Chapter 5
Fast Forward Five Years Later "Miss Cruz, pinapunta ka sa head office," sabi ng kasama kong nurse. "Ha? Bakit daw?" tanong ko, medyo naguguluhan. "Ay, ewan, dai," sagot niya. Dahil sa sagot niya, tumango na lang ako, ngunit kinabahan ako. Baka may nagawa akong mali sa trabaho. Hindi ko namalayan, nandito na pala ako sa tapat ng office. Kumatok ako at narinig kong may nagsalita sa loob, "Pasok." Pinihit ko ang pinto at pumasok, sabay bigay galang sa aking boss. "Maayong buntag, boss," bati ko dito kahit kinakabahan ako na baka may nagawa akong mali sa aking pagserbisyo sa hospital. "Magandang umaga din. Hindi na ako magpaligoy-ligoy sa'yo, Miss Cruz. Pinatawag kita para sabihing ikaw ang napili naming idistino sa Manila. Free ang bahay at tataasan ang sahod mo kung papayag ka," sabi niya agad sa akin. "Eh, boss, kung papayag ako, paano na ang hanapbuhay namin dito? At baka hindi pumayag si mama," tugon ko dito. "Nag-usap na kami ng mama mo, at oo na siya," sagot niya sa akin. 'Pangbihira, nag-uusap na pala sila tapos tanungin pa akong kung papayag ako. May saltik yata ang amo namin!' sambit ko sa aking isipan. "Pwede pag-isipan ko muna, boss," sabi ko dito. "Kung magkaano ang sahod mo dito ay dodoblehin ko, 2x ang magiging sahod mo doon sa manila," sabi niya sa akin. "Deal, boss! Tatanggapin ko ang alok niyo," sagot ko agad, abay baka magbago pa ang isipan at hindi matuloy ang offer niya sayang din naman yun. Ngumiti siya at nagsabi, "Good decision," sabi niya sa akin. "Sige, boss, aalis na ho ako," bigkas ko dahil ang wierd ng boss namin parang baliw, kanina naka ngiti ngayon naman ay sumimangot. "Okay, wag ka nang mag-duty ngayon. Umuwi ka na lang para maihanda ang gamit mo," wika niya sa seryosong boses. "Sige `ho, boss!" nagmamadali akong lumabas sa office nito saka agad akong nagpunta sa locker room. Agad akong tinanong ng isa kong kasamahan kung anong sadya sa head office sa ospital. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa paglipat sa Manila at pati ang sasahurin ko doon. "Wow, good luck sayo doon!" sabi niya sa akin. Kaya agad akong nagpasalamt dito saka sinarado ang locker ko saka humakbang paalis. Naghahalo ang kaba at excitement sa akin—makikita ko na rin ang mga kaibigan ko. "Hay, Lord, sana maayos at walang masamang mangyari sa buhay ko doon!" bulong ko sa aking sarili. Paglabas ko sa hospital ay agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay namin ni mama. Kahit mahirap iwan ang lugar namin ay wala akong choice dahil nakasalalay ang future ko sa Manila. Hindi nag tagal ay agad din ako nakarating sa bahay kaya agad ako nagbayad saka bumaba. Nakita ko si mama ng didilig ng halaman namin sa bakuran. "Ma," tawag ko dito. "Anak, ang aga mo yata ngayon!" sabi niya saka nagpapatuloy sa pagdidilig ng halaman. "Nag-usap na pala kayo ni, boss!" wika ko saka ako nagmano dito. "Tungkol sa pag asign niya sa akin sa Manila," dagdag kong sabi. Huminto ito sa kanyang ginawang pagdilig ng halaman at humaraysiya sa akin saka nagbuntong-hininga. "Nagalit kaba sa akin?" tanong niya. "Ma, bakit ako magalit sayo! At isa pa alam ko naman sa aking kinabukasan ang iniisip mo," sabi ko saka niyakap ko ito. "Saka, Ma! Salamat sayo dahil nakapagtapos ako sa pag-aaral," sambit ko dito. "Sus, nag da-drama naman tayo!" wika niya. "Sa totoo lang anak, pumayag ako dahil gusto ko magamit mo ng husto ang iyong natutunan. Pero kong ayaw mong pumayag sa kanilang gusto nasa iyo -yun, ikaw ang magdesisyon!" sabi niya sa akin saka hinaplos ang aking buhok. Habang nag-iimpake ako, hindi ko maiwasang mapangiti at alalahanin ang mga alaala kasama ang aking mga kaibigan. Matapos ang ilang oras, pinuntahan ko si Mama sa kanyang kwarto. Hindi siya sasabay sa akin dahil may aayusin pa siyang mga bagay bago ako umalis, na okay lang sa akin. "Ma, mauna na ako, ha? Susunod ka na lang," sabi ko dito. "Oo nga, ang kulit mo. Pero anak, mag-ingat ka sa biyahe, ha? At lagi kang mag-lock ng pinto. Wag mong buksan kung hindi mo kilala!" bilin niya sa akin. "Opo, Ma. Sige, aalis na ako. Bye, Ma!" pagpaalam ko dito. "Bye, anak," sabi niya sa akin. Habang pasakay ako sa taxi ay sa huling pagkakataon ay nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid saka ako tuluyang pumasok sa loob at nagpahatid sa airport. Insaktong lamang ang pagdating ko ng tinawag ang aking flight. Hindi nagtagal, ay agad nag Salita ang flight attendants sa aming lahat. "Ladies and gentlemen, we're now approaching Manila. Please ensure your seatbelts are fastened and your seats are in the upright position. We expect to land shortly. Thank you for flying with us," wika nito. Kaya agad naming sinunud ang kanyang sinabi hanggang nararamdaman naming pababa na ang eroplano hanggang nakalapag na ito saka naman umalis nagsalita ang flight attendants. "Ladies and gentlemen, we have now landed in Manila. Please remain seated with your seatbelts fastened until the aircraft has come to a complete stop and the seatbelt sign has been turned off. We would like to thank you for flying with us today. Have a great day ahead!" Hanggang naging maayos ang paghinto ng eroplano at tulad sa sinabi ng flight attendants ay may pumasok dito at sinabing okay na ang lahat. Kaya ang lahat ma pasahero ay nag si handa na at yung iba ay tumayo, kinuha ko ang aking bagahe saka sunod lumabas sa ibang pasahero. Hanggang tuluyang akong nakalabas at agad akong naghanap ng masasakyan. "Hay, ganun pa rin ang lugar na ito—mausok at maingay," bulong ko sa sarili habang naglalakad. Nakakita ako ng taxi na nakapila, kaya sumakay ako at sinabi ang destinasyon. "Sa Subdivision Corales St. Pasig po, Manong," wika ko. Agad naman nitong umandar. Matapos ang ilang minuto, huminto kami sa isang malaking gate. Pinara kami ng guard at tinanong ang sadya ko. Ipinakita ko ang ID ko at ngumiti siya. "Kayo pala ang titira sa bahay diyan malapit, Maam!" sabi nito. Tumango lang ako at ngumiti kaya binuksan niya ang gate. Agad akong bumaba sa taxi, kinuha ang bagahe, at binayaran ang driver. Nagbayad ako ng 500 kahit 350 lang ang dapat, para may dagdag sa gastos nila araw-araw. Pumasok ako sa loob ng bahay at nakita kong kumpleto ang lahat. May nakita akong ref, kaya pinuntahan ko ito at binuksan. Napawow ako sa dami ng laman. Agad kong nilabas ang lulutuin ko kasi magtatanghali na. Natapos akong magluto at kumain na ako.Chapter 6 Kinabukasan ay maaga akong nagising, dahil unang araw ko sa aking trabaho sa isang malaking hospital sa Maynila. Agad akong bumangon at niligpit ko ang aking higaan, pakatapos ay agad akong nagpunta sa banyo para gawin ang morning routine ko. Pagkatapos kong maligo ay agad akong lumabas sa banyo at nagtungo sa closet upang kumuha ng maisusuot ko. Nagbihis muna ako ng pangbahay at hinanda ang gamit ko bago lumabas sa silid upang magluto ng almusal. Isang scramble eggs at toasted bread at isang basong gatas ang aking almusal. "Ito na lang muna baka ma-late ako sa aking unang trabaho kapang magluto ako," bulong ko sa aking sarili saka ko kinain ang aking hinanda. Pagkatapos kong kumain ay agad kung hinugasan ang pinagkainan ko saka ako umakyat sa aking silid para makapagbihis at makahanda na sa aking -trabaho. At dahil excited na ako, binilisan ko ang aking mga galaw upang maaga ako makaalis sa aking tinutuluyan. Mamadali akong naghanda dahil 6:39 AM n
Chapter 7 Napaka-busy ngayong araw na ito. Kahit mag tatanghalin pa lang, may mga nurse na nag-aasikaso sa mga pasyente at may mga doctor na rin na nagmamadali. Habang naglalakad ako, napansin ko ang isang lalaki na kasama sa pagtulong sa isang buntis. "Hmm, siguro mayaman yung manganganak," sabi ko sa isip ko, dahil kitang-kita ko ang pagka-kandarapa ng mga staff sa paligid na parang hindi nila alam ang kanilang gagawin. Natapos ko ang mga gawain ko, kaya agad kung inunat ang aking katawan at saka pagkatapos ay pumunta ako sa lobby ng hospital dahil doon ako dadaan patungo sa pasyenteng kailanga kung i-check ang kanyang kalagayan. Ngunit hindi ko inaasahan na may isang lalaki na bigla na lang bumangga sa akin, dahilan para mabigla ako at hindi ako nakagalaw. Agad ako nagalit at nainis ako sa ginawa niya, ang akala ko ay hihingi siya ng tawad sa akin. Pero mas lalo akong nagalit dahil bigla na lang niyang hawakan ang dibdib ko na hindi makapaniwala at pinisil-pisil niya pa
Hello all, sana ay magustuhan ninyo ang bag o kung akda. Kung may nais kayong sabihin o napuna. Wag po kayong magdalawang-isip na mag-comment. Sana ay ibuto din po ninyo ang aking story. Follow rin ninyo ako. Maraming salamat po sa inyong lahat.
Chapter 8Pagkatapos kong lumabas ay agad na naman ako pinapunta sa isa pang VIP room, dahil nasa kabilang silid lang ito ay agad akong nakarating. Kumatok muna ako bago ko binuksan ito. "Hello po, check ko lang po ang pasyente," sabi ko habang pumasok sa loob ng silid. Ngunit bigla akong natigilan, at naglaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang pasyenteng nanganganak."O M G... Janith! Bakla, ikaw ba yan?!" sabay tawa ko. "Bakit hindi mo ako tinawagan? Buti na lang at dito ako na-assign sayo! Wow, ang cute ng baby mo, at apat pala, ang saya ko, besty!" sabi ko. "Wait, kasama mo ba si isang bakla?" tanong ko, sabay turo kay Althea. Hindi ko mapigilang ngumiti."Waaaa! Atis, ikaw ba yan? Infernis, hindi ka na astig, mukha ka nang babae!" biro ko habang naglalakad palapit sa kanila. "Aray nako, mama Athea, hindi ka talaga nagbabago, mahilig ka pa rin mang-batok! Pero miss na miss ko na kayo, buti na lang talaga nalipat ako dito!" saad ko sabay yakap ko kay Althea."Tsk... Kani
Chapter 9 Brandon POV Buti na lang at nakatakas ako. Sabi ko sa aking sarili habang tahimik na naglalakad. Ang liit talaga ng mundo—magkaibigan pala ang apat. Nakakatakot. Parang mga amazona. Ano pa ba ang maasahan ko sa magkaibigan na 'yun, at tunay talaga silang magkaibigang puro mga amazona. "Shit ka, Brandon! Ano bang pumasok sa iyong isip? Bakit mo kasi hinawakan ang kanyang dibdib?" galit kong bulong sa aking sarili. Habang naglalakad ako at nag-iisip kung anong pumasok sa aking kukuti kanina ay biglang nag-ring ang aking phone. Kaya agad ko itong tinignan kung sino ang tumawag. Bro Kurt calling... "Ano kaya ang kailangan nito?" bulong ko sa akin sarili. Tumikim muna ako ng mahina bago sinagot ang tawag sa kaibigan ko. "Ehemm..." sabay sagot sa phone, "hel—" pero hindi ko natuloy ang pagbati ko dito dahil sa narinig kong tawa mula sa kabilang linya. Kaya Napa hinto ako saka nakakunot ang aking noo dahil sa tawa nito. Hindi lang si Kurt ang tumawa pati din si
Chapter 10 Heart POV "Walang hiya, pangalawa na nya ito. Ninakaw pa nya ang unang halik na sana'y para sa magiging first boyfriend ko. Sa sobrang pagka-bigla ko, napatulala ako. Humanda ka sa akin, lalake ka," sabi ko sa aking isipan. Napa-kuyom na lang ako sa aking kamay habang nanlilisik ang aking mata. "Kailangan malalaman ko kung saan siya nakatira. Kailangan kong makausap si Althea," wika ko. Kaya agad akong bumalik sa loob ng hospital at binalikan ko ang silid kung saan naroon ang tatlo kong kaibigan. Pagdating ko, agad siyang kumatok at binuksan ang pinto. "Ah, hi!" bati ko sa kanilang lahat. "Oh, may nakalimutan ka ba, Puso?" tanong ni Janeth. "Ah, kasi, may itatanong lang ako kay Atis." "Sayo pala, may kailangan si Puso, Atis," bigkas ni Angie. "Bakit?" tanong ni Althea na may halong pagtataka. "Ah, pwede ba kitang makausap ng masinsinan?" saad ko dito. Tumango lang ito. Kahit kailan, tipid talaga siyang magsalita. Kaya agad kaming lumabas at nag
Chapter 11 Brandon POV Napa-mura ako sa aking isip nang may gumising sa akin. Papagalitan ko sana, pero nagulat ako sa aking nakita. Yung babae—yung nurse na hinalikan ko kanina—na may hawak na gunting at nakangiti ng nakakatakot. Habang papunta siya sa aking gitna, lalo akong nagulat nang makita kong ginupit niya ang aking talong. "Ahhhhhhhhhhhh!" Tanging sigaw ko lang iyon dahil sa takot at, sa sobrang gulat, nahimatay ako. Pag-gising ko kinabukasan, saka ko lang napansin na bukas ang aking mata, at iniisip ko na panaginip lang lahat ng nangyari—isang masamang panaginip. "Akala ko talaga totoo ang lahat," bulong ko sa aking sarili, umiiling-iling pa ako habang hawak-hawak ang aking gitna. Nang maramdaman kong may basa at malagkit, kinabahan ako ng sobra kaya agad kong tinignan ang aking kamay at biglang napa sigaw ako sa takot. "Dudugoooo... dugo, dugo... Ahhhhhhh my my nooooo! Nanaaaaa!" malakas kong sigaw mula sa aking silid. Dahil sa sobrang takot at taranta, tum
Chapter 12 Pagkatapos kong maligo agad akong nagbihis ay kinuha ang aking phone. Dahil buo na ang aking desisyon ang tanungin ang isa kong kaibigan. Habang nag ring ang aking tinawa ay saka naman ako nagbibihis. Si Jayson ang aking tinawagan at sya ang hiningan ko ng pabor. Ilang ring lang ay agad itong sinagot kaya wala akong dalawang isip na sabihin ang kailangan ko, laking tuwa ko dahil pumayag ito. Ngunit may kapalit ang kanyang tulong, ako daw ang sagot sa gastusin ng binyag sa kanyang mga anak. Wala akong choice kaya pumayag sa kagustuhang upang makaganti lang ako sa babae na -yun. Kung totoosin ay maliit lang na halaga iyon kaya agad akong pumayag. Pinahintay muna niya ako ng ilang oras bago niya binigay ang address nito. Pagkatapos i-bigay ni Jayson ang address ay napa ngite ako dahil hindi ako mahihirap sapagkat ay pareho lang pala kami ng subdivision tinitirhan at ilang bahay lang ang pagitan naming. "Hmmm, humanda ka babae, tinakot ko ako kanina. Kaya
Chapter 77 Habang nag-uusap sina Ruth at Heart, hindi ko maiwasang balikan ang mga araw na naging magulo ang buhay ko. Si Ruth ang una kong minahal—ang babaeng akala ko’y kasama ko hanggang dulo. Pero ang sakit ng pagtataksil niya ang nagtulak sa akin para palayain ang sarili ko mula sa isang relasyon na puno ng kasinungalingan. Noon, galit na galit ako. Akala ko, hindi ko na magagawang magtiwala ulit. Pero dumating si Heart. Siya ang nagbigay-liwanag sa madilim kong mundo. Sa kanya ko natutunan na ang pagmamahal ay hindi tungkol sa pagiging perpekto, kundi tungkol sa pagpili sa taong nagpaparamdam sa’yo ng kapayapaan. Bumalik ang atensyon ko sa kwarto nang marinig kong tumawa si Red. Tila unti-unting nababawasan ang tensyon habang nagkukwentuhan ang mga babae. Nakakagaan ng loob na makita ang ganitong eksena—isang pamilyang pilit na binubuo ang mga pira-pirasong bahagi. Napatingin si Heart sa akin, bahagyang ngumiti. Nilapitan niya ako at marahang hinawakan ang braso ko. "Oka
Chapter 76 Brandon POV Kahit matagal na kaming naghiwalay ni Ruth, masasabi kong tuluyan ko na siyang napatawad. Marami na akong natutunan sa mga pagkakamali niya, at sa mga pagkakamali ko rin. Sa kabila ng sakit na dinulot ng nakaraan, natutunan kong magpasalamat sa mga nangyari. Kung hindi siya nagkamali, hindi ko makikilala si Heart—ang babaeng tunay na nagbigay kahulugan sa buhay ko. Habang nakatingin ako kay Ruth kanina, hindi ko maiwasang maalala ang lahat. Sa bawat galit at sama ng loob na naramdaman ko noon, naroon din ang aral na dinala nito. Kung hindi dahil sa mga pagsubok, hindi ko mararanasan ang ganitong klaseng saya. Ang saya ng pagiging asawa ni Heart, at ang saya ng pagiging ama sa kambal naming sina Jimmie at Jammie. Iniwan ko ang tensyon sa ospital room at nilapitan si Heart, na tahimik na nakatayo sa tabi ni Red. Hinawakan ko ang kanyang kamay at binigyan siya ng isang maliit na ngiti—isang paalala na nasa tabi niya ako anuman ang mangyari. "Heart," bulon
Chapter 75 Kinabukasan, isang hindi inaasahang bisita ang dumating sa ospital—si Ate Ruth, ang isa ko pang kapatid sa ina. Matagal na rin kaming hindi nagkikita, at hindi ko maiwasang mapansin ang malaking pagbabago sa kanya. Sa kabila ng madilim na nakaraan namin bilang magkakapatid, tila mas payapa na siya ngayon. "Ate Ruth," bati ko nang makita siyang pumasok sa kwarto, hawak ang isang basket ng prutas. "Red," ngumiti siya, halatang nag-aalala. "Kumusta ka? Narinig ko ang nangyari. Hindi ko na napigilan ang sarili kong bumisita." "Okay naman ako," sagot ko, pilit na pinapakita na maayos na ang lagay ko. "Salamat sa pagpunta." Umupo siya sa tabi ng kama, tahimik na tinitingnan ang mga sugat ko. Ramdam ko ang bigat ng kanyang damdamin. "Alam mo, Red," nagsimula siya, "ang dami nang nangyari sa atin bilang pamilya, pero kahit anong mangyari, gusto kong malaman mo na andito ako para sa'yo." Tumango ako, ngunit hindi ko napigilang maalala ang mga nakaraan—ang lahat ng gulong idin
Chapter 74 Red POV Habang nakahiga ako sa kama ng ospital, hindi ko maiwasang mag-isip sa lahat ng nangyari. Ang sakit ng bawat galos at sugat ay walang sinabi sa kirot ng konsensiya ko nang makita ko kung paano nag-aalala si Ate Heart. Ang mga luha niya, ang panginginig ng boses niya—parang sinuntok ang puso ko nang makita ang reaksyon niya. Hindi ko sinabi kay Blue ang nangyari. Alam kong nasa business trip siya sa Huawei, at hindi ko kayang makaabala sa kanya. Lagi na lang akong pabigat, at ayokong madagdagan ang mga iniisip niya. "Hindi ko siya tatawagan," mahina kong bulong sa sarili habang nakatingin sa kisame. Pagbalik ni Ate Heart sa kwarto, dala niya ang ilang gamit na kailangan ko. Lumapit siya sa gilid ng kama, at muling tiningnan ang kalagayan ko. "Red, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya, malumanay ngunit halatang hindi pa rin nawawala ang kaba sa boses niya. "Mas okay na, Ate. Salamat sa lahat," sagot ko. Ngunit sa loob, ramdam ko ang bigat ng aking kasalanan.
Chapter 73 Maagang araw iyon sa ospital, at tila mas abala kaysa karaniwan. Patuloy ang pagpasok ng mga pasyente, at ramdam ko ang tensyon sa hangin. Kasalukuyan akong nag-aasikaso ng mga papeles nang makarinig kami ng sigaw mula sa kabilang kwarto. “Wala akong pakialam! Hindi ko kailangan ng tulong ninyo!” bulyaw ng isang lalaki. Mabilis akong tumayo at tinungo ang kwarto kasama ang ilan pang staff. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin ang isang lalaki, nasa edad trenta, galit na galit at pilit na inaalis ang suwero sa kanyang braso. “Sir, kalma lang po,” mahinahon na sabi ng isang nurse. Pero lalo siyang nagwala. “Hindi ko kailangan ng tulong ninyo! Bitawan n’yo ako!” sigaw niya habang pilit na tinataboy ang mga staff. Sa puntong iyon, hindi ko na napigilang magsalita. “Sandali lang!” malakas kong sabi, dahilan para mapahinto siya at mapatingin sa akin. Lumapit ako, hindi alintana ang galit sa kanyang mukha. “Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Ang mga tao dito ay nagtatrab
Chapter 72 "Mommy," maingat kong simula habang hawak ang kamay niya. "Hindi ba darating si Daddy?" Napatingin siya sa akin, tila nagulat sa tanong ko. Ngumiti siya, pero may lungkot sa kanyang mga mata. "Anak, alam mo naman ang sitwasyon namin ng Daddy mo," sagot niya ng marahan. "Hindi kami nagkabalikan, pero lagi ko namang sinisigurado na andiyan siya para sa inyo, di ba?" Tumango ako, pero ramdam niya ang bigat sa puso ko. Alam ko naman ang katotohanan, pero mahirap pa ring hindi umasa. "Oo, Mommy. Pero sana dumalaw siya minsan. Miss na miss ko na rin siya," sabi ko habang pinipigil ang emosyon ko. Hinawakan ni Mommy ang magkabilang pisngi ko at tumingin nang diretso sa mga mata ko. "Heart, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Pero tandaan mo, kahit hindi kami magkasama ng Daddy mo, pareho naming mahal kayo. At kung dumalaw man siya o hindi, hindi mababago iyon." Tumango ulit ako, pilit na ngumiti. "Salamat, Mommy. Pero sana... minsan, magkasama tayo ulit bilang pami
Chapter 71 Heart POV MASAYA ako habang ipinaliwanag sa kambal kung ano ang trabaho ko bilang isang nurse. Nakatutuwang makita ang kanilang mga mata na puno ng paghanga at saya. Kahit maliliit pa sila, ramdam ko na gusto nilang maintindihan ang ginagawa ko at kung bakit mahalaga ito. “Mommy, anong ginagawa mo kapag may sakit ang mga tao?” tanong ni Jammie habang nilalagay ko ang mga kagamitan ko sa bag. “Tinulungan ko silang gumaling, anak,” sagot ko habang yumuko para tingnan siya sa mata. “Kapag may sugat, nililinis ko. Kapag may kailangan silang gamot, binibigay ko. At higit sa lahat, inaalagaan ko sila para bumuti ang pakiramdam nila.” Si Jimmie naman ay nag-isip nang malalim bago nagsalita. “Mommy, kung may masakit kay Teacher, tutulungan mo rin siya?” Tumawa ako. “Oo naman! Sino man ang nangangailangan ng tulong, gagawin ko ang lahat para matulungan sila.” “Ang galing mo, Mommy,” sabi ni Jammie, sabay yakap sa akin. Napuno ng init ang puso ko sa kanilang mga salit
Chapter 70 Lumipas ang ilang taon, at mabilis na lumaki ang kambal namin ni Heart, sina Jimmie at Jammie. Ngayon, sila ay nasa unang araw ng kanilang kindergarten. Maaga kaming gumising para ihanda sila, at ramdam ko ang halo-halong emosyon sa bahay—excitement, kaba, at kaunting lungkot dahil nagsisimula na silang maging independent. Habang hinahanda ni Heart ang baon nila, abala ako sa pagbibihis sa kambal. “Daddy, tama ba itong tali ng sapatos ko?” tanong ni Jimmie habang nakakunot ang noo. “Tama ‘yan, anak. Pero halika, mas aayusin ko pa,” sagot ko habang lumuhod para itali ito nang maayos. Si Jammie naman ay masaya nang nilalagay ang kanyang mga libro sa bagong bag. “Mommy, ang cute ng lunch box ko! Gusto ko ipakita kay Teacher mamaya!” Tumawa si Heart at yumuko para halikan si Jammie sa noo. “Siguraduhin mong ubusin mo ang pagkain mo, ha?” Nang handa na ang lahat, sabay-sabay kaming sumakay sa sasakyan para ihatid sila. Tahimik si Heart habang nakaupo sa tabi ko, at alam k
Chapter 69 Pagkatapos ng espesyal na sandali sa tabing-dagat, bumalik kami sa cottage at naabutan ang kambal na masayang naglalaro kasama ang mga tauhan sa isla. Napatingin si Heart sa akin at ngumiti. “Mahal, parang ang bilis nilang lumaki.” “Sa totoo lang, oo,” sagot ko, sabay hawak sa kanyang kamay. “Kaya dapat samantalahin natin ang bawat pagkakataon na magkasama tayo. Ang ganitong mga alaala ang dadalhin natin habang buhay.” Kinabukasan, nagplano kami ng isang family adventure. Sumakay kami sa bangka at nagpunta sa isang maliit na kuweba malapit sa isla. Habang papalapit, napansin ng kambal ang mga makukulay na isda sa malinaw na tubig. “Daddy, look! Fishies!” sigaw ni Jammie habang tinuturo ang tubig. Tumawa si Heart at sinabi, “Oo, anak. Ang daming isda! Mamaya, makakapag-snorkeling tayo para makita niyo sila nang mas malapit.” Pagdating sa kuweba, humanga kami sa natural na ganda nito. Ang mga stalactite at stalagmite ay tila mga kristal na kumikinang sa liwanag ng