Home / Romance / The Innocent Mistress / Chapter Four: Mr. Black

Share

Chapter Four: Mr. Black

Author: RandomQueen
last update Huling Na-update: 2023-08-26 14:11:52

ALIYAH

Nagising ako ngayong umaga sa sikat ng araw na tumatagos sa kurtina ng bintana. Nakasarado ang glass window sapagkat naka-bukas ang aircon sa kuwarto, dito kasi ulit natulog si Sir Caleb kagabi kaya naka-bukas ito. Pansin ko na hindi sanay matulog si Sir Caleb na hindi malamig ang paligid kaya tuwing narito siya ay balot na balot ang katawan ko ng makapal na kumot dahil hindi pwedeng walang aircon sa kaniya. Mahina ang katawan ko sa mga lamig, buti na lang at palagi ko namang natitiis ang lamig tuwing kasama ko matulog dito si Sir Caleb.

Kagabi pala ay hindi ko inaasahan na dito matutulog si Sir Caleb, ala una na kasi noong dumating siya. Nakatulog na ako at nagising lang dahil tinawagan niya ang telepono ko. Ang sabi niya ay tinatamad siyang umuwi sa mansyon ng pamilya niya dahil sumasama lang ang pakiramdam niya roon. Lasing pala siya kagabi, ngunit hindi naman gaano. Natulog lang din kami agad kasi parehas kaming antok na antok, ngayon namang pag-gising ko ay wala na siya sa tabi ko. 

Alas dies na rin pala ng tanghali. Hindi ako nagising sa alarm kong alas siete kanina, buti at sabado ngayon kaya wala akong pasok sa karinderya. Tiyak na bawas na naman ito kung sakaling may pasok dahil late ako sa trabaho. Speaking of trabaho, mula nang kuhanin kami ni Mr. Black bilang catering service nila sa mangyayaring event ng kumpanya nila ay dumami pa ang naging customers ng karinderya ni Ma'am Lucy.

Naging busy kami sa nagdaang mga araw, subalit may dagdag namang pursyento sa sahod naming mga empleyado ni Madam, kaya sulit pa rin ang pagod namin araw-araw. Gawa ng lumalagong negosyo ni Ma’am Lucy ay napilitan siyang magdagdag pa ng ilan pang tauhan, kaya medyo abala na talaga sa karinderya. Nakatutuwa talaga ang mga nangyayari, idagdag pa na hindi ko na kailangan magdoble-doble ng mga gawain dahil marami-rami na kami. Nakatuon na lamang ako sa kusina, ako ang nag-huhugas at namamahala sa mga food supplies namin.

Sobrang saya ko talaga para sa Lucien Kitchen, kahit hindi ako ang may-ari ng karinderya ay sobrang saya ko para kay Ma’am Lucy. Noong pumasok kasi ko rito ay hindi naman ito ganoon kakilala, pero ngayon ay paunti-unti na itong gumagawa ng ingay sa masa.

Ang inaalala ko lang ay mas dadami ang makaaalam na roon ako nagta-trabaho— baka guluhin nila akoat madamay ang business ni Madam— buti na lang at sa loob na lang ako ng kusina inassign kaya kahit papaano ay tago ako sa mga new customers namin. Kaya sana ay tuloy-tuloy na ito para sa negosyo ni Ma’am Lucy, para permanent na rin talaga ang pagdagdag sa sweldo namin. Malaki ang maitutulong ng dagdag sweldong ito sa buhay naming lahat na empleyado ni Madam. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon, malaking tulong kahit unting dagdag sa sweldo.

Nang magising na ng tuluyan ang diwa ko ay naisipan ko nang bumangon at ayusin ang kama na pinang-galingan ko. Nang matapos ay sakto kong narinig ang pagtunog ng aking telepono na nakapatong sa side table. Kinuha ko ito para usisain, nagla-lag man ito ay nakita ko ang numero na kaparehas sa numerong nakalagay sa business card ni Mr. Black. Ito na siguro ang sinasabi niya na tatawag sa akin ang sekretarya niya kapag pinal na ang desisyon nila para sa event. Mukha magkakaroon ako ng lakad ngayon, ah.

From: 0905*******

Good day, Ms. Morgan. I am Ashley Domingo, secretary of Mr. Black, I just want to make an appointment with you today. Mr. Black made his final plan for our company’s event with the Lucien Kitchen. If you are available this afternoon, please let us know. Mr. Black will be available at 3 PM today. Location is attached on his business card. Best regards!

Nang mabasa ko iyon ay dali-dali akong nag-reply na makapupunta ako mamaya. Kailangan ay magandang impression ko maibibigay ko sa kanila dahil nangako ako kay Ma’am Lucy na gagalinggan ko rito. Kaya kahit sabado ay kailangan kong pumunta. 

Kagabi pala ay nakigamit ako ng laptop ni Sir Caleb na nandito lang sa bahay, hindi ito ang personal at madalas niyang gamitin. Iniiwan talaga ito ni Sir Caleb para raw if emergency at may kailangan ako ay may option akong magagamit. Hindi naman emergency ang ginawa ko sa laptop, nag-research lang ako tungkol sa Black Corporation at kay Mr. Black dahil mas magandang may alam ako sa kumpanya nila dahil siyempre, business ito.

Dagdag points kaya kapag maraming alam sa business partners sa trabaho. Tutal at big shot ito sa negosyo ni Madam ay tila ba business partner na ang kumpanya ni Mr. Black at ang Lucien Kitchen. Saka gusto ko rin maging pamilyar sa mga taong makasasalamuha ko rito sa oportunidad na ito. Sakto lang ang ginawa ko kagabi dahil ngayon ko na pala ulit makahaharap ang bigating CEO na si Mr. Black.

Ngayon ay may mas ideya na ako sa trabaho at antas niya sa buhay, siguro naman ay hindi na ako makararamdaman ng pagka-ilang at ma—starstruck ng sobra ‘di katulad noong unang beses na magkita kami sa karinderya. Noong una ko kasi siyang makita ay aminado akong kinabahan ako sa presensya niya dahil sobrang powerful niya tignan at propesyunal. Kaya ngayon na alam ko nang magaling din itong business man katulad ni Sir Caleb ay mauunawaan ko na kung bakit siya nakatatakot makaharap.

Siya rin ang CEO na sumunod kay Sir Caleb; kumpanya niya ang sumunod sa kumpanyang pagmamay-ari ng boss ko. Sobra silang nakahahanga sa totoo lang. Sa edad niyang 28 years old ay napakarami na niyang achievements na nagawa sa bansa at sa kaniyang buhay. Marami na ang awards na nauwi ng kaniyang kumpanya gawa ng kahusayan at kasikatan nito sa bansa at sa buong Asya. Katulad ni Sir Caleb ay marami rin siyang bagay na nagawa para makatulong sa ekonomiya ng bansa at sa mga taong nangangailangan.

Imbes tuloy na kabahan ako ay excited akong makita ulit si Mr. Black. Maganda kasing maka-kilala ng mga successful na tao, suwerte nga rin ako na kilala ko si Sir Caleb. Kung hindi lang kami nasa komplikadong sitwasuong dalawa ay malamang ganito rin ako sa kaniya. Saka kahit naman may namamagitan sa ami ni Sir Caleb ay humahanga talaga ako sa kagalingan niya at katalinuhan sa larangan ng negosyo, hindi siya magiging number one sa Pilipinas kung hindi siya magaling.

Ang mga katulad nilang tao ang magandang tularan sa career, sobrang dedicated kasi nila kaya nakukuha nila ang success na mayroon silang dalawa. Dahil diyan ay kailangan kong pag-igihan pa ang trabaho ko kasama si Mr. Black. Ayokong ipahiya ang negosyo ni Ma’am Lucy at siyempre ang sarili ko na rin. Kailangan kong mag-mukhang presentable mamaya.

“Aliyah.” muntik ko na mabitawan ang hawak kong telepono nang bigla kong narinig ang pag-pasok ni Sir Caleb sa kuwarto at tinawag ako. Akala ko ay wala na siya sa bahay dahil anong oras na rin, tahimik din kanina kaya hindi ko naisip na baka narito pa si Sir Caleb.

“P-po?” magalang kong sagot. Nakita ko ang pawis niyang t-shirt at ang bimpo sa leeg niya, halatang galing ito sa labas at nag-papawis doon. 

“Kagigising mo lang?” tanong niya at inalis na sa akin ang tingin at dumiretso sa closet niyang narito sa kuwarto.

“O-opo, hindi ko po narinig ‘yung alarm ko. Kumain na po ba kayo?” tanong dahil inaalala ko na hindi pa ako nakapag-luto ng almusal niya.

“Not yet, nag-gym muna ako. I will eat after I shower. Can you make our breakfast or do you want me to just order food for us?” nilingon niya ako ng tanungin niya iyon kaya namula na lamang ako bigla. Hindi tunog Sir Caleb ang mga sinasabi niya ngayon sa akin, pakiramdam ko ay good mood na good mood siya ngayong araw kaya ganito siya sa akin.

“Mag-luluto na lang po ako, Sir Caleb.” sagot ko at tumayo na sa pagkakaupo ko sa kama. Inilapag ko na ang teleponong hawak sa side table at inayos pa ng unti ang kama dahil gusot itong muli.

“Can we just order food, Liyah?” nagulat ako nang sa hindi inaasahan ay naramdaman ko ang braso niyang pumulupot sa aking baywang habang mahinang sinasabi  sa akin ang bagay na iyon. Nang maramdaman ko ang pagbaba ng kamay niya sa bandang puson ko ay napahawak ako sa kamay niya.

“S-sir Caleb…” muli ko na naman hindi mapigil ang pagka-utal sa aking boses nang sambitin ko ang pangalan niya. Hinarap niya ako sa kaniya at marahang h******n. Kusang pumulupot sa kaniya ang kamay ko dahil sa halik na ibinibigay niya sa akin sa mga sandaling ito.

“W-wait lang po.” salita ko nang maramdaman ko na sa aking likod ang malambot naming kama.

“Why? Hindi mo ba gusto?” tanong niya. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala kaya agad akong napa-iling. Gusto ko lang naman mag-paalam sa kaniya na aalis ako mamaya, pakiramdam ko kasi ay magandang oras ‘to na mag-paalam sa lakad ko mamayang tanghali dahil nasa mood siya ngayon.

“A-alis po ako mamaya, Sir C-caleb. Alas tres—”

“Ihahatid na kita mamaya.” putol niya sa akin na kinamula ng pisngi ko. Muli niyang hinalikan ang labi ko pero hindi pa ako tapos sa sasabihin ko kaya humiwalay ako saglit hinalikan siya sa pisngi nang matigil muna siya sa ginagawa. Halata sa mata ni Sir Caleb na nagulat sa ginawa ko pero may pagka-irita dahil siguro sa ginagawa kong pakikipag-usap sa kaniya habang nasa ibabaw ko na siya.

“Nag-papaalam lang po ako, h-huwag niyo na po ako ihatid—” 

Hindi ko na nagawang matapos ang sinasabi ko nang muli niyang sakupin ang labi ko, nang mapunta ang kamay niya sa tagiliran ay nakaramdam ako ng kiliti kaya mahina akong natawa at napa-iwas sa kaniya. Sumilay ang ngiti sa labi niya nang makita ang nangyari kaya nahiya ako.

“Stop being so cute, Liyah. Ang kulit mo naman.” hindi niya na napigilan masabi kaya lalo akong nahiya. Alam kong pulang-pula na ako sa mga sandaling ito habang iniiwasan ang mga mata niya na tila ba nag-niningning habang nasa akin ang tingin. Nakangiti siya sa akin na tila ba natutuwa siya sa mga nangyayari.

“Can I now kiss you again?” mahina niyang banggit habang ang kamay ay hinahawi ang ilang hibla ng buhok na naligaw sa mukha ko. Dahil gusto ko rin naman ang ginagawa niya ay tumango ako at umayos na, mukha namang natuwa siya sa sinagot ko kaya muling naglapat ang labi namin sa isa’t isa. Sa pagkakataon na ito ay naramdaman ko ang isa niyang kamay sa dibdib ko kaya nagsisimula na naman ang pag-init ng katawan ko dala ng sensasyon.

“C-caleb…” malamyos kong sambit sa pangalan niya nang hindi ko mapigilan ang nararamdaman sa sistema.

“I want you, L-liyah… F*ck!” matapos nun ay umalis na siya sa ibabaw ko at hinubad na ang suot niyang damit bago niya hubarin ang pang-itaas kong suot.

“Let’s take a shower, babe…” bulong niya sa tainga ko at binigyan pa ng halik ang ulo ko bago niya ako buhatin sa mga bisig nya. Walang kahirap-hirap niya akong binuhat na para lang akong papel, dahil takot malaglag ay napakapit kaagad ako sa kaniya.

Ito na naman ang isipan kong kumo-kontra sa nangyayari ngunit ayaw naman itigil ng katawan ko. Sa ginagawa kong ito ay mas pinapatunayan ko lang sa sarili ko na isa nga akong kabet.

“S-sir Caleb, mali ‘to…” nasabi ko rin na kinahinto niya. Nag-bago ang ekspresyon ng mukha niya pero hindi naman ito mukhang galit okung ano man.

“No, it’s not, Liyah— sila ang mali sa’yo.” mahina lang na sapat lang na marinig ko. Naabot niya ng isang halik ang noo ko kaya may kung ano sa loob ko ang gumaan. Mas lalo niya akong nilapit sa kaniya at muli na namang hinalikan sa labi hanggang makarating kami sa loob ng banyo kung nasaan mayroong bath tub. 

Nang ibaba niya ako ay hinawakan niya ang kamay ko. Marahan niya itong hinalikan at ibinalik sa akin ang isang makahulugng tingin.

“You are mine, Aliyah. You are not what they tell you. You are mine— you are not just a mistress to me, Liyah.” salita niya at marahang hinaplos ang pisngi ko. Nang maramdaman ko ang pag-yakap niya sa akin ay bumigay na ang emosyon ko at naramdaman na lamang ang pagluha ng mga mata. Sa simpleng sinabi niyang iyon ay may kung anong nabuhay sa puso ko, gumaan ang lahat ng mabigat, at nawala ang lahat ng pangambang palaging pumupuno sa isipan ko.

Hindi ko maipaliwanag ng buo subalit iisa lang ang alam ko sa mga oras na ito— masaya ako at siya lamang ang nakagagawa nito sa buhay ko.

***

“Good afternoon, Ma'am! How can I help you?” nakangiting bati ng babae sa front desk ng main building ng Black Corporation. 2:45 pa lang ng tanghali at narito na ako. Sakto na sakto lang sa napag-usapan na oras para sa meeting ko kay Mr. Black. Muntik pa naman akong hindi papasukin ng mga security guards dito sa main building.

Hindi raw kasi ako pwedeng pumasok ng walang I.D or letter of appointment galing sa taong sadya ko rito sa loob. Ang problema ay hindi ko pala nadala ang valid I.Ds ko at wala naman akong natanggap na letter mula sa sekretarya ni Mr. Black para sa meeting na ito. Inabot tuloy ako ng halos sampung minuto na nakikiusap sa guards.  Huli ko na naisip na ipakita na lamang ang text message na nakuha ko mula kay Ms. Domingo na sekretarya ni Mr. Black. Natanggalin pa rin naman ako dahil pamatay-matay pa ang telepono ko kanina, pasira na kasi talaga ito at pinipilit ko na lang talaga na gamitin dahil wala pa akong pambili ng bago.

Sobrang higpit talaga ng security nila rito, pero reasonable naman dahil ang sinabi kong ka-meeting ko ay si Mr. Black. Hindi lang siguro talaga makapaniwala sila Kuyang guard na si Mr. Black mismo ang kikitain ko ngayon dito. Sino ba naman kasi ang maniniwala? Kahit naka-bihis ako para maging presentable ay alam kong hindi talaga ako ang mukhang makaka-meeting ang CEO nila.

Ayon kasi kay Kuyang guard, tuwing may ka-meeting daw si Mr. Black ay palaging sinasabi sa kanilang mga guard. Mga matataas at kilalang tao kasi ang palaging ka-meeting nito, kaya kailangan ipaalam sa kanila para salubungin sa parking or entrance ng building para mabigyan ng magandang accommodation.

First time lang talaga siguro na may ka-meeting si Mr. Black na isang ordinaryong tao rito sa kumpanya nila. Aminado akong nakagagalak ang bagay na iyon, pero at the same time— nakahihiya. Idagdag pa na sobrang elegante ang kabuuan ng gusaling ito, mapa-flooring, paintings, disenyo ng mga pader, maging ang upuan sa lobby— lahat-lahat ay sobrang ganda at magarbo. Halatang ito nga ang main building ng kumpanyang pumapangalawa sa buong bansa. Hindi ko rin pala pwedeng kalimutan na hindi puriin ang maganda at malaking chandelier dito sa may lobby pa lang. First floor pa lang ng main building ng Black Corporation ay maganda na, paano pa kaya ang ibang floors?

Dahil masyado ata akong na-overwhelm sa pagiging maganda’t elegante ng buong lugar, nakararamdam na ako ng matinding hiya. Ang insecurities ko sa suot kong damit ngayon ay umaapaw. Kung alam ko lang siguro na ganito kaganda ang pupuntahan ko ay naghanda pa ako ng kahit papaano ay mas magandang damit at ayos ng kabuuan ko sa araw ngayon.

Hindi kasi ako pwedeng mag-skirt at blouse, e. May bakas ang naging pag-isa namin kaninang umaga ni Sir Caleb. May ilang hickeys ang litaw sa may bandang tuktok ng dibdib ko at sa leeg. Nakasuot ako ngayon ng round neck t-shirt na pinatungan ng blazzere, slacks naman ang pang-ibaba ko. Hindi ko rin maitali ng maayos ang buhok ko dahil makikita ang mga markang namumula pa sa leeg ko. Kailangan ko lamang manatiling nakalugay buong araw.

“Maam?”

“Naku, pasensya na po kayo.” parang gusto ko na lang lamunin ng lupa ng hindi ko namalayang natulala na pala ako sa babaeng kumakausap sa akin.

“Ayos lang po, Ma'am. Madalas po talagang matulala ang mga taong bumibisita rito sa main building. Anyway, what can I do to you today, Ma’am?” nanatili ang ngiti sa labi ng babae nang muli niya akong tanungin. Muli kong kinuha ang telepono ko at pinakita na lamang sa kaniya ang text message na natanggap ko. Baka kasi hindi na naman maniwala sa sasabihin ko kaya inunahan ko na ito. 

“May appointment lang po ako kay Mr. Black, ito po ang text message na nakuha ko galing sa kaniyang sekretarya kanina.” salita para maipaliwanag ko pa rin sa kaniya ng maayos.  

“Alright, Ma’am. So, you must be Ms. Aliyah Morgan? Do you have an I.D or anything with your name on it for our confirmation?”

Patay, wala akong valid I.D na dala pero mayroon akong bank account card na may pangalan ko. Dahil sa naisip ay mabilis kong kinalkal ang bag ko at kinuha sa wallet ang card ko sa banko para mai-abot ko sa babae.

“Okay lang po ba ito?” tukoy ko sa bank account card ko.

“That will do, Ma’am. Thank you.” pasalamat niya at kinuha na ang card ko.

“Just wait for a second, Ms. Morgan.” salita muli niya at saglit na lumapit sa kasamahan niya para ipakita ang card ko. Noong una ay wala lamang ito sa akin subalit pansin ko ang bulungan na ginawa nila at maya-maya pa ay natawa. Nang bumalik sa akin ang babae ay may tinipa lang siya saglit sa computer at binalik na sa akin ang card ko.

Hindi ko na magawang maka-ngiti dahil sa nangyaring ‘yon. Malakas ang kutob ko na kilala nila ako at alam nila ang mga bagay na kumakalat sa akin kaya sila tumawang dalawa nang tignan ako kanina.

“She looks very familiar, right?” napalingon ako sa paligid nang may marinig akong nagsabi nun. Nang makita ko ang dalawang empleyado sa may bandang likuran ko ay nabawi ko ang tingin at napayuko na lamang. Hindi ko maiwasan ang nararamdaman kong panliliit ngayon, para akong nilalamon ng kahihiyan habang may mga taong pinag-uusapan ako.

“Your appointment has been confirmed, Ms. Morgan. You can now proceed to tenth floor and Ms. Ashley will accommodate you to Mr. Black.” bumalik lamang sa babaeng kausap sa front desk ang atensyon ko nang mag-salita siya. Alam ko nang hindi totoo ang ngiti niya sa akin dahil sa pag-tawa nila sa akin ng ka-trabaho niya kanina. Gaya ng palagi kong nararamdaman tuwing minamaliit ako ng mga taong nakasasalamuha ko ay labis akong nasasaktan.

“Diba siya 'yon? Iyung kabet ni Caleb Walton?”

“Oo, siya nga 'yon! Owemjie, took photos of her at panigurado viral ito mamaya.”

“How funny is this? Nasa kumpanya siya ng kalaban ng kinakabit niya. Weird.”

“Sabihin mo, naghahanap lang 'yan ng mayayaman dito for her next victim.”

Dumadami ang naririnig kong bulungan tungkol sa akin nang makapunta na ako sa hintayan ng elevator. Maraming tao ang nag-hihintay doon kaya mas minabuti ko na lamang na tahakin ang elevator kaysa manatili kasama ang mga taong pinag-uusapan ako. Nasasaktan ako ng sobra sa mga sandaling ito ngunit pilit kong nilalabanan. May meeting pa akong pupuntahan at hindi ako pwedeng pumalya rito ngayon dahil lamang sa mga naririnig kong paninira sa akin ng iba.

***

“Ms. Aliyah Morgan?” habol ko ang aking paghinga nang sa wakas ay narating ko na ang tenth floor. Lagpas sampung minuto ang naubos kong oras makarating lamang dito, isang minuto na lamang ay mag-aalas tres na. Masyado akong napasubo sa pag-akyat ng hagdan at ang hangin ko sa katawan ay tila ba ubos na ubos na.

“O-opo, ako nga po…” habol hininga kong sagot at napahawak sa aking dibdib upang saluhin ang aking pag-hinga. Ramdam ko ang pawis na inilalabas ng aking katawan kahit malamig na ang buong paligid gawa ng air-condition sa lugar. Nasa hallway na ako ng 10th floor.

Nang magawa kong tignan ang babaeng kumakausap sa akin ay kita ko sa kaniyang mukha ang pag-aalala sa lagay ko, dahil doon ay pilit na ngiti ang nagawa ko. Wala na akong oras para puriin pa ang ganda ng lugar sapagkat pagod at natataranta ako, basta ang alam ko ay ilan-ilan lamang ang mga taong narito sa palapag na halatang abala sa kani-kanilang trabaho.

“Mr. Black is already at his office, pero sa state niyo po ay mas mabuting maupo muna kayo saglit. May bottled water din po rito kung nais niyo po uminom, Ms. Morgan.” nag-pasalamat ako sa kaniya dahil ramdam ko na genuine ang concern na nakikita ko sa mga mata niya habang nakatingin sa akin, buti naman at hindi siya katulad ng ibang tao sa baba na pinag-uusapan ako at hinuhusgahan na agad. 

“I already informed Mr. Black about your arrival and he gave you a few minutes to rest. Medyo strict po kasi si Mr. Black sa ganitong mga meeting kaya mas maganda po na relax muna kayo rito at i-regain ang energy niyo. Hindi pa rin po ako makapaniwalang inakyat niyo ang palapag na ito gamit ang hagdan namin.” nahihiya akong napangiti sa kaniya nang banggitin niya iyon sa akin, nakahihiya naman talaga ang nangyari.

Sino ba namang matinong tao ang aakyat sa tenth floor kung marami namang elevator na pwedeng gamitin. Idagdag pa na may importante akong meeting sa CEO ng kumpanya tapos ganito pa ang napili kong gawin. Hay naku talaga, Aliyah!

Buti na lang talaga at nagdala ako ng panyo at pulbo ngayon, pwede ko pang maisalba ang mukha ko at gawin ulit itong fresh. Nakahihiyang humarap kay Mr. Black na sobra akong haggard tignan, pero bago ang pag-aayos ay kailangan ko munang uminom ng tubig para manatiling hydrated.

“Buti na lang at pinili ni Mr. Black na rito lang sa 10th floor mag-meeting. Sa 28th po kasi talaga ang main office niya.” napangiti ako rito nang marinig ko ang sinabi niya. 

“Ako nga po pala si Ashley Domingo, secretary po ni Mr. Black. Kung ready na po kayo ay ihahatid ko na po kayo sa kaniya.” nanatili ang sigla sa tono ng boses niya nang idagdag iyon kaya tumango ako. Uminom lang ako ng tubig, nag-punas ng pawis , at nag-lagay ng kaunting pulbo. Nang matapos ang lahat ay mukha namang handa na ako, napawi na rin naman kasi ang hingal ko mula kanina.

“This way, Ms. Morgan.” sinundan ko lamang ang daang tinatahak niya. Siguro ay mga limang liko-liko ang nagawa namin bago marating ang destinasyon. Nasa pinaka-dulo pala ang silid na kinaroroonan ni Mr. Black ngayon, kahit hindi ito ang main office ng CEO nila— ayon kay Ms. Ashley— ay kita ko pa rin ang garbo at ganda ng lugar. Malaki ang pinto nito at para bang prinsipe ang kung sino man ang nasa loob, ganoon ang pakiramdam na ibinibigay nito sa akin.

Ilang saglit lamang kami naghintay bago automatikong mag-bukas ang malaking pinto. Gaya ng naisip ko, sobrang ganda nga rin ng loob nito. Maaliwalas ang buong silid dahil sa mga malalaking glass window, nakalulula dahil nasa 10th floor na kami. Gayunpaman ay sulit na sulit naman sa magandang view na makikita roon. Malaki ang opisina na ito ni Mr. Black at nasa gitna ang table niya kaya kitang-kita agad ito pagka-pasok namin, pero hindi ko roon natagpuan si Mr. Black. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng isa sa mga glass window na mayroon ang opisina niya, sa labas ng bintana nakatuon ang atensiyon niya habang iniinom ang laman ng basong hawak niya.

“Maiwan ko na po kayo.” paalam ni Ms. Ashley at agad na ring lumabas ng kuwarto at isinara ang malaking pinto. Nakabibinging katahimikan ang namayani sa paligid at ang tangi ko lang naririnig ay ang pag-salin ni Mr. Black ng alak sa baso niya.

Wala pa rin sa akin ang tingin niya kaya tila ba malaya akong pagmasdan siya. Matangkad at mukha siyang malaking tao tignan. Seryoso ang mukha niya kaya ito na nga— ramdam ko na ang kakaibang nerbiyos sa sistema ko ngayon. Parehas na parehas sa kabang naramdaman ko nung una kaming magkita sa karinderya. Akala ko ay hindi na ako ma-starstruck sa kaniya ngunit nagkakamali ako, parang mas lalo lamang itong lumala ngayon.

“I am impressed, Ms. Morgan, you are just on time if you did not take the stairs to be here. Anyway, why did you do that? Is there any problem with our elevators?” pormal man ito ay bakas pa rin na curious siya sa dahilan ko. Hindi ako makasagot dahil hindi ko maipaliwanag kung ano ba ang epekto sa akin ng mga tingin na ginagawa ni Mr. Black. Halatang inoobserbahan niya ako, hindi naman ito galit, naiinis, at kung ano-ano pang maaaring maging reaksiyon ng mga mata niya sa akin— basta kakaiba ito kaya naiilang ako. 

Idagdag pa na wala akong planong ipaalam sa kaniya kung ano ang totoong dahilan kung bakit ako nag-hagdan, kapag kasi sinabi ko iyon ay nakahihiya na ng sobra ang lahat. Napa-kagat na lamang ako sa ibabang labi para mapigil ko ang nararamdaman kong halo-halong kaba, taranta, at pagka-ilang. Hindi talaga mawala sa akin ang tingin niya, hindi ko tuloy alam kung may dumi ba sa mukha ko o sadyang ang haggard ko talaga tignan sa mga sandaling ito dahil sa mga nangyari kanina lang.

“M-marami po kasing tao sa ibaba, Mr. Black. Pasensya na po.” paumanhin ko. Ramdam ko ang panunuyot ng aking labi kahit uminom naman ako ng tubig kanina, halata na siguro sa akin na kinakabahan ako sa harap niya. Nakahihiya.

Dahil sa naging sagot ko ay nakita ko ang pag-silay ng tipid na ngiti sa kaniyang labi, lumapit siya sa akin kaya bahagya akong napa-ayos ng tayo. Ito na naman ang matinging starstruck ko kay Mr. Black kaya automatiko na lamang akong napahihinto. Ngayon ko na talaga masasabi na matangkad siya dahil kusang umangat ang tingin ko nang narito na siya malapit sa akin, kanina pa mabango sa opisina niya ngunit mas lalong naging klaro ang bango dahil si Mr. Black pala ang pinang-gagalingan niyon. Hindi ko rin maiwasang mapuri ang ganda ng hulma ng katawan niya, matipuno at lalakeng-lalake ang dating ni Mr. Black. Sobrang lakas ng appeal niya sa opinyon ko, artistahin talaga. 

Para akong isang fangirl ngayon dahil tunay akong humahanga sa ka-pogian ni Mr. Black kahit kabado pa rin talaga ako. Mas guwapo kasi siya sa malapitan kaysa pictures niya sa internet, kahit hindi na ito ang unang beses ko siyang nakita ay mas na-appreciate ko ang ganda niyang lalake. Ganito rin kasi ako kay Sir Caleb noong una ko siyang makita, parehas akong na-gwapuhan at parehas din akong natakot sa kanila.

Hindi ko alam kung bakit ako palaging natatakot sa mga mayayamang tao na nakikilala ko sa unang pagkakataon sa buhay ko. Siguro ay isa na itong trauma sa akin mula pa man noong bata pa lang ako, puro kasi talaga utang ang mama ko sa mga taong mayayaman na kilala niya.

At kapag singilan na ay palagi kaming nag-tatago ng mama ko, iyon ang dahilan kaya ang mayayamang tao na kilala ni Mama ay palagi na siyang pinagbabantaan ng masama para lang mag-bayad. Bata pa lang ako ay alam ko nang makapangyarihan ang mga mayayaman, kaya siguro palagi akong nanliliit para sa sarili at natatakot tuwing nakakasalamuha muli ako ng mga taong makapangyarihan kumpara sa akin.

“I believe that we have a lot of elevators that you can use in this establishment, Ms. Morgan.” salita niya kaya alanganin akong napangiti. “Anyway, kung ano man ang dahilan mo kung bakit ka nag-hagdan ay sa iyo na ‘yon. You are here because of the things I want for my company’s event next month. Please come and sit, I have a list of the things I need to mention to you today.”

Nang mawala na si Mr. Black sa harap ko at nagtungo na sa kaniyang upuan sa table niya ay naupo na rin ako sa bakanteng upuan na nasa harapan lang ng desk niya. May ilang documents lang siyang itinabi bago niya buksan ang laptop niyang nakapatong lang sa table.

“But before we start, I would like to formally introduce myself to you, Ms. Morgan. I am Dominic Black, the CEO of this building— the Black Corporation.” pag-papakilala niya. 

“Kilala ko na po kayo, nag-research po ako kagabi tungkol sa iyo— tungkol po sa kumpanya niyo.”

“Oh— So, you have an interest in me, huh?” nakita ko ang pag-ngiti niya kaya nataranta ako at namula.

“H-hindi po sa gano’n, g-gusto ko lang pong malaman ang ibang details po sa inyo dahil siyempre po— big client po namin kayo.” paliwanag ko. Ramdam ko na naman ang pawis sa noo at leeg ko dahil sa mga nangyayari kaya mabilis kong kinuha ang bimpo ko at nag-punas ng pawis.

“I see that…” simpleng sagot niya. Muli ay nanigas ako sa kaba, ano ang nakita niya?

Doon ko lang naalala ang ginagawa ko. Mabilis kong binalik sa aking harapan ang buhok kong nakalugay nang mahawi ko ‘yon dahil sa ginagawang pag-punas ng pawis. Kinakabahan ako, nakita niya kaya ‘yung mga namumula kong marka sa leeg? Nakahihiya. Parang nais ko na lamang umuwi habang iniinda ang mga tingin na ibinibigay niya sa akin. “P-po?”

“I said, I see that you are really putting your efforts into this. It’s good that you are really trying to know more about our company, since we are kind of working together. I’m impressed, Ms. Morgan.” salita niya. Pinuri ako ni Mr. Black!

Dahil sa pag-puri sa akin ni Mr. Black ay hindi ako nag-dalawang isip na pasalamatan siya at ngitian. Alam kong namumula na naman ako sa saya pero hindi ko naman ito mapigilan dahil totoong masaya ako.

“Anyway, let’s start talking about the event.” anunsyo niya na kinatango ko lamang. “Since I have a lot of employees who did their best in their jobs, I want to create an event for them. Dahil gusto kong makatulong sa mga maliliit na negosyo katulad ng Lucien Kitchen, kayo ang napili ko bilang catering service namin sa event na ito.” panimula niya.

“Hindi ko pa nasabi kay Ms. Lucy ang magiging location dahil hinintay ko pa ang magiging desisyon ng mga tauhan ko. They wanted to have a pool party, so we decided to have three days and two nights in a private resort outside the town. So, I think seafood and grilled dishes will be the best option for our food. Anything you have in your menu will do for us, as long as it is seafood and grilled.” tumango ako at isinulat sa maliit kong notebook ang mga detalye na sinasabi niya ngayon sa akin para sa event nila.

“Aside from that, I also have five special dishes I want for this event. I heard that Lucien Kitchen has a very good chef, so I decided to request some special dishes for me and for my employees.” dugtong pa ni Mr. Black at inilahad sa akin ang isang papel. Tinignan ko ito at nakita ang limang putahe na gusto ni Mr. Black.

Mayroon dalawang filipino dish na Sisig at Kaldereta. Ang isa naman ay Cordon Bleu na base sa nakalagay sa papel ay isang pagkain na galing sa bansang Switzerland, pamilyar ako rito. May dalawang putahe rin na hindi ako pamilyar, Beef Stroganoff at Caponata. Ayon sa papel na hawak ko ay isang russian dish ang Beef Stroganoff at ang isa naman ay italian dish. Mukhang mapapasubo talaga ang mga chef namin sa karinderya nito, lalo na ang head chef na kaibigan kong si Jacob. Magaling naman talaga siya sa pagluluto kaya tiwala ako sa skills niya sa mga putaheng ito.

“And like what Ms. Lucy told me about the breakfast menu. She said Lucien Kitchen is known for the best breakfast menu, so I won't request anything special for that. As long as it is good for my employees, there's no problem with that. Understand?” mabilis akong napatango kay Mr. Black at tipid na ngumiti habang nakatingin sa kaniya.

“Malinaw po sa akin ang lahat, Mr. Black—”

“You can just call Sir Dominic, Ms. Morgan. It is fine with me.” putol niya na siyang kinatango ko at muling pag-ngiti.

"Okay po, Sir Dominic. Pwede na rin po ang Aliyah sa akin o Ali." simpleng sagot ko. Sa pangalawang pagkakataon ay ngumiti siya sa akin kaya parang gumaan kahit papaano sa kaniya ang loob ko, medyo nawala na ang kaba ko kumpara kanina. Mukha naman siyang mabait kahit papaano, masyado lang talaga siguro akong kinakabahan kanina.

“Sir Dominic…” tawag ko sa kaniya kaya nahinto ang pag-inom niya sa alak na nasa baso niya. Tumingin siya sa akin na tila may tinitignan na gusto niyang usisain.

“Yes?” sagot niya at tuluyan nang kinonsumo ang alak sa kaniyang baso habang hindi nawawala sa akin ang mga mata niya.

“Tanong ko lang po pala kung ilan pong empleyado ang tinutukoy niyo? Para po alam po namin kung gaano karaming stock ng ingredients at pagkain ang kailangan naming gawin.” diretsa kong tanong. Curious kasi ako dahil wala siyang nababanggit na bilang ng employees niya, e. Importante kasi ito, baka pagalitan ako ni Madam kapag hindi ko ito itanong.

"S-sir?" utal kong tanong nang mapansin na hindi siya kumikibo habang nasa akin pa rin ang tingin niya. Muli tuloy nabuo sa sistema ko ang pagka-ilang sa mga mata niyang hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mga oras na ito. Dahil hindi sanay na tinititigan ng ibang tao ay ako ang kusang nag-iwas ng tingin.

Maya-maya ay naramdaman ko nang wala na sa akin ang tingin niya, nang ibalik ko sa kaniya ang atensyon ay may kakaiba na itong ngiti sa labi kaya alanganin din akong ngumiti sa kaniya.  “I know staring to someone is rude, sorry for that. I am just thinking about some other things.”

“A-ayos lang po, Sir Dominic.”

“Anyway, for your question. We still don't have the exact list of attendees. However, I will pay for your catering service, which is good for sixty people. Like what Ms. Lucy told me, the food per person could be 1,000 each per day. Kung hindi ako nagkakamali ay 180,000 ang tatlong araw sa sixty na tao, right?” tumango ako bilang sagot.

“So, as I promised to Ms. Lucy, I will make a down payment of 100,000 pesos next week and I will complete the payment of a total of 180,000 pesos after the event. And if your service ends well, I will make it to 220,000 pesos. Hiwalay pa roon ang limang dish na ni-request ko. I hope it's all clear to you, Ali.”

“Clear na clear po, Sir Dominic.” nakangiti kong sagot nang masulat ko sa papel ang dapat kong masulat. Nakita ko muli ang ngiti niya kaya nawala na ulit ang tensiyong nagagawa ng sistema ko kanina, totoo nang masaya ako dahil sa narinig ko. Paniguradong malaki-laki ang bonus na makukuha naming lahat kung nagkataon na magustuhan ni Sir Dominic ang serbisyo namin sa event niya. Kailangan naming pag-butihan ang lahat para matuwa si Sir Dominic sa amin.

“Good to hear that. Sa ngayon ay iyon lang naman ang gusto kong sabihin sa iyo, we are currently finding a quality private resort for the event. My secretary will message you again if we already have the exact location and exact date of the event.” pormal na pahayag ni Sir Dominic na mabilis ko ulit kinatango. Nang makita kong tumayo na si Mr. Black ay tumayo na rin ako sa pagkaupo ko.

“It was nice to meet you today, Aliyah. Thank you for coming on time today.” malumanay na ngiti ni Sir Dominic sa akin kaya namula ako sa tuwa at bahagya pang yumuko bilang pag-galang. Buti naman at nagustuhan ni Sir Dominic ang performance ko ngayon, paniguradong matutuwa si Madam kapag nalaman niyang naging maayos akong empleyado niya.

“Maraming salamat din po, Sir Dominic! Makaaasa po kayong pagbubutihan namin ang trabaho, salamat po sa pagtitiwala. Nice to meet you rin po pala, Sir!” nanatili ang ngiti sa labi ko nang tanggapin ang kamay ni Mr. Black na nakalahad sa aking harapan. 

Nang malagay ko na sa bag ang papel at ballpen na ginamit ko ay nag-presenta siyang ihatid na ako sa elevator para siguradong gagamitin ko na ito ngayon pababa. Nahihiya man ako sa sinabi niya ay masaya akong tanggapin ang kabutihan niya sa akin.

“Take care, Aliyah. See you again, soon…” tipid na lang na ngiti ang nagawa ko sa sinabi niya dahil dumating na ang elevator. Nagpaalam na rin ako kay Mr. Black bago pa sumara ang sinakyan kong elevator. Marami mang emosyon ang nailabas ko sa pag-punta ko rito ay masaya naman akong mabuti naman ang pakikitungo sa akin ni Mr. Black— kahit madalas niya akong titigan na nag-papakaba sa akin. 

Kahit mukhang masungit at suplado ito dahil sa taas ng posisyon niya sa buhay ay masaya akong hindi niya pinaramdam sa akin na isa lang akong walang kwentang tao sa kaniya, nakadidismaya talaga ang mga empleyado niya sa baba kanina. Buti pa ang boss nila ay mabait, sana ay ganoon din silang lahat.

Haaay! Maka-uwi na nga lang at makapag-pahinga na.

Kaugnay na kabanata

  • The Innocent Mistress   Chapter Five: Threat

    ALIYAHNahinto ang ginagawa kong pagpunas ng lamesa nang may marinig akong kumakatok sa pinto. Hindi ito malakas, pero sapat na para marinig ko. Kaaalis lamang ni Sir Caleb at katatapos ko lang kumain kaya naglilinis na ako ngayon ng hapag. Mabilis ang naging paglakad ko patungo sa pinto para pagbuksan ito, naisip ko kasi na baka si Sir Caleb ang kumakatok. Nagmamadali kasi siya kanina at may naiwan siyang folder sa coffee table namin, mukhang binalikan niya ito dahil ilang minuto palang naman siya nakaaalis.“Nasa coffee table po—” hindi ko na nagawa pang matapos ang bungad ko sanang sasabihin kay Sir Caleb nang pag-bukas ko ng pinto ay wala akong ni anino ng tao ang nakita roon. Malakas ang hangin sa labas at tirik na rin ang araw. Dahil pinuno ako ng pagtataka ay lumabas ako para suriin ang buo naming labas, wala talagang tao. Pero papaanong may narinig akong kumatok? Guni-guni lang ba ‘yon?Nakakatakot naman kung guni-guni nga, para kasing totoo ito sa akin kanina. Kahit mahina an

    Huling Na-update : 2023-08-27
  • The Innocent Mistress   Chapter Six: Feelings

    ALIYAHAntok pa ang diwa ko nang magawa kong maimulat ang aking mga mata sa umagang ito. Ramdam ko ang ginaw sa hubad na katawan dahil sa lamig na ibinubuga ng air-condition sa aming silid ni Sir Caleb. Dahil nag-iingay ang alarm clock sa buong silid ay mabilis ko itong kinuha para patayin, matapos niyon ay napunta na kay Sir Caleb ang atensyon ko. Natutulog pa siya at mukhang mahirap distorbuhin, maingat ko na lamang inalis ang kamay niyang nakapulot pa sa katawan ko dahil kailangan ko nang bumangon. Martes pa lang ngayon, may pasok pa ako sa karinderya. Ayaw ko mang bumangon dahil gusto ko pa manatili sa tabi ni Sir Caleb ay wala akong magawa. Magluluto pa ako ng almusal namin bago mali, e. Nang magawa kong makuha ang pantulog kong nagkalat sa sahig ng kuwarto ay sinuot ko na ulit ito, muli ay hindi na naman mawala sa aking labi ang isang ngiti. Lahat ng nangyari sa amin kagabi ay sobrang ganda lang paulit-ulitin sa utak ko, pinagluto niya ako ng hapunan, nanonood kami ng isang ma

    Huling Na-update : 2023-08-28
  • The Innocent Mistress   Chapter Seven: Questions

    ALIYAH Mabilis lumipas ang mga araw mula noong payagan ako ni Sir Caleb na sumama sa big event. Sa tatlong araw ay sobrang naging abala ang buong karinderya sa paghahanda, mabuti na lang talaga at nagawa naman namin ang lahat ng kailangan naming gawin para sa pagsisimula ng event ngayong araw. Sabado na, maaga ang call time namin sa trabaho kaya alas singko palang ng umaga ay nandito na kaagad ako. Mag-aalas siete na ng umaga, may sampung minuto na rin mula nang umalis kami sa karinderya. Nauna nang umalis sila Ma’am Lucy at dalawang pick-up truck na nirentahan niya para sa aming mga empleyado at para na rin lahat ng bagay na kakailanganin namin ay makarating ng maayos sa resort. Ang kaso nga lang ay puno ang dalawang sasakyan kaya wala na akong masakyan kanina. Plano ko na sana mag-commute na lamang papunta dahil tinuro na sa akin ni Madam ang dapat sakyan ko, buti na lang talaga at dumating si Sir Dominic sa karinderya kanina. Dadaan lang daw sana siya para tignan kung nakaalis n

    Huling Na-update : 2023-09-22
  • The Innocent Mistress   Chapter Eight: Worries

    CALEB “Answer the phone, Aliyah!” banggit ko sa aking telepono. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi mainis sa nangyayari. Nasa bahay pa lang ako kanina ay sobra na ang pag-aalala ko kay Aliyah, umalis siya nang hindi man lang nagsasabi sa akin. Maging ngayon na nandito na ako sa mansyon ay hindi ko pa rin matawagan ang telepono niya. Wala na nga sana akong balak pang dumalo sa meeting namin ng tatay ko sa mansyon kasama ang mga investors namin dahil sa pag-aalala ko ng sobra sa hindi pagsagot sa aking tawag ni Aliyah. Kahit ilang beses ko pang subukan siyang tawagan, ganoon pa rin ang nangyayari. Para na akong tanga mag-isa rito sa kuwarto ko dahil kanina pa ako galit na galit sa mga nagaganap. Ito ang kabilin-bilinan ko kay Aliyah na gawin niya, pero heto at hindi niya masagot ang mga tawag ko. Gusto ko mang mainis sa kaniya ay mas matimbang ang pag-aalalang nararamdaman ko. I shouldn't have let her come, I could just double the money that she will get from that event—

    Huling Na-update : 2023-09-23
  • The Innocent Mistress   Chapter Nine: Fault

    ALIYAH Ala una ng umaga nang naalimpungatan ako sa aking pagtulog. Patay na ang lahat ng ilaw sa kuwarto at tanging sinag lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa buong silid. Dahil hindi ako makabalik sa tulog kong naputol ay bumangon muna ako sa kama, nakita kong mahimbing na ang tulog nila Lebby. Tahimik na rin ang labas kumpara noong makatulog ako ng 11:30 kanina, mukhang tapos na ang inuman at kasiyahan sa ibaba. Dahil tahimik ang buong silid ay naisipan kong lumabas muna sa balkonahe at doon ulit magpa-antok, naupo ako sa isang silya roon at tumanaw sa malawak na kapaligiran na makikita sa pwesto kong ito. Napakaganda ng langit sa gabing ito, maliwanag at buong-buo ang buwan, maging ang mga bituin ay sobrang dami ngayon. Ang ganitong tanawin ay tunay na nagpapagaan sa aking damdamin. Napakagandang pagmasdan ang lahat ng ito gamit ang mga mata ko. Sobrang payapa ng gabi… ganitong kapayapaan ang ninanais ko palagi sa aking buhay. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang ata naga

    Huling Na-update : 2023-09-24
  • The Innocent Mistress   Chapter Ten: Drowned

    ALIYAH Ramdam ko ang lamig ng tubig sa paa ko nang malublob ko na ang mga paa ko sa tubig, nandito ako ngayon sa gilid ng swimming pool. Walang tao ngayon dito dahil ang lahat ay nasa open field ng resort, may nagaganap kasi roong physical activities para sa mga empleyado ng Black Corporation. Ang mga katrabaho ko naman ay abala na sa kusina para sa paghahanda ng hapunan mamaya. “Aliyah…” umangat agad ang paningin ko nang marinig ko ang boses ng parating na si Jacob. Dahil ayaw kong makita niya akong lumuluha ay mabilis kong pinunasan ang mga luhang kumawala na sa aking mata. “Anong nangyari, Aliyah? Bakit na-suspend ka raw sa trabaho?” bakas sa boses ng kaibigan ko ang pag-aalala kaya mapait akong napangiti sa kaniya. “Huwag mo nang i-isipin ‘yon, Jacob…” mahina kong salita na kinasama ng tingin niya sa akin. Hindi ko gustong i-kwento sa kaniya kung ano ang nangyari kaninang umaga sa kuwarto ni Sir Dominic, ang gusto ko na lang ay ang makalimutan na iyon ng tuluyan. “Akala ko ba

    Huling Na-update : 2023-09-25
  • The Innocent Mistress   Chapter Eleven: Just a Drink

    CALEB“Salamat naman at naisipan mo nang bumaba, anak.” The moment I took the last step of our stairs, I heard my mother’s voice. She was sitting in the middle of our couch in the living room while busy on her phone. “Tuwing uuwi ka rito sa mansyon ay parang ang kuwarto mo lang ang mayroon sa bahay na ‘to, Caleb.”“You know the reason, Mom.” maikli kong sagot.“Kumain ka na ba? May pinatabi akong pagkain sa mga maids kanina para kung gutom ka ay may makakain ka pa.” banggit ni Mom. Kakaiba pa rin talaga sa akin tuwing naririnig kong nagsasalita ang ina ko na tila ba inaalala niya ako. “Niyaya ka naming sumabay sa hapag, pero ayaw mo.”I only once heard my mother asking me to eat with them at the table. If I had been used to this kind of family when I was young, I would not have refused to have dinner with them as I got older.Hindi ako galit ngayon, naninibago lang sa kanilang lahat— maliban kay Victoria na hindi na naman dapat miyembro ng pamilyang ito.“I’m not hungry.” sagot ko na

    Huling Na-update : 2023-09-26
  • The Innocent Mistress   Chapter Twelve: Complaint

    ALIYAHAlas kuwatro ng umaga nang maalimpungatan ako mula sa aking pagtulog. Dama na dama ko ang ginaw gawa ng malakas na buga ng aircon sa buong lugar. Madilim ang buong silid, gayunpaman ay unti-unting nagliwanag nang masanay ang mata ko sa kadilimang bumabalot dito. Ramdam na ramdam ko ang matinding sakit na gumuguhit sa buo kong katawan, lalo na sa aking ulo. Para itong binibiyak habang pilit ko inaalala kung bakit ako ngayon nakahubad katabi ang natutulog na si Sir Dominic.Wala pa namang kasagutan ay ramdam ko na lamang ang pagtulo ng mga luha ko. Mahigpit ang kapit ko sa kumot nang sinubukan ko nang bumangon sa pagkahiga ko, para akong hinihiwa bawat galaw na ginagawa ko. Wala man naalala sa lahat ng nangyari ay alam kong may nangyari sa aming dalawa. Hindi ko alam kung papaanong nangyaring bumigay ako sa kaniya— wala naman akong gusto sa kaniya para hayaan siyang angkinin ang buo kong katawan.Labis na kalungkutan at pagkadismaya sa aking sarili ang tangi kong nararamdaman nga

    Huling Na-update : 2023-09-27

Pinakabagong kabanata

  • The Innocent Mistress   Chapter Twenty-Five: Dinner Time

    ALIYAH Mabigat ang naibuga kong hangin nang bumalik na ang isipan ko sa realidad. Kanina pa ako ganito na tila ba may kung ano sa dibdib ang hindi mapalagay, malayo-layo na rin ang nalakbay ng isipan ko mula noong makausap ko kaninang umaga si Tito Wilson. Matapos niyang sabihin sa akin na kilala niya ang tatay ko ay bigla na lamang may dumating na isang itim na sasakyan para sunduin siya. Umalis ito nang hindi man lang sinasabi ang buong detalyeng alam niya tungkol sa tatay ko. Gustuhin ko man siyang pigilan umalis kanina ay sobra ang damdamin kong hindi maipaliwanag kaya natulala na lamang ako roon. Natagpuan ko na lamang ang sasakyan niyang malayo na sa akin, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na tila ba nalalapit na ako sa pagkakataon na makilala ng personal ang tatay ko. Mula pa man noong una kong makita ang larawan ni Papa ay pinangarap ko na talagang makita’t makilala siya ng personal. Kahit walang plano si Mama gawin iyon para sa akin ay ‘yon ang isa sa

  • The Innocent Mistress   Chapter Twenty-Four: Missed

    CALEB Mabilis lumipas ang mga oras at halos nakapikit na ang mga mata ko nang sa wakas ay narinig ko nang mag-bukas ang pinto. Gawa ng kanina ko pa hinihintay ang pagdating ni Aliyah ay mabilis akong napatayo sa pagkakaupo sa hagdan para salubungin siya. Hindi alintana sa aking sistema ang labis na antok dahil nandito na siya— ligtas siyang nakauwi sa akin ngayon. “C-caleb?” utal na banggit niya sa pangalan ko, bakas sa mga mata ang gulat na makita ako ngayon dito sa bahay. Halatang hindi niya inaasahan ang pagdating at paghihintay ko sa pag-uwi niya ngayong gabi, kaya imbes na sumagot agad sa kaniya ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ilang araw lamang kaming hindi nagsama ay sobra na ang lumbay na naramdaman ng dibdib ko, kaya ngayong nasa harap ko na siya ay wala akong ibang maisip kundi ang pasalamatan ang Diyos na ligtas niyang pinauwi rito sa bahay ang babaeng hindi na mawala sa isipan ko. Siya ang unang lumapit sa akin nang maibaba niya na sa couch ang bag niya, isang mahigpi

  • The Innocent Mistress   Chapter Twenty-Three: Longing

    ALIYAH Gawa ng halo-halo kong nararamdaman sa gabing ito dahil sa magaganap na pagkikita namin ng mga magulang ni Dominic ay para bang hindi ko na napansin ang naging byahe namin papunta sa mansyon nila. Sa isang iglap ay naglalakad na kami ni Dominic sa maluwag at maganda nilang hardin patungo sa entrance ng malaki nilang mansyon. Sa gate pa lang nila ay sobra na akong humanga, sa ganda ng tirahan nilang ito na animo’y palasyo na sa laki ay hindi talaga maitatanggi ang yaman ng kanilang pamilya. “A-ang ganda naman ng mansyon niyo, Dominic.” komento ko nang marating na namin ang mala-ginto nilang main door, sa sinabi kong iyon ay narinig ko ang mahinang tawa ni Dominic. “Nakahihiyang pumasok sa loob, kaso nandito na ako, e!” “Get use to this house, Aliyah. Parte ka na rin ng bahay na ito dahil ikaw ang ina ng anak ko.” nakangiti si Dominic nang sabihin iyon sa akin pero ramdam ko na seryoso ang sinabi niyang iyon kaya nakaramdam ako ng hiya. Hindi pa rin talaga ako sanay sa set-up

  • The Innocent Mistress   Chapter Twenty-Two: His Comfort

    CALEB “Thank you for taking care of it, Ms. Jonelle. Appreciated.” I thank the old lady on the phone who was my secretary for four days of work in Singapore since Saturday. “It’s been my pleasure, Mr. Walton.” Nang makapagpaalam na rin ako rito ay binaba ko na ang teleponong gamit at naupo sa gilid ng aking kama upang mai-pahinga ang katawan kahit saglit. I am currently at my parents' mansion since I had an urgent business meeting with my father a few hours after my plane landed this morning from Singapore. Ayaw ko mang manatili rito kasama sila ay wala akong magawa dahil may kikitain pa kaming investors mamayang alas singko ng hapon, masyado na akong pagod para umuwi muna sa bahay at bumalik na lang dito mamaya. Antok na rin ako ngayon kaya magpapahinga na muna ako habang may apat na oras pa bago muling umattend ng isang meeting. Mula Sabado ay puro meeting na ang nadadaluhan ko. Ilang araw akong wala sa tabi ni Aliyah kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit gusto ko nang

  • The Innocent Mistress   Chapter Twenty-One: Unworthy

    ALIYAHKatatapos lang ng misa na aking dinaluhan ngayong linggo nang maisipan kong hindi muna umuwi sa bahay agad dahil wala naman ngayon doon si Caleb. Kahapon pa siya umalispara sa isang business trip atbaka bukas o sa martes pa makababalik. Ilang araw palang ang lumilipas mula nang malaman ko ang pagdadalang tao ko, sa mga araw na iyon ay mas bumibigat ang pakiramdam ko sa mga nangyayari sa buhay ko. Noong biyernes ay nagawa kong itago kay Caleb ang nalaman ko noong araw na iyon, ngunit kahapon bago siya umalis ay sobra akong hindi mapalagay. Mas lalo akong umiibig sa kaniya kaya alam kong mas lalo ko siyang masasaktan kapag pinatagal ko pa ang paglilihim kong ito. Gusto kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko, ngunit sobra ang takot sa loob ko dahil alam ko naman agad ang magiging reaksiyon niya sa malalaman. Hindi niya ito matatanggap— Sino ba naman kasi ang makatatanggap sa sitwasyon na nabuntis ako ng lalakeng karibal niya sa negosyo, diba? Natatakot akong mawala

  • The Innocent Mistress   Chapter Twenty: Nobody Else

    CALEB As usual, I left early at work to be home before Aliyah’s out from her work. I wanted to prepare for our dinner tonight, but as soon as I stepped into our living room, I already saw her bag laying on our couch. She’s already here, but since she’s nowhere to be found in the living room and kitchen, I immediately went upstairs to check on her in our room. There I saw her sleeping peacefully. Simula nang makapag-usap kami kagabi tungkol sa nabubuong pagtingin namin sa isa’t isa ay mas lalo ako naging interesado sa kaniya. Tunay na maganda ang mood ko buong araw, sa katunayan nga ay maging ang mga tao ko ay napansin ‘yon kanina. Kaninang umaga pa lang noong magising ako ay sobrang gaan na sa dibdib, para bang ngayon ko lang naramdaman ang saya na ito sa buo kong buhay. Kaya ngayon na nandito na ako ulit sa bahay at nakikita ko na siya ay mas lalo akong naging maligaya. Maingat lamang ang ginawa kong pag-upo sa gilid ng kama kung saan malaya kong pagmasdan ang kagandahan ng babaen

  • The Innocent Mistress   Chapter Nineteen: Pregnancy

    ALIYAH “Both your urine and blood tests are positive in pregnancy. You are pregnant, Ms. Morgan, congratulations!” anunsyo ng doktor na aking kaharap sa mga sandaling ito. Gising na naman ako pero tila ba nasa isang malabong panaginip pa rin ako ngayon, ni hindi ko magawang makurap ang mga mata ko habang ang tingin ay diretsa lamang sa papel na aking hawak. Buntis ako… Patuloy pa ring lumilipad ang aking isipan sa kung saan, ramdam ko na naman muli ang mga luhang nagbabadya na naman sa aking mga mata. Nakaupo man ako ngayon ay dama ko pa rin ang panlalambot ng aking buong katawan. Walang ni isang salita ang nagawang makalabas sa bibig ko— hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon lamang. Diyos ko, hindi ko po alam ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito… “The headaches, dizziness, and fatigue that you are experiencing in the last few days and weeks are just the result of your pregnancy. Didn't you notice your late period? Even the change in your mood every day is aff

  • The Innocent Mistress   Chapter Eighteen: Black

    JACOB “Ano ba Miss!? Simpleng bagay na nga lang hindi mo pa maintindihan.” saktong matapos ko ang paghihiwa ng sibuyas ay narinig ko ang malakas na boses ng isang lalake sa labas ng kusina. Dala ng kuryosidad sa nangyayari roon ay sumilip ako sa pintuan at nakita si Aliyah na pinupulot ang mga pagkaing nagkalat na sa sahig habang may lalake sa kaniyang harapan. “Bakit hindi ka makatingin ngayon, ha!? Mag-resign ka na lang sa trabaho mo ng hindi ka na maka-perwisyo pa ng mga customer dito. Palampa-lampa.” dahil sa nakikitang labis na galit ng lalake kay Aliyah ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pag-aalala para sa kaniya ngayon. Nakatalikod ito sa akin, pero kitang-kita ko mula rito sa kinaroroonan ko ang panginginig ng mga kamay niya habang patuloy lamang siya sa paglilinis ng mga nagkalat na pagkain sa lapag. Gawa ng eksena na nagaganap ay lahat ng customers namin na kumakain dito sa karinderya ay nasa kanila lamang ang tingin, maging si Rica na kahera namin ay napahinto sa

  • The Innocent Mistress   Chapter Seventeen: Stalker

    ALIYAH Sariwang hangin ang dumampi sa aking balat na siyang gumising sa aking natutulog na diwa. Bumungad sa aking mga mata ang mga punong isinasayaw ng hangin sa parke na aking kinaroroonan ngayon. Hindi ko napansin na nakaidlip na pala kanina habang nakatulala sa mga puno rito sa parke, mula nang maisipan kong takasan na lamang ang trabaho ko sa karinderya ay dito na ako dinala ng aking mga paa. Natuyo na ang mga luhang naglalandas kanina sa pisngi ko, gayunpaman ay narito pa rin sa aking damdamin ang sakit na gawa ng mga bagay na narinig ko mula kay Jacob at sa iba ko pang kasamahan sa trabaho. Hindi naman ganoon kadali mawala ‘yung epekto na naidulot niyon sa aking sistema, pero masasabi ko ngayon na mas maayos na ang aking pakiramdam kumpara kaninang umaga. Hindi na naman ako naluluha, e. Nakahihinga na rin ako ng maluwag sa tulong ng sariwang hangin dito sa parke. Buti na lang talaga at walang gaanong tao ang narito ngayon, kaya walang nakakita sa pagluha ko kanina— wala ring t

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status