ALIYAH
Nang matapos ang pelikulang pinanonood ko sa malaking screen dito sa aming sala ay nagawa ko nang maunat ang aking katawan. Dahil sa matagal kong pag-upo ay parang nangalay ata ang nakatupi kong mga binti kanina. Wala na akong maisip na panoorin na susunod kaya inabot ko na lamang ang remote na nakapatong sa coffee table at pinatay na ang TV. Gawa ng wala na akong maisip na gawin ay malalim na lamang akong huminga at sumandal sa sofa na kinauupuan ko.
Malapit na palang mag-alas tres ng tanghali, parang kanina lamang ay alas nuebe pa lang ng umaga. Tatlong pelikula na rin pala ang natapos ko, nag-enjoy naman ako sa ginawang panonood lang dahil hindi ko pa napapanood ang mga iyon noon. Sa hirap ng buhay na mayroon kami noon ng mama ko ay wala na akong oras makanood ng pelikula, kaya ngayon na narito lang ako sa bahay ay nagagawa ko na ang mga ito. Masaya rin pala mag-relax ng buong araw, e.
Gayunpaman ay hindi pa rin talaga nawawala sa akin ang pagka-buryo kung minsan. Sanay kasi akong maraming tina-trabaho, e. Ngayon na puro nood, kain, tulog, at linis lang ang ginagawa ko rito sa bahay ay naka-buburyo rin talaga. Dalawang araw na pala mula nang hindi ako lumabas ng bahay gaya ng utos ni Sir Caleb sa akin. Ibig sabihin lang niyon ay dalawang araw na rin nasa bansa ang pamilyang Walton.
Kaya rin ako puro pelikula lamang ang pinanonood dahil sila ang laman ng mga balita sa telebisyon. Mula sa kanilang business, pamilya, showbiz, saka maging charities nila ang pumupuno sa lahat ng TV stations ngayon. At kapag nababanggit ang mag-asawa na sina Sir Caleb at Ma'am Victoria ay hindi siyempre mawawala ang dumi— hindi nawawala ang pangalan ko.
Marami akong nakita na kung ano-anong haka-haka tungkol sa buhay ko ngayon mula sa isang sikat na talk show sa bansa kahapon. Tila ba hinihintay ng mga taong galit sa akin na kumilos ang pamilyang Walton para alisin ako sa buhay ng mag-asawang hinahangaan nila.
Para sa ibang tao ay pelikula lang din ang buhay ko. May kung anong takot tuloy ang bumabagabag sa akin mula pa man kahapon. Lahat ng pwedeng mai-kandado sa bahay ay kinandado ko na. Nag-ooverthink kasi ako sa mga bagay-bagay, e. Hindi ko naman magawang tawagan si Sir Caleb— gaya ng sinabi niya sa akin noong nakaraan— para sabihin lang sa kaniya na kinakabahan ako.
Wala akong mapag-sabihan ng takot na nararamdaman ko kaya ako na lang ang mag-isang kumikimkim ng lahat. Dinadaan na lamang sa panonood ng mga palabas ang lahat ng pangamba ko, nagpapasalamat na lamang ako at naging epektibo naman ang ilang oras kong panonood ng pelikula para gumaan ang loob ko.
Gayunpaman ay gusto ko na talagang matapos ito. Sana ay umalis na muli sa bansa ang pamilya ni Sir Caleb upang pwede na akong bumalik sa buhay ko sa labas ng bahay na ito. Sa takot at buryong nararamdaman ng sistema ko ay para bang mas gugustuhin ko na lang mag-overtime sa karenderia ni Ma'am Lucy at magpakapagod doon ng katawan. Mas mabuti na 'yon kaysa maging preso ako rito sa bahay habang nilalabanan ang pangamba’t takot ko na baka saktan talaga ako ng pamilya ni Sir Caleb.
Sa mga nararamdaman ng dibdib ko at sa mga nangyayari sa akin ngayon ay napagtanto ko nga na tama si Jacob sa sinabi sa akin noong isang araw. Sa ginagawa ni Sir Caleb sa akin ay para nga talaga akong kriminal na hindi pwedeng mahuli ng mga awtoridad. Tago rito, tago ro'n. Kahit wala akong ginawang krimen ay wala pa rin dapat makakita sa akin na pakalat-kalat sa lansangan.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit pa ba ako nagtatago kung walang duda namang kilala’t alam na ng karamihan sa bansa ang pangalan at itsura ko. Sa tagal ko ba namang nasa balita at mga chismis ay imposibleng wala pang may alam sa pagkatao ko. Alam kong gusto ni Sir Caleb na hindi muna ako magpakita sa media para hindi ako pag-initan ng pamilya niya dahil sa relasyong mayroon kami. Gusto lang niya na protektahan ako dahil binili niya ako sa malaking halaga at tinuturing niya nang pagmamay-ari.
Pero kung gusto talaga akong saktan ng pamilya niya ay kahit ano pang gawin kong pagtatago rito at kahit gaano pa ako katagal mag-kulong dito ay alam kong mahahanap at mahahanap pa rin nila ako kung gustuhin nila. Kaya iniisip ko talaga kung ano pang purpose ng pagtatago kong ito, kung kahit saan man titignan ay delikado pa rin ako. Kahit manatili pa ako rito ng ilang linggo ay alam kong hindi pa rin ako ligtas sa kanila.
Tunay na masaklap ang buhay kong ‘to. Alam kong matagal ko nang alam na masaklap talaga ang buhay na mayroon ako at ilang beses ko rin namang nasabi ‘to sa sarili ko, ngunit sa mga oras kasi na ganitong mag-isa ako ay bumabalik pa rin sa utak ko ang lahat ng realizations ko sa buhay. Mula sa pagkabata hanggang sa ngayong twenty-three na ako, parehas pa rin na masakit.
Isipin ko pa lang na ayaw sa akin ng sarili kong ina kahit noong bata pa ako ay parang ang sarap nang umiyak, dumagdag pa ang kasalukuyan kong buhay na pati ang karamihan sa mga taong kababayan ko na hindi naman talaga ako personal na kilala ay ayaw na rin sa akin dahil sa naging buhay at koneksiyon ko kay Sir Caleb ngayon. Sino ba naman kasi ang gugustuhin ang tulad kong babae? Lahat na lang ng maaaring itawag sa mababang uring babae na alam nila ay narinig ko na ata sa pangalan ko.
Tunay na ngang malas ako sa buhay— puro kamalasan na lamang kung titignan. Walang tatay, walang nanay na nag-aalala, isa lang ang kaibigan sa buhay, isang kabet sa mata ng iba, kinaiinisan ng karamihan, at isang bayaran lamang. Iyan lahat ang mayroon sa buhay ko, pero sa kabilang banda ay hindi ako nauubusan ng pag-asa para sa akin.
Sa kadiliman na mayroon ang mundo ko ay isa na lang talaga ang palagi kong iniisip tuwing pakiramdam ko ay walang-wala na ako. Kahit makasalanan ako ay alam kong may makauunawa pa rin sa lahat sa aking buhay— ang Diyos.
Kaya kahit alam ko sa aking sarili na hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal at pagpapatawad ng Diyos ay siya pa rin ang kinakapitan ko sa oras na nilalamon na ako ng bigat ng mundo. Kahit mukhang imposible pa sa ngayon na maging maayos ang buhay ko ay nagti-tiwala na lang talaga ako na may hangganan pa rin ang lahat sa akin at dadating iyon sa tamang panahon na inilaan ng Diyos sa buhay ko.
Mabilis naputol ang aking pag-iisip at bumalik sa realidad ang utak nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto ng bahay. Dahil doon ay tumayo ako sa kinauupuan para usisang tanawin ang bintanang hinaharangan ng kurtina. Sino naman kaya itong kumakatok? Posible kayang si Sir Caleb ang nasa labas? Hindi ko kasi makita rito sa bintana. Pero may susi naman ng bahay si Sir Caleb kaya parang malabong siya. Hindi kaya ito na ang mga tauhan ng pamilya ni Sir Caleb na gusto akong mawala sa buhay nila?
Lord, kayo na po ang bahala sa akin.
Malakas na pagkabog ng dibdib ang siyang nagsimula sa akin nang muli ay lumakas ang katok sa pinto. Nagising muli ako sa reyalidad at dahan-dahan nag-tungo sa harap ng pinto. Nakatulala lamang ako sa doorknob na nagsisimula nang umikot-ikot na halatang pinipilit buksan ng tao sa labas. Wala naman talaga akong planong buksan ang pintuan subalit ilang segundo lang ay kusa itong nagbukas na labis kong kinagulat.
“Don't move. Put your hands above your head.” maawtoridad na salitang bungad ng isang lalakeng naka-purong itim na uniporme. Nang makita ko pa lang ang baril na hawak ng kamay ay wala na akong nagawa pa at sumunod na lamang sa nais niya.
Iniyuko niya ang ulo ko kasabay ng pagpasok pa ng dalawa niyang kasama para hawakan ang dalawa kong kamay na hindi ko maipiglas dala ng takot sa baril na pakiramdam ko ay nakatutok pa rin sa akin. Katapusan ko na ba? Parang hindi pa ako handang mamatay…
Mukha naman silang matitinong tao na may armas nga lang. Takot man sa mangyayari sa buhay ko sa mga susunod na minuto ay may pag-asa pa rin sa akin na hindi nila ako sasaktan. Kailangan ko lang mag-tiwala at umasa.
“H-huwag niyo po akong saktan, mga b-boss. M-maawa po kayo sa akin. W-wala po kayong mapapala sa buhay ko…” salita ko dahil hindi ko mapigil ang emosyon dala ng takot. Gusto ko pang magmakaawa subalit ramdam ko ang kontrol nila sa akin nang ilakad nila ako palabas ng bahay.
Nagsimulang manlamig ang buo kong katawan at tinakasan na ata ang dugo dahil sa takot ko. Nang makita kong dadalhin nila ako sa isang itim na van ay parang gusto ko na lamang himatayin sa daan dala ng nerbiyos.
“Huwag ka na lang manlaban, Miss. Hindi ka namin sasaktan, ginagawa lamang namin ang trabaho naming lahat.” salita ng isa sa kanila. Dahil sa sinabi niyang iyon ay iyon ang pinanghawakan ko para mag-tiwala. Hindi nila ako sasaktan kung hindi ako lalaban, kaya iyon ang gagawin ko.
Kailangan kong tibayan ang sarili ko sa ngayon, maliban sa Diyos ay ako lamang ang maasahan ko sa sitwasyon kong ito— kailangan ko ng lakas.
“Hindi ka namin sasaktan, pero kailangan mo munang matulog saglit…” dugtong salita ng lalakeng may baril kanina. Bago pa man ako makasagot sa narinig ko ay may naramdaman na akong tumusok sa aking tagiliran. Sa ilang sandali lang ay ramdam ko na sa sistema ko ang likidong inilabas noon sa katawan ko, natagpuan ko na lamang ang mga tuhod ko na lumalambot at gusto na lamang matumba. Maging ang mga mata ko ay nawawalan na ng lakas para manatiling nakabukas. Nanghihina na ang buo kong sistema dahil sa bagay na itinurok nila sa akin ngayon.
Gusto kong imulat… Gusto kong gumising…
Sa mga sandaling ito ay iyon ang hindi ko kayang gawin. Gusto ko na lamang matulog at lamunin ng kadiliman ang lahat sa paligid ko.
***
CALEB
“You don't have to do that, Dad! If you want to see her, I can just bring her here without you kidnapping her. What is wrong with you!?” I couldn't stop myself from feeling so angry and annoyed with my father when I found out what he did to Aliyah. Kung gusto niyang suriin ang babaeng kinalolokohan ko ngayon ay sana sinabi niya na lamang sa akin, hindi iyong ipapadakip pa niya sa bahay para lamang madala rito sa mansyon nila.
At ang mas kinagagalit ko ay hindi siya nagpaalam sa akin. I owned Aliyah, she is f*cking mine. Responsibilidad ko na siya mula pa man noong bilhin ko siya mula sa ina niya, so I am very annoyed by my family's interference in my own f*cking life.
Alam ko namang may plano na naman sila na linisin ang pangalan ko at ilayo sa akin si Aliyah, but I won't let that happen. I want her, she is mine, and I will never let anyone touch her. Sa lahat ng pwede nilang pakialaman sa buhay ko ay pinili pa nilang guluhin ang babaeng tumutulong sa akin makalimutan ang pesteng buhay ko sa pamilyang ‘to. Hindi ko hahayaang mang-gulo na naman sila.
“Are you out of your mind, Son? You are really destroying our family’s legacy just because of that girl, Caleb. That’s ridiculously f*cked up. Kayong dalawa— kayong tatlo, kasama ka Victoria, sinisira niyo lang ang pangalan na matagal ko nang pinaghirapan na mabuo!” ramdam ko ang matinding galit sa boses ng ama ko ngunit hindi ko ito sinagot. Sa lahat ng sinabi niya ay wala akong pakialam, sa mga sandaling ito ay mahalagang nasa akin ang babaeng gusto kong kasama.
“Sana hindi na lamang kayo nagpa-kasal dalawa kung parehas kayong mag-loloko sa isa’t isa. Dinadamay niyo pa ang reputasyong mayroon ang pangalan ko sa katangahan niyong dalawa. Ano bang plano niyo sa buhay? You already have everything in life. The money, fame, attention, and power... Ano pa ba ang kulang sa buhay niyo at parehas pa talaga kayong naglolokohan!?” dagdag ba niyang bulalas na kinangisi ko. I could see in my peripheral vision how Victoria avoided looking at me so I felt very annoyed again, I hate her presence now. She’s no longer the girl I used to love.
If I am the bad one here, she was the first. That’s why I hate her now, I can’t even take a moment to look at her.
Kaya hindi na ako umuuwi rito sa mansyon ay dahil sa kaniya, kung may pagsisisihan man ako sa buhay ay iyon ang desisyon kong pakasalan siya noon dahil inakala kong mahal niya rin ako gaya ng pagmamahal na ibinigay ko sa kaniya.
“I am very sorry, T-tito…” rinig kong paumanhin niya sa tatay ko na alam ko namang ka-plastikan lang. Sa aming dalawa ay siya ang naunang magloko, naiinis ako tuwing inaalala ko. Nakatatawa lang na ngayon na ako naman ang may iba, siya naman ang nagmistulang linta kung makadikit sa akin umuwi lang sa kaniya.
I know her ways. Sa kapal ng mukha niya ay kailangan niya maging plastic para manatili sa pamilya kong ito. She never loved me, she just want everything I have. Kaya nang makuha niya noon sa akin ‘yon ay nagloko siya, inakala niya atang maghahabol ako sa kaniya dahil mahal ko siya.
Fuck, no. I will never chase anyone to love me back.
“Mr. Walton, they are here.” nang marinig namin ang anunsiyong ‘yon ng tauhan ni Dad ay agad naputol ang tensyong nabubuo sa pagitan naming tatlo. Kusang dumiretso ang mata ko sa pinto para kay Aliyah.
Kasalukuyan kaming nasa opisina ni Dad. Sa ilang araw nila rito ay ngayon lang ako dumalaw sa kanila. Sino ba naman kasi ang gaganahang pumunta rito para salubungin ang pagdating nila sa bansa. Masyado silang nagingialam sa sarili kong buhay. If my father doesn't want me to be with another woman, can he just let me divorce Victoria for good? F*ck. If only my father's pride was not high, the problem in this family would have been over for years now.
“Is she dead, honey?” nang marinig ko ang tanong na ‘yon ni Mommy ay doon ko lang nakita ang walang malay na si Aliyah na buhat-buhat ng tauhan ni Dad. Anger surged through my body as he laid Aliyah on the coach— even my worry I couldn't stop at this moment. Anong karapatan ang mayroon ang tatay ko para gawin ito sa babaeng pagmamay-ari ko? Damnit!
Hindi ko na natiis at lumapit na sa kinaroroonan ni Aliyah at galit na pinalayas ang mga walang kwentang tauhan ni Dad. Nang mahaplos ko ang namumulang pisngi ng babaeng hindi na mawala sa aking isipan— mula pa man noong iwanan ko siya noong nakaraan— ay tinapunan ko ng isang galit na tingin ang tatay kong seryoso lamang ang mata sa akin— sa amin.
“She's breathing, Mom. I think she's just sleeping.” I heard my younger brother Calvin answer our mother’s concern question.
“I swear, if you do something like this again— I will break this family apart. Don’t provoke me, Father.” seryoso kong salita na kinabago ng kaniyang ekspresyon sa mukha. Halata ko sa kaniya ang gulat sa aking sinabi kaya pinanatili ko ang matiim kong tingin sa kaniya.
“Son…” boses iyon ni Mom pero hindi ko nagawang maalis sa tatay ko ang aking tingin. I hate what he did to Aliyah just to be here. Kapag nalaman ko lang na may iba pang ginawa ang mga tauhan niya sa babae ko ay hindi ako magdadalawang isip dumihan ang kamay ko para lang mag-tanda silang lahat.
Aliyah is my girl now, so I won't let my father just order his staff to do something to her again. Hindi ko hahayaang kontrolin niya ang taong pinahahalagahan ko na ngayon, at hinding-hindi ako maka-papayag na kontrolin niya sa takot si Aliyah gaya lang ng ginawa niya sa akin noong bata pa ako.
I will never let that happen again. Never again, Dad.
“Aliyah…” I softly mentioned her name when I saw that she was slowly waking up from her sleep. Sa akin agad napunta ang mga mata niya kaya alam kong takot ang pangunahin niyang nararamdaman.
“So, is she really your mistress, Caleb? You really chose that girl over your wife, Victoria, huh?” hindi ko mapigil ang pag-init ng sistema ko sa inis nang marinig ko ang sinabing iyon ng tatay ko. Inalalayan kong maka-upo si Aliyah sa coach bago ko harapin ang wala kong kuwentang tatay.
“Yes. And I would choose her over and over again, Dad. She’s better than your fucked up daughter-in-law.” galit at may diin kong sagot. I saw the change in Victoria's face after I said those things about her but I didn't care about it— kahit masaktan pa siya ng paulit-ulit ay wala akong babawiin doon. She deserved it anyway. She was the one who made me feel that same pain first, and I will never forgive her for that.
“You are not taking this seriously, Caleb! That girl is destroying our name— your reputation. She has no use in—”
“I know what I want and I will never let you dictate my life again, father.” I cut him off. Dala ng galit kong nararamdaman sa tatay ko ay hindi ko na siya kayang pakinggan pa sa ngayon.
“So if you really want to save your name, Dad… let Aliyah go and don’t ever put her on this again. I know what I’m doing and you don’t have to tell me anything.” nang maramdaman ko ang pag-hawak ni Aliyah sa kamay ko ay mahigpit ko rin itong hinawakan. Sa ginawa niya ay ramdam ko ang pag-gaan bigla ng kalooban ko at nagawa kong makontrol ang nabubuong galit sa dibdib para sa tatay ko.
“Hindi mo alam ang ginagawa mong ito—”
“I always know what to do, Dad. Always.” iyon ang naging sagot ko bago lingunin ang kapatid kong si Calvin. Ayaw ko man sa kaniya ay alam kong mas pagkakatiwalaan ko pa siya sa kaligtasan ni Aliyah kaysa sa mga tauhan ni Dad.
“Take Aliyah out of this mess, Calvin.” my words made him immediately raise his head.
“No, Caleb. Hindi ko pa nakakausap ang babae mo.” tutol ng tatay ko kaya bumalik sa kaniya ang mga mata ko.
“You don’t have to, Dad. Whatever you want to tell her, just tell me instead.” kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga kaya napangisi ako. Hindi na gagana sa akin ang awtoridad ng tatay ko, I am done with that. He raised a monster like me, kaya ngayon ay ipapakita ko sa kaniya kung paano gumalaw ang halimaw na pinalaki niya noon.
“Just let me talk to her, Caleb. I just want to tell your girl about the reality of this mess you made. I will not hurt her— I’m not going to do that to Aliyah.” aniya. Nang tatangkain ko sanang sumagot ay naramdaman ko ang pag-pantay ni Aliyah sa pwesto ko. Nag-tama ang mata namin kaya nakita ko kung paano siya tumango ng bahagya sa akin.
“O-okay lang po, Sir Caleb.” mahina niyang banggit na halos hindi ko na narinig. Ang tigas din talaga ng ulo niya kung minsan.
“See. Even her wants to listen to me, Son.” napairap na lamang ako kay Dad nang sabihin niya iyon. Nang maramdaman kong bibitawan sana ni Aliyah ang kamay ko ay hindi ko hinayaan iyon. Hindi ko siya bibitawan hanggang nandito siya sa mansyon. Maski ako na anak ng tatay ko ay walang tiwala sa kaniya.
“I’m sorry if I put you in this situation, young lady. But I just hope you know that this— you being my son’s mistress is not good for our family and for yourself. I know you know that as well. Do you really want this? Ju—”
“Stop questioning Aliyah!” sabat ko dahil sa totoo lang ay hindi ko gusto marinig ang magiging sagot niya sa tanong ng tatay ko. I know that Aliyah is not okay about all of this, but I cannot just let her go.
“Let the girl herself answer the damn question, Caleb!” galit na sambit ni Dad kaya nag-igting ang panga ko sa emosyong nararamdaman. Ramdam ko ang panlalamig sa kamay ni Aliyah kaya maging ako ay tila ba naghihintay na sa isasagot niya.
“H-hindi ko po alam…” utal at mahinang sagot niya. Dahil sa hindi niya pag-sagot ng diretso sa tatay ko ay hindi ko maiwasang mapangiti ng palihim.
“What do you mean you don’t know? So, you really like being a mistress—”
“She’s not a mistress. She is just mine. And all you need to do is to mind your own life, father, and leave ours alone.” muli kong putol sa sinasabi si Dad. Ako na ang sumagot dahil nauubos na ang pasensya ko sa mga walang kwentang gusto ng tatay ko sa buhay ko.
“Honey, let’s stop this. You are just scaring Aliyah— let her have a break out of all this, Chris.” lumapit sa amin si Mom at kinuha sa kamay ko ang kamay ni Aliyah. Doon ko lamang napansin na lumuluha na ang mga mata niya. Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay siya na ang unang nag-iwas ng tingin at yumuko na lamang sa amin.
I hate seeing her cry. F*ck it! Hindi ko dapat hinayaang dalhin siya rito ng sira-ulo kong tatay.
“Calvin, sweetheart, please take her out.” malamyos na salita ni Mom kaya muli akong nakaramdam ng inis. Nang makita ko ang paghawak ni Calvin sa braso ni Aliyah para alalayan ito ay gusto ko na agad lumapit sa kanila para ako na ang kusang mag-hatid kay Aliyah pauwi, pero bago pa mangyari iyon ay hinarang na ako ni Mom.
Tss. I hate them all.
“You stay here, Caleb. Talk with your dad seriously. Let your brother take your girl home and stop being so possessive about it.” mahina lamang ang pagkakasabi ng nanay ko sa bagay na iyon ngunit may diin, kaya kahit tutol man ay wala akong nagawa. I just let my gaze follow my brother and Aliyah until they left the office before I turned my attention back to my father who was now sitting on his throne while drinking whatever the f*ck inside his wine glass.
This old dictator never changed…
I hate everything about this house— I hate them all.
***
ALIYAH
“S-sir, saan niyo po ko dadalhin?” may kaba pa rin sa loob ko nang magawa ko na maitanong iyon sa kaniya. Hindi niya na hawak ang kamay ko, pero dahil hindi ko kabisado ang lugar na ‘to ay nakasunod lamang ako sa kung saan siya tumutungo. Hindi pa rin magawang ma-proseso ng utak ko ang mga nangyari kanina lang sa loob. Parang ibang Sir Caleb ang naroon habang pino-protektahan niya ako sa harap ng tatay niya.
Maging si Ma’am Victoria ay nanatili na lamang tahimik kaya labis ang kabang naramdaman ko kanina roon, akala ko talaga ay sasaktan ako ng pamilya ni Sir Caleb nang magising ako. Nagpapasalamat ako kasi kahit nakatatakot sila mag-usap buong pamilya ay kasama ko sa loob si Sir Caleb. Ngayon ko lang siya nakita na ganoon kung magalit, at ngayon ko lang din nakita ang buo niyang pamilya.
“Ihahatid lang kita sa main gate para makauwi ka na. As much as you can, huwag ka nang babalik dito lalo na kapag hindi mo kasama si Kuya Caleb. They are all scary people when they are angry— including me. But I don’t have business to do with you so I will not interfere.” rinig kong salita niya nang huminto kami sa gitna kung nasaan nakatayo ang isang malaking fountain. Siya pala ang kapatid ni Sir Caleb na nababasa ko noon sa social media, kung hindi ako nagkakamali ay siya si Calvin Walton.
“I’m glad that my brother defended you there. It’s very bizarre that he was willing to stand for you in front of our dad, that’s not very much like him years ago.” salita niya pa ulit na kinasilay ng isang magandang ngiti sa kaniyang labi. Ngayon ko na nakikita ang resemblance nila ng Kuya niya, halatang magkapatid nga sila kapag nakangiti. Maging ang pagiging seryoso ng mukha niya ay kuhang-kuha kay Sir Caleb.
“And I really think that my brother likes you, kasi kung hindi ka importante sa kaniya ay hindi niya gagawin iyon. If you knew our father back then, maiihi ka sa takot ngayon. Buti na lang talaga ay nandoon si Kuya kanina, sorry for that.” nabawasan ang ngiti at ibinalik sa akin ang tingin. Nang makita ko siyang lumapit sa akin ay awtomatiko akong umatras. Para kasing trauma pa ako sa tatay nila kanina roon sa loob, e. Ngayon ko napatunayang nakatatakot nga ang lahat sa mga Walton.
“I know why my brother likes you, Aliyah. I just hope you two work it out— somehow.” napakurap ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko rin alam kung bakit ba niya pinipilit na may gusto sa akin ang kuya niya, kahit naman kasi pinagtanggol ako ni Sir Caleb kanina ay ayokong umasa sa bagay na iyon. Imposibleng magka-gusto sa akin ang kuya niya.
“Nagta-trabaho lang ako kay Sir Caleb. Hanggang doon lang ‘yon.” naibulalas ko na bahagya niyang kinatawa.
“Don’t deny it, Aliyah. It’s obvious.” kusa akong nag-iwas ng tingin sa sinabi niya.
“Anyway, I need to go back there. Here’s your money, just take a cab outside. Diretsuhin mo lang ito at tanaw mo na ang main gate. Sa labas ay makakukuha ka na agad ng taxi pauwi sa bahay niyo ng kuya ko.” banggit niya at inabot na sa akin ang isang libo. Dahil wala talaga ako kadala-dala ngayon ay hindi na ako tumanggi at inabot na ang perang ibinibigay niya.
“S-salamat po…”
“Don’t mention it. Take care.” iyon ang paalam niya bago tumango sa akin. Dahil ayoko nang mag-tagal pa rito sa kanila ay mabilis na ang lakad na ginawa ko, at gaya nga ng sinabi niyang direksiyon ay tanaw ko na ang main gate nila. May dalawang guard doon ang yumuko sa akin at pinag-buksan ako ng gate.
Sa daming nangyari sa buhay ko sa maikling oras ay ubos na ubos ang enerhiya ko, nakapanghihina ang mga kaganapan.
Hays! Naalala ko na naman ang tanong ng tatay ni Sir Caleb sa akin kanina. Gusto ko ba talagang maging kabet ni Sir Caleb kaya hindi ko nasagot ito ng diretsa kanina?
Nanghihina ako, hindi ko rin alam kung bakit ako nahirapang sagutin iyon. Idagdag pa ang sinabi ni Sir Caleb na hindi na mawala sa aking isipan ngayon. Sa ilang buwan naming ganito ay unang beses ko lamang marinig sa kaniya ang mga bagay na iyon.
“She’s not a mistress. She is just mine…”
Bakit mo ba ako pinaaasa ng ganito Sir Caleb? Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito.
***
“Miss, okay ka lang?” bumalik ang pag-iisip ko sa kasalukuyan nang marinig ko ang boses ni Manong Driver. Nakita ko siyang nakatingin sa rear-view mirror habang traffic sa daanang babaybayin namin.
“O-okay lang naman po ako…” simple ang naging ngiti ko kaya bahagya itong napatango sa akin. Nang maramdaman ko ang pag-andar ng taxi na lulan ko ay napapikit ako dahil totoong naubos ang enerhiya ko at gusto ko na lamang mag-pahinga.
“Diba ikaw 'yon?” ilang minuto ang lumipas bago niya itanong iyon kaya napamulat ako. Alanganin akong napangiti rito at bahagya na lamang tumango. Kahit hindi ko gets noong una ay alam kong tinutukoy niya ay ‘yung mga issue na mayroon sa buhay ko. Malamang ay kilala na rin niya ako sa pagiging kabet sa isang bilyunaryo sa bansa.
“A-ako nga po…” nahihiya mang aminin pero sumagot na lamang ako. Hindi ko siya pinag-mamalaki pero mukha namang kahit itanggi ko ay kilalang-kilala niya na ako. May lungkot sa dibdib ko nang makita ko ang malungkot na ekspresyong nakita ko kay Manong. Alam ko namang madidismaya ang lahat ng taong makakikilala sa akin, e.
“Alam kong may dahilan kung bakit nasa ganito kang posisyon sa buhay, iha. Pero matagal ko nang alam na masasama ang mga Walton, kaya naniniwala akong may rason kung bakit nangyayari ito sa ‘yo. Mag-ingat ka palagi, iha. Sa mga nababasa kong komento sa buhay mo ay nakalulungkot ng tunay, marami pa rin pala talagang mga tao na masasama ang intensiyon sa iba. Nawa’y gabayan ka palagi ng Diyos sa buhay mo.” sa narinig ko mula sa kaniya ay labis ang naging epekto sa aking dibdib. Hindi ko inaasahan ang bagay na iyon mula sa kaniya, mga salitang nagpagaan kaagad sa loob ko. Sa isang estranghero ko pa narinig ang mga ito.
Sa unang pagkakataon ay may ibang taong nakauunawa sa akin at nag-aalala. Parang gusto kong yakapin ngayon si Manong kaso hindi ko lang magawa dahil nakahihiya’t nag-mamaneho siya.
“Salamat po, Manong! Maraming salamat ho dahil nauunawaan niyo po ako…” may ngiti sa labi nang taos puso ko itong sabihin sa kaniya. May ilan pa siyang nasabi na nagpa-gaan pa sa kalooban ko kaya buong byahe ay na-enjoy ko ng tunay. Hindi ako makapaniwalang may ganito kabuting tao pa pala sa mundo, puro kasi negatibo ang nakikita ko sa iba dahil sa kung anong klaseng buhay ang mayroon ako, e.
Lumipas pa ang ilang minuto bago namin marating ang bahay ni Sir Caleb. Hindi na pinabayaran sa akin ni Manong ang pag-sakay ko sa kaniya na lalo kong kinapasalamat. Hindi mawala tuloy sa aking labi ang ngiti, ang saya-saya ko na may nakausap akong isang estrangherong tao na maganda ang mga salitang ibinigay sa akin. Parang hulog ng langit sa akin si Manong ngayon dahil gumaan ang dinaramdam ko kanina nang makalabas na ako sa mansyon ng mga Walton.
“Aliyah!” nahinto ako sa paglalakad patungo sa gate namin nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng kapitbahay kong may kaedaran na rin.
“Ano ho ‘yon?” simpleng sagot ko at bahagyang lumapit sa kanya para marinig ang sasabihin niya sa akin. Hindi ko maiwasang mapalingon sa pinto nila para tignan kung nandito ba ang anak niyang babae. Hindi naman kasi tago sa akin na isa ang anak niya sa mga taong may galit sa akin. Hindi ko man alam kung bakit galit na galit sa akin ito, ngunit nagpapasalamat pa rin ako na hindi niya ini-expose sa publiko na magkasama kami ni Sir Caleb sa iisang bahay kung minsan.
“Gusto ko lang sabihin sa 'yo na kanina noong pag-alis mo kasama ang mga lalake ay may biglang pumunta na lalake rin d'yan sa harap ng bahay mo. Mukhang mayaman, medyo may kaedaran na rin kagaya ko. Nililibot niya ang kaniyang paningin na para bang may inuusisa sa buong tirahan mo. Akala ko nga magnanakaw kaso nakita ko 'yong kotse niyang magara…” mahabang pagsalaysay ni Manang Flore sa nangyari kaya mabilis nangunot ang noo ko.
Sino naman kaya ang tinutukoy niyang lalake? Imposible namang tatay ni Sir Caleb ang umuusisa sa akin. Nagkita na naman kami kanina, e.
Kinakabahan tuloy ako…
“Namumukhaan niyo po ba?” usisa ko na mabilis niyang kinailing.
“Hindi, e. Alam mo namang malabo ang paningin ko, pero natitiyak ko na kamukha—”
“Mama!” hindi na nagawa ni Manang Flore tapusin ang sinasabi niya nang biglang dumating si Maxine, ang kanyang anak na pinaglihi ata sa sama ng loob sa akin.
“Don't talk to her nga, ma! Tara na sa loob at kakain na.” salita ni Maxine kasabay ng pag-irap niya sa akin. Dahil hindi ko naman siya pinapatulan ay nag-iwas na lamang ako ng tingin at bahagyang ngumiti para pigilan ang emosyon ko ngayon. Nag-paalam lang sa akin si Manang Flore at ganoon din ako sa kaniya bago sila pumasok sa loob ng kanilang bahay.
Gusto ko pa sanang itanong kung ano pa ang ibang nangyari sa nakita ni Manang Flore na tao rito kanina ay hindi ko na nagawa pa. Hindi tuloy mawala sa isipan ko kung sino kaya ang taong ‘yon? May kailangan kaya siya sa akin o wala lang? Iniisip ko na baka si Jacob lang, kaso halos magka-edad lang naman kami at wala naman siyang sasakyan ‘di katulad sa tinutukoy ni Manang.
Ito na naman ang pag-ooverthink ko sa mga bagay-bagay. Dahil medyo natatakot na at nangangamba ay pumasok na ako sa bahay gamit ang susing nakatago sa ilalim ng paso rito sa amin at kinandado na iyon. Saktong pag-bukas ko ng ilaw ay ang pag-vibrate ng telepono kong nakapatong sa coffee table.
Kinuha ko ito dahil nakita kong may natanggap akong text message, hindi ko alam kung sino kaya binasa ko na lamang.
From: 09*********
Meet me tomorrow morning at the local coffee shop near your subdivision. Be there exactly at 8 AM. It's me, Victoria. I just want to tell you something important.
Nang mabasa ko ang message na iyon na galing pala kay Ma'am Victoria ay nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Hindi ko maipaliwanag ngunit para itong kaba na nararamdaman ko katulad lamang kanina. Ano naman kaya ang sasabihin niya sa akin? Tungkol kaya ito sa nangyari kanina sa kanila? Natatakot ako, kung kaming dalawa lang ay baka mauwi na naman sa hindi magandang pangyayari. Huwag naman sana, tama na ang naganap ngayong araw.
Naalala ko na naman ang nakita kong ekspresyon sa mukha ni Ma’am Victoria kanina habang si Sir Caleb ay pino-protektahan ako kay Mr. Walton. Alam ko nang tungkol sa sitwasyon namin ang sasabihin niya, subalit natatakot pa rin ako na baka mas malala pa ang malaman ko bukas.
Napaupo na lamang ako sa sofa at doon hinayaang ibuga ang malalim na paghinga. Gusto ko na lamang matulog at magising na lamang muli kapag okay na ang lahat. Kailan ba magiging normal ng permanente ang buhay ko?
Bakit mo ba kasi ako ibinenta sa makapangyarihang tao, Mama? Ang hirap na tuloy makawala sa buhay na kinaroonan ko ngayon. Ang hirap nang bumitaw…
Ano ba talaga tayo, Sir Caleb?
Ayoko nang isipin ‘yon. Hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin ang utak ko sa lahat ng mga narinig mula kay Sir Caleb kanina. Maging ang pag-hawak niya ng mahigpit sa kamay ko ay tila ba ramdam ko pa rin hanggang ngayon. Ano bang ginawa mo sa akin, Sir Caleb?ALIYAHHindi ko na alam kung ilang kurot na ba ang nagagawa ko sa aking sarili bago magkaroon ng lakas ang loob kong lumapit at bumati na kay Ma'am Victoria. Ilang minuto na ata akong nag-susubok lapitan siya rito sa loob ng coffee shop na sinabi niya sa kaniyang text message kagabi. Maaga pa ng five minutes ang oras ngayon sa oras na ibinigay niya sa akin, pero dahil lumakas na ng kaunti ang loob kong lapitan siya ay ginawa ko na rin.Kasalukuyan siyang nakaupo sa upuang nakatalikod sa akin habang may ka-text sa kaniyang telepono, kaya nagkaroon pa ako ng sandaling huminga ng malalim bago ko ipaalam sa kaniya ang presensya kong narito na.“G-good morning po, Ma'am Victoria…”“Take the seat…” maikling sabi niya na agad kong sinunod. Katulad lamang ng alam kong itsura niya ay seryoso at sobrang pormal ng tingin ang mayroon siya sa akin ngayon. Nakasuot siya ng isang maganda bestida na binagayan ng nakapusod niyang buhok at kumikinang na mga alahas. Napaka-ganda niyang tunay.Ngayon ko
ALIYAHNagising ako ngayong umaga sa sikat ng araw na tumatagos sa kurtina ng bintana. Nakasarado ang glass window sapagkat naka-bukas ang aircon sa kuwarto, dito kasi ulit natulog si Sir Caleb kagabi kaya naka-bukas ito. Pansin ko na hindi sanay matulog si Sir Caleb na hindi malamig ang paligid kaya tuwing narito siya ay balot na balot ang katawan ko ng makapal na kumot dahil hindi pwedeng walang aircon sa kaniya. Mahina ang katawan ko sa mga lamig, buti na lang at palagi ko namang natitiis ang lamig tuwing kasama ko matulog dito si Sir Caleb.Kagabi pala ay hindi ko inaasahan na dito matutulog si Sir Caleb, ala una na kasi noong dumating siya. Nakatulog na ako at nagising lang dahil tinawagan niya ang telepono ko. Ang sabi niya ay tinatamad siyang umuwi sa mansyon ng pamilya niya dahil sumasama lang ang pakiramdam niya roon. Lasing pala siya kagabi, ngunit hindi naman gaano. Natulog lang din kami agad kasi parehas kaming antok na antok, ngayon namang pag-gising ko ay wala na siya sa
ALIYAHNahinto ang ginagawa kong pagpunas ng lamesa nang may marinig akong kumakatok sa pinto. Hindi ito malakas, pero sapat na para marinig ko. Kaaalis lamang ni Sir Caleb at katatapos ko lang kumain kaya naglilinis na ako ngayon ng hapag. Mabilis ang naging paglakad ko patungo sa pinto para pagbuksan ito, naisip ko kasi na baka si Sir Caleb ang kumakatok. Nagmamadali kasi siya kanina at may naiwan siyang folder sa coffee table namin, mukhang binalikan niya ito dahil ilang minuto palang naman siya nakaaalis.“Nasa coffee table po—” hindi ko na nagawa pang matapos ang bungad ko sanang sasabihin kay Sir Caleb nang pag-bukas ko ng pinto ay wala akong ni anino ng tao ang nakita roon. Malakas ang hangin sa labas at tirik na rin ang araw. Dahil pinuno ako ng pagtataka ay lumabas ako para suriin ang buo naming labas, wala talagang tao. Pero papaanong may narinig akong kumatok? Guni-guni lang ba ‘yon?Nakakatakot naman kung guni-guni nga, para kasing totoo ito sa akin kanina. Kahit mahina an
ALIYAHAntok pa ang diwa ko nang magawa kong maimulat ang aking mga mata sa umagang ito. Ramdam ko ang ginaw sa hubad na katawan dahil sa lamig na ibinubuga ng air-condition sa aming silid ni Sir Caleb. Dahil nag-iingay ang alarm clock sa buong silid ay mabilis ko itong kinuha para patayin, matapos niyon ay napunta na kay Sir Caleb ang atensyon ko. Natutulog pa siya at mukhang mahirap distorbuhin, maingat ko na lamang inalis ang kamay niyang nakapulot pa sa katawan ko dahil kailangan ko nang bumangon. Martes pa lang ngayon, may pasok pa ako sa karinderya. Ayaw ko mang bumangon dahil gusto ko pa manatili sa tabi ni Sir Caleb ay wala akong magawa. Magluluto pa ako ng almusal namin bago mali, e. Nang magawa kong makuha ang pantulog kong nagkalat sa sahig ng kuwarto ay sinuot ko na ulit ito, muli ay hindi na naman mawala sa aking labi ang isang ngiti. Lahat ng nangyari sa amin kagabi ay sobrang ganda lang paulit-ulitin sa utak ko, pinagluto niya ako ng hapunan, nanonood kami ng isang ma
ALIYAH Mabilis lumipas ang mga araw mula noong payagan ako ni Sir Caleb na sumama sa big event. Sa tatlong araw ay sobrang naging abala ang buong karinderya sa paghahanda, mabuti na lang talaga at nagawa naman namin ang lahat ng kailangan naming gawin para sa pagsisimula ng event ngayong araw. Sabado na, maaga ang call time namin sa trabaho kaya alas singko palang ng umaga ay nandito na kaagad ako. Mag-aalas siete na ng umaga, may sampung minuto na rin mula nang umalis kami sa karinderya. Nauna nang umalis sila Ma’am Lucy at dalawang pick-up truck na nirentahan niya para sa aming mga empleyado at para na rin lahat ng bagay na kakailanganin namin ay makarating ng maayos sa resort. Ang kaso nga lang ay puno ang dalawang sasakyan kaya wala na akong masakyan kanina. Plano ko na sana mag-commute na lamang papunta dahil tinuro na sa akin ni Madam ang dapat sakyan ko, buti na lang talaga at dumating si Sir Dominic sa karinderya kanina. Dadaan lang daw sana siya para tignan kung nakaalis n
CALEB “Answer the phone, Aliyah!” banggit ko sa aking telepono. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi mainis sa nangyayari. Nasa bahay pa lang ako kanina ay sobra na ang pag-aalala ko kay Aliyah, umalis siya nang hindi man lang nagsasabi sa akin. Maging ngayon na nandito na ako sa mansyon ay hindi ko pa rin matawagan ang telepono niya. Wala na nga sana akong balak pang dumalo sa meeting namin ng tatay ko sa mansyon kasama ang mga investors namin dahil sa pag-aalala ko ng sobra sa hindi pagsagot sa aking tawag ni Aliyah. Kahit ilang beses ko pang subukan siyang tawagan, ganoon pa rin ang nangyayari. Para na akong tanga mag-isa rito sa kuwarto ko dahil kanina pa ako galit na galit sa mga nagaganap. Ito ang kabilin-bilinan ko kay Aliyah na gawin niya, pero heto at hindi niya masagot ang mga tawag ko. Gusto ko mang mainis sa kaniya ay mas matimbang ang pag-aalalang nararamdaman ko. I shouldn't have let her come, I could just double the money that she will get from that event—
ALIYAH Ala una ng umaga nang naalimpungatan ako sa aking pagtulog. Patay na ang lahat ng ilaw sa kuwarto at tanging sinag lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa buong silid. Dahil hindi ako makabalik sa tulog kong naputol ay bumangon muna ako sa kama, nakita kong mahimbing na ang tulog nila Lebby. Tahimik na rin ang labas kumpara noong makatulog ako ng 11:30 kanina, mukhang tapos na ang inuman at kasiyahan sa ibaba. Dahil tahimik ang buong silid ay naisipan kong lumabas muna sa balkonahe at doon ulit magpa-antok, naupo ako sa isang silya roon at tumanaw sa malawak na kapaligiran na makikita sa pwesto kong ito. Napakaganda ng langit sa gabing ito, maliwanag at buong-buo ang buwan, maging ang mga bituin ay sobrang dami ngayon. Ang ganitong tanawin ay tunay na nagpapagaan sa aking damdamin. Napakagandang pagmasdan ang lahat ng ito gamit ang mga mata ko. Sobrang payapa ng gabi… ganitong kapayapaan ang ninanais ko palagi sa aking buhay. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang ata naga
ALIYAH Ramdam ko ang lamig ng tubig sa paa ko nang malublob ko na ang mga paa ko sa tubig, nandito ako ngayon sa gilid ng swimming pool. Walang tao ngayon dito dahil ang lahat ay nasa open field ng resort, may nagaganap kasi roong physical activities para sa mga empleyado ng Black Corporation. Ang mga katrabaho ko naman ay abala na sa kusina para sa paghahanda ng hapunan mamaya. “Aliyah…” umangat agad ang paningin ko nang marinig ko ang boses ng parating na si Jacob. Dahil ayaw kong makita niya akong lumuluha ay mabilis kong pinunasan ang mga luhang kumawala na sa aking mata. “Anong nangyari, Aliyah? Bakit na-suspend ka raw sa trabaho?” bakas sa boses ng kaibigan ko ang pag-aalala kaya mapait akong napangiti sa kaniya. “Huwag mo nang i-isipin ‘yon, Jacob…” mahina kong salita na kinasama ng tingin niya sa akin. Hindi ko gustong i-kwento sa kaniya kung ano ang nangyari kaninang umaga sa kuwarto ni Sir Dominic, ang gusto ko na lang ay ang makalimutan na iyon ng tuluyan. “Akala ko ba
ALIYAH Mabigat ang naibuga kong hangin nang bumalik na ang isipan ko sa realidad. Kanina pa ako ganito na tila ba may kung ano sa dibdib ang hindi mapalagay, malayo-layo na rin ang nalakbay ng isipan ko mula noong makausap ko kaninang umaga si Tito Wilson. Matapos niyang sabihin sa akin na kilala niya ang tatay ko ay bigla na lamang may dumating na isang itim na sasakyan para sunduin siya. Umalis ito nang hindi man lang sinasabi ang buong detalyeng alam niya tungkol sa tatay ko. Gustuhin ko man siyang pigilan umalis kanina ay sobra ang damdamin kong hindi maipaliwanag kaya natulala na lamang ako roon. Natagpuan ko na lamang ang sasakyan niyang malayo na sa akin, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na tila ba nalalapit na ako sa pagkakataon na makilala ng personal ang tatay ko. Mula pa man noong una kong makita ang larawan ni Papa ay pinangarap ko na talagang makita’t makilala siya ng personal. Kahit walang plano si Mama gawin iyon para sa akin ay ‘yon ang isa sa
CALEB Mabilis lumipas ang mga oras at halos nakapikit na ang mga mata ko nang sa wakas ay narinig ko nang mag-bukas ang pinto. Gawa ng kanina ko pa hinihintay ang pagdating ni Aliyah ay mabilis akong napatayo sa pagkakaupo sa hagdan para salubungin siya. Hindi alintana sa aking sistema ang labis na antok dahil nandito na siya— ligtas siyang nakauwi sa akin ngayon. “C-caleb?” utal na banggit niya sa pangalan ko, bakas sa mga mata ang gulat na makita ako ngayon dito sa bahay. Halatang hindi niya inaasahan ang pagdating at paghihintay ko sa pag-uwi niya ngayong gabi, kaya imbes na sumagot agad sa kaniya ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ilang araw lamang kaming hindi nagsama ay sobra na ang lumbay na naramdaman ng dibdib ko, kaya ngayong nasa harap ko na siya ay wala akong ibang maisip kundi ang pasalamatan ang Diyos na ligtas niyang pinauwi rito sa bahay ang babaeng hindi na mawala sa isipan ko. Siya ang unang lumapit sa akin nang maibaba niya na sa couch ang bag niya, isang mahigpi
ALIYAH Gawa ng halo-halo kong nararamdaman sa gabing ito dahil sa magaganap na pagkikita namin ng mga magulang ni Dominic ay para bang hindi ko na napansin ang naging byahe namin papunta sa mansyon nila. Sa isang iglap ay naglalakad na kami ni Dominic sa maluwag at maganda nilang hardin patungo sa entrance ng malaki nilang mansyon. Sa gate pa lang nila ay sobra na akong humanga, sa ganda ng tirahan nilang ito na animo’y palasyo na sa laki ay hindi talaga maitatanggi ang yaman ng kanilang pamilya. “A-ang ganda naman ng mansyon niyo, Dominic.” komento ko nang marating na namin ang mala-ginto nilang main door, sa sinabi kong iyon ay narinig ko ang mahinang tawa ni Dominic. “Nakahihiyang pumasok sa loob, kaso nandito na ako, e!” “Get use to this house, Aliyah. Parte ka na rin ng bahay na ito dahil ikaw ang ina ng anak ko.” nakangiti si Dominic nang sabihin iyon sa akin pero ramdam ko na seryoso ang sinabi niyang iyon kaya nakaramdam ako ng hiya. Hindi pa rin talaga ako sanay sa set-up
CALEB “Thank you for taking care of it, Ms. Jonelle. Appreciated.” I thank the old lady on the phone who was my secretary for four days of work in Singapore since Saturday. “It’s been my pleasure, Mr. Walton.” Nang makapagpaalam na rin ako rito ay binaba ko na ang teleponong gamit at naupo sa gilid ng aking kama upang mai-pahinga ang katawan kahit saglit. I am currently at my parents' mansion since I had an urgent business meeting with my father a few hours after my plane landed this morning from Singapore. Ayaw ko mang manatili rito kasama sila ay wala akong magawa dahil may kikitain pa kaming investors mamayang alas singko ng hapon, masyado na akong pagod para umuwi muna sa bahay at bumalik na lang dito mamaya. Antok na rin ako ngayon kaya magpapahinga na muna ako habang may apat na oras pa bago muling umattend ng isang meeting. Mula Sabado ay puro meeting na ang nadadaluhan ko. Ilang araw akong wala sa tabi ni Aliyah kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit gusto ko nang
ALIYAHKatatapos lang ng misa na aking dinaluhan ngayong linggo nang maisipan kong hindi muna umuwi sa bahay agad dahil wala naman ngayon doon si Caleb. Kahapon pa siya umalispara sa isang business trip atbaka bukas o sa martes pa makababalik. Ilang araw palang ang lumilipas mula nang malaman ko ang pagdadalang tao ko, sa mga araw na iyon ay mas bumibigat ang pakiramdam ko sa mga nangyayari sa buhay ko. Noong biyernes ay nagawa kong itago kay Caleb ang nalaman ko noong araw na iyon, ngunit kahapon bago siya umalis ay sobra akong hindi mapalagay. Mas lalo akong umiibig sa kaniya kaya alam kong mas lalo ko siyang masasaktan kapag pinatagal ko pa ang paglilihim kong ito. Gusto kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko, ngunit sobra ang takot sa loob ko dahil alam ko naman agad ang magiging reaksiyon niya sa malalaman. Hindi niya ito matatanggap— Sino ba naman kasi ang makatatanggap sa sitwasyon na nabuntis ako ng lalakeng karibal niya sa negosyo, diba? Natatakot akong mawala
CALEB As usual, I left early at work to be home before Aliyah’s out from her work. I wanted to prepare for our dinner tonight, but as soon as I stepped into our living room, I already saw her bag laying on our couch. She’s already here, but since she’s nowhere to be found in the living room and kitchen, I immediately went upstairs to check on her in our room. There I saw her sleeping peacefully. Simula nang makapag-usap kami kagabi tungkol sa nabubuong pagtingin namin sa isa’t isa ay mas lalo ako naging interesado sa kaniya. Tunay na maganda ang mood ko buong araw, sa katunayan nga ay maging ang mga tao ko ay napansin ‘yon kanina. Kaninang umaga pa lang noong magising ako ay sobrang gaan na sa dibdib, para bang ngayon ko lang naramdaman ang saya na ito sa buo kong buhay. Kaya ngayon na nandito na ako ulit sa bahay at nakikita ko na siya ay mas lalo akong naging maligaya. Maingat lamang ang ginawa kong pag-upo sa gilid ng kama kung saan malaya kong pagmasdan ang kagandahan ng babaen
ALIYAH “Both your urine and blood tests are positive in pregnancy. You are pregnant, Ms. Morgan, congratulations!” anunsyo ng doktor na aking kaharap sa mga sandaling ito. Gising na naman ako pero tila ba nasa isang malabong panaginip pa rin ako ngayon, ni hindi ko magawang makurap ang mga mata ko habang ang tingin ay diretsa lamang sa papel na aking hawak. Buntis ako… Patuloy pa ring lumilipad ang aking isipan sa kung saan, ramdam ko na naman muli ang mga luhang nagbabadya na naman sa aking mga mata. Nakaupo man ako ngayon ay dama ko pa rin ang panlalambot ng aking buong katawan. Walang ni isang salita ang nagawang makalabas sa bibig ko— hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon lamang. Diyos ko, hindi ko po alam ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito… “The headaches, dizziness, and fatigue that you are experiencing in the last few days and weeks are just the result of your pregnancy. Didn't you notice your late period? Even the change in your mood every day is aff
JACOB “Ano ba Miss!? Simpleng bagay na nga lang hindi mo pa maintindihan.” saktong matapos ko ang paghihiwa ng sibuyas ay narinig ko ang malakas na boses ng isang lalake sa labas ng kusina. Dala ng kuryosidad sa nangyayari roon ay sumilip ako sa pintuan at nakita si Aliyah na pinupulot ang mga pagkaing nagkalat na sa sahig habang may lalake sa kaniyang harapan. “Bakit hindi ka makatingin ngayon, ha!? Mag-resign ka na lang sa trabaho mo ng hindi ka na maka-perwisyo pa ng mga customer dito. Palampa-lampa.” dahil sa nakikitang labis na galit ng lalake kay Aliyah ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pag-aalala para sa kaniya ngayon. Nakatalikod ito sa akin, pero kitang-kita ko mula rito sa kinaroroonan ko ang panginginig ng mga kamay niya habang patuloy lamang siya sa paglilinis ng mga nagkalat na pagkain sa lapag. Gawa ng eksena na nagaganap ay lahat ng customers namin na kumakain dito sa karinderya ay nasa kanila lamang ang tingin, maging si Rica na kahera namin ay napahinto sa
ALIYAH Sariwang hangin ang dumampi sa aking balat na siyang gumising sa aking natutulog na diwa. Bumungad sa aking mga mata ang mga punong isinasayaw ng hangin sa parke na aking kinaroroonan ngayon. Hindi ko napansin na nakaidlip na pala kanina habang nakatulala sa mga puno rito sa parke, mula nang maisipan kong takasan na lamang ang trabaho ko sa karinderya ay dito na ako dinala ng aking mga paa. Natuyo na ang mga luhang naglalandas kanina sa pisngi ko, gayunpaman ay narito pa rin sa aking damdamin ang sakit na gawa ng mga bagay na narinig ko mula kay Jacob at sa iba ko pang kasamahan sa trabaho. Hindi naman ganoon kadali mawala ‘yung epekto na naidulot niyon sa aking sistema, pero masasabi ko ngayon na mas maayos na ang aking pakiramdam kumpara kaninang umaga. Hindi na naman ako naluluha, e. Nakahihinga na rin ako ng maluwag sa tulong ng sariwang hangin dito sa parke. Buti na lang talaga at walang gaanong tao ang narito ngayon, kaya walang nakakita sa pagluha ko kanina— wala ring t