong parteng ito sa buhay ko. Gayunpaman ay alam ko na alam din ng Diyos ang laman at sinisigaw ng puso ko. Hindi ko kayang gawin ang gustong gawin ko ni Ma’am Victoria.
“However, kahit ilang beses ko pang sabihin sa iyo ‘to kung ayaw mo naman ay wala na akong magagawa. At the end of the day, the choice is all yours, Aliyah. Sabagay, sino ba naman kasing kayang layuan ang nag-iisang Caleb Walton, diba? Mayaman, guwapo, tagapag-mana, at higit sa lahat makapangyarihang tao sa bansa. Consider yourself lucky for now, kasi kapag nag-sawa na sa’yo ang asawa ko ay babalik at babalik pa rin siya sa akin.” muling lumitaw ang ngisi sa labi niya nang sabihin iyon. Masakit marinig ang sinabi niya pero nagawa kong mapigilan ang luhang gustong-gustong magpatuloy sa paglabas sa mga mata ko.
“Oh, I almost forgot! Narinig ko ang pag-uusap nila Tito at ng mga tauhan niya tungkol sa 'yo. They are planning something interesting about you, girl. Well, hindi na ako magsasalita tungkol sa mga narinig ko. But believe me, Aliyah… You will love that.” saglit siyang huminto at mahinang tumawa.
“Kung ako talaga sa 'yo ay lilinisin ko na ang mga ginawa kong kalat sa nakaraan para hindi na ako mapahamak pa sa kasalukuyan. Masyado kasing delikado para sa mga ahas na katulad mo ang mapag-isa.” tunay ang kaba na mabilis umakyat sa akin nang marinig ang sinabi niya. Para na akong naging yelo dahil sa lamig na aking nararamdaman dala ng kaba ko, idagdag pa ang matalim na tingin na ibinibigay niya sa akin ngayon.
Hindi ko alam kung dapat ba ako magtiwala sa sinabi niya o isa lang ito sa mga bagay na gusto niyang isipin ko para takutin ako. Hindi ko na alam…
Tumayo na siya sa kinauupuan at kinuha ang kaniyang bag na nakapatong sa gilid ng lamesa. May kinuha siya roon at pagkatapos ay nilapag na lamang sa aking harapan. Kita ko ang isang kumpol ng pera sa harap ko, dahil nabigla ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin doon.
“I need to go now, bestie. Just take the money as my tip for you, isa ka na rin kasing bayaran sa aking mata, e.” iyon ang huli niyang sinabi at nag-martsa na palabas. Naiwan akong mag-isa sa isang coffee shop na abal ang lahat. Hindi ko gustong kunin ang perang nasa harapan ko ngunit natatakot ako na may makakita sa akin na ibang tao kaya itinago ko na lamang iyon kaagad sa bag ko dala.
Apak na apak ang pagkatao ko at sirang-sira na ako sa isip ni Ma’am Victoria ngayon. Nasasaktan man ay alam kong deserve ko kung ano man ang nangyari sa akin ngayong araw. Wala akong karapatang magalit dahil hinayaan ko naman ang sitwasyong ito na lamunin ang buhay ko, e. Kung may sisisihin ako ay iyon ang sarili ko— ginusto ko ang lahat ng ito. Kasalanan ko ang lahat sa buhay ko kaya wala akong karapatang masaktan.
***
“Where have you been, Aliyah!?” galit ang boses ni Sir Caleb nang ibungad niya sa akin iyon nang makapasok ako sa bahay. Hindi na ako umiiyak dahil nagpalipas ako ng buong tanghali sa parke malapit dito sa amin. Hindi ko rin naman alam na nandito siya sa bahay ngayon kaya hindi ako nag-madaling umuwi.
“I’m sorry po, Sir Caleb.” paumanhin ko at nanatiling nakayuko. Baka kasi halata pa sa mata ko ang pinanggalingan ko pag-iyak kanina sa park, e. Ayoko nang mag-paliwanag pa sa kanit kanina sa araw na ito. Sobrang naubos ang lakas ko dahil sa mga nangyari kaninang umaga.
“I don’t want you to apologize, Liyah. I am asking you where have you been? You are not even answering my calls. Wala pa naman akong sinasabi na pwede ka nang lumabas kaya nag-aalala ako.” galit man ay ramdam ko na totoo ngang nag-aalala siya sa akin. Dahil sa bigat na nararamdaman ng dibdib ay umangat ang tingin ko sa kaniya at bahagyang napatango.
“Sa p-park lang p—”
“Hey, are you okay? Did you cry? What happened to you, Liyah?” puno ng pag-aalala ang boses niya at marahan ang hinawakan sa braso upang maabot niya ang pisngi ko na sa tingin ko ay namumula na ngayon.
Ano ba ‘tong ginagawa mo sa akin, Sir Caleb? Bakit ka ba ganito sa damdamin ko?
Hindi ko kayang sumagot dahil gusto ko nang pigilan ang nararamdamang nabubuo ko na para sa kaniya. Mali ‘to— walang tama sa sitwasyong mayroon kami.
“Answer my questions, Aliyah! Anong nangyari sa ‘yo sa labas?” tumaas ang boses niya ngunit nanatili roon ang pag-aalala. Nanatili ang mga mata niya sa akin habang ang mata ko ay nagsimula na namang umiyak. Ilang minuto kaming nalagay sa tahimik habang pinupunasan ng kamay niya ang mga luha ko, hinahayaan lamang niya akong umiyak ngayon habang nakatingin lang kami sa isa’t isa.
“I’m here, Liyah. Just tell me everything you feel…” mahina na ang boses niya kaya gumaan ang nararamdaman kong bigat sa dibdib. Dala ng labis-labis na sakit, takot, at konsensya na pumupuno sa puso’t isip ko ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko na yumakap na lamang sa kaniya. Alam kong hindi niya inaasahan ang ginawa ko dahil hindi ko rin naman inaasahan ito, sa mga oras lang talagang ganito sa buhay ko ay gusto ko man lang maranasan na may kasama ako.
“Just tell me when you are ready." mahina nitong banggit at maingat sinagot ang yakap ko. Hindi ako nag-salita at hinayaan lamang ang sarili kong umiyak, hindi rin naman kasi alam ang sasabihin ko kay Sir Caleb. Hindi niya alam na nakipagkita ako sa asawa niya kaninang umaga, hindi ko alam kung magagalit ba siya sa akin o hindi.
“Aliyah…” muli ay umangat sa kaniya ang tingin ko nang banggitin niya ang aking pangalan. Malamyos lamang iyon na tila ba pinapagaan lamang niya ang pakiramdam ko.
“I’m sorry about yesterday.” napahinto ako sa narinig ko. Ngayon ko lang narinig mag-sorry sa isang bagay si Sir Caleb. Wala na akong pakialam kung ano pa ang dahilan niya sa pag-hingi sa akin ng paumanhin, basta masaya ako sa aking narinig sa kaniya. Sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ko ngayong araw ay ito ata ang pinaka-maganda, simple lang naman kasi ang gusto ko sa aking buhay, e. Kaya sa simpleng pag-hingi ng kapatawaran ni Sir Caleb sa bagay na hindi naman talaga niya kasalanan ay labis kong kinatuwa.
Kung ganito lang sana kasimple ang buhay naming dalawa ay sana hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon. Natatakot kasi ako na baka masanay ako sa ganitong Sir Caleb at makalimutan ko na kung ano lang ba talaga ako dapat sa buhay niya. Ayoko nang masaktan.
***
VICTORIA
“Stop drinking, Babe. Masyado ka nang maraming nainom ngayong gabi, it’s late. Do you really want your husband to rush me here just to tell me that I don't even take care of you?” Even though I was dizzy from the alcohol I consumed, Dominic's voice was still clear to me as he stopped my attempt to finish my drink from my glass.
Dahil sa sinabi niya sa akin ay natawa ako, as if my husband still cares about me. Mula nang dumating ang walang kuwenta na si Aliyah sa buhay namin ay mas lalong nawala sa akin ang asawa ko. I still cannot believe that Caleb defended her in front of Tito Christian yesterday. Ni isang beses ay hindi niya ginawa sa akin ang bagay na iyon, kaya tuwing naiisip ko ay mas lalo akong naiirita kay Aliyah.
Mula kaninang umaga na kinausap ko siya ay hindi na nawala sa sarili ko ang pagka-irita sa pagkatao niya. Wala akong makitang espesyal sa babaeng iyon kaya hindi ko maintindihan si Caleb kung bakit ba tila ayaw niya talaga mawala sa buhay niya ang bayarang babaeng ‘yon. I know him, ako lang ang nagpatino sa kaniya noon. He used to be a playboy back in our college days, kaya alam ko na gusto lamang niya ang babaeng ‘yon dahil ito ang nagiging parausan niya.
Matagal nang walang nangyayari sa aming dalawa, at kahit kung ano pa ang sabihin niya sa akin ay hindi pa rin niya makalimutan kung paano siya nabaliw sa akin noon. Sadyang hindi lang niya matanggap naipinagpalit ko siya kay Dominic noon. Isang landi ko lang ulit kay Caleb ay babalik ulit siya sa akin, pang-palipas lamang ng oras ng asawa ko ang kabet niyang ‘yon.
“I hate that b*tch! Nakaiinis ang pagmumukha niya! Ang kapal-kapal niyang umiyak sa harap ko, siya naman ang umaagaw sa asawa ko. Letche!” galit kong bulalas nang hindi ko na makimkim ang sarili ko. Kilala na ni Dominic ang babaeng ‘yon, sa ilang buwan ba namang sikat ang pangalan niya sa lahat ay imposibleng hindi pa siya kilala ng karamihang tao sa bansa. Snake! She deserves all the hate people are throwing against her.
I just can't really believe na sa katulad niyang babae magpapalipas ng oras ang asawa ko habang nagkakalabuan kaming dalawa sa relasyon namin. pipitchuging gold digger ako ipinagpalit ni Caleb! Ano ba ang nakita ng asawa ko sa babaeng iyon at binili pa niya talaga ng sampung milyong piso ang isang ‘yon? Caleb is truly losing his mind since I cheated on him, huh?
Mula nang malaman niyang may nangyari sa amin ni Dominic noon dalawang buwan matapos naming maikasal ay nagloko na rin siya sa akin. Kung ano man ang nangyari sa amin ni Dominic ay hindi ko sinasadya, it was our high school reunion. Nalasing ako at nagising na lang na katabi ko na ang ex kong si Dominic, ilang buwan kong naitago iyon kay Caleb.
But Caleb is too powerful and smart to be played, he found out about that and all of a sudden, he lost his feelings for me immediately. Ngunit hindi ako sang-ayon doon, I can still feel his love towards me. Sadyang mataas lamang ang pride niya katulad ng tatay niya.
Nagsimula siyang mambabae halos gabi-gabi para lamang gantihan ako, dahil doon ay wala akong magawa kundi umiyak nang umiyak noon. Then, Dominic came again into the picture. Mula noon ay nagkaroon na kami ng relasyong dalawa, pero kung ako ang tatanungin ay si Caleb pa rin talaga ang pipiliin ko. Kaya masaya akong hindi pa rin kami naghihiwalay kahit na inuubos niya halos lahat ng oras niya sa babae niyang ‘yon. So, even if he doesn't say it, I know I'm still the only one in his heart and everything is all an act.
“Hayaan mo na ang dalawang ‘yon. Mukha namang masaya sila sa isa’t isa—”
“No, they are not, Dominic. That girl is messing my head and I hate her for that. I f*cking hate that Aliyah.” buo ang galit ko nang masabi ko iyon, maging ang hawak ko sa baso ay humigpit dahil sa nararamaman kong inis sa kaniya.
“What’s your plan for that girl?” simpleng tanong niya at ininom ang alak sa kaniyang baso.
“I have tons of plans for Aliyah… I just want to pick the best one for now.” sumilay muli sa akin ang nakalolokong ngiti.
“I want her to be out of our lives. At kung hindi niya gagawin ‘yon ay ako ang gagawa para sa kaniya.” dagdag ko habang iniisip ang maaari kong i-ganti sa kaniya sa pang-aagaw niya sa asawa ko. Gaya ng aking sinabi ay kailangan ko pang mag-isip, wala pang solido’t magandang ideya ang pumapasok sa utak sa ko ngayon.
Kung may magagawa ka lang sana Dominic para magkaroon ka man lang ng pakinabang sa buhay ko...
Binawi ko na kay Dominic ang basong inagaw niya sa akin at nag-salin ng bagong alak. Nang magawi sa kaniya ang mata ko ay agad akong napangiti, mukhang may naisip na akong maganda.
“I think I need you right now, baby…” mapang-akit kong bulong kay Dominic nang mapunta ang kamay ko sa kaniya. Nang makita niya ang namumuong init sa mga mata ko ay wala na siyang sinayang pang oras at sinunggaban na ako ng halik.
That's right, baby... I need you for this.
***
ALIYAH
“Jacob! Bakit maraming tao sa opisina ni Madam?” usisa kong tanong habang tinatanaw ang opisina ni Madam. Kalalabas ko lang kasi galing locker room, nagbihis lang ako dahil natapunan ako ng tuyo ni Jelly kanina, tapos heto na— dumami ang tao sa karenderia pero mukha namang hindi mga customer.
Base sa nakikita kong maayos na uniporme ng mga lalake ay mukha silang mga bodyguard ng isang artista— o baka ng isang politician. Ganoon ang dating nilang lahat ngayon. Ano kayang mayroon?
“Ayun na nga, big time tayo ngayon, Liyah! May kumuha kasi sa ating kumpanya bilang isang catering service nila. Mukhang magdaraos sila ng isang company party kaya kailangan nila ng catering service.” halata sa boses ni Jacob ang matinding excitement kaya nang mapagtanto ko ang sinabi niya ay maging ako ay nasabik na rin bigla.
Wow! Magandang balita nga ‘yon. For sure ay malaking bonus ito sa amin kapag naging successful.
“At hindi lang basta-bastang kumpanya ang tinutukoy ko. Ito lang naman ang puma-pangalawang kumpanya na nangunguna sa bansa natin. Alammo ba ang Black Corporation? Sila ‘yon. Idagdag pa na narito mismo ang CEO ng korporasyong iyon, Liyah! Grabe, na-starstruck nga ako kanina. Si Mr. Black ang dahilan kaya maraming bodyguards ang nandito ngayon, mukhang pinag-uusapan nila ang magiging plano sa catering service natin sa office ni Ma’am Lucy.”
Sa ligaya pa lang sa boses ng kaibigan kong si Jacob habang nagku-kwento siya ay dalang-dala na ako. Kapag naging successful talaga ito sa amin ay grabe ang promotion ng business ni Ma’am Lucy sa catering service stage. Tiyak na maraming makakikilala sa karenderia at dadami pa ang suki namin.
“Aliyah!” nahinto ako sa pagpupunas ng mga basang baso sa lamesa nang marinig ko ang ginawang pagtawag ni Madam sa pangalan ko. Nakita ko siyang nasa pintuan ng opisina niya kaya mabilis akong napakilos at nagtungo roon. Nahihiya man dahil ang daming bodyguard ang nakatingin sa akin na tila ba inoobserbahan ang kilos ko ay nilakasan ko na lamang ang loob ko, baka kasi magalit na naman si Ma’am Lucy kapag mabagal ang kilos ko.
Napalunok muna ako ng laway bago ako tuluyang pumasok sa loob ng opisina niya. Pagkapasok ko pa lamang ay sinalubong na ako ng isang napakabango, ngunit matapang na pabango ng isang lalake. Amoy pa lang ay pang-mayaman na, kahit matapang ay hindi naman masakit sa ilong. Ganitong-ganito si Sir Caleb kapag nagpapabango sa bahay, e. Kumakalat ang amoy niya gawa ng air-conditioned na kuwarto na para nang air freshener.
“Bilisan mo nga rito, Aliyah!” mabilis akong napakurap nang marinig ko muli ang boses ni Madam. Nang magising ako sa realidad ay doon na muling nagsimula ang kaba sa dibdib ko habang iniinda ang pares ng tingin ng isang napaka-gwapong lalake na ngayon ko lamang nakita. Siya na ba si Mr. Black na sinasabi ni Jacob? Grabe, oo nga! Starstruck din ako sa aura na mayroon siya ngayon. Para siyang artista at sobrang professional niya rin tignan.
“M-madam...” utal kong banggit at bahagyang yumuko bilang pag-galang sa kanilang dalawa. Sila lang ang narito bukod sa akin dahil niwan lamang sa labas ang mga bodyguard ni Mr. Black.
“So, Aliyah, ikaw ang aasahan kong pumunta sa opisina ni Mr. Black kapag nabuo niya na ang kaniyang pinal na desisyon sa mga magiging plano niya sa event na ipagkakaloob niya sa catering service natin. Sa ngayon kasi ay hindi pa nila alam ang magiging takbo ng event kaya kailangan pumunta ka bilang representative ng negosyo ko. Naiintindihan mo ba ako, Aliyah?” pormal ang pagkasabi ni Madam sa akin ng bagay na iyon. Gulat man dahil hindi ko inaasahan ang pagtitiwala niya sa akin sa bagay na ito ay mabilis akong tumango ng nakangiti.
Nagagalak ako ng sobra dahil sa unang pagkakataon ay pinagkatiwalaan ako ni Madam sa ganitong kalseng oppurtunidad. Challenging subalit sobrang saya.
“N-nauunawaan ko po, Madam. Maraming salamat po!” masaya kong pasasalamat na kinatango lamang niya. Nang pumunta ang tingin niya kay Mr. Black ay napunta rin doon ang tingin ko. Tumayo na siya sa pagkaupo niya sa upuan at binigyan ulit ako ng isa pang tingin.
“Here, take this. This is my business card. My secretary will just give you a call when I already made my final thoughts about the event.” kalmado pero pormal na banggit nito sa akin nang ilahad niya sa harap ko ang kaniyang business card. Kinakabahan man gawa ng overwhelming feeling na dulot ng bagay na ito sa sistema ko ay masaya kong tinanggap ang business card ni Mr. Black.
Nagpasalamat ako rito at ngumiti, tumango lamang siya at binigyan ako ng kakaibang tingin na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko lang iyon binigyang pansin at binigay na kay Ma’am Lucy ang atensyon ko.
“Thank you so much for the time, Sir Black! Pangako at hinding-hindi po namin kayo bibiguin sa event na ito.” salita ni Madam. May ilang bagay lang na hinabol pa si Mr. Black kay Madam bago sila mag-paalam sa isa’t isa habang ako ay tahimik lamang nakamasid. Hinatid ni Madam ang mga panauhin sa labas kaya sumunod lang ako. Nang mawala na si Mr. Black at mga bodyguard niya ay sa akin na napunta ang tingin ni Ma’am Lucy.
"Ikaw! Sa iyo ko ipinagkatiwala ito dahil alam kong kakayanin mo. Kaya pagbutihan mo ang trabaho mo ngayon, naiintindihan mo? Huwag mo akong bibiguin dito. Sobra pa sa big time ang oportunidad na ito para sa Lucien Kitchen. Maging propesyunal ka, Aliyah. Maliwanag?" pormal na salita niya na mabilis kong kinatango.
"Maliwanag po, Madam! Huwag po kayong mag-alala dahil pagbubutihan ko po talaga ang trabahong ito!" maligaya at magalang kong sagot. Wala na siyang sinabi pa sa akin at tumango na lamang ulit bago bumalik sa loob ng karenderia.
Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala. Pakiramdam ko ay tadhanang nakilala ko si Mr. Black ngayong araw. Dahil kasi sa kaniya ay pinagkatiwalaan na ako ng amo ko sa trabaho. Nakatutuwa talaga! Hindi ko tuloy maaalis sa mukha ko ang ngiti.
ALIYAHNagising ako ngayong umaga sa sikat ng araw na tumatagos sa kurtina ng bintana. Nakasarado ang glass window sapagkat naka-bukas ang aircon sa kuwarto, dito kasi ulit natulog si Sir Caleb kagabi kaya naka-bukas ito. Pansin ko na hindi sanay matulog si Sir Caleb na hindi malamig ang paligid kaya tuwing narito siya ay balot na balot ang katawan ko ng makapal na kumot dahil hindi pwedeng walang aircon sa kaniya. Mahina ang katawan ko sa mga lamig, buti na lang at palagi ko namang natitiis ang lamig tuwing kasama ko matulog dito si Sir Caleb.Kagabi pala ay hindi ko inaasahan na dito matutulog si Sir Caleb, ala una na kasi noong dumating siya. Nakatulog na ako at nagising lang dahil tinawagan niya ang telepono ko. Ang sabi niya ay tinatamad siyang umuwi sa mansyon ng pamilya niya dahil sumasama lang ang pakiramdam niya roon. Lasing pala siya kagabi, ngunit hindi naman gaano. Natulog lang din kami agad kasi parehas kaming antok na antok, ngayon namang pag-gising ko ay wala na siya sa
ALIYAHNahinto ang ginagawa kong pagpunas ng lamesa nang may marinig akong kumakatok sa pinto. Hindi ito malakas, pero sapat na para marinig ko. Kaaalis lamang ni Sir Caleb at katatapos ko lang kumain kaya naglilinis na ako ngayon ng hapag. Mabilis ang naging paglakad ko patungo sa pinto para pagbuksan ito, naisip ko kasi na baka si Sir Caleb ang kumakatok. Nagmamadali kasi siya kanina at may naiwan siyang folder sa coffee table namin, mukhang binalikan niya ito dahil ilang minuto palang naman siya nakaaalis.“Nasa coffee table po—” hindi ko na nagawa pang matapos ang bungad ko sanang sasabihin kay Sir Caleb nang pag-bukas ko ng pinto ay wala akong ni anino ng tao ang nakita roon. Malakas ang hangin sa labas at tirik na rin ang araw. Dahil pinuno ako ng pagtataka ay lumabas ako para suriin ang buo naming labas, wala talagang tao. Pero papaanong may narinig akong kumatok? Guni-guni lang ba ‘yon?Nakakatakot naman kung guni-guni nga, para kasing totoo ito sa akin kanina. Kahit mahina an
ALIYAHAntok pa ang diwa ko nang magawa kong maimulat ang aking mga mata sa umagang ito. Ramdam ko ang ginaw sa hubad na katawan dahil sa lamig na ibinubuga ng air-condition sa aming silid ni Sir Caleb. Dahil nag-iingay ang alarm clock sa buong silid ay mabilis ko itong kinuha para patayin, matapos niyon ay napunta na kay Sir Caleb ang atensyon ko. Natutulog pa siya at mukhang mahirap distorbuhin, maingat ko na lamang inalis ang kamay niyang nakapulot pa sa katawan ko dahil kailangan ko nang bumangon. Martes pa lang ngayon, may pasok pa ako sa karinderya. Ayaw ko mang bumangon dahil gusto ko pa manatili sa tabi ni Sir Caleb ay wala akong magawa. Magluluto pa ako ng almusal namin bago mali, e. Nang magawa kong makuha ang pantulog kong nagkalat sa sahig ng kuwarto ay sinuot ko na ulit ito, muli ay hindi na naman mawala sa aking labi ang isang ngiti. Lahat ng nangyari sa amin kagabi ay sobrang ganda lang paulit-ulitin sa utak ko, pinagluto niya ako ng hapunan, nanonood kami ng isang ma
ALIYAH Mabilis lumipas ang mga araw mula noong payagan ako ni Sir Caleb na sumama sa big event. Sa tatlong araw ay sobrang naging abala ang buong karinderya sa paghahanda, mabuti na lang talaga at nagawa naman namin ang lahat ng kailangan naming gawin para sa pagsisimula ng event ngayong araw. Sabado na, maaga ang call time namin sa trabaho kaya alas singko palang ng umaga ay nandito na kaagad ako. Mag-aalas siete na ng umaga, may sampung minuto na rin mula nang umalis kami sa karinderya. Nauna nang umalis sila Ma’am Lucy at dalawang pick-up truck na nirentahan niya para sa aming mga empleyado at para na rin lahat ng bagay na kakailanganin namin ay makarating ng maayos sa resort. Ang kaso nga lang ay puno ang dalawang sasakyan kaya wala na akong masakyan kanina. Plano ko na sana mag-commute na lamang papunta dahil tinuro na sa akin ni Madam ang dapat sakyan ko, buti na lang talaga at dumating si Sir Dominic sa karinderya kanina. Dadaan lang daw sana siya para tignan kung nakaalis n
CALEB “Answer the phone, Aliyah!” banggit ko sa aking telepono. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi mainis sa nangyayari. Nasa bahay pa lang ako kanina ay sobra na ang pag-aalala ko kay Aliyah, umalis siya nang hindi man lang nagsasabi sa akin. Maging ngayon na nandito na ako sa mansyon ay hindi ko pa rin matawagan ang telepono niya. Wala na nga sana akong balak pang dumalo sa meeting namin ng tatay ko sa mansyon kasama ang mga investors namin dahil sa pag-aalala ko ng sobra sa hindi pagsagot sa aking tawag ni Aliyah. Kahit ilang beses ko pang subukan siyang tawagan, ganoon pa rin ang nangyayari. Para na akong tanga mag-isa rito sa kuwarto ko dahil kanina pa ako galit na galit sa mga nagaganap. Ito ang kabilin-bilinan ko kay Aliyah na gawin niya, pero heto at hindi niya masagot ang mga tawag ko. Gusto ko mang mainis sa kaniya ay mas matimbang ang pag-aalalang nararamdaman ko. I shouldn't have let her come, I could just double the money that she will get from that event—
ALIYAH Ala una ng umaga nang naalimpungatan ako sa aking pagtulog. Patay na ang lahat ng ilaw sa kuwarto at tanging sinag lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa buong silid. Dahil hindi ako makabalik sa tulog kong naputol ay bumangon muna ako sa kama, nakita kong mahimbing na ang tulog nila Lebby. Tahimik na rin ang labas kumpara noong makatulog ako ng 11:30 kanina, mukhang tapos na ang inuman at kasiyahan sa ibaba. Dahil tahimik ang buong silid ay naisipan kong lumabas muna sa balkonahe at doon ulit magpa-antok, naupo ako sa isang silya roon at tumanaw sa malawak na kapaligiran na makikita sa pwesto kong ito. Napakaganda ng langit sa gabing ito, maliwanag at buong-buo ang buwan, maging ang mga bituin ay sobrang dami ngayon. Ang ganitong tanawin ay tunay na nagpapagaan sa aking damdamin. Napakagandang pagmasdan ang lahat ng ito gamit ang mga mata ko. Sobrang payapa ng gabi… ganitong kapayapaan ang ninanais ko palagi sa aking buhay. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang ata naga
ALIYAH Ramdam ko ang lamig ng tubig sa paa ko nang malublob ko na ang mga paa ko sa tubig, nandito ako ngayon sa gilid ng swimming pool. Walang tao ngayon dito dahil ang lahat ay nasa open field ng resort, may nagaganap kasi roong physical activities para sa mga empleyado ng Black Corporation. Ang mga katrabaho ko naman ay abala na sa kusina para sa paghahanda ng hapunan mamaya. “Aliyah…” umangat agad ang paningin ko nang marinig ko ang boses ng parating na si Jacob. Dahil ayaw kong makita niya akong lumuluha ay mabilis kong pinunasan ang mga luhang kumawala na sa aking mata. “Anong nangyari, Aliyah? Bakit na-suspend ka raw sa trabaho?” bakas sa boses ng kaibigan ko ang pag-aalala kaya mapait akong napangiti sa kaniya. “Huwag mo nang i-isipin ‘yon, Jacob…” mahina kong salita na kinasama ng tingin niya sa akin. Hindi ko gustong i-kwento sa kaniya kung ano ang nangyari kaninang umaga sa kuwarto ni Sir Dominic, ang gusto ko na lang ay ang makalimutan na iyon ng tuluyan. “Akala ko ba
CALEB“Salamat naman at naisipan mo nang bumaba, anak.” The moment I took the last step of our stairs, I heard my mother’s voice. She was sitting in the middle of our couch in the living room while busy on her phone. “Tuwing uuwi ka rito sa mansyon ay parang ang kuwarto mo lang ang mayroon sa bahay na ‘to, Caleb.”“You know the reason, Mom.” maikli kong sagot.“Kumain ka na ba? May pinatabi akong pagkain sa mga maids kanina para kung gutom ka ay may makakain ka pa.” banggit ni Mom. Kakaiba pa rin talaga sa akin tuwing naririnig kong nagsasalita ang ina ko na tila ba inaalala niya ako. “Niyaya ka naming sumabay sa hapag, pero ayaw mo.”I only once heard my mother asking me to eat with them at the table. If I had been used to this kind of family when I was young, I would not have refused to have dinner with them as I got older.Hindi ako galit ngayon, naninibago lang sa kanilang lahat— maliban kay Victoria na hindi na naman dapat miyembro ng pamilyang ito.“I’m not hungry.” sagot ko na
ALIYAH Mabigat ang naibuga kong hangin nang bumalik na ang isipan ko sa realidad. Kanina pa ako ganito na tila ba may kung ano sa dibdib ang hindi mapalagay, malayo-layo na rin ang nalakbay ng isipan ko mula noong makausap ko kaninang umaga si Tito Wilson. Matapos niyang sabihin sa akin na kilala niya ang tatay ko ay bigla na lamang may dumating na isang itim na sasakyan para sunduin siya. Umalis ito nang hindi man lang sinasabi ang buong detalyeng alam niya tungkol sa tatay ko. Gustuhin ko man siyang pigilan umalis kanina ay sobra ang damdamin kong hindi maipaliwanag kaya natulala na lamang ako roon. Natagpuan ko na lamang ang sasakyan niyang malayo na sa akin, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na tila ba nalalapit na ako sa pagkakataon na makilala ng personal ang tatay ko. Mula pa man noong una kong makita ang larawan ni Papa ay pinangarap ko na talagang makita’t makilala siya ng personal. Kahit walang plano si Mama gawin iyon para sa akin ay ‘yon ang isa sa
CALEB Mabilis lumipas ang mga oras at halos nakapikit na ang mga mata ko nang sa wakas ay narinig ko nang mag-bukas ang pinto. Gawa ng kanina ko pa hinihintay ang pagdating ni Aliyah ay mabilis akong napatayo sa pagkakaupo sa hagdan para salubungin siya. Hindi alintana sa aking sistema ang labis na antok dahil nandito na siya— ligtas siyang nakauwi sa akin ngayon. “C-caleb?” utal na banggit niya sa pangalan ko, bakas sa mga mata ang gulat na makita ako ngayon dito sa bahay. Halatang hindi niya inaasahan ang pagdating at paghihintay ko sa pag-uwi niya ngayong gabi, kaya imbes na sumagot agad sa kaniya ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ilang araw lamang kaming hindi nagsama ay sobra na ang lumbay na naramdaman ng dibdib ko, kaya ngayong nasa harap ko na siya ay wala akong ibang maisip kundi ang pasalamatan ang Diyos na ligtas niyang pinauwi rito sa bahay ang babaeng hindi na mawala sa isipan ko. Siya ang unang lumapit sa akin nang maibaba niya na sa couch ang bag niya, isang mahigpi
ALIYAH Gawa ng halo-halo kong nararamdaman sa gabing ito dahil sa magaganap na pagkikita namin ng mga magulang ni Dominic ay para bang hindi ko na napansin ang naging byahe namin papunta sa mansyon nila. Sa isang iglap ay naglalakad na kami ni Dominic sa maluwag at maganda nilang hardin patungo sa entrance ng malaki nilang mansyon. Sa gate pa lang nila ay sobra na akong humanga, sa ganda ng tirahan nilang ito na animo’y palasyo na sa laki ay hindi talaga maitatanggi ang yaman ng kanilang pamilya. “A-ang ganda naman ng mansyon niyo, Dominic.” komento ko nang marating na namin ang mala-ginto nilang main door, sa sinabi kong iyon ay narinig ko ang mahinang tawa ni Dominic. “Nakahihiyang pumasok sa loob, kaso nandito na ako, e!” “Get use to this house, Aliyah. Parte ka na rin ng bahay na ito dahil ikaw ang ina ng anak ko.” nakangiti si Dominic nang sabihin iyon sa akin pero ramdam ko na seryoso ang sinabi niyang iyon kaya nakaramdam ako ng hiya. Hindi pa rin talaga ako sanay sa set-up
CALEB “Thank you for taking care of it, Ms. Jonelle. Appreciated.” I thank the old lady on the phone who was my secretary for four days of work in Singapore since Saturday. “It’s been my pleasure, Mr. Walton.” Nang makapagpaalam na rin ako rito ay binaba ko na ang teleponong gamit at naupo sa gilid ng aking kama upang mai-pahinga ang katawan kahit saglit. I am currently at my parents' mansion since I had an urgent business meeting with my father a few hours after my plane landed this morning from Singapore. Ayaw ko mang manatili rito kasama sila ay wala akong magawa dahil may kikitain pa kaming investors mamayang alas singko ng hapon, masyado na akong pagod para umuwi muna sa bahay at bumalik na lang dito mamaya. Antok na rin ako ngayon kaya magpapahinga na muna ako habang may apat na oras pa bago muling umattend ng isang meeting. Mula Sabado ay puro meeting na ang nadadaluhan ko. Ilang araw akong wala sa tabi ni Aliyah kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit gusto ko nang
ALIYAHKatatapos lang ng misa na aking dinaluhan ngayong linggo nang maisipan kong hindi muna umuwi sa bahay agad dahil wala naman ngayon doon si Caleb. Kahapon pa siya umalispara sa isang business trip atbaka bukas o sa martes pa makababalik. Ilang araw palang ang lumilipas mula nang malaman ko ang pagdadalang tao ko, sa mga araw na iyon ay mas bumibigat ang pakiramdam ko sa mga nangyayari sa buhay ko. Noong biyernes ay nagawa kong itago kay Caleb ang nalaman ko noong araw na iyon, ngunit kahapon bago siya umalis ay sobra akong hindi mapalagay. Mas lalo akong umiibig sa kaniya kaya alam kong mas lalo ko siyang masasaktan kapag pinatagal ko pa ang paglilihim kong ito. Gusto kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko, ngunit sobra ang takot sa loob ko dahil alam ko naman agad ang magiging reaksiyon niya sa malalaman. Hindi niya ito matatanggap— Sino ba naman kasi ang makatatanggap sa sitwasyon na nabuntis ako ng lalakeng karibal niya sa negosyo, diba? Natatakot akong mawala
CALEB As usual, I left early at work to be home before Aliyah’s out from her work. I wanted to prepare for our dinner tonight, but as soon as I stepped into our living room, I already saw her bag laying on our couch. She’s already here, but since she’s nowhere to be found in the living room and kitchen, I immediately went upstairs to check on her in our room. There I saw her sleeping peacefully. Simula nang makapag-usap kami kagabi tungkol sa nabubuong pagtingin namin sa isa’t isa ay mas lalo ako naging interesado sa kaniya. Tunay na maganda ang mood ko buong araw, sa katunayan nga ay maging ang mga tao ko ay napansin ‘yon kanina. Kaninang umaga pa lang noong magising ako ay sobrang gaan na sa dibdib, para bang ngayon ko lang naramdaman ang saya na ito sa buo kong buhay. Kaya ngayon na nandito na ako ulit sa bahay at nakikita ko na siya ay mas lalo akong naging maligaya. Maingat lamang ang ginawa kong pag-upo sa gilid ng kama kung saan malaya kong pagmasdan ang kagandahan ng babaen
ALIYAH “Both your urine and blood tests are positive in pregnancy. You are pregnant, Ms. Morgan, congratulations!” anunsyo ng doktor na aking kaharap sa mga sandaling ito. Gising na naman ako pero tila ba nasa isang malabong panaginip pa rin ako ngayon, ni hindi ko magawang makurap ang mga mata ko habang ang tingin ay diretsa lamang sa papel na aking hawak. Buntis ako… Patuloy pa ring lumilipad ang aking isipan sa kung saan, ramdam ko na naman muli ang mga luhang nagbabadya na naman sa aking mga mata. Nakaupo man ako ngayon ay dama ko pa rin ang panlalambot ng aking buong katawan. Walang ni isang salita ang nagawang makalabas sa bibig ko— hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon lamang. Diyos ko, hindi ko po alam ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito… “The headaches, dizziness, and fatigue that you are experiencing in the last few days and weeks are just the result of your pregnancy. Didn't you notice your late period? Even the change in your mood every day is aff
JACOB “Ano ba Miss!? Simpleng bagay na nga lang hindi mo pa maintindihan.” saktong matapos ko ang paghihiwa ng sibuyas ay narinig ko ang malakas na boses ng isang lalake sa labas ng kusina. Dala ng kuryosidad sa nangyayari roon ay sumilip ako sa pintuan at nakita si Aliyah na pinupulot ang mga pagkaing nagkalat na sa sahig habang may lalake sa kaniyang harapan. “Bakit hindi ka makatingin ngayon, ha!? Mag-resign ka na lang sa trabaho mo ng hindi ka na maka-perwisyo pa ng mga customer dito. Palampa-lampa.” dahil sa nakikitang labis na galit ng lalake kay Aliyah ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pag-aalala para sa kaniya ngayon. Nakatalikod ito sa akin, pero kitang-kita ko mula rito sa kinaroroonan ko ang panginginig ng mga kamay niya habang patuloy lamang siya sa paglilinis ng mga nagkalat na pagkain sa lapag. Gawa ng eksena na nagaganap ay lahat ng customers namin na kumakain dito sa karinderya ay nasa kanila lamang ang tingin, maging si Rica na kahera namin ay napahinto sa
ALIYAH Sariwang hangin ang dumampi sa aking balat na siyang gumising sa aking natutulog na diwa. Bumungad sa aking mga mata ang mga punong isinasayaw ng hangin sa parke na aking kinaroroonan ngayon. Hindi ko napansin na nakaidlip na pala kanina habang nakatulala sa mga puno rito sa parke, mula nang maisipan kong takasan na lamang ang trabaho ko sa karinderya ay dito na ako dinala ng aking mga paa. Natuyo na ang mga luhang naglalandas kanina sa pisngi ko, gayunpaman ay narito pa rin sa aking damdamin ang sakit na gawa ng mga bagay na narinig ko mula kay Jacob at sa iba ko pang kasamahan sa trabaho. Hindi naman ganoon kadali mawala ‘yung epekto na naidulot niyon sa aking sistema, pero masasabi ko ngayon na mas maayos na ang aking pakiramdam kumpara kaninang umaga. Hindi na naman ako naluluha, e. Nakahihinga na rin ako ng maluwag sa tulong ng sariwang hangin dito sa parke. Buti na lang talaga at walang gaanong tao ang narito ngayon, kaya walang nakakita sa pagluha ko kanina— wala ring t