Malamig na sa balat ang hanging pumapasok sa bukas na bintana ng kanyang sinasakyang bus.
Sinilip ni Rose ang oras mula sa relong suot. Kulang sampung minuto ay mag iika-anim na ng gabi. Kagat na ang dilim ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi niya mamalas ang kagandahan ng paligid. Pagka't nagagalak siya sa tuwing may nakikitang interesante sa kanyang paningin. Panay ang kuha niya ng litrato. Kaya laging nakahanda ang kanyang kamera. Marahas na bumuntong- hininga ang katabi niyang matanda. Kanina pa niya napapansin ang pamaya't-maya nitong pagsulyap sa kanya. Mula pa sa terminal ng San Jose ay kasabay na niya ang matandang babae. Sinubukan niya itong batiin kanina bago umandar ang sinasakyan nila. Nais niya sanang magbukas ng usapin naisip niyang masarap din may ka-kwentuhan sa byahe. Maliban kasi sa makakakalap siya ng mga impormasyon ay bawas inip na rin. Subalit ni hindi siya pinansin ng katabi. Bagkus ay iniiwas nito ang tingin sa kanya kaya't nanahimik na lamang din sya sa kinauupuan at nagkibit-balikat. Naisip niyang baka naman kasi nai-istorbo niya ito sa kalikutan niya. Matanda na ito at maaaring ayaw nang naliligalig. Pag nakakakita kasi siya ng magandang tanawin ay bigla na lang siyang napapasinghap at naiikot ang puwet sa kinauupuan. Minabuti niyang isilid na lamang ang kamera sa bag. Tumingin siya nang may paghingi ng paumanhin sa katabi ngunit nanatili itong pormal na sulyapan dili sya. Nagpasysa siyang tumanaw na lamang sa labas at binusog ang mga mata sa mga tanawing nababanaag pa niya sa gitna ng dilim. "Ineng, kung hindi ako nagkakamali ay dayo ka sa lugar na ito, hindi ba?" Mabilis na ibinalik ni Rose ang tingin sa katabi nang marinig itong magsalita sa kauna-unahang pagkakataon. Nasurpresa s'ya, marunong din pala itong managalog. Buong akala pa naman niya kaya siguro tahimik lang ito ay hindi sya naiintindihan. Bagama't may punto ang pananalita ay maayos naman nitong nabibigkas ang mga salita. "Opo," mabilis niyang sagot. Awtomatikong nagbigay siya ng palakaibigang ngiti rito. Isang tango ang isinukli ng kausap. Pagkatapos ay dumiretso nang tingin sa unahang bahagi ng sinasakyan nilang bus na tila may inaaninag. "Kung hindi mo mamasamain ay saan ba ang iyong tungo?" Sunod nitong tanong. "Patungo po ako ng San Fabian. Ayon po sa napagtanungan ko sa terminal ay anim na oras ang biyahe patungo roon. May kalayuan rin po pala." sagot niya na tuluyang nawala ang pagkailang sa kausap. Marahas siyang nilingon ng matandang babae. Gumuhit ang takot at pangamba sa mukha nito. "Hindi ligtas ang lugar na ito sa mga katulad mong dayo at babae pa mandin," pabigla nitong sabi. "H.. Ho?" aniya na nagulumihanan. Nagbibigay ba ng babala ang matanda o sadyang nananakot? Gusto sana niyang klaruhin ang sinabi nito subalit naramdamn niya ang unti- unting pagbagal ng bus hangang sa huminto na nga ito. Muling gumuhit ang pagkabahala sa mukha ng katabi. Sabay pa silang napatingin sa unahan. Nagtaka siya wala sa sinumang nakasakay sa bus ang tumayo upang bumaba. Sumilip siya sa bintana, wala siyang mabanaag kundi purong kadiliman lamang. Wala siyang maaninag na liwanag na maaaring makapagpatunay na may mga nakatira sa paligid. Kung gayon ay ano ang dahilan at huminto ang sinasakyan nila? Tingin pa naman niya ay liblib na lugar ang bahaging kanilang hinintuan. Naramdaman ni Rose ang pagkalabit ng katabi. Isang itim na bandana ang inia-abot nito na labis niyang pinagtatakhan. Nasa mata niya ang pagtatanong. "Gamitin mo itong panukob sa iyong ulo iyong siguradong matatakpan ang iyong mukha. Bilis kilos na!" Mabilis nitong wika. Pansin ni Rose ang takot sa tono ng pananalita nito. Naguguluhan man ay mabilis siyang sumunod. May kakaiba kasi sa paraan nito ng pag-utos. Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam ng kaba. Saglit pa at dalawang lalaki ang umakyat sa bus armado ng di-kalibreng mga baril at may nakakatakot na mga pagmumukha. Mahahaba ang mga buhok tipong walang ligo at mga balbas sarado. Kapara'y mga pusakal na hindi pahuhuli ng buhay. Tuluyang kumabog ang dibdib niya sa nakita. Bigla siyang nahintakutan. Kung hindi siya nagkakamali ng kutob ay bandido ang mga ito. Taong labas sa taguri. Bawat upuang matapatan ng mga lalaki ay sinusuri ang mga pasahero at mga k*****a. Kinukumpiska ang mga bagahe at wala ni isang naglakas-loob na mag reklamo. Ang iba nga ay kusa pang iniaabot ang mga bag nila o kung anupamang mga dalahin. Tila ang tanawing nasasaksihan ay pangkaraniwan na lamang na nangyayari sa araw-araw at nakasanayan na. Nagtama ang mata nila ng matandang babae. Sinenyasan siya nitong yumuko agad naman siyang tumalima. Lumalim ang kanyang paghinga nang nasa tapat na nila ang isang bandido. Mabilis nitong inabot ang mga gamit niya. Gusto sana niyang mag-protesta. Hindi niya inaasahan ang bagay na ito sa biyahe niya. Isang makahulugang sulyap ang ginawa ng matanda. Mukhang nahuhulaan nito ang tumatakbo sa kanyang isipan. Nakita niyang sinusuri ng lalaki ang gamit niya. Nagtaka siguro ito kung bakit kaiba ang bagahe niya sa karamihan. Kung bakit kasi nagmaleta pa siya na animo mag babakasyon ng bongang- bonga. Nagsalubong ang makapal na kilay ng lalaki ng makita ang kamera sa kanyang bag. Dumako ang mata nito sa pwesto niya. Naroon ang liyab. Sinakmal siya ng takot. Yumuko siyang pilit. "Ikaw! Tumingin ka sa akin." Turo nito. Hindi siya tuminag sa kinauupuan. Kunwa ay hindi niya ito naririnig. "Putsa, bingi ka ba?" Singhal nito. "Bakit pare?" Anang lalaki na naka-jacket. Palapit na rin ito. "Mukhang may naliligaw sa ating balwarte." Nakangising sagot ng lalaking balbas-sarado. "Mga ginoo, Ipag-paumanhin niyo na ang aking apo. Kagagaling niya lang mula sa pagta-trabaho sa Maynila. Mayroon siyang sakit at..." "Pinagloloko mo ba kami tanda? Dayo ang isang 'yan, pagtatakpan mo pa. Kahit hawak ka pa ni Dimitri sasamain ka sa akin." Angil nito. Nag-alala ang dalaga para sa katabi. Kinapa niya ang kamay nito at pinisil, tanda ng pasasalamat sa pagtatanggol sa kanya. Kung anuman ang dahilan nito sa pagsi-sinungaling ay mukhang nahuhulaan na niya. Pilit siyang inabot ng lalaki. Hinila nito ang bandana sa ulo niya. Napasigaw siya sa pagkabigla. Nagulat ang dalawang bandido nang tuluyan siyang tumambad sa paningin ng mga ito. " Put.....a! Pag sini-suwerte ka nga naman." Magka-panabay na bulalas ng dalawang balbas sarado. Nanlalaki ang mga mata. Nakaka-panindig balahibo ang mga pagmumukha habang nakangisi. Animo mga gutom na buwitre. "Ano iyang kaguluhan diyan?" Narinig niyang boses mula sa labas. "May napakasarap na karneng naligaw." Malisyosong sagot ng lalaking naka+itim na jacket. "Isama na iyan! " Mabilis siyang nahawakan sa kamay ng lalaki at hinila patayo sa kinauupuan. Sa pagkabigla ay wala siyang nagawa. Humingi siya ng tulong sa mga kapwa-pasahero ngunit maliban sa matandang nakatabi ay walang may gustong makialam o tumulong man lang. Tila bingi ang mga ito sa pakiusap niya at pawang takot ang nakalarawan sa mga mukha. Walang nagawa ang pagsisigaw at pagpupumiglas niya nang kaladkarin na siya pababa ng mga armadong lalaki mula sa bus. Bago tuluyang mabitbit ng grupo ay nakita niya ang awa at pag-aalala sa mga kapwa-pasahero. Hindi pa man ay tila may ideya na ang mga ito sa maaari niyang sapitin mula sa mga tampalasan.Masakit na ang mga paa niya sa walang habas nilang kalalakad na tila wala nang katapusan. Muli siyang nagmaka-awa sa mga taong bumitbit sa kanya. Subalit mistulang bingi ang mga ito sa kanyang pakiusap. Bagkus ay siyang-siya pa ang mga bruho habang pinagmamasdan siya sa napaka-miserableng kalagayan. Naramdaman niya ang pagsabit ng jeans sa mga sangang nakausli sa daraanan. Gumuhit ang kirot sa kanyang binti nang dumaplis ito sa balat niya. Gusto niyang humiyaw sa sakit. Habang daan ay nasampal niya ang lalaking naka-itim at naka kupasing itim na jacket. Tinawag itong Batik ng mga kasama. Siguro ay dahil sa mga patsi-patsing kulay itim nito sa mukha. Diring-dire siya nang subukan siya nitong halikan sa labi. Mabuti na lamang at sinaway ito ng isang kasamahan. Anang lalaki ay isurender daw muna siya sa nangangalang pinunong Horan. Kailangan raw mag pigil ng lalaki at baka samain sila. Saka na raw sila magpyesta pagkatapos ng pinuno. Nag-alburoto ang lala
Masukal ang kagubatan. Duda si Rose kung makakalabas pa siya ng buhay. Ni wala siyang palatandaan palabas para makarating man lang sa pinakamalapit na bayan. Hindi na nga niya alam kung saang panig na sya ng Cotabato. Fighter siya at hindi basta-basta sumusuko, pero sa pagkakataong ito ay hindi niya maiwasang panghinaan ng loob at tuluyang mangamba sa pansariling kaligtasan. Ipinilig niya ang ulo at ilang beses na nagpikit mata. Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano makakatakas sa mala- impiyernong kinasasadlakan. Hindi siya maaring magtagal sa lugar na ito, kundi ay tuluyan siyang mapapahamak. Naalarma siya nang may maramdaman na mga paggalaw. Bumukas ang kawayang pinto. Mabilis siyang bumalikwas sa pagkakaupo at pagkakasandal sa pawid na digding tumayo at sinino ang pumasok sa kinaroroonang kubol. Pumasok ang lalaking naka-leather jacket kanina. She gasped at the sight of him. Kasunod nito ang isang binatilyo na sa tingin niya ay naglalaro sa labing
Malalim na ang gabi nang maalimpungatan si Rose. May kung anong magaspang na bagay na dumadama sa leeg niya. Pinilit niyang idilat ang nakapinid na mga mata para lamang manlaki nang mapagsino ang pangahas na nilalang sa tabi niya at tila demonyo sa pagkakangisi. At bago pa man siya makapiyok ay mabilis na tinakpan ng lalaki gamit ang nanlilimahid nitong kamay ang bibig niya. Nangatal siya sa takot. Nang mga sandaling iyon ay batid niyang nasa totoo siyang panganib. "Sshhh. Hindi na ako makapag-pigil sayo napakaganda mong babae. Para kang labanos sa kaputian," takam na takam na tinuran ng bandidong si Batik sa kanya. "Ikaw na ata ang pinakamasarap na karne na naligaw dito sa gubat kung sinuswerte nga naman. Kumbaga sa delata isteytsayd ka." patuloy pa ng lalaki. Ang mata nitong mabalasik ay napuno ng pagnanasa habang hinahagod siya ng tingin. Pangit na nga ang lalaki ay nagmukha pa itong satanas sa harap niya. Kulang na lang ay tubuan ito ng sungay. Pumalag siya nang ma
Bagama't tila nauupos na kandila ang pakiramdam ay pinanatili niya ang malay. Nagulat siya nang marinig na napagibik si Batik maya-maya. Sa nanlalabong mata ay pilit niyang binanaag ang lalaki. Labis ang kanyang pagkagitla nang makita na nakaangat ang mga paa nito sa lupa at sakal-sakal ng isang malaking bulto. Malakas na pinadapuan ito ng suntok sa mukha ng lalaking nanghimasok. Bumalandra si Batik at bumulagta. Sumargo ang ilong at binulwakan ng sariwang dugo ang bibig nito. Sinugod muli ang hindi niya nakikilalang lalaki at makailang ulit na tinadyakan sa dibdib ang maapangahas na bandido. Hindi pa nakuntento at pinuntirya nito ang mukha ng tulisan. Halos mabasag ang mukha ni Batik sa suot na combat shoes ng lalaking nangahas na atakehin ito. Gulapay at hindi na gumagalaw ang tampalasan. Sa wari niya ay nawalan na ito ng ulirat. Subalit hindi pa rin ito tinatantanan ng lalaki. Napasinghap si Rose sa panghihilakbot. Ganoon pala ang pakiramdam nang makasaksi ng pagpatay. Nak
Akmang magpupumiglas na sana si Rose nang magsalita ang may-ari ng kamay. "Ako to." "Dimitri?" aniya at mabilis itong nilingon. Tinanggal ng lalaki ang suot na bonnet. Napasinghap ang dalaga nang tuluyan itong mapagmasdan. Nakaramdam siya ng kaluwagan ng loob. Sinuri ni Dimitri ang sugat niya na para bang malinaw nitong nakikita iyon Mabilis nitong hinablot ang bandana sa leeg at itinali sa kanyang binti sa parteng naroon ang sugat upang maampat ang pagdurugo. Sabay pa silang napalingon nang maulanigan ang paparating na mga yabag at nag-aanasang mga boses. "Halughugin ang gubat maging kasukal-sukalan nito. Maaaring hindi pa nakakalayo ang mga iyon. Dalhin niyo sa akin ng buhay ang babae at ang pangahas na pakialamero." Boses iyon ni Horan. Nanggagalaiti ito sa galit. Napatingin siya kay Dimitri, naroon ang pagkabahala at muling pagkabuhay ng takot. Nakatitig din ang lalaki subalit wala siyang mabanaag sa mukha nito na anumang reaksyon. Pinanatili nito ang pagigin
Pinaandar na muli ni Dmitri ang motorsiklo nito at nagpatuloy. Hindi pa man nakakabawi sa pagkabigla ay nanlaki ang mata ng dalaga nang maramdaman ang solidong masel ng lalaki sa tiyan. Juice ng mga inumin! Steely body, oh my Jeez! Nakaka-tense ang abs. Six or could it be eight packs? It makes her hormones unruly and agitating. Her body started to tremble. Nakakahiya! Upang maiwasan ang labis na pagkailang ay inabala ni Rose ang sarili sa paligid. Kung hindi siya nagkakamali ay madaling araw na. May gahibla na rin ng liwanag na sumisilip sa dako pa roon ng silangan. Rough road ang tinatahak nilang kalsada. Sunod-sunod ang pagkakalubak nila kaya't napapadalas ang higpit ng yakap niya kay Dimitri na mukhang hindi naman nito alintana. Malayo-layo na rin ang kanilang nalalakbay nang pumasok sila sa isang maliit na baryo. Huminto sila sa harap ng isang katamtamang bahay na hati sa semento at kahoy ang pagkakagawa. Napapalibutan ito ng mga nagtatayugang puno na hin
Isa pa uling malalim na pagbuga ng hangin ang ginawa ni Dmitri. Tuluyan na siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Kanina pa siya hindi komportable sa kanyang pwesto. Pinagkasya niya lang kasi ang sarili sa mahabang upuang yantok na nasa sala sa nakabaluktot na posisyon. Minabuti niyang maupo na lamang sa upuang yari sa kawayan. Sinulyapan niya ang nakapinid na pinto. Tahimik na sa kanyang silid patunay na maaaring mahimbing nang natutulog ang kanyang hindi inaasahang panauhin. Naisapo ni Dmitri ang dalawang palad sa mukha, inihilamos, pagkuway tumayo sya at nagpabalik-balik ng lakad sa may katamtaman niyang sala. Andun iyong pinagkikiskis niya ang dalawang palad at muling mapapasulyap sa kanyang kuwarto. Hindi siya madalas magkabisita kaya ang kaalamang may ibang tao sa loob ng kanyang pamamahay ay nagdadala ng labis na alalahanin sa kanyang isipan. Nadagdag pa tuloy sa kanyang isipin ang estrangherang babae. Hirap tuloy siyang dalawin ng antok dahil sa bilis ng mga pangyayari. N
Napukaw ang pansin ni Dimitri sa munting kaluskos sa bahagyang liwanag. Kinapa niya ang beretta sa tagiliran at nakiramdam sa paligid. Dama niya ang mga matang nagmamanman sa 'di kalayuan. Nang masigurong hindi panganib ang dala nito ay muli niyang itinago ang baril. "Labas na, alam kong ikaw iyan Bugoy. Baka manuno ka pa sa katatago riyan sa halamanan," aniya. Lumitaw ang binatilyo at mabilis na lumapit sa binata. "Kuyang, kumusta po si ma'am snow white?" Agarang tanong ni Bugoy at saglit na sumilip sa loob ng bahay. "Natutulog na siguro.Anong balita sa bundok?" usisa niya. "Patay na si Batik napuruhan mo po kuyang. Galit na galit si pinuno at mahigpit na pinag-hahanap si ma'am at maging ikaw. Ahh... ang ibig ko pong sabihin ay iyong, tumulong kay ma'am na makatakas." Sagot ng binatilyo. "Naghinala ba sila?" "Hindi pero inutusan niya akong paakyatin ka ng bundok. Inaatasan ka niyang siyang maghanap sa dalawang tumakas. Hinigpitan na rin ang pagbabantay sa San Fab
🌹Chapter Sixty🌹(Ang Katapusan)Rose was stunned. Her eyes still went wide. Tama ba siya nang rinig? "Na... naaaalala mo?" atubiling tanong niya. "Yes, I remembered everything, particularly...us." malambing na sagot ni Alexander, habang nakatunghay sa maliit niyang mukha. Sa nanlalaking mata ay muling umawang ang mga labi niya. Hindi agad siya nakapagsalita. Pilit inaaabot ng isip ang mga salitang nagmula sa lalaki. Baka kasi dinadaya lamang siya ng pandinig. "P...pero sabi ni Lance..." "Ni Lance? putol ni Alexander na may pagkunot ng noo. "Yes, he said you did not remem...," she paused. "Oh that bastard, he tricked me!" She hissed. Sukat humalakhak si Alexander. "You two have the same feathers," sabi ni Rose, na kinakitaan ng pagkapikon. "So devastating that you may remember parts of the memory but not all of it," dagdag niya. "You're the most beautiful part of it," Alexander said softly, while gently caressing her shoulder. "But you set me up.
Abala man sa ginagawa ay hindi magkamayaw si Rose sa katatanaw kay Alexander. Tinutulungan niya sa paghahanda ng pagkain ang Tiyang Linda niya. Kanina ay pinilit niyang magpaka-kaswal habang kaharap si Alexander. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga natuklasan ngayong araw. Gimbal pa rin siya at hindi agad-agad makabawi sa naging pag-uusap nila ni Lancelot. Hindi rin niya matiyak sa sarili kung ano ba ang nararapat niyang maramdaman sa mga sandaling ito. Ang kaalamang buhay si Dmitri ay labis na nagpagalak ng kanyang puso. Subalit ang katotohanang burado sya sa mga alala nito ay nagdudulot ng 'di matawarang hapdi at kirot sa kanyang damdamin. Ibang klase magbiro ang tadhana. Dumarating sa mga panahong hindi mo inaasahan at hindi ka handa. Huminga sya ng ubod lalim nang makaramdam ng pagbigat sa dibdib. Hinagod niya iyon gamit ang kamay dahil sa pakiramdam na paninikip. Pinuno niya ng hangin ang kanyang busto. Muli niyang sinulyapan si Alexander. Puno ng kasiyaha
“Kung ganoon ay saan dinala ni Alexander ang anak ko?" aniyang pilit na ginagawang pormal ang tinig. Napaupo siya sa katapat na silya ng lalaki. Larawan ng kalituhan at kawalan ng magawa. Punong-puno siya ng pangamba para sa anak. Nakakahiya man ay nawawala ang composure niya sa harap ng abogado. Mistulang balisa at tuliro sa itinatakbo ng mga pangyayari. Kagabi lamang ay talo pa ni Alexander ang totoong mangingibig sa pagpapadama ng pagmamahal. Sadyang ginugulo ng lalaki ang isip at damdamin niya. Sa isang pitik lamang ay dagli nitong naparupok ang kanyang depensa bilang babae. Paano kung ang lahat ng ipinakita nitong pagsuyo ay pawang balatkayo lamang upang makuha ang kanyang loob at pagtitiwala? Saan hahantong ang lahat? Isa ba sa mga istratehiya nito ang magpanggap upang mapagbayad siya sa isang pagkakamali na hindi niya mahanapan ng sagot? Spare my daughter Alexander, Oh God. she mouthed. Handa siyang harapin ang anumang kaso na maaring ipataw ng asawa. Kung
Nag-alala si Tiyang Linda para kay Rose na noo'y nagdadalaga pa lamang. Sa wari nito ay sinasamantala ni Don Manolo ang kanilang pangangailangan dala ng kahirapan. Ilang beses nitong pinayuhan ang pamangkin na pag-isipan o pagnilayang mabuti ang mga proposisyon ng Don. Subalit hindi nagpapigil si Rose at agad na pumirma sa kontrata. Nabahala si Tiya Linda noong una sa pag-aakalang hindi maganda ang hangarin ni Don Manolo sa pagtulong. Kalaunan ay nakita niya ang kabutihang loob ng matanda lalo na at malaki ang nagawa nito upang maging maayos ang kanilang buhay. At aminado siya sa bagay na iyon. Pagkat nagkaroon ng magandang kinabukasan ang pamangkin at siya naman ay nagkaroon ng maayos na hanap-buhay. Nakapagtapos si Rose ng pag-aaral sa isang de -kalidad na unibersidad at nakapagtrabaho sa radyo't telebisyon maging sa kilalang pahayagan. Naging kilala itong magaling na mamamahayag at kalaunan ay naging komentarista. Kasabay noon ay nakakatanggap si Rose ng iba't iba
Nagising kinabukasan si Rose na mag-Isa na lamang sa kanyang silid. Nang kapain niya ang bahagi ng kama ay bakante na iyon at wala ni anino ni Alexander. Tuluyang nagising ang kanyang diwa at iginala ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Subalit ay walang palatandaan ng lalaki. Nagmamadaling inabot ni Rose ang roba sa tabi. Mabilis na isinuot upang mapagtakpan ang kahubaran. Saglit na nag-init ang kanyang mukha sa pagka-alaala sa nangyari nang nagdaang gabi. Pinakiramdaman niya ang banyo baka sakaling naroon lamang ang asawa. Nang hindi makuntento ay sinubukan niyang kumatok ng mahina. Subalit walang senyales na may tao sa loob. Ni wala siyang ingay o kaluskos man lamang na maririnig. Agad siyang nag-ayos ng sarili at nagbihis nang mapagtantong baka nauna nang lumabas ang asawa. Sa kusina ay nabungaran niya ang tyahin na abala sa pagluluto. Tinapunan siya ng tingin ni Tiya Linda nang may kahulikap na ngiti. "O, mabuti at nagising ka na, aba'y umalis ang asawa mo." imporma ni
Hesusmaryosep! Anang tiya Linda na napaantada, larawan ito nang pagkagulat sa natunghayan sa kusina. "Tiyang!" lingon dito ni Rose. Mabilis siyang kumawala kay Alexander. Tumayo at inayos ang sarili. Pagkatapos ay nahihiyang napatitig sa tiyahing mulagat. A…Alexander?" sambit ng tiyahin, hindi makapaniwala ang babae na mabubungaran sa kusina ang lalaki kasama ang pamangkin sa isang mainit na tagpo. "Magandang gabi po, Tiyang Linda." Seryosong bati rito ni Alexander. Agad na nagmano ang lalaki sa matanda na bagama't nagpaunlak ay larawan ng kalituhan. Sinulyapan ni tiya Linda si Rose na hindi malaman kung paano magpapaliwanag at hindi rin makatingin ng diretso sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa na puno ng pagdududa. Aktong magpapaliwanag na sana si Alexander nang unahan ito ni Rose. "N... Nagkita po kami sa event." aniya sa tiyahin. "Hinatid niya po ako dito sa bahay at..." "At...?" tuloy na tanong ni tiyang Linda na may halong pagkainip. "
Muling pinasibad ni Alexander ang Ducati nito pagkatapos ng ilang saglit. Hindi alintana ng lalaki ang rumaragasang ulan. Nagpatuloy ito at mas lalo pang binilisan ang pagpapatakbo. Hindi naman magkamayaw sa pag-aalala si Rose. Dahil basang-basa na ang asawa. At ang buhos ng ulan ay tila nakikipaggirian sa lakas ng bayo. Kay bilis rin ng takbo nila. At sa dilim na bumabalot sa paligid ay duda siyang naaaninag pa ng asawa ang kalsada. Subalit tila gamay na gamay ni Alexander ang dinaraanan. Mariin na lamang syang pumikit at mahigpit na yumakap sa lalaki. Sa kabila naman ng pangamba ay gising na gising ang mga pandama niya sa init na hatid ng pagkakalapit muli ng kanilang mga katawan. Nakailang bitiw siya ng malalim na paghinga. Nakakaloka ang senses niya at gusto pa ata siyang ipahiya. "We're here," bulong ni Alexander na nagpa-igtad sa kanya. Paglinga niya ay unang tumambad sa paningin niya ang bakod ng kanilang bahay na yari sa bakal. Namamanghang napatitig siya sa la
Hindi na nagawang makapag-reklamo pa ni Rose. Wala siyang nagawa kundi ang madismaya na lamang sa itinakbo ng mga pangyayari. Tumigil na rin sya sa kapapalag dahil nagmumukha lang siyang katawa-tawa. Sa higpit ng pagkakabitbit sa kanya ni Alexander malabong makaalpas sya. At ang tanga niya sa parteng wala siyang ni ideya na magkakilala pala sila Dusan at ang asawa. Kung ang pangunahing pakay ni Alexander sa pagtungo sa Cotabato ay para kastiguhin siya, nakapagtataka ang pagiging kalmante nito. Katunayan ay halos gustong lumundag ng puso niya nang masilayan sa muling pagkakataon ang guwapong mukha ng lalaki. Her defenses were weakened by his grin. For the past few weeks, she had never seen him. In her heart, she longed for this man. Buong akala pa mandin niya ay sasalubungin siya nito ng poot at galit. Ngunit malayo roon ang ipinapakitang kilos ng lalaki. Halos kabaliktaran. She heaved a sigh of relief. Gayunpaman ay nilinga niya ang paligid. Malay ba niya kung may mga
Eksaktong ika-walo ng gabi nang marating nila ang Plaza Hotel. Iginiya sila ng usherette na sumalubong sa kanila pagpasok pa lamang sa bulwagan. Habang naglalakad ay ramdam ni Rose ang mga matang nakamasid. Mula pa kanina sa entrance ay takaw-pansin na ang pagdating nila ng alkalde. Mayroong kababakasan ng paghanga; may tinging nang-iintriga; at mayroon ding nakaarko ang mga kilay. Ipinakilala siya ni Dusan sa mga kaalyado nito. May tuksuhan subalit tinapos ng kaibigan sa salitang magkaibigan lamang sila. Ilang dating katrabaho sa larangan ng media ang natanaw niya sa 'di kalayuan. Kuntodo kaway ang mga ito kaya't saglit siyang nagpaalam kay Dusan na nagpaunlak naman. "OMG! Are you dating the elusive Mayor Dusan Aguirre?"Salubong ni Karla, na namimilog ang mga mata. Dati niya itong nakasama sa isang malaking network as anchor. Nakipag-beso ang babae. "We're just friends," Rose simply responded. "Then you've got everybody fooled here, darling." sambit ni Karla, na h