Share

Chapter 6

Chapter 6

Kinabukasan ay maaga akong nagising, dahil unang araw ko sa aking trabaho sa isang malaking hospital sa Maynila.

Agad akong bumangon at niligpit ko ang aking higaan, pakatapos ay agad akong nagpunta sa banyo para gawin ang morning routine ko.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong lumabas sa banyo at nagtungo sa closet upang kumuha ng maisusuot ko.

Nagbihis muna ako ng pangbahay at hinanda ang gamit ko bago lumabas sa silid upang magluto ng almusal.

Isang scramble eggs at toasted bread at isang basong gatas ang aking almusal.

"Ito na lang muna baka ma-late ako sa aking unang trabaho kapang magluto ako," bulong ko sa aking sarili saka ko kinain ang aking hinanda.

Pagkatapos kong kumain ay agad kung hinugasan ang pinagkainan ko saka ako umakyat sa aking silid para makapagbihis at makahanda na sa aking -trabaho.

At dahil excited na ako, binilisan ko ang aking mga galaw upang maaga ako makaalis sa aking tinutuluyan.

Mamadali akong naghanda dahil 6:39 AM ng umaga, at kailangan ko nang makarating sa hospital bago mag-7:00. Paglabas ko ng bahay, ay agad akong napangiti dahil kay naghintay sa aking ng sasakyan nasa labas ng aking tinutuluyan naghihintay sa aking pag-alis, medyo na mangha pa ako at napatulala dahil napaka-ganda ng sasakyan na maghahatid sa akin.

"Bungga, para ako isang Prinsesang nawawala," usal ko sa aking sarili habang nakatingin sa magarang sasakyan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang trato sa akin ng may-ari ng hospital, pero hindi ko na lang inisip at binaliwala ko na lang ang lahat.

"Hello po, kuya! Magandang umaga po!" bati ko sa driver na naghihintay sa akin.

"Magandang umaga po, senyorita," sagot niya sa akin.

Natawa na lang ako at napakamot sa aking ilong dahil napagkamalan pa naman niya akong senyorita.

"Kuya naman, kung maka-senyorita, hindi po ako hasindera. Isa lang po akong hamak na mamamayan na nangarap at nagsusumikap para sa aking kinabukasan at sa aking nag-iisang ina," mahaba kong paliwanag dito habang ngumingiwi sa aking sinabi.

Nginitian lang ako ng driver na parang naaliw pa ito sa aking sinabi.

"Ah, eh, hehehe. Pasensya na po, senyorita. Yun po kasi ang utos ng amo ko, kaya yun ang susundin ko. Mahirap na baka masisante pa ako dahil hindi kita tinawag na senyorita!" tugon niya sa akin.

Simangot lang ako sa sinabi niya. "Bahala po kayo, kuya, basta bilisan nyo na lang po, baka ma-late ako," tanging sagot ko na lamang. Naintindihan ko naman na sumunod ito sa utos ng kanyang amo.

"Masusunod, senyorita," sagot niya habang pinaandar ang sasakyan. Wala kaming imikan sa loob ng kotse. Kaya kinuha ko na lamang ang aking phone saka nagpatugtog ng love song habang ang aking mata ay nakatingin sa labas ng bintana.

Hindi gaano ka traffic ang dinadaanan namin kaya mabilis kami nakarating sa hospital.

"Salamat po, kuya!" sabi ko saka ako lumabas ng kotse at nagtungo sa entrance ng hospital.

Pagdating ko sa loob ng hospital, tulad ng inaasahan ko, abala ang mga nurse. Kahit sa Cebu, abala rin sila, pero dito parang mas mabilis ang galaw nila, parang may hinahabol na oras. Pumunta ako sa information desk at tinanong ko kung saan ang head office dito.

"Excuse po, nurse. Good morning! Pwede po magtanong? Baguhan lang po ako dito, at kalilipat ko lang galing Cebu. Sabi po ng boss ko, hanapin ko po ang head office dito," tanong ko dito.

"Ano po pangalan ninyo, nurse?" tanong ng receptionist sa akin.

"Heart Cruz," sagot ko dito agad.

Pagkatapos kong sabihin ay agad iyong nataranta na parang may kung ano sa aking pangalan dahilan upang mamutla ito at mautal. "S-Sorry, se-senyorita, hindi kita agad kilala. Na-nasa 12th floor po, sa VIP elevator po kayo sasakay," bigkas nito sa akin.

Napakamot ako sa ilong dahil ang weird ng mga tao nakasalamuha ko ngayong araw.

"Ah, miss, nurse, hindi po 'senyorita' ang pangalan ko, Heart. H-E-A-R-T, HEART. Ang pangalan ko po, sa Tagalog 'Puso'," sagot ko na medyo naiirita na rin.

"Pa-pasinya na po, senyorita! Dahil kabilin-bilinan ng head office na igalang kayo," sagot niya habang umiiwas.

"Haist, ang weird ng mga taong nakasalamuhang ko ngayong araw. Uulitin ko, Ms. Nurse. Hindi po 'senyorita,' ang pangalan ko, HEART po!" sabi ko, pero hindi ko na pinansin ang kanyang reaction at agad akong naglakad papunta sa VIP elevator na sinabi nito.

Pinindot ko agad ang 12th floor. Pagdating ko doon, agad kong kinatok ang pinto, at nang bumukas, napatulala ako sa nakita ko. Napakaganda ng loob ng opisina. Pumasok ako at nakita ko ang isang babae na naka-talikod. Tumikhim muna ako.

"Ehem, magandang umaga po, madam. Ako po pala si Heart Cruz, ang pinalipat galing Cebu," wika ko.

Lumingon siya, at napa-singhap ako. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Ang babae sa harap ko ay ang aking pinakamamahal na ina.

"Mama?" tanong ko, medyo naguguluhan.

"Hahaha..." tawa ng babae, ngunit iba ang tawa niya. Tinitigan ko siya ng mabuti, at kitang-kita ko ang mukha ng aking ina sa kanya.

"Ahem. Ako si Hope at kakambal ko si Faith," sabi niya.

Nagulat ako. "Wow, may kakambal pala ang mama ko. Kumusta po kayo, madam?" magalang kong sabi.

"Oh dear, wag mo akong tawaging madam. Kapag tayo lang, tawagin mo akong mama Hope," wika nito.

"Ah, sige po, mama Hope," sagot ko, medyo nahihiya ng kaunti.

"By the way, dahil first day mo ngayon, itutour kita dito para malaman mo kung ano ang dapat mong gawin," sabi ni mama Hope sa akin. Hindi ko pa rin inaalis ang aking mata sa kanyang mukha. Sobrang magkamukha talaga silang dalawa, maliban lang sa buhok.

"So, tayo na!" sambit nito saka ngumiti sa akin.

Walang lumabas na boses sa aking bibig, tanging tango lang ang bilang sagot ko dito.

Una naming pinuntahan ang canteen, at ipinakilala niya ako sa mga kasamahan ko dito sa hospital. Naging magalang sila sa akin at mainit nila akong tinanggap, halos sila ay mabait sa akin.

Sobrang laki ng hospital kaya natagalan kami matapos sa kaka-tour niya sa akin. Hindi nagtagal, natapos ang tour, at nagsimula na ang aking trabaho bilang isang nurse dito sa hospital.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status