Share

Chapter 4

Chapter 4

Heart POV

Tsk! Nagtanong lang ako, tapos sinabihan lang ako! “Uwi na tayo, mga bakla, gabi na,” sabi ko. Nagsitayuan na kaming lahat, handa nang umalis. Pero habang naglalakad, nabunggo si Althea ng isang babae. Siya pa ang ginawang may kasalanan, ngunit hindi umalma ang kaibigan ko. Hinayaan mang niya ito pero si Janeth ay nais sa inasta ng babae kaya agad silang nag-sagutan nito.

“You, bitch?” sigaw ng babae kay Althea.

“Ha? Siya? Bitch?” sabay turo kay Althea, na cool na nakatingin sa babae. “O baka ikaw yun! Ikaw nga tong bumangga sa kanya tapos ikaw pa ang may ganang magalit? Hoy, babaeng bulang sa harina ang mukha, wag mong gagalitin ang kaibigan namin, baka manghiram ka ng mukha sa aso!” galit na singhal ni Janith.

Kaya ayaw naming galitin si Janith kasi baka hindi na mapigilan ang bibig niya.

“Tayo na!” yun lang ang sabi ni Althea. Pero nagtanong si Angie, “Ayaw mo bang humingi siya ng sorry sayo?” may pagtatakang tanong niya kay Althea.

“Na, ayaw ko ng aksayahin ang oras ko sa taong walang silbi sa lipunan!” malamig na sagot ni Althea. Sabay talikod siya, pero bigla na lang hinablot ng babae ang buhok niya. Dahilan upang napa-singhap kami sa ginawang pag sinuntok ni Althea sa mukha ng babae, kaya ito nawalan ng malay.

“Tayo na, Atis! Baka makulong tayo at may makakita at makasaksi!” sabi ko, sabay lingon sa paligid.

Nag-sitakbuhan kami, pero si Althea, parang wala lang, naglakad lang ito. Binalikan siya ni Janith at hinila habang tumatawa ganun din di Angie.

“Hahaha, ang galing mo talaga, Atis! At baka sa sunod ay sa police station na tayo babagsak!” sabi ni Janith.

Habang si Angie ay naka busangot ang mukha. "Kapang mangyari man -yun siguradong grounded ako sa amin!" sabi ni Angie, kaya tumawa lang kami. Hanggang nakalabas na kami at umuwi sa aming kanya-kanyang tahanan.

“Sige, kita na lang tayo bukas,” sabi ni Janith.

“Hoy, bakla! Walang pasok bukas!” sabi ko, kaya napangisi si Angie at Althea.

“Oo nga pala. Sige na, bye!” saka ito kumaway.

“Bye!” sagot naming tatlo nang sabay.

Habang kami tatlo ay pasakay na sa jeep, tulad ng dati pinagtiting kaming tatlong okay lang sana kung hindi masyadong mahala na sa aming dibdib sila nakatingin lalo na sa akin.

"Kakainis," bigkas ko saka ko niyakap ang aking bag upang matakpan man lang ang aking dibdib.

"Wag mo nang takpan, hayaan mo silang manigas ang kanilang patotoy!" walang gatol na sahi ni Angie. "At isa pa, buti nga at hanggang tingin lamang ang kanilang magawa," dagdag nitong sabi.

Kaya nakabusangot ako sa sinabi ng aking kaibigan.

"Tsk! Hindi ako sanay na may nakatingin sa aking dibdib!" wika ko. "Kasalanan 'to ni mama, kung bakit malaki ang dibdib ko!" busangot kong sabi.

Agad akong lumingon kay Angie, napa masid lamang ako sa kanyang ginawa. Ang uniform na aming sinuot ay kanyang binuksan ang dalawang bottom Kaya kitang-kita ang kanyang mayayaman na dibdib tulad din sa akin.

Hindi nagtagal, dumating na kami sa aming lugar. Pagbaba, bumungad ang mukha ng manliligaw ni Atis, kaya sinamaan niya ito ng tingin. Tiklop!

“Bye, Angie, Atis. Mauna na akong pumasok!” sabi ko.

“Bye!” sagot ni Angie, samantalang si Althea, tango lang ang sagot sa akin.

Fast Forward

Ngayon ang graduation namin, at sobrang saya namin lahat. Kita ko sa mga mukha ng mga magulang namin ang ligaya, lalo na kay Mama. Kahit na wala akong papa, pinagtapos at binigyan niya ako ng lahat ng pangangailangan sa school. Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa kanya.

Nagtapos na ang program, at nagpa-picture kaming apat para may remembrance. Bukas, aalis na kami ni Mama patungong Cebu para mag-aral sa college. Kinabukasan, hindi ko akalain na andito ang tatlo kong kaibigan, nag-iiyakan. Pero si Atis, parang wala lang.

“Heart, wag mo kaming kalimutan doon ha,” sabi ni Angie.

“Tumawag ka palagi, oh, sumulat,” sabi ni Janith.

“Mga tanga talaga kayo! Hindi naman yan aabroad, sa Cebu lang pupunta! At saka, may F******k at vcall naman tayo!” sabat ni Atis.

“Ahhhhh!” sabay na sabi nila.

“Kung ganoon, umalis na kayo, Heart,” sabi ni Janith, kaya ikinatawa ko.

“At saka sabihin mo kung ano ang hitsura ng mga ari nila, ha? Mahaba, malaki, o maliit na mahaba!” dagdag ni Janith.

"Tumahimik ka nga dyan! Sige na, bye bye na sa inyo! Hinihintay na ako ni Mama," sabi ko saka ko sila niyakap isa't-isa.

“Mamimiss ka namin, Heart!” sabi ni Janith.

“Oo, mamimiss ka namin,” sagot ni Angie.

“Mag-ingat ka doon, ha? Huwag magpaluko sa mga lalaki!” sabi ni Althea.

“Ako rin, mamimiss ko kayong tatlo…” sabay ulit yakap sa kanila.

“Anak, Heart, tayo na! Malate na tayo!” sabi ni Mama, kaya kumalas ako sa kanila at umalis.

Mabigat ang aking hakbang patungo sa taxi maghatid sa Airport. Sa huling pagkakataon ay lumingon ako sa kanila sabay kaway at tuluyang pumasok sa loob ng taxi.

"Ayos lang yan, anak!" bigkas ni Mama. "Masasanay ka din na wala sila sa tabi mo," dagdag nitong sabi.

"Ma, mamiss ko sila sobra!" sabi ko dito.

"Alam ko anak, pero kailangan nating lumipat sa Cebu dahil doon ako nilipat ng may-ari ng hospital," tugon niya na may ngiti sa labi. "Makahanap na din ako ng school at sigurado akong magugustuhan mo doon!" wika niya kaya napangiti ako sa sinabi ng aking ina.

Kahit na mahirap kami ay itinaguyod ako ni mama, hindi ko na nais magkaroon ng ama dahil sapat na sa akin ang aking ina na handang gawin ang lahat para lamang makamit ko ang aking pangarap na maging isang magaling na nurse, tulad niya.

Iwan ko ba kung bakit nais ni mama na maging nurse lang, ang pagkakaalam ko ay isa ding magaling na doctor ang aking ina ngunit tumigil ito at nag nurse na lang ng hindi niya nailigtas ang kanyang kapatid.

Labis akong nalungkot sa kanyang ginawa pero sabi nga niya. "Past is part , kaya wag ng balikan pa!" -yun ang lagi niyang sinabi sa akin kapang nagtanong ako ng dahilan.

Kaya ginagalang ko ang kanyang desisyon, hanggang isang isang araw one days before ang kami aalis ay may natanggap si mama ng isang ulat , hindi ko alam kung anong laman. Kinabukasan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status