Home / Romance / The Innocent Mistress / Chapter Five: Threat

Share

Chapter Five: Threat

Author: RandomQueen
last update Last Updated: 2023-08-27 03:31:56

ALIYAH

Nahinto ang ginagawa kong pagpunas ng lamesa nang may marinig akong kumakatok sa pinto. Hindi ito malakas, pero sapat na para marinig ko. Kaaalis lamang ni Sir Caleb at katatapos ko lang kumain kaya naglilinis na ako ngayon ng hapag. Mabilis ang naging paglakad ko patungo sa pinto para pagbuksan ito, naisip ko kasi na baka si Sir Caleb ang kumakatok. Nagmamadali kasi siya kanina at may naiwan siyang folder sa coffee table namin, mukhang binalikan niya ito dahil ilang minuto palang naman siya nakaaalis.

“Nasa coffee table po—” hindi ko na nagawa pang matapos ang bungad ko sanang sasabihin kay Sir Caleb nang pag-bukas ko ng pinto ay wala akong ni anino ng tao ang nakita roon. Malakas ang hangin sa labas at tirik na rin ang araw. Dahil pinuno ako ng pagtataka ay lumabas ako para suriin ang buo naming labas, wala talagang tao. Pero papaanong may narinig akong kumatok? Guni-guni lang ba ‘yon?

Nakakatakot naman kung guni-guni nga, para kasing totoo ito sa akin kanina. Kahit mahina ang katok ay klarong-klaro iyon sa akin. Namayani sa aking sistema ang kakaibang pakiramdam kaya bumalik na lamang ako sa loob at isasara na sana ang pinto ngunit nakakita ako ng isang sobre sa may doormat namin. Mabilis ko itong kinuha at sinuri, walang pangalan sa harapan. Gayunpaman ay hindi nakadikit ang bukana nito kaya nagawa kong buksan, ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang pangalan ko sa loob ng sobre.

May laman pang papel sa loob ngunit may kung ano sa aking kalooban ang ayaw itong kuhanin para tignan. Tuluyan akong pumasok sa bahay at sinara na ang pinto, nasa kamay ko pa rin ang sobre hanggang sa makaupo ako sa isang bakanteng upuan sa hapag. So, totoo na may kumakatok kanina at iniwan lamang itong sobre para sa akin? 

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba sa dibdib, sa mga nangyayari pa lang ay na-weweirduhan na ako. Kahit labag sa aking dibdib na tignan na ang nilalaman ng sobre ay ginawa ko na, wala rin naman magbabago dahil nangyari na at nandito na sa akin ang sobre. Ayoko nang mag-iisip pa at mag-overthink ng mas malala, ano kaya ang nilalaman ng papel?

Ang natitirang positibong enerhiya sa aking sistema ay unti-unting naglaho nang makita ko na ang laman ng papel. Para akong tinakbuhan ng kaluluwa at inubusan ng dugo sa katawan— nanlalamig ako.

Mabilis ko naibaba ang papel na hawak, halos ayaw ko nang tingnan muli ang litratong laman niyon. Malaswa itong litrato ng isang babae kung saan ipinatong ang mukha ko. Alam ko sa sarili kong hindi ako— hindi ko katawan ang nasa litratong ito. Malinaw sa litrato ang mukha ko habang ang katawan na ginamit sa akin ay walang saplot at halos mapuno na ang katawan ng dugo.

Para itong totoo— para akong totoong pinatay sa larawang ito. Ramdam ko ang namumuong kaba’t takot sa dibdib ko, para akong hindi makagalaw sa pwesto habang ang imahe ng edited kong picture ay hindi mawala sa utak ko. Sobra itong nakakikilabot. Ano na naman ba ito? Sino na naman ang may gawa nito? At anong ibig sabihin ng litratong ito?

Nang makakuha ng sapat na enerhiya ay pataob kong ibinalik sa sobre ang litrato, subalit sa ginawa ko ay doon ko nakita na may nakasulat pala sa likod ng papel. Muli ko itong nilapit sa akin para mabasa ng buo, sa ginawa kong ‘yon ay doon ko na hindi napigilan ang emosyon ko at naramdaman na lamang ang mga luha kong kumawala na sa aking mga mata.

"You were born eager to do sins, then I will make sure you die a sinner. I cannot wait to see you in the news again, Aliyah. May you rest in hell."

Bumagsak ang lakas ko nang hindi mawala sa naksulat sa papel ang tingin ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kundi magpaka-lunod sa takot at pangamba. Isa na namang pagbabanta ang natanggap ko sa ibang taong hindi ko kilala, ngunit sa lahat ng mga pananakot na natanggap ko ay dito ako labis nanghina. Halos hindi ko na nga magawang makahinga ng maayos dahil sa paninikip ng aking dibdib.

Inaamin ko nang makasalanan ako. Noong una ay hindi ko naman gustong maging kabet, pero ngayon ay hindi ko na maiwasang maging masaya kapag kasama ko si Sir Caleb. Sa ginagawa ko ay parang tinatanggap ko na ang kasalanan na ibinabato sa akin ng mga tao na noong una naman ay hindi totoo, ngunit ano ba ang dapat kong gawin? Hindi ko rin naman kayang layuan at takasan na lamang ang buhay ko kay Sir Caleb, kasi alam ko na sa buong buhay ko ay siya lang ang taong nagparamdam sa akin maging masaya ng totoo kahit sa ilang sandali lang na magkasama kami.

Hindi ko pa man alam ang tunay kong nararamdaman sa kaniya pero alam kong mahalaga na siya sa akin ngayon. Kaso pati itong nararamdaman ko sa kaniya ay kasalanan na rin sa mata ng lahat. Subalit sapat na ba talaga ang mga nagawa ko sa nagdaang mga buwan para masaktan ng paulit-ulit mula sa ibang tao? Sa mga taong hindi naman ako kilala, pero grabe kong patayin ang natitirang pag-asa sa buhay ko. Ganoon na ba talaga ako kasamang tao kaya umabot na ang galit ng iba sa r***k at nais na lamang akong pagbantaan na papatayin?

Gusto ko lang naman mamuhay ng normal at masaya noon dahil hindi ko pa nararanasan ang mga iyon sa buong buhay ko. Kaya ngayon na kasama ko si Sir Caleb, masaya na ako sa maliliit na bagay na nagagawa niya para pagaanin ang bigat sa dibdib ko. Sa mga sandaling ito ay masasabi kong si Sir Caleb lang ang taong nagpaparamdam sa akin na may halaga rin ako— hindi dahil binili niya ako kay Mama kapalit ng malaking halaga, kundi dahil inaalala niya ang kapakanan ko palagi. 

Noong una ay hindi naman ganito si Sir Caleb sa akin, isang araw ay naramdaman ko na lang na may kakaiba sa buhay ko kasama siya. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong may nangyari kaya mas lalong naging magaan ang buhay ko sa puder niya.

Hindi ko naman talaga gustong maging mas malapit sa kaniya dahil siya naman talaga ang dahilan kung bakit ako napasok sa pagiging kabet ko na ikinagagalit ng iba sa akin ngayon, e. Ngunit sa kabilang banda ay nagpapasalamat ako na siya ang bumili sa akin kay Mama, kasi alam ko na kahit hindi niya ako binili noong araw na iyon ay ipauubaya pa rin ako ng ina ko sa ibang tao. Kung nagkataon ay baka mas naging malala ang buhay ko at baka hindi ko naranasan ang ligaya’t pagpapa-halaga na pinararamdam sa akin ngayon ni Sir Caleb.

Nang bumalik ang isip ko sa reyalidad ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong dina-dial na ang number ni Mama. Ayaw kong distorbuhin si Sir Caleb ngayon dahil lang dito kaya si Mama ang naisipan kong tawagan. Wala man akong ideya kung anong sasabihin, gagawin, o mararamdaman ni Sir Caleb kung ipaaalam ko sa kaniya ang tungkol sa nararamdaman ko ngayong takot gawa ng pagbabantang natanggap ko ay hindi ko na siya gustong madamay dito.

Sa mga sandaling ito ay parang mas gusto kong kausapin si Mama—kahit malabo na matulungan niya ako rito sa nararamdaman kong bigat sa dibdib— gusto ko pa ring subukan. Umaasa na baka nagbago na ang nararamdaman niya sa akin bilang nag-iisa niyang anak. Kahit ang dami na nangyayari sa buhay ko mula ng pag-iwan niya sa akin sa sitwasyong ito ay may pag-asa pa rin sa puso kong makukuha ko rin ang pagmamahal—kung hindi man maski ang pag-aalala lang ng nanay ko sa akin balang araw.

Kaya umaasa ako na isa na ang araw na ito para magawa ko namang mapalapit sa Mama ko… kahit ngayon lang sana.

“Hello? Sino ito?”

Ilang buwan ko na ring hindi naririnig ang boses ng mama ko. Sa simpleng salita niya ay ramdam ko agad ang ginhawa sa aking damdamin, maliban kay Sir Caleb ay si Mama talaga ang isa sa mga taong inaasahan kong papawi ng sakit na nararamdaman ng dibdib.

“M-ma? A-ako ho ito, si Aliyah.” utal kong sagot kay Mama. Pigil na pigil ang pag-iyak ko dahil ayokong marinig ni Mama na umiiyak ako ngayon. Gusto ko lang may mapagsabihan ng mga nangyayari sa buhay ko.

“Anong kailangan mo at napatawag ka pa talaga sa akin? Sinaktan ka ba niya?” nag-iba ang tono ng boses ni Mama at naging blanko ng itanong nya ‘yon sa akin. Kahit hindi tunog na nag-aalala siya ay inisip ko na lang na tinanong niya ‘yon para malaman kung ayos lang ba ako sa kamay ni Sir Caleb o hindi.

Sanay na ako sa ganitong tono ng boses ng mama ko, kahit pa man noong maliit ako ay madalas wala siyang emosyon sa akin tuwing nagkakausap kami. Gayunpaman ay masakit pa rin— nasanay lang naman kasi ako, e. Kung pwede ko lang sana siya yakapin ngayon ng mahigpit… miss na miss ko na si Mama. Pero kahit naman nasa puder niya ako ay hindi ko siya mayayakap dahil ayaw niya ito palagi.

“Hindi po, M-ma. Mabait po sa akin si Sir C-caleb…” mahina kong sagot. Wala siyang naging sagot kaya muli ako nagsalita. “Pwede po ba akong pumunta riyan? Gusto ko lang po sana kayong makasama kahit saglit lang po, Ma. Natatakot po kasi ako, e.”

“Wala akong oras, Aliyah, tigilan mo—”

“P-please po, Ma…” hindi ko na napigil at nakiusap na sa kaniya. “M-may nagbabanta po kasi sa buhay ko, Ma. G-gusto ko lang po humingi ng tulong…”

“Sa tingin mo ba talaga ay may maitutulong ako sa’yo, Aliyah? Ibinenta nga kita dahil hindi ko kayang tulungan ‘yang buhay mo, tapos hihingi ka pa sa akin ng tulong? Makapangyarihang tao si Caleb, Aliyah. Sa kaniya ka humingi ng tulong at huwag sa akin.” ramdam ko ang galit sa boses niya nang sabihin iyon kaya napayuko na lamang ako habang hinahayaang bumuhos ang mga luha sa mata.

“S-sorry po, Ma…”

“Tigilan mo na ako, Aliyah. Wala ka nang mapapala sa akin.” iyon ang huli kong narinig sa kaniya bago tuluyang maglaho ang linya. Ang inaasahan kong pag-gaan ng dibdib ay kabaliktaran ang nangyari, dahil sa naging pag-uusap namin ng mama ko ay mas lalo lamang akong nasaktan at nilamon ng kalungkutan.

Ang sakit-sakit… ano ba ang nagawa ko sa buhay ni Mama para iparamdam niya sa akin ang lahat ng ito? Kulang ba ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kaniya bilang anak niya? Ginawa ko naman ang lahat, e.

***

“Okay ka lang?” mabilis akong nakabalik sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Jacob na katabi ko na ngayon sa bakanteng upuan dito sa karinderya. Kasalukuyan kong inaayos ang mga kakailanganin namin sa pamimili sa susunod na mga araw para sa inventory sa kusina. Dala ng lungkot pa rin sa dibdib gawa ng pag-uusap namin ni Mama kahapon ay nilipad na naman pala ang utak ko sa kung saan.

“Oo, a-ayos lang ako.” may tipid na ngiti sa labi nang sagutin siya. Nang makita ko ang usisa niyang tingin ay napaiwas ako ng tingin.

“Pakiramdam ko nagsisinungaling ka ngayon, pero kung hindi ka pa ready… take your time. Nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap.” salita niya na siyang nagpabalik sa kaniya ng tingin ko. Dahil sa kabutihan ng kaibigan kong ito at sumilay sa akin ang isang magandang ngiti.

“Maraming salamat, Jacob! Maaasahan ka talaga palagi.”

“Siyempre, no. Ako lang ‘to, e.” tawa niyang banggit na kinatawa ko rin ng bahagya. 

“May tanong ako, Jacob.” napatingin siya sa akin at tumango. “May napapansin ka bang umaaligid na tao rito sa atin?”

Pansin ang paglitaw ng kaseryosohan sa kaniyang mukha nang marinig ang tanong kong iyon. Nilibot niya ang tingin sa paligid hanggang sa labas ng karinderya bago bumalik sa akin ang mga mata niya. Gusto ko lang din talaga malaman kung may napapansin siyang kakaiba sa mga taong napaparito sa karinderya, hindi kasi talaga mapalagay ang sistema ko sa pagbabanta na nakuha ko kahapon. Ang dumadagdag pa sa kaba sa dibdib ko ay alam niya kung saan ako matatagpuan, hindi ko lang talaga kayang sabihin kay Sir Caleb, pero takot na takot na ako sa amin.

“Wala naman. Bakit? May nangyari ba sa inyo?” seryoso siya nang itanong iyon sa akin kaya mabilis akong umiling. Hindi ko kasi alam kung dapat ko bang sabihin sa kaibigan ko ang nangyari, baka kasi mas lalong lumala ang bagay na iyon kapag mas marami ang nakaalam, e. Mas lalo akong natatakot, parang mas mabuting kimkimin ko na lang ulit. Nadala na kasi ako sa pag-uusap namin ng mama ko. 

“W-wala… nag-ooverthink lang siguro ako. Alam mo na m-marami akong issue na ikinakalat ng mga tao sa social media…” sagot ko kay napatano ito aat malalim na huminga.

“Sabihan mo lang ako kapag may ginawa sa’yo ang Caleb na ‘yon, siya kasi talaga ang may kasalanan nito kaya—”

“Huwag mo na idamay ang ibang tao na wala naman dito, Jacob. A-ayos lang naman ako…” salita ko para putulin ang sinasabi niya kay Sir Caleb na wala namang ginawa sa aking mali. Ang tao sa likod ng pagbabanta na natanggap ko kahapon ang tunay na may kasalanan ng pag-ooverthink ko ngayon sa mga bagay-bagay.

“Sana nga, Aliyah… Sana nga ay maayos ka lang sa kaniya.” malalim ang nagawaniyang paghinga kaya malungkot akong napangiti. Sa ngayon naman kasi ay maayos lang naman ako kasama si Sir Caleb, e. Sadyang may mga bagay lang talaga na gumugulo sa aking buhay ngayon.

Nahinto ako sa pagtanaw sa malayo nang marinig ko ang pagtunog ng teepono ko sa bulsa. Text message ito galing kay Sir Caleb kaya mabilis ko itong binasa.

From: Sir Caleb

Be home early. I got us some groceries; I will make us dinner.

Nang mabasa ito ay kusang sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ko. Hindi ko inaasahan ang text message na ito ni Sir Caleb kaya mas lalong natuwa ang puso ko. Sa isang iglap ay parang may kuryenteng bumuhay sa sistema ko, muli ay unang pagkakataon na naman ito sa aming dalawa ni Sir Caleb…

***

CALEB

I left the office early to rest at home. I had a headache and felt really bad earlier while I was in a meeting. Because of the many business meetings I have to attend for the company’s sake, I can’t get enough rest I need every night. The reason behind the busyness in the office is that my father wants to get as many partnerships as we can with different companies outside of Asia to make our company even stronger, pakiramdam kasi nito ay humihina na ang takbo namin dahil sa pag-ingay ng pangalan ni Dominic sa bansa dahil sa successful launching ng bago niyang negosyo sa Singapore last month.

Sa totoo lang ay wala namang naging epekto sa amin ang ginawang hakbang na iyon ni Dominic. Katulad ng dati ay wala pa rin siyang kuwenta kumpara sa akin, kahit ilan pa ang itayo niyang negosyo sa ibang bansa ay mananatili siyang pumapangalawa lang sa akin dito sa Pilipinas. I actually don’t find him challenging, he is not better than me when it comes to business.

He is just good at stealing other people's wives, but when it comes to business, he will never defeat me. Kaya magsama na lang sila ni Victoria, after all, they are both worthless in my life. Kaya hindi ko maintindihan ang tatay ko kung bakit takot na takot siya kay Dominic, alam naman naming dalawa na walang-wala ang kumpanya sa kumpanyang pinatatakbo namin.

Ang sabihin niya, gusto lang talaga ng tatay ko na maging abala ako sa trabaho para mawala ang oras ko kay Aliyah. Hindi na kasi ako umuuwi sa mansyon at palagi na lamang ako narito sa bahay at si Aliyah ang kasama. Sino ba ang hindi gugustuhin maparito? Tuwing nandito ako sa bahay ay ramdam ko ang kaginhawaan sa buhay ko.

Sa bahay na ito ay hindi ko iniisip ang pamilya ko na habol lang sa akin ay ang kakayahan ko sa kumpanya namin. Isa pa, hindi ko na talaga kayang sikmurain na makita ang ex-wife ko— not legally, but our marriage has been invalid to me for a long time now.

F*ck this headache! Ayaw ko nang isipin pa ang mga walang kuwentang tao’t bagay sa buhay ko sa mga sandaling ito at gusto na lamang magpahinga. Sa mga sandaling ito ay si Aliyah lamang nais kong ispin. Kahit stress ako sa trabaho ay hindi lumilipas ang mga oras na hindi ko siya naaalala. Para na ata akong na-adik sa presensya niya sa buhay ko, hindi ko na mapigil ang sarili kong mapangiti kapag siya na ang iniisip ko.

Nagawa ko pa ngang mag-grocery bago ako umuwi rito dahil sa kaniya, naisip ko na gusto ko siyang makasbay mamaya ng hapunan na ako ang naghanda. It’s just random thing I thought about earlier, kaya gusto ko nang magpahinga ngayon para sapat ang lakas ko para sa kaniya mamayang pag-uwi niya. I miss her so bad— kahit araw-araw na kaming magkasama ay namimiss ko pa rin siya sa ilang oras na nagkakahiwalay kami. Para na akong tanga sa kaniya, hindi ko rin alam kung ano ba ang nangyari sa akin bigla. 

All I know is that I want to be with her all the time because of all the people in the world, she is the only one that gives me rest in everything. Aminado ako na noong una ay sex lang naman talaga ang gusto ko sa kaniya, but now— everything seems to change. Even without kissing her, I am contented as long as I am with her. Just seeing her smile makes my heart skip a beat, that may be the reason why I do things I didn’t know I could do for a girl. Aliyah is different— and I am starting to like it.

Nang maayos ko ang mga pagkaing binili ko para sa pagluluto mamaya ay umakyat na rin ako kaagad sa kuwarto namin para roon magpahinga. Naghubad lang ako ng pang-itaas at hihiga na sana sa kama nang may puting sobre akong nakita sa drawer ng side table. Nakasarado ito ngunit tila ba naipit ang envelope roon kaya agad ko itong hinugot at binuksan.

I froze the moment I saw the paper inside the envelope. It was an edited picture of Aliyah that was extremely violent, obscene, and disgusting. What the f*ck is this?

Are these the threats she always receives because of our situation? This is too much. People are so dumb these days…

But to be honest, it’s all my fault. Dapat ay hiniwalayan ko muna ang asawa ko bago ko inangkin si Aliyah, hindi ko rin naman naisip na aabot ang lahat sa ganito— lalo na sa buhay ni Aliyah. The only thing I was thinking about months ago was myself, I never thought that Aliyah will have a special place in my life.

Damn it!

I should do something with these threats. Gaya ng sinabi ko sa tatay ko ay responsibilidad ko na si Aliyah, kailangan at gusto ko siyang protektahan sa lahat ng bagay.

I examined the paper again, there I saw two letters at the bottom that were almost invisible because they were faded. It’s a watermark.

“DBC… Who the hell are you?” mahina kong bulong sa sarili, dala ng galit na nararamdaman sa tao sa likod ng pagbabantang ito ay agad kong tinawagan ang pinagkakatiwalaan kong investigator. Hindi ako papayag na hindi ko mahahanap kung kanino o kung saan galing ang threat na ito sa buhay ni Aliyah.

I will make them pay…

Related chapters

  • The Innocent Mistress   Chapter Six: Feelings

    ALIYAHAntok pa ang diwa ko nang magawa kong maimulat ang aking mga mata sa umagang ito. Ramdam ko ang ginaw sa hubad na katawan dahil sa lamig na ibinubuga ng air-condition sa aming silid ni Sir Caleb. Dahil nag-iingay ang alarm clock sa buong silid ay mabilis ko itong kinuha para patayin, matapos niyon ay napunta na kay Sir Caleb ang atensyon ko. Natutulog pa siya at mukhang mahirap distorbuhin, maingat ko na lamang inalis ang kamay niyang nakapulot pa sa katawan ko dahil kailangan ko nang bumangon. Martes pa lang ngayon, may pasok pa ako sa karinderya. Ayaw ko mang bumangon dahil gusto ko pa manatili sa tabi ni Sir Caleb ay wala akong magawa. Magluluto pa ako ng almusal namin bago mali, e. Nang magawa kong makuha ang pantulog kong nagkalat sa sahig ng kuwarto ay sinuot ko na ulit ito, muli ay hindi na naman mawala sa aking labi ang isang ngiti. Lahat ng nangyari sa amin kagabi ay sobrang ganda lang paulit-ulitin sa utak ko, pinagluto niya ako ng hapunan, nanonood kami ng isang ma

    Last Updated : 2023-08-28
  • The Innocent Mistress   Chapter Seven: Questions

    ALIYAH Mabilis lumipas ang mga araw mula noong payagan ako ni Sir Caleb na sumama sa big event. Sa tatlong araw ay sobrang naging abala ang buong karinderya sa paghahanda, mabuti na lang talaga at nagawa naman namin ang lahat ng kailangan naming gawin para sa pagsisimula ng event ngayong araw. Sabado na, maaga ang call time namin sa trabaho kaya alas singko palang ng umaga ay nandito na kaagad ako. Mag-aalas siete na ng umaga, may sampung minuto na rin mula nang umalis kami sa karinderya. Nauna nang umalis sila Ma’am Lucy at dalawang pick-up truck na nirentahan niya para sa aming mga empleyado at para na rin lahat ng bagay na kakailanganin namin ay makarating ng maayos sa resort. Ang kaso nga lang ay puno ang dalawang sasakyan kaya wala na akong masakyan kanina. Plano ko na sana mag-commute na lamang papunta dahil tinuro na sa akin ni Madam ang dapat sakyan ko, buti na lang talaga at dumating si Sir Dominic sa karinderya kanina. Dadaan lang daw sana siya para tignan kung nakaalis n

    Last Updated : 2023-09-22
  • The Innocent Mistress   Chapter Eight: Worries

    CALEB “Answer the phone, Aliyah!” banggit ko sa aking telepono. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi mainis sa nangyayari. Nasa bahay pa lang ako kanina ay sobra na ang pag-aalala ko kay Aliyah, umalis siya nang hindi man lang nagsasabi sa akin. Maging ngayon na nandito na ako sa mansyon ay hindi ko pa rin matawagan ang telepono niya. Wala na nga sana akong balak pang dumalo sa meeting namin ng tatay ko sa mansyon kasama ang mga investors namin dahil sa pag-aalala ko ng sobra sa hindi pagsagot sa aking tawag ni Aliyah. Kahit ilang beses ko pang subukan siyang tawagan, ganoon pa rin ang nangyayari. Para na akong tanga mag-isa rito sa kuwarto ko dahil kanina pa ako galit na galit sa mga nagaganap. Ito ang kabilin-bilinan ko kay Aliyah na gawin niya, pero heto at hindi niya masagot ang mga tawag ko. Gusto ko mang mainis sa kaniya ay mas matimbang ang pag-aalalang nararamdaman ko. I shouldn't have let her come, I could just double the money that she will get from that event—

    Last Updated : 2023-09-23
  • The Innocent Mistress   Chapter Nine: Fault

    ALIYAH Ala una ng umaga nang naalimpungatan ako sa aking pagtulog. Patay na ang lahat ng ilaw sa kuwarto at tanging sinag lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa buong silid. Dahil hindi ako makabalik sa tulog kong naputol ay bumangon muna ako sa kama, nakita kong mahimbing na ang tulog nila Lebby. Tahimik na rin ang labas kumpara noong makatulog ako ng 11:30 kanina, mukhang tapos na ang inuman at kasiyahan sa ibaba. Dahil tahimik ang buong silid ay naisipan kong lumabas muna sa balkonahe at doon ulit magpa-antok, naupo ako sa isang silya roon at tumanaw sa malawak na kapaligiran na makikita sa pwesto kong ito. Napakaganda ng langit sa gabing ito, maliwanag at buong-buo ang buwan, maging ang mga bituin ay sobrang dami ngayon. Ang ganitong tanawin ay tunay na nagpapagaan sa aking damdamin. Napakagandang pagmasdan ang lahat ng ito gamit ang mga mata ko. Sobrang payapa ng gabi… ganitong kapayapaan ang ninanais ko palagi sa aking buhay. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang ata naga

    Last Updated : 2023-09-24
  • The Innocent Mistress   Chapter Ten: Drowned

    ALIYAH Ramdam ko ang lamig ng tubig sa paa ko nang malublob ko na ang mga paa ko sa tubig, nandito ako ngayon sa gilid ng swimming pool. Walang tao ngayon dito dahil ang lahat ay nasa open field ng resort, may nagaganap kasi roong physical activities para sa mga empleyado ng Black Corporation. Ang mga katrabaho ko naman ay abala na sa kusina para sa paghahanda ng hapunan mamaya. “Aliyah…” umangat agad ang paningin ko nang marinig ko ang boses ng parating na si Jacob. Dahil ayaw kong makita niya akong lumuluha ay mabilis kong pinunasan ang mga luhang kumawala na sa aking mata. “Anong nangyari, Aliyah? Bakit na-suspend ka raw sa trabaho?” bakas sa boses ng kaibigan ko ang pag-aalala kaya mapait akong napangiti sa kaniya. “Huwag mo nang i-isipin ‘yon, Jacob…” mahina kong salita na kinasama ng tingin niya sa akin. Hindi ko gustong i-kwento sa kaniya kung ano ang nangyari kaninang umaga sa kuwarto ni Sir Dominic, ang gusto ko na lang ay ang makalimutan na iyon ng tuluyan. “Akala ko ba

    Last Updated : 2023-09-25
  • The Innocent Mistress   Chapter Eleven: Just a Drink

    CALEB“Salamat naman at naisipan mo nang bumaba, anak.” The moment I took the last step of our stairs, I heard my mother’s voice. She was sitting in the middle of our couch in the living room while busy on her phone. “Tuwing uuwi ka rito sa mansyon ay parang ang kuwarto mo lang ang mayroon sa bahay na ‘to, Caleb.”“You know the reason, Mom.” maikli kong sagot.“Kumain ka na ba? May pinatabi akong pagkain sa mga maids kanina para kung gutom ka ay may makakain ka pa.” banggit ni Mom. Kakaiba pa rin talaga sa akin tuwing naririnig kong nagsasalita ang ina ko na tila ba inaalala niya ako. “Niyaya ka naming sumabay sa hapag, pero ayaw mo.”I only once heard my mother asking me to eat with them at the table. If I had been used to this kind of family when I was young, I would not have refused to have dinner with them as I got older.Hindi ako galit ngayon, naninibago lang sa kanilang lahat— maliban kay Victoria na hindi na naman dapat miyembro ng pamilyang ito.“I’m not hungry.” sagot ko na

    Last Updated : 2023-09-26
  • The Innocent Mistress   Chapter Twelve: Complaint

    ALIYAHAlas kuwatro ng umaga nang maalimpungatan ako mula sa aking pagtulog. Dama na dama ko ang ginaw gawa ng malakas na buga ng aircon sa buong lugar. Madilim ang buong silid, gayunpaman ay unti-unting nagliwanag nang masanay ang mata ko sa kadilimang bumabalot dito. Ramdam na ramdam ko ang matinding sakit na gumuguhit sa buo kong katawan, lalo na sa aking ulo. Para itong binibiyak habang pilit ko inaalala kung bakit ako ngayon nakahubad katabi ang natutulog na si Sir Dominic.Wala pa namang kasagutan ay ramdam ko na lamang ang pagtulo ng mga luha ko. Mahigpit ang kapit ko sa kumot nang sinubukan ko nang bumangon sa pagkahiga ko, para akong hinihiwa bawat galaw na ginagawa ko. Wala man naalala sa lahat ng nangyari ay alam kong may nangyari sa aming dalawa. Hindi ko alam kung papaanong nangyaring bumigay ako sa kaniya— wala naman akong gusto sa kaniya para hayaan siyang angkinin ang buo kong katawan.Labis na kalungkutan at pagkadismaya sa aking sarili ang tangi kong nararamdaman nga

    Last Updated : 2023-09-27
  • The Innocent Mistress   Chapter Thirteen: False Accusation

    ALIYAH “You are all clear, Ms. Morgan. Ang magiging resulta ng mga ginawang examinations sa 'yo ngayon ay dadalhin kaagad sa station kapag tapos. Kung wala ka nang nararamdamang sakit ng ulo o kung ano pa man sa iyong katawan ay pwedeng-pwede ka nang bumalik sa station.” banggit ni Doktora Lea nang makabalik kami sa opisina niya. Inabot din ng halos dalawang oras ang naging examination sa akin niya sa akin, sa oras din na iyon ay nakapagpahinga na rin ako kahit papaano at nakapagpalit ng damit. Sa dami ng mga nangyari mula kaninang alas kuwatro ay umayos na rin ang pakiramdam ko. “Maraming salamat po, Doktora. Salamat po dahil pinagaan niyo po ang loob ko sa nagdaang oras ko rito.” matipid na ngiti kong pagpapasalamat kay Doktora Lea. Mabait din naman sila SPO1 Garcia sa akin, pero masasabi kong mas bumuti ang lagay ko nang si Dra. Lea na ang kasama ko. Ang isa pang nagpagaan sa loob ko ay sinabi niya sa akin na kilala niya ako, nakita niya raw ako sa telebisyon at mga balitang nap

    Last Updated : 2023-09-28

Latest chapter

  • The Innocent Mistress   Chapter Twenty-Five: Dinner Time

    ALIYAH Mabigat ang naibuga kong hangin nang bumalik na ang isipan ko sa realidad. Kanina pa ako ganito na tila ba may kung ano sa dibdib ang hindi mapalagay, malayo-layo na rin ang nalakbay ng isipan ko mula noong makausap ko kaninang umaga si Tito Wilson. Matapos niyang sabihin sa akin na kilala niya ang tatay ko ay bigla na lamang may dumating na isang itim na sasakyan para sunduin siya. Umalis ito nang hindi man lang sinasabi ang buong detalyeng alam niya tungkol sa tatay ko. Gustuhin ko man siyang pigilan umalis kanina ay sobra ang damdamin kong hindi maipaliwanag kaya natulala na lamang ako roon. Natagpuan ko na lamang ang sasakyan niyang malayo na sa akin, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na tila ba nalalapit na ako sa pagkakataon na makilala ng personal ang tatay ko. Mula pa man noong una kong makita ang larawan ni Papa ay pinangarap ko na talagang makita’t makilala siya ng personal. Kahit walang plano si Mama gawin iyon para sa akin ay ‘yon ang isa sa

  • The Innocent Mistress   Chapter Twenty-Four: Missed

    CALEB Mabilis lumipas ang mga oras at halos nakapikit na ang mga mata ko nang sa wakas ay narinig ko nang mag-bukas ang pinto. Gawa ng kanina ko pa hinihintay ang pagdating ni Aliyah ay mabilis akong napatayo sa pagkakaupo sa hagdan para salubungin siya. Hindi alintana sa aking sistema ang labis na antok dahil nandito na siya— ligtas siyang nakauwi sa akin ngayon. “C-caleb?” utal na banggit niya sa pangalan ko, bakas sa mga mata ang gulat na makita ako ngayon dito sa bahay. Halatang hindi niya inaasahan ang pagdating at paghihintay ko sa pag-uwi niya ngayong gabi, kaya imbes na sumagot agad sa kaniya ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ilang araw lamang kaming hindi nagsama ay sobra na ang lumbay na naramdaman ng dibdib ko, kaya ngayong nasa harap ko na siya ay wala akong ibang maisip kundi ang pasalamatan ang Diyos na ligtas niyang pinauwi rito sa bahay ang babaeng hindi na mawala sa isipan ko. Siya ang unang lumapit sa akin nang maibaba niya na sa couch ang bag niya, isang mahigpi

  • The Innocent Mistress   Chapter Twenty-Three: Longing

    ALIYAH Gawa ng halo-halo kong nararamdaman sa gabing ito dahil sa magaganap na pagkikita namin ng mga magulang ni Dominic ay para bang hindi ko na napansin ang naging byahe namin papunta sa mansyon nila. Sa isang iglap ay naglalakad na kami ni Dominic sa maluwag at maganda nilang hardin patungo sa entrance ng malaki nilang mansyon. Sa gate pa lang nila ay sobra na akong humanga, sa ganda ng tirahan nilang ito na animo’y palasyo na sa laki ay hindi talaga maitatanggi ang yaman ng kanilang pamilya. “A-ang ganda naman ng mansyon niyo, Dominic.” komento ko nang marating na namin ang mala-ginto nilang main door, sa sinabi kong iyon ay narinig ko ang mahinang tawa ni Dominic. “Nakahihiyang pumasok sa loob, kaso nandito na ako, e!” “Get use to this house, Aliyah. Parte ka na rin ng bahay na ito dahil ikaw ang ina ng anak ko.” nakangiti si Dominic nang sabihin iyon sa akin pero ramdam ko na seryoso ang sinabi niyang iyon kaya nakaramdam ako ng hiya. Hindi pa rin talaga ako sanay sa set-up

  • The Innocent Mistress   Chapter Twenty-Two: His Comfort

    CALEB “Thank you for taking care of it, Ms. Jonelle. Appreciated.” I thank the old lady on the phone who was my secretary for four days of work in Singapore since Saturday. “It’s been my pleasure, Mr. Walton.” Nang makapagpaalam na rin ako rito ay binaba ko na ang teleponong gamit at naupo sa gilid ng aking kama upang mai-pahinga ang katawan kahit saglit. I am currently at my parents' mansion since I had an urgent business meeting with my father a few hours after my plane landed this morning from Singapore. Ayaw ko mang manatili rito kasama sila ay wala akong magawa dahil may kikitain pa kaming investors mamayang alas singko ng hapon, masyado na akong pagod para umuwi muna sa bahay at bumalik na lang dito mamaya. Antok na rin ako ngayon kaya magpapahinga na muna ako habang may apat na oras pa bago muling umattend ng isang meeting. Mula Sabado ay puro meeting na ang nadadaluhan ko. Ilang araw akong wala sa tabi ni Aliyah kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit gusto ko nang

  • The Innocent Mistress   Chapter Twenty-One: Unworthy

    ALIYAHKatatapos lang ng misa na aking dinaluhan ngayong linggo nang maisipan kong hindi muna umuwi sa bahay agad dahil wala naman ngayon doon si Caleb. Kahapon pa siya umalispara sa isang business trip atbaka bukas o sa martes pa makababalik. Ilang araw palang ang lumilipas mula nang malaman ko ang pagdadalang tao ko, sa mga araw na iyon ay mas bumibigat ang pakiramdam ko sa mga nangyayari sa buhay ko. Noong biyernes ay nagawa kong itago kay Caleb ang nalaman ko noong araw na iyon, ngunit kahapon bago siya umalis ay sobra akong hindi mapalagay. Mas lalo akong umiibig sa kaniya kaya alam kong mas lalo ko siyang masasaktan kapag pinatagal ko pa ang paglilihim kong ito. Gusto kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko, ngunit sobra ang takot sa loob ko dahil alam ko naman agad ang magiging reaksiyon niya sa malalaman. Hindi niya ito matatanggap— Sino ba naman kasi ang makatatanggap sa sitwasyon na nabuntis ako ng lalakeng karibal niya sa negosyo, diba? Natatakot akong mawala

  • The Innocent Mistress   Chapter Twenty: Nobody Else

    CALEB As usual, I left early at work to be home before Aliyah’s out from her work. I wanted to prepare for our dinner tonight, but as soon as I stepped into our living room, I already saw her bag laying on our couch. She’s already here, but since she’s nowhere to be found in the living room and kitchen, I immediately went upstairs to check on her in our room. There I saw her sleeping peacefully. Simula nang makapag-usap kami kagabi tungkol sa nabubuong pagtingin namin sa isa’t isa ay mas lalo ako naging interesado sa kaniya. Tunay na maganda ang mood ko buong araw, sa katunayan nga ay maging ang mga tao ko ay napansin ‘yon kanina. Kaninang umaga pa lang noong magising ako ay sobrang gaan na sa dibdib, para bang ngayon ko lang naramdaman ang saya na ito sa buo kong buhay. Kaya ngayon na nandito na ako ulit sa bahay at nakikita ko na siya ay mas lalo akong naging maligaya. Maingat lamang ang ginawa kong pag-upo sa gilid ng kama kung saan malaya kong pagmasdan ang kagandahan ng babaen

  • The Innocent Mistress   Chapter Nineteen: Pregnancy

    ALIYAH “Both your urine and blood tests are positive in pregnancy. You are pregnant, Ms. Morgan, congratulations!” anunsyo ng doktor na aking kaharap sa mga sandaling ito. Gising na naman ako pero tila ba nasa isang malabong panaginip pa rin ako ngayon, ni hindi ko magawang makurap ang mga mata ko habang ang tingin ay diretsa lamang sa papel na aking hawak. Buntis ako… Patuloy pa ring lumilipad ang aking isipan sa kung saan, ramdam ko na naman muli ang mga luhang nagbabadya na naman sa aking mga mata. Nakaupo man ako ngayon ay dama ko pa rin ang panlalambot ng aking buong katawan. Walang ni isang salita ang nagawang makalabas sa bibig ko— hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon lamang. Diyos ko, hindi ko po alam ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito… “The headaches, dizziness, and fatigue that you are experiencing in the last few days and weeks are just the result of your pregnancy. Didn't you notice your late period? Even the change in your mood every day is aff

  • The Innocent Mistress   Chapter Eighteen: Black

    JACOB “Ano ba Miss!? Simpleng bagay na nga lang hindi mo pa maintindihan.” saktong matapos ko ang paghihiwa ng sibuyas ay narinig ko ang malakas na boses ng isang lalake sa labas ng kusina. Dala ng kuryosidad sa nangyayari roon ay sumilip ako sa pintuan at nakita si Aliyah na pinupulot ang mga pagkaing nagkalat na sa sahig habang may lalake sa kaniyang harapan. “Bakit hindi ka makatingin ngayon, ha!? Mag-resign ka na lang sa trabaho mo ng hindi ka na maka-perwisyo pa ng mga customer dito. Palampa-lampa.” dahil sa nakikitang labis na galit ng lalake kay Aliyah ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pag-aalala para sa kaniya ngayon. Nakatalikod ito sa akin, pero kitang-kita ko mula rito sa kinaroroonan ko ang panginginig ng mga kamay niya habang patuloy lamang siya sa paglilinis ng mga nagkalat na pagkain sa lapag. Gawa ng eksena na nagaganap ay lahat ng customers namin na kumakain dito sa karinderya ay nasa kanila lamang ang tingin, maging si Rica na kahera namin ay napahinto sa

  • The Innocent Mistress   Chapter Seventeen: Stalker

    ALIYAH Sariwang hangin ang dumampi sa aking balat na siyang gumising sa aking natutulog na diwa. Bumungad sa aking mga mata ang mga punong isinasayaw ng hangin sa parke na aking kinaroroonan ngayon. Hindi ko napansin na nakaidlip na pala kanina habang nakatulala sa mga puno rito sa parke, mula nang maisipan kong takasan na lamang ang trabaho ko sa karinderya ay dito na ako dinala ng aking mga paa. Natuyo na ang mga luhang naglalandas kanina sa pisngi ko, gayunpaman ay narito pa rin sa aking damdamin ang sakit na gawa ng mga bagay na narinig ko mula kay Jacob at sa iba ko pang kasamahan sa trabaho. Hindi naman ganoon kadali mawala ‘yung epekto na naidulot niyon sa aking sistema, pero masasabi ko ngayon na mas maayos na ang aking pakiramdam kumpara kaninang umaga. Hindi na naman ako naluluha, e. Nakahihinga na rin ako ng maluwag sa tulong ng sariwang hangin dito sa parke. Buti na lang talaga at walang gaanong tao ang narito ngayon, kaya walang nakakita sa pagluha ko kanina— wala ring t

DMCA.com Protection Status